Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 16 - The Confussion Phase.

14.9K 216 4
By taleswithelle

They were both stunned. Alam ni Roxanne dahil hindi rin agad naka galaw o nakapag salita si Nikko, but he was still holding her wrist.

Agad syang lumapit kay Nikko at yumuko. Plano nya na mag tago. Bahagyang naka tagilid si Nikko mula sa lalaki at sa bakla'ng assistant yata ni Lyndsay.

"Oh, Nikko. Hi." Bati ni Miguel na halatang hindi inaasahan na makita ang lalaki.

"Hello Sir." Sabi naman ng bakla na nakita nyang kumaway pa.

Kita rin nya sa gilid ng mata nya na tila sinisipat sya ni Miguel.

Tumango lang ang lalaki sa kanila. Hindi ito nagsalita.

"Miggy, I was just talking to Nikko here." Bati naman ni Lyndsay sa lalaki. Are they friends?

"What are you doing here?" Tanong ni Nikko na naka tingin kay Lyndsay.

Hindi pa rin sya gumagalaw.

"Ah, actually, we were invited here to guest in one of your variety shows." Si Miguel ang nagsalita.

"In case you don't know, we're cousins. First cousins." Sabat ni Lyndsay. Tila proud na proud. "And why is your girlfriend hiding?" Biglang sabi nito.

Biglang umalis sa harap nya si Nikko.

"No, she's not." Sagot ng lalaki.

Wala syang nagawa kundi mag angat ng ulo at ngumiti sa mga ito.

"Roxanne?" Tila gulat na gulat rin na sabi ni Miguel.

"H-hi." Para syang tanga na ngumiti sa lalaki.

Kunot ang noo ni Lyndsay. "What? Do you know that bitch Miggy?"

"Lyndsay," Tiningnan ni Miguel ang babae at may pagbabanta sa boses ng lalaki.

Tila biglang umamo ang mukha ng babae.

"We have to go." Imbes ay sabi ni Nikko. Hinila na naman sya nito.

"Nikko! Where are you going?!" Rinig nya pa'ng sigaw ni Lyndsay pero tuloy tuloy lang ang lalaki sa paglalakad palayo roon.

Nang makalayo na sila ay nagawa nyang makabitiw sa pagkaka hawak nito.

"Nicholas ano ba? I have to go." Sabi nya. Hindi nya na ito binigyan ng chance magsalita. Dali dali sya'ng naglakad pabalik sa opisina nila. Gumamit sya ng elevator.

Bago pa ito sumara ay pumasok rin ang lalaki.

"Ang annoying mo. Bumalik ka na sa taas." Inis na sabi nya.

"Bakit ka naiinis? In the first place, diba nasa deal na magpapanggap tayo sa harap ni Lyndsay? Nakita mo lang yung Miguel ayun, nagtago ka pa sa likod ko." Tila nangaakusa na sabi nito.

Mabuti at wala sila'ng ibang kasama sa elevator.

"Hindi ako naiinis dahil doon." Kaila nya. At some point, hindi naman talaga. "Mapapagalitan ako. Bigla mo ako'ng hinila tapos pinakita mo pa sa mga kasama ko."

"Eh ano naman? Dapat nga matuwa ka kasi it means kilala mo ako. And you can just say to your boss that I asked you to come with me." Katwiran pa ng lalaki. He looked upset.

"Kapag nalaman nila na ikaw ang nagpasok sa akin dito, sa tingin mo ano ang magiging tingin nila sa akin? Hind ganoon kadali iyon."

"Hindi mo naman alam noon na ako ang anak ng may ari nito, if I am not wrong, hindi ba? At hindi naman nila alam na ako nagpasok sayo dito."

"It's not even an excuse!" She exclaimed.

Bumukas ang pinto ng elevator, tumambad sa kanila ang tatlo'ng emplayado na tila nagulat ng makita na para silang nag aargumento. Mabilis syang bumaba ng elevator. Sumusunod pa rin ang lalaki sa kanya.

"Ano ba Nicholas? Go away!" Sabi nya na naka talikod at patuloy pa rin sa paglalakad.

Binilisan nya na ang lakad dahil malapit na rin naman sya. Pakiramdam nya ay hindi naman na nakasunod ang lalaki. Nakakainis. Ano ba? Kung kailan umiiwas sya, parang lalao'ng gusto mang inis ng lalaki.

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita sila ulit ni Miguel, sa ganung sitwasyon pa! Nalaman nya pa na pinsan ito ng Lyndsay na iyon. What a bitch.

Nang matanaw nya na ang cubicle nya ay lalo sya'ng nagmadali sa paglalakad. Nagulat sya ng makita'ng tila naghihintay sa tabi noon ang boss nya. Patay na.

"Saan ka nanggaling? I have been calling you at walang sumasagot! I had to check on you but hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka." Hindi naman ito galit pero halatang disappointed.

"I'm sorry ma'am." Hindi na sya magpapaliwanag. Ano sasabihin nya, na hinila sya ni Nikko at nag arguemento sila?

"Don't scold her. It's my fault, I asked her to come down to talk to me." Mula sa likod nya ay may malamig na boses na nagsalita.

"S-sir Nikko." Tila nagulat at nautal ang boss nya.

Mariin sya'ng napapikit at dahan dahan na liningon ang pinanggalingan ng boses.

"Thanks for the time. I have to go." Sabi nito at umalis na. Seryoso at walang emosyon ang mukha nito.

Naglakad ito sa hall. "What are you looking at? Get back to work!" Sigaw nito sa iba habang naglalakad palabas. Halatang mainit ang ulo.

Nagkandarapa na bumalik sa kanya kanyang ginagawa ang mga ito habang tinatanaw palabas ng opisina nila ang lalaki.

Matapos mangsabon ng mga empleyado sa Logarte ay dumiretso sa gym si Nikko. He's been in a bad bad mood at that time. His supposed to be secret visit in DSWD became a public announcement! And then Roxanne. Naiinis sya rito. Kakausapin nya lang naman ito, ang dami pa nito'ng sinasabi at excuses.

Wala naman syang alam na nagawa nya rito. Kahit nga sobrang nainis ito nung hinalikan nya ito, nawala rin naman yun. Sinamahan pa sya nito na magdala kay Raven sa DSWD at pinuntahan pa sya nito nung tinawagan nya ang babae dahil may sakit sya.

Teka, galit ba ito dahil kay Rufus? O baka naman umiiwas na ito ngayon kasi nakita o narealize na nito ang differences nila? Nag simula lang naman ito nung nalaman nya na sya ang anak ng may ari ng Logarte. After that, hindi na ito nagtext o tumawag.

Girls tend to feel like that, he knows. Or even men.

Hindi nya na dapat ito susundan hanggang sa opisina ng mga ito ngunit naisip nya na baka nga pagalitan ito. Mahigit bente minutes rin ito'ng nawala sa cubicle nito kaya kahit naiinis na ito at inis na rin sya ay sumunod pa rin sya.

Wala na syang pakealam kung makita man sya ng ibang empleyado roon. Tutal naman, nakita na sya ng mga ito na hinila palabas si Roxanne before that. Bahala na ang babae kung ano ang idadahilan nito.

Tama ang hinala nya. Muntik na nga ito'ng masabon ng amo nito. At para mailabas lahat ng inis nya ay pumunta sya sa gym. Almost two weeks na rin sya'ng walang work out.

Agad sya'ng sinalubong ng personal trainer nya ng makita sya nito'ng papasok na ng gym. Nagpalit na sya into exercising attire at iniwan nya na ang lahat ng gamit nya sa locker.

Hindi nya na namalayan kung gaano na sya katagal roon. All he wanted to do is to feel really tired upang kapag makauwi na sya ay makakatulog sya agad at hindi nya na maisip ang mga frustrations nya. May driver naman syang kasama.

The next days came so fast. Walang ginawa ang lalaki kundi magpalipas ng oras sa panunuod ng mga movies, maglaro online at mag shopping online.

When weekend came, his co models asked him to go out. What a better way to welcome next week than to be merry that weekend.

Kailangan nyang malimutan ang lahat ng kinaiinisan nya. Hindi na healthy. Nagmumukha sya'ng tanga sa pamomroblema ng mga bagay na hindi naman dapat na problemahin.

Jake and Andrew waited for him in a coffee shop nearby. Alas singko pa lang naman ng hapon kaya tatambay na lang daw muna doon at mag chi-chix hunting ng pwede nila makasama later that night.

Ganoon naman ang mga ito. Makikipag kilala sila sa mga babae na makikita nila na type nila at iinvite sa pagpunta nila sa mga bar kinagabihan. Isang beses nya lang ginawa iyon at hindi nya na inulit. Masyado'ng wild ang babaeng akala nya ay hindi makabasag ng pinggan.

Iba na ito kapag nakainum. Ito pa mismo ang nag sabi ng isa'ng indecent proposal sa kanya. Napailing sya sa naalala.

"Nikko, you find yourself a date later, okay? Tumingin tingin ka na. Since ngayon ka na lang ulit naming nakasama, ikaw na pauunahin namin. Hands off kami sa type mo." Sabi ni Andrew. He was holding a tumblr with his iced coffee.

"Nako pare. I can enjoy myself witout a date. Kayo na lang." Tanggi nya. Baka uminit lang ulo nya if ever.

"Here we go." Sabi ni Jake. "Umaandar na naman ang pagka KJ mo pare. Ano ba yan? Kailan ka pa namin nakita'ng may chix?"

Natawa sya. "Pare, I don't like having casual encounters, okay. I'll just leave it to the two of you."

Wala ng nagawa ang dalawa. Ila'ng sandali lang at may dalawang babae na umupo sa kabila'ng table. Naiwan syang mag isa sa table ng magpakilala na ang dalawa sa mga ito.

Then he received a text. Sa Pag aakala na si Roxanne iyon at nagmamadali nya ito'ng binuksan. Akala nya ay magsosorry na ang babae or what, but he's wrong. Unknown number ang lumabas.

Muntik na syang madismaya, dahil baka si Amber iyon ngunit binasa nya ang laman na mensahe.

The message says: Hi Nikko. This is Lauren. Can we meet for old time's sake?

Hindi nya alam ang ire-reply. Bakit ngayon pa? Dadagdag ba ang babae sa gulo ng utak nya?

After almost thirty minutes, he gathered all his will power to reply something.

Hi Lauren. I'm sorry for the late response, been busy. Sure, we can meet up as soon as my schdule is cleared.

Napangiti sya sa reply nya. Then another message came.

No, it's fine. I can just drop by at your condo tomorrow morning if you're really busy. Would that be okay?

Nangunot ang noo nya. Ano naman kaya ang gagawin nito doon?

He just replied Ok as if he's really not interested. Sinaktan sya nito noon, bagamat wala naman sya'ng galit rito ay hindi biro ang naranasan nya sa kamay ng babae. Hindi naman ganoon kadali ang lahat.

It's seven pm when they started hitting the club. Plano nila na lumipat ng iba'ng club kapag hindi nagustuhan ng dalawa ang mga nakilala ng mga ito. They tend to do that sometimes.

Dumiretso sila sa isa sa mga paborito nila'ng puntahan. Spacious at talaga naman na dinarayo rin ng mga artista ang lugar na iyon at okay rin ang mga dj.

Kaagad sila'ng uminom. Alalay lang dahil maaga pa naman. He tend to drink beer rather than cocktail. Bukod sa hindi nya minsan gusto ang lasa ay pakiramdam nya, beer talaga ang panglalaki na inumin kapag magba-bar ka.

Pasado alas dies na ng bulungan sya ni Jake.

"Lipat tayo pre." Sabi nito.

Nagkibit balikat sya. Sa lilipatan nila, at least, pwede na sya'ng uminom ng madami dahil gabi na.

Tuwing mangdi-ditch sila ng mga hindi nito trip ay may kunyari'ng tatawag sa cellphone ng isa sa kanila at kunyari ay manager nila at ipapatawag sila for biglaang photoshoot. Hindi nila alam kung ila'ng babae na ang naniwala sa kalokohan na iyon.

So that's what they did. Kunyari ay kinuha ng dalawa ang number ng mga babae. They really save their numbers for future references but they don't give theirs. Pero hindi naman talaga nila ito tinitext kinabukasan, kapag kailangan lang.

Wala'ng dala na sasakyan si Andrew kayak ay Jake ito sumakay. Nag convoy na lang sila papunta sa bar na madalas rin nila'ng puntahan. Hindi ito kasi'ng exclusive ng unang pinuntahan nila pero maganda rin naman.

Spacious rin at okay ang mga dj, mas affordable nga lang kaya halo halo ang tao, but he doesn't mind. He came there to enjoy.

Agad sila'ng naka kita ng mga kakilala nila kaya natagalan bago sila makahanap ng pwesto. Wala'ng upuan, table lang ang naroon sa gilid ng dance floor. Crowded na dahil gabi na.

Muli ay umorder sila. Naka tatlo'ng bote na yata sya ng beer at pasado alas dose na ng magsayaw sya. Hindi na bago sa kanya ang palibutan ng mga babae habang nagsasayaw. He can dance, that's for sure. At hindi naman ganun ka dilim para hindi nila makita ang itsura nya.

Natural na may mga nang flirt sa kanya, but he just smiled at them. Wala sya'ng balak mang pick up ng babae or what. Isa pa, hindi nya nakakalimutan na pupunta si Lauren bukas sa condo nya. Whatever her reasons are, handa naman na sya'ng makita ito ulit.

"Hi Nikko." Mula sa kung saan ay narinig nya na may bumati sa kanya. Lumingon sya at isa'ng pamilyar na mukha ang nakita nya.

Si Yna, yung kaibigan ni Roxanne.

"Oh, Yna. Fancy meeting you here." Sabi nya. Maingay pero nagkakaintindihan naman sila.

"Ako rin. Gumigimik rin pala kayo rito?" Tanong nito.

She was wearing a black leather mini skirt and a white and pink lace blouse. Naka itim na wedge rin ito. Simple lang kasi ito ng makita nya kaya hindi nya agad ito makikilala kung nagkataon. Magaling mag make up ang babae, ayon sa pagkaka make up nito.

Tumango sya. "Sino kasama mo?" In his mind, humihiling sya na kasama nito si Roxanne.

Teka, bakit eh diba naiinis ka sa kanya? Sigaw ng utak nya.

"Oh, si Rox kasama ko." Sabi nito.

Napangiti sya sa narinig. "Gumigimik rin pala kayo? Sana sinabi nyo para sabay na sana tayo." Sabi nya. Which he doubt na gawin ni Roxanne. At if ever, hindi nya pwedeng isama sila Jake at Andrew dahil iba ang gusto ng mga iyon pag gumigimik, at iyon ay ang mga babae.

"Yep. Andun kami sa banda'ng pintuan. Punta ka na lang if ever gusto mo."

Nagpaalam na ito. Sinundan nya ng tingin ang babae hanggang sa mawala na ito sa pangingin nya. Tinungga nya ang laman ng hawka nya'ng bote.

"Pre, pupunta lang ako dun." Tinuro nya ang entrance.

Nangunot ang noon g dalawa. "Ha?" Sabi ni Andrew.

"Basta. Balik lang ako."

Tumango na lang ang dalawa na busy rin sa pagsipat ng mga babae na pwede nila'ng makilala.

Habang papalapit sya sa entrance kung saan may mga upuan per table, agad na sinusuyod ng mata nya si Yna o kahit si Roxanne man lang. Naghahanap sya ng table na dalawang babae lang pero wala.

Nagkamot sya ng ulo. May kasama pa ba'ng iba ang mga ito?

Then nakita nya si Yna, naka upo ito at umiinom sa baso.

"Hi!" Nakangiti na bati nya.

Nakita nyang napa tingin angmga ito sa kanya.

Mag isa si Yna sa upuan na dalawahan, sa tapat nito at may lalaki, na katabi si Roxanne na muntik nya ng hindi makilala.

Naka make up ito, naka kulot ang buhok at ang suot? Naka bestida ito kulay brown na may ribbon na kulay puti sa banda'ng bewang. At mukhang hindi ito natuwa ng makita sya. Nakita nya na sumimangot ito kay Yna na tumawa lang.

Pinalo ni Yna ang upuan sa tabi nito na nagsasabi na umupo sya.

Nakita nya na bumulong ang lalaki kay Roxanne. Natawa si Roxanne at bumulong rin. Hindi nya kilala ang lalaki, at tila walang balak na ipakilala sa kanya ng mga ito iyon.

Nakita nya na may isa'ng pitcher ng cocktail drink doon, at may isa'ng bucket rin ng red horse na nasa tapat ni Roxanne. May baso na may beer at yelo na nasa tapat rin nito.

Mainga ang paligid. Dahil sa inis dahil hindi sya pinapansin ni Roxanne ay inaya nya si Yna na sumayaw at game naman ito. Iniwan nila ang dalawa.

Mukhang mali yata ang approach nya dahil habang nasa dance floor, si Roxanne at ang lalaki pa rin ang iniisip nya. Gusto nya'ng makibalita.

"Sino pala yung kasama nyo'ng lalaki?"

"Manliligaw ni Roxanne." Nakangiti na sabi ni Yna.

Patuloy pa rin sila sa pagsasayaw.

"Really?" Hindi makapaniwalang sabi nya.

Tumawa ang babae. "Biro lang. Ka trabaho ko yun, pinakilala ko sila. Sabi kasi ni Roxanne naka move on na sya sa ex nya. Kaya sabi ko, ipapakilala ko sila."

"Oh, what did she said?"

"Ayan na nga oh. Mukhang gusto rin ni Roxanne."

"Sino yung ex nya pala?" Usisa nya pa. Hindi naman ata nakakahalata si Yna na puro about kay Roxanne ang tanong nya dahil medyo naka inum na ito.

"Hindi mo alam? Diba nga kaya ka nya pinakilala na boyfriend sa cr kasi yung ex nya, niloko sya. Pinag pustahan lang pala sya. Kaya ginawa nya, supposed to be ay may kinasabwat sya na magkukuwari na boyfriend nya para makita ng ex nya na may bago na sya. Eh imbes na yung kausap nya yung dumating, ikaw yung nandun." Tumawa ito. "Nakakatawa kaya reaction nya pag uwi. Takot na takot sya kasi nag away daw kayo ng girlfriend mo."

Malinaw ang lahat kahit nagbubulungan sila. Ito pala ang totoong dahilan. Pinagpustahan si Roxanne? What a heartless bastard. Nakaramdam sya ng galit para sa lalaki na gumawa noon.

Then nag aya na sya bumalik na umupo. Hinayaan nya na lang sila Andrew at Jake, hindi nya na muna binalikan ang mga ito.

Nakita nila na nag aasaran na ang lalaki at si Roxanne. Malapad ang ngiti ng babae, tila enjoy na enjoy. Bakit kapag sya sumisimangot na ito? Ano kaya problema nito?

Kumuha sya ng isa'ng bote.

"Do you mind?" Taong nya rito.

Tiningnan sya nito saglit at umiling, bago muling nakipag usap sa lalaki. Habang tumatagal ay lalo sya'ng naiinis. Namamanhid na ang paa nya. Hindi nya na alam kung naka ilan na bote na sya.

Bigla ay naiinggit sya sa lalaki. Napapatawa nito si Roxanne, minsan naaakbayan pa. Ayaw nya. Naiinis sya. Bakit ganun? Muli sya'ng nagbukas ng bote at uminom hanggang kalahati noon.

"Hey, may problema ka ba?" Natatawa na tanong ni Yna. She tapped him on his shoulder. "Hinay hinay lang, aba."

Ngumiti lang sya, tumiim ang tingin sa dalawang katapat nila.

Maya maya ay nag excuse ang lalaki, may tumatawag daw sa cellphone nito. He was tall, pero may kapayatan. Simple'ng polo na may tatak na lacoste ang suot nito at maong na pants.

Nang makalabas na ang lalaki ay tila noon pa lang naisip ni Roxanne na uminom. Natunaw na ang yelo sa baso nito.

"Diba okay si Lester? Sabi ko sayo, eh." Sabi ni Yna sa babae.

Ngumiti si Roxanne. "Okay lang, Nag aaya nga sa birthday nya daw next month." Sabi nito bago uminom sa hawak nito'ng baso.

Parang hindi sya nag eexist. Kainis.

Tumayo sya. "I'll have to go back. Salamat." Kay Yna lang sya tumingin at ng tumango ito at umalis na sya.

Sa inis nya ay nakipag flirt din sya sa mga babae na lumapit sa kanya. Ngayon lang sya nakaramda ng inis na ganito. Possible ban a may gusto na sya sa babae? Nagseselos ba sya?

Bigla ay para syang nahilo sa naisip.

"Hi handsome." Sabi ng babae. "How does your lips taste?" Flirty na tanong nito. Sexy at mukhang manika ang babae.

He grinned. "Why don't you taste it?" Hamon nya.

Ang babae pa ang naglapit ng ulo nya rito. And they kissed. Rinig nya pa ang sigaw nila Andrew at Jake. Palaban ang babae. Matapos nun ay hindi na ito umalis sa tabi nya.

He's been holding her in her waist at enjoy na enjoy naman ang babae. Yakap ito ng takap sa kanya, then they were dancing partners. Wala na syang pakealam. Gusto nya magsaya at kalimutan na naisip nya na baka may gusto na sya kay Roxanne.

Alas dos na at parang ayaw pa umuwi ni Yna. Actually, umuwi na si Lester. Tumawag daw ang tita nito at nagka emergency sa bahay. Iniwan nito ang credit card nito sa kanila. Bagamat ayaw nya dahil may dala naman sila'ng pera ni Yna, nagpilit ito.

"Please, take it. Umorder pa kayo if you like. It's my way na rin to apologize." Sabi nito.

"No, it's alright. Naiintindihan ko." Sabi nya.

Talagang nag enjoy sya sa pakikipag kwentuhan sa lalaki. Makulit ito at pareho sila ng mga paborito'ng kanya. In a way, mabuti na rin dahil doon sya na focus kesa kay Nikko na akalain mo'ng naroon pa rin.

Sabi ni Yna ay nakita lang daw nito ang lalaki nang pabalik na sya mula sa pag c-cr kaya kinausap nya ito at inivite. Tawa ito ng tawa ng bigla'ng magpaalam na umalis si Nikko. Ang sabi ni Yna, hindi nya raw kasi pinapansin.

Umismid sya.

"Ayaw mo pa umuwi?" Tanong nya.

Naka tatlo'ng bote lang yata sya ng red horse at ila'ng shots ng cocktail na hindi nya alam ang pangalan.

"Maya maya na. Enjoy muna tayo. Huwag na tayo umorder. Marami pa naman tayo'ng foods at inumin." Sabi nito. Nakaupo ito pero nagsi-sway ang katawan nito ayon sa tugtog.

Hinayaan nya na lang ito. Minsan lang naman talaga sila gumimik nito kaya lulubusin na lang nila. Plaingon lingon sya. Ayaw man nyang aminin ay gusto nya makita ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ito na nakikipag halikan sa isa'ng babae. Sigurado sya na ito iyon. Ito ang suot nito'ng damit. Dahil elevated ang lugar nila ay kita'ng kita ang kinaroroonan nito. Tila chinicheer pa ito ng mga kaibigan nito.

The fuck? Sabi nya sa sarili nya.

Parang may tumusok sa dibdib nya. Ang sakit sakit. Kita nya pa na mahigpit ang hawak ng lalaki sa bewang nung babae. Hay. Ito ang totoong Nikko. Ito ang totoong buhay nya. What does she expect?

Bumuntong hininga sya.

May umaya kay Yna na sumayaw kaya naiwan sya mag isa sa table para mag muni muni. Maingay at mausok pero okay lang sa kanya. Hindi naman crowded dun sa lugar nila.

Pasado alas tres na ng mapagpasyahan nila na umuwi na. Binayaran na nila ang bill nila. Marami pa ri'ng tao pero gusto na nila magpahinga. Nagulat sila ng may waiter na humabol sa kanila pag labas.

"Eh ma'am, may nagpapahabol po sa inyo."

"Ha? Sino? Si Yna ang nagtanong.

Nagkamot ng ulo ang waiter. "Yung may ari po ng cellphone na 'to. Lasing na po eh. Nalaglag na nga ho ito." Pinakita nito ang cellphone na hawak nito. Si Raven ang wallpaper.

"Hala. Kay Papa Nikko ba yan girl?" Tanong ni Yna, nanlalaki ang mga mata.

Tumango sya. "Eh ano ho daw ba ang kailangan nya?"

"Ma'am, lasing na po sya. Hindi na po maka tayo ng maayos eh. Nung nakita kayo na palabas, pinahabol kayo sa akin. Kilala nyo ho ba?" Tanong pa nito.

"Nako girl, puntahan natin." Sabi ni Yna.

"Wala ho ba sya'ng kasama?" Imbes ay tanong nya.

Umiling ang waiter. "Mukha'ng wala po ma'am."

"Fuck." Mahinang mura nya. Gusto'ng gusto nya na umuwi. Pero hindi naman nila ito maiiwan.

Sumunod sila sa waiter.

Nakita nila na nakatayo si Nikko pero naka yuko ito sa mesa. Slow motion na ang pag galaw nito.

"Nicholas." Bulong ni Roxanne.

Agad ito'ng nag angat ng ulo at ngumiti.

"Uyyy. Yung girlfriend ko nandito..." Mapungay ang mga mata nito.

"Patay. Lasing nga girl. Pano yan?" Tanong ni Yna.

"Anak ng tokwa. Kahit kailan naman talaga, oh! Tulungan mo ako na mailabas to." Sabi nya.

Nakakalakad pa naman ang lalaki, wala na nga lang direksyon. Inakbay nila sa mga balikat nila at tig isa'ng braso nito.

"Yna, mauna ka na. Ihahatid ko na lang to sa condo nya. Okay lang ba sayo? Lasing na lasing kasi, baka mapano." Sabi nya.

"Isasuggest ko pa lang sana girl. Sige, may pepper spray naman ako'ng dala. Mauna na kayo'ng sumakay. Teka, diba may kotse yan? Panu yun?"

Napangiwi sya. Oo nga pala. Grabe na ang perwisyo ng lalaki'ng ito. Kinuha ni Yna ang car key at remote nito at dinala sa parking lot para malaman kung ano ang dala nito'ng kotse. Tapos ibinalik sa kanya. Pinaupo muna nila si Nikko sa gutter. Lasing na lasing talaga ito, pero hindi nabawasan ang lakas ng dating nito.

Pinasakay sila ni Yna ng taxi, papasok daw ito sa loob at mag i inform na may maiiwan na kotse ng kaibigan nito para alam ng management.

Sinabi nya sa driver kung saan sila pupunta.

Pinahiga nya ito sa hita nya. Nakapikit ito pero galaw ito ng galaw. Classic na lasing. Naka idlip rin sya kaya kinailangan pa syang tapikin ng driver na naroon na sila.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 25.9K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...
2.6K 213 24
Coffee Series Hindi porke, napag iwanan, hindi na okay. Kontento na si Atarah sa buhay nya. Dahil hindi sya isang charity case, but her friends thoug...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...