SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE

By DayBreakue

3.8M 126K 10.8K

SAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a cast... More

PROLOGUE
Chapter 1: Behind the Walls
Chapter 2: Vindora
Chapter 3: Safiara Academy
CHAPTER 4: Not in the Human Realm
Chapter 5: Market Square
Chapter 6: Nightmares
Chapter 7: Eros
Chapter 8: Krayver Silvercast
Chapter 9: Under the Moonlight
Chapter 10: Race of Survival
Chapter 11: Exam Day
Chapter 12: Vampire Battle
Chapter 14: Personal Heater
Chapter 15: Quest for Haiyan Village
Chapter 16: Cocoon House
Chapter 17: Ribbon
Chapter 18: Songs of the Winds
Chapter 19: Human Realm
Chapter 20: Shouma
Chapter 21:Shouma's Pain
Chapter 22: Kingdom of Aselith
Chapter 23: Family Portrait
Chapter 24: Hilda Mystica
Chapter 25: Love his Flaws
Chapter 26: Rift the Griffin
Chapter 27: Fiarae League
Chapter 28: Concert
Chapter 29: Fiarae Ball
Chapter 30: Ambush in the Hall
Chapter 31: Elite Team
Chapter 32: Dylan and Doyle Mystica
Chapter 33: War Starts
Chapter 34: Battle Cries
Epilogue
I MISS YOU
SPECIAL CHAPTER: Little Ones
ANNOUNCEMENT!

Chapter 13: Experiments

96.2K 3.5K 316
By DayBreakue

LEAN MACAROV

Naglakad ako sa hallway dala-dala ang hindi pa tapos na blueprint ng mansyon, kahit maliit na kanto ng bahay sinasama ko sa drawing. Wala si Doyle sa bahay kaya ito ang panahon para tapusin ang blueprint.

Nagpatuloy ako hanggang sa may nakitang nakabukas na pinto. Lumapit ako dito, madalang lang akong makakita ng bukas ng pintuan sa mansyon maliban sa kwarto ko. We have over 20 rooms pero hindi ko pa nakikita kung ano ang mga nasa loob nito.

Sinilip ko ang kwarto kung may tao pero wala. Dahan-dahan akong pumasok at isinara ang pintuan sa likod ko. Mapayapa at ang tanging gumagalaw lang ay ang kurtina na tinatangay ng hangin mula sa nakasarang bintana.

May mesa at upuan sa gitna ng kwarto, nagkakalat din ang kakaibang mga mapa sa paligid. May mga papel na may nakasulat sa linggwahe na hindi ko maintindihan. Ang kwarto ay parang silid aklaan dahil halos mapuno ang pader ng mga shelves na puno puno ng libro. Sa espasyo na walang shelf ay may malaking kulay kayumanggi na board na may mga nakapin na mga litrato ng mga kakaibang hayop, tao at mga sticky notes.

Lumapit ako sa mesa, maraming nagkakalat na papel at ballpen. May lampara din at litrato ko na sumisilip mula sa mesa. Tinanggal ko ang mga papel na nakapatong sa mesa at napasinghap sa nakita ko. Sa ilalim ng salamin ng mesa niya ay mga koleksyon ng litrato ko mula pagkabata, hanggang sa litrato ko ngayon, may mga litrato habang kumakain ako, nagpipinta, nagbabasa at natutulog.

Tumayo ang mga balahibo ko sa likod dahil sa nadiskubre ko, nilibot ko ulit ang tingin ko. Ito yata ang office ni Doyle. Napalingon ako nang may marinig na ingay sa likod ng board. Hinawakan ko ito nang may napansin na may mahahabang linya sa magkabilang dulo ng board na umaabot hanggang sa sahig. Tinulak ko ito at napaatras ng bigla itong umatras at nagkaroon ng isang maliit na espasyo.

Pumasok ako at lumingon sa kanan, may madilim na daanan na may makalumang disensyo. May mga nakadikit na lampara sa gilid at nagsisilbing ilaw. Siguro malayo ang aabutin nito dahil hindi ko makita ang hangganan, tanging kadiliman ang sumasalubong sa akin.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang isang lampara at naglakad papasok, muling bumalik ang board sa harapan ng pader at sinara ang labasan. Napakagat labi ako, baka daanan ito paalis ng mansyon.

Habang naglalakad, nakakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin. Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay sinalubong ako ng isang paikot na hagdan pababa. Gumawa ng ingay bawat yapak ng paa ko sa maalikabok na lupa. Pagkababa ko napasinghap ako sa nakita.

May malaking espasyo na may tatlo or apat na palapag, lahat ito ay parang mga kulungan. Sa harap ay may mesa na may mga lampara sa paligid. May mga nagkakalat na papel at ballpen, sa tabi ay may mahabang mesa na puno ng mga bote na may kakaibang kulay na mga likido.

Naglakad-lakad ako, karamihan ng mga kulungan sa unang palapag ay walang laman. Pag-akyat ko sa pangalawang palapag ay may nakita akong gumagalaw sa kanto. Itinaas ko ang laparang hawak ko para makita kung ano ito.

Napasinghap ako nang may makitang maliit na babae, hindi bata pero maliit. Tumalikod siya sa akin at umiiyak, may nakita akong dalawang mahahabang sugat sa likod niya.

"M-miss," mahina kong tawag sa kanya "Miss, hindi kita sasaktan"

Lumingin siya sa akin, kulay pink ang balat niya at may mga maliliit na sugaw sa kanyang ulo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako at tumakbo palapit sa akin.

Dahil as gulat ay napaatras ako, nagsimula siyang magsalita sa linggwahe na hindi ko maintindihan, puno ng takot ang mga mata niya.  Iwinagayway niya ang mga kamay niya na para bang pinapaalis ako dito.

"T-tutulungan kita" sabi ko at kumuha ng bato at sinubukang sirain ang kadenang nakapulupot sa mga metal bar na kumukulong sa kanya. Nakita ko ang mga kadenang nakalagay sa mga paa niya, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagsisira ng kadena.

Bigla siya sumigaw at napaatras. Napansin ko ang panginginig ng mga labi niya pero nagpatuloy ako sa pagsira ng kadena gamit ang bato.

"Wag kang mag-alala, ililigta-"

Bago ko pa matapos ang pagsasalita at nakaramdam ako nang pagtusok ng isang karayom sa leeg ko. Biglang bumigaw ang katawan ko at umikot ang paningin ko.

"You shouldn't be down here, princess."

Nakarinig ako ng mga nag-uusap sa paligid, kumunot ang noo ko dahil sa sakit.

"She's awake!" 

"Tawagin mo ang Healer!"

"After 3 straight days!"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha ni Shane na puno ng pag-aalala. Tabi niya si Tracy na ganun din ang ekspresyon.

Sinubukan kong umupo at inalalayan nila ako. Pinikit ko muna ang mga mata ko para mag-adjust sa ilaw, pagbukas ko ulit, unti-unti nang nagiging klaro ang mga mukha nila. Tiningnan ko ang kamay ko na binalutan ng bandage.

Nilapitan ako ng healer para pakiramdaman ang pulsuhan at temperatura ko. Ang sabi naman niya normal lahat at maaari na akong umuwi kapag nakaadjust na ang katawan ko.

Pagka-alis ng healer ay niyakap nila ako. Unti-unti kong naramdaman ang pagkabasa ng damit na suot ko.

"Lean, sorry" umiiyak na sabi ni Shane "Akala namin hindi ka na magigising"

"Natakot kami sa kung ano ang mangyayari sayo sa loob ng barrier" dagdag pa ni Tracy.

"Sorry we ever doubted you. Ikaw dapat ang kinampihan namin, we know you better than anyone"

Napangiti ako, halos tumalon ang puso ko sa saya dahil sa sinabi nila. Pakiramdam ko mahal talaga nila ako, niyakap ko rin sila ng mahigpit. Humiwalay sila sa akin. Lumapit sina Kairo at inabutan ako ng makukulay at magagandang bulaklak na nakakonekta pa sa mga sanga.

"Ginawa yan ni Luke," sabi niya "Sorry gift, pero ako yung nagsuggest ng disensyo"

Lumapit naman si Tristan at Wade, binigay sa akin ang malaking paperpag. Sinilip ko at nakita ko ang haladie dagger ko na may bagong leather holder.

"Sorry Lean" sabay nilang sabi habang nakayuko. Napangiti ako, I never felt so loved in my entire life. At dahil ito sa mga kaibigan ko.

Nakita ko si Krayver at Flame sa harapan ko, nakasanding si Krayver sa pader at nginitian ako nang magtama ang tingin namin. Lumapit naman si Tracy kay Flame at kinurot ito sa braso, inis siyang tiningnan ni Flame at lumapit sa akin.

Nahihiya niyang inabot ang dalawang box ng chocolate. Tinanggap ko ito at nagpasalamat, bahagya din siyang napangiti at bumalik sa gilid ng pader.

"Okay ka na ba?" tanong ni Tracy "Aren't you hurting? you were sleeping for three straight days!"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, tatlong araw?! paano nangyari yun?! 

"S-si Reisa?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit pero bigla ko siyang naalala. Tumahimik silang lahat at dumilim ang kanilang mga ekspresyon.

"She died" dere-derechong sabi ni Wade, sinaway siya ng mgakasama namin "What? there's no point in lying to her"

Naalala ko bigla yung mukha niya nung umiiyak siya, her sister died and Doyle turned her into a monster. Ngayon namatay na siya, maybe it because of me all over again.

"remember, you ar ethe reason she's dead."

Naalala ko ulit ang sinabi ni Doyle sa akin. I tried to swallow the lump in my throat, my voice was shaky.

"Oh" yan lang ang tangi kong nasagot sa kanila. I tried hard to fight back my tears, hindi na ako iiyak. I'm sick of crying.

"Hindi mo kasalanan yon," sabi ni Tristan sa akin "It's our fault that we didn't notice sooner."

"Nalaman namin na nangyari ito nung nakaraang buwan. Kapag lumalabas ang mga studyante para mamili or bisitahin ang mga pamilya nila. She was abducted during that weekend" pagpapaliwanag ni Tracy. "We did a contact trace, kung sino ang mga huling nakakita sa kanya ng mga panahon na yon, pero wala kaming nakuhang impormasyon."

Hindi ako nakapagsalita, I was aware that it was because of me. She became like that because of me.

"Pero Lean," kinuha ni Tristan yung atensyon ko "What we saw, was that your ability?"

Lahat sila nakatingin sa akin, interisado sa sasabihin ko. Nagkibit balikat ako.

"Ito ang pinakauna na nangyari sa akin. I felt a burning sensation in body. Akala ko yung virus na sinasabi ni--"

"Virus?"

"Simula pa nung bata ako, may ini-inject yung kumupkop sa akin isang beses kada tatlong buwan. I could sleep for 5 days straight with that drug pero bumabalik lang ako sa normal pagkagising ko. Sabi niya sa akin it was to prevent my virus from spreading."

"Is the virus that he was talking about, her ability?" nakakunot noong tanong ni Shane. 

Napatigil ako, may point siya. I didn't get the shot at the right time at nag manifest ang ability ko. If what she's saying is right then alam pala ni Doyle ang tungkol sa akin, and he was hiding it from me. But why?

"Lean, you have a very beautiful gift" sabi Tracy "Kaya siguro tinago ka ng kumupkop sayo, he wanted your power all for himself"

"Ano ang gagawin niya sa ability ko?" nagtataka kong tanong, I never saw any reason. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako gagamitin. For what?

"Because you have one of the rarest abilities that a Fiarae could have." napalingon kami sa bagong dating, si HM. He was wearing a white suit, ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya na may pormal na kasuotan.

"You have the ability to control reality, shape it into your liking. If you train hard enough, you can even control living beings and the science around you. You could defy the rules of the world" 

"Pero akala ko isa lang ang humahawak ng ability na yan?" nagtatakang tanong Krayver, he was interested in the topic.

"Queen Amanda's mother" sabi ni Shane, binalik nila ang tingin nila sa akin. "Queen Amanda is known for being the bravest queen, feared by battalions. Pero naging ganyan siya dahil hindi niya namana ang ability ng ina niya. But she was still strong."

"P-pero bakit" utal-utal kong sabi "Bakit ako?"

It made no sense. Bakit ako? I wasn't related to any of them. Hindi ko sila kilala.

"Maybe you are blessed, like how queen Amanda's mother was." sabi ni Headmaster sa akin. Tiningnan siya ni Tristan mula ulo hanggang paa.

"Pero HM, saan ang punta mo?" nagtataka niyang tanong.

Tiningnan ako ni HM at sinagot si Tristan, tumikhim siya at inayos ang suit niya.

"There will be a meeting in the palace" sagot niya at tumingin sa akin "They believe that the rise of the new Weaver needed discussion."

Bigla akong kinabahan, papag-usapan nila ako? for what? ano ang gagawin nila sa akin?

"Pero sa ngayon," nagisip ng malalim si HM habang hinihimas ang kanyang bigote "You need to train her well, teach her how to use her ability. And maybe we'll send you on a quest"

Nagkatinginan silang lahat, mukhang hindi nila gusto ang ideya na aalis kami para sa quest. Base sa sinabi ni Krayver, masaya kapag lumalabas ng Academy para sa quest. Nakakapunta ka sa iba't-ibang lugar at nakakakilala ka ng iba't-ibang mga tao. May pera pa silang binabayad kapag nakompleto mo ito.

"It's too dangerous for her" sabi ni Luke "Someone out there is hunting her. Nakuha na niya ang isa sa mga studyante natin. If we go on a quest, maiiwan ang Academy dahil aalis kami, Lean will also be in danger."

"The Academy is under my protection," sabi ni Headmaster "And my children are strong, we can defend ourselves. Lean needs to be trained. Kailangan niyang humarap sa mundo sa labas, Alam nating lahat na hahanapin at kukunin siya ng humahabol sa kanya and that is why she needs to grow, she needs to be stronger to defend herself. We can't keep her in the Academy forever."

Headmaster was right. I can't run forever.

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

Continue Reading

You'll Also Like

109K 9.9K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
3.8M 126K 39
SAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters an...
185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
7.6M 442K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...