Contract with the Young Maste...

By heyitsmejesika

85.6K 2.6K 65

TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If... More

DISCLAIMER
CONTRACT WITH THE YOUNG MASTER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 55

1K 38 0
By heyitsmejesika

CHAPTER 55

DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Arissa. Puting kwarto. Puti ang kwarto na s'yang bumungad sa kanyang mga mata.

"Nasaan ako?"

Pinilit n'yang bumangon ngunit muli pa rin s'yang napahiga dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. Nakaramdam din s'ya ng matinding hapdi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Napatingin si Arissa nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng pang-doctor na coat. Kasunod nito sina Tyron at Sage. Tila may malalim at seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit ng mapatingin sa kanya ay para bang isang taon din silang hindi nagkita-kita.

"Ty? Sage? Nasaan ako? Anong nangyari?"

Nagkatinginan ang dalawa. Nang hindi makasagot ang mga ito, ang doctor na ang nagsalita.

"Mabuti naman at nagising ka na iha. I'm Doc. Ken and I'm your personal doctor. Ako ang inatasan ng Young Master na tumingin sa kalagayan mo. Wala ka bang nararamdaman? Masakit pa ba ang mga sugat mo sa katawan?"

"Ahmm... medyo mahapdi lang po ang mga sugat ko pero okay naman na ako, Doc. G-gusto ko lang pong itanong... kamusta ang baby ko?"

Doon na nagkatinginan ang tatlo.

Sa mga oras na 'yon nararamdaman na ni Arissa na may mali, na may hindi magandang nangyari. Dinaga ang dibdib n'ya dahil sa kaba. Kaba sa maaaring marinig na isasagot ng doktor sa tanong n'ya.

"D-doc, please tell me po. Kamusta ang baby ko? Okay naman s'ya 'di ba? Ligtas naman ang baby ko 'di ba po Doc? Sumagot ka naman Doc!"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Arissa nang tumagal pa ang katahimikan bago tuluyang sumagot ang doktor. Huminga muna ito ng malalim bago s'ya pakalmahin. Ngunit paano s'ya kakalma kung nararamdaman n'yang masasaktan s'ya sa isasagot nito.

"Ms. Montecarlos pakiusap huminahon ka muna. Makakasama sa kalagayan mo ang matinding stress. Alam ko na masakit para sa'yo ang malalaman mo, but please, you also should think of your self."

"D-doc, ang baby ko. Ang baby ko, Doc."

"We're very sorry, Ms. Montecarlos. We did everything we need to make sure your baby is safe. But due to blood loss, the baby didn't make it. I'm so sorry!"

Parang nabingi si Arissa sa narinig. Hindi ito nagsalita o kumibo man lang. Nakatulala lang ito sa kawalan. Pilit na pinoproseso ang katotohanang nalaman.

"Ang baby ko."

Sobrang sakit. Mas masakit pa sa mga sugat na nasa katawan na natamo n'ya. Halos hindi na n'ya makayanan ang sakit na unti-unting dumudurog sa kanyang puso.

I loss my baby. Travis, we loss our little angle. Hindi ako nag-ingat. Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko. This is my fault. Kung nakinig lamang siguro ako sa'yo, hindi ako makukunan. I'm so sorry our little baby, patawarin mo si mommy dahil hindi ka n'ya naingatan.

Durog na durog ang puso n'ya pero parang tuyo na ang kanyang luha dahil wala nang lumalabas sa kanyang mga mata.

Pagod na itong umiyak, pagod na pagod na.

"Dollface you should rest. Kailangan mong magpagaling, para sa sarili mo. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang nawalan, kahit kami rin ay nanghihinayang. Sinisisi ni Uno ang kanyang sarili dahil hindi s'ya nag-ingat. Hindi n'ya agad nakontrol ang sarili. Alam ko na kahit maging ikaw, sinisisi mo rin ang sarili mo, pero walang may kasalanan."

"Ty, ang baby ko. Wala na ang baby ko. Wala na s'ya."

Their baby.

Their poor little angel didn't make it.

Hindi manlang nito nasilayan ang mundo. Hindi manlang nila nahawakan ang maliliit nitong mga kamay, ang magandang mukha. At hindi na rin nila makikita ang paglaki nito na kasama sila ni Travis.

SA TATLONG linggong nagdaan, nadismaya si Arissa. Hindi man lang kasi nagawang dumalaw ng lalaking hinihintay n'yang dumating para sana pagaanin ang bigat na nararamdaman n'ya.

Sa bawat oras na lumilipas, umaasa s'yang sa pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto sa ospital ay papasok doon si Travis. Pero walang dumating na Travis. Pakiramdam n'yang hindi lang ang baby nila ang nawala sa kanya, maging ang lalaking minamahal ay nawala rin.

Nang tuluyan nang gumaling ang mga sugat ni Arissa sa katawan, pinayagan na s'yang lumabas ng doktor. Pero kahit na gumaling man ang natamong mga sugat, may isang mas matinding sugat pa rin ang hindi n'ya alam kung kailan ba gagaling. At iyon ay ang sugat sa kanyang puso. Sugat na tanging ang sarili lang din n'ya ang makakapagpagaling dito.  Dahil ang lalaking sana'y makapagbibigay din ng lunas sa sugat na iyon kahit paunti-unti lang ay para bang walang balak na siya'y tulungan.

Sinundo s'ya ni Sage sa ospital pabalik sa mansion. Kahit na sinabi naman na ng mga ito na huwag na munang bumalik sa mansion at manatili na lang muna sa kanila, ngunit nagpumilit s'ya. Ayaw n'ya rin kasing ipaalam sa mga kapatid ang nangyari, dahil ayaw n'yang mag-alala ang mga ito. Kailangan n'ya rin talagang makausap si Travis na halata namang ayaw s'yang harapin. Kaya s'ya na mismo ang haharap dito.

"Nasaan si Travis?"

Agad n'yang bungad sa nakaabang na si Tyron sa may pinto ng mansion.

Nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob si Arissa nang hindi ito sumagot.

"Wait, Dollface! Maghunos-dili ka. Bakit ka ba tumatakbo, nagmamadali? Wala namang humahabol sa'yo."

"Nasaan ang pinsan mo? Kailangan naming mag-usap. Iniiwasan ba n'ya ako? Bakit ayaw n'ya akong harapin?"

"Iniiwasan? Wait lang ah, busy kasi si Travis kaya hindi ka nadadalaw sa ospital pero nakiki-update naman s'ya sa kalagayan mo."

Tumigil si Arissa sa paglakad. Hinarap n'ya si Tyron ng nakataas ang isang kilay.

"Where's Travis?"

"Kumain ka na ba? Nagpaluto si Manang Wilma, alam kasi n'ya na darating ka na—"

"Hindi ako nagugutom. Ang tanong ko ang sagutin mo, Ty. Nasaan ang pinsan mo?"

Tila batang natameme si Tyron dahil ramdam na rin n'ya ang pagtitimpi ng inis ng babaeng nasa harapan. Tikom ang bibig na itinuro ni Tyron ang kwarto ng lalaking hinahanap ng dalaga.

Walang sabi-sabing tumakbo paakyat ng hagdan si Arissa, iniwanan sila ni Sage na napakibit-balikat na lang.

"Tayo na lang siguro ang kumain, kanina pa ako nagugutom eh." Inakbayan ni Tyron ang pinsan saka hinila patungong kusina. "Kailangan din talaga nilang mag-usap. Sana lang huwag nang ituloy ni Uno ang binabalak. Sigurado akong mas dodoble ang sa sakit na nararamdaman ni Dollface kapag nagkataon."

NANG makarating sa tapat ng kwarto ni Travis ay saglit munang tumigil si Arissa. Bago na ulit ang pintuan na sinira nito. Nakaramdam ng kaba si Arissa dahil hindi pa rin nawawala ang ala-ala ng nangyari sa kwartong iyon na para bang kahapon lang nangyari.

Huminga muna s'ya ng malalim bago binuksan ang pinto. Hindi na s'ya nag-abala pa na kumatok dahil alam n'ya na alam na ng lalaking nasa loob ng kwarto ang pagdating n'ya.

Natagpuan ni Arissa si Travis sa harap ng malaking bintana. Nakahalukipkip ito habang nakatanaw sa tanawing nasa labas ng mansion. Hindi kumibo si Travis kahit na alam naman nitong nasa likuran na n'ya siya.

"Travis..."

"You're here! Mas mabuti. Para maipaalam ko na rin sa iyo ang desisyon ko."

Tila natigagal si Arissa sa kinatatayuan.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Humarap si Travis sa kanya. Kulay ginto ang mga mata nito at hindi kulay berde.

"Iyong narinig mong kwento kay Manang Wilma about sa pagkamatay ni Ianna, may kulang doon. Si Ianna ang first love ko, pero hindi ang true love ko. Aalis sana s'ya noon para isumbong ako sa kanyang mga magulang, dahil nalaman n'ya ang totoo kong pagakatao. Nagalit ako. Sumakto naman na sasapit ang pulang buwan, kaya hindi na nakaalis pa si Ianna ay dahil pinatay ko s'ya."

Iwas ang tingin ni Travis kay Arissa. Ayaw n'yang makita ang takot sa mga mata ng dalaga.

"Napatay ko s'ya, Arissa. Isa akong halimaw."

"Pero alam kong hindi mo iyon magagawa sa akin. Nararamdaman ko Travis. We're bounded to each other. I can heal you, I'm sure of that."

Umiling iling si Travis. Hindi na talaga mababago pa ang desisyon nito.

"Sa loob ng dalawang linggo nabuo ang desisyong ito. Hindi na kita kinunsulta dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. But, Arissa this is for your own safety. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari. Tama na ang dalawang beses, ayoko ng irisk ang kaligtasan mo para lang matapos na ang sumpa sa katauhan ko. Dahil kahit anong gawin natin, ganito na ako. Mauulit at mauulit lang ang nangyari."

"T-travis..." Lumapit si Arissa sa binata. Pilit nitong kinukuha ang braso ni Travis pero lumalayo ito sa kanya. "Don't do this! Please!"

Alam na ni Arissa ang nais nito. At iyon ay ang tapusin na ang kontrata nilang dalawa.

"I'm so sorry for hurting you, baby. I'm so sorry for doing this to you and to our baby. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang makaalala at magdusa sa nangyari, kaysa makita kitang nahihirapan at nasasaktan. I can bare the pain but I can't bare seeing you hurting. So, I needed to do this. Please, forgive me!" Mahinang bulong ni Travis.

Hinawakan ng binata ang magkabilang balikat ni Arissa saka nito iniharap sa kanya ang mukha ng dalaga.

"Anong ginagawa mo? Huwag please, huwag mo namang gawin 'to sa'kin. Travis kailangan kita. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang gusto kong makasama. Huwag mo namang gawin ito sa akin, pakiusap!"

"I'm really sorry! Pero para sa ikabubuti mo rin ang gagawin kong ito. Sana maintindihan mo."

"Nawala na nga ang baby natin, pati ba naman ikaw mawawala rin sa akin? Ang daya mo naman! Ang daya daya mo!"

Mahirap mang gawin. Masakit mang makitang nasasaktan ang dalaga, pero kailangan.

"Kahit... k-kahit konti man lang ba may nararamdaman ka rin para sa'kin?"

Tila natigilan si Travis ng tanungin iyon ni Arissa sa kanya.

"H-huwag! Huwag mo nang sagutin—"

Pero kung ang pagsagot sa katanungang iyon ay ang mas makakabuti para sa kanila, kahit labag man sa kalooban ni Travis na magsinungaling, gagawin pa rin n'ya. Kung iyon naman ang makakabuti para mas piliin na lang ng dalaga ang lumayo sa kanya.

"I don't love you! I didn't love you, Arissa. I'm just doing this because I need you, your blood and your body. Aside from that, wala na akong kailangan sa'yo."

Parang sinaksak ng isandaang punyal ang puso ni Travis nang makita ang pagtulo ng mga luha sa mata ng dalaga. Labag man sa loob a sabihin ang mga masasakit na salitang iyon, walang magawa si Travis kundi panindigan ang naging desisyon.

Kailangan n'yang saktan ang dalaga at paniwalain na wala s'yang nararamdaman para dito ni katiting man lang. Tama nang s'ya na lang ang magdusa, kaysa makitang nahihirapan ang dalaga sa sitwasyong meron sila ngayon.

Gusto mang punasan ni Travis ang luhang bumabasa sa magandang mukha ng dalaga, pero hindi n'ya ginawa. Pinigilan n'ya ang sarili na gawin iyon.

"I'm so sorry, baby! I love you, I love you so damn much and I'm sorry for hurting you!"

Pinakatitigan ni Travis ang mga mata ni Arissa. May kung ano itong sinabi habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Unti-unti namang nanghina ang katawan ni Arissa at nakatitig lamang ito sa binata.

Travis is using his power to control Arissa's mind. Matapos n'yang burahin ang ilang ala-ala ng dalaga at pinalitan ito ng panibagong ala-ala. Ala-alang wala ng masakit na pangyayari at mga pagluha. Bago tuluyang makompleto ang proseso ng ginawa n'ya, may sinabi pa s'ya.

"Hindi mo ako nakilala. Wala kang nakilalang mga Cordova. Hindi ka nakapunta sa lugar na ito at sa ibang probinsya ka nagtrabaho. Lahat ng ala-alang meron ka sa lugar na ito, lahat ng nangyari sa pagitan nating dalawa, lahat ng iyon ay isang panaginip lang. Mamumuhay ka ng masaya, maayos at normal paglabas mo sa lugar na ito. Maging masaya ka na wala ako. Bumuo ka ng masaya at kompletong pamilya na hindi ako ang kasama mo. Be happy with someone else, Arissa. Iyon ang gusto kong gawin mo."

Nakita pa ni Travis ang huling patak ng luha sa mata ng dalaga bago ito tuluyang mawalan ng malay.

He needs to do this. For her own good and safety. Dahil kahit na nagawa man n'yang kontrolin ang sarili laban sa halimaw na nasa loob n'ya, eh huli na rin naman ang lahat. May nasaktan na. May nawala na. At hindi pa siguradong kaya na nga ba n'ya na kontrolin ang sarili dahil sa presensya ni Arissa.

And he don't want to risk her safety, again.

BUHAT-BUHAT ni Travis ang walang malay na si Arissa pababa ng hagdan. Papalabas naman ng kusina ang dalawang pinsan nang makababa sila.

"What the heck? What did you do, Uno? Talagang tinuloy mo pa rin 'no?!" Galit na sigaw ni Tyron.

Bumaling si Travis sa isa pang pinsan at hindi pinansin ang paghihimutok ni Tyron.

"Call Night, now! Ipapahatid ko si Arissa sa kanila. Ilang minuto lang ang itatagal ng pampatulog sa kanya at pagkatapos niyon ay hindi na dapat n'ya nakita ang lugar na ito."

Utos ni Travis kay Sage na agad naman nitong sinunod.

"Bakit sa lobong iyon pa? Ako na lang ang maghahatid sa kanya—"

"You cannot! Hindi ka dapat makita ni Arissa dahil magtataka lang s'ya. Simula ngayon walang sinuman sa inyong dalawa ang pupuntahan o lalapitan si Arissa. It is for her own good. Ang sumuway sa utos ko, alam na ninyo ang kaparusahan."

Saka naglakad palabas ng mansion si Travis.

Tinapik naman ni Sage ang bagsak na balikat ng pinsan.

"You know you can't disobey the Young Master. Isipin na lang natin na panaginip ang lahat ng nangyari."

"As if I can do that!"

Nagkibit-balikat naman si Sage bago tinalikuran si Tyron na bakas ang inis at galit sa mukha.

"Nagawa mo mang kontrolin ang isip ni Arissa, but you can't control all human's heart, Uno. In the right time, babalik at babalik pa rin s'ya sa lugar na ito. Dahil kahit ilang beses mo mang itanggi, you both are bounded to each other. And no one can seperate that bond."

Continue Reading

You'll Also Like

252K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
25.8K 909 32
Janna is a fearless and extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of danger. A combat fighter, black belter and sharp shooter. She's ta...
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
4.7K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...