ODESSA'S REDEMPTION: Games Of...

By angelodc035

13.5K 782 164

In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule t... More

PROLOGUE
Chapter 1: EVIL UNITED
Chapter 2: AFTERMATH
Chapter 3: KUBOT
Chapter 4: SULERMO
Chapter 5: THE MISSING BOTTLE
Chapter 6: A STORY TO TELL
Chapter 7: THE STRUGGLE
Chapter 8: THE BOY WHO CHALLENGED A GOD
Chapter 9: LARIN
Chapter 10: DETHRONING KASANAYA
Chapter 11: UNEXPECTED SITUATION
Chapter 12: BALANDAY
Chapter 13: FIRE, ICE AND DESTRUCTION
Chapter 14: TOMORROW'S CHILD
Chapter 15: KASANAAN
Chapter 16: LA VISTA VILLAGE
Chapter 17: THE THREE WOMEN
Chapter 18: GODDESS AND MONSTER
Chapter 19: UNFORGIVEN
Chapter 20: EXILE
Chapter 21: JOURNEY TO ELITHERIA
Chapter 22: DESOLATIONS
Chapter 23: THE CHASE
Chapter 24: THE KING'S PET
Chapter 25: MARUNDOT
Chapter 26: THE KING IS DEAD
Chapter 27: LAKYAO
Chapter 28: VERAΓ‘A
Chapter 29: ALLIES AND NEMESIS
Chapter 30: MAXIME
Chapter 31: THE THREE WISHES
Chapter 32: NEGRON FOREST
Chapter 33: THE FLIGHT
Chapter 34: TRUE EVIL
Chapter 35: BANAUAL
Chapter 36: BANAUAL'S REDEMPTION
Chapter 37: MADISON BLAKE
Chapter 38: REYNA YLAYA
CHAPTER 39: THE START OF WAR
Chapter 40: ELEMENTAL WAR (Part 1)
Chapter 41: ELEMENTAL WAR (Part 2)
Chapter 42: ELEMENTAL WAR (FIRE and WATER)
Chapter 43: THE FALLEN GRACE
Chapter 44: UPRISING
Chapter 45: AMANG SUBA
Chapter 46: CHECKMATE
Chapter 47: THE KING'S FATE
Chapter 48: WATCHERS
Chapter 49: LIFE BLOOD
Chapter 50: ODESSA'S NIGHTMARE
Chapter 51: THE RISE AND FALL OF KASANAYA
Chapter 52: THE SECRETS THEY HIDE
Chapter 53: MUNAG SUMALA
Chapter 54: BENEATH THE WALLS
Chapter 55: UNEXPECTED VISITORS
Chapter 56: THE UNFORGIVEN
Chapter 57: LAGREIA
Chapter 59: THE GATHERING OF STORMS
Chapter 60: A MURDER OF CROW
Chapter 61: THE SPIES
Chapter 62: FOOLS MATE
Chapter 63: THE COMING OF WAR
Chapter 64: DAÇER

Chapter 58: BATHALA'S INVITATION

89 7 2
By angelodc035

Gumising si Kasanaya sa isang mabaho at madilim na silid na naliligo sa sariling pawis. Uhaw na uhaw at pakiramdam niya ay may nagsisiga sa kanyang paligid. Hindi siya pamilyar kung saan siya naroroon dahil sigurado siya na wala siya sa loob ng palasyo na kung saan siya ang reyna. Pilit niyang inalala kung ano nga ba ang nangyari  at bakit siya napunta sa kinaroroonan niya ngayon. Nagpalinga-linga siya pero wala siyang makita, maliban lamang sa pamilyar na amoy na nakakasulasok na asupre sa paligid. Dinig niya ang tila mga batong tila gumugulong sa buong paligid at ang maya't-mayang malalakas na pagsabog na nagpapayanig sa kinaroroonan niya. Natigilan siya nang magkaroon nang siya ngsuspetsa sa lugar na kinasadlakan niya.

"Hindi, hindi maaari!" ang nanginginig sa galit na sabi niya sa sarili nang mapagtantong nasa kaharian siya ni Sitan, ang lugar na tinatawag nilang Kasanaan. Bigla niyang naalala nang pumasok siya sa kanyang palasyo, nakita niya na tila mayroong pagtitipon sa loob ng kanyang kaharian. Naalala niya ang mga mukha ng kanyang mga kawal, mga sundalo, at mandirigma na tila may kakaiba. Hindi niya iyon pinansin dahil sa matagal siyang nawala sa kanyang kaharian. Kitang-kita niya ang mga mukha ng pinagkakatiwalaang mga pinuno ng kanyang hukbo. Mukha ng pagtataksil at pinagkaisahan siyang agawan ng karapatang pamunuan ang sarili niyang kaharian.

Nanginginig na ikinuyom ni Kasanaya ang magkabilang kamao dahil sa galit. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Banaual na siyang pasimuno para pabagsakin siya sa kanyang pamumuno. Sagad sa buto ang nararamdaman niyang galit para sa kanya. Ang mortal na mukhang iyon na gamit ni Banaual, hinding-hindi niya ito makakalimutan. Sa sobrang galit na naipon sa kanyang dibdib ay gusto niyang sumabog sa mga oras na iyon. Gusto niyang sumabog sa galit dahil inagaw lahat ni Banaual ang kanyang tagumpay. Nilinlang siya nito para makuha lahat ng kanyang pinagpagurang tagumpay. Hindi niya inakala na sa pagbalik niya ay pagtataksilan siya ng lahat ng pinagkatiwalaan niya. Ngayon ay alam na niya kung nasaan siya. Ikinulong siya sa Kasanaan; ang daigdig ng mga kaluluwang pinarurusahan dahil sa mga nagawang kasamaan sa mundo.

"Hindi, hindi ninyo magagawa ito sa akin. Babalikan ko kayo para maningil, maghihiganti ako sa inyo! Matitikman niyo ang galit ko kapag nakalabas ako dito! Banaual!" malakas na sigaw ni Kasanaya kasabay ng isang napakalakas na pagsabog mula sa nagbabagang putik sa paligid.

"Bulan? Ikaw ba yan mahal kong anak?"

Ang sabi ng isang pamilyar na tinig kay Kasanaya. Natigilan siya at pilit na inaaninag ang kadiliman ng paligid.

"A-amang Bathala?" ang nagtatakang tugon ni Kasanaya pagkarinig sa boses ng minsa'y naging ama niya ng mahabang panahon.

"Ako nga mahal kong anak. Bakit naririto ka?" ang tugon ni Bathala sa kanya.

"Kung gayon, naririto pa rin ang inyong espiritu? Mahal kong..." hindi na naituloy pa ni Kasanaya ang gusto sana niyang sabihin. Huminga siya ng malalim saka umupo sa matigas na sahig na kanyang kinatatayuan. Bakit nga ba niya kinakausap ang pasimuno sa lahat ng kanyang galit at paghihiganti?

"Hindi ba ito ang kagustuhan mo, anak, ang tuluyan na akong maglaho sa mundo? Ikaw, bakit ka naririto?" muling tanong ni Bathala kay Kasanaya.

"Huwag mo akong tawaging anak dahil hindi mo ako anak. Walang dugo na nanggaling sayo na nananalantay sa akin, Bathala!" ang matigas niyang tugon kay Bathala.

"Alam ko."

"Alam mo?" ang nagtatakang tugon niya kay Bathala.

"Walang magulang ang hindi nakakakilala sa kanyang anak, Kasanaya. Hindi lang sa kilos, pananalita at ugali nakikilala ng ama ang kanyang minamahal na anak, maging sa hininga at presensya nito kahit walang salita ang lumalabas sa bibig niya," paliwanag ni Bathala sa babaeng nagpanggap bilang si diyosang Bulan.

Sa pagkakataong ito ay nagkaroon ng interest ang babaeng manggagaway sa paliwanag ni Bathala.

"Kung gayon, alam mo rin ang pagpatay ko sa anak mong si Bulan?"

"Walang sikreto ang maitatago sa kaluluwang sumisigaw ng katarungan, Kasanaya. Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya habang isinasagawa mo ang pagsimsim sa buhay ng pinakamamahal kong anak," ang malumanay pa rin na tugon ni Bathala kay Kasanaya.

"Kung gayon, kulang lang ang sakit na naramdaman mo kumpara nang malaman ko kung paano mo pinatay ang aking ama at pagtakwil sa aking inang si diyosang Cusi. Mata sa mata, ngipin sa ngipin! Yan ang batas na ipinapairal ng mga manggagaway," matigas na tugon ni Kasanaya. Pero may tanong sa isipan ni Kasanaya na nagpatahimik sa kanya. Pero hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito na hindi ito maitatanong sa ama ng batang si Bulan na kanyang pinatay. "Kung batid mo ang aking nagawa kay Bulan, bakit hindi mo ako hinarap at pinaghigantihan para mabigyan ng hustisya ang iyong anak?" ang usisa niya.

"Mahal ko ang aking anak na si Bulan. Kinokondena ko ang pagpaslang mo sa kanya, Kasanaya. Pero kung susuklihan ko ng karahasan ang ginawa mo sa anak ko, hindi na matatapos pa ang kaguluhan sa pagitan ng mga diyos at elemental. Naisip kitang patayin noon pero hindi ko ginawa at hinayaan kitang magpanggap bilang si diyosang Bulan. Tinanggap ko ang kabayaran sa nagawa kong kasalanan sa lahat ng nilalang ng Sanlibutan lalo na sa nagawa ko sa'yong mga magulang. Dahil akala ko, kung hahayaan kita, baka sakali matigil ang paghihiganti mula sa iyong angkan," paliwanag ni Bathala na hindi pa rin nakikita ni Kasanaya.

"Kung gayon, isang kahangalan ang ginawa mo Bathala. Isang kabaliwan na isakripisyo ang buhay ng minamahal mong anak para sa sinasabi mong pagtatama sa kamaliang ginawa mo sa Sanlibutan. Kailan man hinding-hindi ka mapapatawad ng Sanlibutan. Hinding-hindi na maibabalik pa ng sakripisyo na yan ang kinahinatnan ng ginawa mong kasalanan, lalo na sa akin at sa kahuli-huliang lahi ng mga manggagaway. Kaya nararapat lamang sa'yo ang kinasadlakan mo dito sa Kasanaan,"

"Kaya rin ba nandito ka ngayon sa parehong lugar na kinaroroonan ko?" ang tanong ni Bathala na nagpatigil kay Kasanaya sa pamumuo ng emosyon sa kanyang dibdib. "Bakit ka nandito? Ibig bang sabihin nito ay karapat-dapat lang na naririto ka ngayon sa lugar na ito?"

Hindi makatugon si Kasanaya sa naging tanong ni Bathala sa kanya. Bakit nga ba siya naririto sa Kasanaan? Hindi siya dapat naririto dahil ginagawa lamang niya kung ano ang alam niyang tama. Ang pagkakaalam niya bago siya nagtungo sa mga isinumpang anghel ay siya na ang pinuno ng mga anak ng buwan, pero pagbalik niya ay wala na sa kanya ang katapatan ng mga pinagkakatiwalaan niya. Hindi niya inaasahan na si Banaual na pinuno ng mga anak ng buwan.

"Hindi ka makasagot dahil hindi ito ang inaasahan na kasasadlakan mo sa lahat ng paghihirap mo hindi ba?" ang tanong ni Bathala na tila nangungutya.

"Magtigal ka! Hindi yan totoo!" ang galit na galit na tugon ni Kasanaya sa narinig mula kay Bathala.

"Minahal kita bilang si diyosang Bulan na aking tunay na anak, Kasanaya. Pinilit kong iwinaksi sa isipan ko na hindi ikaw si Bulan na aking anak, na ikaw ang pumatay sa pinakamamahal kong si Bulan para lamang sa ganoong paraan ay mapagbayaran ko ang kasalanan ko sa iyong ina. Akala ko sapat na ang ibinigay na pagmamahal na iyon para makalimutan mo ang iyong paghihiganti at mawala ang galit sa iyong puso. Pero, hindi pala nawawala ang galit sa iyong puso Kasanaya, dahil tuluyan ka ng tinupok ng nagngangalit na apoy sa iyong pagkatao."

"Kailan man ay hindi maiiibsan ng aking galit ang ginawa mo sa mga magulang ko Bathala, hinding-hindi kita mapapatawad." mabilis na tugon ni Kasanaya na lalong nag-ngingitngit na sa galit.

"Hindi kita masisisi kung hindi mo ako mapapatawad. Pero, pareho tayong walang magagawa dito kung hindi tayo magkakasundo,"

"Anong ibig mong sabihin, Bathala?" ang usisa ni Kasanaya na nagpakita ng interest sa sinabi nito sa kanya.

"Sa pagkakataong ito Kasanaya, kailangan natin ang isa't-isa para makaalis dito,"

"Hindi kita kailangan Bathala. Hindi ko kailangan ang tulong mo para makaalis dito. Kaya kong makaalis dito at hindi ka kasama dahil mananatili ka dito. Babalikan ako dito ng mga tapat na naglilingkod sa akin,"  paniniguro ni Kasanaya kay Bathala.

"Sa tingin mo ba dadalhin ka rito ng mga sinasabi mong tapat sa'yo ng walang dahilan? Hindi mo ba naisip kaya ka dinala rito dahil gusto ka na rin nilang mawala sa Sinukluban?" muling tanong ni Bathala kay Kasanaya.

"Tumigil ka! Walang katotohanan ang sinasabi mo! Sinisuguro ko sa'yo na babalikan nila ako rito ng mga kasamahan ko. Kung sino man ang mabubulok at tuluyan ng mawawala sa Sanlibutan, ay ikaw yun. Ikaw iyon, Bathala." ani Kasanaya kasabay ng pagpapakawala nito ng malulutong na mga halakhak.

"Sana nga Kasanaya, aking anak. Magtulungan tayo kung gusto mong makaalis dito."

Tila may kung anong kurot sa puso na naramdaman si Kasanaya nang marinig mula kay Bathala ang salitang 'anak'. Kung tutuusin ay tinuring naman talaga siyang tunay na anak ni Bathala kahit batid nito na hindi siya si diyosang Bulan. Imbes na paghigantihan siya nito dahil sa pagpatay niya kay diyosang Bulan, ay mas lalo pang pinaramdam ni Bathala ang pagmamahal nito sa kanya. Tama nga siya, dahil kung hindi siya tinalikuran ng kanyang mga alagad at kakampi, bakit siya ibinilanggo sa Kasanaan, ang kaharian ni Sitan? Pero hindi niya kakayanin ang makipagtulungan kay Bathala. Hinding-hindi iyon mangyayari, hindi kailan man.

---+++++00000+++++---

Hiniling ni Odessa sa mga nangangasiwa ng seremonyas para sa paghirang sa kanya bilang susunod na Reyna ng Elitheria na gawin na lamang itong simple. Ito ay  dahil na rin sa mga hindi magandang nangyari sa kaharian mula nang pamunuan ito ng kanyang ama na si Haring Khalil. Hindi gusto ni Odessa na magtapos sa ganoong pangyayari ang buhay ng kanyang ama, pero hindi niya hawak ang kapalarang pinili nito, ang maging masama. Kahit hindi maganda ang pagkikita nila ni haring Khalil, may isang bagay na magpapanatag na sa kanyang kalooban. Ito ay ang katotohanan na hindi si Behemot ang kanyang tunay na ama. Walang nananalantay na dugo ng isang demonyo sa kanyang dugo gaya ng sabi ng isinumpang anghel sa kanya para siya ay linlangin. Sa pagkakataong ito, ay napagtanto niya na may dugo ng mortal na tao ang nanalaytay sa kanyang mga ugat, at hindi ito mawawala kahit kailan.

Pumukaw ng pansin kay Odessa ang ang mga tunog ng takong ng sapatos mula makinis na sahig ng palasyo. Kitang-kita sa repleksyon nito mula sa sahig ang napagandang hubog ng katawan nito at ang tila pagkasabik na malapitan kaagad ang magiging bagong reyna ng Elitheria. Binalot naman ng ngiti ang mga labi ni Odessa nang humarap ito sa paparating na pamilyar ang mukha sa kanya.

"S-Sakaya?" ang halos hindi makapaniwalang sambit ni Odessa pagkakita sa kaibigan.

"Odessa!" ang tugon ni Sakaya saka lalong binilisan ang mga hakbang papunta sa kaibigan.

Sinalubong naman siya ni Odessa saka mahigpit na nagyakapan ang dalawa. Biglang naalala ni Odessa ang matalik nitong kaibigan na si Calisha na isinakripisyo ang buhay para lamang mailigtas sila kay Claudius, mahigit isang taon na ang nakakaraan. Masakit pa rin para kay Odessa ang pagkamatay ni Calisha dahil hindi man lang niya naprotektahan ang kaibigan mula sa kamatayan.

"Masaya ako na makita ka, Sakaya," ang magiliw na wika ni Odessa na naging emosyonal dahil sa sayang nararamdaman niya.

"Ako rin, Odessa. Masaya ako na natapos na ang digmaan sa Kaharian mo. Masaya ako na pamumunuan mo na ang kahariang ito. Masaya ako para sa'yo," tugon ni Sakaya na halos naging sentimental din ng mga sandaling iyon.

Kumawala sa pagkakayakap ang dalawa. Ipinako ni Odessa ang kanyang mga mata sa kaibigan na kapansin-pansin pa rin ang pamumutla nito.

Biglang yumuko si Sakaya sa harapan ni Odessa at nagbigay pugay sa kanya nang maalalang ang kaibigan na ang magiging Reyna sa kaharian na kung saan sila naroroon.

"Kamahalan," ang masayang wika ni Sakaya, kasabay ng pagbibigay pugay nito sa harapan ng kaibigan.

"Huwag, hindi mo kailangang gawin iyan," ang halos natarantang tugon ni Odessa na hindi komportable sa ginawang pagbibigay pugay sa kanya ng malapit na kaibigan.

"Ito ay nararapat sa tulad mong bayani at magiging mabuting pinuno ng kahariang ito, kaibigang...kamahalan pala,"

"Hindi ito ang kinalakihan ko, Sakaya. Hindi ito ang nakasanayan ko kaya hindi mo kailangang gawin yan,"

Tumayo ng tuwid si Kasanaya na nakangiti. "Ngayon ay dapat masanay ka na, aming Reyna," aniya.

"Hindi ako masasanay, Sakaya. Dahil hindi ito ang gugustuhin ko," paniniguro niya. "Bakit ka naparito? Hindi ba dapat nagpapagaling ka pa?" nag-aalalang tanong ni Odessa sa kaibigan. Sadya niyang iniba ang usapan dahil hindi pa siya handa na pamunuan ang kaharian ng kanyang inang si Baguinua.

"Huwag mo na po akong alalaanin mahal na reyna, maayos na pakiramdam ko." Ngumiti siya at kitang-kita ang kinang sa kanyang mga mata. "Pagkagising ko, naikuwento ng aking ina, ang tungkol sa mga nangyari. Kung paano ka nag-alala sa akin at paano mo pilit na inililigtas ang buhay ko. Kaya, salamat mahal na reyna, salamat po," dagdag pa niya na kitang-kita ang taos puso nitong pasasalamat sa kaibigan.

"Huwag mo akong sanayin sa ganyang tawag, kaibigang Sakaya. Tulad ng sinabi ko hindi ako kailan man masasanay." Huminga ng malalim si Odesssa at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Tinungo nila ang balkonahe ng palasyo at doon tanaw nila ang kabuuan sa paligid ng kaharian. "Ang importante sa akin ngayon ay ito, tulungan lahat ng mga naapektuhan ng digmaan. Ito muna ang trabahong aasikasuhin ko, hindi ang mailuklok bilang reyna nila." patuloy na sabi niya habang nakamasid sa mga halos nangawasak na mga gusali at kabahayan sa paligid ng palasyo.

Ngumiti si Sakaya saka pinisil ang kamay ng kaibigan. "Napakabuti mo aking Reyna. Mas iuuna mo pa ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa pansariling interest para mailuklok bilang reyna ng kahariang ito. Kaya saludo ako sa'yo aking kaibigan. Nararapat lang na ikaw ang magiging reyna ng kaharian ng iyong inang Reyna," ani Sakaya na lalong humanga sa kabutihan ng kaibigan.

Ngiti lamang ang isinukli ni Odessa sa naturang iyon ni Sakaya. Tulad ng sinabi niya, mas uunahin niyang tulungan ang mga mamamayang naapektuhan ng digmaan. Ang pagluklok sa kanya bilang reyna ay isa lamang seremonyas na ginawa lamang para masaksihan ng piling mga tao. Pero, ang totoong seremonyas ay ang lapitan ang mga tao at tulungan para muling makabangon.

"Siya nga pala, para sagutin yung tanong mo kanina, kung bakit ako pumarito, una ay para personal kitang pasalamatan dahil utang ko sa'yo ang buhay ko," paliwanag ni Sakaya.

"Yung totoo? Si diyos na Dhanum ay ang siyang talagang nagligtas sa buhay mo. Ginawa ko lang yung dapat kong gawin," tugon ni Odessa sa kaibigan.

"Ganon din yun, dahil kahit sugatan ka, pinili mo pa rin akong iniligtas kahit alam mong puwede ring manganib ang bata sa iyong sinapupunan,"

"Kaibigan kita, kaya isasakripisyo ko ang lahat mailigtas ko lamang buhay mo," mabilis na tugon ni Odessa sa kaibigan.

"Napakaswerte ko naman pala bilang kaibigan po ninyo, kamahalan,"

"Hays, sabi ko na hindi ako komportable sa ganyang katawagan. Odessa na lang kasi," ang napakamot sa ulo na tugon ni Odessa.

"Pangalawa, para ipaalam sa'yo ang dalawang panauhin na nagpasabi na dadalo bukas para sa pagluluklok sa inyo bilang bagong reyna ng  Elitheria,"

"Dalawang panauhin? Paano nangyari iyon? Hindi naman ako nagpadala ng imbitasyon sa kahit na anong kaharian, dahil iniiwasan natin na atakihin tayo habang mahina ang kaharian natin," wika ni Odessa na biglang nag-alala sa sinabi sa kanya ni Sakaya.

"Hindi ko rin alam, at walang nakakaalam mula sa mga nangangasiwa sa palasyo kung paano nalaman ang tungkol sa seremonyas para bukas, mahal kong Odessa, bigla na lamang dumating ang dalawang mensahero dala-dala ang dalawang sulat na nagpapasabi sa kanilang pagdalo," tugon ni Sakaya na wala ring alam sa nangyayari.

"Kung gayon, sino ang tinutukoy mong panauhin na interesadong dadalo bukas kahit na walang imbitasyon?" usisa niya sa kaibigan.

"Ang una ay prinsipe mula sa kaharian ng Telasan, na hindi binanggit kung sino sa apat na anak na lalaki ng hari ng kaharian,"

Tumango si Odessa pagkarinig sa sinabi ni Sakaya tungkol sa unang panauhin. Wala siyang alam kung saan ang kaharian ng Telasan dahil hindi naman siya lumaki sa Sinukluban. "Ang ikalawang panauhin, anong pangalan niya?" muli niyang tanong kay Sakaya.

"Siya ay isang Manoro, ang pangalan niya ay Ylaya," mabilis na tugon ni Sakaya kay Odessa.

"Ylaya..." ang mahinang sambit ni Odessa sa pangalang ibinigay ni Sakaya na dadalo sa seremonyas ng pagluklok kay Odessa bilang bagong reyna ng Elitheria.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
248K 8.8K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
104K 3.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...