Contract with the Young Maste...

By heyitsmejesika

86.8K 2.6K 65

TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If... More

DISCLAIMER
CONTRACT WITH THE YOUNG MASTER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 52

995 38 0
By heyitsmejesika

CHAPTER 52

"ARISSA!"

Napatingin ako sa lalaking nagmamadaling pumasok ng kwarto.

"Baby, are you okay now? May nararamdaman ka pa ba? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka pa ba?" Sunod-sunod n'yang tanong.

He held my shoulder and to my shock, napapitlag ako nang dumapo ang kanyang malamig na palad sa aking balat. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Napansin n'ya iyon kaya nagtataka nitong inilayo ang kamay sa aking balikat.

"Arissa, is there something wrong? Tell me, baby, please! Pinag-alala mo ako."

Yumuko ako upang itago ang takot at pagkabahala. Bakit ganoon? Bakit naramdaman ko iyon ngayon? Bakit kailangang ipakita ko pa sa kanya na bigla akong natakot sa kanyang haplos? Bakit? Ano ba kasing nangyayari? At bakit ko iyon napanaginipan? Bakit gano'n?

Totoo ba iyon? Mangyayari ba talaga sa akin iyon? At anong ibig n'yang sabihin sa magagaya rin ako sa kanya? Sino s'ya? Sino ang tinutukoy n'ya?

Sobrang daming tanong. Akala ko kapag nalaman ko kung ano ang tunay nilang katauhan, matatapos na ang mga tanong ko. Pero hindi pa pala. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang napanaginipan ko o huwag na lang, dahil ba wala namang ibang meaning iyon.

Pero may part sa isip ko na nagsasabing babala ang panaginip na iyon. Pero para saan naman? Babala saan?

Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam!

"T-travis..."

"Yes baby, tell me, please! I'm worried!"

"Travis... n-napanaginipan kita. Ibang iba ka sa panaginip ko. Parang... parang may kung anong mabangis na hayop na bumabalot sa'yo. Puno ng dugo ang mga kamay mo at punit-punit din ang damit na suot mo. At ako... dumadaloy ang dugo sa aking hita pababa sa binti. S-sobrang daming dugo, Travis. N-nakakatakot."

Mabilis na dinaluhan ako ni Travis at kinulong ng yakap. At doon ko lang naramdaman na nanginginig na pala ako sa takot at paghagulhol.

"Hush, baby, hush! Tahan na, nandito na ako. Walang mangyayari sa'yong masama. Iyong napanaginipan mo, panaginip lang iyon at hindi totoo. Kaya tahan na please, tahan na."

"N-natatakot ako, T-travis. H-hindi mo naman iyon gagawin sa'kin 'di ba? 'Di ba Travis?"

Hindi s'ya sumagot kaya mas lalo lang akong umiyak.

"Travis..."

"Hush, baby! Please tahan na. I can't bare seeing you crying. Hindi ko iyon magagawa sa'yo, kaya nakikiusap ako tahan na. I won't do that to you!"

"Travis, I love you! I'm so inlove with you and I'm not sorry for breaking your rule."

And with that, unti-unti ko nang naramdaman ang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata bago ako muling dinala sa dreamland.

Pag-gising ko'y sobrang bigat ng aking pakiramdam. Inaantok din ako at gusto ko pa ulit matulog pero nakaramdam naman ako ng pagkalam ng sikmura. Kaya kahit inaantok pa at parang umiikot ang paligid ko, nagawa ko pa ring bumangon at maligo.

Pagkatapos kong magbabad sa maligamgam na tubig ay hindi pa rin nawala ang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko talagang humiga ulit at matulog, pero sadyang nagugutom na talaga ako.

Pagbukas ko ng pinto'y saktong bubuksan din sana ni Travis ang pintuan kaya nagkagulatan kami. O baka ako lang dahil parang expected na n'ya ang gagawin ko.

"T-travis."

"Bakit bumangon ka na? Dapat nagpapahinga ka pa. Makakasama sa kalusugan mo ang pagiging pasaway mo, Arissa."

"P-pero... nagugutom na ako. Saka okay naman na ang pakiramdam ko. Sinat lang 'to."

"Sinat? Go back to bed, now! Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo."

"P-pero—"

"No more buts and do what I say!" Saka n'ya ako tinalikuran at bumalik sa ibaba.

Wala naman akong nagawa kundi ang bumalik sa kama at humiga. Nakaramdam na naman kasi ako ng pagkahilo at medyo hinahalukay din ang sikmura ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan.

Napatakbo ako sa banyo at doon sumuka. Pero wala namang lumalabas, dumidigwa lang ako pero walang lumalabas.

Naghilamos ako at nagmumog para mahimasmasan. Napasandal ako sa dingding habang hinihingal. Sobrang sama ng tiyan ko, ano bang nakain ko?

"Arissa? Where the hell are you?"

Sumilip ako sa pintuan ng banyo ng marinig ang malalim na boses ni Travis.

"N-nandito ako. Sa banyo."

Nagmamadaling ibinaba nito ang tray na may lamang pagkain sa gilid ng kama saka ako nilapitan. Inalalayan n'ya akong maglakad papunta sa kama.

"What happened? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Dapat kasi hindi ka muna bumangon kung masama pa ang pakiramdam mo."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang s'ya sa kanyang ginagawa.

Kinuha nito ang tray saka iyon nilagay sa harapan ko. Pero nang maamoy ko ang pagkaing naroroon, napatayo ako at napatakbo pabalik ng banyo. At doon ko muling ibinuhos ang sama ng aking sikmura at tiyan.

Naramdaman ko ang marahang paghagod ni Travis sa aking likuran habang sumusuka ako sa lababo.

"Hey, do you feel something in your tummy?"

"Ang baho ng pagkain. Papakainin mo ba ako ng panis?"

"What? What are you saying? Why would I do that? And besides, kaluluto lang ng sopas kaya bakit babaho iyon? What's happening to you, Arissa?"

Nakapikit na sumandal ako sa sink bago umiling.

"H-hindi ko rin alam. Basta mabaho ang pagkaing dinala mo. Ayoko n'yan. Hindi ako kakain, matutulog na lang ako," aniya ko saka naglakad palabas ng banyo at ibinagsak ang sarili sa kama.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi ni Travis hanggang sa makatulog na naman ako.

IT'S BEEN two days since I lost my apetite in food, madalas din ang pagsusuka ko lalo na sa umaga at palagi rin akong inaantok. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa katawan ko.

Kapag hindi ko nagustuhan ang amoy ng pagkain o kahit makaamoy lang ako ng pabango na hindi ko gusto ang amoy, madali akong mairita. Minsan pa nga ay parang mas boss pa ako kay Travis dahil sa inaasta ko, na hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng tapang ng loob sa mga pinaggagawa ko.

Napaiinitan ko rin si Travis kapag nasa mood ako. Pansin ko rin ang mabilis na pagbabago ng aking mood. Minsan masungit, minsan naman masaya na akala mo'y hindi na mapapatigil sa pagtawa. Kahit hindi naman nakakatawa ang pinapanood ko sa laptop, bigla na lang akong tumatawa o umiiyak.

Mas nagiging emotional din ako.

Kahit na kaonting bagay lang o salita mula kay Travis ay umiiyak ako kahit hindi ko alam kung bakit. Minsan naman kapag sweet sa akin ang lalaki ay sobrang saya ko na parang gusto kong magsimbang bigla at ipanalangin na sana huwag muna s'yang kunin ni Lord. At may pagkakataon din na nagtungo ako sa hacienda ng mag-isa at nagsagawa ng handaan kahit wala namang may kaarawan o pagtitipon.

Jusko! Nababaliw na yata ako.

Katulad ngayon.

"I need to consult you to a doctor, Arissa. Mas mabuting malaman kaagad ang kalagayan mo dahil nababaliw na ako sa'yo."

"Hindi ako baliw, Travis! Baka ikaw, baliw na baliw sa'kin." Saka ako humalakhak, tuwang tuwa sa pinagsasabi. Nakita ko naman ang pag-iling ng lalaki.

Oh, hindi s'ya baliw sa'kin? So, ako pala ang baliw sa kanya?

"Wala akong sinabing baliw ka. Ang ibig kong sabihin kailangan mong magpacheck-up sa doctor para mabigyan ka ng kung anong gamot na magpapawala n'yang nararamdaman mo."

"Wala nga kasi akong sakit. Tingnan mo, ang lakas-lakas ko. Strong kaya 'to!" Umakto pa ako na ipinakita ang muscles sa braso ko kahit wala naman.

"Iyong mga pagsusuka mo sa umaga, anong tawag doon? Excersise ng lalamunan?"

"Oo! Para sa susunod na ipapakain mo 'yang anaconda mo sa baba, hindi na ako mabubulunan."

"ARISSA! YOUR MOUTH! LALAGYAN KO NA TALAGA NG TAPE 'YAN!"

Napahagikhik ako dahil kahit sumisigaw at galit ang lalaki ay gwapo at hot pa rin ito. Lumalabas na rin ang litid at ugat nito sa leeg senyales ng pagtitimpi.

"Ah, why so hot Sir Boss?! Gusto ko ulit ng lollipop mo." I pout at nag puppy eyes din ako.

"ARISSA STOP IT!"

I giggled. "Ang k.j mo naman. Hmp!"

Sa nagdaang araw, ramdam ko ang malaking pagbabago sa katawan ko. Tumataas din ang hormones ko at pakiramdam ko'y palagi akong horny.

Naiinis na nga si Travis sa akin. At dahil doon palagi s'yang nakabantay sa akin kapag nandito sa mansion ang dalawa n'yang pinsan. Baka daw kasi bigla akong may gawing hindi maganda. Nagkalat daw kasi ang gutom na lobo sa loob ng bahay which is sina Tyron at Sage ang tinutukoy n'ya.

At dahil din sa hormones ko, iyong nangyari noong New Year na putukan na ay muling naulit kahit tapos naman na ang bagong taon. Hindi ko alam kung ilang beses, pero dahil ang pinipigilang pagtitimpi ni Travis sa tuwing tunutukso ko s'ya ay tila napigtas na lubid na mahirap nang muling ibalik sa dating normal at kalmado.

Basta ang alam ko lang, kahit pagod na ang katawan ko tuloy lang ang lalaki dahil para itong walang kapaguran sa katawan. Isang araw yata akong nakahiga lang sa kama dahil hirap akong lumakad.

Ikaw na, anaconda ba naman kasi ang paulit-ulit na pumasok sa masikip at makipot na lagusan eh, magawa mo pa kayang maglakad ng tuwid. Baka hahakbang ka pa lang, kumikirot na.

"Eh anong tawag sa pagiging sensitive ng pang-amoy mo? You are not like that before. Kahit bagong lutong pagkain, ayaw mo dahil mabaho kahit hindi naman. Sobrang weird din ng taste bud mo. Gusto mo ng spaghetti sa mcdo tapos sasabawan mo ng gravy? So gross of you!"

"Gross? Talaga? Ang sarap kaya, try mo minsan."

"No thanks!"

"Ayaw mo? Ayaw mo na rin ba sa akin? Nahihirapan ka na sa akin kaya ganyan ka? Sabihin mo lang kung ayaw mo na, ako na mismo ang magpapawalang bisa ng kontrata natin." Saka ako umiyak na parang batang inagawan ng paboritong laruan.

"Hey!" Travis sat down beside me and hugged me tightly. He even tapped my back to lessen the burden I'm feeling. "Wala akong sinabing ganoon, kaya tahan na. I'm sorry, okay?! Hindi na tayo pupuntang hospital."

Kumawala ako sa yakap.

"Talaga?"

"Yeah! Ang doctor na lang ang papupuntahin ko dito. You should rest now, babalik ako before six pm."

"Saan ka pupunta?"

"Office. Anong gusto mong pasalubong?"

Nagliwanag naman ang mga mata ko sa narinig. Nag-isip ako saglit ng gusto kong pasalubong.

"Hmmm? Gusto ko ng cotton candy pero dapat kulay rainbow ah. Tapos gusto ko rin ng pakwan na walang buto and yogurt."

Nakita ko ang kanyang pagngiwi pero agad din naman napawi.

"Alright! I'll buy what you want. Basta huwag ka lang gagawa ng kahit anong hindi maganda habang wala pa ako. Dito ka lang sa kwarto mo, okay?"

"Okay po!"

He smiled before giving a peck on my forehead. The feeling of his sweet gesture lead me to a deep sleep.

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mabigat na bagay na nakadantay sa katawan ko. At nang magmulat ako ng mga mata'y nagulat ako sa nakita.

Nakahiga sa tabi ko si Tyron at mahimbing na natutulog. Nakayakap sa bewang ko ang isa nitong braso habang ang isa naman ay nasa uluhan ko. Wala itong suot na pang-itaas kaya naman ramdam na ramdam ko ang lamig na nagmumula sa katawan nito.

Dahil sa gulat ay malakas na naitulak ko s'ya pababa ng kama.

"WHAT THE F*CK DOLLFACE?!" Matigas at malalim na mura nito nang magising dahil sa malakas na pagkabagsak.

"Kita mong natutulog ang tao eh. Bakit ba nanunulak ka d'yan?"

"Anong tao? Hindi ka tao, remember? Saka bakit ka ba natutulog sa kama ko? Wala ka bang sariling higaan ha? Nananantsing ka ah!"

"Psh! Nilalamig ako at kailangan ko ng init ng yakap mo, Dollface. Masama ba 'yon?"

"Ikaw? Nilalamig? Ang pagkakaalam ko'y matagal ka ng malamig. Isusumbong kita kay Travis. Asan na ba kasi ang lalaking 'yon? Anong oras na? Nagugutom na'ko eh."

"Tsk! Wala pa si Uno, kaya huwag mong hanapin ang wala. Nandito naman ako, bakit hindi na lang ako?"

"Hoy! Anong drama mo 'yan?"

"Tsk! Wala! Ano bang gusto mong pagkain at nang maipaghanda kita? May alam din naman ako sa kusina kahit papaano."

"Hhmmm... Gusto ko ng sinigang na bangus pero hindi maasim."

"The heck? Saan ka nakakita ng sinigang na hindi maasim? Meron ba no'n?"

"Eh iyon ang gusto ko eh, sinigang. Pero sinisikmura ako kapag maasim kaya ayoko ng maasim. Sinigang na hindi maasim. Please, Ty, please! Gutom na ako?"

"Tatawagan ko lang si Travis para ihanap ka ng sinigang pero hindi maasim."

Akmang kukunin na n'ya ang telepono nang sumigaw ako.

"HUWAG!"

"Eto na nga 'di ba? Tatawagan ko na 'yong boss mo para ibili ka ng pagkaing gusto mo."

"Hindi ba sabi mo ikaw ang maghahanda ng gusto kong kainin? Tapos ngayon ipapabili mo sa iba? Ikaw nga kasi ang gusto ko eh," nagtatampong singhal ko na ikinatahamik n'ya.

"Oh?!"

"Hindi mo ako ipagluluto? E 'di huwag! Hmp!"

Padabog na umalis ako sa kama at nagmartya palabas ng kwarto. Lalampasan ko na sana ang nakatulalang si Tyron pero hindi pa ako nakakalabas ng pintuan, isang malakas na paghila mula sa lalaki ang nagpatigil sa akin.

Bakas ang pagtataka sa mga mata nito nang mag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. Nakakunot ang noo at nag-isang linya ang makakapal na kilay.

"Ito ba ang dahilan kung bakit gwardyado ka ng pinsan ko? You look normal, but when you talk and act, it seems like there is something different."

Humigpit ang hawak ni Tyron sa isa kong braso.

"Ano ba!"

Marahas na hinila n'ya ako palapit sa kanya kaya naman sumubsob ako sa kanyang malapad na dibdib. Nanuot ang suot n'yang pabango na nagpaikot ng sikmura ko.

"Ang baho mo, Tyron. Naliligo ka ba?"

Nabitiwan ni Tyron ang braso ko dahil sa gulat. Nakataas ang isa nitong kilay na tila nagtatanong.

"What's wrong with you, woman?"

"Eh?"

Napahiyaw ako sa gulat nang walang anu-ano'y muli akong hinila ni Tyron palapit at walang pasabing ibinaon ang mukha sa leeg ko. Impit na napaigik ako nang maramdaman ang pagbaon ng kanyang mga pangil sa leeg ko.

Pero saglit lang iyon dahil tila napapasong napalayo s'ya sa akin. Bakas ang gulat sa mukha n'ya nang balingan ko s'ya ng tingin.

"Anong nangyari sa'yo?" Ngiwing tanong ko habang iniinda ang hapdi sa aking leeg.

Hindi s'ya kumibo at nanatiling nakatulala lang, habang nakaawang ang labi na para bang may isang sekreto s'ya na nalaman.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at nagtungo sa drawer para kumuha ng tissue. Ang hapdi ng leeg ko. Para akong napaso roon na dati naman ay hindi ganito ang nangyayari noong nakagat nila ako.

Iiwan ko na sana si Tyron nang hindi pa rin ito kumikibo, ngunit tila napako ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi nito. Bumilis din ang kabog ng aking dibdib na para bang nagwawala ang puso ko.

"Damn that sharpshooter!" mahina n'yang mura pero rinig ko. "You know what, Dollface..." Nagkaroon ng kislap ang kanyang mga mata. Nakangiti ang kanyang labi ngunit mahahalata mong hindi ito tunay na ngiti. "May alam akong sekreto na hindi mo pa natutuklasan. Gusto mo bang malaman?"

"A-ano bang pinagsasabi mo d'yan—"

"May munting anghel na nagsisimula nang mabuhay sa sinapupunan mo. Dugo ng Cordova ang dumadaloy sa kanya. Ayaw mo bang malaman 'yon? Ha? Arissa? Ipinagbubuntis mo ang panibagong henerasyon ng lahi namin. Dinadala mo ang unang tagapagmana ng mga Cordova."

Continue Reading

You'll Also Like

186K 7.1K 54
A story of a Mysterious Girl student who was caught of attention by Mr. Good guy in the class. A girl named Yeona Lee who always stay a distance from...
171K 5K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
18.8K 581 29
PAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma ka...
26.4K 938 32
Janna is a fearless and extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of danger. A combat fighter, black belter and sharp shooter. She's ta...