Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.

15.5K 275 7
By taleswithelle

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Dumiretso si Roxanne paakyat sa apartment nila. Sumunod lang si Nikko. Hindi rin ito nagsasalita. Halatang kakabangon lang nito. Magulo pa ang buhok, bagamat bago ang damit na suot.

"Roxanne, let's talk." Sabi nito ng makapasok na sila'ng dalawa.

Si Yna naman na kasalukuyan na naglalaba sa lababo ay nagulat ng pumasok ang dalawa.

"Ano ba pag uusapan natin?" Umupo sya sa kama nila at nag tanggal ng sapatos.

"We made love last night and you were acting as if I don't exist!" Bulalas nito.

Yna's jaw literally dropped. Nanlaki rin ang mga mata nito, napatigil sa ginagawa at tila naghihintay ng sasabihin nya.

Napakagat labi sya. "Lasing ka nun, okay. It's not your fault. Hindi naman ako maghahabol." Sabi nya. Tinanggal nya ang suot nya'ng bolero at isinabit iyon sa sabitan nila ng mga damit. She has to be cool about it.

"I'm drunk, but I know what I did. Ano ba gusto mo mangyari?" Sabi nito. He sound frustrated.

"Wala. Wala ako gusto'ng mangyari." Pagkukuwari nya. Hindi nya alam ang gagawin. Ano'ng gusto nito, sabihin nya na maging sila? Na gusto nya ang lalaki at pakiramdam nya, mahal nya na ito?

Na nagseselos sya sa babae na pumunta doon kanina sa condo nya na alam rin ang password ng pinto nya? Na sobrang naiinis sya? Na nagseselos sya sa babae na kahalikan nito sa bar noong gabi na iyon?

NO WAY!

"Nicholas, I'm fine. Umuwi ka na." Marahan na sabi nya.

He clenched his teeth. "Fine." Sabi nito at umalis na. He sound angry pero hinayaan na lang ito ni Roxanne. Ayaw nyang magkausap sila nito noong oras na iyon.

Napapikit sya sa lakas ng pagsara nito ng pinto.

Agad na naghugas ng kamay si Yna at linapitan sya.

"Girl totoo ba? May nangyari sa inyo?" Kunot ang noo ni Yna.

Tumango sya. "Oo. Ginusto ko naman yun." Pag amin nya.

"Er hindi mo pa sinasabi na may gusto ka na sa kanya?" Halatang concern si Yna ayon sa reaction nito. Kung ibang circumstances lang iyon ay sinapok na sya nito.

Umiling sya. "Hindi." Ngumiwi sya. "Ano gagawin ko?"

"Ayan, diba nagtatanong sya kanina ano gusto mo mangyari?"

"Eh ano naman sasabihin ko, na gusto ko sya at maging kami?" Bumuntong hininga sya. "Alam ko naman lugar ko eh. T-tsaka may babae kasi na pumunta sa condo nya kanina nung pauwi na ako. Maganda, tapos alam nya rin password ng condo nya, tapos parang nagtataka kung sino ako. Tapos sa bar, may kahalikan sya dun na chix. Kitang kita ko, eh. Ang gulo kasi eh." Parang maiiyak na sabi nya sa kaibigan.

"Hindi naman masama magtanong. Kita mo pinuntahan ka pa rito. Teka, hinatid ka ba nya?"

Umiling sya. "Hindi. Si Miguel naghatid sa akin, nagkita kami kanina sa lobby then nag coffee kami. Pagbaba ko sa kotse ni Miguel, nandun na si Nicholas."

"Oh eh ano plano mo?"

"Tuloy ang buhay." Malungkot na sabi nya.

She's a mess. Sigurado naman sya na hindi sya mabubuntis dahil safe sya. Siguro isa na rin yun sa factor kung bakit malakas ng kaunti ang loob nya ng gabi'ng iyon.

Yung pakiramdam na sa kanya lang ang lalaki, tapos sinasambit nito ang pangalan nya? Priceless. Kung kaya nya lang ibalik ang mga oras na iyon, gagawin nya. Doon nya lang naramdaman na pantay sila. Hindi ito mayaman, hindi sya mahirap.

"Rox, ayaw mo ba na magkagusto sayo si Papa Nikko?" Out of the blue ay tanong ni Yna.

"Ha? G-gusto.. Kaya lang alam ko naman na impossible."

"Hindi mo ba nahahalata na parang may gusto na sya sayo?"

"What?"

"Imagine, kakaiba yung mga kinikilos nya? Hindi naman sya ganyan dati diba? All he cares is his self. Pero ngayon kinukulit ka na nya, even before this night."

Ayaw tanggapin ng utak nya ang sinabi ni Yna. Pumapasok sa isip nya yung babae na kahalikan nito at yung babae sa pumunta sa condo nito.

"Ganito na lang. Labas tayo. Punta tayo ng gym. Dun na lang tayo magpalipas ng oras. Kaunti'ng exercise pa at sigurado'ng mawawala na yang mga excess fats mo."

Hindi sya nag dalawang isip na sumang ayon kay Yna. Matagal nya ng gusto pumunta ng gym pero nahihiya sya kaya ngayo'ng may kasama na sya, go.

Gusto nya si Roxanne. Nikko woke up with that thought. He was smiling as he woke up remembering what happened between them that night. Bagamat wala na ang babae sa tabi nya ay ang dugo na nasa bedsheet ang pruweba na totoo ang nangyari. Her scent also still lingers.

Hindi pa sana sya babangon ng marinig nya ang boses ni Lauren ng umagang iyon. Shit, may usapan nga pala sila.

He shouted that he'll just take a bath in a minute.

Then they talked. Gusto ng babae na maging magkaibigan ulit sila. Honestly, kung iba'ng pagkakataon iyon, he wouldn't even talk to her about it. Medyo bitter pa sya.

Pero gusto nya na si Roxanne, and all he think is about Roxanne. When Lauren told him that, he immediately said that it's fine, that he's okay now and he's cool about it.

Lauren looked good. Break na daw ito at si David, almost two months na, and she know na nasaktan daw sya nito kaya gusto nya rind aw ulit mag apologize.

He was actually in a hurry dahil gusto nya makausap si Roxanne. Pupuntahan nya ito sa apartment nito. He will ask her kung kahit kaunti ay may nararamdaman rin ito sa kanya.

Hell, hindi naman ito lasing kagabi ng gawin nila iyon. He was drunk, but all he wanted to do is kiss her. Hindi sya nahihiya na aminin iyon ngayon. He wanted to be with her.

Parang automatic na hinapit ng kamay nya sa bewang si Roxanne ng magising sya ng itulak sya nito. They were so close. Tiningnan nya ang mga mata nito, then her lips. Then they kissed.

And everything felt right. Damn.

Hindi rin nagtagal si Lauren. She wished him luck and good life.

Nagmamadali syang nag drive papunta sa apartment nila Roxanne. Someone from the bar texted him about his car, apparently ay sinabi ni Yna na maiiwan ito doon and the message was asking kung kailan nya kukunin. Sinabi nya na mamayang after lunch na lang.

He used his second favorite car. It's a gray mecedez benz. Dalawa lang ang space nya sa parking lot ng building kaya dalawa lang ang kotse na naroon. Ang dalawa pa ay nasa mansion nila.

But he was upset when he saw na bumaba si Roxanne sa isa'ng kotse kasama pa si Miguel Arenas. What the hell! Bakit magkasama na naman ang mga ito?

Pinigil nya ang inis. They made love last night tapos kinabukasan, makikita nyang wala na ito sa tabi nya at malalaman nya na may kasama ito'ng iba na hinatid pa ito, si Miguel pa?

Kinalma nya ang sarili para maging maayos ang pag uusap nilang dalawa ni Roxanne. He was expecting na makakapag usap sila.

He just wanted to talk to her, but she dismissed him. Ano ba ang problema nito? Ayaw sya nito'ng kausapin. Hindi nya na naisip na naroon si Yna ng sabihin nya na alam nya ang nangyari sa kanila. Gusto nyang malaman nito na aware sya, at ginusto nya rin iyon pero hindi sya nito kinakausap.

Mukha na syang tanga.

So he stormed out of their apartment.

Ayaw nya muna bumalik sa condo nya kaya sa mansion nila sya tumuloy. Bahala na kug kukulitin sya ng Daddy nya. Magkukulong na lamang sya sa kwarto nya.

This is frustrating. Dapat hindi na mahirap ang ganito'ng sitwasyon eh. Sana may gusto na lang din si Roxanne sa kanya, sana hindi na lang ito 'immuned' sa charm nya.

Hapon na ngunit hindi pa rin sya maka kain. Wala syang gana.

Naiinis na sya sa sarili nya. Sobrang apektado sya.

"Hi Roxanne! Can we meet earlier than 7pm?"

Napangiti si Roxanne ng marinig ang boses na iyon ni Miguel. Kinuha nito ang number nya kaya natatawagan sya nito. Ito ang araw na ipinangako ng lalaki na isasama sya nito sa isa'ng art museum.

"Why?" Week end naman nun kaya wala sya'ng pasok.

"Wala naman. Gusto lang kita makasama ng mas matagal." Tila nahihiya na sabi nito.

Tumawa sya. "O-okay lang. Ano'ng oras mo gusto?"

"Talaga? Thanks. Would 3pm be okay?"

Tiningnan nya ang orasan. Alas nueve pa lang naman ng umaga, marami pa sya'ng time.

"Sige. Saan tayo magkikita?"

"I'll just fetch you. Tatawagan na lang kita kapag nasa tapat na ako ng apartment mo."

Nang maibaba nya na ang cellphone ay agad nya'ng binuksan ang kanyang cabinet. Inilabas nya ang limang dress nya. Bago ang tatlo doon, after nila mag gym ni Yna ay nagpahinga sila saglit bago namili kagaya ng sabi nila dati.

Parang gusto nya sampalin ang sarili. Hindi nya alam paano umabot sa ganito. Bakit kaya ganito si Miguel sa kanya?

Pinili nya ang cream na dress. ¾ and sleeves nito at pencil cut ang skirt. Nagsuot sya ng corset. Sabi ni Yna ay magsuot daw sya ng corset para flat ang tummy nya, lalo na at magde-dress sya.

"Oh, aalis ka na? Ang aga pa." Sabi ni Yna. Kakagising pa lang ito.

"Nope, naghahanda lang. Kakatawag pa lang ni Miguel, 3pm na lang daw kami magkita. Alam mo kung bakit? Kasi gusto nya pa raw ako makasama ng matagal." Kinikilig na sabi nya.

Marahan sya'ng sinipa ni Yna. "Ikaw na talaga! Jusko ang haba haba na ng buhok mo. Mamigay ka naman ng papa na gwapo, mayaman at mabait kagaya ng mga papa mo." Naiiling at natatawa na sabi nito.

Tumawa sya. "Sira ka talaga. Wala ka ba'ng date ngayon?"

Umiling ito. "Wala, tinatamad ako. Magmo-movie marathon na lang ako sa laptop mamaya pag umalis ka na."

"Bumangon ka na dyan. Nagluto ako ng pancakes." Sabi nya.

"Aba, mukhang inspired talaga ah. Dati rati, pandesal lang agahan natin." Biro nito.

"Sira ka. Minsan naman nagluluto ako ng pancake ah?" Sabi nya.

Alas onse pa lang ay kumain na sya ng tanghalian. Alas dose ay nag try sya na umidlip at nagising ng pasado ala una. Nagsimula na syang mag handa. Nagbabad sya sa c.r sa paliligo.

"Sa tagal ng paliligo mo, I'm sure lahat ng libag sa katawan mo, mahihiyang hindi matanggal." Sabi ni Yna ng makalabas sya ng c.r

Natawa sya. Hindi pa rin sya nito tinitigilan ng pang aasar.

5 minutes before 3pm ay tumawag na si Miguel. Dali dali nya'ng sinuot ang hikaw nya. Si Yna ang nag ayos at nagkulot ng buhok nya kagaya noong gumumik sila. Tinulungan rin sya nito mag make up at mag ayos.

Mabuti na lang talaga at maalam ang kaibigan sa mga ganitong bagay. Hindi nya na kailangan mag worry pa.

Nang maka baba na sya ay nakita nya na nakaparada ang kotse ni Miguel sa tapat ng katapat na establishment ng apartment nila. Naka sandal ito sa gilid ng kotse nito at naka cross legs.

Parang sumikip ang didbdib nya ng makita ang lalaki. He looked so dashing and gorgeous. Itim na polo na naka butones hanggang kwelyo ang suot nito, itim rin ang tie. Pinatungan iyon ng dark gray na suit. Ang pantalon naman nito ay light gray naman.

Pamasid masid ito, naka nguso as if sumisipol. Tumingin ito sa relo nito at tumingin sa gawi nya. She saw him smile when he saw her.

Tumayo ito ng nasa dalawang bulsa ng pants nito ang mga kamay nito. Hindi na nawala ang ngiti ng lalaki hanggang maka tawid sya at marating nya na kung saan ito naka tayo.

"You look pretty."Sabi nito.

"Ikaw nga, eh. Ang gwapo mo." Sabi nya.

Lalo'ng lumapad ang ngiti nito. "Shall we?" Tanong nito.

Tumango sya.

Pinagbuksan sya nito ng pinto ng kotse nito. Agad nyang naramdaman ang lamig na dulot ng aircon. Tiningnan nya si Miguel hanggang sa makapasok na rin ito.

He started the engine.

"Saan ba muna tayo pupunta?" Tanong nya.

"Well, I know a place. Sigurado na mag-e enjoy ka roon bago tayo pumunta sa museum." He was grinning.

"Nikko, this is Rex."

Napa lingon si Nikko sa pinto ng marinig ang boses na iyon. Napapadalas ang lalaki sa kanila. May sakit kasi ang daddy nya kaya ito ang madalas na nag a-arrange ng mga bagay bagay.

And knowing na nandito ang lalaki ay malamang na may sasabihin o ipapagawa ito sa kanya in behalf of his father.

"Come in." Sabi nya. Busy sya sa paglalaro online.

His room is a mess. Ilang araw sya'ng nagpapadala na lang ng pagkain sa mga katulong. Kung may gusto man sya bilhin ay online ang pagbili nya. He would just expect a package.

Rufus opened the door. Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pag ngiwi nito ng makita ang kwarto nya.

His bed is not made. May unan pa yata sa sahig. May naka sabit na mga damit sa kung saan at may ila'ng supot ng junk foods sa paligid. May mga bote pa ng inumin at alak.

"Nikko, what have you been doing? Your room is a mess!" Saad nito.

Iniwan nya ang paglalaro at inikot ang kinauupuan na swivel chair upang humarap sa lalaki. "What do you want?"

"Well, I have an invitation here para sa daddy mo. But you know na hindi pa sya pwede umattend kaya wala ako'ng choice kundi ipasa sayo ang responsibility." Inilahad nito ang isa'ng putting envelope.

Hindi nya iyon tiningnan at bumalik sa computer nya.

"Alam mo naman na ayoko umattend sa mga ganyan."

"I know, Nikko. Pero kailangan. Your dad promised to. Bagamat alam nila na nagkasakit ang daddy mo, well, it'll be rude kung kahit ang isa'ng anak nya man lang ay hindi pupunta."

"Fuck their society rules." Inis na tugon nya. "There's nothing you can say na makakapag papunta sa akin." Nanggigigil na pinagpipindot nya ang keyboard ng kanyang mac.

Tumahimik ang lalaki. He was just standing there.

"By the way, kung hindi mo alam, pupunta sa event na ito si Roxanne. Kasama sya ni Miguel Arenas. Sige, I'll have to go. Ako na lang ang a-attend." Naiiling na sabi nito.

Ila'ng hakbang na lang bago ito tuluyang makalabas ng tawagin nya ang lalaki.

"Wait!"

He looked at him.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?"

"I said, nasa listahan ng mga guests si Roxanne. Kasama sya ni Miguel Arenas. I saw the list. I made sure na wala doon ang mga stalker mo, so if may iba'ng Roxanne Velez ka pa na kilala, well, I bet sya na yun."

Rufus is resourceful. Malamang na nabasa rin nito sa news paper ang article na kasama si Roxanne at si Miguel. And he used it to him. Clever.

Hindi kaagad sya nakapagsalita. Si Miguel Arenas na naman. May gusto ba ang babae sa lalaki na yun? Mas gwapo o mayaman ba sa kanya ang lalaki? Hindi pa naman alam ni Roxanne ang lahat ng ari arian nya, ah.

Napakuyom sya ng palad.

"I'll go." Sabi nya.

"What?" Tila hindi narinig ni Rufus ang sinabi nya or he was just confirming if he heard it right.

"I'll go." Ulit nya.

"Good. By the way, it's tonight." Mabilis nito'ng inabot sa kanya ang invitation at agad na umalis.

Umupo sya sa gilid ng kama nya at nag isip.

Eh ano naman kung magkasama ang dalawa? Hindi naman ibig sabihin nun na sila or what, or nagkakagustuhan sila.

Eh ano pa nga ba ang dahilan ni Miguel bakit inaya nito si Roxanne dun? Alangan naman si Roxanne ang nagpilit. Alam nya na walang alam ang babae s amga ganung event.

It's an opening, for God's sake. Family friend nila ang mga Arcilla na sya'ng namamahala sa art museum na ngayon ang grand opening mula ng ipa renovate nila ito almost four months na ang nakakaraan. Sigurado na kailangan nya na namang mag practice ng pag ngiti buong gabi.

Pupunta sya doon ng walang partner. Sanay naman sya. It's actually a no no na wala ka'ng kasama kapag pupunta sa mga gaoong event. But it doesn't matter. The fact na pupunta sya ay malaking bagay na iyon sa kanya.

Tumawag sya ng katulong at pinalinis ang kwarto nya. Alas tres na ng hapon. May oras pa naman sya. Magpapa spa na muna sya. Kailangan ay relax at fresh sya mamaya. Bahala na kung ano ang mangyayari.

Hindi malaman ni Roxanne kung paano nya pasasalamatan si Miguel. Just like he promised, talagang nag enjoy sya. Imagine, sinama sya nito sa DSWD at hindi lang nila binisita si Raven, naisama pa nila ito sa labas!

Sobrang miss nya na ito. Muntik na syang maiyak ng malaman na pwede nila'ng ilabas at ipasyal ang bata. And it's all because of Miguel! She was smiling non stop.

Habang nasa kotse sila ay nilalaro nya si Raven. Maingat na maingat ang pagpapa takbo ng lalaki. Dumiretso sila sa isa'ng family restaurant sa isa'ng certain mall. Pinagtitinginan sila ng tao. She was carrying Raven, naka pormal sila ng damit at hindi pa naman sila mukhang mag asawa.

Or maybe, they were just really noticing how dashing Miguel looks at that time.

"Grabe, ang dami'ng tumitingin sayo." Biro nya sa lalaki.

"Sa atin kaya. We look like a family. A cool one." Sabi nito.

Natawa sya. At kinilig sa idea.

Hindi nya binitawan si Raven sa buong duration na magkasama sila. Kitang kita rin ang fondness ng lalaki sa bata.

Quarter to 6pm na ng ibalik nila sa DSWD ang bata. Nangako sya na babalik within that week. Bibisitahin nya ito ulit. Hindi nya alam kung hanggang kailan nya gagawin iyon pero hanggang kaya nya ay dadalawin nya ng madalas ang bata.

Habang nasa kotse sila papunta sa museum na sinabi ni Miguel ay nag retouch sya. Ang sabi ni Yna, kailangan nya lang mag dampi ng face powder every two hours, or kapag tingin nya ay oily na sya. She did when bumaba si Miguel upang magpa gasolina. Nagmamadali nya'ng kinalkal ang purse nya at bago makabalik si Miguel ay nakapag retouch na sya.

Bumili rin pala ito ng dalawang bote ng tubig. Nang makita nya iyon ay tsaka nya lang na realize na uhaw sya.

Past 7pm na sila naka rating sa museum. Wala naman traffic, talagang malayo lang ang lugar. Pulos mga luxury cars ang nakita nya'ng naka parada sa labas ng museum. Grabe. Ang gaganda. At syempre ay hindi papahuli ang sasakyan ni Miguel.

Pinagbuksan sya nito ng pinto, as usual.

Nang makapasok na sila ay nalula sya. Marami rami na ang mga tao. Pulos naka promal attire ang mga ito. May mga dala'ng kopita ang iba, at ang iba naman ay busy tumingin ng mga naka display na paintings at iba't ibang mga jars.

"What do you think?" Tanong ni Miaguel.

"Ang ganda, Miguel." Mangha na sabi nya.

"Buti nagustuhan mo." Nakangiti na sabi nito. "So, I think TitaGrace is already here. Maaga yun kapag mga ganito'ng event."

Naka alalay ito sa siko nya habang naglalakd sila. Pakiramdam nya ang ganda nya ng mga oras na iyon. Imagine, si Miguel Arenas ang kasama nya at inaalalayan pa sya?

Isa'ng babae na nakatalikod ang nilapitan nila. Backless sequined dress ang suot nito, nakataas ang buhok at may ila'ng hibla na naka lugay.

"Tita Grace." Marahang tawag ni Miguel.

Automatic na humarap ang babae. Nude ang make up nito, simple lang. Pati ang lipstick nito ay hindi halata. May hawak ito'ng kopita at paubos na ang laman.

She was nothing but stunning. Kumikinang ang diamond neckace nito. Wlaa ito'ng wrinkles o kulubot sa mukha. She looked like she can be Miguel's older sister! Hawig nito si Lyndsay.

She smiled ng makita si Miguel. "Miguel." Nakipag beso ito sa pamangkin nito.

"Tita, this is my friend, Roxanne. The one I told you about." Pakilala ng lalaki.

Ngumiti ang babae sa kanya. "Hello there. Call me Grace." Nagulat sya dahil nakipag beso rin ito sa kanya.

"Nice meeting you po." Sabi nya.

"Same here." Muli nito'ng binalingan si Miguel. "The two of you have fun. Ilibot mo sya." Utos nito.

"How about you Tita?"

"I'll be fine.Darating mamaya si Antonio." She was talking about his oldest son, ang kuya ni Lyndsay.

"Okay. Call me if you need anything." Iminuwestra pa nito ang kamay nito sa may tenga nito.

Tumango ang babae at bumalik sa pagtingin sa painting.

Naglakad sila palayo sa babae. Hindi naman sya magkanda ugaga sa pagtingin ngmga painting. May certain wall doon na may mga certain painting by the same painter. Local ones.

"This painting is the painter's story while he struggle to becoming an artist." Nagulat sya ng sabihin iyon ni Miguel.

"Huh? And how did you know?" Naka ngiti na tanong nya.

"Tito ko ang nag paint nyan." Sabi nito.

Tumawa sya. "Wow. Nalulula na ako sa pamilya mo, hindi ko pa sila nakikilala."

"Don't be. Mababait naman sila. You met Tita Grace, right?"

Tumango sya. "I know. Hindi lang talaga ako sanay lalo na sa ganito'ng event. Hindi mo naman sinabi na opening pala ito. Akala ko, simpleng pag visit lang."

"Pasensya na." Nagkamot ito ng batok. "Hindi ko nabanggit sayo."

"It's okay."

Bago pa makapag salita muli si Miguel ay may grupo ng kalalakihan ang lumapit sa kanila.

"Miggy boy!" Tawag ng isa.

Kapwa naka suit ang mga ito. Tatlo sila, at pawang mga gwapo. Pulos matatangkad. Hindi na sya magtataka kung ito ang mga kaibigan ng lalaki.

"Jared, Teddy and Kyle." Bati ng lalaki.

"Kamusta pare?" Nakipag kamay ang tatalo kay Miguel. Pinagmamasdan nya lang ang mga ito.

"I'm okay. Busy lang sa company."

"Oo nga pare. Hindi ka na namin nakakasama. Ang aga mo naman kasi pumasok sa company nyo." Sabi pa ng isa.

Ngumiti lang si Miguel.

"By the way, this si Roxanne. She's a friend." Nagulat sya ng bigla sya nito'ng ipakilala.

"I'm Jared." Nakipag kamay ang lalaki na tumawag kay Miguel. He was wearing a dar blue suit.

"Teodoro Mancini, Teddy for short." Kengkoy na sabi naman ng lalaki s aitim na suit. Nakipag kamay rin ito.

At ang huli, "Kyle at your service." Hinalikan nito ang likod ng palad nya na ikina singhap nya. It was not expected!

"Hey, Kyle. She's Miggy's date!" Tila pang aasar ni Jared.

"I know!" Natatawa naman na sabi ni Kyle.

Natawa na rin sya.

Maya maya ay bumulong si Teddy kay Miggy. Bumulong rin si Miggy rito,tila hindi pumapayag, ngunit mapilit si Teddy. Ilang sandali pa at kinausap sya ni Jared.

"Roxanne, pwede ba naming mahiram sandali ang date mo? We'll just have to show him something."

"Sure." Agad na sagot nya. Sigurado naman sya na babalik rin agad ang lalaki.

"Are you sure?" Paninigurado ni Miguel.

"Yes. Balikan mo na lang ako rito."

"Okay. Stay here, okay? I'll be back."

Nang mawala na sa paningin nya ang apat ay lumipat sya sa kabila'ng wall kung saan may iba'ng paintings. Nang may dumaan na waiter ay kumuha sya ng isa'ng kopita. She was engrossed with the painting when a familiar voice said something.

"I didn't know you like paintings."

Agad nya nilingon ang boses. It's Nikko.

"W-what are you doing here?" Kunot ang noo na sabi nya.

"I'm invited. My father, actually. Pero hindi sya makakarating." Pormal na sabi nito.

Hindi sya nagsalita. Imbes ay ininom lahat ng laman ng kopita na hawak at muling tumingin sa painting.

"So do you like him?"

Napakagat labi si Roxanne ng marinig ang tanong na iyon ni Nikko. Amoy na amoy nya ang pabango nito. May hawak rin ito'ng kopita sa kaliwang kamay nito samantalang ang kanan na kamay ay naka pamulsa.

"It's non of your business." Mahinang sabi nya.

"So you do?" Tanong pa nito.

"Bakit ba tanong ka ng tanong?" Kunot noon a hinarap nya ito.

"Hindi mo alam?"

"Oo. Kaya nga kita tinatanong."

"Why do you have to be so slow, Roxanne?" Seryoso ang pagkakatanong nito.

Hindi sya agad nakapag salita.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Napalunok sya ng laway. Parang gusto nya ng tumakbo palayo sa lalaki ng mga oras na iyon, but she was actually waiting for his answer.

Naglakad ang lalaki palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanan na pisngi nya.

"I'm jealous, Roxanne. I don't want to see you with him dahil nagseselos ako." Malamlam ang mga mata nito.

And she almost had a heart attack.

Continue Reading

You'll Also Like

79.4K 3.3K 61
You can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.
367K 24.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.4K 315 41
Lahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...