Last Section Innocent Demon

By KiiAllii76

38.2K 1.5K 147

π™Žπ™”π™‰π™Šπ™‹π™Žπ™„π™Ž "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa te... More

AUTHORS NOTE!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
AUTHORS NOTE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 39

CHAPTER 36

896 43 16
By KiiAllii76

Pagkatapos naming kumain ay hindi ko na magawang dugtungan ang pagpinta ko dahil sa pagod at dinadalaw na din ako ng antok kaya wala akong nagawa kundi ang humiga sa cardo dalisay kung kama at matulog, kinabukasan ay maaga akong nagising at pumasok sa school. May nakuha din akong text galing kay Mark na sabay daw kami na pumasok.
Yieee, ang sweet naman, tsk ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni Mark in the future noh.

Sabay nga kaming pumasok ni Mark sa school pinagtitinginan na naman ako ng ibang estudyante, huhu. Habang naglalakad kami lampas sa gate ay may biglang humarang sa daanan namin na isang lalaki.

"Miss, ang ganda mo naman anong pangalan mo?" saad nito paghinto sa harapan namin at nasa akin ang tingin.

Hehe, ako ba yun? Maganda naman ako eh. Nginitian ko siya ng malaki.

"Ako si-"

"Kindly ask my name first." hindi ko napatapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Mark.

Lumipat ang tingin sa kanya ng lalaking nagtanong saakin. "Sino kaba?" biglang banggit nito na may tonong naghahamon.

Tumalikod ako para tingnan si Mark pero sana ay hindi ko nalang ginawa dahil sobrang sama ng tingin niya doon sa lalaki. Hala! aalis nalang kaya ako total sabi ni Mark pangalan niya nalang ang tanungin edi sa kanya nalang baka mamaya kapag magsuntukan sila madamay pa ako, ayuko nga ayuko ma guidance noh hmp may iniingatan kaya akong good moral!

"I'm her boyfriend."

"Talaga ba?"

"Yeah." hinila ako ni Mark papunta sa likuran niya. "I know she's attractive and pretty but damn bro, distansya kung ayaw mong masakay sa ambulansya."

Magrereact na sana ako sa sinabi ni Mark na ikinagulat ko pero biglang sumama ang mukha ng lalaki.

"Tangina mo! Ang yabang mo ah!" dinuro ng lalaki si Mark na ikinalaki ng mata ko. "Wala ka namang kalahati sakin porma mo pa lang..."tiningnan nito si mark mula ulo hanggang paa. "pang mahirap na." napasinghap ako sa sunod nitong sinabi kasabay nito ang paghigpit ng kapit ni Mark sa kamay ko.

"Kita mo? Alam mo miss mali ka maghanap ng jojowain eh dapat sa isang mayaman....tulad ko." saad nito habang nakangisi saakin, iwinaksi ko ang kamay ni Mark na nakahawak saakin na mas lalo nitong ikinangisi.

"Namarih..." rinig kong mahinang sambit ni Mark sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon at pumunta ako sa harapan ng lalaki.

Akala niya siguro matutuwa ako sa sinabi niya pero ganun nalang ang pag-alis ng ngisi sa labi niya ng bigla kong padapuan ang pisnge niya ng kanang kamay ko, mabilis siyang napahawak doon.

"What the fuck!"

"Shit Namarih, dito ka nga!" hinila na naman ako ni Mark sa likod niya pero hindi ako pumayag at dinuro ko Ang lalaki. "Hoy ikaw! Wala kang karapatang sabihan ng ganun si Mark! Eh ano kung mayaman ka akala mo naman ikakagwapo mo yun?" ibinaba ko ang kamay ko at namewang sa harapan niya. "Mas gugutuhin ko pang jowain yung lalaking mahirap kesa sa kagaya mong mayaman na walang utak!" sigaw ko sa harapan niya magsasalita pa sana ako kaso kinaladkad na ako ni Mark paalis.

"Hindi pa tayo tapos! Bumalik kayo dito!" rinig kong sigaw nung lalaki pero hindi na namin siya nilingon man lang.

Pagdating namin sa room ay dire-diretso niya akong pinaupo sa upuan ko.

"Dapat hindi mo ginawa yun." kalaunang saad niya.

Napakunot ang noo ko.

"Aba! Bakit hindi?" medyo naiinis kong saad.

"Kasi mali!" pasigaw ngunit may kahinaan niyang saad.

"Bakit nga maliiiiii?"

"Namarih anak yun ng isang pinakamalaking stockholders ng school nato." Tila problemado niyang saad.

Napaisip ako. "Eh ano naman?" tanong ko pero nabigla ako sa sunod niyang sinabi dahilan para mapatayo ako.

"Ipapa guidance tayo nun."

"Huh?! Ipapaguidance? Tayo? Hindi pwede!!" natataranta kong saad habang nakatayo.

Nagtatanong akong tumingin kay Mark ng hinilamos niya sa palad niya ang mga palad niya. "Namarih, umupo ka." mahinang saad nito.
"Saatin na naman yung mga tingin nila so sit down." madiing sabi nito na nakapagpasunod saakin.

Dahan-dahan akong umupo ng hindi tinitingnan ang mga kaklase namin. Bakit ba? Sila kaya yung ma ipa-guidance.

"Tsk, feeling maganda nakasuot lang ng uniform ang dugyot pa din naman, hahaha."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko yun na alam kong nagmumula sa isa sa kanila. Umupo nalang ako ng maayos at nakinig sa teacher na sumunod na nagturo, natapos ang klase namin ng hapon ng walang Thea at Sen ang nagpakita hindi ko naman sila hinahanap sadyang nakakapanibago lang na sabay pa talaga silang wala at hindi sila hinahanap ng mga barakuda nilang kaklase na walang ginawa kundi ang mag ingay buong klase.

"Namarih..."

Napalingon ako kay Mark nang nasa gilid ko na ito nakatayo, bakit ba ang hilig niya akong tawagin na pabitin?.

"Huh? May problema ba?" tanong ko sa kanya ng parang balisa siya. Kaming dalawa nalang ang tao sa room dahil uwian na din naman at mag aalas singko na tsaka mukhang uulan ngayon.

"I can't go home with you."

"A-ah...sige." akala ko sasabay kaming uwi ngayon eh, hindi pala.

"Please get home safe, m-may importante lang akong gagawin namarih, my father is on the hopsital." biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ano?? Eh bakit naandito kapa? Mark naman tatay mo yun!" bulyaw ko sa kanya.

"Kaya ko umuwi mag-isa puntahan muna yung papa mo! Bilis!" tinulak tulak ko pa siya papuntang pintuan pero nasa akin ang tingin niya.

Napailing ako at napabuntong hininga. "I'll text you if im home." malumanay kong saad sa kanya na mabilis niyang ikinatango.

Tinanguan ko din siya at mabilis na siyang kumaripas ng takbo pero bago yun iniwan niya muna sakin ang jacket niya, isuot ko daw ngayon lalo na kapag nasa sasakyan na ako. Hehe, hindi ko maiwasang mapangiti, ang bait ni Mark inaalala niya pa din ako kahit na nasa hospital na yung tatay niya, hindi ko nga siya natanong kung anong nangyari eh pero siguro hindi ganun kalala kasi hindi naman siya ganun ka magpanic.

Naglakad na ako sa hallway papuntang gate ng biglang magbeep ang phone ko. May nagtext, agad ko yung binasa at galing pala yun kay daddy hindi daw sila makakauwi ni mommy sa bahay ngayong gabi kasi nag overnight sila sa isang business resort ng business partner nila. Bumili nalang daw ako ng pagkain ko kung tinatamad ako magluto. Napakamot ako sa batok ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate.

*****

Pagkalabas ko ay agad akong pumara ng tricycle pero lahat ng napaparahan ko ay puno, nagsisimula na akong mainip dahil benteng tricycle na ata ang naparahan ko pero wala pa din. Napapadyak na ako sa daan dahil sobrang unti nalang ng estudyante ang makikita mo dito lalo pa at hindi nakikiayon ang panahon, hindi pa naman alas sais pero dahil sa parang uulan eh dumidilim na ang paligid.

*Beep*
*Beep*

Kinuha ko ang cellphone ko ng magtunog yun.

"Are you home?" pagbasa ko sa text na pinadala ni Mark.

"Hindi pa nga eh dapat talaga andito ka, tah mo walang sumasakay sakin akala siguro nila si Wednesday Addams ako sa suot kong jacket mo na napakalaki." pag-uusap ko sa cellphone ko. Hmp.

Nireplyan ko nalang siya ng "oo" para kunwari isipin niya na nakauwi na ako, pagkatapos kong masend yun ay napagdesisyunan kong maglakad nalang pauwi total parang wala na din namang masasakyan ang malas ko naman ata siguro nagkukulang na ang transportasyon sa Pilipinas.

Naglalakad ako pauwi tumatalon talon pa ako na may halong takbo dahil sadyang dumidilim na at wala akong payong kapag umulan nasa ganun akong sitwasyon ng may bigla akong mabanggang lalaki. Lalaki to nakita ko pares ng sneakers niya eh pang basketball.

"Hala sorry po mister!" paghihinging paumanhin ko at lumuhod para mapagpagan ko ang sapatos niya. Naapakan ko kasi eh, hehe.

Akmang pupunasan ko na sana yun ng bigla siyang humakbang paatras.

"Get up." bigla din akong napatayo ng mabilis ng sinabi niya yun. Tsaka hala! Alam ko kung kaninong boses yun boses ni....

"You looked very shock seeing me."

boses ni Sen.

"Ah...he he, absent ka kasi kanina eh." umakto akong normal at hindi gulat na nakita siya ngayon dito mismo sa harapan ko baka kasi iba ang isipin niya alam niyo naman si Sen kahit minsan ko lang makasama alam natin na may saltik din to sa utak kumbaga mala kaklase niya lang din.

"So?" suplado niyang sagot saakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Isumbong kita! Nag absent ka para lang magbasketball!"

Tinaasan niya din ako ng kilay, aba hindi din to papatalo eh. "As if I care..." pinutol niya ang sasabihin niya at tiningnan ang kabuuan ko.

"Bakit? Bagay ba sakin ang jacket ni Mark? Sobrang laki noh? Pero ayos lang malamig din eh, comfortable din siy-"

"I'm not fucking asking you about how you feel wearing that shitty jacket." pamumutol niya sa sinabi ko.

Grabe naman to, hindi ba siya aware sa word na "shake ko lang"? Tsk, mga kj nga naman.

"Hmp, sige nice to see you, byebye." nagflip hair pa ako bago siya nilampasan, bahala siya dyan basta ako uuwi na dahil uulan na talaga.

"It's raining." napatigil ako ng bigla siyang nagsalita. Nakiramdam ako sa paligid ko at umuulan na nga. Hala!! Jusme lalakad pa ako ng ilang minutes bago makarating sa bahay tapos umuulan na agad!

"Owemmjiii tatakbo na ako! Byeb-"

"Damn, wait up I'm coming with you!" nagulat nalang ako ng hila-hila na ako ni Sen habang tumatakbo pero agad ko siyang pinahinto kaya inis naman siyang lumingon saakin. Suplado talaga

"Ha?! Sandali nga! Anong sabi mo? Sasama ka sa bahay ko??" Pasigaw kong tanong dahil anlakas na ng hangin. Tinatangay na nga yung hair ko eh.

"Yes."

"Ha? Hindi pwede k-kasi nandoon parents ko!" ayuko talaga siya isama sa bahay eh tsaka may bahay naman siya!

"Edi itago moko sa kwarto mo. Basic namarih." napakagandang sagot niya bago ako hinila ulit para tumakbo.

"Sandali nga sandali!" patuloy kong reklamo sa kanya pero tuloy pa din siya sa pagtakbo habang hila hila ako.

"Shut up and tell me the way."

"Ayaw nga kita isama sa bahay eh!"

Patuloy pa din kaming nagsasagutan kahit na umuulan na. Huhu sana hindi pa kami makaabot sa bahay.

"So you're going to let me stay here while it's raining, huh?" saad niya at hinarap ako.

Napatingin ako sa hawak niyang kamay ko, basa na kaming dalawa. Napaisip ako, hahayaan ko ba siyang manatili dito tsaka mabasa ng ulan? Eh bakit kasi naandito pa siya? Tumingin ako sa paligid at andilim na wala na ding dumadaang sasakyan. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nagulat ako ng nakatingin din siya saakin kahit na medyo nanlalabo ang mata ko sa ulan alam kong saakin nakadiretso ang tingin niya. Pero bigla nalang akong nagulat ng bitawan niya ang kamay ko.

"Okay, umuwi kana." saad nito at akmang lalakad pero agad kong inabot ang laylayan ng damit niya.

"Sandali!"

"Go home, lumalakas na ang ulan." pinunasan ko ang basa sa mukha ko at napakagat labi bago ko siya lakas loob na hinawakan sa kamay bahagya siyang nagulat doon dahil babawiin niya na sana ang kamay niya pero this time ako naman ang mabilis na tumakbo habang hila hila ko siya.

"The heck where are we going?!" sigaw niya sa likod ko.

"Anukaba! Wag ka nga sumigaw baka biglang kumidlat!"

"I'm going home."

"Edi sana kanina mo pa yan naisip ngayon pa na dadalhin na kita sa bahay! Baka sabihin mong wala akong kagandahang loob eh!" hindi na ako nakarinig pa ng sagot mula sa kanya pero bigla kong naramdaman ang paggaan ng hila ko sa kanya hanggang sa maramdaman kong pantay na ang takbo naming dalawa.

Bigla akong nakaramdaman ng hindi ko alam na damdamin parang ang saya ko habang kasama ko si Sen na tumatakbo sa ulan para bang yung sa mga drama. Iniiling ko ang ulo ko dahil kung ano ano na naman ang naiisip ko hanggang sa natanaw ko na ang gate ng bahay namin.

"Andito na tayo, bilis!" mabilis niyang binuksan ang gate ng tumapat kami doon.

Agad naman akong tumakbo sa pinto para buksan yun. "Lock mo yung gate ah!" Sht grabe yung ulan palakas ng palakas. Naramdaman ko siyang sumunod saakin sa loob ng bahay ng mabuksan ko ang pinto kaagad akong dumiretso sa kwarto ko para kumuha ng towel para saaming dalawa. Pagbaba ko dala dala ang towel ay nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng sofa.

"Ito oh, gamitin mo muna hahanapan lang kita ng pamalit." abot ko ng tuwalya sa kanya pero imbis na kunin yun ay masama niya akong tiningnan.

"You didn't change your clothes."

Napatingin naman ako sa basa kong damit. "Ahh kumuha pa ako ng towel natin eh." sagot ko sabay kamot sa batok.

"Go and change namarih...you might get sick.." napataas ang kilay ko dahil sa mahinang sabi niya sa huli.

"Huh?"

"Tsk, go and changed." sabay hablot niya saakin ng tuwalya.

Hmp, suplado pasalamat nga siya sinama ko siya dito eh, tinalikuran ko siya at mabilis na pumunta sa kwarto para magbihis. Hihiraman ko nalang muna siya ng ilang damit ni Daddy.

Nagsuot ako ng simpleng white oversized shirt at isang short, hindi na ako nag abala pang magpaganda kasi maganda na naman ako HAHAHAHa kaagad akong pumunta sa kwarto ni Daddy at kumuha ng magagamit ni Sen doon. Pagkatapos ay mabilis akong bumaba.

"Magbihis kana, nandoon yung cr." tinuro ko sa kanya ang cr namin, matagal niya pang tiningnan ang damit na iniabot ko sa kanya bago niya yun tuluyang kinuha. Walang salita siyang tumungo sa cr para magbihis.

Napangiwi ako. "Grabe di man lang nag thank you.." napag isipan kong pumunta sa kusina at manghalungkat doon, luluto nalang siguro ako ng sinigang wala na din naman akong choice kundi ang magluto.

Kumukuha ako ng ingredients sa ref ng bigla kong narinig na nagsalita si Sen.

"Namarih fixed my hair for me."

__
LM

A/N: MERRY CHRISTMAS EVERYONE!! I hope your enjoying your Christmas! I'm so sorry for the very late update, I'm just being busy being a student, nag uupdate po ako sa fb but i don't have time to update here in Wattpad. And maybe I can't finish this story this year but Meron pa namang next year diba? As long na may nagbabasa nito I'll continue. For those who understands me maraming Salamat po!!!!!Again MERRY CHRISTMAS!🎄🎄

Continue Reading

You'll Also Like

103K 1.8K 50
Brielle Urika Del Rama, isang babaeng sundalo na ang tingin sa sarili ay isa siyang maganda, cute, sexy at cool. Totoo naman kasi maganda at sexy tal...
74.7K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
1.3M 31.9K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
1.8M 72.2K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...