Coughtivated (SOON TO BE PUBL...

By Bluffink

5.9K 594 46

Disinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhal... More

Bluffink
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
Epilogue
PUBLISHED!
COUGHTIVATED S2
01 (S2)
02 (S2)
03 (S2)
04 (S2)
05 (S2)
07 (S2)
08 (S2)

06 (S2)

38 3 0
By Bluffink


KANDANGIWI ako habang hila-hila ni Mama ang tenga ko papasok ng bahay.

''Tarantado ka talagang bata ka. Hindi ka talaga mamandaran!'' Nakapameywang na siya sa harapan ko samantalang ako naman ay nakayuko habang hinihimas ang tenga na matatanggal na yata dahil sa lakas ng pagkakapingot at hila niya.

Nang hindi ako magsalita ay kinurot naman niya ako sa tagiliran. ''Kabilin-bilinan ko sa inyo na 'wag na 'wag kayong lalabas! Jusko naman, Atrium. Ni hindi ka nagsusuot ng facemask!''

Kinapa ko ang pisngi ko. Wala nga akong suot.

Nasa kwarto lang naman kasi ako kanina eh. Malalim ang iniisip, tapos bigla na lang nangbulahaw 'yong batang tindero ng balut. Sa inis ko ay nilabas ko na siya at nang matigil na sa kakakatok at katatawag mula sa labas. Nang dahil sa balut boy na 'yon eh nawala na tuloy ang konsentrasyon ko sa pag-iisip patungkol sa napanaginipan ko noong isang buwan.

Oo, buwan na ang nakakaraan subalit hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin at binabagabag pa rin ako lalo pa't palaisipan sa akin kung ano ang ibig sabihin no'n. Tinanong ko si Amyline kung may napanaginipan din ba siyang tungkol sa mga zombies pero tinawanan lang niya ako at sinabing wala.

Makailang beses ko na ring tinawagan si Robust para sana kamustahin pero out of coverage palagi. Nag-aalala tuloy ako. Hindi rin siya nag-oonline sa facebook pati na rin ang pinsan niyang si Gio. Mula tuloy no'ng magising ako mula sa nakakatakot na panaginip na iyon ay parang araw-araw na akong napa-praning at hindi mapalagay.

''Hoy, Atrium!'' Bigla akong sinabunutan ni Mama kaya't nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko.

''P-po?''

Nagsalubong ang kilay niya. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. ''Ang sabi ko, hatiran mo na ng pagkain ang lola mo. Baka sa pagkakataong 'to ay gutom na 'yon.''

Tumango ako. ''Sige po.''

Umalis na si Mama at nagtungo sa kusina.

Bago pumasok sa kwarto ay nilingon ko si Amy. Nandoon siya at nakaupo sa sofa habang nakahalukipkip. Bagamat nakasuot ng facemask ay alam kong nginingisihan na naman niya ako. Ngising nang-aasar.

Pinakyuhan ko siya sabay pasok sa kwarto.

Kumuha ako ng isang surgical facemask mula sa drawer pati na rin medical gloves. Muli akong lumabas mula sa kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Mama na may hinuhugasan sa lababo.

''Kapag ayaw pa rin kumain, usigin mo. Utuin mo. Konsensyahin mo,'' aniya.

Sa mesa ay naroon ang tray na may lamang bowl ng lugaw at isang baso ng gatas. Kinuha ko iyon at naglakad patungo sa kwarto ni Lola.

Ito ang dahilan kung bakit palaging stress at mainitin ang ulo ni Mama. May Covid kasi si Lola, at naka-home quarantine siya. Ayaw niya kasi sa ospital. Ang dahilan niya, mas mapapadali raw kasi ang kamatayan niya kung ico-confine siya sa ospital. Delikado man, napagdesisyunan namin na i-home quarantine na nga lang si Lola ayon din sa kagustuhan niya. Nakausap naman na namin ang mga kabaranggay namin, at karamihan sa kanila ay sumang-ayon pati na rin ang aming kapitan na nagbigay pa ng ilang mga supplies para sa amin kagaya ng facemask at alcohol.

Naniniwala rin kasi sila na baka mas lalong mapasama at lumala ang kalagayan ni Lola sa ospital. 

Pinihit ko ang doorknob at nang makapasok ay isinara kong muli ang pinto. '''La? Kain na po.''

Nakahiga siya sa kama. Nitong mga nakaraang linggo ay madalas siyang mahirapan sa paghinga kaya mayroon siyang oxygen mask at ventilator, pati na rin suwero dahil hindi siya makakain. Pero ngayon ay unti-unti nang bumubuti ang kaniyang kalagayan. Ang sabi nga eh may mga nurse daw na pupunta rito ngayon para i-check si Lola kaso ewan ko nga lang kung nasaan na sila.

Inilapag ko ang tray sa gilid niya. Gising siya kaya naman tinulungan ko siyang makaupo.

''Dapat ganitong oras niyo ako pakainin. Huwag maaga kasi nakakagutom kapag alas dose at madaling araw,'' mahinang sambit ni Lola.

''Okay po. Sasabihan ko si Mama.''

Sinusubuan ko siya dahil wala pang masyadong lakas ang kaniyang mga kamay. May narinig akong mga ingay sa sala subalit binalewala ko na lamang muna dahil abala ako sa pagpapakain kay Lola.

May sariling CR rito sa kwarto ni Lola at sa loob no'n ay mayroon ding lababo. Doon ko hinugasan nang mabuti ang kaniyang pinagkainan at basong pinag-inuman.

Habang pinapatuyo ang mga pinggang nahugasan ay inalis ko ang suot at basa nang gloves. Dinukot ko ang bagong pares ng medical gloves mula sa aking bulsa at itinapon sa bin ang gamit na. Awtomtiko nagliyab ang loob ng bin kaya't nasunog ang gloves na itinapon ko ro'n. Yari sa makapal na uri ng lata ang bin na iyon. Isa rin sa ibinigay sa amin ni Kapitan. Dalawa ang bin na ibinigay sa amin, 'yong isa ay naro'n sa salas.

Sa bin namin itinatapon ang mga gamit nang facemasks at gloves upang maiwasan ang kontaminasyon. Hindi rin naman kasi namin pwedeng basta na lang iyon itapon.

''Narinig kong pinagalitan ka ni Linda kanina,'' gagad ni Lola. Nagawa niya pa lang makahiga nang mag-isa.

''Lumabas po kasi ako nang walang facemask,'' tugon ko.

''Aba'y bakit? Sa'n ka nagpunta?''

''Wala po. Diyan lang naman sa labas ng pintuan. Nilabas ko kasi 'yong batang nagtitinda ng balut. Katok kasi nang katok, nakakadistorbo.''

''Gusto ko ng balut. Sana ibinili mo 'ko, apo.''

''Eh, wala na po. Umalis na,'' yamot kong saad. Tsaka maduga ang batang iyon. Gusto dapat bulk ang bilhin.

Nag-spray ako ng alcohol bago lumabas ng kwarto matapos kong magpaalam kay Lola. Sa gawing kanan pagkalabas ko ng kwarto ay mayroong parang isang booth. Ako ang gumawa nito. Mayroon itong apat na haligi, gawa sa kahoy na hiningi mula sa kapit-bahay. Ang nagsisilbing dingding ay plastik si Maria.

Pumasok ako ro'n. Ito ang disinfecting booth dito sa bahay namin. Isang tao lamang ang kasya rito. Kapag galing sa kwarto ni Lola ay dito kami nagdi-disinfect ng katawan. Sa baba ay mayroong hose, kailangan lang 'yong buksan tapos mababalot na ako sa usok. Sa oras na humupa ang usok, mawawala na ako.

Teleportation ba.

Charot.

Pagkapasok ko sa kusina ay wala na si Mama ro'n. Inilagay ko sa cabinet na nasa itaas ang pinggan ni Lola. Nakabukod kasi ang mga gamit niya. Kasi baka magamit namin nang hindi mamamalayan, tiyak na aagupuhin din kami ng ubo at mga komplikasyon na dala covid.

Lumabas ako ng kusina. Naningkit ang mga mata ko nang mayroong maulinigang mga boses sa salas.

Mga boses lalaki at tila nagkakagulo. Panay ang sigaw ni Mama kaya naman nataranta ako. Tinakbo ko ang daan patungo sa salas at laking gulat ko sa naabutan.

May mga nakakalat na gamit sa sahig. Ang sofa ay wala na sa tama nitong pwesto at animo'y may malakas na pwersa ang tumulak.

''Ayoko po, Tita!! Mahapdi 'yan, 'wag po! Huhuhuhu!''

''Letse ka! Lumapit kayo rito at nang magamot na 'yan!''

''Wag nang alcohol po! Betadine na lang! Huhuhu! Grabe, mas nakakatakot pala Mama ni Atrium, Robust!''

''Kailangan ngang malinisan! Baka napasukan na ng virus 'yang sugat niyo, eh galing kayo sa labas!''

''Gaaaaa! False po 'yan''

''Rium, tulong!''

Nang mamataan ako ng dalawa ay agad silang tumakbo patungo sa akin at nagtago sa likod ko. Si Mama naman ay huminto at nameywang. Matalim na tingin ang ipinupukol niya sa akin.

Sa akin?

Hays. Damay na naman ako.

Nilingon ko ang dalawang nasa likod ko. Masaya ako dahil buhay pa pala ang mga 'to. Masaya ako na nakita ko sila ulit pero hindi ko isinasa-emosyon.

''Ano'ng nangyari? Bakit may mga bangas ang pangit niyong pagmumukha? Si Mama ba ang may gawa niyan?''  Napadaing ako nang bigla akong batukan ni Mama. Napaatras naman ang dalawang nasa likod.

''Asikasuhin mo 'yang mga buwisit na 'yan. Magpapahinga na ako.'' 'Yon lang at iniwanan na niya kami.

''Himlay well, Tita Lin!'' sigaw ni Robust.

''Walangya!'' matinis na sigaw pabalik ni Mama.

Parehong humagikhik ang dalawa kaya tinapunan ko sila ng matalim na tingin. Itinuro ko ang sofa at ang mga gamit nilang nakakalat sa sahig. ''Ayusin niyo,'' utos ko sa kanila 'saka pumihit sa direksyong patungo sa aking kwarto.

Papasok muna ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit doon. Tiyak kasing papasukin din nila iyon. Nakakahiya naman, makalat kasi dahil isang buwan kong hindi nalinisan.

Nang makapasok ay ini-lock ko ang doorknob at tinanggal ang facemask na suot pati na rin ang gloves. Ilang minuto ang iginugol ko sa pagliligpit ng mga kalat sa loob ng kwarto. Bago lumabas ay dinampot ko muna ang cellphone ko mula sa ibabaw ng kama. Sa locksreen ang nakita kong 8:01 pm na pala. Muli kong isinuot ang facemask at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Maayos na ulit ang sala. Nakasalansan na ang mga bag na dala nina Robust at Gio. At sila, hayun sa sofa. Kaniya-kaniyang ginagamot ang kanilang sugat sa mukha. Saan kaya sila nakipagbugbugan?

Naupo ako sa pang-isahang sofa. ''Ang papangit niyo talaga.'' Paano ba nama'y lukot-lukot na ang mga mukha nila habang dinadampian ng bulak na may betadine ang kanilang sugat. Parang hindi mga lalaki.

''Face shaming.'' Nakatingin nang masama sa akin si Robust.

Umirap ako sa hangin. ''Sino ba nambugbog sa inyo?''

''Bakit? Igaganti mo ba kami?'' Tila nagliwanag ang mug shot na mukha ni Robust.

''Yong mga kabaranggay mong siga. Sinugod nila kami,'' sambit ni Gio.

Tumaas ang isa kong kilay. Mababait naman ang mga kabaranggay namin dito. Pati na rin iyong mga tambay. Hindi nananakit ang mga iyon. Puwera na lang kung may gagawin o ginagawa kang ikakainit ng ulo nila. ''Kayo siguro nauna?''

''Huh?! Tsk!'' singhal ni Robust.

''Ang ikinagalit nila ay 'yong headlight ng tryci na sinasakyan namin. Ang iikli naman pala ng pasensya ng mga tao rito,'' si Gio.

Napasandal ako sa sandalan ng malambot na sofa. Siguro ay papasok 'yong trycicle pa sa esknita, tapos nagkataon na may mga tumatambay do'n at nasilaw dahil sa ilaw ng trycicle. Sino ba namna ang hindi maiirita o magagalit kapag tinutukan ng ilaw? Kung ang pakiramdam ng tinututukan ng baril at brown na sandata ay nakakatakot at nakakakaba, ang pakiramdam naman ng tinututukan ng ilaw sa mata ay nakakagalit at nakakairita.

Inilihis ko ang usapan. Mukhang sila naman ang may kasalanan kung bakit sla nagulpi eh kaya dapat kalimutan na lang. ''Bakit pala kayo napadpad dito? Paano kayo nakabiyahe? A-at may napanaginipan din ba kayong kakaiba?''

''Jusko! Pinaalala mo na naman!'' bulalas ni Gio.

Padabog na inilapag ni Robust ang botilya ng betadine at bulak sa wooden center table. Ipinalingpaling niya ang kaniyang ulo 'saka nag-inat. Tila naghahanda para sa mahabang kwentuhan.

''Hindi ba birthday  mo noong nakaraang buwan?'' panimula niya. Nakapatong ang parehong siko sa mga tuhod habang ang mga kamay naman ay magkasiklop.

''Oh?'' Kumunot ang noo ko. Sa panaginip ko kasi hindi ko na matandaan kung paano sila nakarating dito sa Maynila at kung paanong nangyaring kasama ko na silang tumatakbo para takasan iyong mga infected. 

''Bumiyahe kami papunta rito no'ng araw bago ang birthday mo. Tangina p're, nangutang pa ako ng pamasahe. Tapos pagdating sa bus station, putangina na-stranded kami ro'n.''

''Aray! Lintian ka,'' himutok ni Gio nang masagi siya ni Robust. With action pa kasi ang pagkuwento ng lalaking 'to.

''Naabutan kayo ng lockdown?'' kunot-noong tanong ko.

''Mismo!''

''Sana nagsabi kayo sa akin na pupunta kayo rito. Bakit hindi kayo nagsabi?''

Inirapan ako ni Robust sabay halukipkip. ''Tangina, surprise nga eh.''

''Hindi mo ba kami nakita sa TV? Pre, na-TV kami!'' biglang bulalas ni Gio. ''Ganito kasi 'yon, may mga reporters na nagpunta at nag-shooting doon sa bus station kung saan kami na-stranded. Tapos ayon, hindi mo ba kami nakita sa TV?''

''Gago, hindi naman tayo nakasabay sa mga in-interview kaya 'di tayo makikita sa TV.''

''Hoy! Oo kaya. Nahagip tayo nung camera, insan. Nahagip 'yong pwesto natin.''

''Tsss. 'Yong panaginip natin. Magkakapareho ba?''

''Ibig mo bang sabihin, 'yong may zombie attack?'' tanong ni Robust. ''Si Gio rin gano'n din 'yong panaginip. Pero hindi ako naniniwala kasi gaya-gaya ang inggiterong 'yan.''

''Hoy, totoo kaya! Kinuryente mo pa nga ako sa panaginip ko eh. Ang sama mo talaga. Tapos muntik pa 'kong mapatay no'ng nakamaskarang bungo. Nakita ko 'yong mukha, natatandaan ko pa pero malabo medyo.''

''Sa tingin niyo ba, totoo 'yon? O mangyayari 'yon?'' tanong ko sa kawalan. Lubos kasing nakapagtatakang maging sila ay ganoon din ang panaginip. Parang may ibig sabihin... o ipinapahiwatig.

Napansin kong nangayayat si Robust. Hindi naman ganiyan ang katawan niya noong huli ko siyang nakita, noong nakaraang taon. Doon kasi ako nagpasko sa probinsiya nila. Ang saya magpasko sa probinsiya.

Tumayo ako. ''Tara sa kusina.''

Wala pang dalawang segundo ay nakatayo na rin ang dalawa.

''Yown,'' sambit ni Gio.

''Hays, sa wakas. Makakain na ulit ng matinong pagkain. Sawa na ako sa rebisco at cup noodles, nyeta.''

Pagbukas ko sa ref ay puro gulay ang naro'n. Ang mamahal ng mga ito, ayon kay Mama. Sa grocery store niya kasi binili ang mga 'to dahil wala nang palengke. Kaunti lang ang nabili ng isang libong pera niya.

''Houy, Atrium. Matagal pa ba 'yan?'' tila inaantok na tanong ni Robust.

Ipinagluluto ko sila ng ginisang repolyo na may tinapang lawlaw. Hayun sila at nakayukyok sa mesa. May pahawak-hawak pa sa tiyan si Gio. Hindi ko naman mauutusan tong niluluto ko na bilisang maluto para makain na nitong mga 'to.

''Ilagay niyo na muna 'yong mga gamit niyo sa kwarto. Tapos maligo na kayo.'' Itinuro ko ang puting pinto sa bandang kanan. ''Ayan CR.''

''Saan ba ang kwarto namin?'' tanong ni Robust.

''Ako okay na ako sa sofa,'' saad ni Gio.

Saglit ko silang nilingon. ''Sa kwarto ko. Kasya tayo ro'n.'' Muli kong ibinalik ang tingin sa niluluto. Narinig ko ang pagpulasan ng dalawa patungo sa salas.

''Ako ang katabi ni Atrium sa kama. Ikaw sa sahig ka!''

''Bakit sa sahig ako?! Ikaw na lang, sanay ka na eh, ako hindi. 'Di ba palagi kang sa sahig natutulog 'pag galit sa 'yo Mama mo?''

''Gago ka. Ako nga ang sa kama. Alangan namang magtabi kayo ni Atrium eh 'di naman kayo close. Kami ang bestfriends, salingpusa ka lang!''

''Oh, gagi. Paunahan na lang.''

''Hoy!'' 

Mukhang hindi natapos ang pagtatalo nila kahit nakapasok na sa kwarto. Napailing na lamang ako at saglit na iniwan ang niluluto para tignan kung naisara ba nang maayos iyong pintuan ng bahay namin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
25.1M 628K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
10.2M 153K 27
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...