Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 40

47 4 0
By pandauthot

warning:
various sensitive and
triggering contents ahead.
stay strong.

5 chapters left!

And it was indeed something that I might describe as the real chaos I have seen in my entire life. When Former Mayor Dancio Rose went inside the room, the reporters also went inside! The flashes of cameras with their never ending questions ruined the peace inside minutes ago.

He tried his best to plead. He almost knelt down just to ask them leave the room.

Sinubukan ko rin namang tumulong pero masyadong marami ang pumasok. Halos nasisiko na ako ng mga photographer na pilit sumisiksik sa dami ng tao.

Walang security si Sir Dancio. Mukhang siya lang din ang pumunta rito. Kahit ang security ng ospital ay hindi na nakaya ang dami ng press.

"Parang awa niyo na! Lumabas muna kayo!" sigaw ni Sir Dancio at tinatakpan ang mga camera na kinukuhaan si Danger na nakahiga. Sobrang nakakaawa ang kalagayan niya. Bago pa makatagal, pinilit kong sumigaw para matulungan sa paglabas ang mga tao sa loob.

"Please! Respeto lang!" sigaw ko pero masyado silang busy sa kabilang direksyon.

Halos inubos ko na ang boses ko sa kakasigaw pero wala pa rin. Umiiyak na si Sir Dancio at iyon din ang oportunidad nila para mas lalong kunan ng litrato. Parang uhaw talaga sila sa ibabalita sa masa. Masyadong masakit na sa mata.

Sinimulan ko na silang itulak. Kaso ako ang nababangga. Napipisa na ako sa pagitan ng dami ng tao at dingding. Kahit buong lakas ko silang tinutulak, nababalik sa akin ang lakas kaya nababangga ako masyado sa pader.

In the midst of the chaos, I saw someone, wearing a mask and a cap, pushing people on his way. Nakilala ko agad ang mga mata niya at hindi ko mapigilang mapaluha ulit nang makitang nahihirapan siyang makarating sa akin. Tinutulak na niya ang mga tao hanggang sa inabot ko ang kamay niya para makalapit sa akin. Nang makuha ko siya, agad siyang dumikit sa akin at buong lakas na binakuran ang mga press sa likuran niya para hindi na ako maipit pa.

Pinasuot niya sa akin ang hoodie na dala niya at inilabas ang extra face mask para matago ang mukha ko. "They're here.. Ipapalabas namin ang mga tao rito.. once na makalabas na kami, isara niyo agad ang pintuan at lagyan ng bigat para hindi kayo mapasok ulit. Tatawag ako sa'yo mamaya kung nakauwi kami." Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ako sa mga mata ko. "Let's stay strong, hmm? Gagawa ako ng paraan para makaalis ang mga tao rito."

Tumango ako.

"Lumabas kayo!" narinig ko ang napakalakas na sigaw ni Orion at sinimulang itulak palabas ang mga tao sa loob. Nakita ko rin sila Lawron at Clark na nasa pintuan para hindi na makapasok ang mga tao roon. Si Heroic at sunod-sunod na sumisigaw habang tinutulak ang mga tao para makalabas sa pinto. At kahit sa lakas ng sigawan, hindi pa rin nagpapatalo ang mga tao kaya mas lalong nagkagulo nang sumisigaw sila pabalik.

"LABAS!" matigas na sigaw ni Forsythe. Hindi pa sumusunod ang mga andoon kaya ginamit na ni Forsythe ang buong lakas niya para manulak. Lahat na kami ay nakatakip ang mga mukha kaya hindi kami masasama sa mga litrato nila.

"GET OUT!" napakalakas na sigaw ni Boss at tumulak na rin.

Nagkakaroon na ng espasyo sa loob ng kwarto kaya tumulong kami ni Sir Dancio na itulak ang mga tao palabas. Buong lakas naming itinutulak at hinihila silang lahat palabas. Nang lumabas na ang huling tao, agad sinara ni Sir Dancio ang pintuan kaya dali-dali kong kinuha ang mesa para isara lalo ang pintuan. Nararamdaman pa rin namin ang lakas ng kabog sa pintuan sa mga taong pumipilit pumasok kaya kinuha ko rin ang lahat ng mabibigat na furniture para dagdagan ang bigat. Sumandal din kami para hindi na ulit sila makapasok. Rinig na rinig pa rin ang ingay mula sa labas.

Masyadong magulo. Masyadong maingay. Nakakatakot.

Mariin akong pumikit habang nakasandal sa pinto.

Nagdadasal na ako na sana mawala na ang gulo.

Please.

Iniisip ko na sana bigyan pa ako ng lakas. Hindi na talaga mauubos ang problema at pagsubok sa buhay namin. Kaya kaunting lakas lang kailangan ko dahil alam kong malalagpasan namin itong lahat... tulad ng mga napagdaanan namin.

Naalala ko rin si Danger. Ang lahat ng pinagdaanan namin simula noong una hanggang sa umabit ang puntong ito.

Huminga ako nang malalim.

Paulit-ulit.

At nakaramdam ako ng kapayapaan nang wala na kaming marinig na ingay mula sa labas. Makukumpara ko iyon sa nangyayari kanina.

Narinig ko ring nakahinga nang maluwag si Sir Dancio ngunit nakawala siya ng isang mahinang hikbi.

---

Danger woke up a day after. He was emotionless. He looked like that he knew what happened that night. He didn't even bother to ask why the things inside were not arranged.

Kinakausap siya ni Sir Dancio at sumasagot naman siya noong una. Kaso nang nagtanong kung ano ang nangyari sa kaniya sa aksidente, hindi na siya nagsalita. Hindi ko alam kung may iba pa siyang nararamdaman o ayaw niyang sumagot dahil andito ako, nakaupo sa sala.

Pumasok pa rin ako sa duty ko. Dito pa rin ako nakaassign sa Nodawn Medical. Kaya kung may natatapos akong gawain, dumadaan ako sa kwarto niya. Nakabantay pa rin si Sir Dancio kaya nagpapalipas lang ako ng minuto sa loob bago pumunta ulit sa ward. Mabuti na lang, nakiusapan ko si Happiness na itext ako kung kailangan na ako dahil may kaibigan akong nakaconfine dito.

Pati na rin kapag tapos na ang duty ko, dumederetso na ako rito para bantayan si Danger kahit hindi pa kami nagpapansinan. Mukhang nasanay na rin si Danger sa presensya ko. Nagpapanggap nga lang siya na hindi ako nakikita. Hindi rin ako nagpatalo kaya magtiis siya dahil gagawa ako ng paraan para makausap siya.

"Bloom," tawag ni Sir Dancio nang makitang hinihilot ko ang mga paa ko sa katatakbo pataas-pababa.

"Yes po, Sir?" Kahit naacknowledge na namin ang presensya namin simula noong unang gabi, ngayon lang niya ako kinausap. Alam ko rin naman na kilala niya ako dahil magkasama kami ni Danger tuwing nagdodonate sa RISE Foundation.

"Tito Dan na lang itawag niyo sa akin." Nakawala pa rin siya ng mahina na tawa kahit nanghihina pa siya. "Kailangan kong makausap si Dr. Ralph Fuentes, ang asawa ni Atty. Fuentes para humingi ng tulong.."

Tumango ako agad.

"Anong oras matatapos duty mo?" tanong niya.

"Ngayon po, 7:30 PM."

Tumango rin siya. "Pwedeng pabantay din kay Danger? Babalik din ako agad."

"Wala pong problema... Tito.."

Saktong nakatanggap ako ng text mula kay Happiness na kailangan ako ng head nurse. Kaya nagpaalam ako saglit para bumalik. Pagkarating ko roon, nagsama kami ni Happiness sa isang room para icheck ang mga pasyente.

"Are you.. okay?" Happiness asked.

Mahina akong ngumiti. "Yes, I'm okay, thank you." Binaba ko ang hawak kong record at tumingin sa kaniya. "Are you okay?" I asked back.

"Yeah," she answered. Binaba na niya ang hawak niya at sabay kaming lumabas ng room.

"Earlier, Martino went home with his parents." Si Martino ang alaga niyang bata simula noong unang araw ng duty.

"Ngayon na pala discharge niya? Mabuti, gumaling na siya."

"Yeah. I'll miss him though." Napanguso siya. Mahina akong ngumiti at tinapik ang likod niya.

Nagkwentuhan kami hanggang umabot kami ng 7 PM. Ngayon lang din kami nag-usap nang ganito hindi tulad dati na mostly, tanong-sagot lang o habang kumakain tuwing lunch.

"May bukas pa ba na cake shop dito?" tanong ko bigla dahil baka sarado na ang mga shop. Wala pa akong update kung nakabili si Orion ng cake.

December 7 ngayon.

Bukas ay birthday ni Danger, December 8.

Hindi nga lang napaghandaan masyado dahil sa mga nangyari ngayon.

"I don't know. It's past 7. Sinong may birthday?"

"Kaibigan ko.. na nakaconfine.."

Muntikang lumabas sa bibig niya ang iniinom niyang iced tea. Hindi ko napigilang matawa dahil narealize kong mahilig pala silang dalawa sa tsaa. Mainit nga lang kay Orion samantalang malamig kay Ness. Kaso bumalik din ulit agad ang isip ko kung nakabili si Orion. Siya ang palaging nagchecheck kung may cake na ba. Siya rin kasi nagdedesisyon kung anong design. Kaya noong birthday niya, napressure kami kung anong design ng sa kaniya. Sa huli, kami na mismo nagdrawing at nagustuhan niya nang sobra. Buong birthday niya last month, natutunaw ang puso namin kung gaano siya kaappreciative.

"Let me check."

Kinuha ni Ness ang phone niya sa tabi ng phone ko. Napatingin din siya sa phone ko na nakacharge sa tabi niya.

"Someone's calling... Boss?"

Dali-dali akong tumayo kaso pagtanggal ko ng saksakan, naend ang tawag. Baka kanina pa siya tumatawag. Nakamute lang kasi ang phone ko. Hinintay ko na lang ulit dahil kung hindi ako nakakasagot agad, tatawag siya ulit after 3 minutes. Kabisado ko rin ang naging routine namin sa ganito.

"Are you working?" tanong niya.

"No." Tumawa ako. "My boyfriend's name is Boss."

Nanlaki ang mga mata niya. "That's cool! I'm so happy for you!"

"I know. Thank you."

Hindi naman kasi binanggit ni Orion kung ano ang katangian ni Happiness before. Napapasabak tuloy ako sa English nito.

"Ikaw? Do you have someone right now?"

Nakawala siya ng isang mahinang tawa. "Nah. I felt like I didn't deserve to know other people after what happened back when I was in high school."

Kumunot ang noo ko at bumalik sa upuan ko. "If you want to share, I will listen to you. If you are not comfortable, it's also okay." I tried my best to let her be comfortable.

"I would love to share." Mahina siyang tumawa. "I have no one else to talk to eh."

Nanlaki ang mga mata ko. Paabante na sana ang katawan ko nang tumawag ulit si Boss.

"You can talk to him first! I'll talk after. I'll look for some cake shops that are still open!"

She's such a sweetheart.

"Salamat." Ngumiti ako at lumabas muna para sagutin ang tawag ni Boss.

"Hi," bati ko.

["Hi. Papunta kami ngayon sa ospital. Do you need something? Para dalhin namin."]

"Extra shirt and pants na lang. Heroic knows my cabinet, pwede kang magpatuloy sa kaniya."

["Okay. Are you hungry?"]

"Kumakain kami ng snack ngayon ni Happiness. Kayo? Dito na lang magdidinner?" tanong ko.

["Pagkatapos ng surprise, hopefully. Baka rin wala sa mood si Danger. I don't know. Hindi na rin tayo sigurado sa kalagayan ni Danger. Let's hope for something better."]

Napatango ako kahit hindi niya ako nakikita. "Nakabili na ba kayo ng cake?"

["Naghahanap pa kami ng open na shop."]

"Naghahanap din kami. I'll send some shops kung nakahanap kami," I said.

["Okay. Thank you. See you."]

Hinihintay ko sanang ibaba niya muna ang tawag kaso tumahimik pa sa tawag. Tiningnan ko ang screen na baka naputol na ba ang tawag. Kaso andoon pa siya at hindi nga lang nagsasalita.

"Uy.." natatawa kong bulong.

["Ibaba mo na.."] natatawa rin niyang bulong.

"Aba." Muli akong natawa. Noon, right after see yous namin ay sabay naming binababa. "Hindi ba't sabay tayong nag-e-end ng call?"

["No. I always let you end the call."]

Napahawak ako ng bibig ko. Akala ko--?

["End the call na, Bloom. See you later. Pababa na sila Heroic."]

"Okay." At nakanguso kong pinatay ang tawag.

Bumalik ako sa harapan ni Happiness na nakasimangot.

"Oh, what happened?" tanong niya.

"Wala lang. Just something. Afte all this time, akala ko sabay naming binababa ang tawag pagkatapos ng see you namin."

Natawa siya. "That's cute!" Pero medyo sumeryoso siya nang kaunti. "But I haven't heard something from you. Do you guys have an endearment? Like what do you call each other?"

Hindi ko pa naisip 'yun.

"Ahh." Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi pa namin 'yun napag-uusapan. "We just call each other's names. We prefer our names."

I like his name.

"Bloom and Boss." Pumalakpak siya. "I love it."

Napangiti ako saka niya binuksan ang topic na mga nahanap niyang cake shop na open pa sa ngayon. May listahan siyang sinulat kaya pinicture-an ko 'yun at sinend kay Orion. Nakatanggap agad ako ng thanks. Napabuga ako ng hininga dahil akala ko pa naman ay may mapapakiramdaman siya dahil kanina ko pa siya nakikitang nagtatype. Sa huli, thanks lang natanggap ko.

Hindi pa ako gaanong nakuntento at palihim kong kinuhaan ng litrato si Ness sa harapan ko. Hindi nga lang kita ang mukha niya at mga kamay lang niya na hawak ang iced tea niya. Ngayon naman, nakatanggap ako ng ???? mula kay Orion. Napahighik ako.

"Nga pala. What's your story? Handa na akong makinig," panimula ko bago makalimutan ang nakareserve na topic.

"Ohh." Inayos niya ang baso niya at pinunasan ang lamesa. "I had a friend. His name is Ori.."

Literal akong napanganga dahil hindi ko ineexpect na babanggitin niya ang pangalan ni Orion. Malakas talaga ang pakiramdam ko na wala pang napagsasabihan si Ness dahil kitang-kita sa mukha niya na hindi niya alam ang sasabihin niya. Parang walang linya ang pagitan sa amin at mukhang nakatayo kami sa bukas at malawak na lugar.

Napakamot siya bigla ng batok kaya medyo gumulo ang clean bun niya. "Sorry, I mentioned his name. I actually don't know how to talk about something I experienced or even my thoughts. I just kept them everything in me because since then, nobody wanted to talk to me."

Umabante ang katawan ko para ipakita sa kaniya na interesado ako sa lahat ng sasabihin niya.

She saw that and crept a smile. "Thank you.." She took a deep breath and prepared herself. "Back when we were in our elementary days, we were friends. It was just nice to have him. He was there for me and I always give him presents.. just because."

Napangiti ako. That explains that Orion likes to give gifts.

"I like him, actually."

Napanganga ako.

Gusto siya ni Orion since elementary!

"And I didn't talk to him all of a sudden."

Kumunot ang buong mukha ko. "Why?"

She gave me a faint smile. "I had a doll when I was younger and I really loved it."

Medyo nagtaka ako pero tumango ako para ituloy niya ang sasabihin niya.

"My.. step-brother.." she whispered while looking directly in my eyes. I can also hear her voice trembling but she was still looking at me. "My.. s-step-brother.." It felt like she was telling something but didn't know how.

"Stole.. made it dirty.. and broke it." she whispered more.

Mas lalong kumunot ang mukha ko.

"My parents didn't believe that my step-brother did that. And I felt that nobody will believe me that's why I distanced myself. I don't want them to see the doll that I really loved."

Iniisip ko pa kung ano ang ibig niyang sabihin. Nabasa niya ang reaksyon ko at muli niya akong ningitian.

"I'm not talking about the doll.."

My heart dropped. Don't tell me..

"I'm sorry.."

I hope that I was wrong. I really hope that I am.

Hindi nawawala ang ngiti niya at hinawakan ang kamay ko. "Do you believe me?"

Tumango ako.

Mahina siyang natawa at inangat ang mukha niya.

"At last! Someone does!"

"Happiness.." Pakiramdam ko, naiipon ang hikbi sa lalamunan ko. Iniisip ko kung ano ang pinagdaanan niya at kung gaano iyon kahirap. "Sinabi mo ba kay..." Kay Orion?

Oh gosh, how I wanted to mention his name.

"Kay Ori?" Mahina siyang tumawa. "I don't know if he knew. I just didn't talk to him after what happened. He tried to talk to me but during that time, I felt like I was contaminated."

Huminga ako nang malalim. Nanginginig ako.

"Hey, Bloom.." she called. "The first night he was about to do it, I escaped.. then although I can still feel his touch, I know I can handle myself, knowing that he is in jail right now. I am glad that he was caught after attempting to do it again."

Hindi ko alam pero gumaan nang kaunti ang mga balikat ko.

"My parents cut ties with him. Everything is going in a legal process. I am attending sessions. And I can tell that I am doing fine right now."

I stood up and gave her a tight hug. "I am so proud of you for being so strong. I am sorry that you experienced that. I am also happy that everything is getting alright."

"Thank you, Bloom.."

"Thank you for trusting me. Alam kong mahirap sabihin iyon. Ang tapang mo.. Ang lakas mo.." dagdag ko pa. Parang kusang lumalabas ang lahat ng salitang nagiging malinaw sa utak ko ngayon. "I pray for all the good things for you. You deserve all the good things. Thank you for being strong."

"You are making me cry ah.."

Humiwalay ako saglit para tingnan ang mukha niya. Naiipon na ang mga luha sa mga mata niya. "There is nothing wrong with you, hmm? You are still Happiness. Everything will be better soon."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at niyakap niya ulit ako. "Thank you for believing me, Bloom. It means a lot."

At nag-iyakan kami.

Matapos ang ilang minuto, natatawa kami habang nagreretouch. Sinisisi pa niya ang sarili niya na magpanic si Boss na makita akong umiiyak. Biniro ko na lang siya na sana makita na niya si 'Ori' kahit posible.

"I want to talk to him." Malungkot siyang ngumiti. "But I don't know where he is. I don't even know his contact."

Napanguso ako. Gusto ko talagang ibigay ang contact number ni Orion kaso napupunit pa rin ako dahil sa rules sa White Hall.

Nakatanggap ako ng text mula kay Boss na nasa labas na raw sila ng ospital kaya inaya ko si Happiness na lumabas na dahil tapos na rin naman an duty namin.

"Okay. Wait lang. I'll just fix my hair."

Sinabi ko na maghihintay ako sa labas. Saktong paglabas ko, nakita ko si Forsythe na may dalang supot, Orion na may dalang nag-iisang pulang balloon, at si Boss na nakatingin agad sa gawi ko. Nang napatingin silang lahat sa akin, kumaway ako. Tinuro ko pa si Orion kaya kinunutan niya ako ng mukha. Naningkit din ang mga mata niya na parang nagtataka kung bakit ko siya tinuro.

"I think I'll take a cab." Lumabas na si Happiness at inayos ang pagkasara ng pintuan.

Nakita ko kung paano natigilan si Orion nang makilala ang kasama ko.

Nabitawan pa ang hawak niyang lobo.

"I'll go first, Bloom. See you, tomorrow sa class!" paalam niya. Ningitian ko lang siya dahil hahakbang na sana siya paalis nang makita rin si Orion sa kalagitnaan ng lobby ng ospital.

Nang makitang nakita na rin nila ang isa't-isa, natawa si Boss. Si Forsythe naman ay binabasa pa ang nangyayari.

"Ingat ka, Ness," pigil-kilig kong paalam. Hindi na ako nakatanggap ng salita mula sa kaniya.

Nagpanggap akong hindi ko kilala si Orion at lumapit kina Boss na nakailang hakbang na palayo kay Orion.

"Hi," bati ko kay Boss at niyakap siya.

"Hi," he softly said as he planted a kiss on the top of my head.

"PDA, please," pagmamakaawa ni Forsythe sa likuran namin.

"Shhh," pagtatahimik niya kay Forsythe kaya natawa ako. Busy rin kasi siya sa pag-aayos ng cardigan ko. "You cried?" tanong niya nang tiningnan ang mga mata ko.

"Slight," pag-aamin ko.

"Sino ba 'yun?" tanong ni Forsythe nang makita naming lumapit si Orion kay Ness na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Happiness," sabay naming sagot ni Boss kaya halos lumuwa ang mga mata ni Forsythe.

Hindi rin siya nakagalaw kaya hinila na namin siya papunta sa kwarto ni Danger.

Sabi ni Boss, may binili pa sila Heroic, Clark at Lawron na tubig sa labas kaya nauna silang pumasok.

"Himala, hindi mo sinamahan si Heroic?" asar ko kay Forsythe kaya matrahan siyang napaiwas ng tingin.

"Eh magsasama-sama naman tayong lahat ngayon?" patanong niyang sagot kaya ningisihan ko siya.

Pero nang may naalala ako, napatitig ako kay Boss. Parang may napansin ako simula noon. Nang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya, napatingin din siya sa akin. "Hmmm?"

"Wala nang press na.. pumupunta rito.." mahina kong sabi.

Narinig din iyon ni Forsythe at tiningnan si Boss para hintayin ang sagot.

"Ahh.." Napatango siya. "Nagpatulong ako sa White Hall."

Parang nabura ang reaksyon sa mukha ko. "May kapalit ba?"

Ngumiti siya at umiling. "Wala."

Pagkarating namin sa labas ng kwarto, Binigay niya sa akin ang paper bag na laman ang damit ko. Mabilis naman din akong nagbihis dahil malapit lang din ang restroom sa kinatatayuan namin. Nang bumalik ako kung nasaan naghihintay sina Boss. Ngayon ay kararating pa lang nila Heroic, Clark, at Lawron na kasama na pala si Orion na inaabanga ako.

"Oh? Bakit ka andito?" biro ko. Akala ko kasi kasama na niya si Happiness.

"Hindi mo man lang sinabi! Nakapagpalusot pa ako na boardmate ko nakaconfine ngayon! Mabuti na lang, hindi ka niya tinanong sa akin!" Sinundot niya ang leeg ko kaya nakiliti ako.

"Hindi kayo mag-uusap?" tanong ko.

"Bukas."

Lumapad ang ngisi ko.

Tinitigan niya muna ako bago napabuga ng tawa at mahinang tinapik ang tuktok ng ulo ko. May alam na ako, Orion. Sana maging malakas ka kapag sinabi na sa'yo ni Happiness ang lahat.

"Si Happiness 'yun?!" gulat na tanong ni Clark.

Nahihiya man pero tumango si Orion. Bago pa magwala si Clark, nagsalita si Lawron, "Nasaan pala ang balloon?"

Napakamot ng batok si Orion, "Nabitawan ko."

Doon na tuluyang nagwala si Clark.

Habang pinapanood ko silang magbangayan, tumabi sa akin si Heroic at pinasilip sa akin ang cake. Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso kayo? May toy car talaga?"

"Atleast red," pakikipaglaban ni Heroic kaya pumayag na ako. Andiyan na rin naman kasi eh.

Lumabas si Tito Dan (naninibago pa rin ako) at lumapit sa amin. "Kakausapin ko muna si Doctor Fuentes." Natigilan siya nang makita ang dala naming pagkain para sa birthday ni Danger. "Salamat..."

Ilang beses pa siyang nagpasalamat at halos maiyak na naman. Cinomfort namin siya saka sinabihan kami na tulog si Danger kaya makakahanda pa kami bago maghatinggabi.

Nang pumasok na kami sa kwarto, tinabi na muna nila ang mga dala namin samantala, tiningnan ko ang kalagayan ni Danger na mahimbing na natutulog. Medyo gumagaling na rin ang sugat niya kumpara dati. Mabuti na lang.

Habang nag-aayos ng kwarto, inaabangan naming pumatak ang alas-dose. Kaso hindi pa oras, binulungan kami ni Lawron na gising na si Danger na pinapanood kami.

"Plan B?" bulong ni Orion.

Plan A – Isurprise pagpatak ng alas-dose (kung tulog pa).

Plan B – Diretso ang pagkanta ng birthday song dahil nahuli na rin kaming nagdedecorate.

"Plan B," sagot ni Boss kaya dali-dali na kaming naghanda para sindihan ang cake ni Danger.

"Happy—"

"Tumigil nga kayo."

Natigilan kaming lahat. Wala siya sa mood na lalong napakaba sa amin. Mukhang may mangyayari naman ngayon dahil sa tensyong nabubuo lalo na't nagising siya.

"Umalis na kayo. Gusto kong mapag-isa."

"Birthday mo.." pagbabanggit ni Lawron.

Huminga nang malalim si Danger at napaiwas ng tingin. "Umalis na kayo."

"Danger." Ngayon ko lang siya makakausap at malakas ang pakiramdam ko na hindi maganda ang patutunguhan nito.

"Pwede ba?!" napalakas ang boses niya. "Huwag niyo namang tanungin kung anong problema!"

Heto na naman.

"Huwag na.." bulong ni Heroic dahil naramdaman niya atang balak kong magsalita.

"Huwag na kayong dumagdag! Pwede bang hayaan niyo lang muna ako?! Nagmamakaawa ako!"

Hindi ko na siya maintindihan.

"Danger..."

"Bloom. Tama na," bulong ni Heroic.

"Danger." Kailangan kong magsalita. "I am so sorry."

Katahimikan.

"Sa lahat ng mga nagawa ko, I'm so sorry. Lahat-lahat na nagpasakit sa'yo, humihingi ako ng tawad. Dapat hindi ako naging masyado sa inyo. Pero naman sana, sabihin mo kung ano ang dahilan para malinawagan kami. Pero ibubuhos ko na ang lahat ng sorry ko. Simula sa pakikitungo ko sa'yo hanggang sa araw na iniwan kita sa sasakyan. Lahat ng iyon, pinagsisishan ko kung hindi maganda ang epekto sa iyo. I am really sorry." Paulit-ulit akong nagsosorry. Hindi ko na rin nakikilala ang sarili ko pero pakiramdam ko, pinipiga ako kahit wala nang lumalabas sa akin. Parang wala na talagang kasiguraduhan ang kinabukasan.

At tulad ng ginawa ko noon, umalis na ako.

Hindi ko na kaya ang bigat ng loob ko. Kahit kalalabas ko pa lang ng kwarto, nanginginig ako. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Hindi ko na alam kung may mangyayari pang kakaiba bukas.

Iniyak ko lahat habang hinahanap ang sasakyan na nakapark sa parking lot.

"Bloom."

Lumingon ako. Sinundan pala ako ni Boss.

Muli akong humikbi kaya tumakbo siya palapit sa akin. Niyakap niya ako at doon ko na binuhos ang lahat ng hagulgol na pilit lumabas sa dibdib ko.

"Just cry.. I am here.."

And I cried out loud in his chest.

"Hindi ko na kakayanin kung may mangyari pa.." bulong ko.

Hindi ko na talaga kaya.

Kinabukasan, namanhid na ako. Pakiramdam ko, iniyak ko na ang lahat ng kalamnan ko. Iniisip ko kung may mangyari pa sa akin ngayong araw na 'to, baka isumpa ko ang lahat. Deserve ko ba talagang mahirapan nang ganito? Gusto ko lang naman makapagtapos at ganito ang kailangan kong maranasan? Hindi ba't sobra na?

Kalahati ng araw ko, ramdam ko ang bigat ng loob ko. Kung hindi ko lang pinipilit ang sarili ko, baka bumigay na ako nang tuluyan. Baka bumagsak pa ako sa daanan.

Akala ko lilipas ang bigat ng loob ko kahit kaunti lang dahil ilang oras na rin ang lumipas simula sa nangyari kagabi. Kaso dumadagdag din ang kutob ko kung ano man. Hindi nga lang ako makaiyak dahil wala na akong maramdaman. Kahit mga palad ko ay hindi ko na maramdaman.

Gusto ko munang matulog. Kahit isang araw. O hindi kaya, isang linggo. Gusto ko munang ipagpahinga ang kamalayan ko kasi hangga't may nakikita pa ako, marami akong nasasaksihan.

Tama na.

Kahit isang araw lang na mawala ang bigat ng mundo ko.

Kahit isang oras lang..

O hindi kaya.. minuto.

Habang naglalakad ako papunta sa susunod kong subject, may nadadaanan akong mga nagkukumpulang estudyante, hawak ang kanilang cellphone at nagbubulungan. Kahit makarating ako sa klase, palakas na nang palakas ang bulungan.

Kahit natapos ang subject namin, grabe na ang bulungan. Umabot na ang alas singko ng hapon at parang palakas nang palakas ang paligid. Parang nakakarinig na ako ng matinis na tunog sa loob ng utak ko dahil sa ingay.

Tama na... parang awa.

"Ms. Bloom Marcues?"

Napadilat ako at nakita ang adviser namin na nasa harapan ko ngayon.

"Can you come to my office?" mahinang tanong niya.

Sumunod ako. Parang lumulutang na ang paa ko habang dala-dala ko pa rin bigat ng mundo sa mga balikat ko.

Nang makarating kami sa office niya, pumako sa TV niya ang mga paningin ko nang makitang may nasusunog na apartment sa Brooksent.

"I'm sorry to say this, Ms. Marcues."

Marahan akong lumingon para tingnan ang tab na hawak niya. Nandoon ang mga namatay dahil sa sunog sa Brooksent at naramdaman kong tumigil ang paghinga ko nang makilala ko ang dalawang tao sa mga larawan na nakikita ko ngayon.

Dr. Brunindino Marcues

Dr. Jineiva Olsadio-Marcues

"We received the call this morning. I am sorry for your loss, Ms. Marcues. Nakikiramay ang Nodawn University."

Continue Reading

You'll Also Like

50.9K 779 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
9K 319 78
an epistolary. Started : September 10, 2021 Ended : October 31, 2021 ©2021 by missiccir
2.2K 203 47
Lyrainne Alvarez is known for being smart, confident, beautiful, and coming from a rich family. She is always in the top tier, which is the highest r...