I'm His Personal Doctor

By Tha_Rielle

11.3K 342 23

She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ash... More

Prologue
C - 01
C - 02
C - 04
C - 05
C - 06
C - 07
C - 08
C - 09
C - 10
C - 11
C - 12
C - 13
C - 14
C - 15
C - 16
C - 17
C - 18
C - 19
C - 20
C - 21
C - 22
C - 23
C - 24
C - 25
C - 26
C - 27
C - 28
C - 29
C - 30
C - 31
C - 32
C - 33
C - 34
C - 35
C - 36
C - 37
C - 38
C - 39
C-40
C - 41
C - 42

C - 03

343 9 1
By Tha_Rielle

                        Ashtrielle Velasco

"Ash" nabalik ako sa ulirat ng tapikin ako ni Lara kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin ako sa main door ng makita ko si dracey na inaalalayan si zavier na maglakad palabas kasama ang kanilang tauhan.

Aalis na nga talaga sila.

"Doc. Thank you again" pagpapasalamat ni dracey pero kay zavier lang ako nakatingin ganun naba ka importante ang gagawin niya.

"Take care" tipid kong wika at tumango naman siya bago sumakay sa Van.

Nasilayan ko pa ang pag lingon nito pero tumalikod na ako kaagad. Bakit ako nakakaramdam ng lungkot dahil ba sa pasyente ko siya?

"Miss mo siya no" Napailing lang ako kay Lara bago nagtungo sa kotse ko.

"Uuwi na ako" pagpapaalam ko at tumango lang siya bago ako umalis.

Habang nagmamaneho ako ay bigla akong napahinto nang may isang kotse ang tumigil sa harapan ko at mga taong nagkakarandarapa ang nandoon kaya patakbo akong lumabas para tignan kung anong meron.

"Tumawag kayo ng ambulansiya" isang babaeng sumigaw ang aking narinig kaya nag madali akong nagtungo doon.

Nakita ko ang isang lalaking nakahandusay sa kalsada at may dugong dumadaloy sa kanyang ulo kaya agaran na akong lumapit at pilit itong ginigising.

"Tulungan niyo akong isakay siya sa kotse bilis" nagmamadaling sigaw ko at kaagad naman silang nagbuhat bago ito ilagay sa likod may sumama namang isang matandang babae. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

Nang tumabi na ang mga tao sa gitna ng kalsada ay kaagad ko nang pinaharurot ang kotse patungong hospital.

Napadali ang pagdating namin dahil sa malapit lang ito kaya naman nagmamadali akong lumabas at ganun din ang mga nurse na may hawak na wheeled stretcher.

Pagkasakay nila ay tumulong nadin ako sa pagtulak hanggang sa makalapit na kami sa operating room.

"Prepare the things for the operation" seryosong wika ko sa mga nurse at kaagad naman nila itong idinala sa loob.

"Don't worry maam ako na ang bahala sa kanya" umiiyak lang ang matandang tumango sa akin kaya pumasok nadin ako sa loob.

Pinasuot na nila ako ng scrub at nilagyan ko rin ng surgical caps ang aking ulo bago ako nag gloves at mask.

Nang mahanda na nila ang mga gamit ay doon na kami nagsimula sa pag opera.

**

Paglabas ko sa operating room ay inunat ko muna ang aking sarili grabe ang tagal napalakas siguro ang impact ng pagkakabunggo sa kanya kaya nag ka damage ang kanyang utak pero maayos na ang kanyang kalagayan.

Alas kwatro narin nang hapon kaya naghilamos lang ako sa bathroom bago nagtungo doon sa cafeteria dahil nagugutom na ako.

"Ash? Akala ko ba umuwi ka na?" lumingon ako sa pwesto ni Lara bago umupo.

"May na aksidente kanina kaya bumalik ako para sa operasyon niya" paliwanag ko at tumango lang ito.

Nang matapos na kami ay naisipan ko nang umuwi sana makauwi na ako, gusto ko nang magpahinga.

"Doc. Velasco" Tumingin ako sa labas ng makita si Doc. Alfred

"Bakit tito?" takang tanong ko.

"Hindi pa ba sinasabi ni keshia ang nangyari?"
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya nang magtanong ito, Anong meron?

"Okay I will explain" umupo muna kami sa bench at sinimulan na niyang ipaliwanag.

"Kanina tumawag sa akin si Castillo nag ka emergency daw ikaw sana ang ipapadala ko para pumunta doon pero nasa operating room ka kaya si Keshia nalang ang kinausap ko tungkol dito." napatango lang ako sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi.

Alam kung kaya ito ni Keshia kaya sana magiingat siya kung nasaan man ito ngayon.

" Mauna na ako Ashtrielle "pagpapaalam niya at tumango lang ako.

Kinuha ko ang aking cellphone bago dinial ang numero ni keshia. Tatlong ring palang ay kaagad na niya itong sinagot.

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin ha!" pangsesermon ko sa kanya at narinig ko pa ang pagkainis nito.

"Ash, ikaw dapat ang nandito eh"

"Bakit anong nangyari dyan?" takang tanong ko dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi ko kayang I handle ang pasyente napaka arrogante niya" nainis nitong wika kaya napatawa ako.

"Mag iingat ka keshia kapag may nangyaring masama sa iyo hindi kita bibisitahin sa lamay mo" napahalakhak akong muli nang mainis ito.

"Tchee, napaka advance mo namang magisip"

"Saan ka ba ngayon?" kalmado kong tanong at narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.

"May apartment akong tinitirhan hindi naman ako pwedeng tumira sa mansion niya dahil ayaw nito." Napatango ako dahil sa kanyang paliwanag. Kung saan saan naabot nag aming usapan at naisipan ko nang umuwi dahil dumidilim nadin.

Papasok na sana ako sa kotse ng may biglang humila sa akin dahil sa pagkagulat ko ay nasipa ko ito.

"Sino ka? anong kailangan mo" seryosong wika ko sa isang pasyente at lumapit naman itong muli sa akin.

"Doc. Tulungan mo ako ayoko na rito nakikiusap po ako parating na mamaya ang papatay sa akin." nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa kanyang sinasabi.

Siguro may sakit ito sa pagiisip kaya niya nasasabi ang ganung bagay. Bakit naman nila ito papatayin?

"Okay I will help you pero kailangan muna nating pumasok sa loob." mahinahon kong wika pero kaagad itong napailing iling.

Hindi na niya alam ang gagawin dahil parang nawawalan na ito sa sarili sinubukan kong hawakan siya sa kanyang balikat pero nagwawala lang ito.

"Mister kumalma ka nandito ako para tulungan ka"pagpapakalma ko at napatingin naman ito ng deretso sa akin. Biglang umiba ang expression nito at napalitan nang galit may diperensya na ito sa utak.

"Layuan mo ako huwag kang lalapit ayoko pang mamatay!!" pagsisigaw nito at pilit akong tinataboy.

Siya nanga ang lumapit sa akin tapos sasabihing lalayuan ko siya? May katandaan na kase ito, tumakas ba siya sa mga nurse?

"Wala akong gagawing masama sa iyo magtiwala ka lang" gumaan ang aking pakiramdam ng tumigil na ito at muli niya akong tinignan.

Nang malapitan ko na siya ay nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking kwelyo at isinandal sa kotse. Gusto ko man siyang labanan pero hindi ko magawa dahil isa siyang pasyente baka kung anong mangyari sa kanya.

Sinubukan kong pigilan ito pero tumawa lang siya ng malakas napatingin naman ang nurse na kaka labas lang at nagulat pa ito.

Napaubo naman ako dahil sa hindi na ako makahinga wala na akong pagpipilian kaya sinipa ko na ito kaya kaagad siyang napabitaw sa akin.

"Mr. Pasensya na pero kailangan kitang ibalik sa loob" muling wika ko pero ngumisi lang siya sa akin. Sinenyasan ko ang nurse na kunin ang injection na pampa tulog at tumakbo pa ito para kunin.

Humakbang ako papalapit sa kanya para pakalmahin ito pero nahawakan niyang muli ang aking kamay.

"Ang ganda mo pala Doc." naka ngising wika nito hindi ko na napigilan ang aking sarili ay hinampas ko na ito sa kanyang leeg dahilan ng pagkawala ng kanyang malay at sakto nadin ang paglapit ng mga nurse.

"Dalhin niyo siya sa loob at ibigay mo sa akin bukas ang detalye ng kanyang Record" kinausap ko ang isang nurse at tumango naman ito sa akin.

Naisipan ko nalang na hindi muna pumasok at nakiusap ako kay tito na mag tatake ako ng leave bukas.

Pagkarating ko sa bahay ay patay na ang mga ilaw siguro ay tulog na si nanay Nelia. Tahimik lang akong pumasok para hindi siya magising.
Nagtungo lang ako sa kwarto at naligo bago nagpahinga.

                 
      
                            ****

"Ash, tara na" masiglang wika ni Lara ng makapasok kami sa company.

May mahalaga daw na sasabihin sa akin si kuya at nagulat pa ako dahil umuwi na ito kahapon lang hindi niya manlang ako sinabihan para sunduin siya.

"Good morning maam Ashtrielle" magalang na pagbati ng ibang empleyado at tanging pag ngiti lang ang aking iginawad.

Sumakay na kami sa elevator papuntang office ni kuya nang tumunog na ito ay doon na kami lumabas.

"Infiernes ang laki ng companya ng kuya mo" manghang wika ng aking katabi dahil sa nakanganga pa ang kanyang bibig habang nakamasid sa paligid.

Nang makarating na kami sa tapat nang office nito ay kaagad na kaming pumasok nakita ko naman siyang busy sa mga trabaho niya.

"Kuya, how are you?" napaangat ang kanyang tingin at tumayo naman ito bago ako niyakap.

"Ang sweet naman isali niyo ako" naka ngising wika ng kasama ko kaya napailing nalang ako sa kagagahan nito.

"Bakit mo ako pinatawag may problema ba?"

"No, gusto ko lang sabihin na uuwi din mamaya si mommy siguro ay may mahalaga silang sasabihin sa iyo at nagmamadali pa silang asikasuhin ang mga papeles nila." deretsong paliwanag nito bago umupo sa sofa at tumabi din ako.

"Bakit hindi niya nalang ako tawagan para sabihin at ano naman iyon?" takang tanong ko pero umiwas lang si kuya.

"Kuya Asher anong pasalubong ko?" napangiwi ako dahil biglang umupo si Lara sa aming gitna.

"Sa bahay niyo nalang kunin hindi ko kasi nadala" nakangiting wika ni kuya at doon naman nalungkot itong kasama ko.

At ano namang kadramahan ang kanyang ginagawa.

"Kuya, baka itago lahat ni Ash at wala ng matira sa akin" binatukan ko ito at tinignan ng masama. Ano ako sakim sa chocolate

Kahit ibigay ko pa lahat sa kanya eh pero sayang naman galing pa ito sa ibang bansa. Napatigil lang kami sa pag uusap ng may kumatok kaya tumayo naman si Lara para buksan ito.

Napasilip pa ako doon dahil kanina pa hindi pumapasok ang nandoon ano nang nangyari sa kanila?

"nandyan ba si asher?" rinig kong wika ng nasa labas at pinapasok naman ito ni Lara.

Napatingin pa ito sa aking gawi at mukhang nagulat pa ito sa nakita. Kilala ba niya ako?

"what's bring you here?" bumalik si kuya sa kanyang upuan at lumapit naman sa akin si Lara.

Nagusap lang sila at mukhang mahalaga nga iyon dahil sa tingin palang nila ay napakaseryoso na.

"Sasabihin ko nalang sa kanya" yun lang ang aking narinig mula sa lalaki at tumayo naman ako.

"Miss. Velasco right?" tumango ako dahil sa kanyang sinabi. Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil napangiti pa ito sa kanyang iniisip.

"Pwede ko bang malaman kung sino ka?"

"Raven Anderson" nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito.

Nagpakilala naman ang aking kaibigan at nakangiti lang siyang tumitingin kay Lara.

"Mauna na ako Ash pumunta ka nalang sa bahay mamaya" pagpapaalam ni Kuya at kinuha nito ang kanyang coat.

Nakisabay nalang din kami sa paglabas dahil uuwi narin kami ni Lara. Kasama namin si Raven siguro kaibigan ito ni kuya, tahimik lang kaming na kasunod hanggang sa makalabas na kami sa Building.

May humintong isang kotse sa harapan namin tumingin muna ako kay kuya nang tapikin niya lang ako. Pagkasakay nila sa kotse ay doon ko na naisipan tignan kong sino ang isa pang kasama nila. Pero laking gulat ko nang makilala ito.

Bakit siya nandito? At magkakilala sila ni kuya?

"Tara na Ash"

Sumunod nalang ako kay Lara patungong parking area at siya na ang nagmaneho. Naisipan nalang naming magtungo nang mall para naman malibang kami.

"Si Keshia pala hindi ba uuwi?" takang tanong nito sa akin pero napailing lang ako.

Hindi rin ako na kinocontact ni Keshia dahil siguro ay busy pa siya sa kanyang trabaho.

Nalaman ko rin kaninang umaga ang pasyente na nakausap ko kahapon may sakit pala ito sa pagiisip kaya dinala nalang nila sa mental para doon ma obserbahan.

Pagkarating namin sa mall ay nagtungo lang kami sa mga bilihan ng damit at masaya naman itong pumipili.

"Ash maganda ito iinggitin ko si Keshia mamaya kapag tumawag ito" napatawa ako sa katarantaduhan nito at may pa selfie selfie pang nalalaman.

Pagkatapos naming bumili ay binayaran na namin ito bago nagtungo sa isang books store. Pumili lang ako ng mga kakailanganin ko at dahil hindi mahilig si Lara ay ako lang ang pumasok.

Nang mabayaran ko na lahat ay lalapitan ko palang sana si Lara ng may napansin akong isang lalaking nakamasid sa amin. Hindi ko pinahalata na nakita ko ito dahil baka kung ano pa ang kanyang gagawin. Inaya ko nalang ang kasama ko na umuwi.

"Teka Ash bat ka ba nagmamadali?" takang tanong nito pero hindi ko siya sinagot. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagsunod ng lalaki.

"Sandali lang kumain muna tayo" napahinto ako ng huminto din ito at deretsong tumingin sa akin. Lumingon ako sa paligid nang hindi ko na makita ang lalaki.

Sino yun? At bakit niya kami sinusundan.

Tumango lang ako sa sinabi ni Lara bago kami nagtungo sa parking area. Sasakay na sana kami ng may biglang lumabas sa isang van na limang lalaki.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 241 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
179K 6.7K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
29.3K 2.4K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
408K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...