Contract with the Young Maste...

Por heyitsmejesika

103K 3K 65

TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If... Más

DISCLAIMER
CONTRACT WITH THE YOUNG MASTER
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 16

1.4K 46 1
Por heyitsmejesika

CHAPTER 16

I DON'T think this will be a good idea. Me? With this two? I don't think it'll be great.

I don't know, I just felt it.

Or is it just me?

Though I don't know what's bothering me, really. Minsan ko lang kasi sila nakasama at napakaikling oras pa iyon. Maiilang pa ako syempre.

Pero siguro katulad sa isa nilang pinsan, kailangan ko na lang din mag-adjust. Ngayong gabi lang naman at bukas. Sa Sunday ay darating na rin naman si Sir Boss.

At isa pa, dito sila nakatira sa mansion kaya kailangan ko talagang makitungo ng maayos sa dalawa. Sasanayin ko na lang ang sarili ko na makakasama ko ang tatlong Cordova dito sa mansion.

"Kanina pa kayo?" I asked them.

"Ah, not really?" Patanong na sagot ni Tyron. Napaismid ako.

Anong oras na ba?

Nilingon ko ang wall clock na nasa living room.

1:30 am na pala?

"Kumain na ba kayo? Baka kasi nagugutom kayo, ipagluluto ko kayo ng pagkain. Steak lang din ba ang kinakain n'yo? Eh red juice?" Sunod-sunod kong tanong.

Umiling iling si Tyron sabay upo.

"Don't bother Dollface. We're good. Ikaw? Bakit gising ka pa? Did we really disturbed your sleep?"

"A-Ah... H-Hindi naman. Naalimpungatan lang ako kaya ako bumangon."

Napatingin ako kay Sage nang patunugin nito ang dila. Paulit-ulit na parang naglalaro lang.

Nakakairita ang tunog no'n, pramis. Pero hindi ko pinahalata.

"It looks like you're also the one who cooked Travis' meal, am I right?" May inis sa boses ni Sage ng itanong n'ya iyon.

Tumango ako. "O-Oo. B-Bawal ba? Utos n'ya kasi eh. Baka tanggalin ako sa trabaho kapag sinuway ko."

"There's nothing wrong about it."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi may masama na sa ginagawa ko.

"I'm just curious about something..."

"A-Ano 'yon?"

Bakit nauutal ako?

Sheyyttt! Arissa ayusin mo ang dila mo.

"Kung ikaw ang nagluluto, hindi ka ba nacucurious kung anong KARNE at JUICE ang inihahanda mo?"

Natigilan ako.

Bakit naman curious si Sage doon? He even emphasize the word karne at juice.

"Ahmm... Hindi naman pumasok sa isip kong macurious tungkol sa bagay na iyan. Mukhang karne naman ng baboy ang niluluto ko. At 'yong juice..." Doon ako natigilan.

Naalala kong napagkamalan ko nga palang dugo ang red juice na iniinom ni Sir Boss.

Pero wala namang dahilan para maging dugo iyon kaya tinaboy ko na lang ang idea na iyon sa utak ko.

I saw Sage's side lip curved and it turns into a small smirk.

Nagtaasan ang balahibo ko sa braso dahil sa paraan ng pag-ngisi ng lalaki sa akin. Nakakatakot na nakakakilabot. Pakiramdam ko anytime may pwede s'yang gawin na masama sa akin.

Alam n'yo, nahahalata ko na eh. Simula pa lang iba na ang trato sa akin ng lalaking ito. Doubt ako na dahil lang sa allergic DAW ito sa babae.

May iba pa, at ramdam ko iyon.



Feeling ko...

Feeling ko may gusto kaya sa akin ang lalaking ito?

CHAROT LANGGGG!!!!


Feeling ko kasi talaga may galit sa akin si Sage. Iba ang paraan ng tingin n'ya sa akin hanggang sa pakikipag-usap. Ibang iba sa way ng pakikipag-usap sa akin ni Travis at Tyron. Kahit pa nagsusungit si Sir Boss sa akin, hindi ko ramdam na galit ito sa akin.

Pero kay Sage...

...ramdam ko.

"Bakit hindi mo itinuloy, Paige?"

Paige...

Damn! Kahit pagbanggit ng second name ko nakakakilabot din.

"W-Wala lang. Trip ko, bakit ba?"

"TSK!"

Nawala ang ngisi nito at tumalim na naman ang tingin sa akin.

"Bakit ka ba ganyan, Sage? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah."

I can't help it, but to burst out.

Nagulat si Tyron sa pagtataas ng boses ko. Kahit si Sage ay natigilan din, pero saglit lamang iyon at bumalik din sa usual pokerface nito.

Tumayo si Sage at naglakad palapit sa akin. Dalawang pulgada ang layo n'ya mula sa pwesto ko. Pero ramdam na ramdam ko ang kuryenteng ipinupukol ng kulay chocolate brown n'yang mga mata sa akin.

"You're not supposed to be here, Paige."

"Sage, stop it! You're scaring her."

Pigil ni Tyron sa pinsan pero hindi paawat si Sage.

"Iyon nga ang maganda. Ang matakot s'ya. Let me tell you honestly, Paige. You should've leave this place as early as expected."

Mababa ang boses ni Sage pero ramdam na ramdam ko ang bigat niyon sa bawat pagbigkas n'ya.

I don't understand.

Bakit?

Napayuko ako. "Hindi... Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan kong umalis?"

"No reason. And you don't need to understand anything. All you just have to do is to leave this mansion." He uttered. Na para bang napakadaling sabihin niyon para sa kanya.

Inangat ko ang aking mukha para tingnan silang dalawa.

"Bakit ako aalis?" Bumaling ako kay Sage. "Ikaw ba ang boss ko para utusan mo akong paalisin dito? Hindi ikaw si Sir Boss kaya bakit kita susundin? Oo nga at pagmamay-ari n'yo ang bahay na ito at karapatan n'yong gawin at sabihin lahat ng gusto n'yo. Pero hindi naman yata kasama roon ang paalisin ako sa trabaho ko."

Umiwas ako ng tingin. Pinipigilang huwag sumabog ng husto.

"Wala akong ginagawang masama at nagtatrabaho ako ng maayos. May pamilya akong sinusuportahan kaya kailangan ko ang trabahong ito, Sage. Kung hindi mo maintindihan, magpalit tayo ng pwestong dalawa para maintindihan mo ang sitwasyon ko. Palibhasa mayaman na kayo eh. You can get all you want in just a second. Pero iyong pagsabihan ako ng ganyan, hindi yata tama 'yon."

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa pinaghalong inis, galit at pagkalitong nararamdaman.

Nabalot ng katahimikan ang buong guest area. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. At nang marealize kung anong ginawa ko, nahampas ko na lang ang aking noo.

Nakakahiya ka Arissa!

Nakakahiya!

Bakit ko ba kasi napagtaasan ng boses si Sage? Paano kung magsumbong s'ya kay Sir Boss? At kapag nangyari 'yon, katapusan ko na.

"Ahmm... S-So—"

"I'm sorry. Okay? Sorry for what I said. I-It's just that... F*ck! Did I really say that? Ofcourse not! I'm not sorry, darn it! Why I'm saying sorry anyway?"

Napamaang ang bibig ko. Napatanga ako kay Sage nang sabihin n'ya ang mga katagang iyon. Kahit si Tyron ay napanganga rin mga pinagsasasabi ng pinsan. Pero saglit lang iyon at pumalakpak din ito, tila ba naaamaze sa ginawa ng pinsan... out of the blue.

"Wow! As in wow! Ang isang Sage Trevour Cordova, kinikilala bilang isang cold Heir bukod kay Travis ofcourse, nagsorry? Out of the blue? Hey, Dollface! How did you do it?"

Kahit ako. I don't even know either!

Masamang tingin ang ipinukol ni Sage kay Tyron dahil sa pagpipigil ng tawa ng pinsan.

"Chill cousin! Kunwari wala kaming narinig."

Tapos ay nagkatinginan kaming dalawa. Tyron just shrugged his shoulder. Muli akong napatingin kay Sage na nakataas ang kilay.

Baliw ba s'ya?

Magso-sorry tapos babawiin? Baliw nga talaga.

Pero teka... nagsorry ba talaga s'ya?

Hmmmmm!?

Naningkit ang kanan kong mata habang sinusuring mabuti si Sage.

Mukhang hindi naman s'ya gano'n kacold at sungit. Iyon lang talaga ang ugaling ipinapakita n'ya. Bakit kaya?

Ayon nga sa eksperto, lahat ng taong may mabigat na pinagdaraanan ay nagreresulta ng pagbabago sa kanilang mga behaviour towards their surrounding or to the other people around them.

Kaya siguro ganoon na lang ang trato sa akin ni Sage noong simula hanggang ngayon.

Bumalik na sa dating pokerface si Sage pero nailang na itong tumingin sa gawi ko. Pansin ko iyon kasi iniiwasan na nitong mapatingin sa akin.

"I'll go upstair now. Marami pa akong dapat gawin."

Namulsa itong naglakad at nilampasan ako. Pero bago s'ya tuluyang dumaan sa gilid ko saglit pa s'yang sumulyap sa akin at bumulong.

"Crazy witch!"

Saka muling naglakad palampas sa akin.

Napanganga ako.

Taas ang kilay na nilingon ko ito.

"Did you call me what?" I blurted. Napahinto naman ito sa paglakad pero hindi ako nilingon. "Crazy witch? Really? Alam mo pareho kayo ng pinsan mong pagkasungit-sungit. Siguro kailangan n'yo nang magpa E.O dahil hindi n'yo na makita ang maganda sa hindi. Sa ganda kong ito? Tatawagin mo akong baliw na, mangkukulam pa?"

Walang nagsalita.

Nakamamatay na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo.

Hanggang sa...

"Pffftttt...."

"HAHAHAHAHAHA! Really Dollface?"

Sabay na bumunghalit ng tawa ang dalawang magpinsan. Sa malawak na living room ay nag echo pa nga ang halakhak nila at kahit tumigil na ay parang naririnig ko pa rin.

Malawak ang ngising humarap sa akin si Sage sabay crossed arm.

"Didn't know that you're also a comedian. You're joke is really funny, Paige. Keep it up and we're both good." Iyon lang at tumalikod na ulit ito saka umakyat sa itaas.

Napaismid ako.

Am I joking? Nakikita n'yo ba sa mukha ko na nagpapatawa lang ako? Mukha ba akong clown?

Humarap ako kay Tyron na nagpipigil ng tawa.

"Itawa mo na 'yan baka kung saan pa 'yang lumabas." Nakasimangot na aniya ko.

At tumawa nga ito ng tumawa. Nakahawak na ito ito sa tiyan dahil sumasakit na.

"HAHAHAHAHAHAHA! Dollface you know what?"

"What?" Pagtataray ko.

"You're funny! HAHAHAHAHAHA!"

Nanatili akong nakasimangot habang nanlilisik ang mga tingin.

Napansin yata iyon ni Tyron kaya ito na mismo ang huminto sa pagtawa.

"Maybe... Maybe I should've go upstair also?"

Then, in just a blink of an eye, Tyron suddenly disappeared in front of me just like that.

Sobrang bilis ng pangyayari.

Ni hindi ko nga napansin na nilampasan ako nito para umakyat sa itaas. Para bang ihip ng hanging bigla na lang nawala ng hindi mo namamalayan.

Parang 'yong ex mo... parang kahapon lang masaya pa kayo, pero ngayon may iba ng kaholding hands at sinasabihan ng iloveyou.

Naiwan tuloy ako sa guest area ng nakanganga at hindi makapaniwala.

What was that?

Seguir leyendo

También te gustarán

50.9K 1.3K 39
|Complete| SHE'S MY BODYGUARD BOOK 2 BODYGUARD SERIES 2 After 6 years Muling nagising ang ating astig na gwardiya ngunit sa kanyang pag gising wala...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.9K 649 29
PAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma ka...
160K 4.4K 37
We want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, wha...