Contract with the Young Maste...

By heyitsmejesika

85.7K 2.6K 65

TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If... More

DISCLAIMER
CONTRACT WITH THE YOUNG MASTER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

SPECIAL CHAPTER

1.4K 50 0
By heyitsmejesika

May Special Chapter, kasi special ka! ^^

SPECIAL CHAPTER

"MOMMY!!!!"

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong sandok nang marinig ang malakas na sigaw ni Zion mula sa salas. Dali-dali kong pinatay ang stove saka ako tumakbo palabas ng kusina.

Naabutan kong nakaupo ang anak ko sa carpeted floor habang nasa harapan naman nito nakaupo ang pusang si Vivi.

"What happened baby? Bakit ka sumigaw?"

"Mommy, inaaway po kasi ako ni Vivi," sumbong ni Zion sa akin.

Napatingin ako kay Vivi na matamang naglilinis ng katawan.

"Anong ginawa ni Vivi?"

"Kinasmot po kasi n'ya ako, Mommy! Look n'yo po oh!" Saka nito pinakita sa akin ang kamay na may bahid ng dugo pero naghilom na ang sugat. "Hala, Mommy! Bakit po wala na 'yong sugat? Pero may dugo naman po oh!"

"Baby, sa tamang panahon ipapaliwanag din namin sa'yo ng Daddy mo kung bakit mabilis na gumagaling ang mga sugat mo, okay po ba?"

"Sa tamang panahon po? Kailan po iyon, Mommy?"

"Malapit na baby. Sa ngayon enjoy ka muna habang hindi mo pa nalalaman ang tunay mong katauhan."

"Hmm.. okay po, Mommy!"

"Iiwan ko muna kayo ni Vivi dito. Magluluto pa si Mommy ng lunch natin dahil malapit nang dumating si Daddy mo. Huwag kayong mag-aaway na dalawa."

"Mabait po ako, Mommy! Si Vivi lang po ang hindi."

"Meow~"

Natawa naman ako ng biglang nag meow si Vivi habang nakatingin sa anak ko. Napailing ako ng makitang naglalabanan na silang dalawa ng titig.

Minsan ay nahihiwagaan ako sa pusang ito. Para kasing taong na naging pusa dahil sa kakaiba nitong kilos. Para bagang kaya n'yang intindihin ang pinag-uusapan ng taong nasa paligid n'ya. Tapos sasagot din ito kapag tinatanong na akala mo'y kaya naming maintindihan ang nais n'yang sabihin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan nakuha ni Travis ang pusang ito.

Matanong ko nga mamaya.

Iniwan ko na silang dalawa sa sala saka ako bumalik sa kusina para tapusin ang niluluto ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasandok nang maramdaman kong may mga brasong pumaikot sa bewang ko. Napangiti ako ng maamoy ang mabangong amoy ni Travis.

"How's work?"

Ipinatong n'ya ang baba sa balikat ko pagkatapos ay isiniksik sa leeg ko ang kanyang mukha.

"Gutom ka na ba? Maupo ka na, tatapusin ko lang—AAYYY! TRAVIS ANO BA!"

Sa isang iglap ay nakaupo na ako sa kitchen counter habang si Travis ay nasa pagitan ng dalawa kong hita. He hold my waist tighly.

"Ibaba mo nga ako. May ginagawa kaya ako, kaya ibaba mo na ako."

"I miss you!"

Napangiti ako nang sabihin n'ya iyon out of the blue.

Ginulo ko pa ang dating magulo n'yang buhok bago ko s'ya binigyan ng halik sa labi.

"Miss mo agad ako? Eh samantalang isang oras pa lang nang umalis ka dito."

"Miss kita bawat minuto."

"Sus! Ganyan ba maglambing ang isang Travis Zaden Cordova? Napakatamis naman!"

"Kailan natin susundan si Zion?"

"HOY!"

"What? Malaki na si Zion, pwede na natin s'yang sundan."

"Tumigil ka nga! Nagugutom na ako. Kung hindi ka pa nagugutom, pwes kami ng anak mo nagugutom na. Kaya alis na d'yan!"

"Sungit! Meron ka ba ngayon?"

"Shut up!"

Narinig ko naman ang halakhak n'ya. Galing mambwesit eh.

Ibinaba na n'ya ako kaya pinagpatuloy ko na ang paghahain. S'ya naman ay kumuha ng mga pinggan at kutsara saka iyon nilatag sa mesa.

"Nga pala, si Vivi ba saan mo nakita. Para kasing tao kung kumilos eh."

"Actually..."

Nilapag ko sa mesa ang bowl ng kanin at ulam bago s'ya tingnan. Nakatingin ito sa kung saan na tila nag-iisip ng isasagot sa tanong ko.

"Ano?"

"Hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko ay nakita ko s'ya sa labas ng gate. At dahil boring dito sa mansion kaya inampon ko na lang. Siguro tatlong buwan simula no'ng ibalik kita sa inyo. After ko s'yang ampunin, hindi na umalis dito. Ang totoo'y naalala kita kay Vivi kaya naisipan kong ampunin s'ya."

Nameywang ako sa harapan n'ya. Pinagtaasan ko rin s'ya ng kilay.

"Naalala mo ako kay Vivi? At bakit? Aber?"

He shyly chuckled.

"Pareho kasi kayong pasaway at hindi marunong sumunod sa utos."

"Ah, ganoon ah! Sige, sa labas ka matutulog mamaya!"

"Baby!?"

"Huwag mo akong mababy baby d'yan ah. Pasaway pala ah!"

"Why? Totoo naman na pareho kayong makulit, pasaway, at hindi sumusunod sa utos."

"Ahh, ganoon?! Sa labas ka talaga matutulog. Tapos hindi rin kita ipagluluto ng pagkain mo. Sa Hacienda kami uuwi ng anak mo, bahala ka ditong mag-isa!"

"Baby naman! Joke lang eh!"

"Chee!"

"Namimiss lang naman kasi talaga kita that time kaya bigla kang sumagi sa isip ko nang makita ko si Vivi sa labas. Inampon ko na dahil kawawa naman. Then habang tumatagal pakiramdam ko'y kasama rin kita. Pareho kasi kayong hindi sinusunod ang mga utos ko. Sorry na baby ko, I just missed you. Huwag ka na magalit, please!?"

Sumimangot ako pero agad din namang napangiti.

I can't resist this handsome man in front of me. Haiisstt! Bakit kasi napakagwapo ng lalaking ito? Gwapo na nga, tapos kapag nagpapacute pa, mas lalo lang gumagwapo. Hmp!

Ang unfair ah!

"Sige na nga, bati na us! Pero sa labas ka pa rin matutulog. Sa kwarto kaming tatlo ng anak mo at ni Vivi."

"If it makes you satisfy, then sa labas ako matutulog."

"Pero... kawawa ka naman. Baka sabihin lang ng dalawa mong pinsan pinapahirapan kita masyado. Sige na nga, sa kwarto ka na rin matulog."

"Then gawa tayo ng baby."

"Tigilan mo ako! Sige ka, sa labas kita patutulugin."

"Ang damot naman ng baby ko. Sige na nga kayo na lang muna ni Zion ang baby ko, pero sa ngayon lang ah. Kapag ako nakakuha ng magandang tyempo, hindi lang kambal ang iluluwal mo sa susunod. Triplets na!"

"Wow ah! Ang galing magsabi, ikaw ba ang nagbubuntis?"

"Atleast, kasama ako sa nagpakahirap gumawa."

Hinampas ko s'ya sa braso na ikinatawa nito. Ang hayop talaga ng bunganga ng lalaking ito. Pero masarap! Demonyong masarap.

"Mommy, Daddy! We're hungry na po!"

Muli kong hinampas si Travis sa braso nang marinig ang sigaw ng anak namin sa salas.

"Aray naman! Ano na naman ba ang ginawa ko?"

"Ang harot-harot mo kasi. Ayan, tingnan mo nagugutom na ang anak ko. Tsk!"

"For your information, ang maharot na'to ay ang ama ng anak mo."

Sinimangutan ko naman s'ya. At laking gulat ko nang bigla n'ya akong halikan sa labi.

Ano ba 'yan?! Sunggab lang ng sunggab?

Pero tinugon ko rin naman ng same intensity ang bawat halik na binibitiwan n'ya.

At nang humiwalay s'ya sa halikan namin, matamis itong ngumiti sa akin bago muling ginawaran ng magaan na halik ang labi ko.

"Time to feed our baby!"

Saka s'ya tumakbo palabas ng kusina para puntahan ang nagugutom nang anak. Narinig ko pa ang tawanan ng aking mag-ama na papasok na ng kusina, habang nasa balikat ni Travis ang pusang si Vivi.

Wala na akong mahihiling pa.

At kung meron man, iyon ay ang makasama ang mag-ama ko magpakailanman.

This is Arissa Paige Montecarlos-Cordova and I signed a lifetime contract with the man I love and my son's father—Travis Zaden Cordova, my Young Master.

Continue Reading

You'll Also Like

164K 3.2K 26
Ang story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal...
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
252K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
4.7K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...