A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 128K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 42

57.6K 2.4K 1K
By Maria_CarCat

Life and Death








Hindi ko magawang harapin si Ericatrina, naiintindihan ko kasi kung saan siya nanggagaling. Kahit ako din naman ay hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari, hindi ko pa din lubos ma-isip na may possibilidad na si Mr. West Vergara ang tunay kong ama.

Ang bigat ng nararamdaman ko ay na-iibsan dahil na din sa ginawang paghawak ni Hunter sa kamay ko. Gusto kong tanggalin 'yon, pero hindi ko mapagkakailang kailangan ko 'yon ngayon, kailangan ko ng kasama...kailangan ko siya ngayon.

Ilang beses kong napansin ang paglingon-lingon niya sa akin, pero nanatili akong sa pagkakayuko ko. Kung minsan ay sumisimsim sa aking inumin para naman hindi mahalata ang bigla kong pananahimik.

"I really hate people with hidden agenda," sumunod na sinabi niya sa amin.

Napakagat na ako sa aking pang-ibabang labi. Bigla kong tinanong ang sarili ko, may hidden agenda ba ako? Hidden agenda ba kung tatawagin ang kagustuhan kong makilala ang sarili ko? kung kagustuhan kong makilala ang totoo kong ama?

"How can you say that they have hidden agenda?" seryosong tanong ni Hunter sa kanya.

Dahil sa ginawa niyang 'yon ay napa-sulyap ako kay Ericatrina, matamis ang ngiti niya kay Hunter, pero hindi nagtagal ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.

"They lie. Mabait sa harapan ko...pero hindi ko alam na palihim na kumikilos sa likuran ko. I've been a victim of those kind of people. I showed them kindness, understanding, acceptance...tapos may gusto pala kuhanin sa akin? Manloloko pala..." paliwanag niya ng may diin sa mga huling salita.

"Too early to judge," ma-iksi pero makahulugang sabi ni Hunter sa kanya.

Narinig ko ang pag ngisi ni Ericatrina bago siya sumimsim sa kanyang kape.

"Uhm...defensive," parinig niya kay Hunter.

Wala na akong ma-intindihan. Pakiramdam ko ay pareho silang may alam sa nangyayari sa akin ngayon.

Narinig ko ang pagtikhim ni Hunter. Hanggang sa magulat ako ng itaas niya ang kamay ko, hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa likod ng aking palad.

Napaawang ang bibig ko, may kung ano akong naramdaman dahil sa ginawa niya. Kilig? Hindi. Ayoko mang sabihin pero nakaramdaman ako ng sekyuridad, muli kong naramdaman yung pakiramdam noong mga panahong siya lang ang meron ako, siya lang ang inaasahan ko.

May kung ano sa loob kong gustong magtiwala ulit sa kanya. Pero mas nangingibabaw ang takot. Pinaramdam niya na sa akin ito noon, ginawa na niya ito noon...pero wala naman akong ibang napala kundi sakit.

"Oh, you two..." puna ni Ericatrina sa amin.

Muntik ko nang makalimutan na nasa harapan namin siya.

"We have a twin."

Mas lalong nabalot ng kung ano ang puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang saya para sa mga baby ko.

Para kay Hartemis at kay Hermes. Narinig mo 'yon Hermes? He finally recognized you as his son.

Hindi din nagtagal ang pag-uusap naming 'yon dahil may kailangan pang puntahan si Ericatrina. She's planning to invest in a certain business at may meeting siya kasama ang may-ari nito.

"Sovannah Ivy Aves...daughter of the famous Attorney. I like her...she seems real," sabi pa ni Ericatrina sa amin.

Nanatili ang tingin ko sa kanya, siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin sa akin. Kung mapatunayan na si Mr. West Vergara ang totoo kong ama...at Ate ko siya, sana naman hindi siya dumagdag sa listahan ng mga may ayaw sa akin.

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko kay Hunter pagka-alis ni Ericatrina. Hindi niya 'yon ininda, hinayaan niya lang ako.

"Ayos ka lang?" marahang tanong niya sa akin.

Hinarap ko siya. "Ayos lang ako, Hundson," seryosong sagot ko sa kanya.

"Don't call me that."

"What?" iritadong tanong ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay bahagya pa siyang napanguso. Nanahimik na lang siya at hindi na nagsalita pa.

"Sabay ulit tayong umuwi. I'll wait for you...o ako hihintayin mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi," tipid na sagot ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Inabala ko ang sarili ko sa revisions na kailangan naming gawin para sa restoration. Nagsisimula na ang construction, may ilang kailangan na lang i-finished.

Abala na din si Engr. Fontillian sa pagsisimula ng new building ng Villaver. Pero kahit ganoon ay hindi naman siya nagkulang para sa project namin.

"Maglunch tayo, it's on me. Na miss kita," nakangising sabi niya sa akin.

Abala ako sa documents, habang presko siyang naka-upo sa table ko.

Ilang beses kong tinapik ang binti niya para paalisin siya doon pero tinatawanan niya lang ako.

"Masungit pa din," puna niya sa akin.

"Upuan ba 'yan?" masungit na tanong ko sa kanya.

Tumawa ulit siya, tuwang tuwa dahil sa pagsusungit ko sa kanya.

Nasa ganoong position kaming dalawa ng madaanan kami ng grupo nina Hunter. Nakatingin silang lahat sa amin na para bang kailangan nilang gawin 'yon. Pero mas visible ang inis sa mukha ni Hunter. Ano nanamang problema ng isang 'to?

"Engr. Fontillian...lunch?" yaya sa kanya ng mga kakilala niya mula sa grupo na 'yon.

Marahan siyang umiling.

"May lunch date," makahulugang sabi niya at itinuro pa ako kaya naman sinundot ko siya ng hawak kong ballpen sa tagiliran.

Tumawa siya at tuluyan nang napatayo dahil sa ginawa ko, akala mo talaga may kiliti siya kaya naging ganoon ang reaksyon niya.

"Huling huli mo talaga kiliti ko," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman sinmangutan ko siya.

Narinig namin ang bulungan mula sa grupo nina Hunter, nagkayayaan na silang umalis pero hindi ang isa sa kanila. May ipinaglalaban.

"Hindi ka kakain?" seryosong tanong ni Hunter sa akin.

Ni hindi niya binigyang pansin ang kasama ko.

"Engr. Jimenez, kakain kami sa labas..." sagot ni Engr. Fonatillian sa kanya.

Tamad niyang nilingon ang nagsalita, sa klase ng tingin niya ay hindi na niya kailangan pang magsalita. Nagtaas ng kilay si Engr. Fontillian at nanahimik na lamang.

"M-may tinatapos pa ako. At kakain din ako...kami ni Engr. Fontillian," sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may kasamang kaba ang pagsagot ko, hindi ko din naman kailangang magpaliwanag kay Hunter.

Nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa sumuko siya.

"Hihintayin kita mamaya pag-uwi. Enjoy your lunch," sabi niya bago kami tinalikuran.

Sandali kong pinagmasdan ang paglakad palayo ni Hunter bago ko ibinalik sa ginagawa ko ang aking buong atensyon.

"May napapansin na ako kay Engr. Jimenez," pagbasag ni Engr. Fontillian ng katahimikan.

"Kayo ba?" tanong niya sa akin, muntik ng lumagpas ang sinusulat ko.

"Hindi!" giit ko.

"Sana..." marahang sambit niya.

Mula sa pagiging malungkot niya ay nalipat ang atensyon ko sa pagdating ni Emma. Hawak niya ang lunchbox niya, malaki ang ngiti niya sa amin.

"Hindi pa tayo magl-lunch?" tanong niya sa amin.

"Oh, Emma...hindi na muna kami sasabay, sa labas na lang kami kakain at didiretso na sa ancestral house," sagot ni Engr. Fontillian sa kanya.

"Ah ganoon ba? S-sige...mauna na ako sa inyo."

Tipid siyang ngumiti sa amin.

"Bawi kami next time," pahabol pa ni Engr. Fontillian sa kanya.

Naglunch lang kami sandali ni Engr. Fontillian bago kami dumiretso sa may Ancentral house ng mga Vergara. Wala namang nagbago sa pakikitungo ni Ma'am Chatterly sa akin, ang nagbago lang ay ang pagtanggap ko doon.

Iniisip ko lang, kung hindi ba nila inakalang parte ako ng pamilya niya ay magiging ganito pa din ba sila kabait sa akin. That explains the good treatment of Emma and other employees. Meaning alam ba nila? Or ganoon lang talaga sila sa kahit na sino.

"I really love all of your designs, kahit anog gamitin dito ayos sa akin," sabi ni Ma'am Chatterly.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi naman kami nagkaroon ng problema, dahil maging si Engr. Fontallian ay gusto din ang mga ginawa ko.

Nagpaalam siya sandali sa amin para tingnan ang ibang parte ng ancestral house na inuumpisahan ng gawin. Masyado talaga siyang hands on sa trabaho. Kaya naman wala ng naging kwestyon pa nang ibigay sa kanya ang bagong project sa Villaver.

"I heard a lot about you from Hosea," pag-uumpisa ni Ma'am Chatterly.

Hindi na ako nagulat, alam ko naman na.

Even si Hugo, hindi ako makapaniwala na may alam siya tungkol sa totoo kong pagkatao. Kaya ba ganoon na lang siya naging mabait sa akin noong una kaming nagkakilala.

Now everyone has hidden agenda.

"Hindi ko alam kung bakit bigla siyang lumayo. Mas gusto niya ang trabaho sa malayo, mas gusto niyang malayo dito kahit pwedeng pwede naman siyang mag stay sa companya lang," kwento niya sa akin.

Kahit ako ay nagtataka din. Para bang umiiwas siya, pilit na nilalayo ang sarili sa lahat. May problema kaya si Hugo?

Ramdam ko naman na genuine ang pagiging mabait ni Ma'am Chatterly sa akin. Hindi lang talaga ma-iwasan minsan na isipin kong baka may free pass lang ako sa kanila dahil pamangkin nila ako?

Matapos ang meeting with Ma'am Chatterly ay bumalik na din kami ni Engr. Fontillian sa office. Pagkarating na pagkarating namin ay chismiss kaagad ang unang sumalubong sa amin.

"He refused to be assigned onsite," sabi ng isa sa mga kakilala ni Engr. Fonatillain na parte ng Villaver project.

"Kung gusto pala niyang siya ang masunod...bakit hindi siya sa companya nila? Dinadala niya dito ang pagiging Jimenez niya, hindi naman nila companya 'to," giit pa ng isa.

Medyo interisado pa ako noong una, pero nang malaman ko kung sino ang pinaguusapan nila ay kaagad akong nakaramdam ng iritasyon.

"Balita ko kahit sa companya nila ganyan siya. Mas hands on talaga yung panganay sa site. Ayaw atang madumihan ni Engr. Jimenez..."

Nagtawanan sila kaya naman mas lalong sumama ang tingin ko sa kung saan. Hindi kami ayos ni Hunter, pero hindi ko din naman gusto ang ginagawa nila sa kanya.

"Baka takot mahulugan sa ulo," biro pa ng isa.

Hindi naman biro 'yon, hindi dapat ginagawang biro 'yon.

"Sa tingin ko, kung ganyan ang iniisip niyo tungkol sa kanya...bakit hindi niyo na lang siya kausapin?" pagsingit ko.

Dahil sa aking sinabi ay natahimik silang lahat. Kahit si Engr. Fontillian, unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Wala naman siyang kahit anong sinabi, pero pakiramdam ko ay ang pag ngiti-ngiti niya ay isang indikasyong sang-ayon siya sa mga sinasabi ng kasama.

Matapos kong sabihin 'yon ay nagpaalam na din ako sa kanila. Nasa kanila na 'yon kung ipagpapatuloy pa nila.

Maaga din akong nag-ayos at umuwi. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nakita si Hunter, hindi ako nahirapang magtago para lang hindi kami magkasabay na umuwi.

"Andyan na si Mommy!"

Narinig ko ang boses ni Dawn, kasunod nuon ay ang ingay ng Baby ko. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko para malapit kaagad sila.

Hartemis is expecting me, nakita ni Dawn ang gusto kong gawin kaya naman sinakyan niya.

"Hala, wala pala si Mommy," pagkausap niya kay Hartemis ng magtago ako imbes na magpakita kaagad sa kanya.

Kita ko ang tingin ng baby ko sa hallway, para bang alam kaagad niya na doon ako manggagaling. Muli siya nang-ingay nang kausapin siya ni Dawn.

"Aba't sumasagot pa," natatawang puna ni Dawn sa kanya.

Hindi ko kinaya ang pagtatago ko, hindi ko kayang tiisin ang baby ko. Patakbo akong lumapit sa kanila ni Dawn, nagulat siya noong una kaya naman natawa kaming pareho dahil sa pagtili niya.

Kaagad ko siyang pinaulanan ng halik, kumapit kaagad ang maliit niyang mga kamay sa akin, gustong magpabuhat. Kinuha ko siya mula kay Dawn, mahigpit ang yakap ko sa baby ko, mahigpit din ang yakap niya sa akin.

"Bye, Ate Dawn. Thank you..." paalam namin kay Dawn.

Itinaas ko ang kamay ni Hartemis para kumaway kay Dawn. Tuwang tuwa talaga sa kanya ang baby ko. alam kong nasa mabuting kamay si Hartemis tuwing nasa trabaho ako.

Aalis sina Kuya Wil ng gabing 'yon para pumunta sa kakilala. Bago sila tuluyang umalis ay kung ano ano pa ang binilin nila sa amin.

"Maglock kayong dalawa. Asaan na ba ang bagong lipat diyan?' tanong niya habang dinudungaw ang sarado pang apartment sa tabi namin.

Hindi na lang ako sumagot. Bigla kong naalala si Hunter. Paano kaya kung nandoon pa siya sa office dahil hinihintay ako? Hindi naman siguro niya seseryosohin ang paghihintay sa akin. Maiinip naman siguro 'yon at ma-iisipang umuwi na?

Hinawakan ni Kuya Wil si Hartemis sa ulo, bango na ulit siya dahil kakatapos ko lang siyang bihisan, halos pabagsak na nga din ang talukap ng mga mata niya, mukhang inaantok na.

"Matulog na, wag nang hintayin 'yon..." sabi ni Kuya Wil.

"Hindi ko po hihintayin," giit ko.

Nagtaas ng kilay si Kuya Wil. Tsaka ko lang na-realize na si Hartemis ang kausap niya at hindi ako.

"Hartemis..." sabi niya kaya naman nag-iwas ako ng tingin.

Nag-ingay si Hartemis na para bang sinagot niya ang sinabi ni Kuya Wil.

Ilang minuto na kaming nakapasok ni Hartemis sa apartment ng marinig naming dumating si Hunter. Mukhang may kausap siya sa phone, tumigil siya sa harapan ng bintana namin kaya naman rinig kong may kausap nga siya.

Matapos niyang ibaba ang tawag ay narinig ko ang pagkatok niya. Pinatay ko ang ilaw sa may living room, dapat ay alam na kaagad niyang tulog na kami dahil patay ang ilaw. Ano't pakatok-katok pa ang isang 'to?

Lumapit kami sa pintuan ni Hartemis, abala ang baby ko sa paglalaro ng manika niya. Halos mabasa 'yon ng laway niya dahil sa pagsubo.

"Ahtisia..." marahang tawag niya habang kumakatok.

Nilingon ko si Hartemis na nakatingin din sa may pintuan, mukhang narinig niya ang boses ng Daddy niya.

Sinenyasan ko siyang wag mag-ingay, pero kaagad niyang tinigilan ang ginagawa niya. Tumuro siya sa nakasarang pintuan at gumawa ng ingay.

Kaagad ko siyang hinalikan sa pisngi para tumigil pero nagpatuloy siya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hunter mula sa labas kaya naman napapikit ako ng mariin.

"Hartemis..." malambing na tawag niya dito kaya naman mas lalong nabuhayan ang baby ko.

Alam na alam na talaga niya ang boses ng Daddy niya.

"Hunter patulog na kami."

"May dala akong dinner," sagot niya sa akin.

"Hindi ako gutom."

"Ako gutom. Kain tayo..." yaya pa niya.

Naging makulit si Hartemis na hawak ko, gusto talaga niyang makita ang Daddy niya. Napabuntong hininga ako at kaagad na inalis ang mga lock ng pintuan namin mula sa loob.

Nakangiting Hunter ang bumungad sa amin pagkabukas ko ng pintuan. Halos magtatatalon si Hartemis nang makita ang Daddy niya.

hindi ko na napigilan ng nagtaas siya ng kamay para magpakarga dito.

"Hi..." malambing na sabi ni Hunter sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ulo at pisngi.

Napanguso ako nang makita kong yumakap kaagad siya sa Daddy niya, isinandal ang ulo sa balikat nito.

"Bumili ako ng dinner," sabi niya sa akin at itinaas ang hawak na paper bag mula sa isang restaurant.

"Hindi nga ako gutom," laban ko at bahagya siyang inirapan.

"Ako nga gutom, kaya samahan mo akong kumain," sabi niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.

"Hindi mo ba kayang kumain mag-isa?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Si Engr. Fontillian ba hindi marunong kumain mag-isa?" tanong niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong wala naman akong laban sa kanya.

"Tara..." yaya niya sa akin, para bang sigurado talaga siyang sasama ako.

Naglakad siya papunta sa apartment niya habang karga si Hartemis na nakasandal pa din ang ulo sa balikat ng Daddy niya.

"Dito na tayo kumain sa apartment ko para hindi na maabala ang kusina mo," sabi niya sa akin.

Halos mag-ugat ang mga paa ko sa harapan ng apartment namin, hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya. Pero wala akong choice, dadalhin talaga niya si Hartemis papunta doon.

Napabuntong hininga ako at sumuko, sumunod ako sa kanila. Kahit labag sa loob ko ay gagawin ko 'to para kay Hartemis.

Nakita ko ang ngiti ni Hunter dahil sa paglapit ko. umirap na lang ako sa kawalan para hindi niya makita ang pagiging uneasy ko.

Iba ang pakiramdam dahil sa pagpasok ko sa apartment niya. Naamoy ko kaagad ang bango niya sa buong apartment, alam mo kaagad na siya ang nakatira dito.

Tiningnan ko si Hartemis, tumingin din siya sa akin at ngumiti. Ito talagang baby ko, marupok sa Daddy niya.

"Upo ka," yaya sa akin ni Hunter.

Inilapag niya sa table ang hawak na paper bag. Marami akong kinakaharap na problema ngayon, mas mabuti siguro kung mabawasan kahit papaano.

"Ako na. Hawakan mong mabuti si Hartemis," sabi ko sa kanya.

Ako na ang pumunta sa kitchen niya para kumuha ng mga plato. Pinanlakihan ko ng mata ang mga Corelle plate niya, maging ang mga kubyertos ay mabibigat din. Sanay naman ako sa mga ganoon, nagbago nga lang noong nalubog kami sa utang.

Isinayaw sayaw ni Hunter si Hartemis habang pinapanuod niya ang paghahanda ko ng pagkain.

"Humingi din ako ng soup, para sa 'yo yan," sabi niya sa akin. Tipid lang akong tumango.

Pag-uusapan namin ngayon ang magiging set-up namin para kay Hartemis. Hindi ko ipagkakait sa baby ko na makasama at makilala niya ang Daddy niya.

"Thank you," sabi ni Hunter habang nagsisimula na kaming kumain.

"Wag kang mag-thank you sa akin. Gagawin natin 'to para kay Hartemis," paglilinaw ko kaya naman natahimik siya.

"We can be casual to each other, walang problema sa akin, Hunter. Kay Hartemis ka lang may karapatan, pero sa mga personal kong problema at buhay...wala," pagdidiin ko.

Nanatili siyang tahimik habang nakikinig sa akin, maging ang baby namin ay ganoon din. Nakakandong siya kay Hunter, pareho silang nakaharap sa akin at nakikinig.

"Nandito din ako para sa 'yo, Ahtisia." Laban niya.

Marahan akong umiling. "Hindi kita kailangan," pag-amin ko.

Kailangan ko lang siya para sa baby ko. Para tumayong ama kay Hartemis.

Nakita ko ang pag guhit ng sakit sa mukha ni Hunter, pero mas mabuti ng malinaw ang lahat para sa aming dalawa.

"I'll do everything para tanggapin mo ulit ako. Hindi ako titigil," pursigidong sabi niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain. "Ikaw ang bahala," pagsuko ko.

Mapapagod din 'yan.

Hindi umimik si Hunter, looks like he's absorbing everything. Tama 'yan para malinaw. Nilingon niya si Hartemis at humalik na lang sa baby ko imbes na makipaglaban sa akin.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, tsaka lang kami mag-uusap tungkol kay Hartemis, marami siyang tanong tungkol dito. Sinasagot ko naman 'yon dahil para naman 'yon sa baby ko.

"Si Hermes...pwede kong makita?" marahang tanong niya sa akin matapos ang mahabang katahimikan.

Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Marami akong picture at video nina Hermes at Hartemis, pero hindi ko alam kung handa na ba akong ipakita 'yon kay Hunter.

"Gusto ko siyang makita, kahit sa picture lang..." pakiusap niya sa akin.

Hindi ako naka-imik kaagad.

"Kamukha ko daw siya? Gaano? Kamukhang-kamukha...edi gwapo," nakangiting sabi niya sa akin kahit ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Palagi ko siyang napapanaginipan...pero hindi malinaw ang itsura, gusto ko siyang makita, Ahtisia. Gusto kong makita ang anak natin," pakiusap niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko kay Hunter, nakita ko ang sinseridad at kagustuhan niya talagang makita ang mukha ng baby namin.

Napabuntong hininga ako, "Nasa phone ko," sagot ko sa kanya. Na-iwan sa apartment ang phone ko kaya walang choice si Hunter.

Bago pa man siya muling makapagsalita ay tumunog na ang phone niya para sa isang tawag.

Tumayo siya buhat pa din si Hartemis para sagutin 'yon.

"Mommy..." bungad niya.

Habang kinakausap ni Hunter ang Mommy niya ay sumasagot din si Hartemis, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hunter, itinapat niya ang phone niya sa tenga ng baby ko. nakikipagsagutan ito kay Mrs. Jimenez mula sa kabilang linya.

Matapos ang ilang minuto ay nakita ko kung paano ma-irita ang baby ko, dahan dahan siyang sumibi at umiyak kaya naman tumayo na ako para kuhanin siya.

Baka ayaw niyang makipag-usap.

"Uuwi na kami," sabi ko kay Hunter.

Nagpaalam ako na para bang ang layo ng uuwian namin. Hindi na niya kami napigilan pa dahil kausap pa niya ang Mommy niya.

Nakatulog kaagad si Hartemis pagkabalik namin sa apartment. Hindi ko nagawa 'yon, ilang beses kong pina-ulit ulit ang pagtingin sa mga picture at video nila ni Hermes.

Handa na ba talaga akong ipakita 'to kay Hunter? Deserve ba niya 'to?

Maaga kaming nagising kinaumagahan dahil sa ingay mula sa labas. Rinig kaagad ang boses ni Kuya Wil. Mukhang may pinapagalitan nanaman.

"Bumili ka ng pandesal kung gusto mong makikain dito sa amin," rinig kong sabi ni Kuya Wil.

Siya na lang ang naabutan namin sa labas pagkabukas namin ng pinto. Nakapamewang siya at nakatingin sa malayo.

"Good morning, Kuya Wil," bati namin ni Hartemis sa kanya.

Nagbago kaagad ang mood niya at ngumiti sa amin.

"Sino pong kaaway niyo?" natatawang tanong ko.

"Yung kapit bahay," sagot niya sa akin. Alam ko na kaagad kung sino.

Hindi nagtagal ay bumalik din si Hunter, dala ang pandesal na pinabili ni Kuya Wil. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang itsura niya. Wala siyang suot na pang-itaas na damit. Kaya naman pala halos humaba ang leeg ng iba pa naming kapit bahay.

"Dinagdagan yung pandesal. Free ko daw," pagyayabang niya.

Ngumiti siya sa amin ni Hartemis. Tumuro sa kanya ang baby ko, gusto nanaman magpabuhat.

"Free ka diyan," inis na sambit ni Kuya Wil.

"Good morning," bati niya sa amin.

Tipid lang akong tumango, pero hindi ko talaga ma-iwasang hindi punahin ang pagbabago sa katawan ni Hunter. Mas gumanda...I'm speechless.

"Tumawag si Hugo, hindi mod aw sinasagot ang mga tawag at text niya," sabi ni Kuya Wil sa akin.

Bago pa man ako makapag-react ay nakita ko na ang matamis na pag ngiti ni Hunter, hindi ko alam kung anong ngini-ngiti niya.

"Titingnan ko po mamaya," sabi ko sa kanya kaya naman suminagot kaagad si Hunter.

"Tara na, pumasok na tayo at kumain," yaya niya sa amin ni Hunter.

"Magdamit yung mga nakahubad diyan," pagpaparinig niya pa bago kami tinalikuran.

Tumawa lang si Hunter. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok ay may dumating na hindi inaasahang bisita.

"Sir West," gulat na tawag ni Kuya Wil sa kanya.

Nagulat ako sa pagdating niya, pero mas nagulat ako na kilala siya ni Kuya Wil.

"Magandang umaga," bati niya sa amin.

Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Tipid akong tumango.

"Nandito ako para kamustahin kayo..." sabi niya.

"A-ayos lang naman po kami dito," sagot ko sa kanya.

Sandali niya akong pinagmasdan.

"Hindi ako mapakali. Hindi ko kayang nasa bahay ako habang nandito ka..." sabi niya sa akin.

"Gusto kong bumawi sa 'yo, Ahtisia," pag-amin niya.

"Pero hindi pa naman po tayo sigurado," sabi ko.

Wala pang DNA test.

"Kahit pa," sagot niya sa akin.

Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya kay Hartemis ng mag-ingay 'to. Mas lalong tumamis ang ngiti niya.

"Ito na ba ang apo ko?" malambing na tanong niya.

Lumapit siya kay Hunter, kinuha niya si Hartemis na ayaw pa sanang sumama. Halos magsumiksik ang baby ko sa leeg ng Daddy niya.

Natawa si Mr. West Vergara dahil dito.

"Ayaw mo kay Lolo?" natatawang pagkausap niya dito.

"Hindi po siya sanay sa ibang tao," sabi ko.

Tumango ito, pero nagawa pa din niyang halikan ang baby ko sa ulo.

"Kamusta ka na, Wil?" tanong niya dito.

Nilingon ko si Kuya Wil. Hindi siya makatingin sa akin.

"Kuya Wil...alam mo?" tanong ko sa kanya.

Mas lalong hindi siya makapagsalita.

"Ako ang nag-utos kay Wil. Wala siyang kasalanan," sagot ni Mr. West Vergara para dito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Totoo nga!"

Halos magulat kaming lahat dahil sa pagdating ni Ericatrina.

Nakita ko ang galit at luha sa kanyang mga mata.

"Anong ibig sabihin nito, Daddy?"

"Ericatrina, magpapaliwanag ako," si Mr. West Vergara.

Marahas siyang umiling.

"Wala akong tatanggapin na kahit sino, hindi ko matatanggap na kapatid ang babaeng 'yan," turo niya sa akin.

Mas lalo siyang na-iyak ng makita niyang hawak ni Mr. Vergara si Hartemis. Naiintindihan kong nasasaktan siya para kay Anya.

"Aalis kami ni Anya sa oras na iuwi niyo sa bahay ang anak niyo sa labas," banta niya bago niya kami tinalikuran.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sumunod sa kanya.

"Ericatrina," tawag ko.

Huminto siya pero hindi niya ako nilingon. May kung ano sa pakiramdam ko ang nagsasabing gusto kong mapalapit sa kanya, ayokong mag-away kami.

"Hindi ko aagawin ang Daddy mo. Hindi namin siya aagawin ng Baby ko. Gusto ko lang malaman ang totoo..." paliwanag ko.

"Hindi ako titira sa inyo. Hindi ko hihilingin na ipakilala ako bilang anak niya...o bilang kapatid mo. Hindi ko din kukunin ang apelyido niyo...gusto ko lang ang totoo," pahabol ko.

Nanatili siyang nakatalikod sa akin, pero kita ko ang paggalaw ng balikat niya.

"Ayoko ng kahati, Ahtisia. Pero hindi ko din alam kung bakit...kung bakit umpisa pa lang, gusto ko din ang ideya na maging kapatid ka..."

"Hindi ko lang inaasahan na totoo..." pahabol pa niya.

Pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Gusto ko lang makilala kung sino talaga ako..."

"Wala akong kukuhanin sa inyo...Ate."

Hindi niya ako nilingon, tumakbo na siya paalis doon.

Marahan kong pinahiran ang luha mula sa aking mga mata. Napahinto ako ng maramdaman kong may tao sa likuran ko. Bumuhos ang luha ko ng makita ko si Hunter.

"Kailangan ko nanamang patunayan ang sarili ko? Magpapa-DNA test kami para patunayan nanaman ang sarili ko?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Ganoon ba ako kasama para danasin ang lahat ng 'to?" tanong ko sa kawalan.

Lumapit si Hunter sa akin, niyakap niya ako...mahigpit.

"Nandito ako, Ahtisia. Hindi na ulit ako aalis...pangako 'yan," paninigurado niya sa akin.

"Ako...para sa inyo lang ako ni Hartemis. Para sa inyo lang ako," paninigurado pa niya.

Napahagulgol ako, humigpit ang yakap ko kay Hunter.

"Hindi na ako naniniwala sa 'yo. Sinungaling ka naman..." bato ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"I've been in a life and death situation...ipinangako kong aalagaan ko kayo basta bigyan lang ako ng pangalawang pagkakataon."

"Hindi ko sasayangin 'to, Ahtisia. Hanggang sa huling hininga ko, wala akong gagawin kundi ang bumawi sa inyo," paninigurado pa niya.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yon. Ano ba talagang nangyari kay Hunter?








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
2.8M 122K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and...
5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
2.3M 111K 64
The best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.