I'm His Personal Doctor

By Tha_Rielle

11.2K 342 23

She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ash... More

Prologue
C - 01
C - 02
C - 03
C - 04
C - 05
C - 07
C - 08
C - 09
C - 10
C - 11
C - 12
C - 13
C - 14
C - 15
C - 16
C - 17
C - 18
C - 19
C - 20
C - 21
C - 22
C - 23
C - 24
C - 25
C - 26
C - 27
C - 28
C - 29
C - 30
C - 31
C - 32
C - 33
C - 34
C - 35
C - 36
C - 37
C - 38
C - 39
C-40
C - 41
C - 42

C - 06

273 8 0
By Tha_Rielle

                             Ashtrielle Velasco

Nagising ako nang may marinig akong tunog galing sa banyo. Babangon na sana ako pero may napansin akong kakaiba, teka sa sofa ako natulog kagabi ah. Bakit nasa kama na ako?

"Hindi naman ako gumising ng madaling araw ah" mahinang bulong ko sa sarili.

Kaagad akong napalingon ng sumara ang pinto at nakakunot noo ko itong tinignan.

"No doctor, I carried you up because you are not comfortable sleeping on the sofa." tumayo ako nang sabihin niya iyon.

Paano niya nasabi eh ang laki ng sofa tapos maayos naman akong nakatulog ah.

"Paano mo nagawa eh may sugat ka?" takang tanong ko sa harapan nito pero seryoso parin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Kakatapos lang nitong maligo at medyo nakaka lakad na siya.

"Hoy kinakausap pa kita" sigaw ko habang sinundan ko ito bigla nalang kasing umalis.

Pagkarating namin sa baba ay napaka tahimik ang buong paligid. Nasaan ang mga maid? Si Lara?

"If your confusing doctor pinauwi ko na ang kaibigan mo kasama si dracey" sa kanya na nabaling ang aking paningin at nagtataka ko itong tinignan.

"Teka bakit?" takang tanong ko bago ako muling sumunod sa kanya ng magpunta ito sa kusina.

"Your noisy doctor stop asking and sit there"naiinis nitong wika at tinuro pa nito ang upuan.

Pumunta siya sa lababo at may hinugasan siyang mga gulay. Mag luluto ba ito? eh hindi pa siya masyadong magaling.

" Ako na diyan kailangan mong magpalakas muna" tumabi pa ito nang agawin ko ang hinuhugasan niya bago niya ako pinaningkitan.

"Im okay as you can see" tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa kanyang sinabi.

"Okay, tulungan nalang kita pero pwede ba Ash nalang ang itawag mo" wika ko sa kanya at kinuha ang choping board para hiwain ang mga ito.

Hindi niya ako sinagot bagkus may kinuha pa ito sa ref. Hindi ko alam kung ano ang lulutuin niya pero tumulong nalang ako.

Napaatras ako ng dumaan ito sa aking harapan hindi manlang nag excuse, pinanuod ko lang ang bawat kilos niya.

Kukunin niya sana ang bowl sa drawer pero napadaing ito dahil nasagi niya ang kanyang sugat.

Deserve!!

"Ako na" pagprisinta ko bago pumunta sa harap nito at inabot iyon mabuti at matangkad ang lahi namin.

Natapos na ako sa pagsaing ng kanin at ito naman ay nagluluto pa teka hindi ba siya marunong gumamit ng apron, paano eh nadudumihan na ang kanyang damit.

Ako na ang kumuha ng apron na nakasabit bago ako nagtungo sa pwesto nito.

Nagulat pa siya ng ilagay ko ang apron sa kanyang katawan, paano kasi para na akong nakayakap sa kanya. Baka sabihin nito tsansing ang ginagawa ko.

"Kalalaking tao di marunong" bulong ko pero nakakunot noo lang itong tumingin sa akin.

Hinintay ko nalang siyang matapos at himala magaling pala itong magluto ang bango kasi.

Tinulungan ko nalang siyang ilapag ang mga pagkain sa mesa bago ito umupo sa harapan ko.

"Bakit ang rami mong mga tauhan?" nagtataka akong tumingin sa kanya pero seryoso lang ito.

"For safety" tipid niyang sagot pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ba ito na pa panganib.

"You'll not understand from now on, but soon" sunod muli nitong wika kaya hindi nalang ako nagsalita.

Wala ni isa sa amin ang umimik habang kumakain kaya natapos kami kaagad, at ako na ang nag-presenta ng nagligpit bago ito nagpunta sa sala.

Nang matapos na ako ay pinagmasdan ko lang siyang may kausap sa telepono.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit marami ang gustong patayin siya? Sino kaba talaga zavier, may tinatago ka ba na hindi ko alam.

Nang makita ako nito ay napaiwas lang ako ng tingin bago lumapit sa kanya.

"Aalis ako ngayon marami akong asikasuhin na pasyente at kung maaari huwag ka na munang lumabas dito hindi ka pa masyadong magaling" paliwanag ko sa kanya at humarap naman siya sa akin.

"maayos naman ang mga pag kilos mo kaya alam kung naka karecover kana sa mga sugat mo pero huwag kang magalala babalik din ako" nakita ko ang pag iwas nito at hindi manlang niya ako masagot.

"Zavier may problema ba?" doon na siya nakakakuha ng pagkakataon para harapin ako.

"Do you still need to leave?" napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

"May operation ako mamaya at kailangan kong  gawin iyon" nag buntong hininga muna ito bago nagsalita.

"But what if-" hindi ko na siya pinatapos dahil parang may gusto pa itong sabihin.

"Zavier, babalik naman ako, huwag mong sabihing -" napangiti ako ng palihim dahil sa masama niya akong tinignan at kaagad itong nagsalita.

"Of course no! you can leave" bakas ang Inis sa boses nito pero mas lalo kolang siyang pinagtawanan.

"Aminin mo nalang kong may gusto ka -" kaagad na niyang pinutol ang aking sasabihin dahil sa aking sinabi.

"Just go doctor, baka magbago ang isip ko at hindi na kita palabasin" naiiritang wika nito kaya napatigil ako bago ko siya tignan.

"Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka, pero kung ako ang kailangan -"

Hindi na ito nakatiis at kaagad niya akong iniwan dito ang dali niyang inisin. Kung ano ano kasi ang sinasabi ko.

Kinuha ko nalang ang aking gamit at nagtungo sa kotse, hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil baka mas lalo pa itong magalit.

Dumaan muna ako sa bahay para maligo at nagbihis pagkatapos ay dumeretso na ako sa hospital.

"Ash, bakit wala ka kagabi dito saan ka ba nagpunta?" kaagad nagtanong si Keshia sa akin nang makita niya ako papasok

"May inaasikaso lang ako" sagot ko sa kanya at bigla kaming napatigil dahil may mga Nurse ang pa takbong nagpunta sa isang silid kaya nagkatinginan muna kami bago tumakbo para tignan kung anong meron.

Napalibutan ng mga tao at pasyente ang isang room pero hindi sila nakapasok nang makita ko si Lara ay nilapitan ko ito.

"Anong meron?" nagaalala din ito bago nagsalita.

"May isa kasing lalaking nakahawak ng kutsilyo at hostage niya ang isang pasyente" paliwanag nito kaya doon na ako sumilip.

"Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong patayin ko ito" rinig kong sigaw niya nang makapasok ako.

"Mister huminahon ka ibibigay namin ang kailangan mo huwag mo lang sasaktan ang pasyente" si dr. Alfred ang kumausap sa kanya, pero mukhang walang narinig ang lalaki dahil mas inilapit niya ang hawak nitong kutsilyo.

"Doc anong nangyayari sa kanya?" tanong ko kay tito ko kaya agaran itong lumingon sa akin.

"mental health problem" tipid niyang sagot kaya tumingin muli ako sa lalaki.

Kaya ba niya nagagawa ito dahil sa may diperensya ang kanyang utak, napaseryoso ako ng mag tama ang aming paningin pero ngumisi lang ito.

"Ikaw" turo nito sa akin kaya pati ako ay napakunot ang noo. "Lumapit ka dito kunin mo ang naka box sa drawer ko bilis" kahit naguguluhan ay dahan dahan akong lumakad kung saan malapit ang hospital bed niya.

Nagpunta ito sa pinaka dulo para kung sakaling may lumaban sa kanya ay hindi nila ito magawa dahil nasa harapan niya ang pasyente.

Dali dali kong hinanap ang isang box na sinasabi niya. Ano ba kasi iyon?

Napatigil ako at nagulat nang malaman kong anong klaseng gamot ito. Bakit mayroon siya nito sino ang nagbigay?

"Stimulant drugs" bulong ko sa sarili ng napagtanto ang laman ng box bakit kailangan niyang gumamit ng ganito? kaya ba siya nagkakaroon ng problema sa pag-iisip. Delikado ito maaaring lumala ang mental health niya kapag gumamit siya nito.

"Bilisan mo" na pabalik ako sa ulirat ng sumigaw ito at galit na tumingin sa akin.

Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi niya matuloy ang binabalak niya.

Kinuha ko ang box at napatigil muna ako nang may makita akong nakalapag sa maliit na lamesa, laking pasasalamat ko dahil naiwan pa nang nurse ang injection isa itong pampa tulog kaya ito nalang ang gagamitin ko.

Humarap muna ako sa kanya at palikod kong kinuha ang injection bago ko itinago sa baba ng box na hawak ko.

Nang makalapit na ako sa kanya ay mas tinutok lang niya ang kutsilyo sa pasyente.

" Mister, pakawalan mo na ang pasyente pwede pa naman natin itong pagusapan, maaari pang mabago ang buhay mo" mahinahon kung wika pero tumawa lang ito na parang baliw.

"Hindi! at hindi na ako babalik sa dati dahil wala na akong natitirang pamilya kaya ilagay mona ang box at umalis ka!" galit nitong sigaw kaya tumango nalang ako.

"Ash, magiingat ka" rinig kong wika ni Keshia sa likod ko pero hindi ko ito nilingon.

Dahan dahan kong ibinaba sa tabi niya ang box at itinago ko muna ang hawak ko bago humarap sa kanya.

"Diyan ka lang!" napatigil ako nang muli itong sumigaw nakita ko naman sa gilid ang mga guard pero hindi sila makapasok dahil baka kung ano pang gawin nito sa pasyente.

Pinaalis nila ang mga taong nasa labas dahil delikado kaya kami kami nalang ang nandito.

"Ihanda niyo sa labas ang sasakyan at huwag kayong magtatangkang sumunod" sinenyasan ko ang kasama ko na sundin ang pinauutos nito at tumawag naman kaagad si dr. Alfred ng taxi.

Habang naghihintay kami ay napansin kong dumudugo na ang leeg nang pasyente at nahihirapan narin siyang huminga.

Bakit ang tagal dumating baka wala kaming aabutan kapag nainip na itong lalaki.

"Nasa labas na ang sasakyan mo" kaagad nagsalita si Lara kaya napatayo naman ito ng tuwid.

Tumingin muna siya sa akin bago sumenyas na umalis sa harapan niya, kaya tumagilid ako habang naglalakad na bitbit ang hostage.

Nang biglang sumigaw ang lalaki at nakita ko naman ang pag kagat ng pasyente sa kamay nito kaya doon na ako lumapit bago kunin ang hawak niyang kutsilyo pero nakipag agawan pa ito.

Tinulak ko ang pasyente na kaagad namang dinaluhan nila lara, kinuha ko ang injection sa bulsa ko pero nabigla ako ng makuha niya ang kutsilyo.

Umilag ako kaagad ng salubungin niya ako at hinampas ko naman siya sa balikat kaya napasigaw pa ito.

"Papatayin kita!!" galit niyang sigaw at sasaksakin niya sana ako ng mahuli ko ang patalim, nagkasugat pa ang aking kamay at may dugong dumaloy doon pero hindi ko na ito ininda.

Kaagad kong itinutok ang injection sa kanyang balikat at unti unti naman itong nawalan nang malay.

Patakbo namang pumasok ang mga guard bago nila ito buhatin. Napatingin pa ako sa kamay ko nang humapdi ito.

Paano na ito hindi ko na magagawa ang operasyon ko mamaya. ' Hindi ka kasi nag iingat Ash!! ' bulong ko sa sarili bago tumingin sa pasyente na ngayon ay inilagay sa wheeled stretcher.

Tumango lang ako kay Doc. Alfred na mauna nalang sila dahil kailangan niyang asikasuhin ang pasyente.

"Ash, may sugat ka!  Sabi kong magiingat ka eh" hinawakan ni Keshia ang aking kamay kaya napadaing ako. Bago niya ako sinamaan ng tingin.

"Hali na nga kayo at gamutin na natin iyan baka maubusan ka nang dugo diyan" sumunod ako kay Lara nang nauna na itong naglakad patungong clinic.

Hindi ko alam kong kanino ko iba baling ang paningin ko sa kanila dahil pareho naman silang nagsasalita at panay sermon.

Nang matapos na si Lara sa paglalagay ng bandage ay humarap ito sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Paano na ang operation mo may 20 minutes nalang tayong natitira" nakakunot noo nitong wika kaya napaisip naman ako tungkol dito.

Baka hindi ko makayanan dahil humahapdi pa ang sugat ko. Pwede naman siguro si Keshia Total wala na itong asikasuhin.

"Keshia baka naman pwede ka, ikaw lang kasi ang alam kong makakatulong" pakikiusap ko pero ang tinarayanlang ako. Abat kung siya ang makiusap tinutulungan ko pero kapag ako ayaw.

"Oo na ako nang bahala, pero huwag ka munang uuwi dahil kasama mo kami ni Lara" inirapan ako nito bago umalis kaya pareho kaming na tawa dahil sa kanyang inasta.

Ang bait talaga ng kaibigan ko.

"Ako nalang ang magmameho ng kotse mo" tumango ako nang magsalita ang kasama ko.

naghintay lang kami ng dalawang oras dahil medyo matagal ang operasyon at bumili naman kanina si Lara ng pagkain kaya ngayon ay busog kaming lumabas.

"Ihatid mo muna ako sa bahay ni zavier kailangan ko pa kasing tignan yun eh baka kung ano nanaman ang pinag ga gagawa" napatigil silang pareho at tinignan nila ako ng may pangiinsulto.

"Huwag mong sabihing-" kaagad ko nang pinutol ang sasabihin ni Keshia dahil iba nanaman ang iniisip nito.

"Pasyente ko lang iyon okay kaya huwag kang magbigay malisya" paalala ko pero nakangiti lang itong tumango.

Sumakay na kami sa passenger seat ni Keshia at si Lara na ang nagmaneho.

Continue Reading

You'll Also Like

294K 8.2K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
38.5K 1.3K 17
18 year old Ymir grew up on the outskirts of a small Romanian village. On her 18th birthday she sought out to run away from home when things haven't...
408K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...
331K 19.2K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong