A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 65.1K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 35

70.7K 3K 3.2K
By Maria_CarCat

Teritory





Hindi din klaro sa akin ang sinabi ni Mr. Luis Villareal, pero mas natuon ang aking pansin sa pagkadismaya sa mukha ni Hunter dahil hindi makuha ang gusto niya. Ganoon ba kadami ang pera niya kaya ginawa niyang hobby ang pagbili ng mga shares sa iba't-ibang company?

Dahil sa na-isip tungkol sa kanya ay wala sa sarili na lamang akong napa-irap. Lately, everything about him irritates me. Kung hindi ko lang nakikita ang mukha ni Hermes sa kanya ay never na talaga akong titingin.

"But we can't bring an offer down, lalo na't isang Jimenez na ang lumalapit sa atin. We can still talk about some other offers sa taas...sa office ko," pag singit ni Sir Zanjo Vergara.

Mula sa akin ay inilipat ni Hunter ang tingin sa dalawa, ganoon din ang ginawa ko. Hindi pa din natanggal ang ngisi sa labi ni Sir Luis.

"We'll go first then," pagsingit ni Architect Fontillian.

Tumango ang dalawa at nilingon ako. Matamis ang ngiti nila sa akin, minsan ay nagdududa na ako sa ipinapakita nilang kabaitan. Mas sanay na ata akong ayaw ng mga nakapaligid ko sa akin.

"See you around, Hija..." Sir Luis said this time.

Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa. Sa kanilang dalawa lang.

Matapos naming bumili ng breakfast sa may cafeteria ay bumalik na din kami sa office. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho kahit ang totoo ay mukhang lumilipad ang isip ko papunta sa office sa itaas.

Bakit ba hindi na lang manahimik si Hunter sa companya nila. Lahat na lang ba ng companya ay gusto niyang may shares siya? Akala mo kulang sa aruga, e.

I'm still thankful na hindi na ulit kami nagkita pa ng araw na 'yon. Umuwi kaagad ako galing sa trabaho, kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko ay hindi ko naman talaga gustong iwanan si Hartemis. May tiwala ako kay Kuya Wil...pero kay Ate Monica, hindi ko alam.

"Darating ang mga anak mo bukas, saan mo papatuligin ang mga 'yon? Sa sahig sa may sala?"

'Yon kaagad ang narinig ko pagka-uwi ko.

"Sa kwarto natin, kasya naman tayong apat do'n," sagot ni Kuya Wil sa kanya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, matapos kasing magsalita ni Kuya Wil ay narinig ko ang ingay ni Hartemis na para bang nakikipag-usap din siya sa mga ito.

"Oh, di ba? Buti pa si Hartemis namin...matalino," pagkausap ni Kuya Wil sa baby ko.

"Oh, ako? Bobo ako, ganoon ba?" inis na tanong ni Ate Monica.

Hindi kaagad nakasagot si Kuya Wil sa asawa.

"Monica, hindi na iba si Ahtisia at Hartemis sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila...nakalimutan mo na ba lahat ng naitulong nila sa atin?" pagpapa-intindi ni Kuya Wil dito.

"Wilfredo, hindi habang buhay...magbabayad ka ng utang na loob. Oo na't malaki ang utang na loob mo, pero isipin mo naman, sobrang hirap ng buhay ngayon," giit ni Ate Monica.

Naiintindihan ko naman ang point niya.

Hindi na nakasagot pa si Kuya Wil. Si Hartemis na ang sumagot para sa kanya. Baby naman, nakikisali ka na sa usapan ng mga matatanda.

"Masikip na tayo dito. Yung kwarto nila...para 'yon sa mga anak mo. Dalaga na ang mga anak mo, gusto mong matulog sa may sala?" pinal na sabi ni Ate Monica.

"Edi, tayong dalawa na lang ang matulog sa may sala," suwestyon pa ni Kuya Wil sa asawa.

"Hay naku, Wilfredo!"

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako kumatok. Pinagmukha kong kararating ko lang para naman hindi mag-alala si Kuya Wil sa akin pag nalaman niyang narinig ko ang lahat ng 'yon.

"Andyan na si Mommy!" rinig kong sabi niya kay Hartemis.

Sinalubong kaagad nila akong dalawa pagkapasok ko. Tumili ang baby ko ng makita niya ako. She missed me so much, ganoon din naman ako sa kanya.

Kinuha ni Kuya Wil ang grocery bags na dala ko bago niya inabot si Hartemis sa akin. Natawa ako ng mabilis siyang yumakap sa leeg ko at pinaghahalikan ako sa pisngi.

My sweet Hartemis.

Hindi ko na muna ipina-alam kay Kuya Wil na alam ko na ang pinag-usapan nilang mag-asawa. I know that it's hard for him to say it. Ayoko din naman na nai-ipit si Kuya Wil sa amin. He should always choose his familys side.

Saktong nagkaroon ng vacant apartment sa tabi namin kaya naman kaagad ko 'yong kinuha bago pa man dumating ang mga anak nila. Ayaw pa sana ni Kuya Wil but I insisted. That's better na din para hindi na lumala pa ang galit ni Ate Monica sa amin.

I also met Lucy and Dawn, sa mga anak ni Kuya Wil ay sila na lang ang wala pang pamilya. Ramdam kong hindi sila kagaya ni Ate Monica na mainit kaagad ang dugo sa amin ng Baby ko. Mukhang nagmana sila kay Kuya Wil, but I can't judge Ate Monica just like that. I think kulang lang kami sa communication.

I can't just judge people easily. Sa lahat ng pinagdaanan ko ay 'yon ang natutunan ko.

Nabawasan din ang isipin ko when I saw na naging comfortable kaagad si Hartemis sa kanilang dalawa. My baby knows din ata kung gusto siya o hindi ng isang tao. Umiiyak kasi siya kadalasan pag malapit siya kay Ate Monica.

"Good morning, Engineer."

I always received a greeting from my co-worker. Though it's a normal set-up naman sa isang workplace. I just feel like it's something that will lift your mood to start your work pag feel mong tanggap ka sa workplace mo.

I never feel this kind of appreciation for the very long time.

"I'm done with the design," pagbibida ni Architect Fontillian sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay bago bumaba ang tingin ko sa hawak niyang blueprint.

Sandaling nagtagal ang tingin ko sa bawat details na ginawa niya. Wala akong masabi, he really is good at both field.

"What can you say?" excited na tanong niya. Palagi siyang excited sa sasabihin ko. He's very interested in my every opinion.

Napangiwi muna ako bago tipid na tumawa.

"An Architect's dream is an engineer's nightmare," sabi ko sa sikat na quote na palagi kong naririnig way back in college sa mga professor namin.

Tumawa si Architect Fontillian. Nagustuhan ko din ang design niya. Ang kailangan na lang naming gawin ay i-present 'yon kay Ma'am Chatterly.

Bumaba ako sa may ground floor ng building kung saan may mga ATM machine. I heard na may online class si Dawn, ang bunsong anak ni Kuya Wil. Namo-morblema sila sa gagamitin nitong gadget kaya naman na-isip kong bilhan siya...I have naman an extra.

Halos mapatulala ako sa screen when I saw my account balance. Saan nanggaling ang ganoon kalaking halaga ng pera? It's huge.

Imbes na galawin 'yon ay bumalik kaagad ako sa table ko to check my bank history. Alam kong may pumasok na pera from Aragrev for my allowance. Pero sinong magbibigay ng allowance na worth a million?

"Sinong pwede kong kausapin when it come to...Uhm, sahod? Allowance?" tanong ko kay Emma.

Itinigil kaagad niya ang ginagawa niya to focus on my concern.

"Bakit po? Kulang po ba yung dumating sa account niyo?" tanong niya na mas lalong ikinalaglag ng panga ko.

She insisted na walang mali, I insisted na meron. Naabutan kami ni Mr. Luis Villareal na naguusap.

"That's yours, Hija. Enjoy and buy everything you want...you need," he said.

"But..."

Tipid siyang ngumiti sa akin. "You deserve it."

"But why do I deserve it?" naguguluhang tanong ko.

He tapped my head na para bang I'm someone na pamangkin niya or something.

"Because you are Ahtisia Amelie," magulo pa ding sagot niya sa akin.

I need money, kailangan namin 'yon ni Hartemis. Pero gusto kong gumastos gamit ang pna pinaghirapan ko.

"Isipin niyo na lang po advance payment 'yan sa buong project niyo," nakangiting sabi ni Emma sa akin.

Tipid akong ngumiti. Everything about here seems weird.

Nag-withraw lang ako ng sapat na halaga na kailangan ko. Hindi ko pa din alam kung kaya kong gastusin ang pera na 'yon kahit may confirmation na from Sir Luis na walang mali.

"Do you want a tea?" tanong ng kararating lang na si Architect Fonatillian.

Nasa laptop ko ang focus ko para maghanap ng gadget na pwede kong bilhin for Dawn.

"No thanks, may coffee na ako," sagot ko sa kanya at itinuro pa ang nangangalahating tasa ng kape sa tabi ko.

Tumawa siya kaya naman nilingon ko.

"Not the real tea...damn, ang inosente mo naman," he said kaya naman kumunot ang noo ko.

Nilingon niya ako when he confirmed na wala talaga akong ma-intindihan ay tumango siya.

"Ok, I get it."

Umayos siya ng tayo sa harapan ng table ko. Nakalahad ang magkabilang kamay niya dito kaya naman akala mo kung sino siyang nagf-flex ng muscle sa harapan ko.

"Tea...as in chismis," he said. Kailan pa naging tea ang chismis?

Hindi pa din ako umimik kaya naman siya na ang sumuko.

"Tumanggap ng project si Engr. Jimenez sa Villaver," he said kaya naman halos malukot ang mukha ko.

"Villaver?"

"Villaver real estate. Engineer ng bagong building. Normal na Engineer...no special treatment," he said na para bang natatawa siya at hindi makapaniwala.

"At bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ko.

Nagkibit balikat ito. "Baka bored," he said.

"Bored?"

Ipinagsawalang bahala ko na lang, kahit ang totoo ay hindi 'yon mawala sa isip ko. Ang mahalaga ay magkaiba naman kami ng project. Walang rason para magkita kami dito araw-araw. Wala ding rason para makapag-usap kami.

"You need a car, Hija?" tanong ni Ma'am Chatterly sa akin after ng meeting namin with her.

"P-po?"

"Para hindi ka na sumasabay palagi kay Architect Fontallian," she said at halatang inaasar pa ang kasama ko.

"Hindi na po. Malapit lang naman po ang tinitirhan namin ng baby ko dito," sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

"Baby you mean..."

Matamis akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagawa ko pang ilabas ang phone ko para ipakita sa kanya si Hartemis.

Nagtagal ang tingin ni Ma'am Chatterly doon. Nilingon ko si Architect Fontillian na nakadungaw din sa phone ko, chismoso.

"Ang ganda niya...kamukha mo," sabi ni Ma'am Chatterly.

Tipid akong ngumiti, pero nagtaka din ng makita ko kung paano siya naging emosyonal when she knew about my baby.

"Ang laki mo na talaga...hindi ka na talaga bata," she said na para bang may na-aaala siya or something.

Tahimik maging si Architect Fontillian habang pabalik kami sa office.

"M-may kamukha yung baby mo," sabi niya out of nowhere.

Ngumisi ako. "Syempre...Ako," sagot ko sa kanya.

Marahan siyang umiling, kumunot ang noo na para bang kanina pa niya iniisip kung sino ang kamukha ni Hartemis.

"Ako lang naman ang kamukha ng baby ko, wala ng iba," sabi ko sa kanya.

Habang lumalaki si Hartemis ay mas lalong pansin ang resemblance nil ani Hunter. Hindi mapagkakailang Jimenez siya.

Excited akong umuwi ng araw na 'yon para ibigay kay Dawn ang pasalubong ko. Iba ang saya at excitement pag ikaw ang nagbibigay ng regalo sa ibang tao. Para bang may excited pa ako sa kanya.

"Kuya Wil?" gulat na tanong ko nang makita kong nasa may kanto siya, mukhang kanina pa ako hinihintay.

Mas lalo akong nagulat ng sabihin niya sa aking may bisita ako. Masyado bang maliit ang mundo para hindi ko matakasan ang mga taong gusto kong iwasan?

Pero nang makita ko si Daddy ay wala akong nagawa kundi ang umiyak at yakapin siya.

"Ang tagal kitang hinanap. Saan ka ba nagsususuot na bata ka?"

Mahigpit ang yakap ko sa kanya kahit pa karga niya si Hartemis.

"Hindi ko pa po pwedeng madalaw si Mommy sa presinto, I can't even afford a lawyer for her," umiiyak na kwento ko sa kanya.

He keeps on saying sorry for everything that happened.

"Sumama na kayo sa akin ni Hartemis. Pumayag si Cleo, walang kaso sa kanya..." he said pero umiling ako.

I can do it my own, kaya ko na 'to na ako lang mag-isa para sa amin ni Hartemis.

"Ayoko na pong makagulo pa sa inyo. Matagal kayong nangulila kay Tita Cleo at Ate Alihilani. You deserve your family time..."

"Ahtisia...anak pa din kita. Parte ka ng pamilya," he said.

Habang karga ni Daddy Arnaldo si Hartemis ay nakaharap 'to sa akin. Nakatingin lang sa akin ang baby ko na para bang alam niyang umiiyak ako. Dahil doon ay tipid akong ngumiti, marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ayokong makita niya akong ganito.

I stand firm with my decision, I appreciate their invite, lalo na kay Tita Cleo at Ate Alihilani, hindi madali para sa kanila ang desisyon na 'to.

"Habang nasa trabaho ka pwedeng kami muna ang mag-alaga kay Hartemis. Wala naman kaming ginagawa ng Tita mo," he said.

Nakita ko ang higpit ng yakap ni Hartemis kay Daddy. I know naman na she misses her Lolo. Pumayag ako na isama ni Daddy si Hartemis minsan sa kanila sa tuwing nasa trabaho ako. Hindi pabor si Kuya Wil, pero mukhang nagustuhan 'yon ni Ate Monica.

"Four small chandeliers and isang malaki sa gitna."

Tumango ako sa gustong ipa-visualize ni Architect Fontillian sa akin. Napanguso pa ako ng mag-doodle siya ng mga bilog sa bond paper, simpleng mga bilog at medyo magulo pa, pero nagkakaintindihan naman kami.

"Small circle, small circle, big circle..." natatawang sabi niya ng magkaintindihan na kami at pinaglaruan na lang niya ang scratch paper.

Natigil ang pagtawa niya dahil sa pag-irap ko ng mapansin namin ang grupo ng ibang Engineers, mukhang galing sila sa conference room.

"Mga Engineer sa Villaver," sabi ng kasama ko.

Humalukipkip siya at preskong umupo sa lamesa ko. Tinapik ko ang braso niya.

"Upuan ba 'yan?" masungit na sabi ko.

Mang-aasar pa sana siya ng pareho kaming matigilan nang makita naming sa kumpol na 'yon si Hunter. Nakikipagsalamuha siya sa iba na para bang normal na Engineer siya, kagaya nga ng sabi ni Architect Fontallian...walang special treatment kahit pa Jimenez siya.

Nasa hallway sila sa labas ng department naming pero ang mga mata niya ay kaagad na napako sa amin. Halos tumagos sa glass wall ang tingin niya. Sinimangutan ko ang kasama ko nang itaas niya ang kamay niya para kumaway dito.

"Feeling close ako," puna niya din sa sarili niya.

"Buti alam mo," pagsang-ayon ko.

Kaagad siyang nagpaliwanag. Mabait lang daw talaga siya sa mga ka-trabaho pero duda ako.

Sabay kaming naglunch ni Architect Fontallian, bago 'yon ay dinaanan muna namin si Emma, noong una ay nahihiya pa siyang sumabay sa amin. Mukhang nahihiya siya hindi sa akin kundi sa kasama ko.

"JC!" tawag ng isang Engineer mula sa Villaver sa kasama namin.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong grupo nila 'yon, at nandoon si Hunter. Matalim ang tingin niya sa kasama ko, matapos ay lumipat ang tingin niya sa akin pero wala akong pakialam.

"Ang walang galang..." nakangising sabi ni Architect Fontallian at kaagad na itinaas ang middle finger niya sa kaibigan kaya naman nagtawanan sila.

Napailing na lang ako at niyaya na si Emma na pumunta sa counter para pumili ng pagkain namin.

"Doon tayo umupo sa kanila," yaya ni Architect sa amin.

"Ayoko," giit ko na ikinagulat niya.

"Bakit? May iniiwasan ka ba do'n?" tanong niya.

Kung mayroon man dapat umiwas...hindi ako 'yon. Ako ang nauna dito, teritoryo ko 'to. Siya ang umiwas kung gusto niya.

Marahan akong umiling. Ipakita mo sa kanya Athisia na hindi ka apektado.

Tumuloy kami sa katabing lamesa ng mga Engineer mula sa Villaver project. Ramdam ko ang tingin ni Hunter sa akin, pero hindi ko siya pinagbigyan.

"Paborito mo 'yang meatballs noh?" tanong ni Architect Fontillian sa akin.

Hindi ako sumagot, tipid na tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nagtagal ang tingin niya doon kaya bumaba ang tingin ko sa limang pirasong meatballs na nasa plato ko.

"Try mo din," sabi ko at inilipat ang isa sa plato niya.

Nag-ubuhan ang mga kakilala niya dahil sa kung ano pero hindi ko pinansin. Napansin ko sa peripheral vision ko na may tumayo mula sa kanila pero hindi ko kinumpirma kung sino.

Mag-uumpisa na sana akong kumain ng mapansin kong wala akong sabaw, nakalimutan at ani Ate na lagyan ang tray ko.

Patayo na sana ako para bumalik sa may counter ng halos mabingi kaming lahat sa katahimikan ng may naglapag ng mangkok ng sabaw sa harapan ko.

Tiningala ko kung sino 'yon. Ganoon na lamang ang gulat ko...si Hunter.

"You forgot," he said bago siya bumalik sa pwesto niya.

Hindi magawang maubo ng mga kasama namin kaya naman pinilit na lang nilang matahimik at magkunwaring walang nakita.

Nagtaas ng kilay si Arhcitect Fontillian sa akin, imbes na bigyang pansin 'yon ay hindi ko na ginawa pang big deal.

"Lumamig na yung sabaw, kakainin mo ba 'yan?" tanong niya habang kumakain kami.

It's tempting, pag wala kasing sabaw ay pakiramdam ko sobrang dry ng kinakain ko. Ayokong madamay ang sabaw, pero ayoko ding bigyan ng satisfaction yung isa diyan.

"Sa'yo na," sabi ko sa kanya na kaagad niyang kinuha.

May tumikhim sa kabilang table. Hindi nagtagal ay tumayo siya at umalis ng walang paalam. Ni hindi ma lang nagpaala sa mga kasama. Dinadala niya pagiging Jimenez niya dito...hindi niya 'to teritoryo.

Bumalik kami sa trabaho matapos ang lunch. Malapit sa headquarters namin ang office room ng mga taga Villaver. Meaning...more encounter with that Jimenez is very possible.

Bandang hapon ng makaramdam ako ng antok kaya naman naisip kong kumuha ng kape sa may pantry. Halos bumigat ang talukap ng mata ko dahil sa antok, habang naglalakad ay kinamusta ko si Hartemis kay Daddy Arnaldo.

Walang tao sa may pantry kaya naman dumiretso kaagad ako sa coffee machine para magsalin ng sa akin.

Abala ako sa pagtitipa ng message nang maramdaman kong may pumasok sa may pantry. Hindi ko na sana papansinin hanggang sa maramdaman kong lumapit siya mismo sa tabi ko.

Wala sa sarili ko siyang nilingon, hanggang sa manlaki ang mata ko ng makita kong si Hunter 'yon. Sa gulat ay hindi na ako nakagalaw ng itukod niya ang magkabilang kamay sa may counter dahilan para makulong ako sa gitna niya.

"I really hate that Fontillian," he said. Umigting pa ang panga.

"Umalis ka nga diyan," pagtataboy ko sa kanya.

Gamit ang hintuturo ko ay sinubukan kong itulak siya kahit impossible 'yon. Ayoko lang hawakan siya.

Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ko. Para bang ang simpleng pagtulak ko sa kanya gamit ang hintuturo ko ay may malaking apekto.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga na lang. Matapos 'yon ay tiningnan niya ako.

"Wag ka munang dumalaw sa Mommy mo. Hindi pa din alam kung anong pwedeng gawin ni Yesha," he said.

"Sino ka naman para sundin ko?" matapang na sabi ko sa kanya.

Kahit ang totoo ay parang manghihina ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Halos maramdaman at maamoy ko ang hininga niya sa pisngi ko.

"One concerned ex..."

Tumalim ang tingin ko sa kanya.

"I don't need that half assed concern," matapang na sabi ko.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Hunter dahil sa lumabas sa bibig ko. Mula sa aking mata ay dahan dahang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya bago siya may kinuha sa bulsa niya. Umayos siya ng tayo at kinuha ang kamay ko.

Tumagal ang tingin ko sa inilagay niya do'n. Pamilyar ang bagay na 'yon. It's a car keys...of my mini cooper?

"I believe it's yours," he said.

"B-But..."

"I bought it for you," sagot niya sa hindi ko natapos na tanong.

Imbes na magpasalamat ay mas lalo akong nagalit sa kanya.

"Why?" madiing tanong ko.

"It's your first baby," he said.

Halos manginig ang mga labi ko dahil sa pagtitimpi. Padabog kong ibinalik sa kanya 'yon, ibinato ko sa dibdib niya, alam kong masakit 'yon pero walang kahit anong ipinakitang emosyon si Hunter.

"Tigilan mo na ako...pwede?"

Hindi siya naka-imik.

"Lumalayo na ako sa'yo...sa inyo. Bakit ba sunod ka ng sunod?" matapang na tanong ko.

Pumungay ang mga mata niya.

"Hindi ko din alam..." marahang sagot niya.

Tinabig ko siya. "Pwes, alamin mo. Wag ka ng lumapit sa akin...you disgust me," mariing sabi ko sa kanya.

Sa dami ng hinanakit ko kay Hunter ay 'yon na lang ang nasabi ko. I really hate him.

Pilit kong iniwasan siya. Hindi ako pupunta sa mga lugar na may possibility na ma-corner niya ako. Hindi naming siya kailangan sa buhay namin nina Hermes at Hartemis, at hinding hindi na din naming siya papapasukin pa.

I received a message from Hugo the next day. Pauwi na siya galing Iloilo at pupuntahan daw niya ako kaagad sa ayaw at sa gusto ko. He has his ways kaya naman alam kong alam na niya kung nasaan ako.

Pinagpaalam ni Daddy si Hartemis sa akin na dadalhin niya 'to sa kasal ni Ate Alihilani. He invites me too pero hindi ako pumunta. Bukod kasi sa madami akong trabaho ay nandoon ang mga Jimenez, I don't belong to that place. Si Hartemis, Oo. Pero hindi ako.

Halos wala kami ni Architect Fontallian sa office ng buong linggo, nasa may ancestral house kami nina Ma'am Chatterly para sa paguumpisa ng restoration.

"I wish to meet your daughter very soon," malambing na sabi niya sa akin.

Kaagad akong tumango. I won't hesitate na ipakilala sa kanya si Hartemis.

Nagkaroon din ng balita na may malaking problemang kinakaharap ngayon ang company ni Everette. I don't know the full detail, at hindi ko na din naman kailangan pang makialam doon.

"Uuwi ang Ate mo galing sa bakasyon nil ani Hobbes. Isasama ko si Hartemis sa dinner kung ayos lang..." paalam ni Daddy sa akin over phone.

Nasa kanila na si Hartemis, pero I really appreciate na ipinapaalam talaga niya sa akin kung saan nila dinadala si Hartemis. Wala naman kaso sa akin ang dinner kung si Ate Alihilani at Tita Cleo ang kasama.

"Wala pong problema, Daddy...medyo gagabihin din po kasi ako dito sa trabaho."

Matapos kong ibaba ang tawag ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang tingin ni Mr. Luis Villareal sa akin. Kumunot ang noo niya, parang may hindi nagustuhan sa mga sinabi ko.

Sa huli ay ngumiti na lang siya sa akin. Sa mga Vergara ang ancestral house na ginagawa namin, magpinsan sina Mr. Luis Villareal at Mr. Zanjo Vergara, that explains their closeness.

It's already past ten ng makauwi ako sa amin. Hinatid ako ni Architect Fontallian, he keeps insisting na ihatid ako hanggang sa apartment pero tinakot ko siyang mawawala ang isa sa gulong niya kung iiwan niya ang sasakyan niya.

I'm expecting na naihatid n ani Daddy si Hartemis kina Kuya Wil, pero iba ang naabutan kong naghihintay sa tapat ng apartment namin.

"Hindi ko alam kung bakit nandito 'yan," bungad sa akin ni Kuya Wil.

Sumama ang tingin ko sa tao sa likuran niya.

"Ako na pong bahala."

Ayaw pa sana akong iwanan ni Kuya Wil pero sa huli ay nirespeto niya ang gusto ko.

"Anong ginaga..." hindi natuloy ang tanong ko ng makita kong umiiyak siya.

Umiiyak si Hunter?

Lumapit siya sa akin, bumaba ang tingin ko sa mga hawak niyang papel. Kumunot ang noo ko ng makita kong litrato 'yon. Litrato ng pangalan ni Hermes sa puntod niya.

Halos namanhid ang buong katawan ko, unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

Lumapit siya sa akin, halos malukot ang hawak niyang papel.

"Yung anak natin...wala diyan di ba? Si Hermes, wala diyan..." emosyonal na sabi niya sa akin.

Halos lumagapak ang tunog ng palad ko sa pisngi ni Hunter. Sobrang sakit ng palad ko, alam kong mas masakit ang pisngi niya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Walang nagsabi sa akin. Hindi sinabi sa akin na kambal sila...na nawala yung isa..." sabi niya. Halos mabasag ang boses niya dahil sa pagiyak.

Muli ko siyang sinampal, pero nasaktan din ako. Hindi ko kayang saktan siya sa mukha dahil naaalala ko si Hermes.

"Hindi mo deserve ang mga baby ko!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para patigilin. Sinubukan niyang yumakap pero pinagtabuyan ko siya.

"I'm sorry. I'm sorry..." paulit ulit na sambit niya.

"Hindi mababalik ng sorry mo si Hermes!" madiing sabi ko.

Pinakalma ko ang sarili ko, matapang ko siyang hinarap. Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata.

Gusto ko siyang saktan in any possible way, gusto kong bumaon ang sakit, manuot hanggang sa hindi niya na din kayanin.

"Hindi mababalik ng sorry at pag-iyak mo...ang baby natin" sabi ko at pumiyok pa.

Mas lalo puminta ang sakit sa mukha ni Hunter.

"Ikaw ang unang tumalikod sa kanila. Ikaw ang unang nanakit sa kanila...hindi nila deserve ang ginawa mo, Hunter. Napaka walang kwenta mong ama!"

Hindi ko na mapigilan, gusto kong iparamdam kay Hunter ang lahat ng sakit na naranasan ng mga baby ko sa kanya.

Ilang beses siyang napamura habang umiiyak, hanggang sa halos yumakap siya sa bewang ko at dahan dahang lumuhod.

"I'm sorry...I'm sorry. Hindi ko alam..." paulit ulit na sabi niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa mga litratong dala niya. Hindi ko alam kung saan niya 'yon nakuha.

Hermes Terron S. Jimenez

Natigilan kami ng dumating si Daddy dala si Hartemis.

"Anong nangyayari...Hunter?" gulat na tanong niya.

Kaagad akong kumawala sa yakap niya.

Mabilis kong kinuha si Hartemis kay Daddy.

"Anong nangyayari..." naguguluhang tanong niya.

"Hindi na po babalik si Hartemis sa mga Jimenez," sabi ko kay Daddy.

Kaagad ko silang tinalikuran. Didiretso na sana ako papasok sa apartment namin ng humarang si Hunter sa daraanan namin.

"Let me hold her...please, Ahtisia. Let me hold my baby," pakiusap niya sa akin.

Pagak akong natawa. "Alam mo kung anong pwede mong gawin? Ihalo mo sa kape mo yung negative result ng DNA test para kabahan ka naman," nakangising suwestyon ko sa kanya.

"I'll do everything. Please...Please," pakiusap pa niya.

"Wag kang lalapit kay Hartemis. Hindi niya kailangan ng ama na kagaya mo," pinal na sabi ko sa kanya bago ko siya iniwang nakaluhod doon.





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

3K 126 34
Madrigal Brothers #2 Kobi - The childhood dream of Valkyrie Lein Aquino was different. She never once considered pursuing a career like being a docto...
128K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
437K 5.3K 21
Trixie Clarisse Reyes is a beautiful, rich and smart woman. She has everything any girl would dream of. Kuntento na siya sa buhay niya, she's happy p...
6.3M 116K 44
COMPLETED ✔️ PUBLISHED UNDER PHR LIB BARE Pomee Fuentez may be married to her first and only love, Chase Dri Grecco, but the ring on her finger mean...