UMAGANG NAGISING SI TRINI NANG SUMUNOD NA ARAW. Bumangon siyang magaan ang pakiramdam—she was ready for the day!
She wore her new one-piece white bikini and wrapped a black see-through malong around her waist. Sa kaniyang mga paa ay ang pares ng white sandals. Ang kaniyang buhok ay tinali niya ng kung paano na lang. Bitbit ang summer bag na may lamang essentials ay humakbang siya patungo sa pintuan— balak niyang katukin muna si Gene bago si Deewee. Hindi niya alam kung gising na ang mga ito dahil wala siyang natanggap na kahit anong mensahe mula sa dalawa.
It was only seven; and the sun was perfect for their skin. Yayayain niya ang dalawang magbilad sa ilalim ng araw.
Pagbukas niya ng pinto ay kaagad siyang natigilan nang makita si Gene na nakasandal sa pader ng hallway na nakatapat sa kaniyang silid. Nakaangat at nakadantay ang isang paa nito sa pader, ang mga kamay ay naka-halukipkip. He smiled when he saw her.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"I knew you would be up this time," anito, tumuwid ng tayo.
Itinuloy niya ang paglabas at inisara ang pinto ng silid bago ito hinagod ng tingin.
Gene was wearing a white beach polo and a black Khaki shorts. Sa mga paa nito'y puti ring sandalyas. Ang butones ng polo nito'y nakabukas mula sa gitna paitaas. He was looking fresh and ready to go.
Napangiti siya. "Look at you, lover boy!"
Ngumisi ito. "I didn't know you'd wear white and black. We really are soulmates."
Napasinghap siya nang mapagtantong tama ito. Tulad ni Gene ay black and white combo rin ang suot niya!
"Oh my God, sinilip mo ba ang luggage ko?"
Lumapad ang ngisi nito. "Kasabay mo akong namili ng mga bikini mo noong huling pumunta tayo sa Maynila. I knew what you would be wearing, I just didn't expect you'd wear the same color combination today." Iminuwestra nito ang braso sa kaniya. "Let's get some breakfast, shall we?"
Napanguso siya. "Hindi mo man lang ba iko-compliment ang suot ko?"
Bumaba ang tingin ni Gene sa suot niya. Sandali lang nito iyong sinuri bago ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. He shrugged his shoulders nonchalantly. "I mean, what else is new? Madalas kang maghubad at magbihis sa harapan ko, ano pa ba ang itatago mo sa akin?"
"Kepyas at papaya ko, malamang! Kuu!" Lumapit siya at tinampal muna ito sa tiyan bago kumapit sa naka-muwestra nitong braso.
"Papaya," ulit ni Gene, muli siyang niyuko. "I don't see any papaya—"
"Sige, ituloy mo, Gene, at magpupulot ka talaga ng mga ngipin mo sa sahig."
Humalakhak ito at inalis ang braso mula sa pagkakakapit niya. Iniakbay nito iyon sa kaniya at kinabig siya palapit. "Don't worry, you still have this strong sex appeal even without gigantic assets."
Kinunutan siya ng noo at tiningala ito. There was something in his voice that she couldn't define. Something that wasn't there before. Something more... passionate.
"You never said that before," aniya bago pa man mapigilan ang sarili. Ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ni Gene, pero ang tono ng pagkakasabi nito'y gumulo sa isip niya.
"What is?"
"Na malakas ang sex appeal ko. This is the first time, at hindi ko alam kung maniniwala ako o maaawa sa sarili ko dahil baka sinasabi mo lang 'yan para hindi ako ma-insecure sa mga naglalakihang boobs ng ibang turistang makikita natin mamaya sa beach."
Gene opened his mouth to explain himself when suddenly, Deewee's door opened. Natuon ang pansin nilang dalawa roon, at nang lumabas si Dee sa pinto ay kaagad na bumaba ang tingin nila sa suot nito.
Deewee was wearing an ultra-red summer polo and yellow Khaki shorts. May sunglasses sa mga mata kahit wala pang araw, at ang buhok ay naka-gel at hagod na hagod patalikod. Sa kamay nito ay ang cellphone, keycard, at sunscreen.
"Morning!" bati nito bago inalis ang glasses. Ang mga mata nito'y natuon sa braso ni Gene na nakaakbay sa kaniya, at ang ngiti nito'y napalis.
"Morning, Dee," aniya saka bahagyang inalis ang braso ng kaibigang nakaakbay sa kaniya. Ayaw niyang may ibang isipin si Deewee, lalo at nakita niya ang pagkawala ng ngiti nito sa mga labi. "Ready for breakfast?"
Muli itong ngumiti, ang tingin ay itinuon sa kaniya. "Of course! Tumawag na ako sa ibaba para magpa-reserve ng table. Ang kaso..." He trailed off and looked at Gene. "...two-seaters lang daw ang table sa beachfront ng restaurant. Okay lang ba sa'yong maupo sa katabing mesa, Gene?"
*
*
*
THIS ASSHOLE... manghang wari ni Gene sa isip. Alam na alam niya kung ano itong ginagawa ni Deewee.
The game is on, then...
"It would be awkward, don't you think, Trinidad?" aniya na ibinaba ang tingin sa kaibigan na napangiwi. "Nakakalungkot naman sa bahagi ko kung sa ibang mesa ako maupo?"
"Right. Maghanap na lang tayo ng ibang table na pwede tayong tatlo, Dee. Ang awkward naman na nasa kabilang table itong bestie ko; parang hindi tama."
Nakita niya ang akmang pagtutol ni Deewee, tila may nais pang sabihin para makombinsi si Trini na sumang-ayon sa gusto nitong mangyari, subalit kaagad siyang nagsalita.
"Hindi pa nga kayo, nagiging possessive ka na, Deewee."
"No, I am not." Nagusot ang mukha nito sa sinabi niya na lihim niyang ikinangiti. Ilang sandali pa ay nauwi ito sa pagbuntonghininga. Then, he nodded his head and said he would try to look for a family-seater table to fit them all.
Nawala na sa isip niya ang iba pang mga sinasabi ni Deewee dahil bumaba ang kaniyang tingin kay Trini. She had a bright smile on her face as she listened to Deewee, and he didn't like that.
He didn't want her to smile at this a**hole. He just wanted her to smile at him. For him.
Damn it. What am I thinking?
Ibinalik niya ang pansin kay Trini. Hindi niya masabi rito na alas seis pa lang ay nasa harap na siya ng pinto nito. Gusto niya itong katukin at gisingin, pero naisip niyang baka lalo itong mainis matapos ang nangyari kagabi kaya naghintay siya. He even sat on the floor when his legs started to get numb. Nang maramdaman niya ang pagkilos nito sa loob ng silid at ang pagkaluskos ng door latch ay saka siya tumayo at pumorma.
He didn't know why he did that. It seemed childish, but his gut feeling told him to at least give it a try. There was no harm trying anyway. And boy was he looked cool!
At nang tanongin siya nito tungkol sa itsura ay muntik na niyang ipakita rito ang totoong damdamin niya. He thought she looked great in her one-piece bikini, and there was more he wanted to say only if Deewee didn't come out of his room. Pero buti na rin iyon. He didn't want her to know what he feels just yet. He wanted to go slow and careful. Maraming masisira at magugulo kung magmamadali siya.
"Let's go, Gene?"
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang pagyaya ni Trini. Naramdaman din niya ang muli nitong paghawak sa braso niya. Tumango siya at pinauna ito. Si Deewee naman ay naglakad na rin at sandaling tumabi sa kaniya. Binagalan niya ang paglalakad upang palayuin nang kaunti si Trini, ramdam niyang may nais sabihin si Deewee.
"You are a tough competition, but put this on your mind, Gene. I won't give up so easily," bulong ni Deewee nang makalayo nang gusto si Trini sa kanila.
Akma niya itong sasagutin upang sabihin na galingan dahil mahina ang laban nito nang lumingon sa kanila si Trini. Kinunutan ito ng noo.
"Come on, ang bagal ni'yo namang maglakad. Daig ni'yo pa ang dalaga, ah?"
"Masakit daw ang mga paa ni Deewee, baka hindi raw siya makalangoy mamaya."
Bahagya niyang narinig ang pagsinghap ni Deewee, pero hindi na ito nakasagot pa nang binilisan niya ang paghakbang at muling inakbayan ang kaibigan. "What do you want for breakfast?"
"Hmm. I don't know. Let's check out the menu. Alam mo namang kahit ano ay kakainin ko."
"Yeah. You need to eat a lot this morning because we've got stuff to do. Kailangan mo ng lakas."
Tuluyan niyang inilayo ang pansin ni Trini mula kay Deewee. Tuluy-tuloy silang nag-usap na tila sila lang ang naroon.
Si Deewee naman na nasa likuran ay napa-ismid. Nag-uumpisa na rin itong mainis kay Gene at sinabi sa sarili na gagawin ang lahat para masolo si Trini sa araw na iyon. How, Deewee had no idea. But one thing was for sure.
The game was on.
And he had to win Trini's heart.
TO BE CONTINUED...