EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

Galing kay HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... Higit pa

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 72

1.4K 105 20
Galing kay HeavenKnowsFLO


CHAPTER 72


HATING gabi nang magising si Belle dahil naramdaman niyang bumangon si Franklin. Napansin na lamang niyang pumunta ito sa secret room kaya naman kinuha niya kaagad ang cellphone upang lumabas papunta sa kabilang kwarto.

Nagtataka si Belle dahil hindi siya tinawagan ni Joaquin tungkol sa kanilang pagkikita sa Helena St. sinimulan niyang tawagan ang numero nito hanggang sa sumagot si Joaquin.

“I know you are excited to meet me. Gusto mo bang ulitin natin ang pagtatalik?” 

“Tarantado ka, Joaquin! Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo, at para matapos na ito!”

“Get his money for me.”

“What?! I will not do that!”

“Hindi mo gagawin o baka gusto mong ikalat ko ang sex video nating dalawa.”

“Wala akong pakialam kung sisiraan mo ako dahil wala na akong dignidad noon pa! Hindi ko sasaktan si Hugo at hindi ko siya nanakawan!”

“Really? Even Jaica’s happiness? Hindi ba’t sa Lunes ang pinakahihintay niyang event?”

“Anong sinasabi mo?! Huwag mong idamay si Jaica!”

“Jarissa Veronica Del Mundo? You know that she’s a famous pornstar. Kung sino-sinong foreigner ang customer niya. Kapag lumabas iyon, lahat ng pinoprotekhan mo ay masisira.”

Napakagat ng labi si Belle habang iniisip ang dapat gawin. Gusto niyang magwala at magalit pero wala siyang bibig upang gawin ito. “S—sige… papayag ako. After this tigilan mo si Jaica at Frank. You can kill me after this.”

“No, I will not do that. You will marry me.”

“What? Anong sinasab—” hindi natapos ang pagsasalita ni Belle nang patayan siya ng linya ni Joaquin.

Napahawak na lamang siya sa dibdib nang makita ang iniwan nitong mensahe.

“I need the original certificates and his money. After that, we can live happily ever after, Annabelle.”

Ilang sandali lamang ay nakarinig ng yabag si Belle kaya naman kaagad niyang tinago ang cellphone sa loob ng drawer.

“What are you doing here?” tanong ni Hugo.

“Wala… I just missed our child.”

Nagtagis ang panga ni Franklin at akamang magsasalita ngunit pinangunahan siya ng halik ni Belle.

She pushed him going to bed at nagsimula na mag-alis ng damit si Belle.

“Are you okay? Hindi mo kailangan gawin kung nalulungkot ka lang.”

“I love you, Frank. Gusto kong malaman mo na hinding-hindi ko kaya na lokohin ka. Hindi ko kaya na saktan ka. Ayokong saktan ka nang kahit sino.”

“What are you saying? Wala naman makakagawa nu’n sa akin. Wear your clothes, malalamigan ka na.”

“Gagawin ko ang lahat para hindi na ako maging pabigat sa iyo.”

“Belle… kung ano man ang iniisip mo, leave everything to me.”

Niyakap na lamang ni Belle si Franklin habang tumatakbo sa isip niya ang lahat ng mga plano na dapat niyang gawin. 

“Hindi na ako magiging mahina. Kailangan ko rin lumaban.”

Kinanukasan maagang dumating ang isang sulat sa bahay ni Franklin. Kinakabahan si Belle dahil pakiramdam niya’y galing ito kay Joaquin.

“Para sa akin ito?” he asked Gael.

“Sir, galing po ito sa Regional Trial Court.”

Kunot-noo si Hugo hanggang sa makita niya ang kaso laban sa kanya.  Ngumisi ang binata hanggang sa pinunit ang papel. “Tarantado pala ‘yan eh! Ako pa talaga ang kakasuhan nila?! Sabado ngayon pagkatapos may opisina? Gago ba sila?!” Sigaw nito pagkatapos ay binato ang papel kaya nabigla si Belle.

“Sir! Sir!” Tawag ni Manong Boyet.

“What?”

“Nasa headline po kayo!” Bulalas nito hanggang sa binuksan ang telebisyon. 

“Businessman Franklin Hugo against Presidential candidate ex-General Jacob. Criminal offense ang nilabag nito dahil sa pagsugod sa kanilang tahanan at pagbantaan na papatayin ang kanyang anak.”

Hindi tinapos ni Hugo ang balita dahil pinatay din niya ang telebisyon. Napatingin siya kay Belle kaya naman yumuko na lamang siya pagkatapos tumakbo papasok sa kanyang kwarto. Sumunod naman si Belle hanggang sa maabutan niya si Franklin na hawak ang isang baril.

“I’m sorry. Kung hindi ako tumakas. Hindi ito mangyayari sa iyo. Sana isinantabi ko na lang ang sarili ko ang mga nararamdaman ko.”

“It’s my fault, Belle. Hindi mo iyan mararamdaman kung nagsabi ako sa ‘yo tungkol sa pag-alis ko. Haharapin ko ito dahil alam kong may ibang ginawa si Joaquin sa iyo at sa anak natin. I know your medications, Belle. Alam ko ang mga iniinom mong gamot ay para sa ikabubuti ng anak natin. Kaya imposible na basta na lang iyon mawawala. Not unless you aborted our child.”

“N—no! I will not do that.”

“Mahal kita, sana huwag mong ulitin ang pagkakamali ni Myla sa akin.”

Hindi nakakibo si Belle dahil sa halik ni Franklin. “Kailangan kong pumunta ng opisina para sa abogado ko. Aayusin ko lahat-lahat ng gusot na ito bago tayo magpakasal.”

Tumango si Belle at naiwan na nakatulala. Hindi pa rin makuhang pumasok sa isip niya lahat ng nangyayari. 

Paglabas ni Franklin, dumiretso siya ng El hombre upang kausapin si Charm. Iniwanan niya ito ng misyon tungkol sa nangyari sa Masinloc.

“Good morning, sir. Napaka aga pa po.”

“Did you find something in Masinloc?”

“Tanging nakalkal ko lang po ito,” iprinisinta ni Jacia ang isang balot ng powder. 

“Have you tested this?”

“Not yet sir, nagkaroon po kasi ng signal sa akin ang ibang gwardya tungkol sa international syndicate. Hindi lang si Joseph at Henry ang kalaban. Isa pa po, mukhang ilalaban nila ang kaso laban sa iyo. Nasa intensive care unit pa rin si Jacob.”

“I don’t care about them. Ihahanap ko rin ng pruweba ang nangyari sa Masinloc. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Alam kong may ibang ginagawa si Joaquin kay Belle,” tugon ni Franklin pagkatapos ay sinimulan niyang imbestigahan ang powderized orange juice.

“Bakit kailangan niyo pa pong timpalahin?” tanong ni Charm.

“Ang kwento ni Belle, ito ang binibigay ni Joaquin sa kanya. So I need to find out kung anong meroon dito.”

He did a few test kahit na kaliwa’t kanan ang tawag sa kanya para ayusin ang gusot na ginawa ni Jacob at Joaquin sa kanya.

“I am bothered about our event on Monday. Baka dagsain ng negative interviews si Ms. Jaica.”

Umiling si Franklin. “Everything’s gonna be okay, Charm. Si Gael ang bahala roon.”

Sa makalipas na ilang oras, paunti-unting lumalabas sa resulta ng laboratory test ang hinahanap niyang sagot.

“Fuck!” Sigaw ni Franklin pagkatapos ay hinampas ng napakalakas ang ang lamesa. 

“What sir?” tanong ni Charm.

Nanginginig ang buong katawan ni Franklin sa sobrang galit habang nakatingin sa resulta. “It’s my fault. Pinabayaan ko si Belle. That fucking Joaquin gave her an abortion drugs mixed in this fucking juice! Habang iniinom niya ito, nagkakaroon ng abnormality sa pregnancy ni Belle. Worse in this, it is not registered in the FDA, toxic ang gamot na ito. Pwedeng magkaroon ng abnormality sa susunod niyang pagbubuntis.”

Hinilamos ni Franklin ang mukha habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Biglang dinampot ni Charm ang baril at sinimulan na ikasa.

“Sir. We need to end this game as soon as possible. Ngayon araw natin gawin o kahit pa bukas. Ayoko nang patagalin ito. I want to secure you and Belle.”

Magkabilang hinawakan ni Franklin ang braso ni Charm. “Help me, para mapunta lahat sa kanila ang pagkakamali. Mahal ko si Belle kaya hindi ko kayang magdusa siya dahil lang sa akin.”

Tumango naman si Charm hanggang sa tumakbo ito upang kausapin ang ibang tauhan. They need to spill everything they have para maibalik lahat kay Joaquin ang kaso.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

187K 1.1K 7
Dark Gavin Alcazar known as one of the Alcazar's heir. Dark has gray eyes, pointed nose and kissable lips, halos sambahin na ito ng mga kababaehan da...
194K 3.8K 28
Firen Anzhala is not an ordinary woman. She's fearless and, most of all, a Green Goddess but a virgin. Devyl Dracssus is a Devilish-looking Duke with...
698K 12.3K 54
When you think you knew everything about him, you're wrong. He's Van, and he's obsessed with me. ©All Right Reserved
35.9K 734 24
• The Professor's Possession (Novel) [R-18 | Mature Content] Some say that being a student is one of the best parts of our lives. But not for Stacy S...