Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 21 - Nikko's World 2.

14K 214 9
By taleswithelle

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Katakot takot na pang aasar ang inabot ni Roxanne ng umagang iyon ng pumasok sya at makita na may dalawang boquet ng bulaklak sa table nya.

Bago nya pa mabuksan ang card ay nag ring ang phone nya.

Si Nikko.

"Did you received the flowers?" Tanong nito. Maingay sa paligid ng lalaki, muntik nya ng hindi maintindihan ang sinabi nito.

"Oo. Pero bakit dalawa?" Nagtataka na tanong nya.

"What? Isa lang pinadala ko." Nagtaka na rin ang lalaki.

Nagmamadali nya'ng tiningnan ang una, si Nikko ang nagpadala. Ng buksan nya ang pangalawa, well, nakalagay doon na si Miguel ang nagpadala nun.

"Nadoble ba yung padala? Isa lang na charge sa card ko." Nagtataka na tanong pa nito.

Hindi nya alam paano sasabihin na galing kay Miguel ang isa. Siguradong magagalit ito at baka mag away pa sila.

"Nasaan ka? Ang ingay dyan." Pag iiba nya ng usapan.

"Nandito ako sa agency office. Pinakita ko na may sugat talaga ako sa mukha. Ayaw nila maniwala, eh."

"O-okay. Sige, baga makita ako ni ma'am na may kausap sa phone at masabon pa ako." Gusto nyang wag na ito magkaroon ng chance magtanong kung bakit dalawa ang bouquet na natanggap nya, pero hindi ganun ang nangyari.

"T-teka, I check mo yung isa'ng bouquet. Baka may iba'ng nagpadala sayo." May duda sa boses nito.

Hindi sya nag salita.

"Roxanne." Parang may pagbabanta sa boses nito.

"Po?"

"Is it Miguel?" He was asking the first time yet he sounded impatience at that moment.

Hindi sya agad nagsalita.

Narinig nya'ng bumuntong hininga ito.

"Si Miguel. Am I right?"

"O-oo."

"I'm going to talk to him."

"N-no, don't worry about it. Parang bulaklak lang naman."

"Parang bulaklak lang naman? Kita mo at isa'ng bouquet rin ang pinadala sayo, sumabay pa sa akin. Nakakainis!" Bulalas nito.

"O sige, ako na ang kakausap. Hayaan mo na."

"Makikipag kita ka na naman sa lalaki'ng yun." Nakikinita nya na ang pag nguso ng lalaki sa kabilang linya.

"Para kang sira. Huwag ka'ng magsimula, Nicholas." Sabi nya naman.

"Nikko, tawag ka ni Madam." May boses ng bakla ang narinig nya sa background.

"I have to go. I'll fetch you later." Iyon lang at tila iritado na pinutol ng lalaki ang linya.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin sa dalawang bouquet na iyon kaya itinabi nya na lang ang mga ito sa table nya.

"Huy, grabe ha. Dalawa pa suitors mo." Sabi ni Amanda ng dumaan ito sa table nya.

Tumawa lang sya.

Nang mag lunch na sya ay tsaka sya nagka chance na mag text kay Miguel para magpasalamat sa bulaklak. Hindi nya alam pero ayaw nyang iwasan ang lalaki. Mabait ito at ang rude nya naman para iwasan ito dahil nagseselos lang si Nikko. Hindi pa naka reply ang lalaki. Malamang na busy rin ito at nasa opisina ito.

Ipapaliwanag nya na lang sa lalaki.

Parang lalo'ng naging stressful ang buhay nya magmula ng magkagustuhan sila ni Nikko plus naging magkaibigan sila ni Miguel. Hindi na lang ang pag o ojt ang pinoproblema nya, nadagdagan pa.

Nikko has been insisting na sa gym na myembro ito na lang sila mag gym ni Yna. Medyo nasasakal na sya sa lalaki. It's like ayaw sya nito'ng mawawala sa paningin nya. Or she's just thinking too much?

Ah ewan. Bahala na. Go with the flow na lang sya. Wala pa sya'ng plano na ipaalam sa iba ang relationship nila. Isa pa, bago pa lang naman sila at pakiramdam nya, hindi pa sila stable talaga.

Yung feeling na tinitimbang nya pa. She's like a fool thinking na anytime ay mauuntog si Nikko at marerealize nito anytime na hindi pala sya nito gusto, na nagkamali lang ito ng pag assess sa naramdaman nito, kaya hinahanda nya ang sarili nya.

Aware din naman sya na sa dami ng babae na naeencounter ni Nikko, baka mahulog ito sa kanila. Bagamat nakitaan nya na hindi gaanong nagbibigay ng pansin ang lalaki sa mga babae sa paligid nito, she couldn't care much more.

Kinahapunan, sinundo nga sya nito. Nagkasundo sila na pumunta ng DSWD para dalawin si Raven. It's their first time na pupunta ng sabay mula ng I turn over nila ang bata.

"Kamusta pagpunta mo sa agency office nyo?" For starters.

"Okay lang." Matipid na sagot nito.

Doon na kumpirma ni Roxanne na hindi pa okay ang lalaki. Hindi na lang sya ulit nagsalita hanggang makarating sila doon. Kilala na sya ng iba'ng staff na malamang ay nagtataka bakit iba ang kasama nya.

"Oy ate, iba na naman kasama mo, ha." Pang aasar ng isa'ng staff.

Ngumiti lang sya sa babae.

"What, pumunta ka ng kasama si Miguel dito bukod pa noong na picture-an kayo?" Kunot ang noo na tanong ni Nikko.

"N-nung Sabado. Dumaan kami rito bago pumunta sa museum."

Hindi na nagsalita ang lalaki. Pero hindi pa rin ito ngumingiti. Doon sila pinag stay sa play ground. Mayroong parang club house doon na may malawak na upuan at ila'ng lamesa.

Dinala na lang sa kanila si Raven. Ang lalaki ang unang kumarga sa bata.

"Ampunin na lang kaya natin si Raven?" Out of the blue ay sabi ni Nikko. Nilalaro nito ang bata.

"A-ano ka ba? Ano ba namang idea yan?"

"Well, tayo naman na. I can hire someone para mag bantay sa kanya kapag busy tayo. He will stay at my condo." Sabi ng lalaki na hindi tumitingin sa kanya.

Hindi sya agad nakapag salita. Bakit parang nakaramdam sya ng takot sa sinabi nito? It feels like sobrang advance ng isip ng lalaki. Parang sigurado ito na sila na talaga. And she doesn't like the idea at that moment.

Contrary iyon sa kung ano ang naiisip nya, na anytime ay magbabago ang isip ni Nikko at marerealize nito na hindi na sya nito gusto o hindi naman talaga sya nito nagustuhan.

"Hey?" Marahan sya'ng siniko ng lalaki. "Tulala ka dyan. Is something wrong?" Bagamat hindi nya pa rin nakikita'ng ngumiti ang lalaki mula ng magkita sila, alam nya na hini na ito ganoon ka inis kahit papaano.

Ngumiti sya.

"So ano? What do you think of what I said?"

Bumuntong hininga sya. "It's too early to tell, Nicholas. I mean, marami pa ang pwedeng mangyari, huwag kna muna tayo mag plano ng kung ano." They have been together for just three days, for God's sake!

He just shrugged his shoulders.

Halos dalawang oras lang ang itinagal nila doon. They just decided na sa pagbalik na lang nila ilalabas si Raven kung pwede.

Hindi na bumaba si Nikko ng ihatid sya nito. She gave him a kiss bago nya buksan ang pintuan ng kotse nito at bumaba sya.

"Call me kapag naka uwi ka na." Bilin nya.

Tumango lang ang lalaki bago pinasibad ang kotse nito.

Hindi nya alam kung bakit pero pakiramdam nya ay pagod sya ng maka akyat na sya sa apartment nila. Wala pa si Yna. Siguro ay dumaan ito sa mall o may ka date.

Hindi na sya nakapag bihis, agad sya'ng naka tulog.

Nagising sya ng pasado alas tres ng madaling araw. Tulog na sa tabi nya si Yna. Nakapang bahay na ito. Doon nya pa lang napansin na hindi pa sya nakakapag bihis. Dumiretso sya sa c r at doon nag bihis. Tsaka nya lang din naalala na pinapatawag nya nga pala ang lalaki kapag naka uwi na ito.

She checked her cellphone. Walang miss called. Sinagot kaya ni Yna? She checked her log calls. Ang huling tawag na naka record doon is yung tawag ni Nikko nang susunduin na sya nito.

Napa buntong hininga sya. Bakit hindi ito tumawag? Tumango pa ito kanina ng sabihin nya iyon. Hindi sya kumportable na sa liit ng hiling nya'ng iyon, hindi pa nito nagawa.

Dahil sa haba ng tulog nya ay hindi na sya maka tulog ulit. Binuksan nya na lang ang laptop ni Yna at nag decide na mag open ng mga online accounts nya.

Wala naman sana sya balak na tingnan ang account ni Nikko pero nakita nya sa news feed ang nakalagay na may friend ito sa facebook na may status na kasama nito ang lalaki, with a picture of them in a certain bar. It was posted three hours ago, around 12am.

Hindi nya alam ang mararamdaman nya.

She dialed his number. Matagal bago may sumagot. Babae pa.

"Hello? Who's this?" Maarte na tanong ng babae.

Hindi sya agad nagsalita. Maingay ang paligid, talagang nasa bar ang lalaki at mga kaibigan nito.

"Hey, hey! Give me my phone! Who told you to answer it?" Maya maya ay narinig nya ang boses ni Nikko sa background, parang iritado ito. "Hello? Roxanne?"

"Yeah. Nasan ka?"

"I'm in Malate. I'm with my friends. Bakit gising ka pa?"

"Kakagising ko pa lang. Naka tulog ako agad pag uwi." Walang gana na sabi nya. She was waiting for him to explain kung bakit hindi nito sinabi na may pupuntahan ito. It's not like pagbabawalan nya ang lalaki. Tumango kasi ito ng sabihin nya na tumawag ito kapag naka uwi na ito.

Or tatawag ito kapag nakauwi na ito galing bar? Hello! She was expecting na uuwi ito agad, na wala ito'ng pupuntahan.

"I see."

"Sino yung sumagot ng phone mo?" Mukhang wala ito balak mag explain. Naiinis na sya, umagang umaga. Parang ang unfair.

"Ah, kasama namin sa agency. Pasensya na."

"It's fine. Sige, I'll go back to sleep. Bye." Hindi nya na ito hinintay sumagot. Naiinis sya.

Ito ang kinatatakutan nya, eh. Ang hindi sila magkasundo. Sabagay, ano ba naman ang alam nya sa lalaki when it comes to him, being in a relationship, eh kaya nga sya nito kinuha para magpanggap at makaiwas sa mga babae na nagkakandarapa dito?

Kumakapa sya sa dilim.

Medyo nahihirapan din sya sa pagiging bossy ng lalaki na well, matagal nya ng alam noon pa.

It's like his world versus her world.

Naiiling na nagtimpla sya ng maligamgam na gatas. Gusto nya'ng matulog ulit kaysa maramdaman ang inis na iyon hanggang sa pumasok sya

"Birthay ni Daddy sa Saturday."

Nakikinig lang sya sa lalaki. Kasalukuyan sila'ng namimili ng supply para sa condo nito. Sabay sila'ng nagtutulak ng malaki'ng cart na kalahati pa lang ang laman.

"Doon kita ipapakilala sa kanya." Parang bata na excited na excited sa darating na birthday nito si Nikko.

"O-okay." She tried to smile. Hindi nito alam na kilala na sya ng Daddy nito, na sya ang nakakita dito ng atakihin ito, ang dahilan kung bakit late sya nakarating noong may photoshoot ito.

"Are you okay? Ang tamlay mo." Bigla ay nag-alala ang lalaki.

Umiling sya.

"Wait, are you pregnant? Nagpa check ka na ba?"

Napa nganga sya sa tanong nito. "Okay ka lang? Ano'ng pregnant ang pinagsasasabi mo dyan?" Kulang na lang ay sipain nya ang lalaki sa gulat ng tanong nito.

Nagkamot ito ng ulo. "Eh alam mo naman.."

"Hindi ako buntis no." Agad na sabi nya. "Isa'ng gabi lang naman yun." Sabi pa nya.

"Isa'ng gabi, tatlo'ng beses naman!" Bawi ng lalaki.

Inirapan nya ito bago naunang itulak ang cart. Namula sya sa sinabi nito. Hindi nga nya yun binilang eh!

"Basta, this Saturday, mag ready ka ha?" Natatawa pa rin na sabi nito ng mahabol sya.

Tumango na lang sya. Bahala na.

Saturday.

Umagang umaga ay sinundo silang dalawa ni Yna ng lalaki. Isasama din daw nila si Yna sa birthday ng Daddy nito. Ipapakilala daw ng lalaki sa mga kaibigan nito si Yna kaya na excite din ang bruha.

Pinagdala sila ng lalaki ng extra na damit at underwear. Hindi nila alam kung bakit pero nagdala na lang din sila. Nahihiya pa nga ito na sabihin kung ano pa ang dadalhin nila bukod sa damit.

Sinama sila sa isa'ng spa ni Nikko. Pina massage sila ng lalaki habang ito ay nag hihintay lang. Inabot sila ng halos dalawang oras! Kataka taka na parang hindi man lang nainip ang lalaki.

"Ano, okay ba?" Agad na tanong nito.

"Grabe ang sarap sa pakiramdam." Nag I stretching na sabi ni Yna bago sila lumabas ng spa na iyon.

"Feeling ko bago'ng tao ako." Natatawa na sabi nya.

Ang gaan gaan ng pakiramdam nila. Hindi nila alam na ganuun pala ang epekto ng pagpapa massage. At hindi lang basta basta massage!

Nag bihis sila at para silang nasa alapaap ni Yna.

Kumain sila sa isa'ng fine dining restaurant. Hindi nya alam kung ila'ng beses pa sya makakakain sa mga ganung restaurant. Kung hindi dahil sa lalaki ay hindi sya makakatikim ng mga ganung pagkain.

Perks of being Nikko's girlfriend. Nag eenjoy sya pero hindi kasi sya sanay ng ganun, parang free ride. She knows that boyrfriends are supposed to treat their girlfriends whenever they go out, pero parang sobra na ang ginagaw ani Nikko kahit pa sabihin na napaka yaman nito.

"Parang sobra na ang pag gastos mo." Bulong nya sa lalaki habang naglalakad na sila palabas sa spa.

Niyuko sya nito. They were holding hands. Wala syang pakealam sa mga baklang staff ng spa na tila imbyerna dahil pinatulan sya ni Nikko. True love daw pag ganun. Lol.

"F.Y.I, Miss Velez. Pera ko sa pagmomodel ang ginagastos ko. Plus a bit from my trust fund. Hindi pa naman nauubos para kumuha ako sa pera ng kumpanya." Paliwanag nito.

"Oh, trust fund baby ka nga pala." Patango tango na sabi nya.

"And what was that supposed to mean?"

"Born rich, obviously." Sabi nya.

"Like I said, hindi ko naman kasalanan o choice na ipanganak ng mayaman, so I am enjoying it na lang. Tsaka ano ka ba? Girlfriend naman kita at si Yna hindi na iba sa atin kaya it's okay, don't worry." He assured her.

Hindi na lang sya sumagot. May katwiran naman ito. Hindi lang talaga sya comfortable sa pag gasta ng lalaki.

And just when she was thinking about it, pumasok sila sa isa'ng shop na alam nyang ni sa hinagap nya ay hindi nya papasukin kahit window shopping lang.

Kagaya kanina ay umupo lang ito doon at naghintay habang abala ang mga sales lady sa pag a assist sa kanila ni Yna. Kaya pala hindi na sya nito pinag suot ng pormal dress.

Sa tagal nila doon ay naka pili rin ito sa wakas ng isusuot nila ni Yna. Yes, ito ang pumili. Hindi nila alam kung ila'ng beses silang pabalik balik sa dressing room at kung ila'ng dress ang naisukat nila bago mag thumbs up sign ang lalaki na relax na relax sa pag upo sa couch na nasa harap lang ng dressing room. And yes, nag corset sya. Doon na rin kinuha ang corset na sinuot nya.

Next, sapatos naman. And what do you know, next stop nila ay ang salon na katabi lang ng shop na iyon.

Kagaya sa mga naunang pinuntahan nila ay relax lang na nag antay ang lalaki sa kanila habang ang mga staff ng salon ang umasikaso sa kanila.

"Grabe, girl. Parang hindi man lang naiinip si Papa Nikko kakahintay sa atin." Sabi ni Yna habang sinusulyapan nila si Nikko na naka de kwatro pa ng upo habang busy sa binabasa na magazine.

May mangilan ngilan rin na nagpapakuha ng picture sa lalaki.

She's a proud girlfriend.

Halos hindi nya na makilala ang sarili nya ng matapos sila'ng make-up-an at ayusan ng buhok. Grabe lang. Iba talaga kapag professionals ang nag make up sayo. Wala ni isa sa mga natitira na pimples nya ang kita at halata!

Sana tumagal ang make up nya'ng iyon.

Nang iabot na ni Nikko ang credit card nito sa dalawang babae na nasa counter ay halata na kinikilig ang mga ito. Binigyan ng lalaki ng tip ang mga staff na nag assist sa kanila ni Yna. Napaka generous naman pala nito.

"Eh ikaw, sa bahay nyo na ba ikaw magbibihis?" Tanong nya sa lalaki.

Alas kwatro na ng hapon, at naka sakay na sila sa kotse nito papunta sa venue ng birthday ng Daddy nito.

"Nope. Sa Hotel na." Sabi nito.

"Sa hotel ba icecelebrate ang birthday ng Daddy mo? Bongga talaga ha! Pwede ba'ng gumamit muna tayo ng room doon? Baka masira ang make up namin, mahirap na." Sabi ni Yna.

Natawa sila ni Nikko.

"Yup, I have a room reserved for us while we wait. Maaga pa naman. Doon na muna kayo."

Kung noong sumama si Roxanne kay Miguel sa opening ng isa'ng museum ay muntik na syang malula at ma culture shock sa mga bisita at suot ng mga ito, imagine na lang kung ano ang naramdaman nya ng pumunta na sila ni Nikko sa pinaka tuktok ng building ng hotel kung saan gaganapin ang birthday ng Daddy nito.

Pulos nag gagandahan ang mga babae na naroon, may mga artista, politico at mga who's who na nababasa nya lang sa mga society pages ng news papers na nababasa nya.

"Hi Judith! Where's dad?"

Akalain mo ba naman na andun si Judith! Hindi na ito nagulat ng makita sila'ng mag kasama. Ngumiti pa ang babae sa kanya.

"Nasa room nya pa." Sabi nito.

"Oh my God. Si Rob Perez!" Kinalabit sya ni Yna ng makita ang crush nila ng babae.

Napakagat sya ng labi. "Oh My Gosh! Ang gwapo te!" Hindi nya napigilan ang kiligin.

"Mas gwapo ako dyan." Nilingon nila ang naka simangot na si Nikko.

"Ay, oo naman. Kaya lang opportunity ko na 'to Papa Nikko. Jowa ka na ni Roxanne, eh. Paano naman ako?" Nagdadrama na sabi ni Yna. Tawa ng tawa si Roxanne sa kaibigan.

Hinila ni Nikko si Yna at ipinakilala kay Rob.

"Uy, pare! Long time no see." Bati ni Rob ng makita si Nikko.

"I want you to meet Yna. She's a fan." Imbes ay sabi ni Nikko.

Akala nya ay ipapakilala rin sya nito but she was wrong.

Ang malupit pa, iniwan pa nila si Yna kay Rob dahil mukhang nagkasundo ang dalawa sa kung ano man ang pinagkekwentuhan ng mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
53.4K 852 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
124K 3.6K 60
Alam ni Vanessa na walang patutunguhan ang paghangang nararamdaman niya para kay Tyler. Dakilang playboy ito at aminadong walang balak na magseryoso...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...