The Billionaire's Daughter [P...

By asureichan

196K 6.9K 2.1K

"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste some... More

Chapter 1: Meet Alexandra
Chapter 2: Pussycat
Chapter 3: Hot or Cold?
Chapter 4: Professor Xavier
Chapter 5: Unlucky Day
Chapter 6: Take Me Home
Chapter 7: Kissed
Chapter 8: Visitors
Chapter 9: Mommy? Daddy?
Chapter 10: Bad Mood?
Chapter 11: Lunch With Crush
Chapter 13: Friday Event
Chapter 14: Friday Event Part 2
Chapter 15: SM
Chapter 16: Run!
Chapter 17: Stop Running?
Chapter 18: Allergy
Chapter 19: Game Bet
Chapter 20: Moving On
Chapter 21: The Art Of Flirting By Alexandra
Chapter 22: The Gate of Heaven
Chapter 23: Saturday's Trouble
Chapter 24: My Landmark
Chapter 25: Crush
Chapter 26: Rejected
Chapter 27: Missing you
Chapter 28: Closer
Chapter 29: Breakfast
Chapter 30: Unpleasant Morning
Chapter 31: Choose Me
Chapter 32: Don't Touch Me
Chapter 33: Bite The Bullet
Chapter 34: Exterminare Eos
Chapter 35: Dies Ultimus
Chapter 36: Party and Blood
Chapter 37: The Night We Met

Chapter 12: Leave A Mark

5.5K 189 45
By asureichan

"Ate eto po"

"Odiba? Crush ko din yan ih! At eto naman magiging boyfriend ko, sino mas gwapo? Eto isa pa"

"Ate madami ba dapat if magkacrush?"

"Oo naman! Unlimited dapat. Eto tingnan mo"

"Bakit may mga pretty girls din Ate, pwede ka din magkacrush sa kanila?"

"Of course Baby Kay! Yu--"

"Alexandra kaaga aga ang ingay ng bunganga mo. Binulabog mo pa pati yang kambal. Ihagis ko yang selpon mo sa ilog pag naubos pasensya ko tingnan mo"

"Nanay naman kas--"

"Tumahimik ka't lumamon ka na diyan. Bilisan mo ang pagkilos at gawin mo lahat ng mga pinapagawa ko sayu, di ka aalis hangga't di mo matatapos lahat!"

Hayss. Rold nandiyan ka pa po ba? Pwede ba dumalaw diyan? Hahaha di joke lang po baka totohanin niyu e hehe pero naman rold patahimikin nyu na po si Nanay please ang ingay e. Sermon ba na naman ang almusal ko. Kagabi pa yan e.

"Pasimangot simangot ka pa diyan putulin ko yang nguso mo tingnan mo! Ilang araw lang ako nawala parang kulungan na ng mga manok etong bahay. Yung mga halaman ko halos mamatay na sa lanta sa init ni hindi mo man lang diniligan tapos makikita ko pa yang mukha mo na may bangs bangs pa ano ba sabe ko sayu na wag na wag mong pakialaman yang buhok mo na yan ha? Pag ako naubusan ng pasensya makakalbo na talaga kita! Dinamay mo pa pati yang kambal, anong pumasok na naman sa kokote mo't di ka talaga nakikinig saken?"

"Nan--"

"Aba't sasagot sagot ka pa ah!"

Luh? Eexplain lang e

"Sige dagdagan mo pa yang mga kahibangan mo, makikita mo. Baka gusto mong mga kasama ay mga badjao at magpalaboy laboy ka na lang dun at manglimos"

Hayss kaloka! Di pa ako nakasagot ng mga assignments ko kagabi. Di bale may event naman daw ngayon so ibig sabihin no classes din. Pero kung iniisip niyung dahil tamad akong gumawa non at natulog ako or nagpuyat ay nagkakamali kayu! Dahil ang tunay na salarin kung bakit di ako nakagawa ng mga assignments ko ay dahil hinabol ako ni Nanay ng walis tambo at hinagisan ng tabo dahil sa nadatnan niyang karumaldumal na krimen na ginawa ko. At kung iniisip niyu na krimen ay yung krimen na krimen na basta krimen ay nagkakamali kayu. Ang totoo niyan ay nakita niya ako at ang kambal na nakasuot ng garbage bag as protective gown, nakasunglasses, nakagloves niyang ginagamit tuwing nagtatanim ng bulaklak, nakaboots na pamputik at nakamask habang nag eexperiment. At yung experiment ay ang puting manok ni Mang Lando na hiniram ko at kukulayan namin ang mga balahibo neto ng Red Rose Extracts, odiba sosyal? Kung di niyu nagets edi bahala kayu! Di joke lang, pumitas kase kami ng mga red roses ni Nanay sa harap ng bahay at pinakuluan namin sa tubig and boom yung pulang tubig ay pinaligo namin sa manok kaso ang ending ay malala. Nasa cr kase ako non at etong si Kiki excited, binuhos ba naman yung lahat ng tubig sa katawan ng manok e mainit pa yun e. Kaya ayun buhay nga ang manok, kalbo naman. Pero meju pumula pula naman ang natirang mga balahibo niya, infairness meju effective na parang hindi din kase feel ko mawawala yun once nabasa siya ulit. Supposed to be experiment yun na if pupula talaga while taking a bath with red rose petals. At eto pa! Halos palayasin na ako ni Nanay nang malaman niyang ako naglagay ng bangs sa kambal. Aba di pwedeng ako lang yung meron, diba? Cute daw ako sabe ni Ma'am Xavier e

Hayss...

"Oh ba't tatahimik tahimik ka diyan? Ano na namang kalokohang iniisip mo?"

Luh? Abnoy to si Nanay oh sorry rold pero tingnan mo naman oh kanina galit na galit tuwing sasagot ako ng explanation tapos ngayon anobaa naiiyak na ako 😭😭

---

Friday today and may event sa school pero di ko sure if ano. Ilang araw na kase akong lutang sa school, paano ba naman kase puro karumal dumal naranasan ko aside sa bardagulan namin ni Nanay. Minsan nadulas ako dahil may balat ng saging pala sa daanan kaya ayun sumubsob nguso ko't dumugo, di naman mashaket. Mashaket na mashaket lang. Tapos one time may humablot ng damit ko na nakasampay sa door ng cubicle habang naliligo ako sa cr sa school after ng PE namin kaya ayun nakipaghabulan ako sa tukmol na kumuha non habang nakasports bra tsaka cycling lang. Naghabulan kami sa hallway at huli ko na nang makilala eto na si Sabrina pala eto nong naabot ko siya at dinaganan sa damuhan, biro mo nakaabot kami sa soccer field sa habulan, kala niya papatalo ako e. Pero ang malala ay may nagrecord pala saken na tumatakbo na ganon lang ang suot at basang basa pa kase kakaligo ko nga lang tapos shinare pa sa social media. Kabaligtaran nga ang nangyari kase ang expect ko ay puro katatawanan at bash yung matatanggap ko pero yung ending naging thirst trap na slowmo video ang ibang videos na inedit na nasa tiktok, kaya ayun sumabog tuloy notifs ko sa socmed. Pero ang mas malala ay yung may nagnakaw ng pinakamamahal kong Frozen na gunting, pag malaman ko lang kung sino ang kumuha non kukurutin ko talaga siya. Di naman ako masakit mangurot pramis, kukurutin lang naman kita gamit ng nail cutter.

10:40 na ng makarating ako sa school dahil sa bardagulan namin ni Nanay. Madaming parusa naranasan ko before umalis.

Superlate na ako haysst!

Oonti lang din mga studyante na nakikita ko na nagsisilakaran sa entrance hallway baka andun na lahat sa gym dun daw yung event e. Bahala na wala akong gana, attend na lang ako mamaya mga 1PM whole day daw e.

Tumungo ako sa library at napagdesisyunan kong matulog muna. Masama loob ko malabong madadala ko sa bahay si XZ. Baka tuluyan na talaga akong magbobonding sa mga badjao at manlimos sa mga jeep if itutuloy ko lang dalhin si XZ sa bahay.

Nagising ako bigla nang may tumapik tapik ng balikat ko. Inangat ko naman ang paningin ko kit sabog at lutang na naman ang pag iisip ko.

"Get up. Lunch na"

Tinapunan ko lang ng tingin si Justin at tumayo. Biglang inabot naman niya saken yung isang rubber band galing sa kamay neto senyales na itali ko yung buhok ko at alam ko ang nasa isip neto na mukhang di naman ako naligo sa malabruha kong buhok. I rolled my eyes to him at tahimik na nagsuklay at tinali ang buhok. Sinukbit ko na din ang backpack ko at naglakad palabas. Dahil sa kalutangan ko di ko din namalayan na ang daan na tinatahak ko ay daan pala papuntang Engineering Department. Kainis!

Bumalik naman ako sa dinaanan ko at sa kalayuan nakita ko si Justin na nakatayu pa din at pinapanood akong nakakunot pa ang noo na naglalakad papuntang direction niya. Inirapan ko ulit eto sa inis, di man lang ako sinabihan na mali pala ang dinaanan ko.

Nilagpasan ko lang siya at mabilis na nilakad ang daan papuntang canteen. Ramdam ko din ang pagbilis ng lakad niya sa likuran ko.

Nakarating kami sa canteen at kung kanina nong dumaan ako ay meju walang katao tao pa ngayon halos siksikan na.

Pumasok ako at inilibot ang aking mga mata if may bakante pa. Nahagip naman ng paningin ko si Travis na kumaway saken, I mean samin pala ni asungot. At kung minamalas ka nga naman ang pwesto na inuupuan nila Travis ay long table na kasama ang mga professors. Kasama din nila si Almira at yung dalawang friends din nila Justin na si Jeremy at Michael.

Napatingin silang lahat na nasa table na iyon nang kumaway si Travis kaya eto ako't no choice na lumapit.

"Are you sure you want to eat with them?" biglang tanong naman ni Justin nang maramdaman niya sigurong napipilitan lang ako at bad mood pa. Tinapunan ko lang eto ng tingin at inirapan ulit.

"I'll order us food. Una ka na lang dun" di ko na eto pinansin pa at dumiretsung lumakad papalapit kela Travis. Ramdam ko ang titig nilang lahat at mas lalo yung titig ng alien na parang walang maalala na hinalikan ako nakaraan. Dagdagan pa ng timang niyang boyfriend na nakangisi na naman. Sarap manuntok at manusok ng mata ngayon ah. Hays mabuti pa sigurong di na lang ako titingin sa direction niya mahirap na baka mas lumala yung sama ng loob ko today at makalbo ko pa boyfriend niya pati na din mga studyante dito na kung makatingin din sa kanya ay halos mapapasukan na ng langaw ang bunganga sa kakanganga.

Nang makalapit naman ako ay umupo ako nang tahimik sa tabi ni Almira.

"Bad mood?" tanong ni Almira nang makaupo ako. Inalok pa ako neto na subuan ng lemon cake na kinakain neto pero umiling lang ako. Wala akong gana baka mapasabog ko tong school na to sa di oras.

"What's with the face, sweetie?" tanong din ni Ma'am Xavier na kung di lang talaga siguro ako bad mood today ay kikiligin talaga siguro ako kase ba naman ang sexy niya sa outfit niya today.

"Nothing po" ngumiti lang ako ng pilit baka sabihin rude ko naman if di ko sasagutin.

"I like the new curtain bangs! From a cutie look to a smokin' hot lady. Would you mind sharing the location of the salon that did your hair?" usisa ni Miss Panes na ikinatawa naman ni Ma'am Xavier.

"I did that to her hair, Lovey haha"

Naramdaman ko naman ang pag upo ni Justin sa tabi ko at sa kabilang tabi neto ay si Travis na ngiting ngiti sa di ko malamang kadahilanan.

Tinapunan ko lang ng tingin ang inusog na tray ni Justin saken na may lamang pagkain. Kinuha ko lang yung Chuckie at sinimulang inumin. Ramdam ko ang titig nilang lahat saken kaya di ko na lang pinansin at nagkunwaring busy sa pag iinom ng Chuckie ko.

"LQ kayu? HAHAHAHA" tawa ni Travis na sarap hambalusin ng dos por dos. Anong LQ? Mukha bang L or Q ang name ko? At mas lalong di naman yung kay Justin.

Tinapunan ko lang eto nang blankong tingin at kita ko din kung paanong sinamaan eto ni Justin ng tingin.

"Nga pala nakita niyu na to?" may biglang ipinakita naman si Miss Collins sa cellphone niya kay Miss Panes at nakitingin din si Miss Xavier at sabay pa talaga silang tumawa nang pagkalakas lakas dahilan upang lahat ng mga titig ay nasa table namin na. Mukhang walang pake naman ang mga professors at nakitawa na din yung ibang mga professors na pinagpasa pasa yung phone ni Miss Collins upang tingnan yun at tawanan.

"What's this?" takang tanong ni Miss Diaz nang nasa kanya na yung phone na inabot ni Miss Xavier.

"I've seen a lot of videos na viral sa social media nong sinurprise ka ni Professor Tan sa class mo but that video caught my attention because of the cute drawing sa board sa likuran mo hahaha! Who draw that?" sagot naman ni Miss Xavier na ikinanlumo ko't napakain ako sa di oras ng pagkain sa tray na nilapag ni Justin saken kanina. Napasubo ako nang marami't napalunok ng isahan.

Naalala ko na nagdrawing pala ako non ng dalawang mukhang unggoy na yung isang unggoy nakangiti yung isa bored. May hawak pa na bouquet of saging yung nakangiti. Tas nilagyan ko pa ng parang conversation sa taas, sa unggoy na nakangiti nilagyan ko ng 'Baby saging ka ba?' tapos sa bandang taas naman ng bored na unggoy na sagot ay 'Hindi'.

Naramdaman ko na parang may masamang hangin na nakatitig saken at di nga ako nagkamali nang makita ko si Professor Tan na nakatitig saken at tiim bagang na nakakapit pa sa gilid ng lamesa nang napakahigpit.

Nagkunware akong walang alam at inosente lang siyang tinitigan ng walang emosyong makikita sa aking mata.

Nahagip ko din ng titig si Miss Diaz na nakatitig din saken pero di ko mawari kong ano bang klaseng titig eto. At dahil nga bad mood ako tinitigan ko lang din eto ng blankong titig at tinuloy ang pagkain ko.

Pinili pili at kinuha ko lahat ng maliliit na shrimp sa pagkain ko nang makita ko eto at nilagay sa plato ni Justin. Di naman siya nagreklamo at tahimik lang din na kinain ang mga eto. Di kase ako marunong kumain ng mga seafoods na like yung may mga shell na pinipilian or binabalatan before kainin at dahil nga minsan if madame kain ko non nalabas ang epal na allergy ko.

"Stop that!" biglang singhal ni Professor Tan kay Travis nang nireplay replay din neto ang parehas na video sa phone niya at tumawa tawa pa with Jeremy and Michael. Biglang napatahimik eto at namutla pa.

Ooohhh here we go again Mister Professor who can't control his emotions.

"Stop Richard. We're in front of the food" malamig at maawtoridad na sambit ni Miss Diaz.

"I'm sorry babe..." sagot neto na animo'y santong naging mabait bigla.

"You've known each other since highschool days Professor Tan, when's the wedding?" tanong ni Miss Panes na ngumunguya pa at hawak ang phone sa kabilang kamay.

"Yeah. You both look good together, why not settle for good?" sambit naman ni Miss Collins.

"I don't want to rush Sapphira and besides our parents already talked about it. We're just waiting for the right time, right babe?" ngiting ngiti na sagot ni Professor Tan. Tumango naman si Miss Diaz

Sa di ko malamang kadahilanan ay naging final na talaga ang desisyun ko na pasabugin tong school na to at gawing abo ang lahat.

"Babe I think we should go to our favorite place this afternoon, you said you're busy last time and it's friday today. Besides, tomorrow's our day off. So, would you like to watch the sunset with me?" pag imbita neto na ngiting ngiti na nakatitig kay Miss Diaz habang si Miss Diaz ay animo'y walang gana na kumakain.

"Oka--"

"The sun doesn't rise and it certainly doesn't set. You're in Astrophysics Senior Department you should know that, Professor Tan." Pagpuputol ko sa akmang pagsagot sana ni Miss Diaz na ngayon ay nakatitig na sa akin pero binalewala ko lang eto nang pilit at tahimik na ininom ulit yung natitirang laman ng Chuckie ko.

"Oohhh someone's stepping up, tell us why sweetie" sambit naman ni Miss Xavier na parang naintriga pa sa usapan pero halatang inaasar si Professor Tan. Ngumisi pa eto. Ramdam ko ang titig nilang lahat saken at inaantay ang sagot ko pero mas ramdam ko ang nanunusok na titig ni Professor Tan habang ang girlfriend neto ay nakatitig lang saken na animo'y naging interesado din sa magiging sagot ko.

"The sun doesn't rise and it doesn't set. We are trapped in our own language of perspective instead of saying how things actually are happening. So instead of saying such term, I think you should say it like how it happen" bored na pag eexplain ko habang kinakalikot ko na yung phone ko at chineck ang notifications.

"So instead of 'would you like to watch the sunset with me' how should you like to say it?" tanong ulit ni Miss Xavier na nakangising parang may balak na tumawa nang pagkalakas lakas. Mas naging focus naman ang attention nilang lahat saken. Tinapunan ko lang ng tingin si Miss Xavier at patuloy na nagscroll scroll sa Instagram ko.

"Would you like to watch the angular momentum of the Earth causing the sun to disappear behind a horizon?" sagot ko habang nakatitig kay Miss Diaz na ngayon ay parang may animo'y dumaan na emosyon sa mata neto na di ko mawari basta't nakaramdam na lamang ako ng pag init bigla sa mukha ko kung kaya't mabilis kong inalis ang tingin ko't patuloy na nagscroll sa Instagram.

"Ano daw?" litong tanong ni Jeremy kay Michael na nakanganga lang habang nakatingin sa direction ko.

"Ba't parang di ko gets" confuse na sambit din ni Travis kay Justin na tahimik lang na kumakain at parang walang pake sa paligid pero nakikinig din.

"I swear this kid knows a lot of things more than me" sambit ni Miss Collins habang pumalakpak pa.

"Hahahaha I would say yes to your proposal again if you'll ask me Xandra" kung di lang talaga ako bad mood today maghaheart heart na yung mga mata ko sa sinabe ni Miss Xavier e pero ayuko maniwala lagi naman siya scam.

"That's kinda hot! Can you say it again in front of me hun?" ngiting ngiti na pag utos naman ni Miss Panes saken.

"Damn! You're really someth--"

"ARE YOU MAKING FUN OF ME, KID?" biglang naputol ang pagsalita sana ni Travis nang biglang tumaas bigla ang boses ni Professor Tan na nakatitig saken.

I smirked in the back of my mind and stared at him looking innocent as if I didn't do something.

"No, sir. Did I do something?" I fired back to see his reaction and it satisfy me when I see him about to stand up and I don't know what he's going to do but he immediately back down and sit down again when Miss Diaz stopped him by holding his hand. I mentally rolled my eyes. Taena sarap ipakain sa buwaya or di kaya ipahabol sa leon.

"You know nothing kid. Don't act like you're a smart ass" tiim bagang sambit neto na di pa rin maalis alis ang mapupusok na titig neto saken.

My blood boiled when I heard what he said. I can feel my demons inside of me raging to go out but I managed to stay calm. He think he can hurt me but I've been hurt more than that. I've been to hell, it's where I was born. Nothing can hurt me other than seeing things connected to what happened before.

Biglang tumahimik ang pwesto namin at naging tense ang atmosphere. Nakatitig lahat saming dalawa ni Professor Tan. I didn't break our eye contact. I love staring back with my cold gaze to piss people off.

"You act like you know everything but know this kid, you're still dumb"

"Richa---"

"You know Professor Tan, there's a lot of knowledge and wisdom that's chasing after you, but you're just too fast that it can't reach you" walang emosyong pagputol ko sa sasabihin sana ni Miss Diaz.

"ARE YOU SAYING THAT I'M STUPID? I swea--" singhal neto saken at namumula na sa galit. Halos lahat ng mga mata ay nasa amin na.

"Richard!" pagsasaway ni Miss Diaz.

I don't like attention but this is making me satisfy my need to lessen my ruined morning.

"I don't think I mention it, sir. I'm just a student and you're a professor and this is me being professional" pagmamaang maangan kong sagot na nakatitig pa din sa kanya.

"Don't play like a victim. You're a manipulative kid, be careful with whom you encounter. You might end up worse" pagbabanta neto. Now, look who's talking. Am I manipulative? I mean maybe yes but if I'm manipulative, who does he think he is? Worst!

Ramdam ko kung paanong hinawakan ni Almira ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Kanina pa to tahimik pero ramdam ko ang pagpipigil neto saken. Nginitian ko lang eto at tumango.

"I will be careful. Thank you for the nice chat, sir. Excuse us.." tumayo ako at akmang kukunin ang backpack ko pero nakuha na eto ni Justin at nauna nang lumakad habang nakahawak pa din sa kamay ko si Almira na ngayon ay suot na din ang bag neto.

"What a dumb and lower-class kid with no manners, she should know whom she's talking to..."

"Stop it, Richard. You're a professor" pagsasaway naman ulit ni Miss Diaz pero ang titig ay saken pa din.

I smirked and chuckled. And before I storm my way out I did make sure to leave a mark he can never forget and I don't care what the consequences might be. I'm prepared for it.

"Sir, did you know?" tanong ko na may ngising dahilan upang di maipinta ang mukha neto sa galit.

"WHAT?" pasigaw netong tanong.

"Did you know that I set the bar on the floor and still you couldn't reach it? And if you didn't know, well now you know. And oh you don't need to thank me, your reaction is enough."

I smiled at everyone with my sweetest smile. I can see them in awe looking at my direction. I bowed down and chuckled before I paced my way out.

Continue Reading

You'll Also Like

617K 26.9K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...
284K 8.2K 48
(COMPLETED) A ruthless and cold hearted professor living in a prosperous life, Cassandra Lundy Belos, 27 years old woman teaching in Sulvan Universit...
659K 2.6K 32
Para sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.