Contract with the Young Maste...

By heyitsmejesika

102K 3K 65

TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If... More

DISCLAIMER
CONTRACT WITH THE YOUNG MASTER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 29

1.2K 35 0
By heyitsmejesika

CHAPTER 29

TULUYANG nanlambot ang aking magkabilang binti nang dumako ang tingin sa akin ni Travis.

"Let her go, Tyron!" Utos ni Travis nang hindi inaalis ang paningin sa akin. He's staring at me blankly. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip n'ya sa akin at sa eksenang naabutan.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Gusto ko ring tadyakan ng ilang beses si Tyron dahil sa kalokohang ginawa.

P-paano... paano na lang kung mag-isip ng kung ano ang boss ko sa nakita n'ya. AAHHHHH!!! Jinjja!

Kailangan kong magpaliwanag!

"S-sir Boss..."

Pinutol n'ya ang pagsasalita ko. Binalingan ang pinsan ng masamang tingin at hindi ako pinansin.

"I said... let her f*cking go and f*ck off your f*cking lust and thirst, Sec!"

Napapikit ako. Natakpan ko rin ang magkabilang tainga dahil da lakas ng boses ni Travis. Umalingawngaw sa buong kwarto at hallway ang nakakatakot at malamig n'yang boses. Naging dahilan iyon para dagling mabitawan ang braso ko ni Tyron.

Pero teka... ano raw? Sec? Bakit naging Sec ang pangalan ni Tyron eh samantalang hindi naman iyon ang itinawag n'ya rito kanina.

"Sir Boss, that's not what you think it is. Nagkakamali po kayo ng akala. Napagtripan lan—"

"Control your damn thirst, or else..." pahayag nito sa pinsan.

Sa pangalawang pagkakataon sa oras na ito ay muli na naman n'yang pinutol ang pagpapaliwanag ko.

At ano bang pinagsasabi n'ya na thirst kay Tyron? Nauuhaw ba ang pinsan n'ya? Eh dapat sinabi na lang nito na kailangan pala n'ya ng tubig kanina at hindi na ginawa iyong ginawa n'ya.

Mukhang galit tuloy si Travis.

Pero...

Bakit nga ba naparito ang boss ko? At kailan pa ito nagpunta rito sa hacienda?

Natigil ang pag-iisip ko nang maramdaman ang malamig na palad ni Travis sa aking braso. Napapitlag ako nang dahil doon. Nahalata n'ya yata ang pagkabigla ko kaya tiningnan n'ya akong saglit.

"T-travis... b-bakit ang lamig ng kamay mo?" Nagtatakang tanong ko.

Pero imbes na sagutin hinila na lang n'ya ako palabas ng kwarto. Iniwan namin si Tyron na nakakunot ang noo sa inasta ng pinsan.

Kahit ako ay nagtataka rin.

"Travis bakit nandito ka? Kanina ka pa ba? May kailangan ka ba? Uuwi na ba ako sa Villa? Malapit nang dumilim, pwedeng bukas na lang tayo bumalik?"

Sunod-sunod ang naging tanong ko ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi n'ya sinagot. Patuloy lang n'ya akong hinihila pababa ng hagdan.

"Hoy, Travis!"

Nang makarating kami sa salas ng mansion ay tumigil na rin s'ya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Pinauwi ko na si Migs, kaya ako nandito. Nalaman ko rin ang nangyari sa'yo kaninang umaga. Sa susunod hindi na kita pababalikin—"

"Hindi na mauulit ang nangyari. Naaliw lang talaga ako sa lugar kaya nakaligtaan ko ang pagsunod kay Kuya Migs. Hindi na iyon mauulit, promise! Kabisado ko na ang daan paparito at palabas ng gubat, kaya..."

Nakagat ko ang ibabang labi.

"Kaya pwede bang bumalik ulit dito? Sige na, Travis! Minsan lang ako lumabas eh, tuwing may pasok lang."

"Arissa—"

"Kung tungkol ito sa naabutan at nakita mo sa kwarto ni Tyron, pwes magpapaliwanag ako."

"Ari—"

"Hep, hep, hep! Ako muna! Wala naman iyong nakita mo, dapat titingnan ko lang talaga si Tyron no'n. Galing kami sa bukid para magdala ng pananghalian ng mga trabahador, nagpaiwan naman dito si Tyron. Kaya pagbalik namin ni Kuya Migs ay umakyat agad ako para tingnan s'ya. Ilang beses na akong kumatok pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. Iyon lang. At iyong naabutan mo, hindi ko alam kung bakit ginawa iyon ni Tyron. Nagulat din ako. Sorry na, hindi na mauulit."

Travis crossed his arms under his chest then looked at me intently. Pakiramdam ko ay binabasa n'ya ang nasa isip ko dahil sa paraan ng pagtitig n'ya sa akin.

"You didn't gave me a chance to talk, eh? Alam mo ba kung anong dapat na sasabihin ko?"

I bit my lower lip bago umiling.

"See? Ang dami mong sinabi pero hindi mo naman pala alam? As what I'm saying awhile ago bago mo ako putulin, sa susunod ay hhindi na kita papupuntahin dito sa hacienda ng hindi ako ang kasama mo. Rocus and his team are dangerous for you to encounter them. Kaya kung gusto mong mamasyal dito, just tell me. And I will make some time para samahan ka. Do you understand, Arissa?"

Para akong nabingi sa narinig.

Totoo ba ang narinig ko? Nanggaling talaga iyon sa kanya?

Totoo nga na may himala!

Dahil ang kabaitan ngayon ni Travis at ang konsiderasyon n'ya ay isang himala para sa akin. Akala ko pagagalitan n'ya ako o di kaya naman ay hindi na pababalikin dito sa hacienda, ngunit nagkamali ako.

Ang mumunting ngiti sa aking labi na gustong kumawala ay hindi ko na napagilan.

"Why are you smiling, hmm? Did I make your heart flutter?"

Ngunit ang ngiti na iyon ay bigla na lang naglaho dahil sa kanyang sinabi. Napairap ako ng makita ang unti-unting pag-angat ng kanyang labi para maging isang nakalolokong ngisi.

"Ang yabang. Bakit may mapa-flutter ang heart ko sa sinabi mo? Si Kim Taehyung ka ba? Si Park Hyungsik ka ba? Hindi ka naman korean oppa kaya, navah!"

I heard his mocking laugh na nagpairap ulit sa akin.

Akala ko bumabait na s'ya iyon pala may kayabangan pa palang kasama. HMP!

"Hindi ko na kailangang maging korean oppa para pakiligin ka."

Huh! ASA!

Inisang hakbang n'ya ang pagitan naming dalawa. Muntik na akong mapaatras dahil sa paglapit n'ya, buti na lang mabilis n'yang naipulupot ang dalawang braso sa bewang ko. Dahilan para makaramdam ako ng kung anong gustong kumakawala sa loob aking tiyan.

Sh*t!

I even felt my heart beat faster. Tila nakipagkarera ako sa isandaang kabayo dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. At kung magpapatuloy pa ito, baka lumabas na ang puso ko sa aking dibdib.

At mas lalong ayokong marinig ni Travis ang kabog niyon.

Kanina nang gawin ito ni Tyron ay wala akong ibang naramdaman, pero bakit ngayon? Bakit ngayong si Travis na ang nakayakap sa bewang ko, ngayong ang lapit n'ya sa akin, ngayong halos wala ng space sa pagitan naming dalawa, bakit ngayon ako nakakaramdam ng ganito?

Bakit?

"Hindi ko na kailangang maging korean oppa para lang makikigin ka. Alam mo ba kung bakit?"

Kahit na kinakabahan at nauutal ay nagawa ko pa ring itanong. "B-bakit?"

"Because I know, my presense is enough to make your heart flutter, Arissa."

Tama s'ya! Simula pa lang... kahit ang presensya n'ya ay nasa malayo pa lang, ramdam ko na iyon. Kapag nasa malapit s'ya, kakaibang pakiramdam na ang namumutawi sa aking sistema.

Paano pa kaya kung ganito kalapit na?!

"At iyong naabutan ko sa kwarto ng pinsan ko, wala akong pake roon. Pero sa susunod, ayoko nang makitang ganoon kalapit si Tyron sa'yo , o kahit si Sage pa. Ang gusto ko... "

Napakapit ako sa balikat n'ya ng mas lalo lang n'ya akong inilapit sa kanya.

"Ang gusto ko, ako lang ang nakakalapit ng ganito sa'yo."

Napaawang ang labi ko. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil doon.

Sir Boss, huwag kang pa-fall.

Ramdam na ramdam ko na ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Ang pagkabog ng puso ko sa kaba at the same time ay... kilig?

I don't know...

Ngayon ko lang naman ito naramdaman. Sa kanya lang!

MATAPOS ang ginawang pagpapakikig sa akin ni Travis kanina sa salas ng mansion, ay iniwan na lang n'ya ako ng walang pasabi.

Kahit wala na s'ya ay ramdam ko pa rin ang lapit ng katawan n'ya sa aking katawan. Pati na rin ang malakas na kabog ng aking dibdib ay ilang oras ko rin yatang pinakalma.

Pero syempre, hindi ako aamin.

Hinding hindi ako aamin sa kanya. Ano s'ya? Sinuswerte? Duh!

Gusto ko pa kasing i-confirm if ito bang nararamdaman ko ay totoo. Baka kasi ini-echos lang ako dahil first time ko ngang magkagusto sa isang lalaki, na hindi naman korean oppa or k-pop idol.

At isa pa, ang sungit ng boss ko tapos ang sama pa ng ugali, kaya bakit ako magkakagusto sa kanya? Oo na't gwapo, mayaman at hot talaga s'ya, walang babaeng hindi maaattract, pero kasi...

Boss ko s'ya at sekretarya lang ako.

Ayokong mawalang ng trabaho dahil sa feelings na ito. Isa iyon sa ipinagbabawal na utos simula ng pasukin ko ang kontratang ito.

Bawal talaga.

Bawal.

Pero...

Masarap gawin ang bawal.

Dumating ang hapunan ay hindi ko na nakita pang lumabas ng kwarto n'ya si Tyron. Ewan ko kung dahil sa takot n'yang suwayin ang pinsan o baka masama pa rin ang pakiramdam.  Pero kanina ay okay naman na s'ya, nakaligo na nga eh.

Kahit si Travis ay hindi ko rin nakita sa ilang oras na lumipas. Hindi ko alam kung saan iyon nagpunta.

Siguro, binisita ang taniman.

Wala naman akong mapagtanungan dahil nakauwi na si Kuya Migs kanina. Hindi naman ako makalabas ng mansion dahil baka makasalubong ko pa s'ya at mapagalitan pa ako.

Habang hinihintay sila nagluto na lang ako ng dinner naming tatlo. Nasa kalagitnaan na ako ng paghahain nang nakarinig ako ng nagbukas ng pinto.

Tinigil ko muna saglit ang paghahain at agad na tumakbo pasilip sa pintuan ng kusina. Nakita kong papaakyat na ng hagdan si Travis kaya dali-dali akong lumabas ng kusina at tinakbo ang pagitan namin.

"Travis!" sigaw ko.

Ngunit hindi yata ako nito narinig at tuloy lamang sa paglakad.

"Travis sandali lang!"

Malayo ang kusina sa salas ng mansion na kung saan naroroon ang hagdan paakyat sa second floor. Hiningal ako sa ginawa kong pagtakbo kaya tumigil ako saglit.

Nang makahinga ako ng ilang beses ay muli akong sumigaw.

"Sir Boss teka lang naman! Tumigil ka nga muna, alam kong naririnig mo'ko."

Sa wakas ay tumigil din ito. Pagkatapos ay humarap sa akin at pinakatitigan ako, na sana hindi na lang n'ya ginawa dahil tinutunaw ako ng berde nitong mga mata.

"Sir Boss? Kanina lang tinawag mo na ako sa pangalan ko, ah. Hindi ba usapan natin—"

This time ako naman ang pumutol sa kanyang pagsasalita.

"Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig. Tsaka, bakit big deal ang hindi ko pagtawag sa'yo ng pangalan mo? Wala ka namang rule tungkol doon, 'di ba? Anong meron, Travis?"

Pero dahil sa ginawa kong iyon, I saw how his eyes' color changed into another one. Sa isang iglap lang ay nagbago ang kulay ng kanyang mata. Ang kaninang kulay berdeng mata na animo'y kagubatan sa ganda ay bigla na lang naging kulay ginto. Kulay ginto na para bang ako ay pinapaso.

Ano 'yon?

Namamalik-mata na naman ba ako? Pero alam kong hindi, dahil kitang kita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga iyon sa harapan ko pa mismo.

"T-travis... i-iyong m-mata mo..."

At sa isang iglap, sa unang pagkakataon, nakita ng dalawang mata ko kung paano s'ya nawala sa aking harapan na parang bula.

Hindi ako basta namamalik-mata. Hindi rin ako naeengkanto lang. Totoong nangyari iyon ngayon. Nawala si Travis sa aking harapan.

Halos panawan ako ng ulirat sa nasaksihan.

"P-pap.. p-papaanong nangyari 'yon?"

Napahawak ako sa railings ng hagdan. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon sure ako na tutumba ako. Nakatitig lang ako sa pwesto ni Travis kanina nang bago s'ya mawala.

Unti-unti ko na bang nasasaksihan ang misteryo na bumabalot sa lugar na ito?

O misteryong kumukubli sa tunay na pagkatao ng pamilyang pinagtatrabahuhan ko?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...
288K 7.5K 54
|COMPLETE| BODYGUARD SERIES 1 Matthew Luke Z Chavez Isang anak ng mag asawang Bilyonaryo Mabait (daw?)Gwapo perfect nasa kanya na ang lahat Pero ma...
118K 3.2K 26
It's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...