A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 48

53.2K 2.1K 726
By Maria_CarCat

S.I.A




Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa pinaghalong takot at kaba. Hindi ko halos ma-alis ang tingin ko sa kawawang sisiw. Sobrang bigat ng dibdib ko, hindi man kasi direktang sinabi sa sulat ay alam ko na kaagad kung anong gusto nitong ipahiwatig.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Hunter sa akin, kaya naman hindi natuloy ang pamamanhid ng aking buong katawan.

"Shh...Don't worry about it. I promised you, Hartemis is going to be safe. Walang mangyayaring masama sa kanya," pag-aalo niya sa akin.

I find his word comforting, but it didn't change the fact that Hartemis is not safe. They're eyeing for her, they want to hurt my baby.

Nakita ni Hunter na hindi ko ma-alis ang tingin ko sa sisiw kaya naman pinilit niyang itinago ang mukha ko sa dibdib niya at mas lalong niyakap ng mahigpit.

"Bakit kailangang idamay ang baby ko? Hindi ko kakayanin pag may nangyari..."

"Walang mangyayari," giit niya.

"Nandito ako, hindi ko kayo papabayaan. Hindi nila kayo malalapitan," paninigurado niya sa akin.

Ilang beses kong naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. Marahan din niyang hinahaplos ang likod nito para pakalmahin ako.

Bumalik kaagad kami sa loob ng hospital, kinuha ko si Hartemis kay Kuya Wil. Matapos ko siyang kuhanin ay halos ayoko na siyang bitawan. Sa tuwing may dumadaang ibang tao sa hallway ay mas lalo kong hinihigpitan ang yakap sa baby ko.

Walang dapat na pagkatiwalaan.

Panay ang halik ko sa kanyang ulo habang naka-kakandong siya paharap sa akin. Naramdaman niya 'yon kaya naman kumawala siya ng bahagya sa yakap ko at tiningala ako. Ngumuso ako sa kanya dahilan para mag-pout din siya at humalik sa labi ko.

Matapos 'yon ay marahan kong pinisil ang ilong niya. Tumawa si Hartemis dahil sa ginawa ko kaya naman hindi ko napigilang mapangiti.

"Don't be too nice to everyone, ok?" malambing na paalala ko sa kanya. Kahit alam kong hindi tama ang itinuturo ko sa kanya. Pero iba kasi ang sitwasyon namin ngayon.

"Don't entertain people you don't know..." pahabol ko pa.

Seryoso ko siyang kinakausap kaya naman seryoso din siyang nakikinig sa akin. Nag-ingay nanaman siya na para bang sumagot siya sa mga sinabi ko sa kanya. Habang ginagawa niya 'yon ay marahan kong inaayos ang ilang hibla ng buhok niyang humaharang sa mukha niya.

"Opo..." sagot ko sa tuwing may sinasabi siyang hindi ko naman ma-intindihan. She needs to feel that her thoughts is valid with me and I really want us to practice a good communication.

Ayokong dumating yung araw na may mga bagay siyang hindi niya kayang sabihin sa akin, dahil lang sa natatakot siya. Gusto kong maging magaan ang loob ng baby ko sa akin, para naman kung sakaling may sikreto siya o may nararamdaman ay masasabi niya.

Isa 'yon sa mga bagay na hindi namin nagawa ni Mommy. Ang magaan kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko.

Nanatili ang tingin ko sa baby ko kahit ramdam ko ang paglapit ni Hunter sa amin. Mukhang tapos na siyang kausapin ang mga tauhan niya, na-ireport na din sa pulis ang tungkol sa natanggap na package.

"Maria Hartemis," nagtatampong tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang ma-distract pag nandyan ang Daddy niya.

Tumawa siya, alam niya ata kung para saan ang reklamo ko. Nilingon niya ang Daddy niya na umupo sa tabi namin. Hinawakan ko sa magkabilang pisngi ang baby ko at marahang ibinalik ang tingin niya sa akin.

"Kinakausap ka pa ni Mommy," paalala ko sa kanya kaya naman tinawanan niya ako.

Pinilit niyang kumawala sa hawak ko para lingonin ang Daddy niya.

"No," giit ko at niyakap ulit siya ng mahigpit para itago ang mukha niya sa gabi ni Hunter.

Sumimangot ako at nilingon si Hunter na tahimik na nakatingin sa aming dalawa. Gusto ko siyang sisihin, pakiramdam ko kasi mas close na silang dalawa.

"Wala akong ginagawa."

Inirapan ko na lang si Hunter at muling hinarap ang baby ko para kausapin siya. Nakinig naman siya sa akin pero distracted talaga sa presencya ng Daddy niya.

"Favoritism is bad, ok? Dapat si Mommy lang ang favorite mo," sabi ko kay Hartemis.

"What?" natatawang tanong ni Hunter.

Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, hanggang bumaba 'yon papunta sa bewang ko.

"Selosa," akusa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Akala siguro niya ay pupunahin ko ang pagtawag niya sa akin ng selosa.

"Kamay mo ha," paalala ko sa kanya.

Ngumisi siya. Umaktong nagulat ng tanggalin ang kamay sa bewang ko.

"Hindi ko namalayan...favorite niya kasi 'yon hawakan," sabi niya tukoy sa bewang ko.

"Ewan ko sayo."

Pilit naming pinagaan ni Hunter ang sitwasyon, pero nandoon pa din yung takot, sa tuwing matatahimik kami, sa tuwing pareho kaming nakatingin kay Hartemis.

"Walang makakapanikit sa inyong dalawa, hangga't nandito ako," paninigurado niya.

Hindi namin isinekreto ang tungkol sa package kina Mommy at Daddy. Isa sa mga natutunan namin all these years ay hindi din maganda minsan na solohin ang problema, kagaya na lamang sa nangyari kay Hunter.

"Gagawin ko ang lahat para makatakas sa kulungan para patayin si Everette sa oras na may gawin siya kay Hartemis," gigil na sabi ni Mommy.

Para bang nawala ang lahat ng sakit sa katawan niya. Kung hindi nga lang siguro siya naka-swero ay kanina pa 'to tumayo.

"Walang mangyayari sa apo at anak natin," pagsingit ni Daddy kaya naman biglang natahimik ang lahat.

Hindi ko din alam kung bakit halos nabingi kami sa katahimikan.

Nagseryoso din ang pag-uusap pagkatapos non. Nasa loob na din ng kwarto si Kuya Wil. Doon muna kami kina Hunter, gustuhin man kasi ni Daddy na sa bahay niya kami ay hindi pwede, magkakagulo lang dahil sigurado namang hindi papayag si Ericatrina.

"Magiging maayos ba ang apo at anak ko sa puder ng mga Jimenez?" tanong ni Mommy sa kung sino, hindi man niya direktang itinanong 'yon kay Hunter pero alam kong sagot niya ang hinihintay nito.

"Hindi ko sila papabayaan. Magiging maayos at ligtas sila sa amin," sagot ni Hunter sa kanya.

Tumikhim si Mommy pero sa huli ay nanahimik na lang.

Sina Kuya Wil at ang pamilya niya ay doon muna kila Daddy tutuloy hangga't hindi pa nahuhuli si Everette. Delikado dahil hindi namin nakikita ang kalaban, at wala ding naniniwala na may kalaban kami dahil ang alam ng lahat ay patay na 'to.

"Paano po kayo Mommy?" malungkot na tanong ko.

Pinaplano namin kung paano kami magiging safe dito sa labas, pero paano naman siya pagbalik niya sa loob?

"Kaya ko ang sarili ko," laban niya.

"Paano po kung may gawin nanaman sila sa inyo? Paano kung hindi lang 'to ang mangyari?" tanong ko, gusto kong ma-iyak sa harapan niya, pero alam kong hindi niya magugustuhan 'yon.

"Kung ganoon...magkita na lang kami ni Everette sa impyerno, hihintayin ko siya," seryosong sabi niya na hindi namin nagustuhan.

Magp-protesta pa lang sana ako pero naunahan na ako ni Daddy.

"Wag kang magsalita ng ganyan, Atheena. May nakausap na ako sa loob, hindi ka na sasaktan doon." Si Daddy.

Kung pwede lang sanang magtagal pa si Mommy sa Hospital, para kahit papaano ay napupuntahan namin siya, mas palagay kaming safe siya.

Wala kaming sinayang na oras, dahil ng sumunod na araw ay nag-ayos na din kaagad kami ng gamit.

"Ma-mimiss ko si Hartemis," malungkot na pagkausap ni Dawn dito.

"Sandali lang tayong maghihiwalay, Ate Dawn," sagot ko on behalf of my baby.

Babalik din ang lahat sa dati sa oras na mahuli si Everette, may katapusan din ang kasamaan niya.

Niyakap din kami ng mahigpit ni Kuya Wil. Ilang beses na kaming nahiwalay sa kanya, ang importante ngayon ay sigurado din kaming safe sila sa poder ni Daddy.

Ako ang nag-ayos ng ilang gamit na dadalhin namin sa bahay nina Hunter. Hindi pa totally nagsi-sink in sa akin na titira nga kami sa kanila, pero nagpatuloy pa din ako sa pagliligpit.

Karga niya si Hartemis habang pinapanuod nila akong dalawa sa pagpili ng mga damit namin. Nakaramdam ako ng kaba sa tuwing naririnig kong kinakausap niya ang baby namin tungkol sa bahay nila.

"Ayos lang ba talaga sa parents mo?" tanong ko. Hindi ko na napigilan.

"Oo, sila din ang nag-suggest nito. Don't worry doon din muna sina Kuya Hob at Alihilani para naman hindi ka ma-ilang," sabi niya sa akin.

Gustuhin ko mang tanggihan ang plano, kailangan naming gawin 'to para sa safety ng lahat, lalong lalo na ni Hartemis. Kailangan kong pagbigyan si Hunter na protektahan ang baby namin sa paraang alam niya.

Nakakalungkot din namang pansamantalang iwanan ang apartment namin, naka-alis na din sina Kuya Wil dahil ipinasundo na sila ni Daddy. Kulay itim na Ford Raptor ang dala ni Hunter kaya naman nag-kasya na sa likod ang lahat ng dala namin.

"Sigurado bang walang gumagamit nung kwartong tutuluyan namin?" tanong ko habang papasok na kami sa subdivision.

"Meron," sagot niya sa akin na kinagulat ko. Ayoko namang maging abala pa kami.

"Sino? Nakakahiya naman kung kinakailangan niyang lumipat ng kwarto..."

"Hindi naman siya lilipat, doon din siya matutulog kasama niyo," sagot ni Hunter.

"Ah...double deck ba 'yon?" tanong ko. Hindi naman na ako magrereklamo pa kung may ibang kasama.

Nilingon ko si Hunter ng marinig ko ang mahina niyang pag ngisi.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto ko kayo matutulog," pag-amin niya kaya naman napaawang ang bibig ko.

"At ikaw?"

"Hindi ako lilipat."

"Pero Hunter..." reklamo ko. Bahala nang masabihan ng reklamador pero hindi ako papayag.

"Dapat safe kayo ni Hartemis kahit sa pagtulog, kaya doon kayo sa kwarto ko," laban niya sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Sa couch ko...sa sofa," laban ko at nag-iwas na ng tingin.

"Noted, Miss."

Ma-init kaming sinalubong ng parents ni Hunter. Habang buhat ko si Hartemis papasok ay abala naman sila ng Daddy niya sa pagbaba ng mga gamit namin. Hindi ko ma-iwasang punahin ang laki at ganda ng bahay nila.

"Hartemis," tawag ni Mrs. Jimenez sa baby ko.

Sinubukan niyang kuhanin ito mula sa akin, pero tinalikuran lang siya ng baby ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"S-sorry po. Nakatulog po kasi sa byahe at kakagising lang," paliwanag ko. Dahil lang siguro 'yon sa wala siya sa mood dahil kakagising lang.

Ngumiti si Mrs. Jimenez, "Ayos lang, ganyan talaga ang mga baby," sagot niya sa amin pero patuloy pa din siya sa pagkausap sa baby ko.

Mula sa may second floor ay bumaba si Hobbes na mukhang bagong ligo, tiningnan niya ako at tipid na tinanguan. Lumapit siya sa amin nang makita niya ang tingin ni Hartemis sa kanya. Sumama kaagad ang baby ko nang naglahad ng kamay ang Tito niya.

"Sa akin ayaw sumama," reklamo ni Mrs. Jimenez.

Tinawanan lang siya ni Hobbes bago nito hinalikan sa pisngi ang baby ko.

Hindi nagtagal ay bumaba na din sina Ate Alihilani at Allennon na mukhang kakagising lang.

"Tulog pa 'yan bago ako bumaba," nagtatakang pun ani Hobbes.

Lumaki ang ngiti ni Ate, "Ginising ko para makababa ako," sagot niya dito kaya naman napapikit ng mariin si Hobbes at natawa na lang.

"Hi, Hartemis," malambing na bati ni Ate dito.

Kinuha ni Hobbes si Allennon para kargahin sa kanyang kabilang kamay. Matapos humalik sa baby ko ay kaagad siyang lumapit sa akin para yakapin ako.

"Kamusta ang byahe niyo?"

"Ayos naman, Ate. Hindi naman kami nahirapan," sagot ko.

Sinabi niya sa akin kung gaano siya kasaya na nandito kami ni Hartemis. Patapos pa lang din kasi ang bahay na pinapagawa nil ani Hobbes, nandito din 'yon sa loob ng subdivision. Nalaman kong dito din sa subdivision na 'to nagpatayo ng bahay ang mga pinsan nilang Herrer.

"Marami kaming hinandang pagkain..." kwento niya sa akin.

Naging abala si Mrs. Jimenez sa kusina. Nakita ko ang saya sa mukha ni Mr. Jimenez dahil sa pagdating namin. Kinuha niya ang dalawang apo at kinarga habang naka-upo sa may sofa. Kahit masaya ay hindi ko pa din ma-iwasang isipin na mas masaya sana kung kasama din namin si Hermes.

Nalipat ang tingin ko sa mga family portrait na nakasabit sa may pader. Hanggang sa nagulat ako ng makita ko ang isang frame doon na may pangalan ng baby ko. kuhang kuha din sa painting ang itsura niya bago siya mawala.

"He will always be remembered, hinding hindi makakalimutan si Hermes," bulong ni Hunter sa akin ng mapansin niyang nagtagal ang tingin ko doon.

Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko, marahan niyang pinunasan 'yon.

"Siguradong masaya ang baby ko kung nasaan man siya ngayon."

"Baby natin," pagtatama niya na hindi ko na kinontra pa.

Hinayaan nila kaming umakyat na muna para makapagpahinga, tatawagin na lang daw pag handa na ang pagkain. Binuksan ni Hunter ang pintuan ng kanyang kwarto, hindi ko kaagad ako pumasok, ito ang unang beses na makakapasok ako sa kwarto niya.

"Starting from now, this is your room too," sabi ni Hunter.

Hindi ako umimik, humigpit ang yakap ko kay Hartemis ng tuluyan kaming nakapasok sa loob. Malaki ang kama ni Hunter, kasya nga ata ang tatlo hanggang apat na siya doon. Black and grey ang interior ng kanyang kwarto.

Itinuro ni Hartemis ang kama ng Daddy niya kaya naman lumapit ako doon at inilpag siya. Kaagad siyang gumapang papunta sa mga unan at humiga, alam ko na kung anong gusto niyang mangyari ng sinimulan niyang isubo ang thumb niya.

"Gutom," nakangiting sabi ko.

Bago pa man ako makagalaw ay nauna na si Hunter na hanapin ang baby bag nito para ihanda ang baby bottle.

Nilabas ko ang mga gamit namin, sinabi sa akin ni Hunter kung saan ko pwedeng ilagay 'yon. May mini walking closet siya, bagay na hindi ko in-expect sa kanya. Habang ginagawa ko 'yon ay nakita ko kung paano niya kuhanan ng litrato ang baby namin habang nasa gitna ng kama niya.

Mas lalong naging maliit si Hartemis dahil sa laki no'n.

"Sa susunod kasama si Mommy," sabi niya at tumingin sa akin.

"Dito ka sa couch," turo ko sa kinauupuan ko.

Ngumisi siya. "Hindi ako kasya diyan," reklamo niya pero hindi ko siya pinansin.

Padapa siyang tumalon sa kama dahilan para halos tumalbog si Hartemis.

"Hunter!" suway ko sa kanya.

Hindi ko na nasundan pa ang dapat na sermon ng marinig kong pareho silang tumawa na dalawa.

Tamang tama daw ang paglipat namin para sa nalalapit na party na magaganap sa kanilang bahay. Family party naman 'yon kaya walang dapat na ikabahala.

"Wag kang mag-alala, dito ko naman gagawin ang mga trabaho ko...akong bahala sa kanilang dalawa," sabi ni Ate sa akin.

Nagpaalam kami na papasok na ni Hunter sa trabaho. Kailangan ko kasi naming um-attend ng meeting para sa project. Ayokong isipin ni Ate na ginagamit ko ang pagiging anak ng may ari para maging unprofessional.

"Ang sakit ng likod ko," reklamo ni Hunter habang nagmamaneho.

"Masasanay din ang likod mo. Sa una lang 'yan masakit," sabi ko sa kanya, pigil na pigil na tawanan siya.

Hindi naging problema ang unang gabi namin sa bahay nila, hindi kasi namilit si Hunter na tumabi sa amin sa kama, doon siya natulog sa upuan.

Nagtaas siya ng kilay, sa klase ng ngiti niyang 'yon ay alam kong may kalokohan nanaman siyang naiisip.

"Ang bastos mo," akusa ko, pero ramdam ko din ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Imbes na sumagot ay natawa na lamang siya.

Nagkahiwalay kami ng trabaho pag dating sa office. Mas magiging madali kasi 'yon kesa naman palagi kaming magkasama.

"You know how much I want to support you," sabi ni Hugo sa akin.

Siya ang kasabay kong mag lunch, may lunch meeting si Hunter bago ang meeting namin ngayong hapon kasama ang ibang Engineer at ang board.

"Na-iintindihan ko, walang kaso sa akin na nasa grupo ka ni Ericatrina."

Habang kumakain kami ay lumipat ang tingin ko sa ilang folder na katabi ni Hugo, marami pa daw siyang kailangang pirmahan at tapusing trabaho.

"That can wait. Mas importante ka..." sabi niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Mahilig ka ng umirap ha," puna niya sa akin kaya naman natawa na lang ako.

Nag-stay muna ako doon habang abala na si Hugo sa pagpirma ng mga papels. Pabalik na din daw si Hunter sa companya galing sa lunch meeting kaya naman dito ko na siya hihintayin.

Napansin ko ang puting panyo na naka-ipit sa mga folder sa taas ng lamesa. Walang sabi kong kinuha 'yon at nakita ang naka-burdang initials.

"S.I.A...sa'yo 'to? Nagli-lipstick ka, Hugo?" tanong ko dahil sa lipstick stain doon.

Natawa siya at kaagad na kinuha sa akin ang panyo.

"Akin na nga 'yan. Minanstahan pa ng Sovannah na 'yon ang panyo ko," reklamo niya at kaagad na itinago sa bag niya.

Tumaas ang kilay ko, nakita niya 'yon kaya naman kaagad niyang binitawan ang hawak na ballpen at hinarap ako ng maayos.

"Alam ko 'yang tingin na 'yan."

"Pinakikisamahan ko lang 'yon para sa trabaho," laban niya.

Napasimsim ako sa Frappe ko habang natatawa.

"Ang defensive mo, wala naman akong sinasabi," laban ko kaya naman mariin siyang napapikit.

Nabanggit ko din sa kanya ang tungkol sa bant ani Everette. Nangako si Hugo na tutulong sa paghahanap dito.

"Hindi ko din hahayaan na masaktan niya si Hartemis. Wala talagang puso ang matandang 'yon," galit na sabi niya. Ramdam ko din ang tinatagong galit niya dito.

Tumunog ang phone niya sa kalagitnaan ng ginagawa, nang makita niya kung sino ang tumawag ay kaagad siyang nataranta at iniligpit kaagad ang gamit.

"May meeting nga pala ako, nakalimutan ko..." sabi niya sa akin.

Pinagtawanan ko siya pero tumulong pa din ako para ayusin ang mga gamit niya.

"Sino ba yung tumawag?" natatawang tanong ko.

"Si Sovannah," sagot niya sa akin. Nagulat ako, parang noong una lang ay pinaghihintay pa niya 'to sa meeting nila, ngayon ay nagmamadali pa siya.

Hindi na lang ako umimik, nagpaalam si Hugo sa akin na aalis na kaya naman hinayaan ko siya.

Hindi din naman nagtagal ay dumating na si Hunter. Nakasimangot ito.

"Na-iinis talaga ako sa pagmumukha ng Hosea na 'yan."

"Hindi ka naman inaano ni Hugo," suway ko sa kanya.

Tumayo na ako para makabalik na kami sa loob. Mukhang nagkasalubong pa sila sa labas.

Halos mapuno na ang conference room pagdating ng hapon para sa meeting. Nagtaka ang lahat ng lumipas na ang ilang minuto ay wala pa din sina Daddy at Ericatrina. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman sinubukan kong tumawag.

Doon ko nalamang may sakit si Anya at sinugod sa hospital kaya naman hindi sila makakarating na dalawa. Bigla akong nag-alala para dito.

Dahil sa emergency ay hindi natuloy ang meeting para sa araw na 'yon. Umuwi din kami kaagad ni Hunter dahil tapos na ang trabaho, gusto ko ding nasa tabi ako ni Hartemis. May mapapalagay ako kung ganoon.

"Sobrang daming ginagawang kalsada kaya traffic," sabi ni Hunter habang nasa byahe na kami pauwi.

Sa gitna ng aming pananahimik ay tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag. Number lang 'yon kaya naman hindi ko sinagot kaagad.

Napansin ko ang tingin ni Hunter sa akin, tumingin din ako pabalik. Hindi ko ugaling sumagot ng tawag pag hindi naka-register ang number sa akin. Namatay ang tawag, hanggang sa sumubok tumawag ulit.

"Let me..." sabi niya at kinuha sa akin ang phone. Pero bago pa man niya masagot ay muling namatay ang tawag na sinundan ng isang text message mula sa kaparehang number.

Napamura si Hunter nang siya ang unang makabasa ng message.

Kilala ko kung sino ang nagbago ng DNA result. Mag-ingat kayo sa kanya.

Muling gumapang ang takot sa buong katawan ko. Sa inis ni Hunter ay siya na ngayon ang tumawag sa number pero ito naman ang hindi sumasagot ngayon.

Ramdam ko ang galit at gigil niya habang nakatingin sa kalsada, pero mas napansin ko ang ilang beses niyang pagpikit na para bang may iniindang sakit.

"Sumasakit lang ang ulo ko," sagot niya sa akin ng tanongin ko siya.

Huminto kami sa may gate imbes na dumiretso ang sasakyan papasok ng sabihin ng guard nila na may nagpadala ng envelope sa pangalan ko.

Kakalipat pa lang namin dito, sino naman ang makakaalam na dito kami matatagpuan.

"Ako na," pagprepresinta ni Hunter.

Napagpasyahan naming wag na munang bumaba sa sasakyan at doon na tingnan ang kung ano mang nasa loob ng envelope na 'yon. Hinayaan ko si Hunter na gawin 'yon. Kinakabahan pa ako nung una hanggang sa pareho kaming madismaya ng makita ang isang bondpaper na kung may anong nakasulat.

"I think there's a hidden message here," sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.

Imbes na bumaba ay muling inilabas ni Hunter ang kanyang sasakyan para pumunta sa kanyang mga pinsan. Dito lang din naman 'yon sa loob ng subdivision, nasa ibang block lang. Nadaanan pa namin ang ipinapatayong bahay nina Hobbes at Ate Alihilani, masasabi kong malaki 'yon.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" salubong ni Piero sa amin.

Mukhang kakagising lang niya dahil magulo pa ang buhok. Ni hindi man lang nag-abala na magsuklay.

Hindi nagsalita si Hunter, inilapag niya sa lamesa ang papel.

"Anong klaseng drawing 'yan, Hunter? Amputa...mas magaling pa mag-drawing anak ko sa'yo," iritadong sabi ni Piero dito.

"Hindi mo alam kung ano 'yan?" tanong ni Hunter.

"Gago ka ba? Gigisingin moa ko para ipakita 'yang panget mong drawing."

"Piero," suway ng asawa niyang si Amary.

Tipid itong ngumiti sa akin bago inilapag ang mga inumin.

"Pag pasensyahan mo na. May topak yan pag nasa tamang pag-isiip, pero mas iba ang topak pag bagong gising," natatawang bulong niya sa akin na mukhang narinig naman ng asawa.

Sinabi ni Hunter ang mga nangyari, mula sa may sisiw, sa mga tawag, at text. Kaya naman tinawag na nila si Tadeo Herrer na dati daw sundalo.

Wala akong masabi sa kanilang magpipinsan, kung katawan at itsura ang pag-uusapan. Kung hindi ko lang sila nakikita ngayon ay iisipin kong hindi sila mga tao. Para bang mabusisi at detalyado talaga ang pagkakagawa sa kanila, wala namang taong perfect...pero malapit na sila doon.

"It's not a morse code...uhm, it's close to optical telegraph," paliwanag niya sa amin.

Dati siyang sundalo kaya naman marami siyang alam sa mga bagay bagay.

"Oh, di ba, Secret agent ka? Dapat alam mo 'to," sabi niya sa kapatid na si Piero na hanggang ngayon ay nakasimagot dahil daw na-istorbo ang tulog niya.

Natawa na lamang si Tadeo ng mapansin niyang mas lalo niyang na-inis ang kapatid.

"Wait, I'll try to ask my wife. Mas magaling na agent 'yon," pagpaparinig niya kay Piero. Maging si Amaryllis ay natawa.

Pinicturan niya ang papel at ipinasa kay Castellana. Walang ilang minuto ay umilaw ang phone niya dahil sa sagot nito.

Natawa siya ng mabasa ang reply, itinapat niya ang phone niya kay Amaryllis para ipabasa 'yon na ikinataw din niya.

"Pabasa din ako!" asik ni Piero.

"Siraulo," sambit ng katabi kong si Hunter.

"Mission pa ang gusto," sambit nito.

Imbes daw kasi na sagutin ang tanong ay tinanong daw kaagad nito kung may bago silang mission na hindi ko naman ma-intindihan. Para bang may bagay na sila sila lang ang nakakaintindi.

Nakangiting nagtype ng reply si Tadeo. Nahinto 'yon ng batukan siya ni Piero.

"Napaka-corny amputa..."

Naging seryoso ang lahat ng sumagot si Castellana.

"Optical telegraph," pagkumpirma niya.

"Looks like it's a Chappe Code," pahabol pa niya habang seryosong nakaharap sa laptop.

"Chappe code is the name given to the set of possible signals from a Chappe tower or machine. Its' an aerial telegraph..." pagbasa niya. Marami pa siyang sinabi hanggang sa sinubukan niyang i-decode 'yon.

Nasa kalagitnaan kami ng ginagawa ng dumating si Castellana. Halos mapatulala ako sa itsura niya. Maganda si Amaryllis walang duda, pero nang makita ko si Castella ay para akong nakakita ng Diwata na sa mga libro ko lang nababasa.

Hindi halatang may anak na, hindi nga halatang may asawa na. Sobrang ganda.

Sinabi sa kanya ni Tadeo ang mga impormasyong sinabi namin. Ngumiti siya sa akin ng magpakilala ako.

"Kung ang huling message ay tungkol sa nagbago ng DNA test...siguradong tungkol 'yon dito."

Mas naging madali ang trabaho dahil magkatulong sila. Mas lalong lumalala ang kaba ko ng isa isa nilang ma-decode ang nakasulat.

"Mukhang ang taong nasa likod ng pagpapabago ng DNA result ay may ganitong initials, base na din sa nakasulat," sabi ni Castellana.

May isinulat siya sa papel bago niya iniharap 'yon sa amin ni Hunter.

S.I.A




(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
3.4M 157K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
910K 25.2K 18
First, let my tears fall Second, make me stand tall Third, mend this broken hole. As I close my eyes and whisper these wishes, may...
729K 20.1K 69
Alliana Cadice Cortez, a simple lady has secret romance with his childhood bestfriend. Her life was filled with sacrifice but what will happen to her...