HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 99

6.1M 110K 272K
By maxinejiji

MAX'S POV

Hindi ko naiwasan ang mainis dahil mukhang nabadtrip si Maxwell kay Sensui kaya naman matapos siyang sigawan nito ay nagmadali itong umalis nang hindi man lang ako iniisip.

Tss, mahusay, Enrile, tsk tsk! Ako nga ay hindi mo kinaya, 'yung kapatid ko pa?

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik ng resto nang mapansin kong wala na rin doon ang sasakyan ni Mokz, agad naman akong nanlumo. Sinubukan kong tingnan sa harapan at mismong parking lot ngunit wala na talaga ang mga ito.

'Now, this is great! Damn it! Paano ako uuwi nito? Tsk!'

Sinundo lang ako ni Maxwell kanina kaya naman siya rin ang inaasahan kong maghahatid sa'kin pabalik. Paniguradong nawala ako sa isip niya kaya hindi na ako nagawang alalahanin pa nito, at isa pa ay hindi siya sanay ng may kasabay.

Naglakad na lang ako palabas sa bakuran ng resto ng may sama ng loob, dumako sa high way para maghintay ng buss doon.

Yari ka talaga sa'kin, Sensui, kahit kailan ay pasakit ka sa buhay!

Natinag ako sa napakalakas na busina na iyon, agad naman akong tumabi upang makadaan iyon.

"Maxi!" dinig ko ang malakas na tinig ni Mrs. Enrile, bahagya ko pang naiharang ang braso sa mukha ko nang masilaw ako sa liwanag ng ilaw ng sasakyang iyon sa likuran ko. Nakita ko naman si Mrs. Enrile na bumaba mula sa sasakyan at lumapit sa'kin.

"Mrs. Enrile," bungad ko sa kaniya.

"Maxi! Aren't you going home?"

"Ah, uuwi na nga ho sana ako, eh, tinawag niyo lang ako."

"Ha? Eh, nasaan na ang mga kasama mo? Iyong Kuya mo?"

'Binuwisit ho ng anak niyo.'

"Nakalimutan ho ata nilang kasama nila ako, hehehe," pilit na biro ko pero nag-alala siya.

"Omo! Don't tell me, magko-commute ka pauwi, hija?"

"Mukhang ganon na nga ho."

"No!" angil niya at natigilan ako. "Sasabay ka sa'min! Hihihihi!" biglang ngising aniya.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya at saka ko nilingon iyong sasakyan nila, patay na ang ilaw sa harapan niyon kaya naman nakita ko ang mukha nina Sensui at Dein sa loob. Ultimong ang bahagyang pagkakataas ng kilay ni Sensui ay natatanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko.

"Ah, hindi na ho, Mrs. Enrile, nakakahiya naman."

"Bakit ka naman mahihiya, Maxi? Delikado dahil gabing gabi na kaya sumabay ka na sa amin, hija, pareho lang namang Laguna ang uuwian natin," pakiusap niya.

"Hindi na ho."

"Sige na, Maxi, hindi ka naman puwedeng magbiyahe ng ganiyan ang suot mo," malungkot pa kunyaring aniya, napatingin naman ako sa suot ko tsaka napangiwi.

'Isa pa itong damit na 'to! Maayos at kumportable na ako sa suot ko kanina pero nang dahil sa kaartehan ni Maxwell ay napilitan akong magpalit! Nakakainis!'

Sabay kaming napalingon ni Mrs. Enrile nang muling may bumusina, bahagya pa akong nagulat nang makita kong si Randall iyon. Agad akong napatingin kay Mrs. Enrile at nakangiti na rin siya kay Randall, mas ikinagulat ko pa nung umibis ito mula sa kotse at lumapit sa'min.

"Is there a problem, Tita?" tanong pa ni Randall na hindi man lang ako tinitingnan. Muli akong nainis dahil suot pa nito ang suit na iniregalo kong suit sa kaniya.

'Nananadya pa yata.'

"Ah, ito kasing si Maxi ay naiwan ng mga kasama niya kaya sabi ko ay sumabay na siya sa amin, kaso ay nahihiya naman daw siya,"

"Ah, ganon po ba? Sa'kin ka na sumabay kung ganon?" alok ni Randall dahilan upang matigilan ako.

"Ah, magkakilala kayo?" takang tanong ni Mrs. Enrile dahilan upang maging makahulugan ang tinginan namin ni Randall.

"Yeah, we're s-schoolmates before, sa SIS," sagot ko.

"Sa'kin ka na sumabay, ihahatid kita," muling alok ni Randall.

"Ano ba ang ginagawa niyo pa riyan?" biglang nangibabaw ang galit na tinig ni Sensui mula sa 'di kalayuan at napalingon naman kami ro'n. "We're blocking the driveway, oh!" asik niya pa habang nakaturo sa parehong sasakyan nila ni Randall, kataka-taka lang dahil wala namang dumaraang sasakyan bukod sa sasakyang pag-aari nila ni Randall pero mukhang galit siya.

"Deib, naiwan kasi si Maxi ng mga kasama niya, sabi ko ay sumabay na siya sa'tin," ani Mrs. Enrile rito.

"Ha?" gulat namang tugon ni Sensui. "Eh, bakit nga ba hindi ka pa sumabay rito?"

"Nahihiya raw kasi siya, hihihihi."

"Anong nakakahiya ro'n, eh, sasabay ka lang naman?" sarkastikong tanong pa sa'kin ni Sensui.

'Walang nakakahiya ro'n, ayaw lang talaga kiang kasabay lalo na iyang kapatid mo, 'wag kang tanga.'

"Oo nga, Maxi, hija, halika na't sumabay ka na sa'min, lumalalim na ang gabi," anyayang muli ni Mrs. Enrile na hinawakan pa ang braso ko.

"Ako na lang po ang maghahatid sa kaniya, Tita," prisinta ni Randall.

"Ha? Bakit ikaw?" asik ni Sensui na hindi man lang namin namalayang papalapit na pala.

"Bakit naman hindi?" natatawa pa kunyaring tanong ni Randall. "Eh, marami na kayo sa sasakyan, wala naman akong kasama sa kotse ko kaya ayos lang--"

"Eh, di si Noona ang isama mo!" animong galit na sigaw ni Sensui dahilan upang sabay sabay kaming mapatingin sa kaniya. Bigla siyang nabalisa. "B-Baka kasi magselos si Noona kung isasabay mo siya," depensa niya pa tsaka bumaling sa'kin. "Tara na, sa'min ka na sumabay, ihahatid na lang kita sa bahay niyo pagkahatid ko sa kanila sa bahay."

"Let's go, Maxi, dear, it's really getting late," ani Mrs. Enrile.

"Ako na lang po ang maghahatid sa kaniya dahil mukhang masikip na kayo riyan," pagpupumilit ni Randall. "For sure, Dein won't mind because she's familiar with Max," paniniguro niya pa.

"Ako na nga ang maghahatid sa kaniya, 'di ba?" sarkastikong ani Sensui, kumunot naman ang noo ni Randall.

"Ako na, dahil alam ko naman kung saan siya nakatira, okay?" sarkastiko ring tugon ni Randall at kumunot naman ang noo ni Sensui.

"Kay Randall na lang ako sasabay," pagdedesisyon ko habang nakatuon ang paningin kay Mrs. Enrile, ikinagulat nito ang sinabi ko.

"Bakit?" wala sa sariling tanong ni Sensui sa'kin.

'Anong bakit? Tss.'

"Marami na kayo sa sasakyan niyo."

"Kasya naman tayo, eh."

"Hindi na, salamat na lang."

"Are you sure, Maxi?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Enrile at tumango naman ako, tsaka siya bumaling kay Randall. "Take care, okay? Ikaw na ang bahala kay Maxi, hijo, ihatid mo siya and be safe. Let's go, Deib."

"Ingat po, Tita," pahabol ni Randall dito tsaka bumaling sa'kin. "Let's go?"

"Mm," tango ko ngunit bago pa man ako makapaglakad ay nahagip na ng paningin ko si Sensui na hindi pa rin umaalis sa harapan namin. "Ano?" takang tanong ko dahil salubong pa rin ang mga kilay niya habang nakatingin sa'min.

"Dito ka na sa'min sumabay dahil si Chairman naman ang nangumbida sa inyo ng pamilya mo rito, responsibilidad kita," seryosong aniya dahilan upang mapamaang ako.

'Responsibilidad? Ano ba ang sinasabi niya? Tss, kailan pa?'

"Eh?" naguguluhang tanong ko.

Natigilan siya at mukhang hindi niya rin alam ang sinasabi niya. "I-Ibig kong sabihin, siyempre, kami ang nagyaya sa pamilya mo rito kaya kung meron man na dapat maghatid sa'yo, sa tingin ko ay ako 'yun--"

"It's okay, Deib, hindi ko naman siya pababayaan," pilit ang ngiting pigil sa kaniya ni Randall dahilan upang mas kumunot ang noo ni Sensui. "Ayos lang din naman sa pamilya niya kung ako ang maghahatid sa kaniya dahil kilala naman nila ako," mariin pang dagdag nito.

'Kung ako sa inyong dalawa, sasapakin ko kung sinong makulit! Tss!'

"Kilala na rin naman ako ng pamilya niya," pakikipagpaligsahan ni Sensui.

"Sa kaniya na ako sasabay," seryosong sambit ko at doon natinag si Sensui, binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. "Pumasok ka na sa sasakyan niyo, lumalamig na," tsaka ako muling bumaling kay Randall. "Tara."

Hindi ko na nilingon pa muli si Sensui at nagpaumuna na akong maglakad kay Randall papunta sa passenger's seat. Nilingon ko pa muna sina Mr. at Mrs. Enrile tsaka kumaway at tumango sa mga ito, tumingin din ako kay Dein pero agad na nag-iwas ng tingin ito. Ikinabigla ko pa ang pagbubukas ng pinto ni Randall para sa'kin pero hindi na ako nagpahalata pa at basta na lang sumakay roon.

Habang hinihintay ko si Randall makasakay ay natanaw ko pa si Sensui na padabog na sumakay sa sasakyan nila, mabilis na iminaniobra iyon tsaka umalis.

Nang magsimulang umandar ang kotse ni Randall ay tanaw ko pa rin ang sasakyan ng mga Enrile na siyang nasa harapan lang namin.

'Tss, 'wag mo akong artehan ng ganiyan, Sensui, tsk tsk. Baka mamisinterpret kita.'

Natawa ako sa sarili kong isipin, hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti.

Nanatiling tahimik ang pagitan namin ni Randall habang tinatahak ang daan, may ilang minuto na rin kaming tumatakbo pero pareho pa rin kaming nagpapakiramdaman, balewala naman sa'kin 'yon dahil sanay naman akong hindi magsalita.

"Sounds tayo, ah?" maya maya'y siya rin ang bumasak sa katahimikan. "Ang tahimik, eh," aniya pa pero hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Pumailanlang ang pamilyar sa'kin na kanta, Hard to Say I'm Sorry by Az Yet.

Sa kanta pa lang ay batid kong may gusto na siyang sabihin sa'kin, kaya naman bumuntong-hininga ako ng malakas at tumingin sa harapan.

"Ah," panimula niya.

'Sinabi ko na nga ba't hindi pa siya tapos magdrama.'

Bumuntong-hininga uli ako't lumingon sa kaniya.

"Iyong nangyari nung nakaraan," aniya at nakinig naman ako. "Hindi ko sinasadyang mangyari ang ganon, sorry kung hindi ako nakapag-isip agad," aniya na pinalalakas ng pilit ang loob. "Alam kong kumalat na sa BIS 'yung tungkol sa atin at sigurado akong hindi mo 'yon nagustohan, ako na ang humihingi ng paumanhin."

"Si Kim nga raw ang nagsabi," tugon ko at siya naman ang napabuntong-hininga.

"Tsk," dinig kong asik niya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. "Eh, di ang dami na namang bulung-bulungan tungkol sa iyo? Ibig kong sabihin, narinig ko kasing maraming nangbubully sa'yo sa BIS dahil sinimulan ka ni Deib," may bahid ng pag-aalinlangang aniya pa.

'Narinig o nalaman? Paniguradong nagtanung-tanong ka naman tungkol sa akin, Randall.'

"Sanay naman ako sa ganoon, 'di ba?" sarkastikong tugon ko. "Sanay akong maraming sinasabi sa'kin ang ibang tao, kailan ba nawala 'yon sa buhay ko? Tss." mapaklang dagdag ko.

"Oo nga, pero kilala kita, ayaw mo sa lahat ay iyong marami kang naririnig tungkol sa iyo na hindi naman totoo."

"Eh, totoo naman, hindi ba?" matabang na tanong ko na tumingin pa sa kaniya, nang magtama ang paningin namin ay tsaka ko ibinalik sa likuran ng sasakyan nila Sensui ang paningin ko. "Lahat ng pinag-uusapan nila tungkol sa'kin ngayon ay totoo, Randall. At isa pa, hindi naman ako kailanman naapektuhan sa mga naririnig ko sa paligid ko, nasanay na akong binabalewala ang lahat."

Hindi agad siya nakapagsalita at narinig kong bumuntong-hininga pa siya ng ilang beses, ilang sandali ang lumipas bago siya nakapagsalita uli.

"Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganon na lang ang naging mga reaksyon ko nung makita kita," seryosong aniya, ramdam ko ang pagiging sinsero niya. Nakatuon sa pagmamaneho ang atensiyon niya nang lingunin ko siya kaya muli akong nag-iwas ng tingin. "Kakaiba ang pakiramdam ko nung makita kita ulit, tinatanong ko ang sarili ko kung..." bumuntong-hininga pa siya. "Paano kung nakita kita bago mawala si Daddy? Paano kung nalaman kong darating ka bago pa mawala si Daddy? Magiging ganoon pa rin kaya ang reaksiyon ko? Magbabago pa kayang bigla 'yung nararamdaman ko?"

Hindi ko na naman maintindihan ang sinasabi niya pero pinabilis niyong bigla ang tibok ng puso ko, ngunit hindi ko na iyon ipinahalata pa sa kaniya. Nanatili akong nakikinig habang nakatingin sa dinaraanan namin.

"Ang totoo, nung narinig kong wala na si Daddy, parang gusto ko na ring mamatay sa oras din na iyon, hindi ko matanggap," nasasaktang aniya. "Pakiramdam ko ay wala akong nakikita kung hindi ang kabaong niya, wala akong naririnig kung hindi ang paborito niyang kanta," malungkot pang dagdag niya. "Wala akong iniisip kung hindi si Daddy lang, tapos biglang dumating ka," bumuntong-hininga siya at naramdaman ko ang paglingon niya ngunit hindi ako kumilos. "Hindi ko talaga inaasahang makikita kita nung oras na 'yon, Pein. Hindi ko akalaing mahigit dalawang taong kitang hindi nakita, hindi nakausap, walang balita tungkol sa'yo tapos--makikita kita? Parang, wow!" tumawa pa siya kunyari. "Naghalu-halo bigla 'yung nararamdaman ko nung mga oras na 'yon, doon ko naramdaman ang saya, ang lungkot, ang sakit--lahat, Pein, lahat lahat. Masaya akong nakita uli kita pero kasi, wrong timing, eh."

'Tss. At ang lagay ay ako pa ang mag-a-adjust?'

"Hindi naman ako magpapakita sa'yo kung hindi nawala si Tito," prangkang tugon ko na ikinagulat agad niya.

"Bakit?" may panghihinayang sa tono ng pananalita niya kaya bahagya akong natawa.

"Kasi alam kong ganiyan ang mangyayari sa'yo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Dahil alam ko na kung anu-ano lang ang iisipin mo, natatakot lang akong makagulo pa ako sa inyo ni Dein."

"Nakakalungkot namang malaman na si Daddy lang pala talaga ang ipinunta mo sa bahay nung oras na iyon," malungkot ngang aniya kaya muli akong natawa.

"Kakatwang malaman na parang may inaasahan ka pang iba, Randall," natatawa kunyaring tugon ko.

"Oo," prangkang tugon niya kaya natigilan ako ngunit pilit na hindi lumingon sa kaniya bagaman batid kong nililingon niya ako. "Inaasahan kong ako ang pangunahing dahilan kung bakit ka pumunta ro'n, inaasahan kong ako ang iniisip mo kaya ka pumunta, dahil alam kong alam mong hindi ko kaya," umaasang aniya. "Hindi ko kayang mawala si Daddy dahil mahal na mahal ko siya. Nakakalungkot malaman na si Daddy lang talaga ang ipinunta mo at hindi man lang ako naging parte ng dahilan mo. Akala ko kasi ay nag-aalala ka sa lagay ko kasi alam mong hindi ko makakayang tanggapin iyon basta basta dahil kilala mo ako. Pero mukhang nagkamali ako."

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" inis na tugon ko at natigilan siya.

"Oo naman," napapahiyang tugon niya.

"Eh, alam mo ba kung gaanong nakaka-tanga 'yang mga sinasabi mo?" sarkastikong dagdag ko na mas ikinagulat niya. "Randall, 'yung mga sinasabi mo ay walang-kuwenta lahat para sa'kin."

"Pein..."

"Hindi ko alam kung ikaw pa ba 'yung Randall na kilala ko noon, parang hindi na kita makilala ngayon."

"Ako pa rin naman ito, Pein, ako pa rin 'yung Randall na nakilala mo, 'yung Randall na ex-boyfriend mo," sinserong aniya at kumunot naman ang noo ko. "Ako pa rin iyong Randall na minahal mo."

"Kung ganon ay bakit hindi mo matandaang ikaw ang may gusto nito?" inis na talagang tanong ko. "Kasi nakakainis lang na paulit-ulit ka, eh, nag-uumpisa ka na naman. Nasagot ko na ang mga 'yan, inuulit mo na naman."

"Dahil hindi pa nasasagot ang lahat ng tanong sa isip ko at masakit para sa'king tanggapin na parang hirap na hirap kang magpaliwanag sa'kin," parang naiinis din na aniya. "Ugaling ugali mo kasi 'yung--tatanongin ka pero sasagotin mo ng pabalang. Ngingisi ka pa na parang nakakaloko pero hindi ka namang nagsasalita? Hindi ba puwedeng sagotin mo na lang? Para hindi na ako magpaulit-ulit at para malaman ko na rin 'yung totoo nang hindi ka nagagalit," animong nauubusan nang pasensiyang aniya pa. "Ang hirap kasi sa iyo ay masiyado kang matigas, masiyado mong pinaninindigan iyong panlalamig mo, hindi ka rin naman dating ganiyan, 'di ba?"

"May mga bagay kasing dapat ay alam mo na at hindi mo na kailangang itanong pa," inis na tugon ko. "Oh, sige, sabihin na nating tama ka, na ugali ko nga ang sumagot ng pabalang, pero ano ba ang itatanong mo? Kung 'bakit hindi kita ipinaglaban' na naman?" nasusuyang dagdag ko. "Eh, ilang beses ko bang dapat na sagotin iyan? Sa pagkakaalam ko ay nasagot na 'yan nung nakaraan. Ngayon kung may tanong ka pa, sana ay iniisip mo rin muna kung gusto ko bang nagtatanong ka sa'kin ng mga ganiyan?" asik ko at natigilan siya.

"I'm sorry," napapahiyang aniya. "Alam kong nagagalit ka dahil ayaw mo ng tinatanong ka ng paulit-ulit, pero ikaw lang kasi ang makakasagot sa mga tanong ko at wala ng iba. Hindi ako naliliwanagan sa mga sagot mo dahil parati ngang pabalang at dalawa ang ibig sabihin, nahihirapan akong intindihin, Pein," aniya at inis akong nag-iwas ng tingin dahil naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin at aminado akong ugali ko nga iyon. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nandito ka na?"

"Dahil hindi ko naman alam na kailangan mong malaman na nandito na ako, break na tayo, eh. Wala akong makitang dahilan para ipaalam pa sa'yo ang mga kilos ko. Kung nagtaon namang sinabi ko at wala ka ng pakialam, eh, di ako lang ang napahiya?"

"Tayo lang ang nagbreak pero hindi ang pagkakaibigan niyo ni Daddy, Pein, siguro naman ay may karapatan siyang malaman na nandito ka?"

"Hindi ganoon kadali para sa'kin na magpakita uli pagkatapos nung nangyari at pagkalipas ng ilang taon, Randall, iyan ang gusto kong ipaintindi sa'yo."

"Iyan ba talaga ang nararamdaman mo? O ayaw mo lang talagang magpakita sa'kin dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kaya? Dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakamove on sa nangyari sa'tin?" deretsong tanong niya, at namalayan ko na lang ay nakahinto na ang kotse niya. Alam kong nakatingin siya sa'kin ngunit hindi ko siya magawang lingunin, nakakabagabag ang bilis ng tibok ng puso ko. "Kilala kita at hindi mo ugali ang magsinungaling, Pein, maaaring matatakpan ng panlalamig mo ang mga ekspresyon ng mukha mo pero hindi mo ako basta bastang maloloko sa mga sinasabi mo, Pein."

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin sa labas at pilit na nilalabanan ang emosyon kong nagkukumawala mula sa katawan ko. Naramdaman kong humarap siya sa'kin ngunit hindi ako nagpatinag.

"Pein, ang sa'kin lang naman kasi, sana ay nagpakita ka sa'min nung nakabalik ka na, dahil kung ako ang tatanongin mo ay ikatutuwa ko pa ang makita ka. Matutuwa pa ako kapag nakasama uli kita dahil hindi mo alam kung gaano akong nasaktan nung umalis ka," malungkot ang tono na aniya. "Masakit para sa'kin na hindi ka man lang nagtanong kung bakit ko ginawa 'yon nung birthday ko? Hindi ka man lang nagalit sa'kin, hindi ka man lang umiyak, Pein, lahat ng normal at kadalasang reaksiyon ng isang girlfriend sa taong mahal niya at nanakit sa kaniya ay hindi mo ipinakita," nasasaktan talagang aniya habang gumagaralgal pa ang boses.

'Hindi ako handa sa ganitong klase ng usapan, Randall, nakikiusap ako sa'yo, huminto ka na.'

"Alam kong ibang klase ka kung magmahal at kakaiba rin ang paraan mo ng pagpapakita no'n, hindi mo ugali ang maghabol lalo na ang manggulo pero, Pein, 'yung paraan mong iyon ang nakakapanakit sa'kin. Pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat na ipaglaban. Ipinaramdam mo sa'kin na ganon lang ako kadaling iwanan at kalimutan at ang sakit sakin non."

"Kung ano ang sa tingin mong ipinaramdam ko sa'yo ay siya rin mismong nararamdaman ko nung mga oras na 'yon. Nagawa mo ring iparamdam sa'kin na hindi ako karapat-dapat manatili sa buhay mo, na ganoon lang din ako kadaling iwan at saktan at napakasakit din non, Randall," pigil ang luhang tugon ko. "Ang dating sa'kin ng mga sinasabi mo ngayon ay panghuhuli, pakiramdam ko ay ginagawa mo lang iyon dahil sa kagustuhan mong malaman kung hanggang saan ang nararamdaman at kaya kong gawin para sa'yo." inis na tugon ko. "Hindi lahat ng tao ay sasang-ayon sa gusto mong mangyari, Randall, may sarili akong isip at may sarili akong desisyon. Kung ganiyan ang naramdaman mo ro'n sa ginawa ko ay hindi ko na kasalanan iyon."

"Please 'wag kang magalit sa'kin, Pein, gusto ko lang ng ekplanasyon dito."

"Nakakainis lang na ako pa 'yung dapat na mag-explain, hindi ba't dapat ay ikaw ang nag-e-explain sa'kin? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong nangyari ito hindi dahil ginusto ko--kundi ginusto mo? Ang gulo-gulo mo, Randall, please, 'wag mo akong bibigyan ng sagot na magpapalabas na parang ikaw pa ang naagrabyado? Damn it, nakakabadtrip ka na, alam mo ba 'yon?"

"Then stop making me feel that I'm not worth your explanation!" asik niya. "Kaya ako ganito dahil ipinaparamdam mo sa'king hindi ako karapat-dapat sa mga ekplanasyon mo!" aniya at napabuntong-hininga naman ako sa inis. "Kung magpapaliwanag ba ako ay makiking ka? Malamang, hindi." animong siguradong aniya. "Nahihirapan din akong intindihin ka dahil pakiramdam ko ay hindi na ikaw 'yung Maxpein na kilala ko--hindi ganiyan iyong Maxpein Zin del Valle na minahal ko! Malayong malayo siya sa'yo!"

'Naging ganito ako dahil nasaktan ako ng higit pa sa inaasahan ko.'

"Pakiramdam ko ngayon ay ang hirap hirap mong abutin, ang hirap mong kausapin! Para kang bato, Pein, at ang tigas tigas mo," nawawalan ng pag-asang aniya. "Sa t'wing kakausapin kita, pakiramdam ko ay ang tanga tanga ko, ang bobo bobo ko! T'wing kaharap kita, pakiramdam ko ay kailangan kong maging matalino! Lahat na lang ng sinasabi ko sa'yo ay binabara mo! Parang napakahirap para sa'yong kausapin ako ng maayos, Pein, at doon ako nagagalit. Alam kong wala akong karapatang sabihin sa'yo 'to dahil ikaw na 'yan--ganiyan ka na ngayon. Pero ikaw lang ang makakasagot sa tanong ko, Pein. Hindi mo ako maintindihan? Ipapaintindi ko sa'yo ng paulit-ulit. Magtanong ka--sasagotin ko. Pero pakiusap, 'wag naman 'yung ganito," animong nagmamakaawang pakiusap niya pa. "Hindi kasi ako sanay sa ganitong klase ng usapan lalo na at 'yung bagay na pinag-uusapan natin ay 'yung bagay na nakapanakit sa'yo at sa'kin. Sa atin."

Hindi ako nakasagot at naramdaman ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha ko kaya naman kinailangan ko lalong mag-iwas sa kaniya ng tingin. Sigurado akong hindi ko makakayang tingnan ang mukha niya dahil kapag nakita kong nasasaktan siya ay bibigay ako, bagay na pinakaiiwas-iwasan ko.

"Pein, please?" pagmamakaawa niya pa. "Hindi ko hihilinging bumalik ka sa'kin pero pakiusap sagotin mo ang mga tanong ko at sabihin mo sa'kin kung ano ang mga naramdaman mo sa nakaraan natin? Gusto kong malaman ang lahat, Pein, gustong gusto ko," dagdag niya pa at pasimple ko namang pinunasan ang namuong luha sa mga mata ko at muling tumingin sa harapan ng sasakyan. "Gusto kong makapag-usap lang tayo ng maayos at malinaw, sana ay kausapin mo uli ako gaya ng dati, 'yung hindi sarkastiko at hindi malamig ang personalidad, at hindi sumasagot ng pabalang. Please?"

Bagaman nauunawaan ko na ang sinasabi niya at pabor ako r'on ay hindi ko pa rin magawang tingnan siya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya. Napalunok ako at nagsimulang tumingin sa kung saan saan.

"Pein?" muling tawag niya maya maya. "Sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyari sa'yo at kung ano ang naramdaman mo? Bakit hindi ka man lang nagtanong sa'kin kung ano ba ang nangyari? Bakit hindi ka man lang nagalit?"

"Masakit kapag iyong taong sobrang minahal at pinahalagahan mo ay bigla kang iiwan ng walang dahilan," panimula ko habang nakatingin sa salamin ng kotse. "Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, kung anong pagkukulang ko? Kasi maayos tayo bago mo gawin 'yon. Nasaktan ako ng sobra sobra, ni hindi ko inakalang posible pala ang masaktan ng ganoon katindi," pilit ang ngiting dagdag ko. "Inisip ko rin na ganon lang pala kadali para sa'yong hilingin ang palayain kita, binigyan mo ako ng dahilan para isiping balewala lang sa'yo 'yung tagal ng relasyon natin. Ayaw kong masira 'yung party mo kaya hindi ko na plinanong manggulo pa, pero napakasakit ng nararamdaman ko nung mismong oras na 'yon lalo na at nasa harapan ko mismo 'yung pamalit mo."

"Maxpein," usal niya, napakasarap sa pandinig ko ang sambitin niya ang pangalan ko. Kung ako ang masusunod ay gustong gusto ko nang hawakan ang mga pisngi niya ngayon. Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha ko.

"Mas matatanggap ko pa kung sasabihin mo sa'kin na na-in love ka kay Dein, dahil hindi naman ako ganon ka-immature para hindi maintindihan 'yon--maaaring magiging masakit pero mas masakit kasi 'yung ginawa mo. Maaaring magalit ako sa umpisa--normal naman iyon sa tingin ko--pero nasisiguro kong sa huli ay matututunan ko rin iyong tanggapin at maintindihan. Kaysa 'yung ganitong hiniling mong palayain kita at babalik ka para umastang parang ako pa 'yung nagkamali dahil pinagbigyan kita? Sa tingin ko ay kailangan mo nga talagang maging matalino kapag ako ang kausap mo dahil 'yung mga sinasabi mo ay masiyadong nakakabobo."

"I'm sorry," sinserong anas niya at ramdam na ramdam ko iyon. Sa puso't isip ko ay hinihiling kong ang paghingi niya ng tawad ay may kasunod na pagmamakaawang balikan ko siya pero nabigo ako. "Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko, gusto kong malaman iyong side mo. Hindi na tayo nagkita pa kaya nawalan na rin tayo ng pagkakataong makapag-usap matapos nung gabing 'yon. Ilang taon din na naglaro ang mga tanong na 'yan sa isip ko."

"Common sense, Randall, common sense," tugon ko at alam kong nakakainsulto ang dating niyon sa kaniya. "Iniwan mo ako at natural lang na masaktan ako."

"Pero bakit hindi ka nagalit?"

"Kaya nga ganito ako sa'yo ay dahil galit ako."

"Ganiyan ka na ba magalit ngayon? Pein, kilala kita, hindi ka ganiyan magalit."

"Kung aawayin at gagantihan ko kayo ni Dein, Randall, pare-pareho lang tayong masasaktan at mahihirapan. Ipapahiya ko lang din ang sarili ko kung gagawin ko 'yon. Ilang beses ko ng sinabi 'yan sa'yo, Randall, pakiusap, tigilan mo na ang pagpapaulit-ulit sa'kin dahil nauubos na ang pasensiya ko."

"I'm sorry."

"Hindi mo alam kung gaano kong hinihiling ngayon na sana... bawat paumanhin mo ay nakakabawas sa nararamdaman ko," emosyonal na tugon ko at napamaang siya. "Mahal kita, mahal na mahal.." dagdag ko na ikinagulat niya, pakiramdam ko ay nagtindigan ang lahat ng mga balahibo ko nang dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa'kin. "At dahil mahal kita, wala akong magawa kung hindi ang ipaubaya at palayain ka dahil alam kong ayaw mo na. Hindi mo ako iiwan kung gusto mo pang lumaban. 'Wag mong isisi sa personalidad ko ang nangyari sa'tin. Hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ako gusto lalo pa at sinaktan mo na ako--ayaw ko ng saktan pa ang sarili ko."

"Pero ang kadalasang reaksiyon ng mga babae ay--"

"Hindi lahat ay ganon," inis na pigil ko sa kaniya. "Alam kong sa dami ng babaeng pinagdaanan mo ay nagawa mo ng masaulo ang iba't ibang uri ng personalidad nila, pero hindi ako ganon."

"Iba ka sa kanila!" asik niya. "Hindi kita kailanman ikinumpara sa mga babaeng 'yon dahil ibang iba ka sa kanila, Maxpein, kaya 'wag mong sabihin 'yan."

"Hindi lahat ng babae ay gaya ng iniisip mo, hindi lahat ng babae ay maghahabol sa'yo. Iba nga ako, tama ka, kaya iba rin ang ugali ko. 'Wag mo ng ipilit iyang mga paniniwala mo dahil hindi 'yan uubra sa pagkatao ko. Heto na ako, Randall, at ganito na ako ngayon. 'Wag mo akong baguhin nang dahil lang sa iyon ang alam mong normal at common sa mga babae."

"Bakit ganito ang trato mo sa'kin? Bakit kailangang maging malamig ang pakikitungo mo sa'kin? Hanggang ngayon ay nararamdaman kong may galit ka pa rin sa'kin, hindi ba dapat ay nakamove on ka na?" pakiramdam ko ay iniiba niya na ang usapan.

Bumuntong-hininga ako. "Sa paniniwala mo, iyon ang dapat," deretsong tugon ko at natigilan siya. "Hindi ganon 'yon sa paniniwala ko. Mahirap kalimutan ang taong binigyan ka ng napakaraming alaala, Randall, hindi ko minamadali ang sarili ko dahil alam kong darating ang panahon na mawawala rin itong nararamdaman ko."

Napamaang siya. "Sinasabi mo bang mahal mo pa rin ako?" hindi makapaniwalang tanong niya pero hindi agad ako sumagot.

Nag-isip pa muna ako bago magsalita. "Maaaring oo, maaaring hindi. Alam kong may nararamdaman pa ako pero hindi na gaya ng dati. Malayong malayo na sa dati," pangungumbinsi ko at nadinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

'Sana nga ay nanghihinayang ka, mababawasan ang sakit na nararamdaman ko kung iyon ang nararamdaman mo, Randall. Bakit patuloy mo pa rin akong sinasaktan ngayon? Bakit ka ganiyan?'

"Hindi mo ba ako tatanongin kung bakit ko ginawa 'yon? Kung bakit ganon ang naging desisyon ko?"

"'Wag mo na akong tanongin, sabihin mo na lang."

"Gusto mo bang malaman?" seryosong tanong niya at nang lingunin ko siya ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya, bahagya kong ipinagtaka iyon bago pa ako makatango.

"Sabihin mo, makikinig ako."

"Hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon natin n'on," panimula niya at ikinagulat ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha niya. "Wala na akong makitang paraan para maipagtanggol kita. Hindi ka tanggap ng pamilya ko at masakit para sa'kin 'yon."

"Kung nahihirapan ka sa sitwasyong 'yon, sana ay naisip mo rin na mas nahihirapan ko."

"Pein, pamilya natin pareho ay hadlang sa relasyon natin."

"Kaya isinaalang-alang mo ang mararamdaman ko?" tanong ko at doon ko na hindi napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Agad akong naglihis ng tingin at pinahid iyon.

"Dahil iyon lang ang paraan na naisip ko para magkahiwalay tayo ng alam kong ikagagalit mo," aniya at natigilan naman agad ako.

Dahan dahan akong tumingin sa kaniya habang bahagya pang nakaawang ang bibig ko. Gaya ko ay lumuluha na rin siya at masakit para sa'kin ang makita iyon pero mas gusto kong malaman ang katotohanan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Kinausap ako ni Mommy at sinabi niya sa'king aalisin daw ng mga Moon ang mga properties at stocks ng mga Echavez sa SIS kung hindi kita iiwan, bibilhin nila ang mga iyon at tatanggalan nila kami ng karapatan sa mga bagay na pag-aari namin," panimula niya at doon kusang huminto ang mga luha ko. "Napakalakas ng mga Moon, hindi ko maitatanggi iyon. At alam mo kung gaano kaimportante ang SIS sa'min--sa pamilya ko. Alam ko kung paano puwedeng bumagsak ang buhay namin kapag ginawa 'yon ni Maze sa pamilya ko. Marami kaming ari-arian pero mas mapera at makapangyarihan ang mga Moon at alam kong kayang kaya nilang gawin ang lahat ng sinabi nila sa'min."

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Dahil alam kong wala ka rin namang magagawa, Pein, alam mong hindi lingid sa kaalaman ko kung ano ang meron sa inyo ni Maze at kung paano ang turingan ninyo sa isa't isa. 'Wag mo naman sanang masamain pero alam kong wala kang magagawa, si Maze mismo ay ayaw sa'yo para sa'kin, si Maze mismo ay hadlang sa'tin."

"Ganoon ba ako kahina sa isip mo? Sa tingin mo ba ay hindi ako marunong mag-isip ng paraan? God..." bulong ko pa habang kunyaring natatawa. Hindi ko na naman maintindihan ang mga dahilan niya bagaman napakalinaw ng mga iyon. "Hindi ko akalaing may mga ganiyang klaseng dahilan pala? Wala pa rin ba akong karapatang malaman 'yan?"

"Dahil nga alam kong wala na tayong ibang lusot do'n. Pein, it's between you and my family. Nakasalalay ang desisyon ko sa'yo at sa pamilya ko."

"Kaya nang dahil sa pananakot ni Maze ay nagawa mo akong isuko?"

"Hindi rin naging madali para sa'kin 'yun, masakit din 'yon para sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung mga oras na 'yon. Ang ipagpilitan ang relasiyon natin kahit na kuhanin ni Maze lahat ng ari-arian namin?"

"Hindi lang SIS ang pinagkakakitaan niyo."

"Hindi ako ganon kaselfish, Pein," malumanay na aniya at nag-iwas na ako ng tingin. Naiintindihan ko siya pero masakit para sa'kin ang mga dahilan niya. "Kung iniisip kita, mas iniisip ko ang pamilya ko. Pinag-isipan kong maigi 'yan noon kaya alam ko ang dapat kong isagot sa'yo ngayon. Oo, naging makasarili pa rin ako dahil nagdesisyon ako para sa'tin ng ako lang. Nagdesisyon ako mag-isa nang hindi ka man lang sinasabihan o hinihingan ng opinyon. Pero hindi ko kayang saktan ang buong pamilya ko, hindi ko kayang isakripisyo ang pinaghirapan ng pamilya para lang sa sarili kong kaligayahan. Pamilya ko 'yun, Pein, at iisa ka lang."

'Pero hindi pagiging makasarili sa'kin 'yon, pagbibigay ng halaga sa taong mahal ko--'yun ang maitatawag ko ro'n.'

Pakiramdam ko ay hindi sapat ang marinig ko lang ang mga sinabi niya dahil unti-unti iyong bumabaon sa dibdib ko. Naiintindihan ko ang bawat salitang binibitiwan niya pero hindi ko maiwasan ang masaktan. Masiyadong masakit ang katotohanan kahit pa madaling maintindihan. Kung ako man siguro ang nasa sitwasyon niya ay hindi rin ako papayag na ipagpalit ang pamilya ko para sa taong mahal ko pero hindi ako mag-iisip ng ganoon ka-estupidong paraan.

"Alam kong alam mo na mahal kita. Mahal na mahal kita, Maxpein," aniya nang hindi ako makapagsalita. "Pero mahal ko rin ang pamilya ko at ihihingi ko 'yon ng tawad sa'yo kung 'yon ang makakapagpagaan sa kalooban mo. Patawarin mo ako kung hindi ko kaya na makita silang nahihirapan para sa pangsarili kong kagustuhan. Sorry kung hindi ko kayang makita silang naghihirap samantalang ako ay masaya kasama ka. Sorry kung mas pinili kong saktan ka, makita lang silang masaya."

Napapikit na lang ako sa kawalan ng kakayahang maghurumintado sa galit. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon at gusto kong magwala nang dahil doon.

'Buong akala ko ay nakipaghiwalay ka sa'kin nang dahil kay Dein--bukod kay Dein ay wala ng iba, bakit kailangang malaman ko ang mga ito ngayon. Naguguluhan ako. Bakit ngayon lang?'

"Bakit kailangang madamay ni Dein?" tanong ko at natigilan siya. "Kung ganiyan ang dahilan mo, bakit kailangan mo pang manggamit ng ibang tao?"

"Iyon ang mali ko," malungkot na tugon niya. "Iyon ang mali ko dahil ginamit ko si Dein para saktan ka at hindi na muling bumalik sa piling ko."

"That is bullshit, Randall," natatawa kunyaring anas ko.

"Alam ko, at wala na akong magawa dahil nangyari na."

"Alam mo bang mas maiintindihan ko kung sinabi mo sa'kin ang tunay mong dahilan? Hindi mo kailangang gamitin si Dein para lang saktan ako, dalawang tao ang sinaktan mo, Randall," tugon ko, ngunit ako rin ang napaisip sa huli.

'Hindi mahirap mahalin ang isang gaya ni Dein, Maxpein, maaaring mas mahal niya na si Dein ngayon kaysa sa pagmamahal na ibinigay niya sa'yo noon. Hindi rin siya tatagal kay Dein kung hindi niya ito minahal.'

"Tama ka," aniya muli at nilingon ko naman siya. "Natutunan ko lang siyang mahalin dahil siya ang nandoon nung mga oras na hirap na hirap ako. Napakamakasarili ko lang talaga na sa kagustuhan kong makalimutan ka--isinaalang-alang ko ang nararamdaman niya," malungkot na aniya at nag-iwas na ako ng tingin. "At ang nararamdaman ng isa pang tao na malapit din sa puso ko," dagdag niya at doon ako natigilan.

Muli akong napalingon sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Si Dein ang taong mahal ng bestfriend ko," pilit ang ngiting tugon niya at napamaang ako.

'Si Maxwell ang bestfriend niya.'

"You're unbelievable," mahinang sambit ko. Nasisiguro kong si Maxwell ang tinutukoy niya. "Sinasabi mo bang si Maxwell ay may gusto kay Dein?" hindi makapaniwalang tanong ko at marahan naman siyang tumango. "Nice.." natatawa na lang kunyaring bulong ko.

"Everything was planned, Pein," pilit ang ngiting aniya tsaka tinanaw ang madilim na kalsada. "I planned everything. Everything." bulong niya pa. "Alam kong may gusto si Dein kay Maxwell pero alam ko rin na ako ang gusto niya, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magpacute sa'kin sa t'wing nakaduty kami pareho sa ospital. Hindi nagkaroon ng tiyansa si Maxwell na makilala siya dahil magkaiba sila ng schedule ng duty sa BIS, parati pang nakikipagpalit si Maxwell--hindi lang siya pinapayagan, alphabetically arranged ang schedule namin--"

"Hindi ako interesado, 'wag ka ng magkwento," pigil ko sa kaniya habang nasa malayo ang tingin. Napakamanhid niya para magkwento pa gayong nasasaktan ako hanggang ngayon.

"Sorry," napapahiyang aniya. "Kailangan kong isuko ang lahat dahil pinuntirya ako ni Maze sa mismong kahinaan ko at iyon ang pamilya ko. Ang totoo, pinili ko rin si Dein dahil alam kong magiging dahilan din siya para magalit sa'kin si Maxwell, alam kong magagalit siya ng todo sa'kin at lalayo. Kilala ko si Maxwell, kapag gusto niya ang isang tao ay gusto niya talaga--kapag mahal niya ay mahal niya talaga. Parang ikaw," aniya na nagbigay pa ng isang matamis na ngiti nang lingunin ko siya. "Pero pareho rin kayong kapag nasaktan--lahat ay kayang kalimutan," doon tumulo ang ilang patak ng luha mula sa mga mata niya dahilan upang mangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Hindi rin naging madali lahat ng ginawa ko, Pein, sana maintindihan mo. Halos mabaliw ako no'n kaiisip ng paraan para hindi kita masaktan ng todo pero wala, eh, wala akong nakitang paraan. At iyon lang ang nagawa ko para kamuhian mo ako at hindi mo maramdaman ang sakit na naramdaman ko."

'Damn it.'

Hindi ako nakapagsalita. Agad kong iniiwas ang paningin ko at tumingin sa labas ng bintana. Nararamdaman ko na rin ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko at hindi ko kayang makita ang sakit sa kabuuan ng mukha niya. Bawat salitang binibitiwan niya ay tumutusok sa katauhan ko.

Nararamdaman ko ang galit. Pinahihirapan ako ng sakit. Para akong pinaglalaruan ng mundo.

'Sa murang edad ko, hindi ko akalaing posible akong makaramdam at makaranas ng ganito, requirement ba ito para mabuhay ako? Bakit?'

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo," aniya pa ngunit hindi na ako lumingon.

Nangibabaw ang awa sa dibdib ko para sa kaniya. Buong akala ko ay wala siyang ginawa kung hindi ang lokohin ako. Hindi kailanman nawala sa isip ko ang paniniwalang isa siyang manloloko.

"Sorry, Pein, hindi ko kayang makitang nahihirapan at nasasaktan kang tulad ko. Sorry kung mas pinili kong saktan ka sa paraang alam ko at hindi sa paraang dapat. I'm so sorry," tuloy tuloy pang aniya.

Nilingon ko siya at matamang pinagmasdan ang mukha niya dahilan upang tingalain niya rin ako. Alam kong nakikita niya sa mga mata ko ang awa na nararamdaman ko para sa kaniya. Batid ko ring nararamdaman niya ang sakit na pilit kong itinatago sa kaniya.

"I'm sorry." Mahinang sambit ko.

Naglaan ako ng lakas ng loob upang mahawakan ang pisngi niya at doon nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Muli kong naramdaman ang masarap na pakiramdam sa t'wing hahawakan ko ang malambot niyang pisngi. Ang mga pisngi niyang hindi ko kayang makitang may patak ng luha noon ngunit naging daluyan ng mga luha ngayon.

"I'm sorry for making you feel alone," gumagaralgal ang boses na sambit ko. "You should've told me."

Hindi siya sumagot, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako payakap sa kaniya.

Napakasarap ng pakiramdam.

Parang batang umiyak siya sa balikat ko at ngayon ay hindi ko na alam ang mga bagay na dapat kong sabihin para mapatahan siya. Ngayon ay hindi ko na alam ang mga dapat kong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman niya. Dahil ang alam ko lang ay pareho kaming nasasaktan at hindi namin magawan iyon ng paraan para mawala ang sakit. Pakiramdam ko ay pareho kaming pinaglaruan, pareho kaming pinaikot at ang sakit sakit niyon.

DEIB'S POV

'Nakakayamot! Bakit kasi kailangang doon pa sumabay kung puwede namang dito na lang? Kung ayaw niya akong katabi ay puwede rin namang ako na lang ang magdrive. Paggitnaan nila si Mommy kung ayaw niyang makatabi si Noona!'

Hanggang ngayon ay naiinis ako dahil mas pinili ni Taguro ang sumabay kay Randall, hindi ko maiwasan ang magalit.

'Tutal ay sanay na sanay naman siyang walang kibo, eh, di manahimik na lang siya sa isang tabi hanggang sa makauwi kami! Tsk! TAGURO! Ang tanga tanga mo talaga kahit kailan! Linoko ka na nga ng taong 'yan ay siya pa rin ang pinili mong makasama! Peste!'

"Hindi ko alam na close pala sina Randall at Maxi?" maya maya'y tanong ni Daddy, sinulyapan niya ako mula sa rear mirror. Tiningnan ko naman muna si Noona pero salubong ang mga kilay niya.

"Dating estudyante ng SIS si Max, Dad," tugon ko.

"I see, pero College si Randall at high school si Maxi? Naging close pa rin sila?"

"Bestfriend ni Randall ang Kuya niya, pareho rin silang naglalaro ng biliards," sabad ni Noona, para akong nakahinga ng maluwang nang dahil doon.

"Oh? Madalang sa babae ang naglalaro ng bilyar, that's cool."

"Varsity namin siya, Dad," sabad ko.

"Really? That's nice, dalawa na pala kayong panonoorin namin ng Mommy mo sa sportsfest kung ganoon."

"Bakit kailangang pati siya ay panoorin ninyo?" asik ko.

"Dahil kilala rin naman namin siya, at saka, ngayon lang namin siya mapapanood. Wala namang masama roon, anak."

"'Wag niyo na siyang panoorin dahil wala naman siyang kuwentang tao."

"Don't say that, Deib Lohr," saway niya sa'kin at napanguso naman ako. "Saan mo nakukuha ang ganiyang mga salita? Tsk tsk."

"Bad!" tudyo sa'kin ni Mommy. "Sana maging MVP ka uli, baby! Hihihihi!"

"Tch! Of course, Mom, 'yun talaga ang goal ko. Nabuhay ang isang Deib Lohr Enrile para maging MVO, Mommy. Hehehe!"

"Don't get me wrong, baby, pero sino na lang ang inspiration mo ngayon niyan?" malungkot na tanong ni Mommy. "Wala na si Kim."

"Why do you always have to open it up, Mom?" inis na tanong ko.

"Omo! Sorry, baby, naisip ko lang, hihihi! Peace!"

"Hindi nabanggit ng Chairman ang tungkol sa gusto mong kurso sa kolehiyo, Deib Lohr, may naisip ka na ba ngayon?" seryosong tanong ni Daddy. "What do you want to take up?"

Natigilan ako at napalunok. 'Hindi ko puwedeng sabihin ngayon na Engineering ang gusto ko dahil nandito pa si Chairman, kapag nakarating sa kaniya ay baka hindi na niya ako patungtungin ng College at ipatapon na lang ako sa ibang bansa.'

"Hindi pa po ako nakakapag-isip, Dad," pagsisinungaling ko.

"Ha? Eh, anong petsa na, ah?"

"Sweetheart naman, huwag mong i-pressure ang baby natin, besides, next year pa naman ang graduation," paglalambing sa kaniya ni Mommy upang 'wag itong magalit sa'kin.

"Lacey, hindi puwede ang ganiyan ng ganiyan lalo na at nandito si Chairman ngayon. Ano na lamang ang isasagot niya kapag ito mismo ang magtanong sa kaniya? Hindi natin puwedeng pagtakpan parati ang anak nating iyan," may bahid ng pangangaral sa tono niya. "Son, as soon as possible ay kailangan mo nang makapagdesisyon. Para habang maaga ay makapaghanda ka na, hindi ganoon kadali mag-adjust kapag nasa kolehiyo ka na."

"Yes, Dad," napapahiyang tugon ko.

"I've been telling you about this matagal na pero matigas ang ulo mo, Deib, bahala ka sa buhay mo ngayon," mataray na sabad ni Noona. "Alam kong naprepressure ka pero sana maintindihan mong para rin sa'yo ito. Hindi para kahit na kanino kung hindi para sa'yo lang."

"Baby, 'di ba sinabi ko naman sa'yo na sabihin mo lang kung ano ang course na gusto mo?" tanong ni Mom.

"Alam ko naman kasing Medicine ang gusto ni Chairman para sa'kin," nakangusong tugon ko.

"Nagtake ka ng proficiency exam, 'di ba?" mataray pa ring tanong ni Noona at nakanguso naman akong tumango. "Wala pa rin ba ang resulta?"umiling ako. "Kapag lumabas ang results, kung saan ka mataas ay iyon ang isagot mo kay Chairman. Kapag kinuwestiyon ka kung bakit iyon ang course na kukuhanin mo, sabihin mong doon ka kasi mataas. At least sa paraang 'yon ay hindi ka magsisinungaling sa kaniya at masasabi mo ang totoo. Sa tingin ko naman ay alam ko kung saang linya ka mataas sa exam na 'yon."

Bagaman mataray ang paraan ng pakikipag-usap niya ay hindi ko naiwasan ang mangiti.

"Ang tali-talino mo, Noona! Bukod sa maganda ka ay matalino ka. Totoo!" papuri ko pa. "Sige, hehehe! Iyan mismo ang sasabihin ko kay Chairman!"

"Psh! Siguraduhin mo munang may naipasa ka sa mga courses na covered doon sa exam!"

"Ibig mong sabihin ay puwede pa rin akong bumagsak sa lahat?"

"Oo naman. At kung may naipasa ka naman at hindi mo gusto, puwede mo pa ring kunin anumang kursong gusto mo. Nag-aral ka naman, 'di ba? Wala kang dapat na ipag-alala," aniya pero hindi ko talaga maiwasan. Muling pumasok sa isip ko si Taguro nung mga oras na tinuruan niya ako.

'Tama siya, lahat ng 'yun ay alam ko na kaya hindi ako dapat matakot. Walang nakasulat doon na hindi ko alam at ang gagawin ko na lang ay mag-isip. Tama, Deib, hindi ka dapat kabahan. Tama si Taguro at tama ka. Oo, lahat ay tama! Hehehe!'

"Oo naman!" mayabang na sagot ko. "Nag-aral ako."

"Eh, di 'wag kang umasta na parang natatakot ka na naman."

"Tch! Sinong natatakot?" nakangusong tanong ko pero siniringan niya na lang ako.

"Don't worry, baby, kahit na anong mangyari ay nandito lang kami ng Daddy mo at susuportahan ka namin," ani Mommy kaya napangiti ako.

"I know, Mom, thanks." tugon ko tsaka ngumisi. "Mukhang mananatili kayo ng matagal ngayon dito, ah?" baling ko kay Dad.

"Mm, walang eksaktong petsa ang alis namin. Baka biglaan na naman gaya nung huli pero pagbalik naman namin ay magtatagal na kami rito," si Mommy ang sumagot, hindi ko naitago ang tuwa ko. Napahawak pa ako sa kinauupuan niya at ngumiti roon ng todo. "May balak ang Chairman na magtayo ng isang maliit na clinic para sa Ate mo at doon ay mamimigay tayo ng libreng gamot. Kami ng Daddy mo, siyempre, ang mamahala noon."

"At kapag nangyari 'yon ay mananatili na talaga kami rito," sabad ni Dad kaya lalo akong natuwa.

'Ngayon ay ayos na sa'kin kahit umalis sila bukas, hahaha! Alam ko namang pagbalik nila ay dito na sila, hehehe! For good! Yeah!'

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang mapansin kong wala na ang sasakyan ni Randall sa likuran namin, gulat akong napatitig sa daan pero wala talaga dahil kung meron man ay paniguradong may ilaw roon pero wala.

'Nasaan sila?'

"Mom?" tawag ko. "Sila Randall at Taguro ay nawala sa likuran natin--nasaan na sila?" gulat na tanong ko, tulad ko ay dumungaw rin sa likuran si Noona at nagulat din ito, maaaring hindi rin napansing wala na ang mga iyon.

"Hindi ko na napansin, eh," ani Dad na tumingin sa rear mirror. "Nag-uusap usap kasi tayo,"

"Dad, please stop the car," pakiusap ni Noona at agad na sumunod si Daddy, ngunit pare-pareho kaming nagulat nang lumabas bigla si Noona mula sa kotse.

"Dein Leigh, hija, gabi na! Pumasok ka na rito," pakiusap ni Mommy sa kaniya ngunit hindi ito natinag.

Ikinabigla pa namin ang biglaang pagtawid ni Noona papunta sa kabilang kalsada at doon tinanaw ang daan na pinagmulan namin. Dali dali akong lumabas upang humabol sa kaniya. Nagdadial na siya sa cellphone niya nang makalapit ako.

"Come on, Randall, answer the damn phone!" dinig ko pang singhal niya habang pinapakinggan ang linya.

"Noona..." tawag ko sa kaniya ngunit hindi man lang ako nagawang lingunin nito at nag-ulit lang ng pagdial sa cellphone niya. "Bumalik na tayo, malamig na."

"Please answer the phone, please, please, please..." mahinang sabi niya pa rin tsaka muling nagdial doon. "Answer the phone, please!"

"Noona, bumalik na tayo sa kotse, puwede mo siyang tawagan habang nasa loob tayo. Madilim dito."

"What the hell happened to them?" nag-aalalang bulalas niya habang nasa cellphone pa rin ang atensiyon. "Bakit ba kasi hindi man lang magtext kung nasaan na sila! Baka nasiraan sila, damn it!"

"Deib Lohr! Dein Leigh! Get back here!" dinig naming sigaw ni Dad, mahihimigan ang galit sa tono nito.

"Dein, hija, it's late already, we'll call him later!" sigaw rin ni Mom.

"Get in the car, Deib," makapangyarihang utos sa'kin ni Noona. "Please answer the phone, honey."

"Noona, hindi tayo safe rito, tara na sa kotse," pakiusap ko pero hindi siya natinag. "Noona!" inis nang sigaw ko.

"Ano ba?"

"Sinabi nang hindi safe rito, hindi mo ba naiintindihan 'yon? Nakita mo nang walang tao rito, oh! Sa kotse natin siya kontakin! Mas pinili mo pa talagang pag-alalahin ang magulang mo matawagan mo lang iyang manlolokong Randall na 'yan--"

~PAAAK!~

Natigil ang pananalita ko nang maramdaman ko ang malakas niyang sampal. Malamang ay hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon sa'kin at iyon ang magiging sagot niya sa sinasabi ko.

"Dein Leigh! Deib Lohr!" dinig kong sigaw ni Daddy pero hindi ko siya nagawang lingunin.

Hindi ako nakakilos agad at nararamdaman ko pa rin ang kamay ni Noona sa mukha ko. Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan at ultimong ang paglapit ni Dad.

"Dein Leigh! Ano ba ang nangyayari?" bulalas ni Dad nang tuluyang makalapit. "Bakit mo sinampal ang kapatid mo?" asik niya.

Hindi agad nakasagot si Noona, halatang nagulat din siya sa ginawa niya kaya ang mga titig niya sa'kin ay humihingi nang paumanhin. Hindi ko pa rin magawang alisin sa kaniya ang tingin ko.

"I'm sorry, Deib," anas ni Noona pero hindi ko na hinayaang magsalita pa uli siya, tinalikuran ko siya at saka ako inis na naglakad pabalik sa sasakyan.

"What happened, baby?" nag-aalalang bungad ni Mommy pero hindi na ako sumagot. "Are you okay? Let me see?" aniya na hinaplos pa ang mukha ko pero umilag ako.

Nakaramdam ako ng matinding inis, hindi ko inaasahan na magagawa niya akong sampalin sa kabila ng pag-aalala ko sa kaniya.

"Deib, I'm sorry," ani Noona nang makabalik sila ng sasakyan pero hindi ko na siya sinagot pa.

'Tch, dahil kay Randall ay kung anu-anong nagagawa niya. Mukhang tanga.'

Tahimik na naming binaybay ang daan hanggang sa makauwi kami. Pagkarating sa bahay ay hindi na ako nakipag-usap pa sa kanila at walang paalam na dumeretso na lang ako sa kuwarto. Sandaling namahinga at saka nagshower.

'Kailangan niya ba akong sampalin dahil sa sinabi ko? Totoo namang manloloko 'yun at babaero! Talagang lamang si Randall sa'kin? Nag-aalala rin naman ako, ah? Anong akala niya sa'kin?'

Agad akong nahiga sa kama ko matapos magbihis at doon nagmuni-muni.

'Tch! Saan ba kasi nagpunta ang dalawang 'yon?'

"Puwede niya naman akong sigawan na lang kaysa 'yung may pasampal sampal pa siyang nalalaman. Tch! Nakakainis! Ang sakit nun, ah!" asik ko ngunit natinag ako sa dalawang magkasunod na katok sa pinto ko. Ngumuso ako at tinanaw iyon. "Pasok!"

"Deib..." naiilang na ani Noona pagkabukas niya ng pinto. Agad kong iniiwas ang tingin ko ngunit nakikita ko pa ring papalapit siya sa'kin. "Deib, I'm sorry, nabigla ako. Hindi ko sinasadya, dongsaeng."

'Dongsaeng mo mukha mo--sinasabi mo lang 'yan kapag may kailangan ka! Tch!'

Hindi ko siya sinagot at tumitig ako sa kung saan.

"Deib," malumanay niya pang tawag. "I said, I'm sorry, nag-aalala lang naman kasi ako, eh. Nag-aalala ako kila Randall dahil hindi siya sumasagot sa tawag ko, sorry na, please? Hindi ko naman talaga sinasadya, eh, nabigla ako." aniya ngunit hindi pa rin ako sumagot. "Nakakainis naman kasi itong si Randall, eh! Bigla na lang silang nawala tapos ngayong tinatawagan ay hindi man lang sumagot! Sorry na, Deib, please?"

'Andwae!'

"Oh, sige, s-sampalin mo rin ako, oh?" aniya na inilapit pa ang kaliwang pisngi niya sa mukha ko ngunit hindi ko 'yung tiningnan. "Deib, kausapin mo naman ako, please? Sorry na talaga," ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. Nadinig kong bumuntong-hininga siya. "Sana ay 'wag magtagal 'yung galit mo sa'kin, sorry talaga, hindi ko sinasadya at nabigla lang ako. 'Wag kang magagalit ng matagal, ha? Babalik ako kapag okay ka na, Deib, I'm sorry. I love you,"malambing pang aniya ngunit nagmatigas ako hanggang sa tumayo siya at maglakad papalabas ng kuwarto.

'Tch! Ang lakas nung sampal niya tapos sorry? Anong akala niya sa'kin? Babae? Ha! Kapatid niya ako! Badtrip!'

"Tch, hindi sinasadya? Nabigla? Eh, kung bigla ko ring tadyakan si Randall?" inis na bulong ko. "Pesteng 'yon, isinama pa si Taguro? Wow!"nakanguso pang dagdag ko habang masamang masama ang tingin sa pinto. Natinag na lang ako nang magvibrate ang cellphone ko, si Tob ang tumatawag. "Tch, mangungulit na naman 'to, panigurado." bulong ko pa tsaka pinindot ang answer key. "Ano!?"

"Hala! Galit pa rin? Mukhang sinabon ka ng todo, ah?" natatawang pang-aasar niya, inaasahan ko na 'yon kaya hindi na ako masiyadong nainis. "Sshhk! Alam na!"

"Ano na naman ba 'yon? Wala ako sa mood, okay?"

"Sinabon ka, 'no? Hahaha! Anong sabi sa'yo? I-kuwento mo, dre, pakikinggan kita, hahaha!"

"Hindi, ah! Ni hindi man lang nga ako hinilamusan, eh. Tch!"

"Oh? Eh, di maganda? Oh, bakit nagkakaganiyan ka? Hahahaha!"

"Dahil ang daming hindi inaasahang nangyari! Alam mo bang nandoon din sila Mokz? Paniguradong imbitado ni Chairman ang mga 'yon. Ang nakakainis pa r'on, nagkainitan sina Noona at Maxwell!" kuwento ko tsaka itinuloy ang buong nangyari kanina.

"Grabe, matatalino talaga ang mga del Valle, dre." namamanghang aniya nang marinig ang buong kuwento.

"Tch! Natutunan lang nila 'yun! Kung aaralin ko rin 'yun ay paniguradong matutunan ko rin lahat ng pinagsasasabi nila."

"Eh, bakit nagagalit ka? Hindi naman pala ikaw ang sinabon doon, hahaha!"

"Tch, si Randall, nandoon din."

"Oh? Kaya pala, awkward, dre!" pagdidiin niya pa. "Randall versus Maxwell versus Dein, hanep! Love triangle! Sino pa?" tanong niya at natigilan ako, sinadya kong hindi banggitin sa kaniya si Taguro dahil paniguradong mang-aasar siya kapag sinabi kong nagandahan ako kay Taguro kanina. "Nandoon din si Maxrill na papogi, malamang? Hahaha! Lolo's boy, eh! Hahaha!"

'Paniguradong si Taguro ang sunod na itatanong niya, nakakainis!'

"Oo," tipid na tugon ko.

"Eh, si Max?"

'Tsk! Kailangan ko tuloy i-kuwento sa kaniya lahat, napakadaldal pa naman nito. Siyempre, hindi mawawala ang pang-aasar niya, malamang!'

"Nandoon din," nakangiwing tugon ko tsaka umayos sa pagkakahiga ko, napapikit ako at agad kong nakita ang napakagandang imahen ni Taguro.

'Ang ganda niya. A-Anong maganda--hindi maganda! Hindi maganda! 'Yung damit niya ang maganda at hindi siya!'

"Talaga? Eh, di magkasama na naman pala kayo kanina? Naaaay! Anak ng putsa, dre, parang namanhikan lang, ah?"

"Anong namanhikan? Loko!" asik ko. "Hindi ko nga alam na darating 'yung mga 'yun. Tch! Ang akala ko ay kami kami lang ng pamilya ko, dumating lang sila. 'Yung Mokz na 'yun ay walang ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa. Nakakainis!"

"Naaaay! Kunyari pa 'to, eh! Pormalan ba ang datingan niyo kanina, dre?" tanong niya at ungol naman ang itinugon ko. "Eh, di nakadress-to-kill si Taguro, dre? Naks!"

"Mm," nag-aalinlangang tugon ko.

"Naaaay!" pang-aasar agad niya kaya napangiwi ako sa inis, napakalakas niyang mang-alaska. "Sana nagpicture kayo ng magkasama, dre!"

"Ulol! Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Hahaha! Para may titingnan ka sa gabi, siyempre!"

"Hoy! 'Wag mo nga akong inaasar ng ganiyan dahil wala ako sa mood! Hindi ako nagandahan sa suot niya, okay?" utal pang pagsisinungaling ko.

"Ah, talaga? Bakit naman? Hindi ba pasok sa panlasa ng bading na Deib Lohr? Hahaha!"

"Tch! Basta, h-hindi b-bagay sa kaniya. Ang ganda nung dress, ang pangit niya. Hahaha!"

"Hahahaha! Ang sama nito! Eh, bakit nauutal ka? Naaaay!" pang-aasar na naman niya at napangiwi na naman ako sa inis. "Kapag nauutal ang Deib Lohr, tokis 'yan! 'Wag kang tokis, dre, nagandahan ka siguro kay Taguro, 'no?" naghahamon pang aniya. "Umamin ka sa'kin, ulol!"

"Hindi nga!" inis na sigaw ko at saka huminga ng malalim. "Nabadtrip yata sa'kin si Maxwell, dre," pag-iiba ko ng usapan at dahil tsismoso nga siya ay nabaling agad doon ang atensiyon niya kaya ang tungkol sa nangyari naman sa pagitan namin ni Maxwell ang ikinuwento ko sa kaniya. "Magkapatid nga sila ni Taguro, pareho silang mayabang. Tch!"

"Putsa, bawas pogi points 'yan sa mga del Valle, dre!"

"Wala akong pakialam, dre," tugon ko tsaka inis na bumuntong-hininga. "Nilayasan ako ni Maxwell kaya naiwan niya ang pabidang si Taguro, 'ayun, walang kasama ang hambog pauwi."

"Ah, talaga? Eh, di sana ay isinabay mo?"

"Iyon na nga ang nakakainis, eh! Hindi siya sumabay sa'min! Mas pinili niya pang sumabay r'on sa buwisit na ex-boyfriend niya kaysa sa'min! Ilang beses ko na siyang niyaya pero mas pinili niya pa rin sumama r'on! At ang mas nakakainis pa, sa kalagitnaan ng biyahe ay biglang nawala 'yung kotse ni Randall na kasunod lang namin!" galit talagang kuwento ko at mataman naman siyang nakinig hanggang sa maikuwento ko ultimong ang pananampal ni Noona sa'kin. "Masakit 'yung sampal niya, eh! Tapos babanatan niya ng napakaraming sorry? Tch! Nag-alala rin naman ako lalo pa at nandoon si Taguro!" wala sa sariling nasambit ko. "Ang sa'kin lang naman, si Chairman ang nag-imbita sa kanila kaya kung meron mang puwedeng maghatid kay Taguro ay ako'yun! 'Di ba, dre? Kaso 'yong hambog na 'yon--pinilit ko na't lahat, sumabay pa rin kay Randall at ngayon ay hindi ko malaman kung nasaan ba sila! Pagkatapos nung ginawa sa kaniya ni Randall, sinabayan niya pa? Tanga ba siya? Oo, tanga siya!"

"Grabe, dre, sa totoo lang, sa tingin ko ay may gusto ka na kay Taguro!" dere-deretsong aniya dahilan upang hindi ako magkaroon ng pagkakataong pumalag!

"Ulol!" gulat na angil ko. "'Wag ka ngang magbiro ng ganiyan, hindi nakakatuwa!"

"Hahaha. Bahala ka sa buhay mo, pero ikaw rin mismo ang nagbibigay ng dahilan sa'kin para mahalata kita, hahaha! Tuleg!" aniya at natigilan naman ako, nakangusong nag-isip pero hindi ko siya maintindihan. "Sshhk, alam mo, dre, 'yung inis mo kay Taguro sa tingin ko ay hindi na dahil sa galit mo sa kaniya noon, eh. Sa tingin ko ay naiinis ka na sa kaniya ngayon dahil sa selos. Nagseselos ka na sa ginagawa niya sa ibang tao!"

"Ano? Nasisira na ba ang ulo mo? Saan mo nakukuha 'yang mga sinasabi mo? Tch!"

"Dati rati ay wala kang pakialam kung ano ang gawin ni Taguro, eh, bakit ka naiinis ka ngayon dahil sumabay siya kay Randall?"

"Dahil nga tanga siya, ginago na siya nung taong 'yon--d'on pa siya sumama kung puwede namang sa'kin na lang!"

"'Kita mo na? Galit ka pa! Hahaha! Pagseselos na 'yan, dre, 'wag mong isisi sa katangahan nung tao! Psh! Kung noon nangyari ang sitwasyon niyo kanina, paniguradong ipagtatabuyan mo pa si Taguro na sumabay kay Randall, pero ang Deib ngayon? Tsk tsk. Wala na, dre, wala na! In love ka na, dre!"

Napanguso ako dahil hindi ko makuha ang sinasabi niya. "Siraulo ka, eh, 'no? Gumagawa ka ng sarili mong istorya, ulol! Hindi na kami tulad noon ni Taguro, hindi na kami nag-aaway gaya ng dati kaya ako ganito sa kaniya. Anong in love ang sinasabi mo? Paano akong mai-in love sa itsura niya? Eh, kanina ko lang naman siya nakitang maganda!"

"Naaaay!" mas malakas na tudyo niya at natigilan ako, pakiramdam ko ay lumaki ang mga butas ng ilong ko. "Sinabi ko na nga ba, eh! Maganda si Taguro kanina, 'no? Huli ka!"

"M-May sinabi ba akong ganon? Tch!"

"Kaya pala nakamove on ka agad kay Kim, dahil meron nang bago. Kasi nandiyan na si Taguro! Meron nang Maxpein na kahit hindi mo pa siguradong mahal mo ay naaagaw na ang atensiyon mo! Ang atensiyon mong noon ay na kay Kim lang! Bwahahahaha! Naaaay! Uuuy!"

"A-Anak ng, hoy, Hapon! Manahimik ka sabi, eh!"

"Alam mo kasi, dre, dalawa lang 'yan, eh!"

"Ulol! Tigilan mo na ako sa dala-dalawa mong 'yan, laos na sa'kin 'yan!"

"Pero aminin mo, epektibo, 'di ba? Hahaha! Kaya kong tatlohin 'yan, dre, depende sa mga bading na kilos mo, bwahahaha!" pang-aasar niya at wala akong ibang nagawa kung hindi ang mayamot. "Sshhk, dalawa lang 'yan, eh. It's either nai-in love ka na kay Taguro o..." pambibitin niya pa.

Kinabahan naman ako ng sobra. "O ano?"

"O nai-in love ka na kay Randall!"

"Ulol! Gago!" sigaw ko sa kaniya.

"Bwahahahahaha!" napakalas na tawa ang iginanti niya. "Ano? Tatanggi ka pa, dre? Hahaha! Baka gusto mong ma-haduken kita ng malupit? Sa'kin ka pa nagsinungaling? Hahahaha! Umamin ka na lang, walang aaresto sa'yo rito!"

"Wala nga! Wala akong gusto kay Taguro!"

"Sinabi ko naman sa'yo, dre, noon pa lang ay tigilan mo na, oh, anong napala mo? Nahulog ka!"

"Eh, bakit ba ang kulit mo? 'Wag mong ipilit at 'wag kang mas marunong sa'kin dahil hindi ako magkakagusto r'on kahit kailan!"

"Oh, come on, Deib Lohr Enrile, dalawa lang ang pagpipilian mo. Bumenta na 'yung unang sinabi ko sa'yo kaya alam kong mas bebenta 'to. Taguro o Randall? Hahaha!"

"Shut up! I'll see you tomorrow! Bye!" dere-deretsong tugon ko tsaka ibinaba ang linya. Gulat at kabado akong napatingin sa screen ng cellphone ko. "Sira-ulong 'yon, ano ba ang sinasabi niya? Lasing ba siya?" inosente pang tanong ko.

Agad kong pinalis ang mga napag-usapan namin sa isip ko, lalo na ang mga pang-aasar niya, at saka nakabaluktot na tumagilid ng pagkakahiga. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko habang nakakunot ang noo ko at madiin ang pagkakayakap sa paborito kong unan.

'Wala akong iisipin na kahit na ano, matutulog na ako.'

Pero ilang minuto pa ang nakalipas ay nararamdaman ko pa rin ang paggalaw ng eyeballs ko.

'PESTE KA TALAGA, YANAI!'

"Peste! Peste!" mahinang sigaw ko. Inis akong bumalikwas papunta sa kabilang tagiliran ko, paharap sa veranda. "Badtrip!" naimulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kisame. "Imposible 'yung sinasabing 'yon ni Tob! Imposible naman talaga 'yun, 'di ba? Tch!" pangungumbinsi ko pa sa sarili ko pero aminado akong kinakabahan ako ngayon.

'Kaya pala nakamove on ka agad kay Kim, dahil meron nang bago. Kasi nandiyan na si Taguro! Meron nang Maxpein na kahit hindi mo pa siguradong mahal mo ay naaagaw na ang atensiyon mo! Ang atensiyon mong noon ay na kay Kim lang! Bwahahahaha! Naaaay! Uuuy!' muling nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang linyang iyan na sinabi ni Tob sa'kin! Inis akong napapikit at pahampas na tinakpan ng unan ang mukha ko.

"Argh! Badtrip ka, Yanai!" bulalas ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip dahil sa mga pang-aasar at sinabi niya.

'Bakit nga ba hindi na ako nasasaktan matapos nung sa'min ni Kim? Ibig kong sabihin, oo, walang kami at hindi naging kami pero may nararamdaman ako sa kaniya, 'di ba? Gusto ko siya at siguradong sigurado akong gusto ko siya! Pero b-bakit hindi na ako nasasaktan? Ganon ba kabilis dapat mawala 'yon?'

"Ah, malamang, dahil natakot ako kay Chairman kanina," mahinang sagot ko sa sarili kong naisip.

'Eh, ano ang kinalaman ni Chairman sa pinagdaanan niyo ni Kim?'

"Tch! Kinabahan ako dahil nalaman kong may dinner kami kasama ang Chairman, hindi na nawala 'yung kaba na 'yon hanggang ngayon. Kung walang dinner kasama siya, paniguradong magdamag akong nagmumukmok dahil sa nangyari sa'min ni Kim. Kasalanan ni Chairman, siya ang hindrance," pangungumbinsi ko pa sa sarili ko. "Oo, Deib, tama."

'Eh, nung mga nakaraan? Bakit hindi ka nagmukmok nung mga nakaraan?'

Sandali pa akong napaisip kung anong isasagot ko sa sarili ko. "Eh, naging busy kasi ako, 'di ba?"

'Tch! Naging busy kaiisip kung paano ka naihatid ni Taguro!'

Nanlaki ang mga mata ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Tch! Oh, sige, sabihin na nating ganoon nga pero hindi pa rin ibig sabihin no'n ay may gusto na ako sa kaniya, 'di ba? Tch! Abnormal siya at hindi ko gusto ang ugali niya, hindi siya maganda at ang baduy niyang pumorma--maliban kanina, siyempre. Kaya hindi ako magkakagusto sa kaniya! Imposible!"

'Kaya pala hindi mawala sa isip mo 'yung hitsura niya mula pa kanina!'

"A-Anak ng.. kanina ka pa kontra ng kontra, ah!" inis na sigaw ko ngunit agad din akong natauhan. Napahawak ako sa ulo ko at ang laki laki ng pagkakabuka ng mga mata ko. "Putsa, nababaliw na yata ako!" bahagya akong kinabahan sa sarili kong iniaasta. "Badtrip!"

Pilit ko pa ring pinalis ang mga isiping 'yon at nagtalukbong ng kumot tsaka pinilit matulog. Nakapikit ako at relaxed na ang buong katawan ko ngunit dinig na dinig ko ang tunog ng wall clock ko. Inis akong inalis ang kumot at kinuha ang cellphone ko.

'Alas-dos na? Tch! Nakauwi na kaya siya? Tsk! Paano ko ba kasi malalaman kung nakauwi na siya? Hindi ko puwedeng tanongin si Noona dahil ayaw ko siyang kausapin! Peste! Bakit kasi kailangang sumabay ka pa sa kaniya kung puwede namang sa'kin na lang, Taguro! Hindi naman porket isasabay kita ay gusto na kita! Puwede namang dahil gusto lang kitang isabay! Nakakabadtrip na, lahat na lang ay iba ang iniisip kapag ikaw ang binabanggit ko! Marurumi ang isip nila at mga wala silang taste!'

Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga pero hindi talaga ako makatulog, nag-isip isip ako pero panay ang kontra ng isip ko sa mga sinasabi ko. Kaya naman nagdesisyon akong bumaba para uminom ng gatas. Ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ay natanaw ko na ang bukas na ilaw sa sala. Paniguradong gising pa si Noona.

'Hindi kaya hinihintay niya rin si Randall? Tsk! Ibig sabhin ay hindi pa talaga sila nakakauwi? Anong oras na, ah? Kanina ay alas-dos na nung tingnan ko ang cellphone ko, ilang minuto na ang nakakalipas mula n'on, anong oras na ngayon? Peste ka talaga, Taguro, wala ka bang balak umuwi? Kailan ka ba magigising sa katotohanang 'yang lalaking kasama mo ay siya mismong nanloko sa'yo? Pero sandali, puwede rin namang nag-aaral lang si Noona kaya gising pa siya. Tch.'

Wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy na lang sa pagbaba dahil gusto ko ring kumpirmahain kung nakauwi na nga talaga si Randall. Nang makababa na ako ay nagpanggap akong walang pakialam kahit alam kong nandoon siya, batid kong nakatingin siya sa'kin nang dumaan ako pero hindi ako lumingon.

"Oh, Deib, bakit gising ka pa?" tanong niya, hindi ako sumagot. Dumeretso ako sa ref at nagsalin ng gatas sa baso. Naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa'kin. "Okay ka lang ba? Ngayon lang kita nakitang bumaba ng ganitong oras para uminom?" muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata, pilit kong inubos ang tubig na isinalin ko sa baso. "Deib, kausapin mo na ako, please? Sana 'wag ka nang magalit sa'kin kasi wala akong masabihan ng feelings ko ngayon, eh, Deib?" ngumuso ako at saka tinalikuran siya at naglakad papunta sa unang baitang ng hagdan. "Deib, please? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, eh, tulog na silang lahat--si Randall hindi pa rin tumatawag sa'kin, baka kako puwede mong macontact si Maxpein kung nakauwi na ba sila--"

"Hindi pa rin talaga sila nakakauwi?!" wala sa sariling bulalas ko dahilan upang matigilan siya at mapamaang sa'kin. Ako rin mismo ay nagulat sa sinabi ko kaya naman umayos ako sa pagkakatayo at tumingin sa kaniya na animong wala akong sinabi. "Mali ang dinig mo kung anomang narinig mo," taas-noong bulong ko.

"Hindi ko sigurado kung nakauwi na ba sila o hindi pa, hindi pa nagrereply si Randall sa mga texts ko, eh."

"Bakit kasi hindi mo tawagan?"

"H-Ha? E-Eh, baka kasi magalit siya sa'kin dahil siyempre, k-kasama niya si Maxpein, eh," nag-aalinlangan at may bahid ng hiya na aniya.

"Sus! Kahit pa magkasama sila--ikaw ang girlfriend niya!" asik ko na itinuro pa ang mukha niya. "Sa inyong dalawa ni Taguro, ikaw ang mas may karapatan kay Randall--kaya sige, tawagan mo! Ako ang bahala!"

"P-Pero kasi--"

"Walang pero pero! Tawagan mo!" mayabang na utos ko, ginagalit ako ni Taguro.

"A-Anong sasabihin ko?" nag-aalalang tanong niya at bahagya naman akong natigilan.

Palihim na nag-isip ngunit galit pa rin. "Tanongin mo kung nasaan na sila, alas dos y medya na!"

"Iyon nga rin ang ipinag-aalala ko, eh, late na, hindi pa rin sumasagot si Randall, nag-aalala na kasi ako, eh."

"Kaya nga tawagan mo na, hindi siya puwedeng magalit sa'yo dahil unang una ay girlfriend ka niya, natural lang sa'yo ang mag-aalala at magselos!"

"Eh, ikaw?"

Nabigla ako sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa harapan niya. "A-Ako? Hindi! Bakit ako magseselos?"

"No, wala akong binanggit na selos," aniya at naitikom ko naman ang bibig ko. "I mean, nag-aalala ka ba kay Max?"

"A-Ah," napapahiyang anas ko. "Siyempre, hindi! Bakit ako mag-aalala sa kaniya? Anong pakialam ko r'on? Tch!"

'Hindi niya nga naisip kung anong mararamdaman ko kapag sumabay siya kay Randall, eh, bakit ko siya iisip--WAAAAAA! Ano bang sinasabi ko? Damn it!'

Kinabahan ako sa sarili kong naisip.

"Akala ko kasi ay nag-aalala ka sa kaniya, eh, parang galit ka kasi..." malungkot pang aniya.

"Hindi ako galit, ah!"

"Nasa tono kasi ng pananalita mo," nakanguso pang aniya at natahimik naman ako sabay lunok. "Kanina kasi ay hindi mo ako kinakausap, nung mabanggit kong hindi pa sila nakakauwi ay parang nagalit ka bigla kaya pinansin mo 'ko."

"What!?" asik ko. "Puwede ba? Gawin mo na lang ang sinasabi ko kaysa mainis pa 'ko lalo sa'yo," utos ko para maiba ang usapan.

"Okay," nakanguso pa ring aniya na 'kala mo ay takot na takot sa'kin, muli siyang nagdial sa cellphone niya at pinakinggan ang kabilang linya. Tinitigan ko naman siya at hinihintay na magreact.

'Mukhang walang balak sagotin, ah? Talagang sinolo niyo ang gabi, ah? Tsk tsk! Mga sira-ulo!'

"A-Ayaw niyang sagotin, Deib, eh," parang maiiyak nang ani Noona habang kinakagat pa ang kuko niya.

"Subukan mo pa ulit."

"Wala pa rin talaga, eh, hindi niya sinasagot," nawawalan na ng pag-asang aniya maya maya pa. "Mahirap ba talaga para sa kaniyang tawagan o i-text man lang ako kapag si Maxpein ang kasama niya? Masiyado niyang ipinaparamdam sa'kin na lamang talaga siya sa'kin!"

Sandali akong natigilan. "'Wag mong sabihin 'yan. Tawagan mo pa--"

"Totoo naman, eh!" singhal niya pero hindi nakatingin sa'kin. "Sa loob ng dalawang taong relasyon namin ay hindi niya pa rin nakakalimutan 'yung mga magaganda nilang alaala--'yung mga pinagdaanan nila! 'Yung mga sinabi ni Maxpein sa kaniya ay tandang tanda niya pa--lahat ay saulong saulo niya pa!"

"Noona, hindi niya talaga agad makakalimutan 'yon lalo na at matagal din ang pinagsamahan nila, isa pa, hindi mo dapat na kinukuwestiyon iyon. May mga lalaki na ayaw magkukuwento sa kasalukuyang girlfriend nila tungkol sa ex-girlfriends nila pero ikaw, alam mo ang karamihan tungkol sa kanilang dalawa."

"Pero Deib? Sa paraang 'yon niya ipinaparamdam sa'kin na mas lamang sa'kin si Maxpein. Hindi ako gaya ng ibang babae na gustong gusto na makakarinig tungkol sa mga ex-girlfriends ng boyfriend nila, ayaw ko ng ganon! Minsan kahit hindi ko siya tinatanong, siya mismo ang kusang nagsasabi at nakakainis 'yung ganon! 'Yung magkasama kayo tapos kapag may isang bagay siyang nakita na makakapagpaalala sa kaniya sa babaeng 'yon--bigla siyang magkukuwento na kesyo nung sila pa ay ganito--ganiyan! Nakakainsulto!" bulalas niya.

"Noona..."

"T'wing magkasama kami ay may makita lang siyang isang bagay, parang nabubura ako sa eksena dahil si Maxpein 'yung naaalala niya--naiisip niya! Deib, kahit na sinong babae, maiinis at magagalit ng ganoon. Because the fact na ako ang ipinalit niya kay Maxpein, dapat ako ang nasa isip niya! But he's making feel that he's regretting choosing me!" halos pumiyok nang aniya at hindi naman ako nakasagot. "Ilang beses ko ng sinabi sa kaniyang hindi ako nagseselos sa iba at kay Maxpein lang talaga, hindi ako magseselos kung hindi niya ako binibigyan ng dahilan para magselos. At ngayong bumalik na si Maxpein, feeling ko, balewala na ako. Feeling ko, hindi niya na ako kailangan."

"Don't say that."

"Simula nung makabalik si Maxpein, parati na lang siyang tulala sa t'wing magkasama kami. Oo, ayos kami ngayon pero hindi niyo alam kung ano ang lagay ng relasiyon namin ngayon. Okay na kami dahil nakakapag-usap na kami pero 'yung relasiyon namin ay ganon pa rin. Parang parati siyang wala sa sarili at akala mo ang daming iniisip. Nagugulat nga siya kapag tinatawag ko siya, eh!" inis pang aniya. "Pero ang tanga tanga ko kasi kahit na ganito siya sa'kin, hindi ko pa rin siya kayang mawala sa'kin. Ang tanga tanga ko dahil nagtitiis ako kahit alam kong may nagbago, ang hirap, Deib, ang hirap hirap."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagagalit ako kay Randall, pero may parte sa'kin na naiintindihan siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gusto kong damayan si Noona sa nararamdaman niya pero hindi ko masabayan ang pinagdaraanan niya.

"S-Sige na, masiyado ng late, umakyat ka na. May pasok pa tayo pareho bukas, salamat sa oras mo," aniya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Hindi ako nakasagot agad at nanatili akong nakatingin sa kaniya, nakikita kong gusto niya pang umiyak at iniisip niya lang na gabi na masiyado para rito.

Dahan dahan akong lumapit at yumakap sa kaniya, naramdaman kong ikinabigla niya iyon. "Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman mo, hindi ko man alam ang sasabihin ko--sana maramdaman mong nandito lang ako para sa'yo," bulong ko.

Naramdaman ko ang paghikbi niya. "Salamat, Deib, salamat."

MAX'S POV

"Dito na lang ako," pakiusap ko kay Randall nang makarating kami sa labas ng village namin.

Matapos naming mag-usap kanina ay nagyaya na rin akong umuwi dahil masiyado nang late. Bagaman wala kaming ginawa kung hindi ang maupo at magsalita, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ang dami raming laman ng isip ko at bumigat ultimong dibdib ko. Hanggang ngayon ay naglalaro sa isip ko ang lahat ng sinabi niya at hindi ko pa rin tuluyang natatanggap ang mga iyon."

"Ihahatid na kita hanggang sa loob," prisinta niya.

"Hindi na," tanggi ko. "Ayaw kong malaman mo ang bahay ko, bahay namin ni Naih," pamamrangka ko.

"Pero mas ayaw kong maglakad kang mag-isa, Pein," bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Maraming tarantado rito pero kaya ko ang sarili ko," walang bahid ng pagmamayabang na tugon ko. "Araw-araw akong dumaraan dito kaya pamilyar ako sa mga taga-rito, umuwi ka na dahil masiyado ng late. May pasok ka pa bukas."

"Please, ihahatid na kita. Hindi kita pupuntahan dito, promise, gusto lang kitang ihatid."

"Ayos lang talaga ako, 'wag kang mag-aalala dahil malapit lang naman ang lalakarin ko."

Napabuntong-hininga siya dahil wala siyang magawa. "Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalamang nakauwi ka nang ayos," pagpupumilit niya pa. "Tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na, may cellphone ka na ba?"

"Wala pa, pero puwede naman akong makitawag kay Naih. Bukas ng umaga tatawagan agad kita."

"E-Eh, hindi mo ba ako puwedeng tawagan ngayon pagkauwi mo?"

"Baka kasi tulog na siya, alas tres na, oh? Pero susubukan ko, sige na, ingat ka pag-uwi," tugon ko tsaka agad na binuksan ang pinto para hindi na lalong tumagal pa ang usapan namin. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay hinawakan niya na agad ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Pein, sana bumalik ka na sa dati--'yung dating Maxpein na masayahin, madaling kausapin, malakas at matibay. Hindi ko kayang nakikita kang ganiyan, nasasaktan ako sa t'wing makikita kita dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit naging ganito ang paraan ng pakikitungo mo. Umaasa akong hindi ito ang huling pag-uusap natin," malumanay na aniya at ngumiti naman ako.

"'Wag kang mag-alala, magkikita pa naman tayo."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?"

"Mm, malapit na ang inter high, eh, paniguradong makikita tayo r'on."

"Ibig kong sabihin, iyong tayong dalawa lang."

"Kailangan ko nang umalis," tugon ko tsaka tuluyang lumabas ng kotse. Naramdaman ko agad ang mabilis na pagbaba niya kaya nilingon ko agad siya. "Mauna na ako sa'yo,"

"Tawagan mo 'ko!" dinig ko pang sigaw niya, itinaas ko na lang ang kamay ko at binigyan siya ng baliktad na kaway bilang pamamaalam.

Nakakalito ang nararamdaman ko, para akong nabuhay sa isang laro. Simula sa umpisa hanggang ngayon ay para akong pinaglalaruan ng tadhana. Hindi ko na alam kung ano ang dapat at tama na maramdaman ko dahil iisang bagay na lang ang nasisiguro ko, muling bumalik ang galit sa puso ko.

"Oh? Putsa, anong dinner yan? May midnight snack pa?" bungad sa'kin ni Naih, ikinagulat kong gising pa siya pero hindi ko na siya nagawang sagotin. Agad akong pumasok at sumalampak ng upo sa sofa. "Hanep makadeadma, ah? Nakapagdress ka lang, feeling celebrity na? Maka-snob, ah?" pang-aasar niya at natawa ako ng bahagya. "Ay, grabe, Max! Bagay na bagay talaga sa'yo ang dress na 'yan, hahaha! Ang payat mong tingnan!"

Tiningnan ko ang suot kong damit at hindi naman ako interesado kung bagay ba ito sa'kin o hindi, wala akong pakialam. Iginala ko ang paningin ko sa bahay, napansin kong tahimik bukod sa bibig niyang maingay.

"Nasaan sina Beka at Boy?" tanong ko.

"Ah, mag-o-overtime raw sila sa TB dahil may gusto silang bilhin, alam mo naman ang mga baklang 'yon. Naggrocery nga sila kanina, kaya nagulat ako, ang daming stocks sa ref at sa cabinet," aniya at tumangu-tango naman ako.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

Ngumiwi naman agad siya. "Punyeta, heto, banyo queen! Psh!" asik niya sabay hawak sa tiyan. "Pero maginhawa na sa pakiramdam, hehehe," biro niya pa. Dapat ay isasama ko siya sa dinner na iyon pero nag-alburoto raw ang tiyan niya sa sobrang katakawan. "Oh, eh, ano nga ang nangyari? Magkuwento ka naman? Nakakangarag ba ang kumain? Putsa, naperfect mo ang description ng haggard, ah?"

"Tss, nakakapagod din, tapos naglakad pa ako papasok dito."

"Ha? Eh, nasaan si Maxwell? Sinundo ka niya rito kaya dapat inihatid ka rin niya, tsaka, hindi naman ugali n'on ang pabayaan ka."

Napabuntong-hininga naman ako, lahat talaga ay aalamin niya. "May hindi inaasahang dahilan ang nakapagpainit sa ulo ni Maxwell," si Sensui ang tinutukoy ko. "Nawala siguro ako sa isip niya kaya iniwan ako bigla."

"Paano ka nakauwi?"

"Isinabay ako ni Randall."

"Ha?" nanlalaki ang mga mata niya at nag-iwas naman ako ng tingin. "Paano?"

"Tss, gamit ang kotse niya, malamang."

"Oo, alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit nagkasabay pa kayo? Kilala kita, mas pipiliin mo ang magcommute kaysa makasama siya, 'wag ka ngang ano riyan! Ganon ka ka-arte, 'no! Tsaka, bakit nandoon siya?"

"Naimbitahan din siguro tulad namin," nagkibit-balikat pa ako. "Naisip ko rin ang magcommute pero naisip kong mas petiks maupo sa kotse bukod sa libre. Mas pinili ko rin ang sumabay kay Randall kaysa kila Sensui."

"Akala ko pa naman ay mga Enrile lang ang kasama niyo."

Muli akong nagkibit-balikat. "Pagdating namin doon ay nandoon na rin si Randall, eh, suot pa 'yung suit na iniregalo ko sa kaniya. Tss."

"Oh, eh, ano naman ang ibig mong sabihin sa mas pinili mo ang sumabay kay Randall kaysa kay Sensui? Ganon ka ba kaganda sa tingin mo para mamili pa sa kanila? Hehehe! Biro lang."

"Eh, kasi noong makita nilang mag-isa na lang ako, pareho nila ako niyayang sumabay sa kanila--"

"Wow, bwahahahaha!" biglang tawa niya kaya napakunot naman ang noo ko. "Niyaya ka ni Sensui na sumabay sa kaniya?"

"Tss, sa kanila ng pamilya niya, kasama niya ang pamilya niya sa kotse."

"Ah, akala ko ay mag-isa lang siya, eh, ang ganda mo na sana, hahaha!" biro niya pa at ngumiwi na lang ako. "Hindi ko ma-imagine 'yung moment niyong dalawa ni Sensui, my God! Stop me!"

Habang nagpapahinga ako ay ikinuwento ko sa kaniya ang napag-usapan namin ni Randall tungkol sa'ming dalawa, inilahad ko ang lahat sa kaniya. Gaya ng inaasahan ko, tulad ko ay nagulat din siya, hindi makapaniwala.

"Hay, Max..." nasabi na lang niya nang maibahagi ko ang lahat lahat sa kaniya. "Eh, ano na ang nararamdaman mo ngayon?"

Nagkibit-balikat ako. "Galit? Tss, nandoon na, eh, nangyari na. Kahit magalit ako, wala na rin naman akong magagawa," bumuntong-hininga pa ako. "Nakakasama lang ng loob na sa pamilya ko pa mismo nanggaling ang ganoon."

"Nastress naman yata ako bigla, I mean, tayo pa 'yung mas galit na galit kay Randall, 'di ba? Tapos ganon naman pala," nakangusong aniya pa. "Nakakaguilty lang."

"Ganiyan din ang naramdaman ko kanina, eh, naguilty ako dahil kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi ko sa kaniya."

"Eh, hindi mo naman kasi alam," huminga siya ng malalim tsaka matamang tumitig sa'kin. "Ano na ang plano mo?"

Kumunot ang noo ko. "Anong--ano na ang plano ko?" pagbabalik ko sa kaniya ng tanong.

"Ngayon na alam mo na ang totoo, ano na ang plano mo?" paglilinaw niya.

"Hindi ko na maibabalik 'yung dati kahit gaano pa kagandang plano ang buuin ko ngayon. Hindi na kami puwede dahil may mga masasaktan na kami," muli pa akong napabuntong-hininga. "Naiintindihan kong kinailangang niyang magdesisyon mag-isa kahit masakit para sa'kin 'yon, pero 'yung galit na nararamdaman ko ay parang napalitan ng awa."

Hindi siya agad nakapagsalita at nadinig kong bumuntong-hininga siya.

"Okay lang bang magtanong ako ng personal?" aniya at tumitig naman ako sa kaniya. "Mahal mo pa ba si Randall?" nahihiyang dagdag niya.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili habang nag-iisip. "Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?"

"Sa ngayon kasi ay iba't iba ang nararamdaman ko, halu-halo. Pakiramdam ko ang daming taong nangloko sa'min at pareho kaming biktima rito. Ang dami masiyadong nangyari kaya hindi ko na alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman."

"'Yung nararamdaman mo kay Randall ang tinatanong ko, 'wag kang ambisyosa, wala akong binabanggit na relasiyon niyo sa isa't isa. Stop me. Ano ang nararamdaman mo sa kaniya? Mahal mo pa ba siya? O kahit kaunti, wala na?"

"Meron pa naman siguro," naiilang na tugon ko. "Pero hindi na ako sigurado kung gaya pa ba 'yun nang dati."

"Haaay, sabagay, naiintindihan kita. Kahit pa naaawa ako kay Randall dahil d'yan sa ikinuwento mo, hindi kita masisisi kung bakit nagbago ang nararamdaman mo dahil hindi rin madali ang pinagdaanan mo. Mas naging mahirap lang talaga panigurado 'yung pinagdaanan niya dahil nagdesisyon siya para sa inyong dalawa kahit na alam niyang siya 'yung lalabas na masama."

Nangibabaw ang sandaling katahimikan sa pagitan namin ni Naih dahilan para magkaroon ako ng oras upang makahinga ng maluwag. Pati ang pakikipag-usap sa kaniya ay naging mahirap dahil nasasaktan pa rin ako sa pagpapaulit-ulit ko ng mga nalaman ko. Pero isa rin 'tong paraan ng hingahan kaya naman nagpaubaya na lang akong magkuwento.

Tumawag din si Maxwell upang kumustahin ako at humingi ng paumanhin dahil nga naiwan niya ako. Binusisi ko pa ang nangyari sa pagitan nila ni Sensui at natuwa naman ako dahil hindi siya nag-alinlangang ibahagi iyon sa'kin.

Late na masiyado noong makapagpahinga ako kaya naman hindi rin nagtagal ang pagmumuni-muni ko at nakatulog na rin agad ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
524K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
18.1K 562 16
Ang pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020
1.9M 131K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...