I'm His Personal Doctor

De Tha_Rielle

11.2K 342 23

She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ash... Mais

Prologue
C - 01
C - 02
C - 03
C - 05
C - 06
C - 07
C - 08
C - 09
C - 10
C - 11
C - 12
C - 13
C - 14
C - 15
C - 16
C - 17
C - 18
C - 19
C - 20
C - 21
C - 22
C - 23
C - 24
C - 25
C - 26
C - 27
C - 28
C - 29
C - 30
C - 31
C - 32
C - 33
C - 34
C - 35
C - 36
C - 37
C - 38
C - 39
C-40
C - 41
C - 42

C - 04

338 10 0
De Tha_Rielle

                    Ashtrielle Velasco

Nagulat naman si Lara at lumapit ito sa gawi ko. bago hawakan ang aking kamay.

Naging kalmado akong tumingin sa kanila at lumapit naman ang isang lalaking nakita ko kanina sa mall.

"Mister may kailangan po ba kayo?" deretsong tanong ko at ngumisi naman ito. Hindi ko nagustuhan ang paraan ng kanyang pag titig kaya masama ko itong tinignan.

"Ikaw nga, ikaw ang nakita kong kasama niya" naguguluhan akong tumingin sa kanya nang magsalita ito.

Anong ako? At sino ang kanyang tinutukoy?

"mga kuya hindi po namin kayo kilala at wala po kaming alam sa sinasabi mo" pag singit naman ni Lara na niiinis.

"Tumahimik ka hindi ikaw ang kailangan namin" sigaw nito kaya mas nairita pa ang kasama ko.

"Then what do you want from me" seryosong wika ko pero sinenyasan niya lang ang kanyang kasama na kunin ako.

Nang mahawakan na nila ako ay nakakuha naman ako ng tiempo para makatakas sa kanila kahit papaano ay marunong din naman akong mag self defense dahil tinuruan ako noon ni kuya.

Dalawa nalang sila dahil napatumba ko na ang tatlo si Lara naman ay may hawak na tubo hindi ko alam kung saan niya ito nakuha.

"Ngayon tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo" naka ngising wika ng isang lalaki bago nito ilabas ang kanyang baril.

Hinawakan ko ang kamay ni Lara at inilagay ko siya sa aking likod para hindi ito madamay.

"Kunin niyo siya bilis" sigaw nitong muli at bumangon naman ang mga kasama nito.

"Teka bitawan mo ako, Ash" nagpupumiglas si Lara dahil pilit nila itong inilalayo sa akin.

"Ako lang ang kailangan niyo hindi ba? kaya huwag niyo siyang idamay" galit kung turan pero nabigla ako ng may humila sa akin.

"NO you're not come with them" isang baritonong boses ang aking narinig mula sa aking likuran nagulat naman ako ng makilala ito.

"Kunin niyo siya huwag niyong hahayaang makuha nila" galit na sigaw ng lalaki kaya sumugod ang mga tauhan nito.

Nakita ko naman si Lara na nakatayo sa gilid dahil may tumulong din sa kanya na isang lalaki patakbo itong lumapit sa akin bago ako yakapin.

"Sino ang nag utos sa inyo?" seryosong tanong niya sa lalaki pero ngumisi lang ito.

Napatakip si Lara sa kanyang tenga at ako naman ay napapikit ng marinig ang pag alingawngaw ng baril galing sa ibang direksyon.

"Lets go delikado tayo dito" biglang lumapit ang isang kasama nito at isinakay nila kami sa kotse.

"Huwag mong problemahin ang kotse mo kami na ang bahala" napatango ako sa sinabi ni Raven.

Hindi ako makapaniwala na nandito sila kasama niya si dracey para tulungan kami.

"Mabuti at naabutan natin sila siguradong malilintikan tayo kapag may nangyaring masama sa kanya." rinig kong usapan nila sa harap bago lumingon sa akin.

"Paano niyo nalaman na nandoon kami?" takang tanong ni Lara at nagkatinginan pa ang dalawa.

"Sinundan namin kayo" tipid nitong sagot at mas lalo lang akong naguguluhan.

Anong bang nangyayari? Bakit may mga gustong kumuha sa akin.

Napatingin ako sa labas at kilala ko ang daan na aming pupuntahan pagkarating namin sa bahay. Kung saan nakatira sila mom.

"Ash, are you okay?" nagaalalang lumapit si kuya bago ako nito yakapin.

"Im okay kuya, salamat sa inyo" tumango lang ang dalawa bago kami pumasok sa loob.

Nakita ko sa sala ang isang lalake at babae siguro ay magasawa ito.

"Mom she's already here" sigaw ni kuya kaya narinig ko naman ang yapak galing sa taas.

"Mommy!" patakbong sigaw ko bago ako yumakap sa kanya.

Masaya naman itong nagtungo sa akin bago ako nito pinaupo.

"Siya naba si Ashtrielle?" napalingon ako sa babae nang magsalita ito. Sino naman ang mga ito?

"Yes Mrs. Wilson she's my daughter" masiglang ani ni mom kaya binati ko ang mga ito.

May pinagusapan muna sila ni mom, nagtungo naman ako kay Lara na nasa kusina at kumakain ito kasama ang dalawa.

"Dracey, bakit narito ka at hindi mo kasama si zavier?"

Ngumisi ito ng nakakaloko kaya nakakunot noo ko itong tinignan.

"Doc. Huwag mo namang ipahalata na miss mo siya" nagsitawanan lang sila pero sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Si kuya" Iginaya lang nito ang kanyang kamay kung saan nagpunta si kuya kaya nagpaalam muna ako at nagtungo doon.

Hindi pa man ako nakaka lapit sa pinto nang marinig ko na ang kanilang usapan.

"Nasa delikado na ang kalagayan ni Ash kailangan niya ito para ma bantayan siya"

Nasa delikado ang buhay ko pero paano? at bakit ganito na ang nangyayari.

"I know but she need to know about this" seryosong wika ni Dad bago sila lumabas.

Nagulat pa silang dalawa ng makita ako.

"Anong kailangan kong malaman?"

Hindi nila ako sinagot bagkus nagtungo lang sila sa sala kung nasaan ang mag asawa at si Mom.

"Ash, may kailangan lang kaming sabihin"

Parang may hindi maganda akong nararamdaman dahil sa kanilang pinag-uusapan.

"Anak, ipapakasal ka namin sa anak nila mrs. Wilson dahil kailangan mong may makasama ka at alam kong mababantayan ka niya" nangunot ang aking noo dahil sa aking narinig.

Ako ikakasal? eh wala pa sa vocabulary ko ang mga bagay na iyan.

"Mom naman gusto ko pang mamuhay ng ganito maayos naman ang trabaho ko bakit kailangan ko pang gawin ito" may halong galit ang boses ko at nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ash, para ito sa ikabubuti mo-"

"Ikabubuti? Kaya ko namang alagaan ang sarili ko mom I'm sorry pero hindi ako papayag" huling wika ko at nakita ko pa ang pagtayo ni mrs. Wilson.

Hindi ko na pinakinggan ang kanilang pagtawag sa akin dahil ayoko muna silang makausap. Gusto kong makapag isa.

Mas mabuti nalang kung sa hospital nalang ako magtungo para tignan ang mga pasyente mas lalong gagaan lang ang aking loob kung nakikita ko ang mga bata doon.

May isa pang kotse ang narito kaya yun nalang ang aking ginamit dala ko naman ang aking bag.

Hindi pa ako nakakarating sa hospital nang may biglang tumawag kaya huminto muna ako bago sagutin.

["Ash, kailangan kita ngayon pumunta ka dito ibibigay ko ang address"] rinig kong wika ni Keshia sa kabilang linya at nakarinig pa ako ng pagputok ng baril bago nito patayin.

Anong nangyayari sa kanya?

Hindi na ako nagpaligoy at kaagad ko nang tinungo ang lugar na iyon medyo may kalayuan ito pero nakarating naman ako ng ligtas.

Dito siguro siya nakatira dahil may mga building ang nandito. Pagpasok ko palang sa loob ay napatago ako ng may marinig akong putok ng baril na papalapit sa pwesto ko.

Kailangan ko munang mahanap si Keshia baka nasa panganib na ito. Ibinigay naman niya ang unit nito kaya doon na ako nagpunta.

"Keshia si Ash ito" katok ko sa pinto niya at kaagad namang bumukas at nagaalala itong yumakap sa akin.

"Natatakot na ako Ash" pumasok kami sa loob bago ko ito hinarap.

"Im here, huwag kang magalala makakaalis tayo dito" pagpapakalma ko at tumango naman ito.

Hindi na ako nag tanong kung anong nangyari dahil wala na kaming oras marami nadin ang nasira dahil sa mga pagsabog.

"Hanapin niyo siya lang ang nakakaalam kung nasaan ang lalaking iyon" rinig kong sigaw ng lalaki kaya naghanap ako ng maaaring madaanan.

Nakita ko naman ang bintana nito siguradong kakasya kami inalalayan ko siyang lumabas at may dala itong bag siguro ay naglalaman ng mga importanteng gamit.

Nang makababa na siya ay ako naman ang sumunod hanggang sa bumukas na ang pinto pero nakatago na ako.

"Libutin niyo hindi pa iyon nakakaalis"

Nanginginig na sa takot si Keshia pero hinawakan ko lang ang kanyang kamay bago kami tumalon sa baba.

"dito tayo" wika ko sa kanya at nagpahila naman ito sa akin dahil may papalapit sa amin.

"Ano bang kailangan nila sa iyo?" mahinahon kung tanong pero umiling lang ito sa akin.

"Ewan ko, Kanina sinusundan nila ako pero mabuti at nakabalik ako ng ligtas dito pero sumunod muli sila kaya ikaw na ang aking tinawagan para humingi ng tulong" takot nitong wika at nagbuntong hininga muna ako.

Bakit pa kasi umalis si dracey kanina at nasaan ba si zavier?

Lalabas na sana kami pero may tumutok nang baril sa amin kaya napaatras ako.

"Miss, sabihin mo nalang kung nasaan ang lalaking pasyente mo para hindi ka na madamay" seryoso nitong wika pero hindi parin nagsalita si Keshia.

"Kailangan nila si zavier hindi ko alam pero ako ang hinahanap nila" bulong nito sa akin kaya tumingin ako sa lalaki.

"Anong kailangan niyo sa lalaking tinutukoy niyo" matapang kong sabi kaya sa akin nabaling ang tingin nito pati narin ang pagtutok ng kanyang baril.

"Kung hindi rin kayo magsasalita papatayin ko nalang kayo" nakangising wika nito kaya na alerto naman ako ng kakalabitin na sana niya ang baril pero inagaw ko ito.

Sinipa ko muna siya bago hinampas ng baril kaya nawalan ito ng malay.

"Ash parating na ang kasama niya" doon na ako napalingon dahil marami pala siyang tauhan.

Ano nang gagawin namin? Baka kung anong gawin nila kay Keshia.. Kahit may dala akong baril paniguradong makukuha parin nila kami dahil sa rami nila.

"Patayin niyo sila" sigaw ng nangunguna kaya hinila ko na si Keshia at sabay kaming tumakbo.

Hindi pa naman kami nakakalayo ng may humila na sa akin kaya nahila ko rin ang kasama ko. At doon na ako nakarinig nang sunod sunod na pagputok nakilaban narin ang lalaking ito hindi ko siya masyadong makilala dahil may sumbrero ito at mask.

"Follow me" Narinig kong wika nito at sumunod naman kami pinauna kona si Keshia.

Habang nakikipagbarilan ang lalaking ito nang may biglang humawak sa akin kaya nagulat ako kaagad.

"F*ck, don't touch her" isang bala ang natamo nito dahil sa pagputok nang lalaki bago niya ako hinawakan.

Nauna na si Keshia na sumakay sa kotse kaya patakbo naman kaming sumunod hindi pa kami nakakasakay ng bigla niya akong hilahin at humarap ito sa akin.

Nagulat ako ng may tumamang bala sa kanyang taligiran. Pero nakilaban parin ito.

"Umalis na tayo dito" hinila ko ang lakaki at sa kabila kami sumakay bago paandarin ni Keshia ang kotse.

"Mr. kailangan mong tanggalin ang mask mo para makahinga ka nang maluwag" sigaw ko sa lalaki pero hindi niya parin ako pinansin.

Kung may mangyaring masama dito baka ako pa ang mapagbintangan. Pero bakit niya ginawa iyon?

Habang nagmamaneho si Keshia ay kinuha ko na ang dala niyang bag bago ko ilabas ang mga gamit pwede na ito basta matanggal lang ang bala sa kanyang katawan.

Nagulat pa ito ng bigla kong punitin ang kanyang damit marami nang dugo ang nawala kaya kaagad itong tinakpan gamit ang tela.

" trust me" mahinahon kong wika pero tumitig lang ito sa akin.

"Keshia ihinto mo muna ang kotse" tumango muna ito bago niya iparada sa gilid.

Malayo naman kami sa kanila kaya alam kung ligtas kami rito. Sinimulan ko ang tanggalin ang bala at iniabot naman niya ang mga gagamitin ko.

"Mr. Ayos ka lang ba" tapik ko sa kanyang pisngi nang matapos na ako kaya napadilat ito tumitig lang siya sa akin kaya  napaiwas ako ng tingin at nagsimula na kaming umalis sa lugar na iyon.

**

Teka bakit sa bahay kami huminto? tiningnan ko si Keshia pero nag peace sign lang ito.

"Bakit dito tayo dapat sa hospital" bulong ko sa kanya pero hinarap lang niya ako.

"Baka doon nila tayo lusubin kaya delikado" wika nito bago kami lumabas at inalalayan ko lang itong lalaki papasok sa bahay.

"Ay nakung bata ka sino ang dinadala mo rito at bakit siya may tama?" turo ni nanay nang makalapit ito sa amin pero kinausap nalang siya ni Keshia.

Pagka akyat namin ay bubuksan ko na sana ang guest room nang mapagtantong naka lock pala ito kaya no choice kundi sa kwarto ko.

"Be careful" mahinahon kong wika dahil muntik na siyang matumba.

"Are you okay?" tanong nito kaya nagtaka ako sa kanya.

Ako inaalala niya? eh siya nga itong may tama.

Tinaggal ko ang sout niyang jacket at sumbrero napatitig ako sa kanya nang makilala ko ito kahit may mask siya ay alam kong siya ito.

"Zavier?" bulong ko sa sarili nang tanggalin na nito ang mask at tumingin lang siya sa aking mga mata.

"Kailangan mong magpalit kukuha lang ako ng damit" umiwas ako ng tingin bago nagpunta sa closet.

May roon naman akong damit na kasya sa kanya at plain white lang ito. Nakalibot lang ang kanyang paningin sa aking silid at napangisi ito sa nakita kaya iginawad ko ang aking mata doon napangiwi naman ako ng makita ito kaya kaagad akong tumakbo doon bago itago sa kabinet.

"Pasensya na sa kalat" mahinang wika ko pero nakangisi parin ito.

Bakit kasi hindi ko naligpit kanina ang mga panloob ko nakakahiya!!

"Tulungan na kitang magpalit" lumapit ako sa kanya at inalalayan ko itong umupo hindi ko siya ma titigan ng maigi dahil nakakailang ang kanyang mga tingin.

"I like your room" kaagad akong napatingin dahil sa nagsalita ito. Napatayo ako ng tumingin ito sa akin dahil nakaangat lang ang aking mukha.

"Kukuha lang ako ng pagkain" hindi pa ako nakaka labas ng hawakan na niya ang aking kamay at buong pwersa niya akong pinaupo.

"Im not hungry just stay here" mahinang wika nito kaya wala na akong nagawa kundi samahan siya.

Dahil sa curious ko na malaman kung ano bang nangyayari ay siya na ang aking kakausapin.

"Bakit ikaw ang hinahanap nila?" saglit lang siyang tumingin sa akin bago ibinaling la bintana.

"This is not the right time to tell you" seryoso niyang wika. Ayoko naman siyang pilitin baka nga kailangan niya munang itago.

"Bakit kay Keshia ka nila hinahanap?" seryoso kong tanong, sana kahit ito lang ay masagot niya dahil kaibigan ko ang nasa panganib.

"Because she know where I am but don't worry may nagbabantay sa kanya " paalala nito kaya nagtaka ako sa sinabi nito pero napatango nalang ako.

"Sa susunod magiingat ka naman bawat pagkikita natin palagi ka nalang may tama ng baril " mahinang wika ko pero napangiti lang ito sa aking sinabi.

"The doctor concerned of me" ngising wika nito kaya umiwas ako ng tingin.

"Ang ibig kung sabihin sana ingatan mo rin ang sarili mo hindi naman palagi ay nandyan ako para tulungan ka" paliwanag ko pero sumeryoso na ang kanyang mukha.

Hindi pa pala ako nakakapag paalam kanina kay Lara, at siguro ay hinahanap na nila ako ngayon. Hindi ko kasi gusto ang alok nila Mom pagiisipan ko muna.

Nang makatulog na ito ay doon na ako lumabas dahil may paguusapan pa kami ni Keshia.

"Kamusta na siya?" nakaabang nitong wika bago kami umupo sa sofa.

"Kailangan niya lang magpalakas" tipid kong sagot na ikina tango nito.

"Ash, gusto sana kitang makausap tungkol dito,
sa tingin ko ikaw nalang ang papalit sa akin bilang personal doctor niya ayokong madamay sa gulo gusto ko lang naman yung dati" pakikiusap nito at may bakas na lungkot sa kanyang boses.

Pero paano kung may na kasunod parin sa kanya para pagbantaan, baka mas lalo siyang mapapahamak.

"Huwag kang mag alala sa kalagayan ko Ash, may nagbabantay sa akin kaya ligtas ako pero umalis lang kanina hindi nagpaalam." bakas sa boses nito ang pagkainis.

"Kailangan ko munang makausap si dr. Alfred tungkol dito pero huwag kang magalala ako na ang bahala." yumakap ito sa akin na kaagad ko namang ginantihan.

Ngayong nasa panganib na ang aming buhay sana naman hindi na maulit ang mga nangyari. Nagaalala ako para sa kanila ni Lara. Pati siya nadamay.

Ano bang klaseng tao si zavier?

Continue lendo

Você também vai gostar

295K 8.2K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
93.6K 265 25
here are some of my horny thoughts as a trans man with a pussy. snap if you wanna sext ;)
216K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
114K 241 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report