Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 43

59 4 2
By pandauthot

If felt like everything ended just like that. Nagkahiwa-hiwalay na kami simula pag-uwi namin galing White Hall. It was the worst. Hindi pa kami nag-usap ni Boss pero para sa akin, tapos na. Ang paghiwalay naming lahat ay paghihiwalay din namin. Mas gusto ko na lang siguro maglaho na lang bigla kung babalik lang ako sa pinakauna.

Umuwi ako sa bahay namin. May ipon pa naman ako mula sa mga naging misyon namin kaya may pag-asa pa ako kahit pakiramdam ko ay nasa dulo na ako ng bangin.

Habang nililinis ko ang buong bahay, nagtaka lang ako kung sino ang kumakatok sa bahay namin. Lagpas 4 AM na tapos may bisita agad ako? Matatakot sana ako kaso sa pagsilip ko sa terrace, nakilala ko si Lawron. Agad akong lumabas para pagbuksan siya.

"Hi, Ma.. pasensya ka na. Wala na talagang tao sa bahay at wala rin akong mapuntahan sa ngayon. Hindi ko alam kung kanino ako tuloy dahil sumama na si Lola ko na lumabas ng Nodawn.."

At kaming dalawa na lang ang magkasama. Siya ang natulog sa guestroom namin. Hindi ko nga lang mabuksan ang kwarto ng magulang ko dahil hindi ko kaya. Sa mga naunang araw, tahimik lang kami. Masyado rin kaming wasak sa nangyari.

Ayos lang din sa amin ang distansya namin saglit. Hindi rin naman din nakakailang. Hanggang sa napansin na rin namin na sabay kaming pumapasok. Kailangan na naming magtipid tuwing lunch kaya nagbabaon na lang kami. Tuwing umaga ay nagugulat na lang ako na nagluluto siya para sa umagahan at tanghalian namin na nilalagay sa baunan. One time, sinadya kong gumising nang maaga para ako naman ang magluto kaso nalungkot siya. Buong almusal ay nakanguso lang siya!

Ngayon, nag-uusap-usap na rin kami. Lalo na kung umuuwi ako galing duty, mabuti na lang na hindi ako nag-iisa ngayon.

Nasa terrace kami ngayon habang umiinom ng gatas. Nakatingin kami sa kawalan matapos mag-rant sa mga nangyari ngayong araw. Pinagalitan daw ng Prof ang group nila kaya ako rin ay pinagalitan ang Prof niya kahit wala siya sa harapan ko. Halos pagmumurahin ko pa pero nakonsensya naman agad ako.

"Ma.. okay lang ba na tinatawag kitang Ma? Hindi ko rin natanong sa'yo dati kasi nasanay na rin ako," tanong niya.

Humigop muna ako sa gatas bago sumagot, "Sobra pa sa okay." Mahina akong natawa. "Gusto ko rin magkaanak balang araw kaso mabubusy ako kaya nawala rin sa plano ko lalo na't nagfocus din ako sa pag-aaral. At simula noong nakilala kita, parang nakumpleto rin ang buhay ko dahil naranasan ko rin maging mother figure mo."

Mahina rin siyang tumawa. "Ako nga dapat magpasalamat sa inyo dahil never akong nahomesick. Kahit na namimiss ko si Lola, alam kong masaya at okay din siya dahil may nag-aalaga rin sa akin."

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Marami naman din kaming napag-usapan bago siya natauhan sa kalagitnaan ng gabi. "Hala! May activity pala kami! Sira laptop ko!" napasigaw siya.

"Magkano magpagawa ng laptop?" tanong ko matapos ubusin ang iniinom ko. May tinabi pa naman ako kaya pwede akong magdagdag.

"May ipon pa naman ako, Ma. Kung hindi maayos ng kaklase ko, hindi pwede 'yon!"

Malakas akong tumawa. "Pwede mong hiramin laptop ko. Hindi naman ako gumagamit ngayon. Busy rin ako sa duty kaya baka nastuck na."

"Pwedeng humiram ngayon, Ma?"

Tumango ako. "Nasa sala, nakacharge. Balak ko sanang manood ng movie pero gamitin mo na."

"Thank you!" Kinuha niya ang mga baso namin at tumakbo papuntang kusina.

"Ako na maghuhugas kasi gagamit ka ng laptop," sabi ko.

"Okay po. Thank you!"

"Open mo na lang! Walang password 'yan!" pahabol ko.

Magsisimula sana akong maghugas pero naalala kong kailangan kong hugasan ang tumbler ko. Pumunta ako sa sala. Bago pa ako makarating sa bag ko, napatigil ako nang makita si Lawron na nakatitig sa screen ng laptop. Kunot-noo ko siyang nilapitan. Doon din ako tinakasan ng kaluluwa at naisara agad ang laptop. Nako! Hindi ko napalitan wallpaper ko! Ngayon ko lang din kasi gagamitin 'to!

Dahan-dahang lumipat ang tingin niya sa akin. Nakanganga pa siya.

"Kayo ni—"

"HEEP! Don't mention his name!"

Nagmamakaawa na ako sa lahat ng pwede kong matawagan sa isipan ko. Ayaw ko pang marinig ang pangalan niya. Ngayon, alam na ni Lawron na may relasyon kami.

"K-Kayo ni—"

Marahan kong nilapat ang hintuturo ko sa bibig ko. "Nak.." nanghihina kong pagtawag. "I know you're shocked. Pero let's keep up na hindi natin namemention pangalan niya these past days," mabagal kong sabi.

Hindi pa rin siya makakurap sa harapan ko. Mukhang nawala na rin sa isipan niya na kailangan pa niyang gumawa ng activity. O baka nakalimutan niya na may mga activity pa dapat siyang gagawin.

"Ma..." pagtatantya niyang pagtawag sa akin. "Simula noong binanggit mo na you liked someone... siya ba 'yun?"

Huminga ako nang malalim at lakas loob na binuksan ang laptop ko para palitan ang wallpaper. Inayos ko rin ang nagkakalat na folders at tinago ang folder kung nasaan nakalagay ang mga picture namin.

"Oo," diretso kong sagot habang busy sa paglilinis ng desktop ko.

"And when you said na you have a boyfriend... siya 'yun?"

Muli akong tumango.

Ever since nafigure out ko ang feelings ko sa kaniya, siya lang.

Ineexpect kong tatanungin pa niya ako kaso natapos na lang ako sa paglilinis ng laptop ko, nakatitig pa rin siya sa akin at nanlalaki ang mga singkit niyang mata.

"Humihinga ka pa ba?" tanong ko.

"Ma.. ma..." Hindi mapakali ang mga kamay niya at kung saan ito lumilipad. "Bakit hindi ko man lang napapansin! Ang tagal na rin pala! Kaya hindi niyo pa sinasabi? Kasi.. 'yun nga! Hala!"

Mukhang nagtutugma ang lahat sa utak niya kaya tango ako nang tango sa mga realization niya.

"So, panalo pala si Clark in the first place??"

Tumango muli ako bago binigay sa kaniya ang laptop ko.

Parang sumabog ang utak niya at binagsak niya ang ulo niya sa sofa. "I'm sorry, Ma.."

Napakunot ako ng noo. "Bakit ka naman nagsosorry?"

"Kasi nalaman ko.."

Nakawala ako ng mahinang tawa. "Wala ka namang kasalanan. Atsaka, alam din naman ni Forsythe at Orion. Kinausap lang namin sila na huwag muna sabihin kasi kami dapat ang magsasabi sa inyo kung okay na ang lahat."

"Ma.." pagtawag niya ulit sa akin.

"Kanina ka pa Ma nang Ma," irita kong sabi sa pabirong paraan. Balak ko na sanang bumalik sa kusina.

"Paano mo nakaya ang mga nalaman mo?"

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang ata narinig iyan.

"Nak, pwedeng favor?" Lumingon ako saglit. "Pwedeng huwag lang muna natin pag-usapan o banggitin? Kunwari, hindi mo rin nalaman kasi hindi ko pa rin matanggap ang nangyari dati."

Tumango siya agad. Tinaas pa ang kanang kamay niya. "Wala akong nalaman at humiram ako ng laptop mo para sa activity ko!"

Ang cute ng anak ko.

"Thank you, nak," nakangiti kong pasasalamat.

At sa dumaan na araw, napapasabi na ako sa sarili ko na pagod na pala ako. 'Yung pagod na hindi ko man lang magawang magsalita. Hindi ko pa kayang umuwi kaya nagtext ako kay Lawron na matatagalan pa ako umuwi. Mabuti na lang ay sinabi niyang late siyang matutulog dahil marami pa raw siyang tatapusin sa major niya.

Kaya nagstay muna ako sa malapit na convenience store. Bumili ako ng inumin at umupo sa labas. Mabuti na lang ay may dala akong extra na damit palagi.

Habang humihinga ako, pinapanood ko lang ang mga sasakyang dumadaan. Hinihintay ko ring lumalim ang gabi para hindi na gaanong karami ang sumasakay sa bus pauwi sa amin.

Tahimik lang. Mukhang ako lang ata ang andito. Nagmahal na rin kasi ang lahat ng bilihin. Tubig nga lang binili ko para makapagstay lang.

Sa katahimikan na bumabalot sa akin ngayon, napaisip ako kung kumusta na sila. Hindi ko rin inaakala na mangyari ang hindi namin inaasahan. Napadali siguro ang paghihiwalay namin dahil may mga naipon naman kami sa mga misyon namin. Matagal na rin kami nagkasama sa iisang bahay kaya baka pumasok din sa isipan namin na gusto rin naming dumistansya saglit. Mukhang napakalalim ng bagsak namin para sa inakala naming lakas ng pagkakapit namin.

I started to question everything.

Buong college din naman ang pinagsamahan namin. Maraming nangyari, maraming pagsubok. Ngayon ay hindi namin alam kung ano na ang magyayari.

Hinayaan ko ang sarili ko na kinuha ang phone ko. Ngayon ko lang siya magagamit para tingnan ang pictures na hindi ko kayang tingnan simula nabuwag ang Gumdrop.

Mahina akong natawa nang makita ang random pictures namin ni Heroic. Nakakatuwang pagmasdan 'yung mga biglaang pagsingit ni Danger sa camera. Hanggang sa nadaanan ko ang mg stolen shots nilang lahat na hindi ko magawang burahin dahil ang saya tingnan.

Pero ang napansin ko sa ibang litrato, iba ang ngiti namin ni Boss.

Boss..

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Ngayon ko lang ulit siya naisip sa ilang araw kong pagmamatigas. Kahit ilang beses ko siyang nakakasalubong sa university dahil marami siyang inaasikaso, hindi kami nagpapansinan. Inuubos ko na lang ang oras ko sa duty ko. Kahit doon lang, hindi rin matatapos ang araw ko na bagsak ang loob ko.

Sinarado ko na lang ang phone ko at ininom ang binili ko. Nanood na lang ako sa TV na palabas ngayon ay ang evening news. As usual, tungkol sa opisyal na pagbukas ng filing of candidacy. At tatakbo talaga ulit si Bernadette Nodawn.

Hindi lang pala ako ang tao sa loob ng convenience store. May mga tao rin na bumibili at napatigil nang narinig ang balita.

"May mga sumusuporta pa rin sa kaniya kahit ang dami niyang issue?" rinig kong tanong ng babae sa likuran ko. Palihim akong lumingon at nakita kong isang grupo sila habang pinapanood ang balita.

"Hindi porket Nodawn City ang pangalan ng lugar na 'to, kailangan ay palaging Nodawn ang manalo sa bawat eleksyon. Nag-eleksyon pa sila kung ganun pa rin ang mindset nila."

"Wala na talagang pag-asa ang lugar na 'to."

"Nagtanong ako sa magulang ko kung sino bobotohin nila. Nodawn pa rin daw kasi marami na raw silang ginawa. Tapos nagrereklamo sila na mataas na ang presyo ng mga bilihin. I can't believe na nagtitiis silang naghihirap tapos papanalunin pa nila ang mga mga magkadugo. Ginawa ba namang family business ang pulitika."

At umalis sila.

Kaso 'yung huling narinig ko ang nagpanatili sa utak ko.

Kaya siguro hindi nagpapakasal ang mga babaeng Nodawn para hindi mapalitan ang apelyido nila? At ngayon na may lalaki na sa family line sa side ni Bernadette Nodawn, hindi pinapagamit kay Boss ang apelyido ng tatay niya?

Napapikit ako at sumandal sa upuan.

Napatanong ako sa sarili ko kung nasaan na ang tiwala ko kay Boss.

Hindi ko na alam. Mahirap tanggapin na tinago niya iyon sa amin at nabuwag kami.

Balak ko na sanang umalis kaso may nakita akong pamilyar na motor na nagpark sa labas ng convenience store. Saktong pagtanggal niya ng helmet niya, nagtama ang mga paningin namin mula sa salamin na pagitan.

May nakawalang isang hininga mula sa akin. Hindi ako makapaniwala na magkikita kami ngayon na hindi man lang pinagplanuhan. Ni hindi na rin kaming nagkakausap lahat simula umalis kami sa bahay.

"Familiar," sabi niya, pagbukas ng pintuan.

Napailing ako habang mahinang natatawa. "Bakit buhay pa tayo?" biro ko. Saka niya akong pabiro ring inirapan.

"Gusto mo ng noodles?"

"Wow, may pera pa," asar ko.

"Saan nanggaling attitude mo?" tanong ni Forsythe.

"Sa isang Nodawn," mapait kong sagot kaya napailing siya.

Dumeretso na lang siya sa cup noodles section.

Balak ko sanang tumulong kaso mabilis din siyang bumili at nilapag ang mainit na cup noodles. "Mas mukha kang pasyente kaysa nurse."

"Mukha kang walang tirahan." Nagmamantika na kasi ang buhok niya at sobrang dry ng balat niya! Kitang-kita ko nang umupo siya sa harapan ko.

Muntikan pa siyang masamid sa pagbalak niyang paghigop ng sabaw. "Harsh... pero totoo."

Muntikan akong napaso sa sabaw.

"Wala naman akong ibang bahay. Ayaw ko rin gumastos sa boarding house or dorm. Kaya pinupuntahan ko ang iba para makitulog." At pinipigil pa niya ang tawa niya habang sinasabi iyon.

"May communication pa kayo?" mahina kong tanong.

Tumango siya. "Kagagaling ko pa lang sa apartment ni Orion. Noong nakaraang linggo, kina Danger ako nakitulog. Noon, kina Clark ako. Wala rin kasing tao sa bahay nila."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso ka." Hindi ako makapaniwala. Umandar na ang side ko na matagal kong tinatago. "Bakit hindi ka pumunta sa amin? Kahit doon ka na tumira. Andoon din naman si Lawron."

Kumain muna siya bago sumagot. "'Yun nga plano ko next week. Kaso mukhang mapapaaga kasi nagkita tayo ngayon."

Natawa ako at sumandal na naman sa upuan. Bago pa ako magsalita, may pumasok sa isipan ko. "Nasaan si Heroic?"

Tahimik lang siyang kumakain.

"Forsythe, nasaan si Heroic?"

Ayaw niyang sumagot. Natahimik na lang din ako at pinatuloy ang pagkain ko.

"Ayaw niya tayong makita."

Parang may bumagsak sa loob ko. Puso ko ata 'yon.

"Palagi ko siyang pinupuntahan kaso pinapaalis niya ako dahil naalala niya lang ang dati."

Pinilit ko ang sarili ko na ubusin ang kinakain ko kahit wala akong gana.

Tahimik na naman kami. Hindi ko namamalayan na luha na pala ang dahilan kung bakit lumalabo ang paningin ko. Akala ko, sa init ng kinakain namin.

"Ang hirap naman.." Pinupunasan ko ang luha ko. Pinipigilan ko ang hikbi ko. Hindi na dapat ako umiyak. "Pero namimiss ko na kayo. Namimiss ko na tayo... miss ko na si Boss." Tinakpan ko ang mga mata ko. Gusto ko siyang siyang kausapin. Gusto ko siyang pakinggan pero hindi ko na siya matitingnan nang diretso dahil isa siyang Nodawn.

"Gusto mong magkita-kita tayo ulit at puntahan si Heroic?" tanong niya.

Hinarap ko ulit siya at mabuti na lang, hindi pa ako tuluyang naiyak.

"Kaso hindi pwedeng banggitin si Boss dahil sobrang sama talaga ang loob ni Heroic." Diretso ang tingin sa akin ni Forsythe. "Sobra," diin niya.

"Kaya siguro hindi nakakaamin dahil hindi naman talaga pwede.. baka tadhana na ang pumipigil sa amin." Napabuntong-hininga ako. "Siguro kapag umamin na kami bago ang lahat ng ito, baka mas lalo lang tayo dumistansya sa isa't-isa."

"Nag-usap na ba kayo ni Boss?"

"Hindi na." Napaiwas ako ng tingin. "Hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya. Atsaka, ang nangyari sa atin, parang hindi ko nirerespeto ang nararamdaman niyo kapag pinilit ko pa ang sarili ko kay Boss. Actually, hindi ko na rin naiintindihan. Masyadong masakit ang nangyari sa atin noong gabi na 'yun. Kaya mas mabuti na lang na huwag nang sabihin sa kanila na nagkarelasyon kami. Nakakasama ng loob."

Dahan-dahan siyang napatango.

"Minahal ka ni Boss."

Narinig ko.

"Maraming tinago si Boss, alam natin 'yun. Anak siya ni Bernadette Nodawn, nito lang natin nalaman. Nagdadalawang-isip na tayo kung totoo ba ang kabaitan niya o palabas lang para makuha ang loob natin." Inisa-isa pa niya.

"Ilang beses niya akong tinanong kung may tiwala ba ako sa kaniya."

"Anong sagot mo?" tanong niya.

"Oo. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. Pero noon 'yun."

Pabigat nang pabigat ang loob ko. Ayaw ko na talagang pag-usapan kaso may part na gusto kong ilabas ang lahat kahit wala na akong maintindihan.

Sumandal si Forsythe sa upuan at nanatiling nakatitig sa akin.

"Noong kinausap ako ni Boss, sinabi niya na kung may mangyari man sa kaniya, ako muna ang magbantay sa inyo. Balak na talagang iteterminate ang kontrata natin at sinabi niya na kahit anong mangyari, kailangan nating magsama-sama sa huli. Sa totoo lang, nagalit din ako nang malaman na Nodawn siya. Pero sa kontrata at oath na iniwan niya dati at sa tiwala mo sa kaniya, naalala ko na hindi naman tanga si Boss para isakripisyo niya ang buong buhay niya sa pagsisinungaling sa atin simula unang taon natin sa college para lang makuha ang loob natin. Paano kung plano rin niya iyon? Paano kung ipapabagsak niya ang White Hall kaya hinayaan niyang wala ang Gumdrop sa White Hall?"

Wala akong maintindihan.

"Forsythe, hindi niya kailangang sarilihin ang lahat." Pinalo ko ang lamesa para idiin ang sinasabi ko.

"Dahil ayaw niyang madamay tayo."

Natahimik na naman ako. Marami akong gustong sabihin pero mariin akong pumikit. Sumasakit lalo ang utak ko.

"Bloom," tawag niya. "Alam ko na halo-halo na ang dismaya, galit at kaba mo para kay Boss. Pero delikado talaga kung pulitika na ang kalaban mo. Si Boss nga na anak niya, pinagbabantaan ang buhay niya, tayo pa kaya na normal na tao lang at walang kalaban-laban? Lalo na't alam natin ang baho nila?"

Sandali. "Si Boss? Nakakatanggap ng pagbabanta?"

Binagsak ni Forsythe ang likuran niya sa sandalan. Napatakip din siya ng bibig. Mukhang nagsisi na may nasabi siya. "Hindi mo dapat nalaman 'yun."

"Tangina," matigas kong sabi. "Girlfriend niya ako, Forsythe!"

"Kasi ayaw niyang mag-alala ka."

Mapait akong tumawa. Pinipilit kong hindi umiyak sa galit.

Malakas na bumuntong-hininga si Forsythe. "Kaya hindi ko magawang magalit kay Boss. Kung plano na talaga niya tayong talikuran, dapat Nodawn na ang apelyido na ginagamit niya. Kung ayaw na talaga niya sa atin, dapat hindi na siya umuuwi sa bahay tuwing gabi."

"Umuuwi pa siya...?" mabagal kong tanong.

Tumango siya. "Gusto mong dumaan ngayon?"

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Napuputol minu-minuto ang kamalayan ko. Nagugulat pa rin ako nang nakasakay ako sa motor ni Forsythe habang papunta sa bahay namin.

Hindi ko alam kung anong oras na pero sa lamig ng hangin, baka hatinggabi na.

Parang lumambot ang puso ko nang makita ulit ang bahay kahit wala pang ilaw. Nakatago rin kasi kami ngayon sa puno habang pinagmamasdan ang bahay mula sa malayo.

Hindi nagtagal, nakita ko ang si Boss na minamaneho ang scooter niya.

Boss..

He's still Boss.

Pinanood ko siyang pumasok sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw. Hinanap ko ang anino niya. Kahit iyon lang sa ngayon. Gusto kong malaman kung pagod na ba masyado o ano. Sa oras na ito, parang nakalimutan ko lang ang pride na nabuo sa akin.

Kaso mas lalong bumibigat ang loob ko.

"Tara, umuwi na lang tayo," aya ko kay Forsythe na nakasandal sa motor niya.

"Five minutes."

Kinunotan ko siya ng noo. Para saan pa?

Hindi pa siguro nagtatatlong minuto, nag-aya ako ulit, "Uwi na tayo."

"Okay."

Pero hindi pa siya sumasakay sa motor.

Biglang may narinig akong sasakyan kaya muli akong lumingon sa bahay. May tatlong itim na sasakyan ang tumigil sa bahay. May lumabas din na mga nakasuit na gwardya kaya naalala ko ang oras na nasa Meritown kami at kinuha siya.

"Wala na ring tiwala ang White Hall sa kaniya kaya palagi na siyang binabantayan."

Sumama ang pakiramdam ko. Nawala na nga ang tiwala namin sa kaniya noon, pati na rin ang White Hall.

Umuwi na kami matapos panoorin si Boss na muling pinatay ang mga ilaw sa bahay para sumama sa kumukuha sa kaniya. At parang naglaho na ang dila ko simula lumipas ang gabi na iyon.

Sa bahay na namin tumuloy si Forsythe. Masaya nga si Lawron nang magkita ulit sila. Tulad ng inaya sa akin ni Forsythe, nagtanong siya kay Lawron kung gusto ba niyang magkita-kita ulit kami para puntahan si Heroic kung nasaan man siya.

Pumapasok ako sa duty ko sa umaga. Hindi pa nga sumisikat ang araw, nakahanda na akong umalis sa bahay. Hindi na rin ako masyadong nakakatulog at hinihintay na lang na lumipas ang mga araw. Napatanong pa ang anak ko kung nasaan na ba ang dila ko at sobrang tahimik ko raw.

Tuwing umuuwi ako, late din umuuwi si Forsythe habang binabalitaan niya kami tungkol sa pakikipag-usap kina Danger, Clark, at Orion. Nahihirapan nga lang magdesisyon si Orion dahil parehas kay Heroic, masama rin ang loob niya kay Boss at hindi pa niya kami kayang harapin.

Sa araw na pinlano namin para puntahan si Heroic, kaming tatlo lang nila Forsythe at Lawron ang handang umalis. Nawawalan kami ng pag-asa dahil baka ayaw na talaga nilang makipagkita sa amin.

"Baka ayaw talaga tayong makita ni Heroic?" tanong ko habang nilolock ko na ang gate namin.

"Kapag andoon na tayo, hindi naman niya tayo matitiis."

"Taas ng confidence natin ah," sabi ni Lawron.

Mukhang kaming tatlo nga lang.

"Commute lang ba tayo? Nasaan ba kasi si Heroic?" tanong ni Lawron.

Sasagot sana si Forsythe nang may tumigil na lumang sasakyan sa harapan namin. Nakalikha ng napakaingay ang binatana nang bumaba ito.

"Heyo, wassup? Wanna ride?"

Napangiti ako nang makita si Danger na nakasandal ang siko sa sandalan ng katabing upuan. Hayup, nakashades pa!

"Hi!" Nasa likuran sila Clark at Orion na ikinatuwa namin lalo.

"Hoy, tangina kayo. Akala ko, hindi kayo makakapunta!" sigaw ni Forsythe at halos pumasok sa bukas na bintana para sundot-sundutin si Danger.

"Malamang! Natagalan kami kasi nagrenta pa kami ng sasakyan!" sigaw pabalik ni Orion.

"Namiss ko kayo!" Nagyakapan sila Lawron at Clark.

Kahit nakatikom ang bibig ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Sila pa rin 'to.

"Tara! Sa Charity's Orphanage!"

Nandoon si Heroic?

Buong biyahe, nakatikom pa rin ang bibig ko. Kinakausap naman ako ni Danger kaso tipid lang akong sumasagot. Mabuti na lang, nabanggit ni Lawron na pagod at puyat ako sa mga duty ko kaya naintindihan nila ang katahimikan ko. Kailangan ko lang din magpalakas at ng oras para ayusin ang takbo ng isip ko.

Pinagmasdan ko rin silang magkwentuhan at tawanan. Napagtanto kong ito pala ang kulang sa buhay ko. Ito pala ang magpapakumpleto sa akin tulad noon. Sila pa rin ang lakas at saya ko.

"Doon ba tumutuloy si Heroic?" tanong ni Orion.

"May boarding house siyang tinutuluyan. Nagpapractice teaching siya roon. Kung wala rin siyang pasok, doon din siya bumibisita. Halos kilala na siya ng mga bata roon."

"Nakakamiss makipaglaro at lutuan ang mga bata!"

"Oo nga!"

Nang nakarating kami sa Charity's Orphanage, doon lang kami nagyakapan. Lalo na itong si Danger, hinahalik-halikan pa si Lawron.

"Kumusta?" tanong ni Orion nang yakapin ako at tinapik-tapik ang ulo ko.

"Okay lang," mahina kong sagot at tinapik-tapik ang likuran niya. "Ikaw? Kayo ni Ness?" tanong ko pabalik. Nagkahiwalay na rin kasi kami nga assignment kaya hindi kami nagkakausap na.

Ngumiti siya. "Okay lang din ako. At okay din kami." Medyo nag-alinlangan siya. "Kayo.. ni.."

Tinakpan ko ang bibig niya. "Puntahan na natin si Heroic." Nakuha rin niya ang iyon kaya tumango siya.

Sabay-sabay kaming pumasok sa orphanage. Maraming bata ang naglalaro. Naalala ko noong pumupunta pa kami rito na may dalang laruan at pagkain. Kaso sobrang tagal na rin. Baka hindi na rin kami nakilala.

May kinausap si Forsythe na madre. Nakakatunaw lang ng puso nang nakilala pa niya kami na tumutulong dati. Siya na rin ang nagturo sa amin kung nasaan si Heroic.

Mabagal akong naglalakad papunta sa likuran ng orphanage. Naunahan nila ako pero nang napapansin ni Lawron na kinakabahan ako na makita ulit si Heroic, inakbayan niya ako at hinahaplos ang balikat ko para pagaanin ang loob ko.

Parang nawala ang lahat ng lamig sa loob ko nang makita si Heroic na suot ang daycare intern uniform niya at nilalaro ang isang maliit na batang babae. Sobrang lawak ng ngiti niya habang naghahabulan sila sa damuhan. Sa kalagitnaan ng hakbang ni Heroic ay napapatingin siya sa bata na hindi pa gaanong diretso ang paglalakad na may sobrang lawak din ng ngiti.

"Tata!" Nakita ng bata si Forsythe at tumakbo ito palapit sa kaniya.

"Florantine!" sigaw ni Heroic pero napatigil siya nang makita kami na nasa likuran ni Forsythe na buhat-buhat na ang batang babae. Teka, Florantine? Siya ba ang baby na kinarga namin dati ni Heroic?

Nakita rin kami ni Florantine kaya napasandal siya sa balikat ni Forsythe, mukhang nahihiya siya sa amin.

Nakatitig pa rin sa amin si Heroic. Nawala ang ngiti niya na nakita namin kanina. Parang hindi siya masaya nang makita kami. Pero hindi pa rin niya pinuputol ang titig sa amin.

"Siguro, adobo na tayo sa isipan ni Bayani," biro ni Danger at awkward na tumawa.

Ilang segundo, nakawala na ng tawa si Heroic. Agad siyang lumapit sa amin kaya sinalubong siya ng yakap nila Danger. Halos nagpaluan pa sila ng likod habang magkayakap silang lima. Malakas din na tumatawa si Clark na naiipit na sa yakap nila.

Nang humiwalay na sila, kami na ang nagkatinginan ni Heroic. Para akong binato ng bato at tuluyang nanigas sa kinatatayuan ko. Lalo na't lumapit siya sa akin, mas lalo niyang pinagmasdan ang mukha ko.

"Uy! Ikaw pala 'yan."

"Uhm.. andito ka para sa scholarship...?" mahina kong tanong.

Napatango siya. "Ikaw din?"

Unti-unti akong napangiti nang makita ang mas batang mukha niya sa isipan ko. Noong una naming pagkikita. Hanggang sa kusang pumapasok ang mga panahong naging malaking parte na siya sa buhay ko.

Dahan-dahan niya akong binalot sa yakap niya. Nang maramdaman ulit ang lambot ng katawan niya, naalala ko ang lahat ng saya at hirap na sabay naming hinarap. "Kumakain ka ba nang mabuti?" bulong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Miss ko na 'yung luto mo.."

Tumawa siya at hinawakan ang mukha ko nang naghiwalay kami. Pinagmasdan niya lalo ang mukha ko. "Kaunting buwan na lang, gagraduate ka na.."

Tumango ako, "Tayo," pag-uulit ko.

Nagkwentuhan kami habang nakaupo sa telang nakalatag sa damuhin. Nilalaro ko rin si Florantine habang tinuturuan siyang magbilang. Ilang buwan na palang andito si Heroic at inaalagaan si Florantine. Ngayon ko lang din nalaman na porsyento ng allowance niya dati ay para kay Florantine. Hindi niya nabanggit iyon at si Forsythe lang din ang may alam. Palagi palang andito si Forsythe at nakikipaglaro kaso pinapaalis siya ni Heroic. Matigas din ang ulo ni Forsythe at hindi umaalis.

"Nag-usap din kami ni Sister Anna kung ano ang proseso sa pag-aadopt dahil kapag nakapagtapos na ako at magkaroon ng stable na trabaho, ako magpapalaki sa kaniya."

Napabuka talaga ang bibig namin sa desisyon ni Heroic. Halos lumundag ang puso ko sobrang saya!

"Nabinyagan na ba si Baby?" tanong ni Danger habang nakaextend na ang mga bisig para kargahin si Florantine kaso tumakbo siya para yakapin si Forsythe. Umaktong sumakit ang dibdib ni Dangr nang mareject siya.

"Hindi pa nga eh. Iyon na rin pinaplano ko."

Ang dami palang nangyari nang nagkahiwalay kaming lahat.

"Ninong ako!" sabi ni Danger. "Hindi ko siya pagtataguan tuwing okasyon!"

"Ako rin! Is-spoil ko siya!" sabi ni Lawron.

"Kami rin!" sumama na rin kami.

"Oo na! Ninong at Ninang na kayo."

"Si Forsythe?"

Napatingin din kaming lahat kay Forsythe na napatigil sa paglalaro kay Baby Florantine.

Napatingin din si Heroic sa kaniya.

Kitang-kita sa mukha ni Forsythe na hinihintay niya ang sagot ni Heroic.

"Syempre!"

At bumagsak ang mukha ni Forsythe.

Nagpatuloy man sila sa paglalaro kay Florantine, pinagmamasdan ko si Forsythe na hindi inaangat ang ulo. Nakayuko pa rin siya habang nilalaro ang damuhan. Naghabulan na silang lahat, doon ko napansin na umalis na siya.

"Sandali," paalam ko kay Orion na kinukuhaan ng litrato ang iba na nilalaro si Florantine.

Hinanap ko si Forsythe at nakita siyang nakasandal sa puno habang nakatingin sa kalayuan.

"Uy," tawag ko.

Mabilis siyang napatingin sa akin bago binalik ang tingin sa kawalan. "Uy," mababa niyang sabi.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Hindi siya sumagot agad kaya sumandal din ako sa puno habang hinihintay siyang magsalita. Ang bibigat ng hininga niya.

"Kaya ko siyang samahan sa lahat. Gusto ko siyang samahan. Kaso bakit hindi pa rin bukas ang sarili niya? Handa na siyang maging ama pero wala pa siyang nasasabi tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Ilang taon na, Bloom. Ilang taon na akong naghihintay ng sagot niya."

Oh my gosh. Umamin na siya noon!

"OMG..." tanging nasabi ko habang hindi makakurap sa kaniya.

"Ang daming nangyari. Simula sa pagtutulak niya sa akin sa'yo dati hanggang sa umamin ako na siya ang gusto ko, tumigil siya. Hinayaan niya akong samahan siya kahit saan. Hinayaan niya akong mahalin ko siya. Pero ang sakit-sakit na pala. Kaya ko namang maghintay nang mas matagal pa hanggang sa handa na siya pero parang walang nangyayari? Mas lalo siyang lumalayo."

Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Kausapin mo siya.."

Hindi siya muna sumagot. Nag-iisip pa ata siya at tumango. "Kung ayaw talaga niya, tatanggapin ko."

Nalungkot ako. Kinaya pala ni Forsythe na maghintay ng ganoong katagal? Kilala ko rin naman si Heroic at talagang sarado na ang puso sa relasyon dahil sa pinagdaanan niya. Gusto ko talagang makausap si Heroic kaso kailangan niya munang malaman ang relasyon namin ni Boss kaso masama pa ang loob niya sa kaniya.

"Sa Lunes na pala ang proclamation of endorsement ng university," pagbubukas bigla ni Clark.

"Putangina. Huwag niyong banggitin 'yan."

Oh 'di ba.

Nag-aya silang lahat na sa bahay namin na sila tumira simula next week. Sus, nagpakalayo pa sa isa't-isa, magsasma-sama na naman din kami sa huli.

Pumayag din naman ako kaya nagsaya ang anak ko. Sa wakas, magsasama-sama ulit kami sa iisang bahay. Mabuti na lang, napag-usapan namin ang bayarin. Gagawan na lang namin ng paraan. Since next week pa sila lilipat, may oras pa kami para ayusin ang mga kwarto. Hindi ko nga lang papagamitin ang kwarto ng magulang ko. Hindi ko nga mabuksan dahil hindi ko kaya.

Bago matapos ang araw, parang nabuhayan kami ng pag-asa nang mapanood sa balita na bago tuluyang sumara ang official filing of candidacy para sa eleksyon.

Tatakbo si Atty. Eura Fuentes bilang Mayor.

Makakalaban niya si Bernadette Nodawn.

Buong atensyon naming pinanood ang speech niya sa telebisyon.

"Tayo ang pag-asa. Walang maiiwan sa laban na ito. Atin ang Nodawn City."

Tumatak iyon sa utak namin.

Hindi namin mapigilang mapayakap sa isa't-isa.

May pag-asa na.

---

Lunes na Lunes, ang sama ng pakiramdam ko. Ito na ang araw para sasabihin kung sino ang ieendorse ng Nodawn Univeristy. Kahit pilit kong itaas ang pag-asa na nakuha ko matapos malaman na tatakbo rin si Atty. Eura. Pagdating ko sa ospital, kaliwa't-kanan ang usapan ng mga taong nadadaanan ko.

Ang iba, naririnig ko ang tawanan na parang nakakatawa na tatakbo si Atty. Eura. May iba namang nadidismaya. Naririnig ko pa na walang pag-asa si Atty. Eura dahil tatakbo pa rin ang Nodawn.

Pero ang mga kasama ko, nagsasaya nang pagkarating ko sa nurse's room namin sa ospital.

Nakita ko rin si Happiness na talon nang talon. Nang makita niya ako, mas lalong lumiwanag ang mukha niya.

"Oh my gosh! Bloom! Atty. Eura Fuentes will run! Thank God! Change is coming!"

Hindi lang pala kami nila Danger ang masaya. Nakikita ko ang mga kapwa estudyante ko na masaya sa balita.

May pag-asa.

Hindi kami whole day sa ospital. Kinailangan naming pumunta sa school. Kaya pagkarating sa campus, sobrang dami ng tao dahil nagsama-sama na lahat ang estudyante. Kahit sobrang dami ng mukhang nakikita ko, nakita ko pa rin si Boss na inaasikaso ang ibang estudyante kasama ang ibang officers niya. Napaisip ako na maayos na Student Council President si Boss. Sobrang hands-on siya at totoo sa mga salita niya. Kapag inaalala ko ang nakaraang buwan sa pamamalakad niya, maayos. Napakaorganized at convenient ng mga nangyayari. Hindi ko itatanggi iyon. Noong nakaraang buwan nga ay sinigarudo nilang lahat ng estudyante ay registered voters.

Umiling ako para matauhan ako. Naghahanap pa ako ng kakilala ko kaso para akong nalulula sa dami ng tao. Kaya pumasok muna ako sa main building para bumili ng tubig. Halos lahat ng tao ay nasa venue na kaya wala na masyadong tao sa hallway. Pinagdadasal ko na lang na maayos na roon para maghahanap na lang ako ng mauupuan kahit sa likuran.

Paglingon ko, nakita ko si Boss na nakatayo, kalayuan sa akin. Napatingin kami sa isa't-isa. Matapos ang ilang buwan, ngayon lang ulit kami nagkita nang ganito.

Hindi ako mapakale nang naglakad siya palapit sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa iniinom ko nang tuluyan siyang nakalapit sa akin.

"Listen to me."

Ayaw ko. Gusto kong umalis. Pero nakapagtataka na hindi ako umalis sa harapan niya.

"I am sorry for everything that I hid and did. I am really sorry. I am aware of my shortcomings and my mistakes but I assure you that everything I did is for all of us."

Huminga ako nang malalim at napayuko. Ang hirap pa rin.. Ang hirap-hirap, Boss.

"Bloom.. say something.." bulong niya.

"Ang hirap, Boss.. Bakit mo naman kailangang sarilihin ang lahat.. hindi ko kinakaya.. pakiramdam ko, wala akong kwentang girlfriend habang sinasalo ang lahat ng paghihirap.." nanghihina kong sagot.

"Hindi ba't pinag-usapan na natin 'to.."

"Iyon nga. Ikaw pa rin ang iniisip ko. Paano mo iyon nakakaya ang lahat Boss, mahigit isang taon tayo hindi na nag-usap. Wala na ang Gumdrop. Isa kang Nodawn. Ngayon, nalaman ko pang pinagbabantaan pa ang buhay mo." Hinihila ko na ang sarili kong buhok sa sobrang gulo. "Nahihirapan na rin ako, Boss. Hindi ko matanggap. Gulong-gulo ako. How can you hide those things from me when you said that we should be honest each other?!"

"Bloom.." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tinabig ko iyon palayo.

"Kung ako iniisip mo, Boss... iniisip naman kita. Lalo na't ikaw ang magsasalita sa harapan maya-maya. Paano kung totoo ang myth? Kung hindi ang nanay mo ang iendorse mo, baka bumagsak ka na lang bigla!" Napayukom ang magkabilang kamay ko. Naiimagine ko na ang imahe na iyon. Mariin akong pumikit para mawala iyon sa isipan ko. "Please. Kung totoo man ang myth... Nodawn na lang.. Nodawn na lang ang iendorse mo.. Huwag ka lang mamatay sa harapan ko," pagmamakaawa ko.

Unti-unti siyang napailing. "Eh 'di, sayang lang ang lahat ng sinakripisyo ko."

Marahan akong napailing habang tinatakpan ang mukha ko. "Sarili mo naman ang piliin mo, Boss.. Tumakas na lang tayo. Please.. Bakit kailangan mo isakripisyo ang sarili mo sa ganito?"

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinarap ang mukha ko. "Para sa atin. Para sa kinabukasan natin."

Umiling ako. Tumakas na lang tayo, please.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nakita ko ulit ang ngiti niya. Kahit nanghihina siya sa oras na ito, binigyan pa niya ako ng ngiti.

"Kapag natapos ang speech ko, umalis kayo agad sa venue."

Hinalikan niya ang noo ko bago tumakbo palayo.

Nagyeyelo na ang mga daliri ko. Para akong lumulutang habang naghahanap ng bakanteng upuan.

"Bloom!" Nakita ko si Clark na kumaway sa akin. May bakanteng upuan sa tabi niya kaya doon ako umupo. Sinubukan ko maging matatag.

"Okay ka lang?" bulong niya at agad akong tumango. Tatanungin ko sana siya pabalik kaso nagsalita ulit siya, "Nakausap ka rin ba ni Boss?" tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya.

"Kasi kinausap niya ako kanina. Pinapaalis niya tayo kapag natapos ang speech niya."

Baka hindi lang ako ang kinausap niya.

"Good morning, Nodawn University. Let us welcome, our Student Council President, Hon. Stalwart Boss Agustine."

"Agustine talaga ang ginagamit niya," bulong ni Clark.

Pinanood naming umakyat ng stage si Boss. Wala siyang dalang papel.

Taas noo niya kaming hinarap. Pinagmasdan niya muna kami bago umabante sa microphone.

"It has been devastating for us to face the problems in this city. From the corruption, inflation, lack of attention to community issues, various tragedies that were not even addressed in the past months to provide a statement for those who lost their loved ones, the lack of equality for every person in this community, and all the freedom that had been taken away from us because of fear for the people who have the power to control all of us, I know we witnessed it all. I know we are aware of everything that has been done."

Everyone was silent.

Boss said that without stuttering.

He said that without reading anything. He didn't even have a guide.

"We all know who to blame—those who had the power but used it just for themselves. We live in this democratic place, but we still let the people above neglect us to use our freedom because of their sugarcoated promises. Let's not be blinded by those words. Let's not be blinded by the little things that they provide us, because we deserve more than that. We deserve a good government. We deserve a better place to live. And in order to achieve what we deserve, we must choose the right leader to serve."

It felt like everyone was aware of what he meant.

Nagbubulungan na rin ang mga tao sa paligid namin.

"I lived my life in silence. I knew the problems that this place was facing. And I chose to be silent because of the fear that has been consuming me for years. I once used my voice but got degraded because they told me that I was a student. I still don't matter unless I become wealthy enough to be acknowledged. That made me think that people in this community are still a hindrance to the change we yearn for."

Nakaramdam ako ng hiya at konsensya na nauna ang takot ko kanina at nagmakaawa na iligtas niya dapat ang buhay niya.

Pero ngayon, hindi lang ako ang nakakaramdam ng pag-asa.

Pati na rin ang mga tao sa paligid namin, tinataas ang mga kamao habang pinapakinggan ang mga salita niya.

"Being a student is not something to be ashamed of; we are still citizens in this community while we are learning, and we long for change because we care for our future. That's why we need to use our voice. We are going to change the world," he said with full of determination.

At pumalakpak ang lahat.

I saw the moment when Boss suddenly stopped talking when he saw the students, cheering and rejoicing. And that exact moment, I also felt his strength.

"Ever since I became the Student Council President, I have looked for the opportunity to be the voice of this generation, where we will stand for ourselves and when we will stand for the right. And now that I am standing in front of all of you, I will not regret the words that are coming from my mouth. This power costs everything that I have. I lost everything and everyone that I love, and I will not waste this time just to let the same faces rule the place that should be ours."

Napatayo na rin kaming dalawa ni Clark habang naiipon ang lakas ng loob namin.

"People may say that we don't have the right to use our voice because we are young. But life and time passed our innocence. We are now awake and experiencing the system in this life."

"Tama!" sigaw ng kabataan.

"Pagbabago!"

"A leader has no gender. Everyone can serve. We will base our decision on their morality. We need a leader who is qualified, intelligent, wholeheartedly helps people in this community, and who is not problematic. Someone who is connected to the people will lead and be the reason for us to unite, and this proclamation will be the proclamation of freedom, that we have our own choice," palakas nang palakas ang boses ni Boss. Kasabay ang lakas ng pag-asa na naiipon sa lugar kung saan kami ngayon.

Proud ako sa tapang ni Boss. Mas lalong tumaas ang tingin ko sa kaniya. Pinanindigan niya ang salita niya. Pinili niya ang dapat niyang gawin.

"Our vote is for the people who still live in the dark, parents who work hard for their children, children who study hard for their future, those who used their voice but were silenced, children who didn't have the opportunity to go to school, those who are suffering because of the government system, and those who long for justice in this administration. This is for our family, our friends, our loved ones, our future children, our future, and for us. We should be wise to vote for the qualified candidate for the position, who will save us in this place. This election, the change is in our hands."

He was right all along.

Naramdaman ko ang lakas ng loob na hindi ko inaakalang meron pa ako nang makita ko na hindi lang kami ang hangad ang pagbabago.

"NS Q1021..." rinig kong bulong ni Clark.

Kumunot ang noo ko. "Ano?" malakas kong tanong dahil maingay na ang paligid dahil sa pagsasaya.

"Sa dibdib ni Boss."

Agad kong tiningnan si Boss. Itim na dress shirt ang suot niya at wala akong makitang kakaiba sa kaniya. Tinitigan ko nang mabuti ang bawat sukat ng dibdib niya hanggang sa may nakita akong may tuldok na mas madilim sa kulay ng suot niya.

"Ginagamit nila ang NS Q1021." Marahang lumilingon si Clark.

"Clark, ito ba 'yung sinasabi mo?" nagmamadali kong tanong.

Mabilis siyang tumango. "Ang sniper ng lolo ko. Ginagamit nila iyon ngayon. Hindi ako nagkakamali dahil pinag-aaralan ko ang mga kagamitan niya. Hindi ako nagkakamali. Alam ko kung ano ang itsura ng laser light ng NS Q1021 sa itim na damit."

"Nasaan ang iba?" Nagmamadali kong kinuha ang phone ko para tawagin si Forsythe. Kaso paglapat ko ng phone sa tenga ko, muling nagsalita si Boss.

"We, students from Nodawn University, will have the power to choose the right person to lead us."

And there was silence.

He didn't mention any name. For the first time in the history of Nodawn University, someone stood up.

That was Stalwart Boss.

The son of a Nodawn.

Boss smiled.

"Tayo ang pag-asa. Walang maiiwan sa laban na ito. Atin ang Nodawn City."

The last line from the speech of Atty. Eura Fuentes.

["Bloom?"] sagot ni Forsythe.

"Si Boss.." pagbanggit ko habang nakatitig kay Boss na pinapanood ang mga tao na nagsasaya. Nang nakita kong napaangat ang tingin niya sa kalayuan, kinailangan kong umalis dito.

"Tangina, Bloom!" sigaw ni Clark nang tumakbo ako papunta sa stage. Kaso maraming nagsisiksikan dahil lahat ng estudyante ay kung saan-saan na nakatayo.

"Please. Paalisin na natin si Boss sa stage!" sigaw ko sa phone ko kaso sobrang nagsisiksikan sa daan. Hinahawi ko ang mga tao sa daanan ko habang hindi inaalis ang tingin kay Boss na naglalakad na paalis sa stage.

Ngunit bago pa siya tuluyang makababa, biglang bumagsak ang katawan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
9K 238 51
(WRITTEN SERIES #1) "I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!" As a frustrated aspi...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
She Did Something Bad By j

Mystery / Thriller

1.4K 109 39
Peachy Natividad thought that nothing's harder than balancing her duties as a scholar and a breadwinner, until she got herself involved in a murder. ...