Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

4: Life's unfair

19K 320 32
By chocnut

Hi ate Z! Sayo ko 'to dinededicate kasi paboritong paborito ko ang BME. Yun yung first KathNiel fan fiction na nabasa ko dito sa watty. Hehe. Sana maappreciate mo 'to. =)
------------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

"The formula for this problem is blah blah blah."

Di na ako nakinig ka ma'am, madali lang naman yan intindihin eh. Nilagay ko na lang earphones ko sa tenga ko at nakinig sa music. Di ako mapapagalitan kasi di naman ako mahuhuli, mahaba kasi buhok ko kaya madali matago tsaka fast hands kaya ako!

"Psst. Psst. Psst huy."  

Napakunot yung noo ko dahil dyan, nagsisimula na naman akong kulitin ni Travis. Pabulong nga lang pero nakaka-banas pa rin. Di ko na lang siya pinansin at dun na lang ako sa bintana tumingin.

"Huy Mia.Psst." May kasamang sundot sa braso pa yan.

"Miaaaaa. Wag kang snob huy! Pangit yan."

"Mia! Psst huy!"

"Miaaaa! Yo yo yo yo."

"Psst huy!"

"Uso mamansin."

"Mia! Kamukha ni Lia! Kambal ni Lia! Break it down yo!" Pa-rap na tawag niya sa akin.

Tinanggal ko earphones ko at napa-pikit sa sobrang inis, "ANO NA NAMAN BA?! KANINA KA PA! NAKAKA-BANAS KA NA!" Di ko na napigilan, talagang napa-sigaw na ako. Badtrip kasi si Travis eh. Langya.

Napa-tigil si ma'am sa paglelecture at napa-tingin sa amin. Pati na rin yung buong klase, sa amin naka-tingin.

"Is there any problem Ms. Villalor and Mr. Alcantara?" Tanong sa amin ni ma'am.

"Ah. Hehe. W-wala po ma'am." Naka-ngiting sagot ni Travis.

"Are you sure? Eh bakit nag sisigawan na kayo dyan?"

"O-opo ma'am, sure na sure. Yung sigawan po, uso po kasi yung ngayon. Hehe. Pagpatuloy niyo na lang po yang ginagawa niyo." Naka-ngiting aso pa 'tong lalakeng 'to.

Napa-taas na lang ng kilay si ma'am at pinagpatuloy yung paglelecture niya. "As I was saying clas...  blah blah blah."

"Bakit ka ba sumigaw? Required ba yun?" Pabulong na tanong niya sa akin.

"Eh sa trip ko eh! May magagawa ka?" Sagot ko naman sa kanya. Hininaan ko na boses, ayaw ko kasi ng masyadong attention. 

"Kaya mo naman pala di sumigaw eh. Tignan mo nga oh, bumubulong ka na."

"Tigilan mo na nga ako. Wag mo akong gagalawin, nag sa-soundtrip ako." Binalik ko sa yung earphones sa tenga ko.

"Oy Mia! Alam mo bang bawal yan?" 

Argh. Ayan na naman siya. Jusme.

"Mia! Bawal nga sabi yan!"

"Psst huy!"

"Huy! Baka mahuli ka!"

"DIBA SABI KO WAG MO NA AKO GALAWIN?! BAKIT BA ANG KULIT MO?!" Wala na, di ko na mapigilan eh.

Napa-tigil ulit si ma'am sa paglelecture at napa-tingin sa akin, pati na rin yung klase. Nakita ko pa nga sila Lex, Kurt, Deon, at Renzo na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko nga ng tingin kaya ayun, natakot.

"Kayong dalawa, kanina pa kayo. Dinidistorbo niyo ang klase! Mygad." Nilagay ni ma'am yung kamay niya sa noo niya, yung para bang nastre-stress siya. Tss. Arte nito.

"Eh kasi ma'am, etong si Travis kanina pa ako kinukulit. Nakaka-sura na!" Sagot ko naman.

Tumaas naman yung kilay ni ma'am at tumingin kay Travis, "Bakit mo naman kinukulit si Ms. Villalor, Mr. Alcantara?"

"Eh nag e-earphones po kasi siya. Sinasabihan ko lang naman po siya na bawal yun."

"Sus! Inggit ka lang eh,” Inirapan ko siya, "eh di mag earphones ka rin kung gusto mo! Walang  basagan ng trip."

Binalik naman ni ma'am yung tingin niya sa akin, "Bakit ka naman nag e-earphones Ms. Villalor? Alam mo naman na bawal yun diba?"

Tumaas naman yung kilay ko, "Eh sa gusto ko eh." Umirap ako.

"You don't talk to your teacher like that!" Halata sa boses ni ma'am na nai-inis na siya.

Napa-smirk naman ako, "Eh sa trip ko eh." Kumibit-balikat ako.

"Oooow."

"Patay 'to kay ma'am."

"Ang gago ni Mia. Patay!"

Narinig ko yung mga bulungan ng mga kaklase ko. Tss. Edi patay kung patay. Duh.

"Mia! Tumigil ka nga. Baka palabasin tayo ni ma'am." Bulong naman sa akin ni Travis.

"Eh yun nga yung hinihintay ko eh!" Di na ako nag effort bumulong, eh kasi wala lang.

Sumingkit yung mata ni ma'am, "THE TWO OF YOU! GET OUT!" Tinuro pa ni ma'am yung door.

Haha! Finally. Inayos ko na yung mga gamit ko at tumayo, "Ma'am, di mo na po kelangan i-turo yung pinto. Alam ko naman po kung saan kami lalabas. Alangan namang sa bintana diba ma'am? Di naman po ako stunt-man para magawa yun."  Ngumiti ako ng nakaka-loko.

"Wala ka talagang modo Mia! Di ka pa rin nag babago." Nai-inis na sagot ni ma'am.

"That's how I roll." Kumibit-balikat pa ako. 

"Hahaha. Lakas ng trip."

"Grabe. Ibang klase talaga."

"Astig! Hahaha!"

Narinig ko na naman yung bulungan ng mga kaklase ko. Hahaha! Tss. Astig ko talaga!

"STOP! Stop whispering! Nag bubulungan ko pa kayo eh naririnig ko naman kayo!" Ma'am.

Tumigil naman yung klase kaya tumahimik ulit.

"Sige ma'am! Una na po ako. Haha. Bye." Nag simula na akong mag lakad papunta sa pinto.

"Ma'am, kelangan po ba talaga namin lumabas? Last chance po ma'am. Di na po kami mag i-ingay." Pag mamaka-awa ni Travis.

"Walang last chance last chance. LABAS!" Ma'am.

"Eto na po ma'am, lalabas na po." Kinuha na niya bag niya at nag simula nang mag lakad papunta sa pinto.

Nung nasa tapat na ako ng door, di muna ako lumabas, magpapaalam pa ako, "Bye classmates! Una na ako! Haha! Mag e-early recess pa ako eh. Mainggit kayo! Haha. Bye ma'am!" Ngumiti na naman ako, yung ngiting mapang-asar syempre. Hinawakan ko na yung door knob at binuksan yung pinto, yung lalabas na sana ako biglang nagsalita si ma'am.

"Hep hep!" Ma'am.

"HOORAY!" Lex/Kurt/Travis/Deon/Renzo, naka-taas pa yung dalawa nilang kamay.

Inirapan lang sila ni ma'am, "Just so you know Mia, di kayo excused. I-rereport ko kayo sa POD para magkaroon kayo ng record."

"Oh di i-report mo po. Kung gusto mo ma'am samahan pa kita eh." Sagot ko sa kanya. Oo na, ako na walang modo. Eh ako si Mia eh.

Umirap lang naman si ma'am kaya lumabas na ako ng room. Nag simula na akong maglakad papuntang food court habang naka-buntot sa akin 'tong si Travis. Tss. Feeling close talaga.

"Kasalanan mo 'to eh." Pagsi-sisi sa akin ni Travis na nasa likod ko.

Di ako nag effort na lingonin siya, "Eh panong kasalanan ko? Eh ikaw 'tong makulit." 

"Alam mo ba--"

"Hindi. Di ko alam."

"First time kong mapa-labas ng room."

"La akong pake." Mataray na sagot ko.

"Tss. San tayo pupunta ngayon?"

"Anong tayo? Close tayo? Ako, sa food court. Ikaw, bahala ka na sa buhay mo." Binilisan ko na lakad ko kasi malapit na ako sa food court.

"Pagkatapos nung ginawa mo sa akin? Mamalditahan po rin ako?"

Umirap na lang ako kahit nasa likod ko siya. Nandito na ako ngayon sa food court, dumiretso na ako sa Potato Corner at bumili ng fries at umupo na ako. 

"Haay salamat." Salamat talaga! Ako lang kasi magisa sa table tsaka wala nang Travis sa paningin ko kaya ayos! Hehe. Nag simula na akong kumain. Mmm. Sarap.

"Boo!"

"Ay tinapa!" Sorry naman. Kahit maldita ako nagugulat pa rin ako 'no.

"Hehe. Gulat ka 'no?" Umupo siya sa upuan na nasa harap ko.

"Ay hindi. Hindiiii. Hindi talaga! Kaya nga ako sumigaw diba kasi hindi ako nagulat. Di talaga." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Tss. Ayan ka na naman eh," kumagat siya sa burger niya, lumingon-lingon at nilapit niya yung mukha niya sa akin. "may sikreto akong sasabihin."

"Oh di sabihin mo." Sabay subo ko ng fries.

"Wag mo 'tong sasabihin sa iba ha?" Nag puppy-eyes pa siya. Yaks.

"Pano kung trip ko?" Nag smirk ako.

"Eh Mia naman eh! Di ko na nga lang sasabihin." Kumagat siya dun sa burger niya.

"Oh di wag mong sabihin. Duh." Sabay subo ulit ng fries.

"Hehe. Joke lang. Eto naman. May tiwala naman ako sayo eh," lumingon-lingon ulit siya at mas nilapit mukha niya, "May gusto ako kay Lia." Nilayo na niya mukha niya.

"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko?" Bored na tanong ko.

"Di ka man lang magugulat?" Takang tanong niya.

"Bakit naman ako magugulat? Eh wala namang bago dun. Maganda, mabait, at matalino kambal ko. Almost perfect na siya, kaya natural lang na magugustohan mo siya. Maraming admirers si Lia. Wala nang bago dun." Sumubo ulit ako ng fries.

Kumibit-balikat siya, "Sa bagay, may point ka."

"Oh, tapos ka na ba sa confession mo? Sige, alis na." Pag tataboy ko sa kanya.

"Ayan ka na naman eh, pinapaalis mo na naman ako. Gusto ko sana mag patulong sayo." Kumagat na naman siya sa burger niya.

Napa-taas naman kilay ko dun. "Wow. FC mo brad."

"Please naman oh. Di naman ganun kahirap gagawin mo, tutulungan mo lang naman ako kay Lia. Please?" Nag puppy-eyes na naman siya. Ugh.

"No." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Sige na naman oh! Napa-labas na nga ako ng room nang dahil sayo."

"Ako na naman ang sinisisi mo. Eh ikaw naman talaga may kasalanan eh."

"Tss. Please Mia? Tulungan mo'ko." Pagmamaka-awa niya.

"Sige, kung tutulungan kita, what will I get in return?" Tanong ko.

"Kelangan ba talaga may kapalit? Eh napalabas na nga ako ng dahil sayo eh!"

"Bahala ka. Di kita tutulungan."

"Oh sige sige, may kapalit na basta ba tulungan mo'ko. Ano ba gusto mo?"

Now, this is what I want. "Hmm. Ikaw bahala sa recess at lunch ko for 1 month." Naka-ngiting sagot ko sa kanya.

"HA?! Eh hindi naman kami mayaman eh! Iba na lang." Gulat na reaksiyon niya.

Napa-isip ulit ako, "AHA! Skateboard! Gusto ko ng skateboard." Sumubo ulit ako ng fries.

"Mahal kaya yan. Tsaka diba may skateboard ka na? Wag na yun."

"Ge, bahala ka. Take it or leave it." Bored na sagot ko.

"Di pa ba sapat na napagalitan at napalabas ako nang dahil sayo?"

"Nope, di pa sapat yun."

"Tss. Ang unfair mo naman eh!" Pagmamaktol niya.

"Life's unfair." Nagsmile ako. Yung painosente para mainis.

"Eh bakit? Life ka ba?"

"Eh tanga. Paki-tagalog ng life ples." Umirap na naman ako.

"Buhay." Tipid na sagot niya.

"Oh eh ano ako?" Tanong ko naman.

"Tao."

"Ano ba ang ang tao?"

"Buhay."

"Oh, end of conversation."

Napa-nganga siya saglit pero nag salita rin, "Galing nun ah! Haha! Bahala ka, di kita pipigilan hangga't di ka pumapayag na tulungan ako pero sa ngayon ay aalis muna ako, pupuntahan ko pa tropa ko. Ge, bye M." Ngumiti siya, tumayo at umalis.

-------------------------------------------------------------------------

 Malapit na ang kilig scenes. Hihi. Oki, yun lang. Bye, labyuuuuuuu. xx

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...