I'm His Personal Doctor

By Tha_Rielle

12.7K 348 24

She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ash... More

Prologue
C - 01
C - 03
C - 04
C - 05
C - 06
C - 07
C - 08
C - 09
C - 10
C - 11
C - 12
C - 13
C - 14
C - 15
C - 16
C - 17
C - 18
C - 19
C - 20
C - 21
C - 22
C - 23
C - 24
C - 25
C - 26
C - 27
C - 28
C - 29
C - 30
C - 31
C - 32
C - 33
C - 34
C - 35
C - 36
C - 37
C - 38
C - 39
C-40
C - 41
C - 42
C- 43

C - 02

455 13 0
By Tha_Rielle

                        Ashtrielle Velasco

Hapon narin nang matapos na ang oras ko sa  trabaho kaya yung shift ko naman ang a asikasuhin ko. Naisipan kong kumain muna dahil kanina pa ako nagugutom.

Pagkarating ko sa cafeteria ay bumili lang ako ng pagkain at lemon juice inilagay ko lang ito sa paper bag at nagtungo sa aking opisina dahil doon ko naisipang kumain.

Habang kumakain ako ay napapikit ako ng may kumatok, ano ba naman wala pa akong pahinga eh..

"Come in" tipid kong wika at pumasok naman si Keshia.

"Salamat at nagpakita ka pa sa akin bruha akala ko nakalimutan muna ang usapan" naiiritang wika ko pero nag peace sign lang siya.

"Sorry naman, okay umuwi ka na at ako na ang bahala sa trabaho mo" nakangiting wika niya kaya inubos ko nalang ang aking kinakain at nakisabay pa ito para tulungan akong ubusin.

"Ingat ka" tumango lang ako at tinanggal ang aking lab gown bago kinuha ang bag ko.

Napapadaan lang ako sa hallway at medyo dumidilim nadin kaya maraming mga pasyente ang nagpapahinga.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong sigaw galing sa isang room kaya patakbo akong nagtungo doon. Napakunot ang aking noo ng mapagtanto kung kanino ang room na ito.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito para silipin kung anong meron sa loob.

"Dracey are you there?" napatayo ako ng marinig ang boses nito kaya pumasok na ako.

Walang ibang tao kundi kami lang? Nasaan ba ang kanyang mga bantay?

"What do you need doc.?" nagulat ako dahil sa nasa harapan ko na siya at seryosong nakatingin.

"Bakit ka sumisigaw may problema ba?" nagtataka kong tanong at napapikit naman ito bago umupo sa kama.

"Im calling my man para gamutin ang sugat ko" seryosong wika nito at napaiwas naman ako ng tingin dahil sa pag titig nito. Ang sexy nang boses pag tagalog version.

"Ako na, siguro baka umuwi muna sila" inilagay ko sa sofa ang bag ko at kinuha ang first aid na nasa kabinet.

VIP ang room nito at kompleto ang narito may mini Kitchen rin at may sofa. Nagtungo ako sa gawi niya bago inilapag sa baba ang gamot.

Hahawakan ko na sana ang damit niya pero kaagad niyang hinawakan ang aking kamay para naman akong na koryente dahil sa paraan ng kanyang paghawak.

"Your out of duty doctor why are you still doing this?" mahinahon na nitong wika kaya umangat ang aking paningin bago nito binitawan.

"Isa akong doctor sa loob man o labas trabaho ko paring alagaan ang mga pasyente" paliwanag ko bago inumpisahan nang tanggalin ang bandage.

Narinig ko pa ang pagdaing nito pero hindi kona pinansin, nang matapos na ako ay binalutan ko muli ito ng bandage.

"Nasaan ba ang ibang kasama mo?" tanong ko habang binabalik ang first aid sa lalagyan.

"I don't know" tipid nitong wika pero nangingibabaw parin ang kanyang seryosong boses.

"Did you already eat?" muling tanong ko pero napangiti naman ito kaya nakakunot noo ko siyang tinignan.

"Why are -" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko kung ano ang sasabihin nito.

"Inuulit ko mr. Pasyente parin kita kaya inaalala ko ang kalagayan mo" inirapan ko ito bago nag punta sa mini kitchen niya.

Naghanap lang ako sa ref nang maaaring lutuin at nakita ko naman ang bacon then chicken kaya ayos na ito at least makakain siya.

Sinimulan ko nang magluto at nakita ko naman ito nakamasid lang sa akin. Kalahating minuto lang ay natapos ko na ang lahat kaya I nilapag ko ito sa table at ako na ang naglagay sa kanyang plato.

"Kailangan mong kumain ng marami para bumalik ang lakas mo mr." paalala ko sa kanya pero napansin ko ang mukha nito na parang naiinis.

Hindi na ako nito pinansin at itinuloy niya lang ang kumain habang pinapanood ko lang naman ito.

"Don't be shy doctor and join with me" umiwas ako ng tingin dahil sa nakangisi itong lumingon sa gawi ko.

Pwede naman siguro ako rin naman ang nagluto kaya makikisalo nalang din ako, kakapalan ko na ang aking mukha.

Tumayo akong muli at kumuha ng plato bago ito nilagyan ng pagkain at umupo sa sofa.

"Ano bang pangalan mo?" pag uumpisa ko sa usapan dahil wala ata itong balak makipagusap.

"The doctor is interested of me huh!" masama ko muli itong tinignan dahil sa narinig ko mula sa kanya.

Magsasalita pa sana ako ng pangunahan na niya  kaya huminahon na ako doon baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

"call me Zavier"

Nang matapos na itong kumain ay ako na ang nagligpit sa kanyang pinagkainan pagbalik ko ay naabutan ko na itong naka hawak sa hospital bed.

"Where are you going?" takang tanong ko sa kanya dahil pinipilit nitong maglakad.

"Bathroom" tipid nitong sagot kaya nataranta ko naman siyang inalalayan nang matutumba na sana ito.

Ang bigat naman niya paano kasi ang laki ng katawan. Napalunok ako ng hawakan niya ang aking bewang para doon makakuha ng lakas upang makalakad. Naka alalay naman ako sa kamay nito at inilagay sa aking balikat.

Nang makarating na kami sa banyo ay ipinasok ko lang ito sa loob bago tumalikod, hindi ko naman siya pwedeng samahan.

Napalingon muli ako sa kanya ng lumabas na ito at deretso lang siyang nakatingin sa akin kaya inalalayan ko na itong muli pabalik sa kama.

"What are you still doing at this time doctor?" inalalayan ko siyang humiga at kinumutan ko lang ito bago sinagot.

"Hindi ko na kailangang ipaliwanag, hahanapin ko muna sa labas ang mga kasama mo" aalis na sana ako ng hawakan niya ang aking kamay kaya nabigla ako at natabig ko ang sugat nito.

"Oh my god sorry, ikaw kase nanggugulat ka" nag aalalang wika ko pero ang lalaking ito ay ngumisi lang.

"No need doctor I also don't want them to bother me"

Ayaw pala nitong naiistorbo eh kaya kailangan ko nading umuwi.

"sige mauna na ako kapag may kailangan ka pindutin mo lang ang red button" paalala ko at tumingin naman ito doon.

Kukunin ko palang sana ang bag ko ng magsalita ito.

"Hindi ba't sinabi mo na kailangan ng pasyente ng doctor then why are you leaving?" may bahid sa boses nito ang pangiinsulto kaya masama ko siyang tinignan.

May saltik ba ito sa pagiisip kanina lang ang sungit nito, ngayon parang isa na siyang batang iiwanan ng magulang.

"You should rest now aalis nalang ako kapag nakapag pahinga kana". Tumango ito bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung makakauwi pa ako dahil nakakaramdam na ako ng antok, magpapahinga nalang muna ako ng ilang oras bago ako aalis.

Naisipan kong mahiga muna sa sofa at nakita ko naman ang mabibigat niyang paghinga siguro natutulog na ito. Hindi ko nalang siya pinansin humiga lang ako at unti unti ko nang ipinikit ang aking mga mata.

 
  ***

Nagising ako dahil sa ingay na aking narinig at napatampal naman ako sa aking noo nang maalalang nandito pa pala ako sa Room ng lalaking ito.

Nakakahiya Ashtrielle doctor ka pa naman!

"Mukhang napasarap ang tulog mo dito Ash" napasulyap ako kay Lara na nakangiting lumingon sa gawi namin. Namin?

Nagulat ako nang katabi ko na pala ang lalaking ito teka paano?

"if your confusing doctor nagising ka nang hating gabi para mahiga sa kama" seryosong wika nito kaya inalalala ko kung may ginawa ba akong ganun.

Kaagad akong napatayo at kinuha ang aking bag bago lumabas. Sana hindi nalang ako nakitulog doon. Umuwi na ako ng bahay at naligo muna ako bago nagbihis, nagsuot lang ako ng short at tshirt tsaka lumabas.

Pagkarating ko sa baba ay wala si nanay Nelia siguro ay umalis ito kaya gumawa lang ako ng meryenda ko bago nanuod ng television.

Imbes na malibang ko ang aking isipan pero siya parin ang naiisip ko ano bang meron sa lalaking iyon.

Napagdesisyunan ko nalang na magluto ng hapunan at bibisitahin ko nalang si Monic dahil aalis na ito mamaya sobrang saya ko nang malamang maayos na ang kanyang kalagayan sa tagal na niyang nakakulong sa hospital ngayon ay masisilayan na niyang muli ang kapaligiran.

Nang matapos na ako ay hindi na ako nagpalit dahil maayos naman ang aking sout nag sapatos lang ako at kinuha ang bag tsaka ang paperbag na naglalaman nang pagkain.

Sumakay na ako sa kotse at naisipang bumili muna nang fruits bago ulit tinahak ang hospital.

"Magandang umaga Doc." masiglang pagbati ng ibang pasyente at katrabaho ko nang pumasok na ako sa loob.

"Ash , anong meron?" nagiinsulto itong tumingin sa akin bago ngumisi "para ba iyan sa pasyente mong VIP" babatukan ko na sana ito ng makailag siya.

"Sira, kay Monic ko ito ibibigay dahil mamaya na siya ma di discharge" paliwanag ko na ikinalungkot naman nito.

"Oh anong mukha iyan" wika ko kay Lara.

"Ibig sabihin hindi ko na siya muling makikita pa" malungkot nitong wika pero iniwan ko lang ito.

Pwede niya namang bisitahin sa bahay, ang oa naman niya.

"Hintayin mo ako" tumakbo pa ito papalapit sa akin bago ako akbayan.

Nang makarating kami sa tapat ng kanyang pinto ay kumatok muna ako at bumungad naman sa amin ang nanay nito.

"Doc, pasok kayo" nakangiting wika niya kaya pumasok kami sa loob.

Nakita namin ang mga gamit na nakahanda na at naka bihis nadin si Monic.

"Doc. Pretty salamat po" patakbo pa itong yumakap sa akin kaya ginantihan ko ito.

"Yung mga sinabi ko sa iyo palagi mong gagawin ha" paalaala ko at masigla naman siyang tumango.

Ibinigay ko sa kanya ang dala kong mga pagkain at masaya naman niya itong tinanggap.

Yung record nalang niya ang kukunin bago na sila umuwi kaya ako na ang ka kausap kay Doc Alfred para dito. Iniwan ko muna sila nila lara para may makasama siya.

Pagkarating ko sa opisina nito ay hindi na ako kumatok napatigil lang ako ng makitang may kausap pala siya.

"Sige ibibigay ko ang papeles ng pasyente na i discharge ito pero kailangan niya parin ng doctor para maobserbahan ang kanyang kalagayan" rinig kong paliwanag ni tito at nagtataka naman akong tumingin kay dracey.

Sino ang idi discharge niya? isa lang naman ang kanyang binabantayan si zavier ba?

"Sorry for interrupt pero doc. hindi pa naka karecover ang pasyente bakit niyo siya idi discharge ng maaga?" takang tanong ko kaya napalingon naman silang dalawa sa aking gawi.

"Why are you here doc. Velasco hindi mo duty ngayon"

"Kukunin ko lang ang record ni Monic Doc." tipid kong wika at may kinuha naman itong folder bago ibigay sa akin.

Nakita ko pa ang pag titig ni dracey sa akin bago umiwas at hinarap si Doc. Alfred.

"As you said doc. Kailangan ni zavier ng doctor may mairerecommend ba kayo?" pormal na wika nito pareho nga sila ng kanyang boss pa iba iba ng ugali.

"Titignan ko pa muna kung sinong available tatawagan nalang kita kapag nakakuha na ako." paliwanag ni Doc. at nagpaalam naman si dracey Kaya patakbo ko siyang sinundan.

"Sandali may tanong lang ako" napahinto naman ito at seryosong tumingin sa akin.

"Hindi pa magaling ang boss mo mas lalong lumala ang kanyang sugat kapag-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang magsalita ito.

"Huwag mo siyang isipin Doc. Velasco marami kasing kailangan na tapusin si zavier kaya kailangan niyang ma discharge" paliwanag nito bago ako talikuran.

Napatulala ako dahil sa kanyang sinabi, anong ibig niyang sabihin?

Bumalik muli ako sa kwarto ni Monic at sakto din ang paglabas nila. Pwede na sila ngayong umuwi kaya tumulong lang kami ni Lara sa pagbuhat ng mga gamit.

Pagkalabas namin sa hospital ay may naka abang namang kotse kaya doon na namin inilagay bago sila pumasok.

"Salamat Doc. sa tulong mo sa pamilya ko lalo na sa aking anak" niyakap ko ang nanay ni Monic bago ako nagsalita.

"It's my job tita" mahinahon na wika ko bago hinarap si Monic.

"Mag iingat ka palagi, sana sa pagkikita muli natin hindi na dito sa hospital ha" nakangiti kung wika at tumango tango naman ito bago ako niyakap.

Pinanood lang namin ang pag-alis ng kotse nila at napatingin naman ako sa humintong van at lumabas doon ang mga kalalakihan na naka suot ng itim.

Teka pamilyar ang mga ito!

Continue Reading

You'll Also Like

360K 12.7K 41
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
4.8K 187 41
Cold is a famous rich mafia who hold a huge grudge to his rival group. He is the boss of all his friends who stay with him. He is known as ice becaus...
1.5K 53 36
Si Rixon Miller gusto maging ama pero ayaw magkaroon ng asawa...but biglang ma inlove sa Hired niyang surrogate mother sa kanyang magiging baby....
43.7K 932 28
Tristan Sol A. Gabornes Farrah Malia F. Frencio | R-18 | ROMANCE | Started : June 30, 2021 Ended : September 12, 2021