You're Mine (Jailene)

By thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino More

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 18: Takot
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 45: Yakap
Chapter 46: Bitter and Sweet
Chapter 47: Secretary
Chapter 48: Taguan
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 56: Bitin
Chapter 57: Intermediate
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 44: Listen

1.7K 73 41
By thekingsthrone

Sharlene's POV      

Nabanggit ni Jairus kagabi na gusto niya daw kumain ng spaghetti kaya nagluto ako. Dinaan niya lamang sa pagpaparinig ang pagaasam niyang kumain ng spaghetti na pwede naman niyang e utos. Kung noon halos hindi kumain si Jairus pag hindi ang layaw niya ang masunod, ngayon kinakain niya lang kung ano ang nakahanda. Nagtataka nga ako kung tumigil na siya sa kakademand ng mga pagkaing gusto niyang ipahanda pero naisip kong dapat masanay na ako sa mga pagbabagong pinapakita ni Jairus mag mula nang umamin siya sa akin. Hindi ko maiwasang mamula sa pagalala ng mga nangyari! Hay! Bat' ba ako namumula? At bat' ko ba 'to iniisip? Sharlene pwede ba e tigil mo na yan!

"Manang, aalis na ho ako ha." Bit-bit ang supot na naglalaman ng pagkain, nilisan ko ang bahay para puntahan si Joaquin.

Naka tayo sa labas ng Laundry Shop si Joaquin nang dumating ako. Hinding-hindi nawawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi para ako'y salubungin. Ganito kami parati ngunit bakas sa mukha ni Joaquin ngayon na may dinaramdam siya dahil hindi tulad ng dati ang pagbati niya. Kung siya nababasa ako, ako naman kahit papaano nararamdaman ko ang hirap niya.

"Joaqy!" Nakangiti kong saad nang makalapit na ako sa kanya.

"Iba yata ang naaamoy ko sa lalagyan mo ngayon ah."

"Ang lakas talaga ng pangamoy mo! Spaghetti ang dala ko ngayon. Nagdala din ako ng chocolate muffins na gawa ko kanina."

"Salamat Shar ha? Hindi mo naman kailangang gawin ito."

"Ano ka ba? Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi nakakatulong saka magkaibigan tayo, wala namang ibang mag tutulongan kundi tayo-tayo lang din naman."

Sa mapupungay niyang mga mata'ng pilit tinatago ang kanyang nararamdaman ang tanging daan ko para makiramdam sa kanya. Naglakad kami patungong playground kung saan doon siya kumakain at nakikipag kwentuhan. Namiss ko ang mga simpleng bagay na tulad nito kasama siya pero para bang hindi na tulad ng dati. Nasa isang bench kami ngayon sa play ground kakalatag lang namin sa Spaghetti'ng ginawa ko para makain na niya. Nagaalala ako para sa sitwasyon ni Joaquin dahil alam kong ngumingiti lang siya pero sa loob-loob niya may sakit na siyang nararamdaman at ang hirap niyang abotin kung sakali man.

"Joaqy?" Panimula ko habang naglalagay ng Spagehtti sa isang paper plate.

"Bakit?"

"May problema ka ba?"

"Nasabi ko naman sa'yo lahat Shar mukhang wala na akong matatago pa."

"Pero hindi yan ang nakikita ko sa 'yo ngayon, alam kong may iniisip ka. Ano yun? Baka makatulong ako." Inabot ko sa kanya ang paper plate na may spaghetti na marahan niyang tinggap. Hindi siya nag salita, ni hindi niya ginalaw ang pagkain'g hawak niya, pinagmasdan niya lamang. "Joaquin—"

"Linggo na bukas no?"

"Oo, bakit?"     

"Hindi nanaman kita makikita." Malungkot niyang pahayag. Ito ba ang rason kung bakit siya malungkot?

"Ano ka ba Joaquin?! Sa susunod na araw magkikita pa naman tayo." Masigla kong saad.

"Pano kung sabihin ko sa iyo'ng kailangan kita?"

"Nandito lang naman ako para sa 'yo Joaqy eh."

Mahinang natawa siya. "Alam ko naman yun eh, kaya salamat." Sumubo siya ng spaghetti mula sa paper plate at ngayon ay nakangiting kumakain.

"Baka mabulunan ka."

"Ang sarap kasi eh."

Nag kwentuhan kami ni Joaquin tungkol sa araw niya at pati narin sa nakwento ko sa kanyang plano kong paghahanap ng trabaho. Nag bahagi din siya ng kanyang opinion ukol sa plano ko at suma-sangayon siya na dapat lang ay mayroon din akong sarili kong trabaho para magamit ko ang natutunan ko sa aking kurso. Nag usap din kami tungkol kay Mika sa pag alis niya sa bahay nila. Nalungkot ako sa balita dahil hindi na daw niya alam kung nasaan ito ang alam niya lang ay nagsikap si Mika makatapos kaya hindi siya nadamay sa pagkalugmok nila.

"Hay, wag mo na nga yan isipin pa Shar. Hindi mo dapat prinoproblema ang paghihirap ng iba."

"Kaibigan ko rin naman si Mika."

"Naiintindihan kita, penge pa nga." Sabay abot sa akin ng paper plate niya. Natawa ako dahil kahit na ganito naaangat pa niya ang damdamin ko.

"Ang takaw mo ha!" Inabot ko ito mula sa kanya at sinalinan pa ng laman. "Ito oh." Tinanggap niya ito at saka sumbo agad. Natawa ako sa kanyang mukha na tila gutom na gutom.

"Hindi ko alam na lalake pala si Sharon."

Umapaw ang kaba sa dibdib ko nang makita si Jairus na naka pamulsa at galit na galit na palipat-lipat ang mata sa aming dalaw ni Joaquin.

"Jai—"

"Hindi ko alam kung anong pakulo mo Joaquin pero hinding-hindi kita mapapatawad." Mabilis na nasuntok ni Jairus si Joaquin. Tumilapon ang spaghetti'ng hawak ni Joaquin. Automatikong natumba si Joaquin habang pinupud-pud siya ng suntok ni Jairus sa mukha.

"Jairus!"

Naghalong takot at kaba ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko si Jairus. Puno ng pagkasuklam ang bawat suntok niya at alam ko na ako ang dahilan.          

"Jairus tama na!" Hinawakan ko ang braso ni Jairus para mapigilan siya sa kanyang panununtok ngunit sadyang malakas siya at na tilapon lang ako sa kanyang pagmamatigas. Sa bawat suntok ni Jairus sa kanya alam kong masakit ngunit hindi lumalaban si Joaquin. "Jairus parang awa mo na! Tama na!"

Patuloy ang panununtok ni Jairus kay Joaquin na parang punching bag lang. Hindi ko na siya kilala.

"Hayop kang gago ka! Gagamitin mo pa ang asawa ko! Mag nanakaw ka lang ng pera!" Rinig kong sigaw ni Jairus habang patuloy niyang binubog-bog si Joaquin.

"Jairus parang awa mo na! Tama na Jai! Tama na!"

Naiwan sa ere ang kamao niyang sana'y e susuntok pa niya kay Joaquin, nag pipigil niyang binaba ang kamao niya. Mabilis akong naalerto at pinuntahan si Joaquin ngunit hinablot ako ni Jairus bago pa man ako makalapit sa kanya.

"Joaquin!" Tanging sigaw ko habang tinitignan si Joaquin na nasa lupa pa at hindi na ma itsura ang mukha. Natakot ako na baka patay na siya ngunit narinig ko ang kanyang mahinang pag usal na dulot ng sakit.

"Napaka sinungaling mong babae ka!" Hinatak ako ni Jairus patungong kanyang sasakyan. Gusto kong puntahan si Joaquin dahil nakikita kong nasa lupa pa siya at nakakubol lang na iniinda ang sakit. "Gusto mo talagang ginagago ako!"

"Jairus nagkakamali ka!"

Sapilitan akong pinasakay ni Jairus sa unahang sasakyan habang nagmamadali siyang sumakay sa driver's seat at mabilis itong pinaandar. Nakuha kong silipin sa bintana si Joaquin, hindi pa siya tumatayo mula sa pambubugbog ni Jairus. Nangilid ang luha ko sa takot hindi lang para kay Joaquin, kundi sa aking nasaksihan kay Jairus.

"Jairus wala kaming ginagawang masama ni Joaquin, wala!" Lakas loob kong pagsasalita.

"Niloloko mo ba ako?! Pano ako maniniwala sa'yo? Eh napaka sinungaling mo!"

"Hindi mo naiintindihan Jairus!"

Sa bilis ng pagmamaneho ni Jairus ay nakarating kami agad sa bahay. Lumabas si Jairus ng sasakyan nang makarating kami. Marahas niya akong hinablot at kinaladkad papunta sa loob.

"Nasasaktan ako Jai!" Pabagsak niyang tinanggal ang pagkakapit sa braso ko at galit na tinignan ako.

"Hindi ako makapaniwala na ganito kang babae Sharlene!"

"Jairus makinig ka," Di na magkamayaw ang galaw ng mga kamay ko sa panginginig dahil sa nakikita kong galit sa mukha ni Jairus. "Hindi tulad ng iniisip mo ang ginagawa namin ni Joaquin—-"

"At ano naman ang gusto mong isipin ko sa nakita ko? Na tinutulungan mo lang siya? Na nagsisinungaling ka dahil gusto mo siyang tulungan?"

"Oo! Dahil yun ang too! Jai."

"Ilang ulit mo ba akong lolokohin Sharlene? Siguro pinagtatawanan nyo ako ng pobreng lalaking yun dahil nauto mo ako sa isang hinayupak na kalokohan! Hinuhot-hutan ka lang nun dahil wala na siyang natitirang pera Sharlene! Ginagamit ka lang niya!"

"A-anong ibig mong sabihin? Teka, alam mo na na nabunkcrupt na si Joaquin?"

"Ano naman ngayon? Gusto mo ako pa ang mag balita sa 'yo?! Bakit gusto mong malaman? Gagawin mo yung rason tulad ng ginagawa mo ngayon para magkabalikan kayo? Ganun ba ang plano mo?" Nawala ako sa aking sarili dahil sa sakit ng binibintang ni Jairus sa akin. Kailan man nang magsimula kaming magkita ni Joaquin hinding-hindi iyon sumaggi sa aking isipan. Mabilis kong nasampal sa mukha si Jairus matapos niyang mabitawan ang mga salita.

Nahimasmasan ako dahil sa sakit ng aking palad, dahan-dahang inangat ni Jairus ang mukha niyang napatagilid dahil sa pagsasampal ko. Nagliliyab ang galit niyang tingin na animoy lalapain ka ng buhay.

"Jai—h- hindi ko sinasadya-" Marahas niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Nabalutan ng galit ang kanyang pagkatao. Hindi ko na nakita sa kanya ang Jairus na kilala ko. "Nasasaktan ako Jai—"

"Hinding-hindi kita bibitawan Sharlene! Akin ka lang! Akin ka! You're mine!"  

Kinaladkad niya ako paakyat ng kwarto, nagpupumiglas man ako'y wala na akong nagawa dahil malakas siya. Sapilitan niya akong pinapasok sa kwarto at mabilis na trinangkahan ako sa loob nito.

"Buksan mo tong pinto Jairus!" Patuloy kong paghahampas sa pintuan. Nanakit nalang ang mga kamay ko pero wala pa ring nangyayari. Napaupo ako sa sahig na umiiyak dahil wala akong magawa sa sitwasyon ko. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ni Jairus, ni hindi niya ako hinayaang makapagpaliwanag man lang. Malaki ang pagkakamali kong mag sinungaling sa kanya pero hindi ko naman pilanong e tago sa kanya ito ng tuluyan. Nagawa ko ang bagay na yun dahil ayaw kong saktan si Jairus o mag selos dahil sa muli naming pagkakikita ni Joaquin ngunit higit pa ang naidulot ko sa kanya, dahil ako mismo ang nagbalot sa kanya ng pagka suklam. Ngayon hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko sa taong ayaw makinig sa akin.

Naalala ko bigla ang pagmamalupit sa akin ni Papa, ang mga panahon na sinasaktan at kinukulong niya kami. Akala ko tapos na ang lahat ng pagpaparusang nangyari sa buhay ko nang makasal ako kay Jairus, sa huli nanatiling akala ko lang pala.

Jairus' POV

Naiinis ako sa sarili ko.

Inis na inis pero mas naiinis ako sa nakita ko kanina. Nakita ko kung gaano ka saya si Sharlene habang kasama si Joaquin and it scare the hell out of me. Natakot ako sa nasaksihan ko, natakot ako dahil alam kong kahit na anong oras gustohin ni Joaquin makukuha at makukuha niya si Sharlene dahil mahal pa siya nito. Ayoko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Sharlene sa akin, just marely the thought makes me insane!

Galit na galit ako kay Joaquin dahil sa ginawa niyang pagpapalanong huthotan ang pamilya ni Sharlene ayon na rin sa sinabi sa akin ni Paul. Isang planong pinaniwalaan ni Sharlene na bahagi ng kanyang nakaraan na pawang kasinungalingan lang! Naiinis ako sa tuwing iniisip kong mahal ni Sharlene ang siraulong lalaking yun na ang ginusto lang naman ay kumuha ng yaman na may yaman. Ibang klase din tong si Joaquin eh, nakuha niya ng ganon na lamang si Sharlene sa isang lintik na plano, pero ako? Buong-buo ang intensyon kong mahalin siya pero walang nangyayari.

Pumasok ako ng kwarto namin at nadatnan si Sharlene na nasa sahig na umuupo. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at sinalubong ako.

"Jairus,"

"Pwede ba? Wag mo akong kausapin." Matigas kong saad bago ako derederestong pumasok ng kwarto at nahiga. Iniwan kong nakabukas ang pintuan at kung hindi siya bobo gagamitin niya ang pagkakataong iyon para bumaba upang maka kain.

"Jai—"

Kaagad kong kinuha ang iPod ko at sinalpack ang earphones sa aking tenga para hindi siya marinig. Ayaw ko munang marinig ang kahit na anong eksplenasyon galing sa kanya. Ayaw ko nang dagdagan ang kasinungalingan niyang umiikot sa ulo ko. Pagod na ako, pagod na pagod na ako! Dapat sa mga oras na 'to nanonood pa kami ng palabas sa TV  dahil Linggo bukas pero hindi ngayon.

My head is racing with thoughts when I saw Sharlene went out of our room.

Sinantabi ko ang kakaisip sa kanya at pinilit na e tulog ang lahat. Nagising ako sa hating gabi na wala akong katabi. The feeling is worst then I thought. Hindi ko pala kaya na magising isang araw na wala na si Sharlene sa tabi ko. Nataranta ako kaya kaagad akong lumabas ng kwarto deretso pa baba para hanapin si Sharlene.

"Sharlene?!" Tawag ko habang hinalughog ang bawat sulok ng gusali sa ground floor. "Sharlene!" Wala parin akong natanggap na sagot at sa kada liko ko sa bawat lugar sa baba kinakabahan ako. Hindi kaya binalikan niya si Joaquin? O baka tuluyan na niya akong iniwan? Nanginginig ako habang patuloy na naghahanap. "Sharlene?!" I called but to no avail. Shit! I shouldn't have left the door open! Kung nalaman ko lang na ganito, sana dinalhan ko nalang siya ng pakain sa kwarto!

Mabilis akong umakyat sa taas para kunin ang susi ng aking sasakyan nang mapansin kong bukas ang kwarto noon ni Sharlene. Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ito at nakita siyang mahimbing na natutulog sa kama. Nabunutan ako ng tinik nang makita siya.

God! I was so scared! I sigh in relief.

Nilapitan ko siya at para akong pinapatay sa nakikita ko ngayon dahil alam kong nakatulog siya sa kakaiyak. I wanted to curse myself but then the scenes awhile ago rushed back to me. Dahan-dahan ko siyang binuhat at nilipat sa kwarto namin. Tinabunan ko siya ng kumot saka ako tumabi sa kanya. Akala ko rin na balewala sa akin ang nakaraan niya pero nakakatakot pala pag bumalik, hindi ko alam kung anong gagawin ko para panatilihin siyang kasama ako. I thought everything is going well between us but the moment I saw her laughing with Joaquin makes me threated. I have never been scared in my life until I saw her with him. Hindi ko pala kaya.

Sharlene's POV

Nagising ako sa tabi ni Jairus na siyang aking kinagulat. Natulog ako sa kabilang kwarto dahil alam kong galit pa siya sa nangyari kahapon. Ayaw kong e siksik ang sarili ko sa taong alam kong kailangan ng espasyo para makapag-isip o humupa ang galit. Malaki ang pagkakamali ko sa ginawa kong pag sisinungaling ngunit hindi ko pinagsisisihang tinulungan ko si Joaquin. Palaisipan sa akin ang sinabi ni Jairus na ginagamit ako ni Joaquin, impossibleng mangyari yun nasabi lang siguro iyon ni Jairus dahil sa galit niya. Dahan-dahan akong umalis sa kama para maghanda ng agahan at dahil Linggo ngayon hindi ko maagang ginigising si Jairus upang makapag pahinga siya ng maayos.

Pinaghalo-halo ko ang itlog at harina para sa pancake na aking gagawin. Ito ang gustong agahan ni Jairus bukod sa waffles at mainit na tsokolate. Napaisipa ako habang naghahalo ng sangkap na gumawa na din ng waffles at iba pa niyang paboritong agahan, alam ko namang hindi sapat ito para humupa ang galit niya pero nagbabakasakali ako na sana—sana sa pag mulat ng mga mata niya pakikinggan niya ang sasabihin ko. Gusto ko siyang makausap at yan ang gagawin ko sa araw na ito.

"Ma'am ang sarap ng mga hinanda ninyong pagkain, puro mga paburito pa ni Sir Jairus. Sigurado akong magugustohan niya yan." Kumplemento ni Manang Lusing habang tinitignan akong inaayos ang plating ng waffles.

"Sa tingin mo Manang?"

"Opo, nahihiya na nga ho ako sa inyo dahil halos kayo na po parati ang nagluluto."

"Nako Manang, gusto ko rin namang gawin ito."

Inayos ko ang mga niluto ko bago ito hinain sa dining table. Kunot noo kong pinagmasdan ang ginawa ko dahil mukhang may kulang.

Ang syrup!

Nagmadali kong pinuntahan ang kusina para kuhanin ang syrup. Naglalagay ako ng syrup sa pancake pati na rin sa waffles nang biglang may mabibigat na kamay ang humablot sa braso ko.

"Jai— Aray Jairus!"

"Sa susunod hindi ka babangon hanggat hindi pa ako nagigising! At anong pakulo mo na natulog ka sa kwarto mo noon?! Ayaw mong makatabi ako? Dahil si Joaquin ang gusto mong katabi sa pag tulog?!"

Puno ng galit ang kanyang mga mata at halatang kakagising niya lang.

"Jairus hindi! Alam kong galit ka, kaya binigyan kita ng espasyo. Ayaw kita sakalin sa presensya ko."

"At sino ka para malaman kung ano ang nakakabuti sa akin? Alam mo Sharlene, hindi ko alam kung bakit ang hirap nang paniwalaan ang lahat ng sinasabi mo."

"Jairus, pag usapan natin 'to." Pagmamakaawa ko. Wala na akong pakialam kung kaawa-awa ba akong tignan dahil alam kong kailangan namin 'to.

"Pano tayo mag uusap? Binge ka ba? Kakasabi ko lang na nahihirapan na akong makinig sa 'yo, di ba? O gusto mong ulitin ko pa?" Pabagsak niyang binitawan ang braso ko. "Hindi ako kakain ng agahan."

"Pero Jai—"

Hindi na siya nag hintay para makapatos ako ng pagsasalita at lumalis na.

Naiwan ako sa hapag na nangingilid ang luha, ang hirap-hirap pala talaga paghindi ka pinapakinggan. Buong buhay ko parati nalang ganito lalong-lalo na kay Papa. Hindi ako papayag na masira nalang basta-basta ang kung ano mang meron kami ni Jairus dahil sa akin.

Naghintay lamang ako para lumabas si Jairus sa kwarto niya dahil alam kong bababa siya, kung hindi man kakain, iinom siya ng tubig. Ayaw kong gambalain siya sa kwarto habang nagpapahinga o nagiisip kaya huhugot nalang ako ng tsansang makausap siya. Napatayo ako nang marinig kong nagbukas ang pintuan namin sa kwarto. Nakita kong pababa si Jairus sa hagdan at dere-deretso lang ang tingin patungong kusina. Agad ko siyang sinundan sa kusina na naabutan kong nagbubukas ng refrigerator.

"Jai, nagugutom ka ba? May waffles sa oven, iinitin ko para sa'yo." Tila wala siyang narinig habang nag hahalughog ng ref. "Jai, m-may pancakes din, kung ayaw mo gagawa ako ng bago."

Wala parin akong narinig mula sa kanya. Kusang pumatak ang luha ko sa aking mga mata na kaagad ko namang pinunasan. "Jai, wag ganito. Pakinggan mo naman ako oh."

Uminom lang siya ng tubig, ni hindi niya ako tinignan at nilampasan lang ako. Bakit ko pa ba ito ginagawa? Pero hindi ko kayang e baon na lamang ang bagong Jairus na nakilala ko, hindi ako papaya na lamunin siya ng galit.

Tinulungan ko nalang si Manang Lusing sa gawaing bahay para kahit papaano'y maibaling sa iba ang labis na pag iisip ko sa mga nangyayari. Gustohin ko mang puntahan si Joaquin para bigyan ng pagkain, nagaalala na ako sa mga susunod pang gagawin ni Jairus sa kanya.

Nagwawalis ako ng sala nang makita si Jairus na pababa nanaman ng hagdan, panandalian tinignan ko siya pero naisipan kong e tigil na muna ang pangungulit ko sa kanya na pakinggan ang panig ko. Tahimik akong nagwawalis nang nagring ang cellphone ko. Mabilis ko itong binuksan, isang unregistered number ang tumatawag. Hindi ko madalas ginagamit ang cellphone ko sa mga nakaraang araw kaya nag taka ako kung sino ito.

"Hello?"

'Good morning, I am looking for Sharlene Aquino.'    

"Yes, speaking."

'We've just receive your application as a Sales Executive in our company are you still available for an interview?'

Nagliwanag ang aking mukha sa narinig. Sa lahat ng pinasahan ko sa online ito ang unang tumawag sa akin.

"Yes Sir!"

'Okay, please be here in our office——-

Nagulat ako sa biglaang paghablot ni Jairus ng aking cellphone. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitignan ang tumatawag.

"Sino 'to? Si Joaquin?"

"Jairus hindi!"

"Hello Joaquin! Tantanan mo ang asawa ko kundi mapapatay kitang hayop ka!" Kaagad niyang tinapon ang cellphone ko dahilan para mabasag at magkawasak-wasak.

"Jairus hindi yun si Joaquin! Tawag yun mula sa inapplyan kong trabaho!"

"Ano? Trabaho?"                            

"Oo! Hindi iyon tulad ng iniisip mo!"

"Nag apply ka sa trabaho nang hindi man lang sinasabi sa akin?" Tila di makapaniwalang saad sa akin ni Jairus. "Wow! At sino ang sinabihan mo? Si Joaquin?"

Natahimik ako, sapagkat totoo ang kanyang sinabi. Hindi ko pa nasabi sa kanya dahil pinagiisipan ko pa kung e tutuloy ko ang plano ko at hindi ko rin inakala na may tatawag sa akin mula sa pinagpasahan ko sa online.

"Sabi ko na." Natatawang usal niya. "Kailan mo to' balak sabihin sa akin? O baka naman wala ka nang balak sabihin dahil tutal magsasama din naman kayo ni Joaquin, hindi ba?"

"Jairus hindi!"                                                                                                                                         

"Kung gayon bakit hindi mo 'to sinabi sa akin?! At teka lang! Bakit ka ba naghahanap ng trabaho? Pinapakain naman kita ah! Hindi pa ba sapat yun?!"

"Hindi ako makapaniwala sa'yo Jairus!"

"Ako din, hindi ako makapaniwala sa'yo!" Muli niya akong iniwan na hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataong sagotin ang kanyang mga katanungan. Napaupo ako sa sala na umiiyak dahil sa nangyari. Iyak lang ako ng iyak, tulad noon walang kakampi simula nang maikasal si Ate Miles. Naramdaman ko nalang ang isang hagod sa aking likoran, inangat ko ang aking mukha at nakita si Manang Lusing na maluha-luhang tinignan ako. Wala pasabing niyakap ko si Manang Lusing dahil sa bigat na aking nararamdaman.

"Tahan na Ma'am." Mahinang hinihimas ni Manang ang aking likoran.

"Alam ko namang mali ako Manang eh, mali ako pero kailangan lang ni Joaquin ang tulong ko."

"Alam ko pong likas na mabait kayo Ma'am at ayaw ko rin ho kayong husgahan sa pag tulong nyo ho kay Sir Joaquin."

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko Manang eh, mahal ko po si Joaquin pero hindi ko kayang masira ang kung ano mang meron kami ni Jairus." Saad ko sa gitna ng aking paghahagulhol.

"Kung totoo mang may nararamdaman pa ho kayo kay Sir Joaquin, siguro po ay mas mabuti pong e tigil nyo na ang pakikipagkita sa kanya."

Nabigla ako sa pahayag sa akin ni Manang Lusing, ito ang unang pagkakataong napagsabihan niya ako tungkol dito. Napakalas ako sa yakap ko sa kanya at tinignan siya. "B-bakit po? Wala naman ho atang mali sa ginagawa ko."

"Kailan man, hindi ho naging mali ang pagtulong pero kasal na ho kayo ma'am. Ayaw ko po sanang makialam sa inyong mag-asawa pero nakikita ko po kung paano kayo tignan ni Sir Jairus noon at kung paano po nyo siya tignan. Nakita ko ho kung gaano kayo nasaktan kasama ang Papa mo at ngayon ko lang nakitang malaya mong nagagawa ang lahat ng gustohin mo." Hinawakan ni Manang Lusing ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa aking mga mata. "Wala ho ako sa posisyong pagbawalan ka sa gusto mong gawin pero kung iisipin mo Ma'am ang katotohanan lang na may nararamdaman ka pa kay Sir Joaquin at pinupuntahan nyo siya ng palihim ay mali na. Mali dahil mahal mo siya."

Sa patuloy na pagsasalita ni Manang, napapaisip ako kung tunay nga bang parehas lang ang nararamdaman ko noon kay Joaquin. Alam kong may nagiba na, iba na.

"Isipin nyo po Ma'am kung ano ba talaga ang tunay na pakay nyo kung bakit mo ito nagawa. Alam kong nakonsenya ka Ma'am dahilan para ito'y inyong e lihim."

Ngayon hindi lang takot ang nararamdaman ko, kundi pagkalito narin.

Continue Reading

You'll Also Like

61.9K 1.3K 40
There was a guy who despise the NERDS and there was a lady she is preety, she is smart, silent evil, and the most she is a NERD in her form, in what...
134K 3.4K 45
She's beautiful,clever,a rich kid, cool she's almost perfect but she hates pink, girly dresses, cute high heels, in short she's kinda boyish, will l...
38.1K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
94.6K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...