TRACKER'S OBSESSION (Mafia Se...

By GunBlazin21

2.7M 58.6K 8.9K

Jeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it... More

SYPNOSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (Warning)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29 (Warning)
CHAPTER 30
CHAPTER 31 (Warning)
CHAPTER 32 (Warning)
CHAPTER 33 (Warning)
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38 (Warning)
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
AUTHORS NOTE

CHAPTER 37

41.4K 961 159
By GunBlazin21

GUSTO KONG sumigaw para humingi ng tulong kay Tatay pero natatakot ako dahil baka kung anong gawin nitong lalaki sa kanya. Nagkasya lang ako sa panginginig habang nakatingin sa mga mata nitong titig na titig sa'kin. I tried to look away pero humakbang sya papunta sa'kin at mabilis na hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kanya.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa bandang tenga ko at bumulong. “Want to come with me?”

Tinulak ko sya nang mabilis. “Are you insane?”

“Damn it,” -he chuckled. “Nakakatuliro ang bango mo.”

“A-Ano bang problema mo?” -tanong ko. “Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Sinusundan mo ba ako?”

“Nandito ba ang Tatay mo?”

Natakot ako sa sinabi niya. Makailang beses akong umiling at hinayaan ang luha kong lumandas sa pisngi ng tuloy-tuloy.

Nakita ko namang natigilan sya na syang ikinataka ko. Tila ba bigla syang nagsisi ng umiyak ako sa harapan niya. This wasn't the first time he has acted like this. Dun sa club, nung sinabi ko sa kanya na bitawan niya ako habang umiiyak, nakita ko ring natigilan sya. Nung time rin na nagpaputok si Tyler, umiyak din ako nun kaya hinayaan niya akong umalis. May something rin ba sa utak 'to?

Malalim syang napabuntong hininga. “Don't cry.”

“W-What?”

“Hindi kita sasaktan,” -tumitig ulit sya sa mga mata ko. “Hinding-hindi kita sasaktan.”

Sinubukan kong kumalma pero yung takot ko hindi parin ma-wala-wala. Ngayon ko lang kasi naisip. Sana pala talaga hindi ko pinakuha kay Tyler ang tracking device na nasa necklace ko.

I need him right now.

“G-Get out,” -pagpapaalis ko sa kanya kahit nanginginig. “P-Please? Get out.”

Tumingin sya sa mga mata ko ng matiim. Yung titig na parang miss na miss niya talaga ako pero ayaw niya lang lumapit sa'kin dahil natatakot syang itulak palayo. Ganyan rin tumitig sa'kin si Tyler, and he's seriously scaring me right now.

Umatras ako nang umatras hanggang sa dead end na ang kinalabasan ko. Lumapit sya sa'kin nang dahan-dahan at agad akong kinorner sa pamamagitan ng kanyang braso. Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan. Kahit takot na takot ako sinubukan ko paring makabuo ng salita.

Iniharang ko ang palad sa dibdib niya para hindi sya dumikit sa'kin.

“A-Ano ba,” -napalunok ako nang sunod-sunod. “Ano ba talagang kailangan mo?”

Napaangat ang gilid ng labi niya. “Ikaw.”

“Ano?”

“Ikaw.” -ulit niya at ngumiti. “Kailangan kita.”

“Baliw ka ba?”

“Baliw?” -umakto syang nag-iisip. “I am. Well, you did this to me.”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Five years ago? Still remember?”

Five years?

Anong sinasabi nitong lalaking 'to? Hindi ko sya kilala. At kahit kailan wala akong natatandaan na nakita ko sya.

“Ano ba. Sabi ng umalis ka, 'di ba?”

“Tell me,” -he stared at me again. “Do you still remember me, don't you?”

“Hindi kita kilala,” -sagot ko sa seryosong boses. “Five years ago? Wala akong natatandaan.”

Biglang dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa mga kamao niyang nakakuyom. Pinunasan ko ang luha ko ng magsimula na naman iyong lumuha. Sinubukan kong wag humikbi, ayokong magising si Tatay, ayokong atakihin sya, ayokong makita niyang nasa kapahamakan ako, hindi pwede.

I was about to look up to avoid him when his mismatched eyes met mine again. He was staring at me intently, as if he was happy to finally see me. I froze as he slowly touched my face and wiped my tears away.

I was dumbfounded, like, really dumbfounded. Napahikbi ako at umiwas ng tingin. I tried to avoid his gaze pero kahit sa gilid ng mga mata ko nakikita kong nakatitig sya sa'kin, seriously? What's wrong with him? Natatakot na ako sa paraan ng paghagod niya. Hindi na sya nakakatuwa.

“Please?” -pigil ko ang paghikbi. “Please, kung ano man yung kailangan mo sa'kin sabihin mo na. A-Ayokong... ayokong matakot ang Tatay.”

“Sumama ka sa'kin.”

Napatanga ako sa sinabi niya. “W-What?”

“I really hate repeating my words, mi amor. Sumunod ka na lang.”

Walang ano ano'y hinila niya ako nang dahan-dahan palabas ng bahay. Isinara niya ang pinto at kinaladkad ako papunta sa nakaparadang kotse na malayo-layo.

Sinubukan kong iwaksi ang kamay niya na nakakapit sa kamay ko pero para lang yung bakal na ayaw matanggal sa tindi ng pagkadikit. Napatingin ako sa gilid ng makitang may mga lalaking nakahandusay sa sahig. Bigla akong nanginig, na kahit yung sikmura ko halos bumaliktad na.

Sumuka ako nang sumuka dahil sa nakita ko. Napahinto naman sya sa paglalakad at tumingin sa'kin nang makita akong namumutla.

“Are you okay?”

Tinulak ko sya palayo sa'kin kahit na hilong hilo na ako at halos hindi ko na kayang tumayo. “L-Lumayo ka.” -usal ko habang hawak-hawak ang tiyan. “Hayop ka! Lumayo ka sa'kin!” -sigaw ko. “Mamamatay tao!”

Akala ko magagalit sya, pero laking gulat ko nalang ng bigla syang ngumisi. “They wouldn't call me Supremo for nothing. Mamatay tao? Everyone can be a killer, hindi mo lang alam dahil masyado kang inosente.”

Oh my god.

Those people, sila yung mga security na pinapabantay sa'kin. They're lying on the ground, lifeless. Umatras ako sa kanya palayo, sunod naman sya nang sunod—dahan-dahan iyon at tila nananakot.

“Alam mo bang hindi lang ako ang mamamatay tao sa mundo?” -tanong niya. “Alam mo ba 'yon?”

“Dyan ka lang.”

“Oh, sweet potato, you're still clueless.”

“Sabi ng dyan ka lang!”

“Tyler Montellion. That guy,” -he tsked. “He killed my men last night. I thought he would never come back, but yes, he did.”

Nahigit ko ang sariling hininga dahil sa sinabi niya.

“N-No,” -umiling ako. “Tyler wouldn't do that.”

“He did.” -bakas sa boses nito ang galit at pagtitimpi. “Though it was just a warning, he killed only fifty of my men. That means he warned me not to get in touch with you again,” -he grinned. “But fúck. How can I stop myself? When you...”

Dahan-dahan syang lumapit.

“S-Stop it.”

“Driving me crazy.”

Gusto kong tumakbo pabalik sa bahay pero natatakot ako sa seguridad ni Tatay. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo.

Nagpalinga-linga ako hanggang sa may nakita akong mga kotse na sunod-sunod. Para iyong nasa fast and furious sa bilis ng takbo. Nabuhayan agad ako nang loob ng makita ang kotse na palaging gamit ni Tyler—his Yesha Cadillac.

Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang ako nitong hinila ng lalaki at agad niyakap. “Ano ba!” -pagpupumiglas ko. “Let me go!”

“Stay still.”

“Gago ka bang lalaki ka?!”

“Putangina!” -na alarma ako nang sumigaw si Tyler. “I already damn warned you, Supremo.”

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla na lang akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Itinulak ko naman sa pagkakayakap itong lalaki at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang magkabilang binti nito na may tama ng baril.

Napahawak ako sa bibig. Napatitig ako sa mga mata niya nang makitang parang wala lang sa kanya ang tama ng bala. Naka poker face lang ang mukha na tila walang pakialam kung mamamatay. Hawak-hawak niya pa rin ang isang kamay ko ng sobrang higpit.

Nanginginig ang buo kong katawan na humarap kay Tyler. Halos manlambot naman ang tuhod ko ng makita ang galit at puot sa mukha nito. Nakatutok ang baril niya sa mismong ulo nitong lalaki. Sina Achelios at ang iba pang mga kaibigan niya ay ganun rin ang ginawa. Nakita ko rin si kuyang guard na ngayon ay pa-ika-ikang naglalakad papunta sa gawi nila.

“Young Master.”

“His car?”

“Sinunog ko na po.”

Napatingin ako sa kotse nitong lalaki. At halos mapatanga ako nang maintindihan ang sinasabi nila. Sinunog nga nito ang isang sasakyan at unti unti ng kumakalat ang apoy.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa'kin ito, litong lito na ako, kunti nalang mukhang mawawalan na ako nang malay.

“Get your hands off her. I will shoot you in the head, and I swear, makakapatay ako.” -he warned him. “Sinabihan na kita. Wag sya, putangina wag sya. She is not your woman. Akin yan.”

“Oh goodness! I forgot!”

Ikinasa ni Tyler ang baril. “Leave her alone.”

“Primo,” -tawag ni Achelios. “Sinabihan na kita, hindi ba?”

“Ah, shit, I'm sorry. I can't help myself, this woman has been in my head the whole day! Do you know how insane that is?”

“Fúck you.”

“She is not yours. That woman belong to Jeremy.”

“Belong?” -he scoffed. “Oh. I forgot that too”

“Hindi sya ang babaeng inaakala mo, Primo. Let her go.”

“Letting her go was the stupidest thing I'll ever do, Kairo.”

Ikinasa na rin ni Achelios ang baril niya. “You leave us no choice then.”

“Bring it on,” -he confidently raised his chin. “But hey, I think you can't kill me,” -he whispered. “You know why? Because I have her.”

“Let her go. Now.”

“Nope. She's mine.”

“She's not Celestine, goddamn it!” -Tyler shouted. “For fúcking sake! Tanggalin mo yang lintek na kamay mo sa kanya! Putangina!”

Ipinutok niya ang baril at tumama 'yon sa balikat nitong lalaki. Napaiyak na talaga ako, hindi ko alam kung anong gagawin. Naaawa ako sa lalaking 'to pero nananaig ang galit ko sa kanya.

Hindi sya mababaril kung bibitawan niya ako! He's so stupid!

Habang umiiyak, napatakip ako sa tenga ng biglang sumabog ang sasakyan na sinunog kanina at halos mamingi ako sa sobrang lakas. Bigla akong nanlambot ng makita ang pagkalat ng apoy.

“That car cost 3.5 million dollars.” -sabi nitong lalaking katabi ko. “But don't worry, hindi kita sisingilin.”

May pulang dot na nakatutok sa ulo nitong Supremo na sinasabi nila dahilan para maningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan galing, kagat-kagat ko naman ang labi ng makitang wala syang pakialam.

He caressed his head. “Hey, Lightning! I know you're in there!” -sigaw niya sa may malaking gusali na medyo malayo sa bahay. “You better shoot me well, okay?”

Nangunot ang nuo ko. Who is he talking to?

Natatawang binalingan niya ang grupo ng Kuya ni Astrella. “Shoot me,” -aniya. “Now.”

Walang ano ano'y kinalabit ni Tyler ang baril niya kaya napahiga sya sa lupa. Napatakip ulit ako sa tenga. Hindi pa ito nakuntento at nagpakawala ulit ng putok na ikinalayo ko ng husto.

“T-Tama na,” -usal ko sa mahinang boses. “Tama na, please? Marami ka ng tama ng baril, maawa ka naman sa sarili mo, tama na.”

“Olivia.”

Hinapit ni Tyler ang bewang ko at agad akong niyakap. “Oh god.”

Napayakap na rin ako sa kanya ng mahigpit dahil sa boses niyang tila nakaramdam ng kaginhawaan. Lumapit naman sila Achelios at yung ibang kaibigan nila habang nakatutok ang mga baril sa lalaking nakahandusay na ngayon at nakatitig sa'kin.

“T-Tyler—”

“Stay behind me.”

Agad syang bumitaw at galit na binalingan yung lalaki. “Tangina mo.” -mura niya at mabilis itong kinwelyuhan at sinapak sa mukha.

Napaubo ito ng dugo pero hindi parin ito mababakasan ng takot. Inawat siya nang mga kaibigan niya, hindi ko na halos mamukhaan ang mukha nung lalaki dahil sa dami ng dugo. Putok na putok ang kanyang labi na para bang pinagtulungan ng sangkatutak na tao.

“Stop trying to claim what belongs to me,” -Tyler pointed at him. “I am giving you a last chance, Supremo. Wala akong pakialam kung isa ka sa mga namumuno sa'tin. Kaya kung makipagpatayan para lang sa babaeng mahal ko, I'll warn you now, stop pestering me.”

His eyes are seriously angry. It feels like there's a flame in them, at kulang na lang sumabog sya sa tindi ng galit.

“Ito na ang huling banta ko sa'yo, kapag lumapit ka pa ulit kay Olivia, ipuputok ko na ang huling bala ko sa bungo mo.”

Lumapit ulit sya sa'kin at hinawakan ang bewang ko ng marahan. Habol-habol niya ang hininga dahil sa pagod sa pag-bugbog. He kissed my forehead as he whispered 'I love you' and 'I'm sorry.' I kept on nodding and whispering 'I love you too' in return. I was scared, like, really scared.

“I'm so sorry, baby.”

“It's okay.” -tumingala ako. “Ayos ka lang ba?”

“Oh jesus,” -he hugged me. “I should be the one asking you that.”

“I'm okay, don't worry.”

“God,” -he caressed my face.

“You have your men around.” -nabaling ang atensyon namin kay Achelios ng magsalita sya. “Why did you tell them not to fire back at us? What has change?”

“I wouldn't die,” -he coughed. “I know you won't kill me. Kahit gaano pa ako ka gustong patayin niyang kasama mo alam kong hindi mo hahayaan 'yon” -ngumisi sya ng pagkalaki-laki. “Why King? Afraid of war?”

Achelios just scoffed.

“You know very much that I love war, Primo.”

“Oh, foolish me. I uh, is this the end now?” -kapagkuwa'y natawa na naman ulit sya. “I am really happy that you guys didn't kill me. Being part of the Highest Supreme was amazing. You see, you didn't shoot me in the head.”

My man pulled me and hid me on his back.

“Fúck you.”

“Yeah,” -he nodded. “Fúck me.”

“If you ever come here back. Hindi na ako makikinig kay Kairo, papatayin na talaga kitang tangna ka.” -he pointed his gun. “Olivia is mine. Mine and mine. She is not Celestine, keep that in your fúcking head.”

Maraming sasakyan ang tumigil sa harap namin na syang ikinataka ko ng husto. May mga dala rin itong baril na hindi ko alam kung saan nila nakukuha, hinila naman nila ng dahan-dahan yung Supremo patayo kahit alam naman nilang marami itong tama.

Sinubukan akong silipin nung lalaki pero humarang lang si Tyler at tinutukan ito ng baril. Namuo na naman ang takot ko sa dibdib nang magsihugot silang lahat ng mga armas sa likod. Seryoso ang mga mukha nila at talagang handa sa patayan.

“Umalis na kayo bago ko pa paputukan ang bungo niyang sinto-sinto nyong amo.” -banta niya. “Kung gusto nyo pang mabuhay, magsilayas kayong lahat.”

“Supremo,” -sambit ni Darwin sa seryosong boses. “Ayaw ko ng gulo. Pero putangina, sa oras na pakialaman mo pa ulit ang babaeng mahal ng kaibigan ko, ako ang babangga sa'yo.”

“Yeah, yeah. Whatever”

“Alam mo ang kasunduan natin, ayusin mo buhay mo.”

Tumingin sa gawi ko yung lalaki.

“Should I at least say goodbye to her?”

“Fúck you.”

“Celestine—”

“Hindi ako si Celestine,” -ani ko at humarap sa kanya. “My name is Olivia Yesha at hindi ako ang babaeng sinasabi mo. Can you stop acting like a psychopath and never come back? Whoever that woman you're calling, I'm pretty sure she doesn't like seeing you right now with that...” -napakagat ako sa bibig. “You know what I'm talking about.”

“Oh c'mon, I'm not a fúcking witch nor a fúcking fortune teller. Why would I know what you're talking about?”

“Hindi ako si Celestine,” -ulit ko kahit inis na inis na. “At kahit kailan, hinding-hindi ako magiging kagaya ng babaeng sinasambit mo. Stop calling me using that name, I am not her, and I will never be like her.”

“You don't know anything.”

“At hindi mo rin ako kilala,” -sagot ko. “Gumising ka sa katotohanan, kung sino man ang babaeng hinahanap mo, sinisiguro kong hindi ako 'yon.”

“Stop it.”

“Why would I stop? You're scaring the shit out of me, mister, normal lang na sabihin ko sa'yo na hindi ako ang babaeng inaakala mo.” -sagot ko. “Hindi. Ako. Sya. Naiintindihan mo? Wag kang magtunog desperado dahil nagmumukha kang tanga.”

“Ang sabi ko tumigil ka 'di ba?”

Tyler was about to shoot him again, but I quickly held his hands, telling him to stop.

“Alam mong kaming mga babae, ayaw na ayaw naming sinasakal kami.” -dugtong ko. “Maybe that woman ran away from you dahil sinasakal mo sya. Hindi man kita ganoon ka kilala, pero nakikita ko na ganon ang ugali mo pagdating sa kanya. Whoever Celestine is, she has made her decision right.”

Hindi sya umimik, pero halata ang galit at inis sa mukha niya. “If you love her? Find her. Hindi yung magtuturo ka na lang ng kung sino sinong babae at sasabihin mo na sya 'yon. Nangugulila ka sa kanya, halatang halata.”

He scoffed. “Yeah, right.”

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla nalang syang pumasok sa sasakyan di alintana ang mga tama ng bala sa katawan niya.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang umalis sila at mawala ang presensya nito. Napahawak pa ako sa balikat ni Tyler ng maramdamang para akong mabubuwal.

“Are you okay?”

“Nahihilo lang,” -sagot ko. “Kanina pa kasi masama pakiramdam ko.”

Mabilis niya akong kinarga sa mga bisig niya kahit alam niyang nasa harapan namin sina Darwin. Si Achelios naman may kinausap sa kabilang linya. Tinawag niya yung pangalan na Light at tila pinapauwi na.

Humarap silang lahat sa'kin habang may ngiti sa labi. Kumunot naman ang nuo ko sa ngiti nilang 'yon.

“Fúck, Tyler. Your woman is so savage”

“Kaya nga,” -sagot ni Glenn. “Akala ko pa naman may gyera ulit. Sayang, hindi ko nagamit bala ko.”

Hindi ko pinansin ang sinabi nila. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sila o seryoso na.

“Olivia,” -tawag sa'kin nang Kuya ni Astrella. “Thanks for telling him that.”

“Ha?”

“Walang gustong pag-usapan si Celestine sa harap niya. That jerk is a psycho, and you're right, that woman leave him.” -he sighed. “I hope that asshole wakes up. He damn need that.”

Tumango ako kahit wala akong naintindihan.

“Dadalhin ko muna si Olivia sa bahay nila.” -usal ni Tyler kaya bumaling ako sa kanya. “Mauna na kayong lahat, bukas na ako pupunta sa head quarters.”

“Wala man lang bang, thank you?”

“Kailan pa sya nagsabi niyan?”

Naiiling na hinila ni John si Darwin “Tara na. Inaantok na ako.”

“Tangina, sana pala hindi na ako sumama.”

“Glenn Klay,” -Tawag ni Achelios habang naninigarilyo. “Tawagan mo ang cleaning crew. Nilinisin nila lahat ang kalat, bayaran ang mga nakakita para walang problema.”

Umalis na silang lahat kaya ang naiwan ay ako, sya at— “And you, Dale,” -he called his security. “Be on guard.”

“Yes, Young Master.”

Pumasok kami nang bahay. Sinilip namin si Tatay at mabuti nalang ay tulog na tulog. Laking pasalamat ko nalang talaga sa diyos dahil hindi nasali si Tatay, siya talaga yung kahinaan ko sa mundong 'to. Ewan ko nalang kung pati sya masasaktan.

Idiniposito ako ni Tyler sa higaan ko ng dahan-dahan. He kissed me on my forehead after he laid me on my bed.

“I'm sorry,” -aniya ulit. “Natagalan ako dahil masyadong malayo ang bahay nyo sa location namin kanina. Sinaktan ka ba niya?” -hinaplos niya ako sa pisngi. “Hmm?”

“Hindi naman. He's actually like you; he may be weird, but he's a little soft-hearted.” -inisip ko si Primo. “Matanong ko lang, may problema ba 'yon? Para kasing umiiba ugali niya kapag may taong umiiyak o di kaya'y nagmamakaawa.”

“Let's not talk about him, naiinis na naman ako.”

Hinalikan niya ako sa bibig na ikinagulat ko ng husto. Hindi naman ako umangal dahil na-miss ko rin ang labi niya na nakadampi sa labi ko. Parang kanina lang hindi kami okay, ngayon naman, nakakapanibago.

Matagal na pumerme ang bibig niya sa'kin na syang dahilan kung bakit napangiti ako nang palihim. Dahan-dahan syang humiwalay at tumitig sa mga mata ko.

“Sa akin ka lang, Olivia. Sa akin lang.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “Sa'yo lang ako.”

“That's good to hear.” -he kissed me again. “No one will own you but me. Only me.”

I smiled proudly. Of course, sya lang naman ang lalaking hinayaan kong angkinin ako nang paulit ulit. There's no way I would love another man besides him. Sya lang, wala ng iba. God knows how much I love this guy.

“Baby?”

“Hmm?”

“I'm sorry”

Nangunot ang nuo ko. “Sorry for what?”

“Kung kanina nag-away tayo,” -tumitig sya sa mga mata ko. “Hindi na ako nagpaalam kasi baka magalit ka pa lalo. Hindi na kita naihatid kasi may ginawa ako. Alam mo na, ayokong magalit ka lalo.”

Naiiyak na napatitig ako pabalik sa mga mata nitong sobrang ganda titigan.

“Wag mo na akong aawayin, ha?” -ngumiti sya sa'kin. “Ayaw kong nag-aaway tayo.”

Napatango-tango ako. “Hindi na. Pangako.”

Naisip ko na naman ang sinabi kanina nung lalaking humawak sa'kin. That Supremo told me na bumalik si Tyler dun sa club at pinatay ang mga tauhan niya. Hindi parin ako naniniwala, pero nung makita ko na kaya niyang barilin ng walang takot yung kasama namin, saka ko pa napagtanto na kayang kaya niya pala talagang pumatay.

Nakakatakot pero hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot sa kanya. Siguro dahil mahal ko sya? Or mas may matibay pa na rason. I guess that's the best answer for now, hindi ko pa naman kasi talaga alam ang lahat.

“Hindi ka ba natakot sa ginawa ko?”

“Natakot ako,” -pag-amin ko. “Pero handa akong makinig. Sasabihin mo naman sa'kin ang totoo, 'di ba?”

Unti-unti syang tumango.

“Tomorrow, I will tell you who I am, I promise.” -hinawakan niya ako sa kamay. “Please stay with me kahit na ano ang marinig mo sa'kin. Tandaan mo, mababaliw ako nang husto kung iiwan mo ako. Lahat ng ginawa ko noon, alam kong walang kapatawaran 'yon. Nagsisisi ako, at sana hindi mo ako kamuhian. Mahal na mahal kita, Olivia. Mahal na mahal.”

Napaisip ako saglit sa sinabi niya. Bakit ko naman sya kamumuhian?

Continue Reading

You'll Also Like

625K 14.8K 55
BILLIONAIRE SERIES #2 [ C O M P L E T E D ] Oleander, The Fragrant Killer. Two-faced assassin. Yucci's life is full of orders. She was controlled an...
1.1M 22.1K 58
[Possessive Series 4] MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. R18. "You became mine the moment I saw you helplessly sitting on the bench-two in the...
51.8K 3.9K 27
Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses...
487K 24.8K 61
Alexis Willford almost have everything any person would wish for. And what she lacks the most is excitement. She wanted to feel life death, blood boi...