Magique Fortress - Published...

Bởi pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... Xem Thêm

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 25 - Fire and Water

35.3K 1.3K 435
Bởi pixieblaire

Sana ma-enjoy niyo ulit ito.

#MagiqueFortess - pakitrend sa twitter. Joke lang. Hindi naman masamang mangarap :'( HAHA!

xx pipipixie bleeh

==========

Chapter Twenty Five
Fire and Water

BUMALIK ako sa Daffedille Lake dahil may nahulog akong isang mahalagang bagay roon—'yong regalo ni Tine sa akin.

Magmula sa pagkakataong ito ay aangkinin ko na siya. Akin lang siya. I w ouldn't let Yuan or anyone have her, pero sana ay pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Sana ay gusto rin niya ako.

Naiwan sina Ellie para bantayan si Tine kaya pumunta muna ako rito at sumaglit para hanapin ang bracelet na bigay niya. Nilangoy ko ang lawa patungo sa puwesto kung saan namin natagpuan si Tine. Wala na akong pakialam kung mababad man ako basta mahanap ko lang 'yon. Malakas ang kutob kong doon ko ito nahulog.

Mabuti na lang at ilang sandali lang ay nahanap ko na rin ito. Huminga ako nang malalim pagkaahon saka saglit na nagpahinga. Pabalik na ako ng Prime Kingdom nang makasalubong ko si Bethany.

"Bakit basang-basa ka?" tanong nito na hindi ko na sinagot saka patuloy lang na naglakad. Akmang hahalikan niya sana ako, pero umiwas ako agad.

"Bethany, I'm sorry, but I can't do this." And I was a jerk for accepting her offer without thinking that Bethany might also get hurt. I took advantage of her at some point kaya hindi ko rin napigilang ma-guilty sa pagiging makasarili ko. 

"Pero Val, bawal kayo. Hindi mo pa rin ba naiintindihan 'yon?"

"Siya ang mahal ko. I will do anything to keep us. At wala akong ibang nakikita pang babaeng mamahalin ko kundi siya. Kung hindi man kami magkatuluyan, I'm okay to be alone, but that doesn't mean that I will stop loving her."

Kung mayroon mang makakapagpabago ng lahat, si Tine lang 'yon. Dahil kung magkataong hindi pala ako ang itinitibok ng puso niya, baka sakaling mapilitan pa akong sumubok ng iba at tuluyan siyang pakawalan.

Siya lang ang makapagdidikta ng lahat ng mangyayari sa buhay ko.

"Sorry . . ." saka ako tumuloy sa paglalakad pagbalik sa clinic. Akmang papasok na ako sa kaniyang silid nang marinig ko silang nag-uusap.

Gising na siya!

"I know that this isn't a good time, but I just want you to ask again, Tine. Sino na ba'ng mas matimbang? Si Yuan o si Val?" Boses ni Ellie iyon. Sa isang iglap ay tila gusto ko na lang biglang maglaho. Napansin ko pang natagalan si Tine bago magsalita kaya mas lalong nagtatambol ang puso ko sa kaba.

Paano kung hindi ako? Hindi ko napaghandaan ito. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling hindi ako. 

"Sinong mas matimbang Tine? Team honeybar o team cheesecake?"

"Ayaw kong magkagusto kay Val, Ellie. He's not healthy to me. Si Yuan naman, aaminin ko, unang beses ko pa lang siyang nakita, para na akong nagkaroon ng instant crush sa kanya. Siguro si Yuan na lang ang pipiliin ko. Si Yuan naman talaga dapat." 

Ang mabilis na tibok ng puso ko kani-kanina lang ay tila biglang huminto. Alam kong hindi niya nasagot si Ellie kung sino ang mas matimbang, pero sa mga sinabi niya, halata namang si Yuan ang mas higit niyang gusto kaysa sa akin. Si Yuan na sa umpisa pa lang pala, gusto na niya.

No'n ko lang napagtanto na mahirap pala talagang labanan ang nauna. It looked like I was destined to be just in second place. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Gayunman, wala na rin namang saysay 'yon. She just chose Yuan over me.

Mukhang wala rin palang aagawin sa akin si Yuan. In the first place, she's not mine to have. Kung puwede lang bumalik sa nakaraan, hihilingin kong sana, ako na lang ang una niyang nakilala . . . para sana sa pagkakataong ito, ako ang pinili niya.

Nagmadali akong umalis at nagpunta sa unang lugar na aming pinagtagpuan noon—sa Golden Pavilion. Ilang oras ang iginugol ko roon sa pagmumuni-muni na akala ko ay makatutulong para maibsan ang sakit, pero kabaligtaran pala at lalo lang ding lumala.

Hapon na nang dumalaw akong muli. Natuyo na lang ang aking damit sa maghapon kong paglalakad at pag-iisip. Pagpasok ay pinagtinginan lang nila ako. Nakita kong kompleto sila sa silid habang naabutan kong natutulog si Tine sa balikat ni Yuan.

I suddenly felt a lump in my throat, a thorn in my lungs, and a heavy metal in my heart. I felt like I was a man on a wire, struggling between standing strong in this cruel world all by myself or falling hard to the ground with no one else to catch me. Naupo lang ako sa isang tabi at tahimik silang pinagmasdan.

Nang lumalim ang gabi ay umalis na sila para sa pagsabak bukas sa tournament. Nagpaiwan ako at nagboluntaryong bantayan muna si Tine. Wala na rin naman akong balak na sumali pa sa tournamaent. I refused to fight anymore. What's the use of fighting without your source of strength?

"Hi," bati ko sa kaniya paglapit ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil hanggang sa pagkakataong ito ay natutulog pa rin siya. Nababaliw na nga talaga ako.

Kumuha ako ng upuan at ipinuwesto ito sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmasdan ko lang siyang natutulog.

I made up my mind. I loved her, but I wouldn't be selfish. I had to be contented with what we have that's not more than being friends. Kahit masakit . . . kahit mahirap . . . kahit tila imposible kong matanggap.

Lahat pala ng sinabi ni Yuan, mukhang ako ang gagamit dahil tama siya. Kahit hindi kami ni Tine, I could still protect her. Patuloy ko siyang gagabayan kahit hindi kami. Even if that meant I would be all alone. 

"Cheesecake, it's okay. Hindi mo kasalanan..." pagkausap ko sa kanya habang pinapahid ang luha ko. "It's okay. I'm okay."

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Cristine's POV

WHEN I woke up, I felt a warm hand holding mine and saw Valentine.

He was actually the last I wanted to see. Hindi ko naman dapat isisi sa kaniya ang nangyari sa akin, pero nang dahil sa feelings ko para sa kaniya, nagkakaganito ako—nasasaktan.

Mali. Nasaktan pala dahil magmula nang magmulat ako at nakausap sina Ellie, nagpasya na ako na mas maging malakas at matatag at labas na si Val doon. Ayaw ko nang masyado pang ma-attach sa kaniya. Mayroon na rin naman siyang girlfriend. I should really back off and guard myself from him from now on. Pero hindi ko man deretso at totoong nasagot ang tanong ni Ellie kanina, alam ko naman sa sarili kong si Val talaga ang mas matimbang.

Nauuhaw ako kaya hinila ko na ang kamay ko mula sa kaniya para kunin iyong tubig sa tabing mesa. Hindi ko na inisip kung magigising siya. I was being rude, but I knew that this was the best for me—for us.

Tama nga akong magigising siya sa pagbawi ko ng kamay ko at nagmulat siya agad nang makita akong gising na. "Tine! Ano'ng nararamdaman mo? May masakit pa ba sa 'yo, hmm? What do you need?" 

Your love. 

Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga. Magmo-move on na nga, 'di ba, Tine?

"Tubig. Nauuhaw ako," malamig na sabi ko. Agad naman siyang sumunod at inalalayan ako sa ulo, inayos pa ang mga unan ko.

Maalaga, huh? Pero tandaan mo, Tine, mayro'n na siyang Bethany!

"Bakit ikaw ang nandito?" I asked him.

"Ayaw mo bang ako ang magbantay?"

"I was expecting Yuan or Ellie and Sage. Sila kasi ang nandito kanina."

Natagalan siya bago sumagot at mukhang malungkot ang itsura. Ano'ng problema nito? Ano na naman ba'ng inaarte-arte ni Val? Itinaga ko na sa bato na hinding-hindi na ako madadala ng mga tingin niyang ganyan. Never again.

Umupo siya sa silyang katabi ng kama at hinawakan ang kamay ko, pero agad ko itong binawi. "Nasa'n si Bethany? Okay lang naman ako rito. Kaya ko ang sarili ko."

"Hindi ko alam kung nasa'n siya. Hindi kita puwedeng iwan dito." 

"Malakas na ako, kaya ko nang mag-isa. Pumunta ka na lang kay Bethany, sa girlfriend mo. Baka akalain pa niya nilalandi mo ako at nagpapalandi naman ako." 

I was fully aware that I was being rude, but I didn't care anymore. Gusto ko munang tanggalin siya sa sistema kong nasanay na sa kaniyang presensiya. Saka ko na lang siya uli kakausapin nang matino kapag nakalimutan ko na siya.

"I'm not flirting with you, Tine. Gano'n ba ang tingin mo sa 'kin?"

Iniwas ko ang tingin ko dahil baka masabi ko pa ang napuna kong mukha siyang maputla. Teka, bakit nga ba?

"Bakit maputla ka?" hindi ko napigilang maitanong sa kaniya. "Hindi na 'yon mahalaga."

"Mahalaga . . ." matigas kong sabi.

"I went back to the lake to get this." Ipinakita niya sa akin iyong regalo ko sa kaniya. "Nahulog ko kasi ito noong nilangoy ko ang lawa para sagipin ka. Kaya kanina, habang hinihintay kitang magising, bumalik ako roon at hinanap muna 'to. Nakuha ko do'n sa bahagi ng lawa kung saan ka namin natagpuan. I don't want to lose this. Galing kasi ito sa 'yo."

Ang dingding na kasalukuyan ko pa lang ninanais na itayo ay mukhang natibag na. Mukhang mahina pa ako para makabuo ng matibay na pader sa pagitan naming dalawa.

"Okay lang naman na hindi mo na 'yan binalikan . . . kaysa ipahamak mo pa ang sarili mo." Lumalambot na naman ang puso ko. Hindi puwede! I needed to strike him again.

"Konsensiya ko pa . . ." dugtong ko. 

Natahimik siya at hindi ko na alam ang sasabihin. Awkward silence surrounds us again. Tinignan ko siya at nakatitig lang siya sa kumot ko. He looks so tired and in deep thinking. Pero kahit ganoon, litaw pa rin ang pagkagandang lalaki niya. Holy burn, I sucked at moving on.

Inabot ko ang tubig ko sa kanya. "Drink. Mukha kang may sakit. Nanghihina ka 'no?" Huwag kang mag-sorry Tine. Hindi mo kasalanan na nangyari 'yan sa kanya.

Tumanggi pa siya dahil para sa'kin lang daw 'yung tubig pero ipinagpilitan ko.

"Water is your weakness too, pareho tayo. To think na nalubog ka rin nang matagal underwater. Magpahinga ka na rin." I gave him a sympathetic smile.

Inubos niya ang tubig. "Water is not my weakness. My weakness is much more than that because it also happens to be my strength. Too deep, too wide, and too breathless."

I feel like being hypnotized by his straight gaze and genuine words. I reminded myself, ano nga ba ako para kay Val?

Why do we always find ourselves looking at each other like this? Na sa tuwing magkasama kami, parang mutual ang feelings. Pero mawala lang ako saglit sa tabi niya, may ibang babae na agad sa eksena. Na hindi consistent ang mga pinapakita niya.

Kaya ko nga bang makipagkaibigan sa kanya at mapanindigang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya?

Bakit kasi may Bethany? Bakit may hadlang? At bakit ipinapakita niya sa'kin na he cares pero hanggang kaibigan lang? Ito ba ang tinatawag nilang Friend-zoned?

"Nasaan ba sina Yuan?" pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa tournament na sila."

Napabangon akong agad. "Ano?! Eh, bakit nandito ka pa? Sumama ka na ro'n!" 

"I can't fight without you."

Tinanggal ko na ang aparatong nakakabit sa kamay ko at tumayo na. Todo pa kung mag-alala si Val, pero hindi niya na ako napigilan pa dahil hinila ko na rin siya. 

"Then we'll fight, together. Ayokong sayangin ang lahat ng pinaghirapan natin Val. It means a lot to me. At kung hindi ka lalaban, nang dahil lang sa'kin, makakaapekto 'yon sa hindi mo paglevel up bilang Cryst level. I can't risk you. Kaya halika na, hindi pa huli ang lahat."

He held my hand, "Paano kung huli na pala ang lahat?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan at hindi tayo lalaban." Hinila ko na siya at tumakbo na kami palabas.

Sumalubong sa amin ang guardians na mukhang may binabantayang portal. Ito ang battle dimension na ginawa para sa tournament.

"Dito po ba ang laban?" tanong ko.

Nagtinginan ang guardians at mukhang nagdadalawang-isip pa kung papapasukin kami.

"Hahabol po kami. Isa po ako sa napahamak at ngayon lang bumalik ang lakas ko. Parang awa n'yo na po, hayaan n'yo kaming lumaban." Mukhang effective naman ang pagdadrama ko kaya pinayagan na rin nila kami ni Val.

Saktong pagpasok namin ay may kasalukuyang ginaganap na laban. Naabutan naming may mga nagtutunggalian sa loob ng animong glass barrier at nakikita ng ibang mga manonood dito ang laban. Marahil itong audience ay ang Cryst levels at Nixes na natapos na sa kanilang laro.

"Tine! Val!" hiyaw ni Ellie habang tumatakbo, at nang makalapit siya ay niyakap niya agad ako nang mahigpit. "Sakto! Abot pa kayo. Sunod pa lang tayo! Sigurado ka bang makakalaban ka na?"

Tiningnan pa nila ako mula ulo hanggang paa at marahil ay sinusuri kung talaga nga bang ayos na ang pakiramdam ko.

"Oo, kaya ko na, Ellie. Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko at nakita kong sumeryoso ang kaniyang mukha. 

"First round, Earth versus Wind. Patapos pa lang sila, tingnan mo . . ." Tiningnan kong maiigi ang mga naglalaro at namataan ko nga sila. Sina

Sage at Yuan ay nilalabanan si Dan at ang partner nito. Hala!

Inintindi ko pang maiigi ang nangyayari. Kung first round ang Earth and

Wind, ibig sabihin . . .

"Fire versus Water ang round two?!"

Nang tumango si Ellie ay nanlaki na ang mata ko. Hinigpitan ni Val ang kapit sa pupulsuhan ko at alam kong nabahala rin siya.

"Imposible. Talo palagi ng Water ang Fire!" Pinigilan ko ang sariling sabihing unfair ang laban dahil Water Elementor si Ellie. Pero unfair naman talaga!

"Nagulat din kaming lahat. Pero gano'n daw talaga. At sa round three naman, kung sino ang nanalo sa first and second rounds, 'yon ang maglalaban. I'm sorry, Tine. Huwag ka na lang sumali, exempted ka naman, eh."

"Kailangan kong luma—"

"I agree with her. There's no way I'll let you fight!" Val tightened his grip on my wrist.

Naiintindihan ko naman na ayaw na nilang maulit pa ang nangyari sa akin, pero kailangan din nilang maintindihan na bumalik na talaga ang lakas ko. I also wanted to prove them that I was not that fragile as they thought. Kailangan ko nang magpalakas pa, hindi para sa kahit kanino kung hindi para sa sarili ko.

"Walang makapipigil sa 'kin. I want to prove to you I can be strong, too. Please? Let me?"

"Pero water element ang kalaban, Tine! Ano ka ba?! You need not prove me anything! You already made it clear to me that you're the best!" pangungumbinsi ni Val.

Nakita kong siniko ni Ellie si Val saka tumikhim. Hindi ko naman alam kung para saan 'yon.

"I'm sorry, Tine, but I'll take Val's side this time. We cannot risk you. Kaka- recover mo lang," ani Ellie. 

"Sage and Yuan wins! Wind Element gets the first round! Fire and Water, get ready and go to the battle grounds now!" pag-announce ng isang boses na umaalingawngaw sa buong battle dime na ito. Mukhang boses ni King Ralf.

"O, tawag na tayo . . . tara!" Tumakbo na ako at nilagpasan ang dalawa, ignoring what they had just told me.

"Tine!" pagpigil muli ni Val.

Hinarap ko siya. "Val naman, please? Ang gusto ko lang, sana suportahan mo ako. Be here for me, fight with me, and win this with me. Kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. Bahala ka."

Tumakbo na ako at pumasok sa battle ground. Purong puti ang surroundings na walang bakas ng edges ng walls o sahig. This place was just so seamless. Para kang nasa labas ng daigdig at walang ibang kulay maliban sa puti. A blank slate.

Nakita kong nasa tabi ko na si Val. "I'll fight with you."

I smiled, but I was certain that he's still worried. "Tigilan mo na ang pag- aalala. Get your head in the tournament," sabi ko.

The game master this time was King Darius, and he gave us the mechanics. Each team of water and fire elements had thirty pairs to play the game. And each pair had to be given a necklace with three pearls that would serve as our lives in this game. Losing all the pearls would automatically mean that we're out of the tournament.

King Darius also gave each pair a prism—fire prism for the Fire team and water prism for the Water team. We were instructed to protect it at all costs since one of the goals here also was that each pair had to grab three prisms from the opponents.

Pero hindi raw ibig sabihin na nakompleto namin ang tatlong prisms na mula sa kalabang team at naprotektahan ang kani-kaniya naming prism ay panalo na kami. Kailangan daw na isang pair lamang ang matira sa huli at iyon ay ang hihirangin na panalo na dala-dala ang pangalan ng respective team.

As a bottomline, isa itong laro ng matira, matibay. I gulped at the anticipation. Val and I really needed to protect our one fire prism no matter what happens.

I also contemplated further on the instructions. If three water prims ang kailangan namin ni Val na makuha, nangangahulugan din ito na three pairs ng Water team ang kailangan naming agawan ng tig-iisang water prism para makakompleto ng tatlo. If we lose our third life, our fire prism would then be won by another pair from the Water team.

Ibig sabihin, kahit magawa rin naming maprotektahan ang aming fire prism, pero wala kaming nakuhang water prisms mula sa aming opponents ay talo pa rin kami. Meaning, this is a combination of offense and defense game. Ayaw ko mang manakit ng iba, pero sa pagkakataong ito ay masusukat ang pagsugal ko sa aking mga naunang paninindigan. Kapag inatake kami ng kalaban at kami ay napuruhan, mababawasan ang aming three life savers kaya hindi kami puwedeng maduwag ni Val. Upang makakuha rin kami ng water prisms ay kailangan talaga naming kalabanin ang tagakabilang grupo at makipagtagisan ng elemento.

Pinag-usapan muna namin ni Val ang gagawing istratehiya. We decided na siya ang hahawak sa aming fire prism habang pagtutulungan naming pareho ang pagkuha ng tatlong water prisms. At bilang kaniyang partner, I should serve as his other hand and protector until the tournament ends. We must work as one.

"Ready to win this?" he said as he held my hand.

I took a deep breath. "Yes, Val, ready as I'll ever be."

Pagkalitaw ng weapons sa harap namin ay kinuha agad namin ni Val ang mga ito. Sword kay Val, bow and arrow at rocks naman ang sa akin.

Sa mga unang pag-atake sa amin ay puro iwas ang ginawa namin ni Val. Hanggang sa naisipan ko nang i-apply ang mga natutuhan namin sa training. Kumuha ako ng sampung pana, binalutan agad iyon ng flames, at walang- pakundangang itinira ang mga 'yon kasabay ng pagpapaulan ko ng molten rocks.

Natamaan ang isang kamay ni Val kaya nabitiwan niya ang fire prism. Inatake ko agad ang nagtangkang kumuha nito at ako na ang pumulot sa aming prism. "Ako muna ang hahawak nito. Atakihin mo sila!" bilin ko kay Val.

Isa lang ang nakataga sa utak namin ni Val . . . kailangang maging alerto at alisto. We had to win this whatever it would take and no matter what would happen. 

Together.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
1.7K 91 13
Bandits? Criminals? Martial Artists? Vagabonds? That's the normal citizens of Agrona. Kahit saang kanto ng lugar ay may away at patayan, nakawan at s...
41.4K 1.9K 51
The laws of the Gods are defined as absolute. No one is bound to break it. But when ten godly beings rose to fulfill their dreams, they began to defy...
57.9K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...