Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
Finale

26

6.7K 307 49
By Sha_sha0808






Unedited...




Hindi na siya nagulat nang pumasok si Reon habang siya ay nagluluto ng sinigang na isda. Puno ang ref nila kaya hindi na niya kailangang mamalengke.

"Bat nandito ka?" tanong niya nang lumapit si Reon.

"Dapat ba nandoon ako?" tanong ng binata at niyakap siya mula sa likuran at hinalikan sa kanang balikat. "Hindi ba uso ang paggamit ng cellphone kapag nasa school, Zia?"

"Bakit mo ho natanong?"

"Sabi ko kapag nasa school ka na, chat mo ako o i-text. Kung tinatamad ka, tawagan mo ako pero wala. Hindi ka ba talaga marunong sumunod sa instructions?" sumbat niya at mahigpit na niyakap ang bewang ni Zia.

"Nakalimutan ko ho," sagot niya at napakagat sa ibabang labi. Hindi siya makakilos dahil nasa likuran pa rin niya si Reon.

"Ah, ganun? Palagi na lang nakakalimutan, ano? Wala ka na sigurong ano, no?" bulong ni Reon saka hinalikan sa kanang tainga ang dalaga.

"M-Mayroon pa," pagsinungaling ni Zia.

"Ilang araw na ah!"

"Seven days ako," ani Zia.

"Hmm? Pwede na 'yan," sabi ni Reon.

"Hala, hindi kaya."

"Pag patapos na, wala na 'yan."

"Ayaw ko nga! Masakit kaya," tanggi niya. Ano 'yon? Kahit dumudugo, sasalpakan pa rin nito? Hindi sa maarte siya pero ayaw talaga niya.

"Hmmp!" Tumalikod si Reon saka tumungo sa kwarto para magpalit ng damit. Mabuti at hindi na ito namimilit kahit na ang totoo ay kahapon pa siya tapos.

Tinikman niya ang nilulutong sinigang, kulang pa sa asim kaya dinagdagan niya ng sinigang mix.

Nang lumabas sa kwarto, nakabihis ng pambahay na si Reon.

"Hindi ka ba uuwi mamaya?" tanong niya nang tumungo sa sala para ipagpatuloy ang pagbabasa.

"Saan?"

"Sa bahay mo."

"I'm at home," ani Reon saka inabot ang remote ng TV sa center table saka nanood ng balita.

"Kakain ka na ba? Ipaghanda kita. Wala pa akong ganang kumain kaya mag-aaral muna ako."

"Mamaya na, sabay na tayo."

"Baka gutom ka na."

"Busog pa ako. Magkakape lang muna ako."

"Black coffee?" Tumayo siya para ipaghanda si Reon.

"Yes, please."

Tumungo siya sa kusina at pagbalik niya ay may bitbit na syang kape.

"Napag-isipan mo na ba kung saan mo gustong pumunta sa European tour natin?"

"Tuloy ho ba talaga iyon?"

"Tingin mo sa akin nagsisinungaling?"

"Wala akong alam sa Europe."

"Bansa, sympre. Ano ba talaga ang pangarap mong puntahan sa Europe?"

"Marami."

"Like what?"

"Syempre Paris. Gusto kong makita ang Eiffel tower," sagot niya.

"Ano pa?"

"Wala na akong idea. Ah, mayroon pala. Italy, Rome. Gusto kong maranasan ang maraming ibon na tumutuka," aniya.

"Okay. Malapit lang 'yan sa Switzerland kaya pwede tayong dumaan," sabi ni Reon. "Okay na rin na sa December para makuha na natin ang Visa mo. Ang problema lang ay winter 'yon doon kaya sobrang lamig lalo na sa Switzerland."

"May snow?" medyo excited na tanong niya. "Hindi pa ako nakakita ng snow."

"Of course, may snow," sabi ni Reon.

"Sir," ani Reon. "Kung sakaling totoo man at matuloy, firstime ko pa lang hong lumabas ng bansa at makakita ng snow."

"Eh 'di ituloy talaga natin," ani Reon. "Hindi ka ba talaga nakalabas sa bansa?"

Umiling si Zia. "Ni Palawan nga po, hindi ko pa napuntahan e."

"Doon na tayo galing, sa Amanpulo."

"Ay, oo nga po pala." Naalala niya ang kwentas na binili nito sa kanya.

"Bakit hindi mo sinusuot ang kwentas na bigay ko?"

"Sir, ang mahal ho nun kaya makekwestiyon na naman ako," sabi niya. "Alam nyo naman hong ayaw kong maging usapan ng buong campus. Working student lang ako kaya bakit ako may ganoon kamahal na jewelries? Eh yung bag mo pa nga lang na bigay eh, marami na ang nakasilip kanina. Di mo naman sinabi na Gucci pala 'yon."

"Pinapili kita."

"Akala ko kasi hindi kilalang brand."

"At least kumportable ka. Ano ba kung mahal?"

"Hindi nga pwede!" inis na sagot niya. "Bakit ba kasi ang mamahal ng mga binibigay mo?"

"Sympre magbibigay na lang ako eh, iyong matibay na."

"Maraming matibay riyan na mumurahin. Be practical na lang sana."

"You deserve a high value, Zia. Ibibigay ko ang gusto kong ibigay. Hindi ka ba masaya?"

"Kung hindi ako huhusgahan ng iba, why not?"

"Eh di sabihin mong bigay ko. Hindi mo iyon ninakaw."

"Kaya nga magtatanong sila bakit mo ako bibigyan?"

"Sabihin mong close tayo. You can tell them na magkasama tayo sa bahay."

"Hala!" aniya at napatingin kay Reon na umiinom na ng kape.

"Anong hala? I am working hard, Zia. Para mabili ko ang mga gusto kong bilhin at kung sino ang gusto kong bibigyan nito. It's my money at wala akong niloko o inapakang tao."

"Sympre magtataka sila kung bakit tayo magkakilala at kung ano ang relasyon natin kung bakit mo ako binibigyan ng ganoon kamahal."

"It's none of their business! Just ignore them! Hindi mo kailangang sagutin ang lahat ng tanong nila. Let them think! Hindi ako nagpakahirap noon para balewalain mo ang mga binibigay ko sa 'yo."

"Eh kasi-wag na nga! Mag-aaral na nga ulit ako. Baka bumagsak ako at mawawalan pa ako ng scholarship," sabi ng dalaga at bumalik sa pwesto para ipagpatuloy ang pag-aaral.










---------------






Hindi niya inaasahan na sunduin siya ni Reon sa Westbridge. Nakiusap na lang siya sa binata na sa likod ng Westbridge sila magkita para walang issue.

"Hi, bakit mo ako sinundo?" tanong niya nang zumakay sa lamborghini ng binata.

"Bakit, may masama ba?"

"Wala naman ho pero sana hindi ka na nag-abala pa dahil kaya ko namang umuwing mag-isa."

"May pinuntahan ako riyan sa malapit at dahil nandito ka na rin lang at iisang bahay naman ang uuwian natin, isinabay na kita. May masama ba?" tanong ng binata na hinihintay ang katabing matapos sa pag-seatbelt.

"Wala naman pero ayaw ko lang talaga ng may makakita sa ating magkasama. Tingnan mo naman ho, may nakakita na sa akin na sumakay rito dahil agaw-pansin ang sasakyan mo," reklamo niya dahil hindi naman nawawalan ng estudyante ang palibot ng Westbridge, mas kaunti nga lang dito sa likod. "Noon, limosine tapos ngayon lamborghini! Alam mo bang nakakarinig na ako sa kanila na nagpapa-booking ako o isa akong escort ng mayayamang tao?"

"Ano ba ang pakialam ko sa sasabihin ng mga tao? Bakit ka ba nagpapaapekto sa kanila? Mabuti o hindi ang buhay mo, may masasabi at masasabi pa rin sila!" pinaandar na ni Reon ang sasakyan kaya napahigpit ng kapit si Zia sa seatbelt.

"S-Sandali! Bagalan mo nga po! Jusko! Wait!" patiling sabi niya pero tila natutuwa pa ang binata kaya mas lalo pa nitong binilisan lalo na't wala namang traffic. "Tigil, ano ba?"

"I can't hear you!" tukso ni Reon dahil hindi na maipaliwanag ang mukha ni Zia sa sobrang takot.

"Punyeta ka! Tigil, Reon!" malakas na bulyaw ni Zia na kulang na lang ay lalabas na sa balat niya. "Hindi ka titigil?" Naramdaman niya ang pagbagal ng sasakyan kaya paunti-unti ay bumabalik din ang ulirat niya. "Natutuwa ka pa? Ano ang nakakatuwa na mamatay na ako?"

"Hindi naman mabilis ah," sabi ni Reon at napatingin sa dalaga. "Teka, minura mo ba ako?"

"Ha? Wala ah," tanggi niya na sa unahan nakatingin. "Basta wag mo lang bilisan ang pagmaneho dahil hindi ho ako sanay."

"Masanay ka na kapag ito ang dala ko," sabi ni Reon.

"Hindi talaga ako sanay. Teka, nasaan pala sina Kuya Marvin?"

"Off," tipid na sagot ng binata.

"Wala lang bodyguards?"

"May nakikita ka ba?"

"Hindi ka ba delikado? Baka makidnap ka."

"Eh di tubusin mo ako."

"Wala akong pera kaya siguradong papatayin ka talaga nila!"

Natawa si Reon. "Grabe ka, Zia, kapag ikaw ang makikidnap, tutubusin kita pero kapag ako, hindi mo ako tutubusin?"

"Anong ibibigay ko sa kanila, puri ko?" inis na sagot ng dalaga.

"Okay, then let them kill me," seryosong wika ni Reon.

"Mayroon pala," sabi ni Zia. "May alahas pala ako mula sa 'yo. One billion din iyon kaya yun na lang ang ibibigay ko."

"Wag na. Bigay ko 'yon eh," sabi ni Reon.

"Mapapalitan naman 'yon pero ang buhay mo ay iisa lang," ani Zia na sumalubong ang kilay. "Bakit ba ganito ang topic natin?"

"Ewan ko sa 'yo, ikaw ang nag-umpisa eh," natatawang sagot ni Reon. "Hey, daan tayo sa mall, may bibilhin ako."

"Ikaw na bumaba, maiwan na lang ako sa sasakyan," sabi ni Zia.

"Bakit? Ibibili kita ng gusto mo."

"Salamat pero wag na ho."

"Sumama ka, Zia. Gusto kitang bilhan ng sapatos. May bagong labas ngayon ang Navarro's shoes. Baka may gusto kang bilhin at baka okay sa 'yo ang brand. Iniindorse yun nina Tita Mandy at Maddie," pangungumbinse ni Reon na ang tinutukoy ay ang mag-inang Lacson na kilala bilang pihikan pagdating sa sapatos at bag.

"Ayaw ko ho, hindi ako mahilig at may bago pa naman akong bag na bigay mo. Okay na ang mga sapatos ko sa bahay," tanggi ng dalaga na walang balak gumala-gala kasama si Reon. Isa pa, may exam pa siya bukas at kailangan niyang mag-aral.

"Mabilis lang tayo."

"Ayaw ko ho talaga, sir."

Tumigil ang sasakyan sa parking lot ng mall. Tinanggal ni Reon ang seatbelt nito at humarap kay Zia.

"Let's go?"

"Dito na ho ako."

"Bumaba ka na, Zia!" seryosong utos ni Reon.

"Ayaw ko nga ho talaga."

"Gusto mo ba akong magalit, Zia?"

"Hindi ho pero sana naman ho ay isipin mo rin ang gusto ko at iyon ay manatili rito," magalang na sagot ni Zia na wala talagang planong lumabas. "Sorry pero hindi ho talaga ako sasama." Balak niyang magbasa na lang ng notes habang hinihintay si Reon dito.

"Miss, Mendez, bumaba ka na at ang pinakaayaw ko ay pinahihintay ako!"

"Hindi ho kita pinahihintay, sir. Ayaw ko lang hong sumama sa loob ng mall, Mister Bautista!" giit ni Zia.

"Sasama ka o hindi?" galit na tanong ni Reon.

"Hindi ho," sagot ni Zia kaya nagulat siya nang biglang umatras ang sasakyan at pinatakbo ni Reon palabas ng parking lot.

"H-Hindi ka na ho ba bibili?" tanong niya dahil halata sa mukhang galit ang binata.

"Huwag mo akong kausapin, Zia!" kumukulo ang dugong sagot ni Reon. "Nanggigigil ako sa 'yo!"

Tumahimik na si Zia pero hindi niya alam kung ano ba ang naging kasalanan niya rito? Pwede naman itong bumaba at bilhin ang gusto nito nang hindi siya kasama.












---------------------








"Badtrip ka ata? Nakapagsindi ka na ba ng kandila sa mga namatay mong kamag-anak?" tanong ni Mary.

"Bukas pa ang November one at ang all souls day talaga ay November two. Hindi ko alam kung bakit November one nagsisindi ng kandila para sa mga patay ang ang mga buhay na tao," sagot ni Reon.

"Baka kasi masikip na sa pista ng mga patay sa cementeryo kaya sa one na ginagawa."

"One ang masikip sa cementeryo. Sa two ang kaunti na lang," ani Reon.

"Ay, oo nga pala. October thirty one, may mga sumusugal na sa cementeryo at ang iba ay tumatagay pa."

"Uuwi ka ba sa inyo bukas?" tanong ni Reon.

"Hindi na. Sa bahay na lang ako magsisindi ng kandila. Sa two pa balak naming pumunta sa cementeryo dahil masikip pa bukas. Ikaw ba, kailan ka pupunta sa cementeryo?"

"Sa one," sagot ni Reon.

"Ay. May sarili pala kayong cementeryo kaya hindi kayo makipagsiksikan, ano?" ani Mary. "Kasama mo ba si Zia?"
Napatingin si Reon sa kanya kaya napataas ang kanang kilay ni Mary. "Oh? May nasabi ba akong mali?"

"Akala mo nakalimutan ko ang atraso mo sa akin?" ani Reon.

"Anong atraso?"

"Mag mamaang-maangan ka pa?" salubong ang kilay na sabi ni Reon.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Bakit mo sinabi na anak namin ni Monica si-"

"Hep!" ani Mary at itinaas ang mga kamay para tumahimik si Reon. "Ano naman kung sinabi ko? Nagalit ba siya?"

"Kung alam mo lang!" ani Reon na sobrang nainis sa kaibigan.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Akala ko ba working student mo siya? Ano naman kung may anak ka? May pakialam ba siya?" tanong ni Mary na nakapamewang habang nakatingala sa lalaking kaharap. "Is it a big deal?"

"Come on, Mary! Huwag mo na akong pagsalitain pa kasi alam mo ang totoo."

"Anong totoo?" taas noong tanong ni Mary. "Wala akong idea. What's the truth?"

"Shutup!" pikong saway ni Reon. "Bumalik ka na sa trabaho mo."

"Fine! Sorry na at medyo pakialamera ako," paumanhin ni Mary. "Para kang tanga, Reon!"

"Bakit na naman?"

"Wala lang! Huwag kang makampante, ang itinali mo nga noon ninakaw pa!" ani Mary saka napa-smirk.

"Ano ang ibig mong sabihin, Mary?"

"Bata pa si Zia, marami pa 'yang pangarap at gustong gawin sa buhay samantalang ikaw, matanda na. Accept it or not, malayo ang age gap ninyo. Sa tingin mo, kapag wala ka nang pera, mananatili pa siya sa tabi mo, Reon?" natigilan ang binata kaya pilit na ngumiti si Mary nang makita ang pag-alinlangan sa mga mata ni Reon. "Hindi lahat ng oras ay kaya mo siyang hawakan, Reon. Malalaman mo kung gusto kang makasama ng babae kung pagkatapos niyang tumayo sa sarili niyang mga paa ay isasama ka pa niya sa paglalakbay niya. Minsan ang pagiging lumpo ng isang tao ang dahilan kung bakit hindi siya lumalayo sa 'yo dahil ikaw ang nagsisilbing mga paa niya."

"Bumalik ka na sa trabaho at see you nextweek, Mary," paalam ni Reon saka lumabas ng opisina para sunduin si Zia sa condo nito dahil ngayon ang uwi nito sa probinsya nila. Gusto niyang ipahatid kina Marvin pero mariing tumanggi ang dalaga kaya naiinis siya rito mula pa kagabi. Palagi na lang siyang tinatanggihan. Hindi kaya tama si Mary na kaya lang nanatili si Zia sa condo niya ay dahil para itong pinutulan ng mga paa sa ngayon at hindi makatakbo palayo sa kanya?









Continue Reading

You'll Also Like

116K 5.6K 52
Another sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her b...
44.2K 1.4K 11
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gust...
213K 4.1K 50
Cameron Lawrence Radcliff, isang matunog na pangalan pagdating sa business at entertainment industry. Hawak lang naman niya ang ilang sikat na talent...
220K 6K 30
Meet Onyx Del Querro, Commander ng Team Delta ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at the same time isang motor racer. Kasama sa kaniyang pa...