Starstruck

NerdyIrel द्वारा

6.2M 97.4K 23.6K

Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa k... अधिक

Starstuck
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

236K 2.5K 533
NerdyIrel द्वारा

Chapter 8

 

 

Luke’s POV

Alam mo yung feeling na gusto mong lunurin sa pool yung tropa mo?

Or di kaya, buhusan ko na lang siya ng mainit at kumukulong tubig?

Takte! Pinagsabihan ko na sila na wag tawagin yung real name ko.

Pero ang tigas ng bungo!

Yup, I told them everything.

At sila lang din ang nakakaalam na may kakambal ako.

Putek talaga si Kiko.

>_<

“Luke…” Napatingin ako kay Jane.

Her eyes are questioning me.

LAGOT NA!

Ito na naman ako!

Kainis!

Eh ano ba dapat kong sabihin?

Ang tahimik ngayon.

Lahat nakatingin samin.

Nakita kong binatukan nila princess si Kiko.

“Tara, dun muna tayo sa kitchen” Sabay lakad papuntang kitchen.

Narinig kong sinundan niya ko.

>_<

Luke! Magisip ka na kasi ng palusot!

Bilisan mo!

Habang di pa siya nagtatanong------“Luke, may itatanong ako”

O_O

Ang bilis ah. Wala bang palugid ng time diyan?

Pwede bang mamaya na lang yung tanong na yan?

Takte, kinakabahan ako.

Habang nakatalikod sa kanya, kinuha ko yung 5 tupperware ng lasagna tapos nilagay ko yung dalawa sa oven.

Syempre dalawa lang kasi di naman kasya lahat dun.

“Ha? Ano yun?”

Tama yan luke.

Kunwari wala kang alam.

Be Cool.

Be Cute---joke.

“Yung kanina…yung sinabi ni Kiko”

Nakatalikod pa rin ako sa kanya nung sinabi niya yun.

SHET LANG!

Sana biglang pumutok yung oven para mawala sa isip niya yun.

Tingin sa kaliwa.

(<_<)

Tingin sa kana.

(>_>)

Wala akong makitang pwedeng ipalusot!

HAY NAKO!

Nagpa-panic na ko.

“Ano ba sinabi ni Kiko?”

 

 

Nice one Luke.

Ipagpatuloy yang ganyang kunwari di mo alam.

^_^

Patagalin ang usapan.

“Bakit magseselos si Billy? Paanong napunta sa usapan yung asawa ko?”

 

 

Napangiti ako dun.

ASAWA talaga? Haha.

Kinasal na pala ako, di ko pa alam.

Pero shemay.

Diretso magtanong si Jane.

Walang palusot!

HOY LUKE!

USONG GAMITIN YUNG UTAK!

PROMISE!

“Asawa mo talaga? Hahaha” Sabay harap sa kanya at smile.

That’s it!

Iligoy ang usapan!

 

 

“Just answer my question please. I’m really confused

Unti-unting nawala yung ngiti ko.

Wala na talaga akong kawala.

“Ah yun ba? Ahehehe ano kasi….”

 

“Kasi?”

 

“Kasi ganito…..”

Napakamot ako ng ulo.

Si Jane nag-frown na.

Naiinis na yata.

“Kasi ganito?” Pagtatanong niya.

“Wag kang magagalit sakin please”

 

“Bakit naman ako magagalit Luke?”

 

“Kasi yung sasabihin ko, baka ikagalit mo”

 

“Eh ano ba yung sasabihin mo?”

Medyo natatawa ako pero syempre pinigil ko tawa ko.

Nakakabuang kasi nung usapan namin.

Halata bang paligoy-ligoy ako?

I took a deep breath.

*Ting*

Tunog yan ng oven.

Hindi ng bumbilya ng utak ko.

Kinuha ko muna yung nainit na lasagna then pinainit ko naman yung iba pa.

Tapos nilagay ko sa bowl yung lasagna.

Inalok ko si Jane pero umiling lang siya.

“Please answer my question Luke. I’ll try not to get mad, I promise”

 

 

I bit my lip.

Putek!

I was just about to tell her the truth nung may bigla akong naisip.

^_^

 

 

“Kasi nakwento ko kila Kevin na fan na fan ka ni Billy. Tapos kaya ka nila inaasar na baka magselos si billy mo”

She stared at me.

PLEASE!

WAG KANG MAGAGALIT!

PLEASE!!

*cross fingers*

“Leche ka talaga! Pati pagiging fangirl ko, naku-kwento mo! Pero okay lang, atleast alam nilang lalabs ko si Billy ko! Awiieee kinikilig ako” Sabay palo ng mahina sa braso ko.

Natawa na lang ako.

Agad-agad siyang umupo tapos kinuha yung lasagna na inalok ko kanina.

Then kumain na siya.

“So, hindi ka galit?” Umupo ako sa tabi niya and she smiled at me.

“Mukha ba kong galit Luke?”

 

“Haha nga naman. Pero pagpasensyahan mo na talaga kung nasabi ko sa kanila, hindi ka naman talaga namin pinaguusapan. Nabanggit lang kita”

 

“Asus. Wala yun. Di ko naman ikinahihiyang fan ako ni Billy. I’m a proud fan kaya” sabay nguya.

^_^

Nakakatuwa talaga toh.

Love na love ako.

Ay este yung artista na ako.

Tama! Ako nga!

(-_-) Ginugulo ko utak ko.

Ang baliw lang.

“Psh. Panget panget nun ni Billy”

Nalalaughtrip ako sa sarili ko.

SARILING LAIT lang? haha.

“Hoy, magtigil ka! Pinsan mo yun, ginaganun mo. Binigyan ka pa nga ng cellphone”

 

“Hoy ka rin. Ano naman ngayon kung pinsan ko siya? PANGET naman talaga siya”

Bigla siyang tumayo tapos nanlaki mata ko.

O_O

Pano, tinutukan ako ng tinidor.

“Gusto mo bang maging lasagna ng di oras ha? Itigil mo sabi! Hindi siya PANGET! Baka ikaw yung panget”

 

 

Tawa ako ng tawa kasi hindi daw panget si Billy pero ako, oo.

PERO AKO SI BILLY DIBA?

Ibig sabihin, panget na hindi na oo na hindi ako?

WAHAHAHAHA ang gulo talaga!

*ting*

Tunog ulit yan ng oven.

Malamang oven, alanga naman tunog ng doorbell. (-_-)

Lumapit siya dun tapos nilagay niya yung lasagna sa bowl then nilagyan ng 4 ng forks.

“Teka lang, kila Princess ito diba? Bigay ko lang” Sabi niya.

Wow. Kilala niya na kaagad mga pangalan ng tropa ko.

Ngumiti lang ako at pinanood na mawala siya.

Wew!

Nakahinga ako ng maayos!

Buti madaling mauto yun si Jane. WAHAHAHA.

Pero grabe, ilang beses na kong nadudulas.

Sana lang wag na umulit.

 

 

Jane’s POV

^_^

Ang sarap ng lasagna.

Kaso pumapanget mood ko nung sinabi ni Luke na panget daw si Billy.

Like shems? Bulag ba siya?

Or insecure kasi mas gwapo si lalabs ko kesa sa kanya?

Hay. Mga lalake talag.

Di ko ma-gets bat haters sila ni Billy.

“Hi! Oh, merienda daw sabi ni Luke” Bati ko sa tropa ni Luke.

Nagtinginan sila sakin sabay nag-smile.

Si Kiko tumayo kaagad at lumapit sakin para kunin yung lasagna.

“Thanks” Sabi niya sakin. Nag-smile lang ako.

Francis: “Ay Oo nga pala Jane, yung sinasabi mo kanina, yung ipapakilala mong mga chicks. Kelan mo gagawin? Hehe”

 

Kevin: “Oo nga naman!”

 

Princess: “Hay nako, mga hindi makuntentong single! Hahaha Jane, alam mo ba, 2 days pa lang single yang dalawang yan”

Natawa ako dun.

“Ay nako. So ma-chicks pala kayo? Playboy type? Tsk tsk. Hindi ko na lang ipapakilala mga bestfriends ko sa inyo. Baka saktan niyo pa sila”

Kiko: “Hahaha ano kayo ngayon? HAHAHA”

 

Kevin: “Hala! Princess naman oh! Panira ng moment!”

 

Francis: “Jane, hindi yan. Promise. Magbabago kami”

 

Princess: “Hahahaha”

Natawa talaga ako.

They looked desperate.

“Depende kung kelan ko sila ipapakilala sa inyo. Basta tatanungin ko muna sila”

 

 

Kevin: “Aasahan namin yan ah! Bait mo talaga!”

 

Kiko: “No wonder tuwang-tuwa sayo si Billy”

 

 

Napangiti ako nun.

Kaso nagtawa ako dahil nanlaki naman mga mata nila tapos nagtinginan.

“Hoy! Itigil niyo nga pangaasar niyo kay Jane. At ikaw, Kiko! Kanina ka pa! Mauupakan na kita diyan!”

 

 

Biglang nagsalita si Luke.

Tumingin kaagad ako sa likod ko, dala-dala niya yung kinakain ko kanina.

Kiko: “Hahaha sorry LA!”

“LA?” Tanong ko.

“Oo. Luke Andrew” Explain ni kiko sakin.

L-A.

“Nyeh. Panget. Luke na lang” sabi ko.

“Yeah I prefer it Luke. Itong si Kiko, kung ano-ano sinasabi eh”

 

“Hahaha”

Umupo kami ni Luke dun sa may isang sofa then kinain ko ulit yung lasagna.

Bakit ba? Eh nagugutom ako noh!

Hahaha. Bawal tumanggi sa grasya.

^_^

Ang takaw ni Kevin at Francis.

Para silang hindi nakakain ng 3 days.

Kakain na rin sana ulit ako nung napansin kong nakatitig sakin si Luke.

>///////////////<

“Gusto mo?” Pagaalok ko.

Baka kasi tumulo na lang laway niya basta.

Gutom na pala, di ko man lang binibigyan.

He laughed softly.

“Loko. Hahaha I’m not hungry”

Wow. English-----hahahaha.

“Asus. Baka nahihiya ka lang manghingi Luke”

Teka, parang mali yata yung sinabi ko.

Kung tutuusin, sa kanya nga ito.

Ako yung nakikikain.

WAHAHA eh bakit naman siya mahihiya kung sa kanya ito?

Ang baliw ko talaga! Hahahaha.

“Hahaha seriously, hindi ako gutom”

 

“Oookay. Eh bakit ka nakatingin sakin?”

 

“I was just looking at you cause you look funny”

ABA!

Manginsulto ba.

(-_-)

“Funny? Hoy, Di naman ako clown”

 

“No, I meant funny…in a cute way. You’re enjoying the lasagna too much”

Ay grabe.

Too much talaga?

Parang di naman.

Pero totoo naman kasi yun, ang sarap ng pagkakaluto.

Tapos 100 years na yata akong di nakakakain nito. Charot lang.

“Masarap kasi. Sino bang nagluto?”

 

“My younger sister. She’s a good cook kahit na maarte yun”

Wow! Nakakabilib naman yun!

And at the same time, nakakahiya.

Kasi nadaig pa ko nung sister ni Luke.

Di kasi ako marunong gumawa ng Lasagna.

“Ah. Sabihin mo thank you, ang sarap ng niluto niya”

 

“I’d prefer not. Mainit dugo nun sayo” Bulong niya.

@_@

“A-ano? Mainit dugo?”

Biglang nanlaki mata niya.

Tapos gulat na gulat siyang tumingin akin.

Yung tropa niya, busy sa panunuod at pagkain kaya di kami napapansin.

“HA?”

 

“Sabi mo, mainit dugo nung younger sister mo sakin. Bakit?”

 

“Wala akong sinabing ganyan. Linisin mo nga tenga mo” Sabay kamot niya sa ulo niya.

“Ha? Hindi ah. Sure ako sa narinig ko”

 

“Ang sabi ko, mainit dito. Hindi mainit dugo”

Eh?

Talaga?

Yun ba talaga sinabi niya?

Sabagay, bumulong kasi siya.

Feeling ko, nagkamali nga ako ng rinig.

Tawanan kami ng tawanan kasi ang babaliw pala ng tropa niya.

Kung ano-ano ginagawa.

May nag-harlem shake nga bigla kahit walang sounds.

Si Princess nga, mukhang di na makahinga kakatawa.

“Ganyan pala kayo palagi?” Bulong ko kay Luke, medyo natatawa pa ko habang pinagmamasan yung tropa niya.

“Oo, mga nakawala yang mga yan sa mental”

 

 

Natawa ako dun.

Parang kami nila KatKat, Yannie at Sab.

Ganun din kami.

^____^

“Ay teka, balik ko lang ito sa kitchen” Sabay turo sa pinagkainan naming lahat.

Tumayo ako kaagad tapos binitbit ko yun.

Nung nakarating na ko dun, babalik na sana ulit ako nung bigla kong narinig na naguusap sila.

Kevin: “Tol’, muntikan ka na dun ah”

 

Francis: “Kaya nga, anong ginawa mong palusot?”

 

 

Huh? Muntikan saan?

Palusot para saan?

Kiko: “Pare, sorry talaga. Di ko sinasadya yun”

 

Princess: “Naku, buti talaga naging maayos na”

 

 

Ano bang ginawa ni Kiko at bakit siya nagso-sorry?

Luke: “Siguro hindi ko na muna siya dadalhin dito para maiwasan yung ganung nadudulas kayo. Mahirap na”

I frowned.

Sinong hindi dadalhin?

Ako ba yun?

Kevin: “Dude, wag naman”

 

Francis: “Masaya siya kasama”

 

Kiko: “Kaya nga”

 

Princess: “Atleast I’m not the only girl in here”

 

 

Okay.

AKO yun? Diba?

Ako yung pinaguusapan nila.

Pero ano ba yung sinasabi ni Luke?

May galit ba sakin yun kaya ayaw niya kong dalhin dito ulit?

Luke: “I know kaso nga pare, mahirap na talaga. I can’t take the risk”

 

Francis: “Tol’, you already did. Yun lang na palagi mo siyang kasama, risk na yun”

 

 

Risk?

Para saan?

Muntanga na ko dito.

Kanina pa ko nao-OP.

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila.

Kevin: “Kaya nga. Tsaka mukhang madali namang mabola yun”

 

Kiko: “WAHAHAHA uto-uto ba gusto mong sabihin?”

(-_-)

Hindi ako uto-uto.

Princess: “Loko kayo ah. Baka marinig niya tayo”

 

Luke: “Yah, cess is right. I’d better check her, teka lang guys”

 

O_O

OMG!

Agad-agad akong tumakbo papunta sa sink sabay bukas ng tubig.

Kunwari hinuhugasan ko yung mga plato.

Ano ba toh.

Bisita ako pero naging katulong.

Hay, kasalanan ko rin kasi.

Bakit ba kasi naging tsismosa pa ko kanina?

“Jane”

Lumingon ako kaagad kay Luke. He smiled.

I stared at him.

Panlabas na anyo lang ba yan?

Kunwari mabait pero may galit pala sakin?

Baka naman drug addict siya?

Anong konek Jane?

Hay.

“Oh, bat mo hinuhugasan yan? Just leave it there” Sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako.

Tsss. Di naman ako papalag para hawakan niya pa kamay ko.

Feeling naman niya, gusto kong maghugas ng plato.

Asus. Tamad na bata po ako!

Di uso yung masisipag these days. HAHAHA.

Hinugasan ko na yung kamay ko before ako humarap sa kanya.

“Luke, can I ask something?”

Ito na naman ako.

Di kasi ako sanay na may itinatago.

I’m so curious.

 

 

“Ano yun?”

I stared at him for a moment.

“You want me as your friend? Do you? I mean, okay lang naman diba? Okay lang na magkaibigan tayo?”

He immediately frowned. “Why are you asking me that?”

 

“Just answer it please”

 

 

“Of course I do. Everyone wants you to be their friend. Masaya ka kasing kasama at most specially, totoo ka. Kahit ilang days pa lang----I mean, 2 days pa lang tayong nagkakilala, I know your personality kaagad. I wouldn’t bring you here kung hindi ka okay na kaibigan ko”

Totoo kaya mga pinagsasasabi nito?

“Baka naman napipilitan ka lang dalhin ako dito”

 

“Huh? Jane naman. Bakit mo iisipin na napipilitan lang ako? Ano bang pumasok sa isip mo at nagkaganyan ka?”

“Luke, I heard your conversation with them”

Sinabi ko na yung totoo.

There is no use of lying naman.

Mas lalo siyang nag-frown.

Then bigla siyang lumapit.

SHIT!

PAPATAYIN NIYA NA BA KO?

HOY! WAG MUNA! MAHAL KO PA BUHAY KO!

“You heard everything Jane?”

 

“Yes”

Naiiyak na ko kasi naman, feeling ko, isa siya sa mga classmates ko na baka pinagtitripan lang ako.

Feeling ko, pang-wattpad story ko.

Wattpad yung website kung saan libre kang magbasa ng stories, professional writing or not.

Yung tipong kakaibiganin ka tapos pag okay na kayo, lolokohin ka lang.

Or di kaya pustahan lang pala lahat.

 

 

“Listen to me jane, it’s not like that okay? Mali yang iniisip mo”

O_O

“HOY! NABABASA MO UTAK KO?”

 

He laughed lightly. “Nope but I can read the way you look at me”

 

 

“Well then explain to me. Ano yung pinaguusapan niyo? Anong you can’t take the risk? At bakit ayaw mo na ko pabalikin dito?”

“I just….uhmmmm”

 

“Uhmm?”

He took a deep breath then yumuko siya.

“Baka kasi kinakaibigan mo lang ako para kay Billy. Baka mamaya, ginagamit mo lang ako para malaman mo yung things about my pinsan. I know it’s not bad kaso, malay mo, may mga malaman ka na dapat hindi mo malaman. Family matters kung baga”

Tsss.

Inirapan ko nga siya.

“Luke Andrew Fernandez, oo pinsan ka ni Billy my labs, pero alam ko ba yun nung una? Diba hindi? Tsaka di naman ako mangingielam sa inyo. Syempre may mga bagay na off limits ang mga fangirl. Kung sasabihin ni Billy sakin yun, okay lang pero kung hindi, eh di wag! Tsaka ganun ba kasama tingin mo sakin? Huh? Tingin mo, kaya kong manggamit ng iba? Psh”

Nag-cross arms ako.

Nakakainis siya!

“That’s why I’m sorry. I’m wrong. Forgive me please?”

Ay leche. Dami kong sinabi pero yun lang sinabi niya?

Pero yun naman kasi yung dapat niyang sabihin.

“Fine. Pero hoy! Dapat wag mo na kong pagiisipan ng ganun ah!”

 

“Naman! Tropa na kita from now on huh?” Sabay akbay sakin and smile.

Dugdug. Dugdug.

Shemay.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, pano…ang cute niya kasi.

Ngayon lang ah! Hahaha.

Ayokong magtaksil kay billy.

“Okay sige”

Todo ngiti ang lola niyo!

HAHAHA pag nalaman ito ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya sa school, for sure nganga yun!

WAHAHAHAHAHA. Naiimagine ko na kaagad yung mga magiging istura nila.

Pasensya, maganda kasi ako!

Oh, may kokontra pa! haha.

“Tara” Sabay hinila na ko pabalik sa tropa niya na tropa ko na rin ngayon dahil nga mag-tropa na kami. BONGGA!

Francis’ POV

Naks, may ganun?

Pag-bigyan, labs ako ni Author eh.

Charot. Sinong author pinagsasasabi ko?

(-_-)

Baliw na yata ako.

Nawala bigla yung dalawa.

Feeling ko pumi-PBB Teens.

WAHAHA hindi. Joke lang.

Pero honestly, natutuwa ako kay Billy.

I mean, FIRST TIME.

Yup, first time niyang magdala ng iba dito sa pent house niya.

At take note, FANGIRL pa niya.

Ibang klase.

Oo, nakwento niya lahat samin.

Nakakatawa nga dahil nung nakita namin yung disguised look niya, nakakabilib naman pala talaga.

Ibang-iba sa itsura niya as Billy.

This Luke looks really like his brother.

Naka-nerdy shades, nakataas buhok, bad boy look na hindi na ewan.

Tapos blue eyes.

Eh di siya na kalahi si superman! Haha.

Pero iba hinala ko kay Billy.

Feeling ko, may something na siya kay Jane.

Naks! Something talaga? Haha.

Eh kasi wagas siya kung makapag-kwento about Jane.

Pag dumadalaw kami sa set, si Jane palagi binabanggit niya.

Tuwang-tuwa siya dun.

Kaya nga siguro niya dinala dito yun dahil nga, baka nagugustuhan na niya si Jane.

It’s cool pero nagwo-worry ako.

Billy can’t love Jane.

Everybody knows na hindi pwedeng magkaroon si Billy ng non-showbiz girlfriend.

Kasi masisira career niya.

Loveteam kasi sila ni Julia B.

At kasalukuyang alam ng sambayanan na gusto ni Billy si Julia.

Luke on the other hand can love Jane.

Pero habang buhay na lang ba siyang magpapanggap?

That can’t happen.

Ngayon pa lang, nadudulas na siya palagi.

Buti hari ng palusot yun.

EWAN!

Bakit ko ba sila iniisip eh sarili ko dapat iniisip ko, diba?

Kelan kaya ako magkaka-love life?

Haha. Yung matino!

Palagi na lang kasing hindi.

I just, I CAN’T FIND THE RIGHT GIRL!

Kainis.

Kim’s POV

^____^

Oo, ako yan.

Ganda ko noh?

Wagas makangiti?

Hehe.

Sino ba namang di matutuwa pag nag-surprise boyfriend mo sayo diba?

Eh kasi, ganito yung ginawa ni Gerald.

**********Flashback***********

Hay nako!

3 pm na, wala pa rin siya.

Usapan, 12nn.

Hmmph.

Off duty kasi ako ngayon sa call center kaya ito ako ngayon, tambay sa bahay.

Sabi niya, susunduin niya daw ako.

Mag-lunch daw kami pero MAY LUNCH BA NA 3 PM?

Buti kumain na ko dito sa bahay.

Di ko kasi nakayang hintayin pa siya.

Si Mama nga pala, nandun sa kwarto niya.

Ka-skype si Papa.

Lipat lipat muna ng channel.

Nanunuod kasi ako ngayon.

*tok tok*

Hay nako! Buti naman naisip pa niyang dumaan dito!

Tumayo kaagad ako at binuksan yung pintuan.

“Hoy, kapal ng mukha mo ah------Ay sorry po. Ano po ba yun?”

>_<

Nakakahiya grabe.

Yung pizza boy kasi.

“Mam, nagpa-deliver po kayo ng pizza diba?”

 

“Huh? Hindi po. Teka kuya patingin nga ng address”

Baka kasi nagpadeliver si Mama.

Ay, oo nga. Samin yung address.

“Ay teka lang kuya, hingi lang ako ng pera kay Mama”

 

“Hindi na po mam, bayad na po ito”

Huh?

Eh?

Ano daw?

 

 

“Libre?”

 

“Hindi po libre. Bayad na po yung pizza”

(-_-)

“Sinong nagbayad manong?”

 

“Di po pinasabi eh”

 

“Lalake?”

 

“Bakla po. Hehehe de joke lang, opo. Lalake”

Si manong, ang corny.

Magjo-joke pa talaga.

Asus. Si Gerald ito for sure.

Baka sumisipsip para pagdating niya dito, di na ko galit.

Pero teka ah, walang sweldo yun ngayon.

Sa 15 pa. Parehas kami.

San kaya kumuha ng pera yung mokong na yun?

So ni-receive ko na lang yung pizza.

Sayang naman kung hindi ko kukunin.

Merienda din ito.

^_^

 

 

 

*Nom nom nom nom*

Kain. Kain.

Di ko na inalok si Mama kasi…UBOS NA!

O_O

Hala.

Kakakain ko, naubos ko pala lahat, di ko man lang namalayan.

BUSOG! Hehe.

Itatapon ko na sana yung pizza box nung may napansin ako.

May nakasulat.

Kim, labas ka ng bahay niyo.

^_^

Ha? Kung nagpadeliver lang si Gerald, paanong nasulatan niya yun?

Adik ah. Galing!

Ako naman na curious, lumabas.

*BOOM*

 

 

 

“AHHHHHHH!” Sigaw ko.

Pano naman, may confetti bigla.

O_O

Ang daming tao.

As in, buong baryo yata namin.

Tsaka wait, andito si mama?

Teka, paanong nakalabas ng bahay yun?

“Kim”

Nasan yung nagsalita?

Ah. Ayun, sa gitna.

Teka.

ANG GWAPO NAMAN NITO!! ^_____^

“Oh?”

“Happy anniversary” Sabay lapit sakin with flowers and chocolates.

May teddy bear pa.

Tapos nagpalakpakan yung mga tao.

CORNY!

Ano tingin nila?

Nagpropose yung tao?

Wahahaha.

Natawa tuloy ako. “Talagang may confetti pa ah! hahaha”

 

 

Pero shit.

I forgot.

Anniversary pala namin!

>_<

“Haha syempre. I love you”

 

 

I smiled at that. “I love you more”

Tapos I was about to kiss him, thank you kiss kung baga pero biglang may umubo.

 

 

“Ehem! Mahiya naman kayo sa langgam! Hahaha”

 

 

 

Natawa tuloy kaming lahat.

Si Mama kasi biglang umepal.

Nag-kiss na lang tuloy si Gerald sakin sa cheeks sabay hug.

**********End of Flashback***********

^_^

Walang sweet bones yang boyfriend ko pero pagdating sakin, nagkakaroon. Haha.

Ashley’s POV

“Psst”

Napatingin kaming lahat sa likuran kasi biglang may sumutsot.

May nakita kaming aso.

Gloria Fatima: “Nyeh, aso lang pala, naglalaway pa oh. Kadiri!”

 

Angelica Mangaser: “Asus. Ako rin eh, akala ko kung ano na”

 

Jessica Jarme: “Ay teka, girls, punta kayo sa bahay ko this Wednesday. Birthday ko”

 

Samantha Danica: “Sure, kami pa!”

 

Edace Sotomil: “We’ll be there. Sabay-sabay na lang tayo pumunta! Yey!”

 

 

Ngumiti na lang ako.

They’re my friends.

Real friends.

Yah, they’re also rich.

Not as rich like me.

At hindi rin nila alam yung secret ng family namin.

SECRET nga eh. Duh!

Naglalakad kami ngayon pauwi.

Yah, nagkayayaan lang.

Di kasi maaarte yang mga yan.

Kahit may mga car or di kaya, may susundo, they prefer to ride in the school’s bus or commute or like now, lakad.

Ewan, boy hunting daw kami. Hahaha.

Eh malapit na sila sa mga bahay nila, wala pa rin kaming nakitang gwapo.

Pupunta kasi kami dapat ng mga classmates ko sa SM kaso hindi natuloy dahil biglang hindi pinayagan sila Gloria tsaka Jessica.

“Sige, girls. Dito na ko! Bye! Ingat” Sabi ko, liliko na kasi ako dito sa kanto papunta dun sa village namin.

Ako lang yung iba yung daan sa kanila.

“Sige, bye ash! Ingat!” Sabi naman nila.

Nakangiti akong nag-wave ng buh-bye then naglakad na ko mag-isa.

Teka, makapag-earphone na nga lang.

Habang hinahanap ko yung earphone ko sa bag,

“Pssst”

 

 

Napatigil ako.

Leche yung aso.

Lakad…

Lakad…

“Psst”

Napatigil na naman ako.

Teka nga, parang hindi na aso yun ah.

May aso palang nasutsot?

“Pssst”

I looked at my back, walang tao.

Creepy.

Mag-6 na kasi.

Dumidilim na.

Lakad…

Bilis ng lakad…

“Psst”

Lumingon ulit ako sa likod------“AHHHHHHHHHHHHHHHH!”

As in napasigaw talaga ako sa gulat dahil may nakita ba naman akong tao.

>_<

Napapikit ako sa takot at tinakpan ko mukha ko. 

“Hahahaha shet! Ahhahahaha epic! hahahaha”

Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko.

“JACE?” Sigaw ko.

“Yes?” Sabay smile.

“What the hell? Ikaw yung kanina pang sumusutsot sakin?”

 

“Sino pa ba? Hahahahaha”

Grabe siya!

As in nagulat talaga ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang natawa siya.

Until now, nanginginig ako sa takot.

Di niya kasi alam na matatakutin talaga ako since bata pa ko.

Especially nung muntikan na kong mamatay dahil diyan.

Pano, nung nasa province kami, nakatayo kaming tatlo nila kuya billy at luke sa bangka.

Tapos ako, binabasa ko lang kamay ko dun sa dagat.

Then kinakalabit ako ni Kuya luke.

Pagtingin ko sa kanya, may mascara siya ng monster at dahil bata pa nga ako, napasigaw ako at napa-out balance.

Nalunod ako noon kasi di pa ko marunong mag-swimming.

Buti nasagip ako ni Kuya billy.

Alam ko naman na wala kami sa dagat ni Jace pero kahit na, takot pa rin ako.

At ayoko yung feeling na natatakot.

Bigla na lang ako umiyak.

“Hala, Ashley. Huy! Bakit ka naiyak?”

 

“I HATE YOU!” sabay palo sa braso niya.

Oo, bata na kung bata pero GALIT ako sa kanya.

Ilang years na kayang walang nag-try gulatin ako dahil nga alam nilang ayoko tapos itong si JACE, akala mo kung sino!

“Hahahaha hoy, sorry na! OA mo”

 

“Lumayo layo ka nga sakin! BWISIT KA! I hate you!” Sabay takbo palayo.

“Uy Ash! Sorry na! Teka nga! Hintay!”

Pinunasan ko na yung mga luha ko.

MASAGASAAN KA SANA JACE!

*eeekkkkk*

O_O

Tunog yan ng nag-prenong sasakyan.

Tumingin kaagad ako sa likuran.

“Hoy pare, tumabi ka sa daan. Muntikan na kitang masagasaan” Sabi nung driver kay Jace tapos nag-drive na ulit siya palayo.

Wow.

Akala ko nasagasaan na si Jace.

SAYANG NAMAN! SANA NATULOY NA!

Tumakbo na ulit ako dahil nakita kong napatingin sakin si Jace.

Alam kong tatakbo siya palapit sakin.

“Ashley Fernandez! Sorry na talaga! Hintay nga!”

HEH!

MAKIDLATAN KA SANA DIYAN--------*bogsh*

O_O

Tumingin ulit ako sa likod.

Pano, may narinig akong kidlat.

Grabe, nakakatakot naman pala akong magalit.

PERO BWISIT!

BAKIT HINDI TINAMAAN SI JACE?

HHMMPHH!

“Ash naman! Wait lang!”

Tumakbo na ulit ako.

I hate you jace!

Bakit ba kasi nag-exist ka pa?

At ako pa talaga pinagti-tripan!

AISH!

MAULANAN KA SANA PARA MALASIN KA-------*Boooshhhh*

(-_-)

Napatigil ako sa paglalakad.

Biglang umulan.

At ang malas ko dahil pati ako, nadamay.

Pwede bang bawiin ulit yung sinabi ko?

Grabe naman oh.

SANA WAG NA LANG UMULAN--------*BOOSHHH*

Leche. Mas lumakas yung ulan!

AH GANUN? SINASADYA LANG?

Last try na.

Kabaligtaran pala dapat.

SANA MAS LUMAKAS ULAN------*BOOSSHHHH BOGGSHHH*

Grabe! May kasama pa talagang kidlat at kulog.

Huhuhuhu.

“Huy!” Biglang may humila sakin papunta sa waiting shed.

“Bitawan mo nga ko jace!” Hawak-hawak niya kasi yung braso ko.

Binitawan niya rin naman kaagad. “Ang sungit mo ah, bakit ka nagpapaulan?” Sabay pagpag niya sa damit niya.

Shunga pala toh.

Basang-basa na siya, papagpagin niya pa damit niya?

Sige, goodluck sa kanya.

Tignan natin kung matuyo yan.

“Wala ka na dun” Pagsusungit ko.

Naaalibadbaran ako dito.

Bakit ba kasi nahiling ko pang umulan? Leche.

Makalayas na nga dito.

Tutal naman, basa na ko, lubusin ko na lang.

Malapit-lapit na rin naman yung village.

Lakad-----bigla akong napaurong nung hinila niya yung bag ko.

Tinignan ko kaagad ng masama si Jake.

“ANO?” Sigaw ko.

“Kung gusto mong maligo sa ulan, sige gawin mo. Pero maawa ka naman sa bag mo. Basang-basa na yung laman niyan for sure”

O_O

Agad-agad akong sumulong sa waiting shed.

Tapos umupo ako para tignan yung laman ng bag ko.

O_O

Kalahati ng mga gamit ko, BASA na!

OMG!

T^T

“Malas mo talaga! Bakit ba kasi andito ka? Tignan mo, pati ako nadamay sa kamalasan mo!” Sigaw ko kay Jace.

He looked surprised. “A-ako?”

 

“Ay hinde, yung ulan. Yung ulan yung malas”

He laughed. “Bakit ako sisisihin mo? Ako ba may kasalanan kung bakit umulan?”

 

 

Oo, ikaw.

Kung wala ka dito, sana hindi ako humiling na umulan.

Eh, malay ko ba kasing matutupad yun.

 

 

“Eh basta!”

 

“Hahahaha”

Tinawanan niya na lang ako.

(-_-)

Kinuha ko na yung phone ko para tawagan yung driver namin sa bahay.

Gusto ko na kasing umuwi dahil nalakas na yung hangin, lumalamig na.

SHEMAY?

LOW BATT?

Aish! Oo nga pala, nag-soundtrip ako kanina.

>_<

MALAS!!

Napatingin ako kay Jace.

He was also staring at me.

“Bakit ka nakatingin? Ash, alam kong gwapo ako pero sana------”

 

“MANAHIMIK KA PWEDE? Parang napatingin lang eh. Tssss”

Lumipat ako ng upuan. Dun sa pinakadulo kahit medyo nababasa ako.

Malayo lang ako sa masamang engkantong yan.

Nakita kong tinignan niya yung phone niya saglit.

“Shit. Walang signal” Bulong niya.

Ah.

Buti pala di ko hiniram phone niya, nakakahiya.

Wala rin naman palang signal.

Wala bang dadaan man lang na trycicle?

Truck? Kotse? Limousine?

Huhuhuhu.

Ang lakas lakas na ng ulan.

As in, may bagyo pa yata.

Ang masama pa, dumidilim na.

Oo, may ilaw naman itong waiting shed pero kahit na,

BASA damit namin. I mean, ako!

Pakielam ko naman kay Jace.

Lalamigin ako nito for sure.

Umupo siya bigla sa tabi ko kaya inirapan ko siya kaagad.

“Wag kang dumikit sakin. Ang baho” Sabi ko.

Natawa na naman siya. “Sungit”

Buti, tumayo siya tapos umupo dun sa gitna.

“Ang baho pa rin” Bulong ko.

“Hahaha bunganga mo na yun Ash” Tumayo ulit siya then umupo dun sa pinakadulo.

Bale, ang layo na namin sa isa’t-isa ngayon.

Good. Mas gusto ko yun.

We stayed quiet for an hour.

Oo, isang oras. As in, di na siya nangulit.

Di na nagsalita.

Di na tumitingin sakin.

Baka nakatulog.

Sinilip ko nga…

Gising.

Pero nakatingin lang sa ulan.

Ano kaya iniisip nun?

Heh! PAKIELAM ko naman noh!

Di naman titigil yung ulan kapag nalaman ko kung ano iniisip niya.

 

 

*silence*

 

Ang tanging naririnig ko lang ay yung ulan.

Leche.

Di ba kayo mauubos ha ulan?

Uso kumalma mga clouds!

Lakas niyo kasing humigop ng tubig sa dagat tapos kaming hindi tabing-dagat ang pahihirapan niyo.

Ang aadik.

I sighed.

Nakakabored na.

Ang tahimik.

Wala akong magawa.

“Giniginaw ka na ba Ashley?”

 

 

Napalingon ako kay Jace.

He’s not looking at me but I heard him spoke.

“Kinakausap mo ba ko?” Pagtatanong ko.

Baka kasi bingi lang ako or adik na nagiimagine na may kumakausap skain.

“May iba pa bang Ashley dito?”

(=_=)

Ang taray naman nitong panget na toh.

 

 

“Bakit? Kung giniginaw ba ko, may magagawa ka?” Pagtataray ko.

Bigla siyang tumayo tapos tinanggal niya yung suot niyang leather jacket sabay abot sakin.

“Oh, suotin mo. Pag tumila yung ulan, iuwi mo. Tapos palabhan mo. Make sure hindi dumikit yung germs mo ha”

Ang sama talaga ng ugali nito.

Ako? May germs?

Tssss.

“And why would I wear that jacket? Basa na rin yan noh. For sure, mas lalamigin lang ako”

 

 

He frowned at me. “Ash, leather jacket ito. Labas lang yung nabasa, yung loob hindi. Kung ayaw mong suotin, eh di wag. Ikaw na nga yung inaalok diyan. Psh”

Sinuot niya ulit yung leather jacket niya then umupo na siya dun sa dulo.

Tignan mo yun!

Daig pa yung babaeng may PMS. (Pre-menstrual syndrome)

Tinatanong ko nga kung bakit ko susuotin, may sinabi ba kong ayaw ko?

Hay naku!

Bahala siya diyan.

We stayed there for another 30 minutes, and this time, nanginginig na talaga ako sa lamig.

Ang lakas na ng hangin tapos nababasa pa rin ako.

Si Jace tahimik lang dun.

At ako naman, mababaliw na yata dito.

May dalawang side na kumakausap sakin.

Left:

HOY ASHLEY!

TUMAYO KA NA KAYA AT LUNUKIN MO NA PRIDE MO!

HIRAMIN MO NA YUNG JACKET KESA MAMATAY KA SA GINAW!

DI KA NAMAN MAMAMATAY PAG HINIRAM MO YUN!

Oo nga naman.

Hihiramin lang naman, di naman hihingin.

Right:

BALIW KA BA? WAG!

PAGTATAWANAN KA NIYA KASI SA ISIP NIYA, ‘HIHIRAMIN MO RIN PALA, BAKIT HINDI PA KANINA?’

TSAKA BAKA TUMILA NA YUNG ULAN, DI MO NA KAYA YAN.

Tumingin ako sa ulan.

Parang hindi naman.

Ang lakas pa ng ulan oh!

BAHALA NA ASHLEY!

Wala namang ibang makakakita nitong MOST EMBARASSING MOMENT mo kaya gawin mo na!

Tumayo na ko tapos dahan-dahan akong lumapit kay Jace.

Tumingin kaagad siya sakin.

“P-pwede bang….” I bit my lip.

Nakakahiya.

Di kaya ng PRIDE ko.

 

 

“Wag na lang pala” Sabay umiling ako tapos bumalik na sa inuupuan ko.

Shit. Ang lamig talaga.

Feeling ko, magfi-freeze na ko.

May bagyo nga yata, until now, di pa rin natigil.

“Ash” Di ko napansing pumunta na pala siya sa harapan ko.

“Oh?” Wala na ko sa mood para tarayan pa siya.

As in, wala na!

Ginaw na ginaw na ko!

“Take this” Malumanay niyang sabi sabay abot nung jacket niya.

Agad-agad akong tumayo at isinuot yun.

Wew! Mainit yung jacket kasi suot-suot niya kanina.

Tapos totoo yung sinabi niya na hindi basa yung loob.

Sobrang na-relieve ako.

Di pa ko nakakapagsalita pero tumalikod na kaagad siya at bumalik dun sa pwesto niya.

Pero this time, sa gitna na siya umupo.

Kasi pag dun sa dulo, mababasa ulit siya.

“Ah….jace?” Ako na yung lumapit sa kanya.

“Bakit? Mabaho ba yung jacket? Pasensya ah”

I frowned.

Laki ng problema nito?

Di na nga ako nanlalait, inuunahan na kaagad ako.

“Thank you” Bulong ko.

Halatang nagulat siya.

Siguro dahil first time na MAAYOS ko siyang kinausap.

First time na nag-THANK YOU ako sa kanya.

Well, wala naman kasi siyang ginawa dati para mag-thank you ako, diba?

“Wala yun Ash”

Then he smiled. “Bagay nga pala sayo yung jacket ko. Gusto mo, sayo na lang?”

 

Natawa ako dun. “Loko. Wag na lang, maraming ganito yung kuya ko”

 

“Ah may kuya ka pala. Teka, upo ka muna kaya dito para di ka mangawit diyan”

Umupo ako sa tabi niya pero syempre, may space pa rin.

Tapos tumingin na ko sa kanya.

“Yah, I actually got TWO brothers. Both one year older than me”

 

“Oh? Never heard of them”

(-_-)

Shunga?

Gusto kong sabihin na…

Paano mo maririnig eh hindi naman tayo close last year?

Tapos ngayon naman, 1 week and 1 day pa lang tayo magka-classmates na MAGKAAWAY pa, diba?

DUH.

Kaso I wanna be nice to him ngayon.

Since he’s nice naman pala kasi.

Kaya hindi ko sinabi yun.

“How about you Jace? Any siblings?”

 

“None. Only child ako. My parents are both living in Canada”

Natigil ako dun.

Huh?

PAREHAS nakatira sa Canada?

Ay Ashley, malamang PAREHAS, BOTH nga daw diba?

“Teka, diba si Tito business partner with my dad. How come you said dun sila nakatira sa Canada?”

“May asthma kasi ang mama ko and she keeps on having asthma attacks dito sa Pinas kaya nag-decide siyang mag-migrate. Si Dad naman, kakaalis lang. He can’t let my mom live there alone. Pero umuuwi naman ang daddy ko dito kasi andito pa yung business namin. Di pa kasi naaayos yung business namin dun”

Grabe.

Ang lungkot naman pala ng buhay niya.

Di niya kasama parents niya.

I can’t take that.

I can’t live with that.

Kaya siguro ang sama ng ugali ni Jace kasi hindi naturuan ng maayos.

HAHAHAHAHA.

“Sinong guardian kasama mo?” Pagtatanong ko.

“Wala”

I frowned. Naglolokahan na yata kami dito.

“Wala? Pwede ba yun?”

 

“Oo. I’m independent. Di naman nila ako pinababayaan. Of course they give me allowance and I have my own money on the bank. I have my own car and condo kaya no worries”

Yabang. (-_-)

Tss.

Oo, alam kong mayaman ka.

Wala namang mahirap na nagaaral sa Padilla University unless…scholar ka.

Sabagay, pwedeng pagkamalang scholar si Jace dahil top 2 siya.

Ako, scholar ako kahit mayaman kami dahil nga, top 1 ako sa class.

Siya rin yata…di ko lang sure.

“Bakit hindi ka na lang dun tumira?”

 

“Ayoko lang”

@_@

Ay baliw.

“Pero pag naayos yung business niyo dun at permanently nang tumira ang parents mo dun, susunod ka naman siguro ano?”

“Hindi rin Ashley. Ayoko nga dun. Andito buhay ko eh”

 

“Ha?”

 

“Andito yung buhay ko. Kausap ko nga siya ngayon actually”

(-_-) 

Corny ng banat ang putek.

“Okay. Sabi mo eh”

 

Bigla siyang tumawa. “Wala ka talagang kaamor-amor sakin ano? Hahaha you’re weird”

 

“Weird?”

 

“Yeah. Wala naman kasi akong ginagawang masama pero parang ang init na kaagad ng dugo mo sakin”

 

“It’s your fault” Bulong ko sabay yuko.

Everytime I look at him, I remember the day he stole my first kiss.

Iba kasi talaga impact sakin nun.

Until now, naaalala ko yung scene namin na yun.

“Because of what I….did?” Tanong niya.

“MALAMANG! Shunga ka ba? Anong gusto mong gawin ko? Matuwa? Ha? Leche! Bakit nga ba kita kinakausap eh magkaaway nga pala tayo. Psh. Bahala ka nga diyan”

Tumayo na ko tapos umupo ako dun sa dulo.

Ewan! Nakakainis talaga siya!

Di keri ng powers ko na maging mabait sa kanya ng isang oras!

Minuto nga lang yung pagta-try ko, nag-give up na kaagad ako eh.

I heard him laugh. “Ms. Sungit”

 

“Mr. Papansin” Bulong ko.

Gah!

Sana tumila na yung ulan!

>_<

Billy’s POV

Hinatid ko na si Jane sa bahay niya.

Pano, ang lakas lakas ng ulan.

Baka mapano pa siya kapag nag-commute siya tsaka wala siyang dalang payong.

Bawal din daw kasi siyang magpa-gabi.

Baka magalit mama niya, lalo na daw yung ate niya na pakielamera.

Hahaha.

Kotse ni Kevin ginamit ko kasi masyadong maganda yung kotse ko.

Baka isipin niya, sobrang yaman ako.

Well, oo nga pero kahit na. Hahaha.

Pagbalik ko sa penthouse sa rooftop, paalis na rin yung tropa.

Nagpaalam na ko kasi may taping pa ko.

10 ang call time.

9:10 na.

Tinanggal ko na kaagad yung contact lens ko.

Nakakairita na kasi sa mata.

Tapos naligo din ako para bumaba yung buhok ko.

Naka-gel kasi kaya mahihirapan ako kapag hindi ako naligo.

Nag-white shirt lang ako at black pants.

Tapos vans.

 Then umalis na ko kaagad.

Jane’s POV

^_^

Wiee.

Billy!

Billy!

BILLLLLLYYYY!

Hahaha.

Nagfa-fangirling mode kasi ako.

Well, daily routine ko po ito.

Nakakatamad kasing gumawa ng assignment.

Kokopya na lang ako sa mga classmates ko bukas. HAHAHAHA!

Ina-update ko yung twitter account namin na,

@Billyrocks3

Nakakatuwa kasi ang daming nanghingi ng permission na gumawa ng chapter sa lugar nila.

Iba’t-ibang lugar sa pilipinas, magkakaroon na ng billyrocks.

Todo tingin din ako ng new pictures ni Billy.

“Awwieee. Ang sweet naman nila ni Julia at Billy dito sa picture na ito!”

 

 

Oo, kinikilig ako sa kanila.

Kaso kung iisipin, NAKAKAPANGSELOS!

T^T

Pero kinikilig talaga ako kaya keribels lang.

^_^

“SHEMS! Ang gwapo ni billy dito!!!”

Copy-paste kaagad! Save sa laptop ko!

Hahahaha.

“Ay mas gwapo siya dito!”

Copy-paste ulit!

Tapos palit ng cover photo sa facebook!

Syempre, picture niya dapat ^_^

Pati background sa twitter, pinalitan ko rin.

Pati header na para masaya!

“Pa-print ko kaya ito!” Sabay titig dun sa wall ng kwarto ko.

“Kaso…san ko ilalagay?”

Pano, punong-puno na ng printed pictures at posters ni Billy yung kwarto ko.

Yung ibang pictures nga namin ni Billy, andyan na rin.

Eh kung palitan ko na kaya yung iba?

Old pictures na naman yun.

PERO AYOKO!

Memories din yun!

“Bahala na nga basta ipapaprint ko toh bukas”

 

 

Ay wait, papa-refill ko na lang yung printer sa computer sa baba para di gastos.

Hahaha. Sabihin ko na lang kay mama na may project ako para di magalit.

*Tok. Tok*

Napatingin ako kaagad sa pintuan.

“Yes?”

Bumukas yung pinto.

Malamang, bumukas.

Matakot ka pag sumara yan eh nakasara na nga.

@_@

“Ate, pwede paturo?”

Napangiti ako.

Si Xyriel pala.

Ganyan kasi kaming dalawa.

Lagi ko siyang tinuturuan dahil gets ko naman lessons niya.

Madadali pa naman kung para sa lessons ko ngayon sa math na hahanapin ang X.

Naguguluhan talaga ako dun.

Bakit ba laging nawawala yung X?

Pati yung Y nakikisali.

Siguro mga kalahi sila ni Dora.

Mga galaera!

Tapos kami papahirapan mag-compute para mahanap sila.

Mga leche!

(-_-)

“Ay, math ba yan?”

 

“Oo ate, division”

 

“Ah sige. Upo ka dito”

 

Ngumiti siya at isinara na yung pintuan ko.

Tapos umupo na siya sa tabi ko.

“Ate, si Billy na naman?”

 

“Oo bunso. Di ka pa nasanay kay ate. Hahahaha Teka, sa Sunday nga pala, nandun ang parking five kasama si Kathryn. Bago ka matulog, paalala mo sakin ha”

 

“Sige ate”

Maaga kasi natutulog yan.

8 pm pa lang, pinapatulog na namin.

Kaya di siya makakapanuod ng Gandang Gabi Vice.

Pero ako, bilang isang pasaway na teenager, palagi akong puyat.

“Oh sige, ayan oh. Ano bang problema?”

Sige, mamaya na pagfa-fangirl ko.

Turuan ko muna little sister ko.

Marami naman akong time kay Billy my labs.

^_^

Billy's POV

On set…

Ito, 12 pm na.

Di pa rin kami tapos.

Nasa waiting area muna ako kasama yung ibang co-actors ko.

Nakakapagod.

Buti nga, tumila na yung ulan kanina.

Kundi, muntik nang hindi matuloy yung taping.

Kakatapos lang pala ako kausapin ni Direk.

Patapos na nga pala yung Princess and I TV series kaya sinabi niya sakin na baka daw, mga 4 na shooting na lang yung gagawin namin.

Nagme-memorize ako ng script ko ngayon.

“Hey billy!!!” Napatingin ako dun sa tumabi sakin.

“Uy aki, musta?”

Si Akiko ulit. As usual.

Hahaha, mangungulit na naman ito.

“Anong musta? Kainis ka! Bakit di ka nasagot sa mga text ko?”

 

“Busy kasi ako, sorry”

 

Yung totoo? Busy naman talaga.

Syempre pag-school hours bawal cellphone.

After class naman, nakalimutan kong i-check phone ko.

Tsaka may mga fans na rin naman na nakakaalam ng number ko kaya minsan, tambak inbox ko.

“Ay ganun ba? Teka, diba sa school ka na daw napasok?”

 

“Oo. Bakit?”

 

“Wala lang. Maganda dun Billy?”

 

“Oo naman”

 

“Di ka nahihirapan mag-school? Kasi diba, sikat ka…”

 

“Aki, mahabang kwento eh”

Baka si Julia nagkwento kay Akiko.

Kahit hindi sila close, minsan naguusap sila.

Nabanggit ko kasi kay Julia na nagschool na ulit ako.

Pero ang tanda ko, di ko sinabi na sa PU ako nagaaral.

“Okay…so nahihirapan ka?”

 

“Hindi naman. Two days pa lang kasi akong nakakapasok dun. Alam mo na, lagi kasi akong busy. Daming ginagawa”

 

“Hay, gusto mo masahe?”

Tapos bigla niyang hinawakan yung balikat ko.

Hinawakan ko naman kaagad kamay niya.

 

 

“Di na. Actually, I wanna be alone, if you don’t mind? Nagco-concentrate kasi ako sa script ko. Baka magalit si direk kapag di ko kabisado ito later”

“Hmmph. Sige na nga pero pag free mo na, punta ka dun ah. Kwentuhan tayo”

 

 

Tumungo naman ako at nag-smile.

Tumayo na siya at naglakad paalis.

“Billy, pinapatawag ka na pala ni Direk. Tara na?” Biglang pumasok si Julia na nakangiti at niyayaya na ko.

Binasa ko na lang kaagad yung script tapos tumayo na rin kaagad ako.

Naintindihan ko naman yung gagawin ko.

For sure, di ako papalpak.

Jace’s POV

Mga past 7 na yata nung tumila yung ulan.

Pagkatila na pagkatila ng ulan, tumayo kaagad si Ashley tapos nagstart ng maglakad.

^_^

Di man lang nagba-bye oh.

“Uy Ash! Teka”

Hinabol ko siya, napatigil naman siya sa paglalakad.

“WHAT?” Sigaw niya.

Grabe. Na-miss ko kaagad yung paguusap namin na mahinahon lang siyang magsalita at yung hindi nangbabara.

“Are we friends now? Napatawad mo na naman siguro ako sa ginawa ko diba?”

 

 

“Friends?” Bigla siyang natawa then tinaasan ako ng isang kilay. “You are so funny Jace. Really? FRIENDS? You think we’re friends now just because nag-chat tayo?”

Ang taray talaga.

Siguro nung nagpasabog ang Diyos ng kasungitan at katarayan, gising na gising siya kaya nasalo niya lahat.

“Look, can’t we atleast try? Ash, kung maibabalik ko lang yung time-----”

 

“Ugh. Don’t start with me Jace”

She really hates me.

Ganun ba kalaki impact ng KISS ng isang Jace sa isang Ashley?

Siguro nga, oo.

Eh teka, sa ganda niyang yan, I know na marami na siyang naging boyfriends.

Well, di ako sure pero yun ang alam ko.

For sure, hindi ako first kiss niyan..

Teka…

“You hated me because I stole your first kiss, am I right?”

Nanlaki mata niya sabay tinulak ako. “Go away from me. I hate you and I would never like you. It’s impossible for us to be friends, Jace. Don’t you get it? Lahat na yata ng cells sa katawan ko, AYAW SAYO! So just give up already, and get the damn thing you’re doing away from me”

 

 

Tapos tumalikod na siya at naglakad na palayo.

I stayed staring at her back.

Bakit kahit galit na galit siya sakin, natutuwa pa rin ako sa kanya?

Ang cute niya kasing magalit.

Spoiled brat na spoiled brat ang istura.

Tsaka kahit sinasabihan niya ko ng kung ano-ano, di ko pa rin mapigilan ngumiti.

Honestly?

This is what I want.

A game.

Something that would challenged me.

Something to keep me away from that stupid boredom.

“Kakainin mo lahat ng sinabi mo Ash. Makikita mo”

I smiled then naglakad na ko sa kabilang direksyon.

Baka kakadaldal ko dito, umulan ulit, ma-stranded pa ko.

Jane’s POV

Wednesday…

Katkat: “Oy bes, good morning!”

 

Sab: “Aga natin ngayon ah!”

 

Yannie: “May hinihintay ba?”

Sabay tumingin sila sa katabi ko.

Binato ko nga ng libro, buti nasalo nila.

“Heh! Itigil niyo nga! Kita niyong absent siya kahapon, baka absent din yun ngayon. I’m starting to think na MONDAY boy siya” Sabi ko habang inaagaw kay katkat yung book ko.

Umupo si Katkat sa chair niya while Yannie sat at Luke’s chair tapos si Sab kumuha ng chair at umupo sa harapan ko.

Katkat: “What do you mean by Monday boy?”

 

Sab: “Kayo ah! Endeaments?”

 

Yannie: “Tawag mo ba sa kanya yan?”

I rolled my eyes.

“Shunga lang? Malamang hindi. Monday boy kasi tuwing Monday lang napasok sa klase”

Katkat: “Ahhh”

 

Sab: “Oo nga no”

 

Yannie: “Bakit nga tuwing Monday lang siya pumapasok?”

 

 

 

Ang aadik talaga ng mga kaibigan ko.

Bakit nila sakin tinatanong?

Mukha ba kong si Luke?

Biglang may mga lumapit na girls samin, mga schoolmates namin.

Ka-batch mates din namin sila, ibang section lang.

“Jane, si Luke?”

(-_-)

Kahapon pa yang mga yan.

Sakin ba naman hinahanap si Luke.

Katkat: “Ay jane, hanapan ka na pala ng mga nawawalang tao?”

 

Sab: “Ms. Lost and Found ka na pala”

 

Yannie: “Nakakaloka naman!”

 

 

Tapos nagtawanan sila.

(=_=)

Mga itsura yan ng mga schoolmates slash batchmates ko.

Pano, binara sila ng tropa ko.

I looked at them. “Eh bakit niyo ba siya hinahanap?”

 

 

 

“And why would you care?”

“Pakielam mo naman kung hinahanap namin si Luke”

“Nasaan ba kasi siya jane?”

“May sakit ba?”

“We miss him”

“Wag mo na ipagdamot”

“Wag mong angkinin si Luke”

“Napaka mo!”

“Sabihin mo na kung nasaan siya or else----”

Biglang tumayo yung mga kaibigan ko.

O_O

Katkat: “Or else what!? Anong gagawin niyo kay Jane?”

 

Sab: “Hoy hoy hoy! Kayong mga mahadera kayo, manahimik kayo ah!”

 

Yannie: “Kung makapagsalita kayo as if naman, may utang na loob si Jane sa inyo”

 

 

 

“Whatever”

“Pare-parehas lang kayo”

“May mga gusto rin naman kayo kay Luke pero indenial pa”

“Yah, ikaw jane, kunwari ka pa!”

“Kunwari friend pero nilalandi na pala si papa Luke”

Hala ka.

Magaaway pa yata sila.

Tsk tsk.

Dapat tumahimik na yung mga schoolmates namin.

Kundi, away talaga mangyayari.

Katkat: “Aba! At talaga naman!”

 

Sab: “Pigilan niyo ko girls! Makakasapak ako!”

 

Yannie: “Naku, di ka naman pipigilan sab, tutulungan ka pa namin”

 

 

“Ugh”

“You are all annoying”

“Stupid and sluts”

“Just tell us where the heck is Luke!”

Tumayo na ko kasi naiinis na rin ako.

“Eh bakit niyo ba kasi sakin hinahanap, kaano-ano ko ba si Luke? Ha? Nanay niya ba ko?”

 

 

 

“Maybe”

“I guess…”

“You look like an old woman though….”

(-_-)

Lakas manlait.

Ako daw?

Mukhang matanda?

Napagkamalan pang nanay!

Katkat: “You should all learn to buy mirrors”

 

Sab: “Tama! Para makita niyo kung sino sa inyo ni Jane ang mukhang matanda”

 

Yannie: “Amoy niyo pa nga lang matanda na eh”

Go girls!

^_^

“Tsss”

“Just tell us where the hell is my luke!”

“Yah, or we’ll beat you all down”

“We’re gonna make sure na mapapahiya kayo!”

I frowned at them.

At talagang kami pa ang tinakot nila.

Asus.

Si Sab, sanay sa bugbugan yan. 

“Please lang ah, I don’t know where is luke kaya iwanan niyo na kami”

“We don’t believe you”

“For sure, itinatago mo lang siya sa amin”

“Para hindi namin siya puntahan”

“You’re a freaking liar”

Sarap sagutin ng, so you think amalayer?

Kaso wag na. Corny. Haha.

“She’s not a liar”

Bigla kaming napatingin sa may pintuan dito sa gilid.

O_O

Si Luke, naka-black na shirt lang.

Hindi naka-uniform.

Tapos may necklace na silver.

Ang astig tignan.

Kahit naka-nerdy shades.

Kasi yung taas-taas niyang buhok, nag-add up sa angas look.

Tsaka mas pogi yung itsura niya ngayon.

^___^

Teka jane, masama yan.

Baka isipin ni Billy mo, pinagpapalit mo siya sa kanya.

Naku, baka magselos yun!

Haha.

“Wag niyo nga siya awayin. She’s telling the truth. Wala siyang alam kung nasan ako” Sabay lapit samin.

Si Yannie umalis na sa upuan ni Luke dahil umupo na si Luke dun.

Lahat kami natigilan dahil nga, bigla na lang dumating si Luke.

Lalo na yung mga babae.

“Omg”

“He’s here”

“Shems”

“He’s so cute!”

“Hot!”

“I can’t believe this!”

“H-hi luke!”

“I love you”

Di pinansin nung mga babae yung sinabi ni luke.

(-_-)

Leche, imbis mag-sorry sakin dahil nalaman na hindi ako nagsisinungaling, natuwa pa yata sila na kinausap sila ni Luke.

Yannie: “Tignan mo tong mga mokong na toh”

 

Sab: “Nung wala si Luke, akala mo kung sinong demonyo”

 

Katkat: “Tapos ngayon, parang ewan na biglang kinilig at bumait”

Tinignan sila ng masama nung mga babae.

“Luke, bakit wala ka nga pala kahapon?”

“Yeah, inaabangan ka namin lumabas ng room niyo eh”

“Tapos sabi nung isang classmate niyo, absent ka daw”

“What happened?”

Inaabangan?

Wow! Stalker!

Fangirls ang peg?

Asus, kung si Billy ang taga-kabilang section, baka sakaling gawin ko yun.

Ay hindi pala baka sakali, GAGAWIN KO TALAGA!

Yung tipong, todo bantay sa pintuan nila para lang makita si billy my labs!

^____^

“May inasikaso lang ako” sabi niya with a straight face.

Nagulat ako dun.

Not because sa sinabi niya at sa mukha niya na itsurang walang pakielam pero dahil sa…

Kinausap niya yung mga babae.

Kasi nung last Monday, ako lang kinakausap niya.

Tapos nung last last Monday, ako lang din.

Pero ngayon, sinagot niya yung mga yun.

Ewan ko pero, parang ang strange?

Or sadyang weirdo lang ang pagiisip ko.

Yannie: “Selos lang girl?”

 

Katkat: “Haha may iba kasing kinausap si luke”

 

Sabrina: “Perstaym yun teh!”

 

 

 

Inirapan ko nga sila, para silang mga ewan na bulong ng bulong sakin.

Di ko maintindihan kung konsensya ba or demonyo? Hahaha.

None of the above.

“Really?”

“Well it doesn’t matter anymore”

“What matters is you Luke”

“We’re glad you’re in here”

Lahat sila, in a flirting voice pa.

Nakakadiri tong mga toh.

Di man lang sila nahiya.

Kababaeng mga tao, pinapakita kaagad na gusto nila yung lalake.

Ganyan na ba talaga mga kabataan ngayon?

Bakit ako? Hindi.

Ay, sabagay. Pinapakita ko naman na gusto ko talaga si Billy! HAHAHA.

Napangiti na halatang natatawa si Luke.

At dahil sa ngiti na yun, kinilig na naman yung mga babaeng toh.

“I think dadating na teacher namin, or worst, nandun na teacher niyo. Baka late na kayo”

 

 

 

Halatang pinapaalis na ni Luke yung mga babae.

Pinagtitinginan na kasi kaming lahat dito sa loob ng classroom.

Tapos may mga students na rin na nakasilip sa pintuan.

 

 

 

“Wala pa yan”

 

“Di pa nagte-text classmate namin”

 

“Dito muna kami para makapagkwentuhan tayo”

 

“Okay lang naman siguro diba?”

 

 

Luke suddenly looked at me.

Napatingin tuloy ako sa kanya.

Oh? Bakit tumitingin sakin ito?

“Tingin mo? Okay lang?” Tanong niya sakin.

Teka, bakit ako tatanungin nito?

Siya naman ang kakausapin, hindi ako.

“Ikaw…Bakit naman ako?” Sagot ko.

“Ikaw mag-decide, tropa kita eh”

“WHAT?”

“You’re his troop?”

“Shunga, anong troop sinasabi mo diyan?”

“Hindi ba yun yung English ng tropa?”

(-_-)

 

“Luke, why are you friends with her?”

“Are you insane?”

“Psh. She likes you more than friends”

“She’s going to take advantage with that”

Leche tong mga toh.

Mas alam pa pala nila yung nararamdaman ko kesa sa sarili ko.

Bakit ba kasi napagkakamalang may gusto ako dito sa katabi ko?

I mean, DUH!

Pang-3 days pa lang namin na magkakilala.

I saw Luke frowned. “Sinong gusto niyong gawin kong kaibigan? Kayo? So bawal ko kayong maging kaibigan dahil may gusto kayo sakin? Psh”

Sab: “LUMAYAS NA NGA KAYO DITO!”

 

Kat: “Nakakairita kayo promise!”

 

Yan: “Gusto niyo bang tawagin pa namin teacher namin? Ha?”

Nag-glare yung mga babae sa tropa ko.

Pero nag-sigh din.

“Psh, mga eps!”

“Epal forever!”

“Let’s go girls!”

“Bye luke”

“See you later”

Tapos nagsialisan na sila.

Leche yung mga yun.

Kaya ayoko talagang maging kaibigan si Luke.

Dumadami kaaway ko.

>_<

Pero sabi nga niya, di niya naman kasalanan na maraming umaaway sakin dahil sa kanya.

Tsaka masaya namang kasama si Luke.

Nakakatuwa nga dahil nung Monday, pinakilala niya na ko sa mga kaibigan niya.

Sab: “Naku, nagiinit ulo sa mga yun”

 

Yan: “Yah right! Kakabanas!”

 

Kat: “Ang lalande!”

 

 

Tumawa bigla si Luke. “Ang gwapo ko kasi eh”

“Hoy, kapal mo ah!” Pagdi-disagree ko.

Gwapo naman talaga siya pero mas gwapo yung asawa ko.

Hahaha.

Nagtawanan kaming dalawa.

Sila Yannie naman, nagtaka.

Di kasi nila narinig yung sinabi ni Luke na ang gwapo niya daw.

 

 

“Bakit ka nga pala naka-civilian luke? Buti pinapasok ka”

 

“Ah..eto? Hehe. Ano…uhmmm”

Napakamot siya bigla ng ulo. “Ah tama. Ah jane, kasi, di nalabhan yung uniform ko. Nagbigay naman ako ng letter kaya pinapasok ako”

“Bakit hindi nalabhan?”

 

“Daming tanong ah”

 

 

Natawa na lang ako.

Dumating na rin naman kaagad yung teacher namin kaya umayos na kaming lahat.

Lunch…

On our way to canteen, may bigla akong naalala.

“Girls, may ipapakilala pala ako sa inyong boys. Haha, mga friends ni Luke” Sabay ngiti ko kay Luke.

Natawa naman siya pero di na nagsalita.

Busy sa pagte-text.

Katkat: “Pass”

 

Yannie: “Really? Sure!”

 

Sabrina: “Game ako diyan”

Napatingin ako kay bestfriend. “Bes, bakit pass?”

 

 

“Huh? Wala lang. Wala ko sa mood”

Yannie: “Ay teh, walang balak baguhin ang status?”

 

Sabrina: “Baka naman may iba ka nang ine-entertain ah”

 

 

Biglang namula si Katkat. “Ha? Wala…hehe. Ano ba naman yan”

 

 

I stared at her.

Kilala ko siya.

May tinatago toh.

Sino kaya yung guy?

“Luke, kelan pwede sila Francis at Kevin?” Tanong ko habang naglalakad kami.

*silence*

Yannie: “Huy luke!”

 

Sabrina: “Gandang kausap nito”

Napatingin samin si Luke.

“Huh? Ano yun?”

Sino ba yang ka-text niya at busy na busy siya?

“Sabi ko, kelan pwede sila Francis at Kevin? Diba nagpromise ako dun sa dalawang yun na ipapakilala ko sila Yannie”

 

“Ah…ewan ko lang. Ite-text ko muna sila mamaya ha” tapos nag-text na ulit siya.

Nagkatinginan kaming mga babae. “Okay. Sige”

Importanteng tao siguro ka-text nito.

Yannie: “Hala ka girl, may kaagaw ka na yata kay papa luke”

 

Sabrina: “Mukhang may ka-text mate”

 

Katkat: “Naku, delikado ka na”

 

 

I frowned at them.

Kanina pa sila bulong ng bulong.

Di ko na lang pinansin.

Mga loka-loka kasi.

Pagdating sa canteen, nakayuko pa rin si Luke at busy sa pagte-text.

Muntikan na nga niyang banggain yung babaeng may hawak ng tray, buti hinila ko siya pagilid.

Umupo muna kami dun sa table namin.

“Tara, luke, bili na tayo” pagyayaya ko.

“Ha? Ah, kayo na lang. Bili mo na lang ako ng kahit ano please. Okay lang?”

 

“Ah..sige”

 

Tapos inabutan niya ko ng 100 pesos.

Bago ako tumalikod, nakita kong nagpatuloy na naman siya sa pagtetext.

Weird.

Busy na busy siya ah.

Sila Yannie, Katkat at Sabrina, nagbigay din sakin ng pera.

Saglit lang daw sila, magsi-CR lang.

Bago daw ako maka-order, for sure nakabalik na sila.

Bale, magisa lang tuloy ako sa pila ngayon.

Kainis naman oh!

“Ehem”

Napalingon ako sa likuran ko nung may nag-fake laugh.

Pagtingin ko, nagulat ako.

“Teka, diba ikaw yung kumausap sakin last Monday?”

Oo, siya yata yung lalake na kinausap ako.

Yung nagtanong kung pwedeng tumabi sakin.

Tumungo naman siya. “Yup. Ako yun”

 

“Andyan ka pala, sorry di kita napansin”

 

“Okay lang, ganyan ka naman eh”

 

 

Medyo nagtaka ako sa sinabi niya.

Close ba kami nito para masabi niya yun?

Feeler! Haha.

“Hehe gusto mo, mauna ka na sa pila? Kasi bibilhan ko yung mga kaibigan ko. For sure, matatagalan toh”

 

“No, it’s okay. Mauna ka na jane”

 

@_@

Paano niya nalaman name ko?----Ay oo nga pala. Sinabi ko nung nagusap kami.

“Fourth year ka rin?” Tanong ko.

“Yup, Section II”

Section I kasi kami.

“Ah. Nakapagtataka lang, new student ka dito sa PU? Never pa kitang naging classmate tapos di naman kita nakikita dito noon”

 

“Yup. Transferee ako”

Sabi na nga ba eh.

Tsaka what’s with this guy?

Ang hilig niyang magsabi ng ‘yup’.

(-_-)

“Wait lang ah, ano nga palang name mo? Di mo nasabi nung last time dahil tinawag ka na kaagad ng friends mo”

 

“Hahaha I’m-----”

 

“Jane, kanina pa umurong yung pila oh”

Napatigil sa pagsasalita yung lalake nung biglang dumating si Luke at nagsalita.

Tinignan ko yung pila at tama nga siya, ang layo na ng pagitan namin nung nasa unahan ko.

Umurong naman kaagad ako.

“Teka Luke, bakit mo iniwan yung table natin dun?”

 

“Andun naman yung bag ko tsaka ayokong maiwan dun, ang daming lumalapit sakin”

 

 

 

Natawa ako. Loko much.

But I found it strange na hindi tumawa si Luke.

Mukha siyang naiinis.

“May problema ba?” tanong ko.

“Wala”

Pero nakasimangot siya.

Hay naku, pwede namang sabihing meron pero ayaw niya lang sabihin sakin.

Kaso, ang rude nga naman kapag ganun.

Napakamot na lang ako ng ulo.

Wala siguro sa mood si Luke today.

Kanina pa kasi siyang ganyan.

“Bakit ka nga pala absent kahapon?” Tanong ko.

Bigla siyang dumikit sakin kasi may dumaan na babae.

Halatang nagpapansin sa kanya.

Tinignan niya ko kaya napatingin din ako sa kanya.

And again, I got stunned.

Ewan ah.

Ang ganda kasi talaga ng blue eyes niya.

Ang sarap titigan…

“Jane…”

 

“Ha?”

Nag-frown siya ulit tapos nagsalita. “Wala”

(-_-)

Laki ng problema nito.

“Di mo naman sinagot tanong ko” Sabay nag-pout ako.

“Ha? Kung bakit ako absent? Puyat kasi ako. Di ako nakagising ng maaga. Tapos may pinuntahan ako nung hapon”

Grabe.

Tamad toh!

Puyat lang, di na kaagad pumasok.

Uso mag-alarm dre!

“Nyeh. Sayang, nag-quiz kasi kami kahapon sa math tsaka TLE”

 

“Okay lang yun, babawi na lang ako”

 

 

 

Sabagay, mukha naman siyang matalino.

Inayos niya yung nerdy shades niya then inakbayan ako bigla.

O_O

“Oy, kilig ka noh?” Tanong niya.

Tinulak ko nga palayo, tawa tuloy siya ng tawa.

“Hala!”

“They’re so sweet”

“Para silang batang naglalaro”

“Tsaka kakakilig yung akbay thing”

“I swear I’m so jealous”

“I wish I was jane”

“Ang bait bait kasi sa kanya ni Luke”

“Pero satin, snob”

Napatingin ako dun sa mga babae.

Yung iba, todo ngiti.

Yung iba naman, nakairap na sakin.

@_@

Creepy.

Inakbayan ulit ako ni Luke. “Mamaya PE natin, magsusuot ka ng swim suit diba?” Sabay tinignan ako ng nakakaloko.

O/////////////////O

Shemay.

Oo nga pala.

Swimming PE namin.

“Hoy, ikaw din naman ah. Swimming din PE mo”

 

“Oo pero di ako magswimming mamaya”

 

“Hala! Ang duga, bakit?”

 

“Kasi excused ako Jane”

 

“Ha? Ang unfair!”

 

“Hahaha wawa. Di bale, pipicturan talaga kita promise Jane”

Kinurot ko nga yung tagiliran niya.

Tawa na naman siya ng tawa pero nayuko siya para di makita ng tao yung itsura niya.

“Okay sana kung si billy ang makakakita kaso EWW! Ikaw?”

 

“Maka-eeww naman toh hahahaha”

 

“Magtigil ka nga Luke”

Pero deep inside, natutuwa ako.

Pano, kanina parang lutang siya.

Buti ngayon, back to the makulit

Luke na naman siya.

Bumili na rin kami ng food.

Dumating na rin sila Yannie kaya di kami nahirapan ni Luke magdala ng tray.

Before ako umalis sa pila, may naalala ako.

Tumingin ako sa likuran.

Hala, nakalimutan kong may kinakausap nga pala ako kanina.

“Ay-----”

Natigil ako nung biglang nagsalita si Katkat.

“Tara na jane”

Di niya yata napansin na kakausapin ko sana yung lalake.

Ngumiti na lang ako dun sa guy as a sign ng ‘sorry’ at ‘sige, alis na ko’.

He smiled back tapos nag-order na siya.

Pagdating sa table, siniko ako bigla ni Yannie.

Yannie: “Huy jaja, sino yung nginitian mo?”

 

Sabrina: “Oo nga, nginitian ka rin ah”

Hala.

Nakita pala nila yun.

“Ha? Anong nginitian? Sino? Asan? Bakit di ko nakita?” Pangungulit ni Katkat.

Yannie: “Ayun oh! Yung may hawak ng tray”

 

Sabrina: “Yung pinagtitinginan ng mga girls”

Di ako tumingin.

Hinayaan ko lang silang tatlo.

Kay Luke na lang ako tumingin.

Eh shems naman kasi!

For sure aasarin ako nitong mga ito mamaya.

Si Luke nakain lang, di pinapansin yung tatlo.

From my peripheral vision, nakita kong magsasalita na sana si Katkat kaya inunahan ko na.

“Luke, sino nga pala yung ka-text mo kanina? Busy na busy ka masyado”

He looked up at napatigil sa pagkain ng fries. “Huh?”

“Kasi kanina sobra yung tingin mo sa phone mo”

 

“May inasikaso lang”

 

“Like?”

Sorry, demanding ako.

Haha more on tsismosa.

Char! De, joke lang.

Curious lang talaga ako.

“Like stuffs”

 

 

(-_-)

NICE TALKING AH! NICE TALKING!

Tanungin niya rin kaya ako…

‘Ano kinain mo jane?’

‘Bakit ang ganda mo?’

‘Bakit ang sexy mo?’

Tapos sagutin ko rin siya ng.

‘Dahil sa stuffs’

Kakabanas toh!

Kung di lang ako maganda, kinulam ko na siya.

Pero wait lang jane, anong konek ng maganda sa stuffs?

HAY! EWAN!

Nakakabaliw!

 

“Stuffs stuffs, gawin kong stuff toy mukha mo eh” Bulong ko.

“HAHAHAHAHA”

O_O

Biglang tumawa si Luke ng malakas kaya lahat kami napatingin sa kanya.

I swear, kahit yung ibang girls tumingin.

Yung iba, kanina pa nakatingin.

Sabrina: “Hala! Nasaniban?”

 

Yannie: “Bakit ka tumawa luke?”

 

Katkat: “Adik-adik?”

Natawa tuloy ako.

Na-gets ko na kung bakit siya tumawa.

Narinig niya pala yung sinabi ko.

 

 

 

“Hahahaha leche naman jane! Wahaha muntik ko na maluwa kinakain ko…wahahahaha!”

 

“Eh kasi naman luke hahahaha stuffs ka ng stuffs ahahahaha itigil mo na nga pagtawa mo! Nahahawa ako! hahahaha”

Mga istura ng girls. 

@_@

Hahahahaha.

Mas lalo tuloy akong tumawa!

Yannie’s POV

Parang baliw itong dalawang ito.

Biglang tumawa ng malakas si Luke then tumawa na rin si Jane.

Ang lakas pa nila tumawa ah!

Halos manahimik na nga buong canteen para lang tignan silang dalawa.

Me: “Umayos nga kayo!”

 

Sab: “Bakit ba kayo natawa?”

 

Kat: “Anong nakakatawa?”

“Hahaha eh kasi si jane!”

 

“Anong ako? Hahahaha ikaw!”

(-_-) 

Nice talking.

Sab: “At talagang kayo lang dalawa natatawa”

 

Me: “Hindi sabrina, sadyang may sariling mundo lang sila”

 

Kat: “Ang sweet niyo talaga ah! ”

 

 

 

They still kept on laughing.

Parang mga sira.

Me: “Ah guys, sige lang. Kain na kayo!” Sigaw ko dun sa mga students na nakatingin pa rin kila Jane.

Sab: “Tama! Wag niyong pansinin itong mga baliw na katabi namin!”

 

Yan: “Sensya! Mga nakawala lang kasi sila sa mental”

 

 

Buti sumunod yung ibang students, mga nagsibalikan na sa mga ginagawa nila.

Pero yung iba, nakairap na kay Jane.

Ay leche!

Laki ng mga problema!

Yung iba, natatawa na rin.

Pano, parang baliw yung dalawa.

Di pa rin natigil sa pagtawa.

@_@

Kumain na lang kaming tatlo.

Hinayaan na namin sila Luke.

Parang timang talaga!

*nom nom nom nom*

Maya-maya, napatigil na rin silang dalawa.

Mga napagod na yata.

Luke: “Adik ka jane!”

 

Jane: “Bakit ba kasi ako? Ikaw!”

 

Luke: “Kumain na nga tayo! Mamamatay ako kakatawa sayo”

 

Jane: “Tignan mo toh! Ikaw kaya pinagtatawanan”

Grabe. Until now, wala pa rin kaming clue kung anong pinagtawanan nila.

So ayun nga, kumain na yung dalawa then nag-kwentuhan na kami.

Si Luke nanahimik na ulit, back to the old him. (-_-)

Si Jane, ayun. Lamon lang ng lamon.

“Girls, teka lang ah. Nasi-CR ako” Sabi ko.

Napadami kasi inom ko ng shake.

Ang sarap eh! Hahaha.

Tumayo na ko then naglakad na ko papunta sa CR.

Dun na lang ako sa malapit sa lobby since yun ang pinakamalapit na CR sa canteen.

After doing my girl thing, lumabas na ko ng comfort room.

Kinuha ko yung phone nung biglang…

*BOOGSH*

 

 

 

“ARAY!” Napasigaw ako kasi napaupo ako bigla sa sahig.

Pano, may bumangga sakin at hindi ang yun!

Nagkaumpugan pa kami!

>_<

“Hala! Sorry Ms! Teka” Bigla siyang tumayo tapos hinand-out niya yung kamay niya.

Inirapan ko nga. “Bakit ba kasi di ka tumitingin sa daan?” Pagalit kong sigaw.

Buti walang katao-tao dito.

“Sorry. May ka-text kasi ako Miss”

Medyo napaiwas tuloy ako bigla ng tingin.

Kasi ako rin naman, di tumitingin sa daan.

Kinuha ko kasi phone ko sa bulsa ko.

Buti di siya napansin kundi napahiya ako.

Teka, naka-hand out pa rin yung hand niya sakin.

Hala! Nakakahiya yannie! Pinaghihintay mo yung tao.

Hinawakan ko na yung kamay niya at tinulungan niya kong makatayo.

“Sorry din ah. Di rin kasi kita napansin”

He smiled. “Wala yun. Wait, can I ask your name? I think medyo rude yung hindi ko alam yung pangalan ng dyosang babaeng nasa harapan ko ngayon”

^//////////////^

Ay leche.

Bigla akong kinilig!

Eh kasi naman!

Dyosa daw? Ako! Sus!

Tagal ko ng alam!

Wahaha.

Pero duh, alam ko na mga style ng mga boys na ganyan.

He’s flirting with me for sure.

“Yannie Maxine Salvador but you can just call me yannie, yan, or maxi”

 

“How about yanyan para unique?”

I smiled.

Sounds cute!

Well, cute naman talaga ako.

Tsaka yanyan naman talaga tawag sakin minsan.

Aba! Sino ba ito at parang ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sa kanya?

But that doesn’t mean I’m attracted to him.

Kasi nga, sa dami ng manliligaw ko, kilala nga akong mapili diba?

Pasok siya sa mga ideal man ko kaso mukhang babaero eh.

“Sure. Wait, Salvador? Kaano-ano mo si Juan Salvador?”

 

“He’s my dad. How’d you know?” I frowned ng kaunti.

My dad’s a business man.

He’s the owner of Bench.

Yup, BENCH! Founder po siya nun.

Ewan, laughtrip nga eh.

Kaya pala bench ang pangalan kasi dahil sa isang BENCH.

As in upuan! Dun nagkakilala sila ng mother ko.

Napaupo daw si Dad dun dahil sa pagod kakatakbo then nakatabi niya si mama na noon ay naiyak.

Naiyak pala si mama nun dahil iniwan siya ng boyfriend niya.

Haha.

Epic!

“Kaka-close lang ng account ng Dad ko with your dad’s company”

 

 

Wow.

I think mayaman itong lalakeng ito.

“What’s your dad’s job?” Tanong ko.

“He owns a modeling company. Kumuha kasi ang dad mo ng models samin for Bench”

 

 

Mayaman nga.

Hahaha.

“Ah…Wait, what’s your name?”

 

He smiled at me. “Francis Sugui”

“New student ka dito?”

“Nah. May kakilala lang ako kaya ako napunta dito”

 

“Oh, kaya pala naka-civilian ka”

 

“Yeah”

 

New student pala.

For sure friendship lang habol sakin.

Hahaha yan ka na naman Yannie!

Nagiisip ka na naman kung liligawan ka niya!

Hahahaha.

“Okay, nice meeting you Francis. Kaso baka hinahanap na ko ng mga friends ko. I gotta go”

 

“Sige, see you sometime Yanyan”

 

 

Nag-smile na ko tapos tumalikod na ko. 

“Wait!” Sigaw niya.

Naks!

^_^

Sabi na nga ba eh.

Gumagana talaga charm ko.

May gusto sakin itong boylalet na itech!

“Yes?” Harap ko with matching flip hair. Char! Joke lang.

“Y-yung…phone mo” sabay dapa at pulot nung cellphone ko.

 

“Ah cellphone lang ba----WHAT?”

O_O

Napasigaw ako bigla nung nakita ko yung iPhone ko.

SHET!

>_<

Basag ang screen!

“HALA! OHMYG! WHAT HAPPENED? AH! NABITAWAN KO PALA! UWAH! NAKAKAINIS! HALA!!!”

 

 

 

T^T

At umiyak na talaga ako ng tuluyan.

Kasi naman eh!

Nabitawan ko pala phone ko!

Ayaw mag-open!

“Nakakainis naman oh! Huhuhuhu”

As in umiiyak na ko.

Pano, ito yung gift sakin ni papa at mama last birthday ko!

Kahit mayaman ako, syempre mahalaga pa rin sakin yun!

Tsaka duh!

iPhone 5 po yun!

Nasa uso ako!

For sure, magagalit sakin si mama.

>_<

“I’m really sorry yanyan. Di ko alam na----”

 

“Why are you saying sorry? Di naman ikaw nakalaglag? Uwah! Ano na gagawin ko?”

 

 

 

Iyak na talaga ako ng iyak.

Bwisit lang.

Ayaw talaga mag-open ng phone ko.

Leche oh!

“Yanyan”

Napatingin ako kaagad kay Francis.

He looked straight into my eyes…

“Take this”

Sabay abot ng iPhone 5 niya.

O_O

Naka-iphone din siya.

Pero wait, “WHAT? Take what?”

“My cellphone. Mukhang mapapagalitan ka yata eh. It’s really my fault. Ako nakabangga sayo”

 

“Pero di rin naman ako nakatingin sa daan-----”

 

“Just take it yanyan. Besides, I don’t need this. I wanna have a brand new cellphone”

Napatitig ako sa kanya.

So ganun?

Tingin niya sakin, di makakabili ng new phone?

“No thanks” Sabay punas sa luha ko. “I can buy a new phone”

 

“You sure? Ayaw mong kunin phone ko?”

Unli?

“Wag na talaga. Thanks na lang Francis. Sige na”

 

 

 

Tumalikod na ko habang tinititigan ko phone ko.

Kainis!

Pero wala na rin naman akong magagawa.

Bibili na lang ako ng bago.

Bago pa malaman nila Mama at Papa.

I have my own bank account naman eh.

T^T

Jane’s POV

 

 

Pagbalik ni Yannie, napatingin kaming lahat sa kanya.

She looks sad. Tapos namumula ilong at mata niya.

Me: “Umiyak ka noh?”

 

Kat: “Hala bakit?”

 

Sab: “What happened?”

“Eh kasi, may nakabangga sakin kanina. Ito, nalaglag ko phone ko. Ayaw na gumana”

Tinignan namin iPhone niya.

Hala! Basag!

Ganda pa naman niyan!

Sayang! Kung alam ko lang, sana inarbor ko na sa kanya.

Wahaha. Never pa ko nakabili ng iPhone.

Sorry! Di kami masyadong mayaman eh.

Nasa middle class lang kami.

Kat: “Ay naku naman, shunga shunga nung bumangga sayo”

 

Sab: “Ang sama ng ugali!”

 

“No no no! Diyan kayo nagkakamali. Actually…I found him…na mabait. Sobrang bait”

 

 

Lahat kami napatitig kay Yannie.

Okay sana kung sinabi niya lang na mabait.

Kaso SOBRANG BAIT talaga?

From her mouth?

Weh?

Siya mismo nagsabi?

Hala.

First time.

Pano, mapili nga yan sa lalake.

Sab: “OMG. You like him…”

 

Kat: “Sino siya? Hala!”

 

Me: “Oo nga, asan?”

 

 

“Hindi naman siya taga-dito sa school. Besides, I don’t think I like him…”

 

 

Talaga lang ha?

Eh wagas siya kung makangiti ngayon.

“You sure?”

Nagulat kami nung biglang nagsalita si Luke.

Nakikinig pala siya.

“Duh Luke! First time pa lang kaming nagkikita pero…”

 

“Pero?”

Demanding si Luke ah.

Pero nakakatuwa.

Kasi parang natatakot si Yannie sa boses ni Luke kaya ayun…

Sinasagot niya naman yung tanong.

“Mahirap na kapag sinabi kong hindi ko siya magugustuhan. Baka kainin ko pa lahat ng sinabi ko kaya di ako magsasalita ng tapos. HAHAHAHAHA”

(-_-)

Yan itsura namin.

Pano, biglang tumawa si Yannie.

Baliw.

Si Luke natawa na lang din ng mahina then nag-text na ulit.

Isa pa toh!

Busy na ulit masyado sa ka-text.

Sabrina: “Ano ba kasing ginawa niyang guy na yan at sinabi mong you think sobrang bait niya?”

 

Yannie: “Well…ibibigay niyo iPhone niya sakin bilang pamalit dito sa nasira kong phone”

 

Katkat: “WHAT? Grabe! Ituro mo nga sakin yang guy na yan!”

 

Sabrina: “Kaya nga! Sisirain ko bahay namin para bigyan niya kami ng bago!”

 

 

 

Nagtawanan na naman sila.

Nyeh?

“Tara na nga” Pagyayaya ko.

Nagaalisan na kasi yung ibang students tapos para na kaming mga sira ulo dito.

Tawanan ng tawanan.

Tumayo na rin kami then naglakad na.

Tumigil kami saglit sa labas ng CR ng girls.

Pano, mag-CR na naman sila.

(-_-)

Seriously?

Anong meron sa CR?

Magaayos lang daw sila saglit.

Magpupulbos and stuffs.

Arte arte naman!

Naiwan tuloy kami ni Luke dito.

Lumingon ako sa kanya to check kung anong ginagawa niya…

*gulp*

O_O

Pano, ang lapit ng mukha niya.

As in…super.

Muntik na nga kami magkaumpugan.

Dugdug. Dugdug.

Putek.

Bakit parang bigla akong kinabahan?

Bakit bumibilis tibok ng puso ko?

Sobrang na-stunned na naman ako sa blue eyes niya.

Ang ganda ng mga mata nito.

Teka, naduduling ako!

Lumayo ako then tinignan ko siya ng masama.

Tumawa naman siya ng tumawa.

Magsasalita na sana siya nung biglang may tumawag sa phone ni Luke.

He answered the phone call immediately.

Luke: “Hello?”

 

Girl: “Uy billy! Si Akiko ito”

Nag-frown ako.

Tapos nagkatitigan kami ni Luke.

Why would that girl call luke, billy?

Magkaboses ba sila?

Tsaka wait.

Akiko?

Yung babae na ka-trabaho ni billy sa princess and i?

Yung sinungitan ako nung dumalaw ako sa set nila?

Siya yun?

------------------------------------------------------------------------------------

Guys, please add our official Starstruck group: http://www.facebook.com/groups/STARSTRUCK26/

Or just click the external link.

And please follow @billyrocks3 :)

I REALLY LOVE JASHLEY (Jace and Ashley's love story here) hahaha.

And thank you for reading this update!

Please don’t forget to vote and comment!

Recommend para dumami tayo! Haha.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

4.9M 146K 48
If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of...
Moving Into My Brother's House Raice द्वारा

किशोर उपन्यास

1.1M 23.6K 50
After getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...
544K 9.3K 27
(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star...
12K 693 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...