My Jealous Partner

By rheexxca

257K 7.7K 408

Mahal mo siya... Pero may minahal siyang iba... You tried to look for someone new... Then in the end he reali... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilouge
Author's Note and Casts
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Authors Corner

Chapter 17

5.3K 169 4
By rheexxca








"Miss wag po muna kayong huminga."









Loko tong si manong, kailangan ko ng oxygen tapos hindi ako pahihingahin? Psh. Kasi naman pagkatapos ng parasailing buwis buhay na naman ako para lang masubukan ang helmet diving. Nung una natakot ako dahil baka mamaya magkaroon ng shark attack edi nging pulutan ako ng wala sa oras. Pero sabi nila wala naman daw at safe sa ilalim dahil may kasamang diver.


Sinunod ko si manong at agad niyang sinuot sakin ang mabigat na helmet, pero okay lang naman kasi gagaan ni iyon pag nasa ilalim nang tubig. Tinulungan ako ng diver na makababa sa ilalim ng tubig. Nagsign siya kung okay lang ba ako kaya nagOK sign ako.


Medyo madilim dito sa ilalim, maraming corals at ibat ibang klase ng mga isda. Nakatayo lang ako nang biglang may humawak sa baywang ko. Agad akong napalingon at nakita ko siyang ngumiti. Nagsign din siya kung okay ba ako, agad naman akong tumango.


Hinawakan niya sa kamay at naglakad kami papunta sa mga naguumpukang mga isda. Binigayan kami ng diver ng pagkain na ipapakain naming sa mga isda. Agad naman nagsilapitan ang mga isda at nag agawan sa pagkain. Nagngitian kami ni Robbie.


Ang sarap pala sa pakiramdam na solo mo siya kahit sa sandaling panahon lang. Atleast may rason ako para maging masaya kahit papano.


Nagtagal kami ng 15 minutes sa ilalim nga tubig pagkatapos nun ay bumalik muna kami sa hotel para magbihis. Malapit na palang magsunset kaya gusto ko sanang pumunta sa shore at kunan sa palubog na araw. Pagdating naming sa kwarto ay agad kaming nag unahan sa banyo, hindi naman pwede sabay kami noh! Pero in the end siya pa rin ang nauna kaya naghintay na lang ako. Ang tagal pa namang maligo nun, daig pa ang babae -_______-.


Habang naghihintay na matapos siyang maligo narinig kong may tumunog na phone. Hindi ko sure kung akin yun kasi pareho kami ng ringtone at iphone. Lumapit na lang ako sa side table at kinuha yung phone. Kay Robbie pala yun. Agad kong binuksan at isang text ang bumungad sakin.







From: Babe






Pakiramdam ko merong isang libong kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko nang nalaman ko kung kanino nanggaling ng text. Panandalian ko kasi kaninang nakalimutan na meron pala siya girlfriend. Agad kong pinigilang umiyak.



"Lex tapos na ko." Bungad sakin ni Robbie nang makalabas siya ng banyo.

Agad naman akong lumingon at pilit na ngumiti.

"A-ah sige.. May nagtext pala sayo si E-elise." Sabi ko na pilit siyang iniwasan.

Nakita ko namang nag iba ang expression ng mukha niya.

Mapait akong ngumiti at pumasok na lang sa banyo. At dun ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit pa rin.






---------



Nang makalabas ako ng banyo nakita kong nasa veranda si Robbie na may kausap sa phone. Tinatanong pa ba kung sino yung kausap niya, halata naman eh.

Lumabas na lang ako ng kwarto dala ang DSLR ko at naglakad sa dalampasigan. Marami mga tao na namamasyal sa tabi ng dagat, marami na rin ang nag aayos para sa mga night activities at appy hour. Nagcall naman sakin sina Mommy na pumunta kami mamaya sa Italian Restaurant dahil may nakasalubong daw silang mga kaibigan at may pupuntahan pa sila. Psh if I know business na naman ang pag uusapan nila. Lagi naman eh, kahit bakasyon yun ang inaatupag nila. Hindi pwedeng sumama ako kina Ate Jazz dahil paniguradong OP ako sa kanila. Ang cheesy eh hindi ko makayanan.

Pumwesto ako sa lugar kung saan walang masyadong tao at kumuha ng mga pictures ng sunset. Kumuha din ako ng mga pictures ng mga paraw sa dagat at mga taong naliligo. Tahimik kong pinagmamasdan ang paglubog ng araw kasama na rin ang malarosas na kulay ng langit. Kung naging private island lang sana toh talagang ditto ako titira.

"Bakit mo ko iniwan sa hotel?"

Agad akong lumingon sa kakarating pa lamang si Robbie.

"Mukha kasing ayaw mong sumama kaya hindi nakita natanong." Simpleng sabi ko.

Tumabi na lang siya sakin at pinagmmasdan din ang sunset.

"Its really beautiful." He blurted.

"Para ngang panaginip." I sighed and close my eyes.

"At sana hindi na ko magising." I added.

Kung pwede lang sanag habangbuhay kaming ganito, yung kamilang dalawa ang magkasama at hindi iniisip ang iba. Pero lahat may katapusan.

Continue Reading

You'll Also Like

88.5K 2.4K 65
"Arranged Marriage?" Pinagkakasundo ng mga magulang para sa ikakabuti nila. Para nga ba sa ikakabuti nila o para sa negosyo? Ganyan ang nangyari kay...
164K 8.8K 60
When do we meet the bestfriend who will sacrifice everything just for the sake of our health? We all know that every girl needs a boy bestfriend. The...
2.3M 30K 54
"Sa ayaw at sa gusto mo boyfriend mo na ako at slave na kita". -Lyndon de Mesa
1.3M 15.2K 55
About a young married couple who did nothing but to tease each other! (Tagalog) (Under Revision) Contains Childish contents xD