Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 5
BMDN Chapter 6
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 8
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 27
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 55
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 15

113K 3K 365
By palibhasa_pusa

Huminto kami sa isang malaking gate. Halos tatlong oras din ang biniyahe namin, nakatulog na nga ako nagising lang ako dahil ang sakit ng leeg ko. Pero si Kisza ang sarap ng tulog, ibinaba ni Spencer ang salamin ng kotse sa gilid nya saka kinausap ang guard na nagbabantay. Pagkakita ng guard kay Spencer ay halatang nagulat pa ito.

Nag usap pa sila pero hindi ko maintindihan. Ang sakit na ng pang upo ko dahil sa tatlong oras na pag kakaupo tapos ang bigat pa ni Kisza.

Bumukas ang malaking gate saka muling pinaandar ni Spencer ang sasakyan. May natanaw ako sa hindi kalayuan napaka laking bahay, masasabi kong mas malaki ito sa bahay nila. Puro puno rin ang nakapaligid sa bahay.

Huminto kami sa front door, hindi ko alam kung gigisingin ko ba si Kisza o hahayaang matulog nalang. Lumabas si Spencer akala ko ay iiwanan nalang nya kami dito pero umikot sya at binuksan ang pinto sa tabi ko.

"Bubuhatin ko nalang sya" sabi ko saka pilit inaabot ang seat belt ko.

Tumitig lang sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Nagulat ako ng kinuha nya si Kisza sa kandungan ko, binuhat nya ito at ipinilig ang ulo sa balikat nya.
Agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko at saka nagmamadaling lumabas, napangiwi ako ng maramdaman kong parang may tumutusok sa paa ko. Muntik pa akong masubsob kung hindi lang ako nahawakan sa bewang ni Spencer.

"You okay?" Tanong nya gamit ang hindi familiar na tono.

"Medyo namamanhid lang ang paa ko" sagot ko saka umayos ng tayo pero hindi nya parin binibitawan ang pagkakapalupot ng braso sya sa bewang ko. Naiilang ako kahit na parang wala lang sakanya na nakalapupot sakin ang braso nya.

"Kukunin ko lang yung mga gamit" sabi ko saka umambang aalis pero mas lalo lang nya akong hinapit papunta sakanya. Muntik pa akong mapasubsob sa dibdib nya kung hindi ko lang naiharang ang kamay ko.

"May kukuha nyan"

Sabi nya saka nag umpisang mag lakad kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil ang kamay nya ay nakahawak sa bewang ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko at alam kong naririnig ni Spencer yon. Naiilang ako sobra, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya sabi nya noon lumayo ako pag nakikita ko sya, na ayaw nyang mag kakasalubong kami. Pero ano to? Ayaw nya akong pakawalan kaya paano ko magagawa ang pinag usapan namin?

"Tito"

Napatingin ako sa binatilyong lalaki na pababa ng hagdanan, blonde ang buhok nito at kulay asul ang mata. Tingin ko ay nasa fourteen o fifteen ang edad.

"Artemis" bati ni Spencer, nakahinga ako ng maluwag ng bitawan nya ako dahil tinap nya ang ulo ng lalaking tinawag nyang Artemis.
Lumayo ako sakanya ng kaunti napatingin naman sakin si Artemis.

"Girlfriend mo ba sya tito?" Nakangiting tanong ni Artemis, nagkibit balikat lang si Spencer.

"Hindi nya ako girlfriend Na-"

"Spencer"

Napatingin ako sa lalaking tumawag kay Spencer. Isang lalaki na may mahabang buhok, naka white shirt ito at boardshort. Maganda ang pangangatawan at mukhang may sinasabi sa buhay, napatingin ako kay Artemis at sa lalaking tumawag kay Spencer. Mag kamukha sila at parehong may asul na mata kaya nakatitiyak ko na mag ama sila.

"Pierre" sabi ni Spencer.

"Kamusta? Mukhang nakakarami ah" nakangising sabi ni Spencer habang nakatingin sa isang babaeng pababa sa stair malaki anag tyan nito at tingin ko ay limang buwan na syang buntis may hawak syang batang babae na wavy ang buhok at katulad ng buhok ni Pierre ay blonde din ang kulay, sa likod ng babae ay may batang lalaki na nasa limang taon ang edad, hindi katulad ng mga naunang bata ang isang ito ay itim amg buhok ang malalim ang mata na bumagay sa matangos nitong ilong, hindi rin ito kaputian tulad nila Artemis.

"Dada!" Sigaw ng batang babae saka nag madaling bumaba ng stair. Nasa huling baitang nalang ng bigla syang madulas.

Gusto kong tumakbo papunta sakanya para tulungan sya kaya lang nakakahiya sa magulang nya. Agad namang kinuha ni Pierre ang anak nya na hindi tumigil sa pag iyak.

"Tahan na Daenerys" mag aalo ng babae sa anak.

"Kamusta Spencer?" Tanong ng babae kay Spencer ng tumigil sa pag iyak ang anak nyang babae.

"Ayos lang" matipid na sagot ni Spencer

Napatingin sakin ang babae saka kay Spencer tapos sakin ulit.

"Hi, ako si Kallen" nakangiting sabi nya saka inilahad ang kamay.

"Nina" nakangiting sabi ko saka tinanggap ang kamay nya.

"Sya yung asawa ko si Pierre, tapos yung panganay namin si Artemis, tapos si Near River, tapos etong iyakin na to si Daenerys Snow, tapos yung bunso namin sa ngayon etong nasa tummy ko" nakangiting sabi nya. Natawa ko sa huling sinabi nya, mukhang hindi pa last ang nasa tyan nya.

"Mom"

Napatingin kaming lahat kay Kisza ng magising sya at biglang nag salita. Nakita ko pa ang pag kagulat sa mukha ni Pierre at Kallen habang nakatingin kay Spencer.

Gusto kong magtago ng nilibot ni Kisza ang paningin nya na parang may hinahanap. Huminto sakin at mata nya saka sya ngumiti.

"Mommy" sabi nya saka nya ini-inabot sakin ang kamay nya na parang bag papakarga. Naiilang ako dahil tatlong pares ng mata ang nakatingin sakin ngayon. Kahit hindi ako komportable ay kinuha ko si Kisza mula kay Spencer.

"S-saan po yung kwarto ni K-kisza?" Kinakabahang tanong ko. Iba kasi ang tingin ng mag asawang nasa harapan ko.

"Tara hatid na kita" sabi ni Kallen saka ako inakay paakyat ng stair.

Pagkarating sa kwarto ay inihiga ko si Kisza sa gitna ng kama.

"Tabi tayo mom" inaantok na sabi ni Kisza, nginitian ko sya saka hinaplos haplos ang buhok nya ilang sandali lang ay nakatulog ulit sya.

Napatingin ako kay Kallen na tahimik na nakatingin samin habang naka ngiti.

"Halatang mahal na mahal mo si Kisza" nakangiting sabi nya saka hinaplos haplos ang malaki nyang tyan. Nginitian ko sya saka tinignan ulit ang natutulog kong anak.

"Kailan pa kayo ni Spencer?" biglang tanong nya. Umiling ako saka ngumiti.

"Hindi kami, amo ko sya at Nanny lang ako ni Kisza" sabi ko, natawa ako ng nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.

"Di nga?" Hindi makapaniwalang sabi nya. Ngumiti ako saka tumango.

"Ilang buwan na yang baby mo?" Pag iiba ko sa usapan. Umupo sya sa sofa

"Six months na. Pero teka huwag mo muna ako iligaw, wala talaga kayong relasyon ni Spencer? As in wala?" Tanong ni Kallen, umiling ako sakanya saka muling tumingin kay Kisza.

"Pero bakit Mommy ang tawag nya sayo?"

"Kanina kasi bago kami umalis sa umiyak sya, sabi nya namimiss nya ang mommy nya. Kaya iyon sinabi ko na kung gusto nya ako muna ang magiging mommy nya" sabi ko saka ngumiti ng pilit, tumango tango naman sya.

"Nakikita ko na mahal mo ang trabaho mo, at nakikita ko rin ang pag papahalaga mo kay Kisza. Maswerte sila sayo Nina, kung hindi lang sana namatay si Raquel baka hanggang ngayon masaya ang mag ama nayan" sabi ni Kallen

"Kallen, p-pwede ko bang malaman kung anong nangyari kay Raquel?" Lakas loob na tanong ko, gusto kong malaman kung bakit namatay amg pinsan ko at alam ko na dahil doon kaya ganito si Spencer alam kong may problema sya.

"Pasensya na Nina, tingin ko hindi ako dapat ang tanungin mo tungkol dyan. Tingin ko dapat kay Spencer ka dapat magtanong, pero alam ko na sa nangyari kay Raquel walang kasalanan doon si Spencer."

Hindi pa man ako nakakasagot ay inaya na niya akong bumaba para kumain. Noon ko lang naramdaman ang gutom. Pagkadating sa dinning table ay may mga nakahanda na, nandoon narin ang mga anak ni Kallen at Pierre. Umupo ako sa tabi ni Near.

"What's your name ate?" Tanong ni Near habang nag lalagay ako ng kanin sa plato ko pagkatapos ay nilagyan ko rin ang plato nya.

"Nina" sagot ko saka sya nginitian

Napatingin ako sa tabi ko ng naramdaman kong may umupo doon. Nakita ko ang seryosong mukha ni Spencer.

"Where's Kisza?" Tanong nya

"Tulog pa po" sagot ko saka inabot sakanya ang kanin. Akala ko mapapahiya pero nakahinga ako ng maluwag ng kinuha nya to. Hindi na sya nag salita kaya nanahimik na rin ako.

"Ilang taon kana pala Nina?" Tanong ni Kallen sa kalagitnaan ng pag kain.

"24"

"Bata ka papala. May boyfriend ka na?"

Parang gusto kong tapusin agad ang pag kain at samahan nalang si Kisza sa pagtulog.

"Wala" sagot ko.

"Bakit naman wala?"

"Hon, naiilang si Nina" singit ni Pierre na ipinagpasalamat ko

Matapos kumain ay tumulong ako sa pag liligpit. Pero ng tangkang huhugasan ko na ang mga plato ay pinigilan ako ng mga kasambahay.

Alas tres na ng hapon kaya sinabihan kami ni Pierre na mamaya na pumunta sa dagat dahil mainit pa. Noon ko lang napag alaman na ang likod pala ng mansyon na ito ay dagat. Hindi ko alam kung nasaan si Spencer kaya umakyat nalang ako sa kwaryo kung saan natutulog si Kisza.

Humiga ako sa tabi nya at tinitigan sya habang natutulog. Ang payapa ng mukha nya, hinalikan ko sya sa noo.

"Mahal ka ni Nanay" bulong ko saka pumikit.

***

Nagising ako ng maramdaman kong may maliliit na halik na dumadampi sa mukha ko.

"Mommy"

Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Kisza. Agad akong dumilat at sumalubong sakin ang nakangiting mukha ng anak ko.

"Pupunta nadaw po tayo sa dagat" masayang sabi nya.

Tumayo na ako saka pumunta sa banyo para mag hilamos at mag tootbrush. Pagkatapos ay nag suklay saka ko binihisan si Kisza pakatapos ay inaya ko na sya na bumaba. Nadatnan namin silang lahat sa sala, si Pierre at Spencer ay naka boardshort lang at walang pangtaas, ganoon din si Artemis. Si Kallen naman ay naka sando at short lang.

Nahiya naman daw ako sa suot ko naka jeans ako at t-shirt. Tapos sila naka beach outfit.

"Let's go" sabi ni Pierre saka hinawakan sa kamay si Kallen. Sumunod kami ni Kisza sakanila sa gilid ng mansyon ay may daan papunta sa dagat.

Halos malaglag ang panga ko sa ganda. Kulay na puti ang buhangin at kulay asul ang tubig. Mukhang excited ang mga anak ni Kallen at Pierre dahil mabilis na lumusong sa dagat, pati si Daenerys na ngayon ay hinahabol ng mag asawa dahil tuloy tuloy na tumakbo papunta sa dagat. Napangiti ako habang tinitignan sila. Masaya sila at halatang mahal ang isa't-isa. Sana....sana magkaroon din ako ng pamilya na katulad ng kay Kallen.

"Etong maliit na to akala mo marunong lumangoy. Tuloy-tuloy pa sa dagat" natatawang sabi ni Kallen ng lumapit sya samin hawak hawak nya si Daenerys na basa na ang damit.

"Kisza gusto mo ma-"

Napatili ako ng bigla akong binuhay ni Spencer na akala mo ay sako ako.

"Sir! Sandali hindi ako marunong lumangoy!" Nagpapanik na sigaw ko ng maramdaman kong nasa dagat na kami. Halos lumabas ang puso ko ng ihagis nya ako sa malalim na parte ng dagat.

Lumubog ako at hindi ko magawang huminga sa ilalim mg tubig dahil sa oras na huminga ako ay tiyak na makakainom ako ng tubig dagat. Gusto kong lumutang pero paano? Ano nanaman ba ang nagawa ka sakanya para gawin sakin to? Kaya nya ba talaga akong patayin?

Naiiyak na ako, dahil hindi na ako makahinga. 

Napadilat ako ng maramdamang may nakalapat sa labi ko kaya kahit papaano ay nagagawa kong huminga. Kumapit ako sa leeg nya para kumuha ng suporta dahil nanghihina ako, hindi ko alam kung dahil sa akala ko katapusan ko na o dahil sa halik ng lalaking ito. Hindi ko binitiwan ang labi nya dahil natatakot ako na maubusan ulit ng hininga. Hanggang sa naramdaman ko ang hangin na tumatama sa balat ko. Sunod sunod ang pag hinga ko ng mag hiwalay ang labi namin ni Spencer. Hanggang ngayon ay nginginig ang katawan ko at alam kong hindi dahil sa alam kong gusto nya akong patayin, kung hindi dahil  sa mga halik nya.

***

A/N: soooorry po! lol

Continue Reading

You'll Also Like

327K 5.2K 53
Sydney Thenesis Galvez is a registered nurse and she's happy with her job because it has been her dream ever since she was a kid. One day she was ask...
497K 8.4K 51
Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang makita ang babaeng 'yon, pero wala rin siya...
2K 179 50
We used to have little argy-bargies before. I hate him, he hates me, we hate each other. And because of this shitty situation, this mishap came... En...
3.9M 99K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^