I'm His Personal Doctor

By Tha_Rielle

12.7K 348 24

She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ash... More

Prologue
C - 02
C - 03
C - 04
C - 05
C - 06
C - 07
C - 08
C - 09
C - 10
C - 11
C - 12
C - 13
C - 14
C - 15
C - 16
C - 17
C - 18
C - 19
C - 20
C - 21
C - 22
C - 23
C - 24
C - 25
C - 26
C - 27
C - 28
C - 29
C - 30
C - 31
C - 32
C - 33
C - 34
C - 35
C - 36
C - 37
C - 38
C - 39
C-40
C - 41
C - 42
C- 43

C - 01

795 14 1
By Tha_Rielle

Ashtrielle Velasco

Dalawang oras ang nakalipas at natapos na namin ang pag opera sa lalaki, naka kamangha lang dahil nakayanan pa nito ang mga bala na tumama sa kanyang katawan.

Maraming dugo ang nawalan sa kanya pero mabuti at natanggal namin ito kaagad. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na kami.

"Kayo na ang bahala sa kanya, I need to talk to his companion" nagsitanguan ang mga nurse pati narin si Lara na kasama ko.

Inalis ko lang ang gloves at mask ko bago nagtungo sa labas ng operating room.

Pagbukas ko palang ng pinto ay biglang tumayo ang mga lalaking kasama nito at lumapit sa akin.

"How is he doc.?" bakas sa boses nito ang pagaalala.

Parang kanina lang ang tapang nito ah, siguro sinapian lang ito ng anghel.

"Don't worry about him mister, successful ang operasyon, ililipat palang siya sa isang room" kalmadong wika ko, napangiti naman ang mga lalaking kasama nito. Nagulat nalamang ako dahil sa kanilang ginawa. Bakit sila yumuko?

"Thank you doc."sabay sabay nilang wika at ngumiti lang ako ng tipid sa kanila bago hinarap ang lalaki.

"Im sorry sa nasabi ko sa iyo kanina Doc." paghingi nito ng paumanhin pero inirapan ko lang siya.

Alam kong dala lang ito ng kanyang pag-aalala kaya niya iyon nagawa, pero sana nirespeto niya parin ang mga pasyenteng nasa paligid namin kanina.

"Its okay, mauna na ako dahil marami pa akong pasyente" tumango lang ito sa akin bago ako umalis.

Medyo dumidilim nadin kaya naisipan kong kumain muna para may lakas akong harapin ang mga pasyente ko mamaya.

Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko ang isang kaibigan ko, katulad ko rin siya isang doctor pero sa ibang Department lang ito naka assign.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at kinuha ko ang isang bread na inorder nito.

"Ash naman ang mahal niyan bumili ka ng sa iyo pinaghirapan ko kayang pumila" nakasimangot nitong wika kaya napatawa ako ng mahina.

Marami kasi ang nandito baka magawa nanaman kaming topic nila.

"Wala akong dalang pera" pagsisinungaling ko at inagaw ang coffe niya.

"Mayamang kuripot" rinig kong bulong nito at tumayo naman ako para bumili ng akin.

Nag order lang ako ng puddings and tea coffee, mahilig akong mag kape dahil gabi ang shift namin para hindi ako makatulog.

"Balita ko may dinala daw kanina dito at armado pa?" napatingin ako sa kanya ng seryoso bago tumango.

"VIP siguro iyon dahil may mga tauhan" deretsong wika ko bago sinimulang kumain.

"Gwapo ba?" napaubo ako ng magsalita itong muli kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Keshia anong klaseng tanong yan" may bahid na Inis kong wika at napahalakhak lang ito.

Hindi na ito muling umimik at pinagpatuloy lang namin ang kumain.

"Kamusta naman ang pasyente mo?"

"ayon mahimbing naman silang nakakatulog" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi, Doctor ba talaga ito?

"Biro lang, maayos naman ang kalagayan nila"

Tinapos ko lang ang kinakain ko bago tumayo at ang kasama ko.

"I have to go may gagawin pa ako" pagpapaalam ko at may sinabi naman siya.

"May meeting pala mamaya, tama para makita ko naman yung VIP na sinasabi mo" Napailing nalang ako dahil sa kanyang sinabi bago ko ito iwan.

Naisipan kong bisitahin si Monic ang isang pasyente ko. Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko naman siyang nagsusulat, mukhang bumubuti na rin ang kalagayan niya.

"Nasan si mommy?" pag aagaw pansin ko sa kanya at ngumiti naman ito.

"Bumili po nang pagkain" masiglang wika niya bago ko ito lapitan.

"Doc. Pretty, may sinulat po ako para kay Daddy kung sakaling bumisita siya siguro matutuwa ito kapag nabasa niya" masayang ani nito at doon naman ako nakaramdam ng lungkot.

Alam kung matutuwa ang Daddy nito dahil sa nakikita na niyang bumalik na ang lakas ng kanyang anak, naaawa ako para kay Monic dahil hindi na niya muli makikita ang kanyang ama.

Kaya naka recover si Monic sa kanyang sakit ay dahil ang ama nito ang mismong nag donate ng kanyang kidney, noong una ay hindi rin ako sang ayon dahil alam kung hindi ito matatanggap ni Monic pero wala nang oras ang natitira dahil sa nag aagaw buhay ang kanyang anak, wala na kaming nagawa para pigilan siya.

Sinamahan ko lang siya hanggang sa makabalik na ang mommy nito bago ako nag paalam.

May meeting pa akong dadaluhan, tungkol nga pala sa pasyente na dinala kanina dito, ay unconscious pa ito dahil sa kakatapos lang ng kanyang operasyon pero siguro magigising rin siya bukas.

"Ash, hintayin mo ako" napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Lara na patakbong nagpunta sa gawi ko. May meeting kasi kami kaya nandito rin ito.

Pagkarating namin sa loob ay nagumpisa na pala silang magbahagi kaya nakinig nalang kami.

"Doc velasco" napatingin ako kay dr. Alfred ng magsalita siya kaya napatingin ang ibang ka trabaho namin sa aming pwesto.

"I would like to congratulate you for what you've done earlier" nakangiting wika nito habang ang iba ay may ngiti sa kanilang mga labi kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya.

**

Kakatapos lang nang meeting at nandito rin si Keshia, kanina pa ako nainis dahil gusto niyang makita ang lalaking dinala kanina dito.

"OH my god may Anghel" nakakunot noo akong tumingin sa harapan dahil sa pagtili nito at napailing lang si Lara sa kanya.

Nakita ko ang paglapit ng lalaking kinausap ko kanina, ano namang kailangan nito?

"Doc. Gusto lang sana kitang ayain bilang pasasalamat" wika nito at tinulak tulak pa ako ni Keshia kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Salamat pero may asikasuhin pa ako pero pwede mo namang ayain si Doc. Keshia para nadin sa pagbawi mo" nakangiting wika ko at napa awang naman ang bibig nito dahil sa sinabi ko.

"Hala, nakakahiya huwag na kakatapos ko lang ding kumain" nag inarte pa ang gaga siya na nga itong tinutulungan.

"Okay then, how about you miss?" sabay kaming lumingon ni Keshia kay Lara na ngayon ay nagulat pa.

Pekeng umubo si Keshia sa aking tabi at kaagad ko namang siniko.

"A-ah eh bakit ako?" nagtataka nitong tanong kaya napangiti naman ako dahil sa kanyang itsura.

"Ikaw naman ang kasama kanina ni Doc, hindi ba?" tumango tango naman si Lara at tinulak pa ito ni Keshia para sinyas na sumama nalang kaya wala na itong nagawa.

"Sayang" rinig kong bulong nitong kasama ko kaya binatukan ko siya.

"Aarte ka pa kase ikaw na nga itong inaaya" wika ko bago siya iniwan.

Nagtungo lang ako sa opisina ko para ayusin ang iba pang mga papeles ng mga pasyente ko na idi discharge na bukas.

**

Napamulat ako dahil sa katok galing sa labas, kaya kaagad na akong bumangon at nagtungo sa banyo bago nag hilamos.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si nanay Nelia.

"Nay, anong meron?" takang tanong ko.

"Kanina pa nandito ang kaibigan mo, may mahalaga daw itong sasabihin kaya puntahan muna sa baba" paliwanag nito at nagpasalamat lang ako bago siya umalis.

Pagkababa ko ay tinanong ko na kaagad kong anong sadya ni keshia dito.

"Ash, alam kong hindi kapa nakakabawi ng tulog mo pero nakikiusap lang sana ako" malungkot nitong wika at hinintay ang sasabihin nito.

"Kasi nag ka emergency sa bahay kaya kung pwede ikaw muna ang pumalit sa shift ko ngayong umaga" ngumiti ako sa kanya bago ito hinarap.

"Its okay, Alam Kong mahalaga ang Pamilya mo, ako na ang bahala sa trabaho mo, basta babalik ka kaagad alam mo namang shift ko rin sa gabi eh" ngumiti ito dahil sa aking sinabi bago niya ako yakapin.

"Salamat talaga Ash hulog ka talaga ng langit para palitan ako kapag may emergency" binatukan ko siya dahil sa kanyang pinagsasabi.

"Umalis ka na nga magbibihis pa ako" pagtataboy ko at nagpaalam muna ito bago ako halikan sa pisngi.

"Keshia kakasuhan kita ng tresspasing with harassment" sigaw ko hanggang sa makalabas ito pero halakhak lang niya ang aking narinig.

Nag tungo muli ako sa taas para magbihis pagkatapos ay kinuha ko lang ang aking bag bago nagtungo sa kusina.

"Nay aalis po muna ako" pagpapaalam ko kay nanay ng matapos na akong ligpitin ang aking pinagkainan.

Sumakay na muli ako sa kotse bago nagpunta sa hospital.

Ako na muna nag handle sa pasyente nito at napabilis ang aking trabaho dahil sa puro bata ang mga ito.

Kinausap ko nadin si dr. Alfred na ako ang pumalit kay Keshia dahil sa nagka emergency ito.

Pagkatapos kong check up'an ang pasyente ay binilinan ko lang ito sa mga dapat niyang gagawin para hindi ito Mabinat.

Pagkalabas ko palang sa pinto ay nakita ko naman si Lara na pa takbong nagpunta sa gawi ko.

"Hey, anong nangyari at nagmamadali ka?" nagtatakang tanong ko kaya na pahinga muna ito ng malalim bago nag salita.

"Yung inoperahan mo kahapon, gising na pero ayaw nitong magpacheck up"

"Yung doctor niya nasaan?" tanong ko pero napaiwas lang ito ng tingin.

"Yun na nga eh, ayaw niyang papasukin ang sama din pala ng ugali" napalitan ng Inis ang boses nito na kanina lang ay nagaalala.

"Eh bakit ako ang sinabihan mo nito"

"Pwedeng ikaw nalang ang gumawa, ganito kase sinabihan ako ng doctor niya na ako daw ang mag check up pero baka mapatay ako ng wala sa oras" nahihiyang sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

What kind of patient is he? Siya na nga itong tinutulungan, nagawa niya pang maginarte.

"Okay I'll go, but you'll come with me" seryosong wika ko at tumango naman ito.

Pagkarating namin sa tapat ng Room nito ay naririnig ko pa ang mga bulungan ng mga narito pero hindi ko na pinansin. Pagka pasok namin sa loob ay kaagad namang lumapit ang lalaking kasama nito.

"Doc. mabuti at nandito ka hindi namin siya mahikayat na ma check up'an" mahinang wika nito kaya napatingin naman ako sa lalaking nakahiga.

Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa malayo ito sa akin, hinarap ko muna ang kanyang kasama bago tumango.

"I said I don't want a doctor" isang malamig na boses ang narinig ko mula sa lalaking ito.

hindi naman ako takot di porket may mga tauhan na ito ay pwede na akong matakot.

Lumapit lang ako sa kanya at nakita naman ako nito, seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa direksyon ko pero nang mag tama ang aming paningin ay napakunot lang ang kanyang noo.

"Mister, wala akong gagawin sa iyo kailangan lang namin alamin kung ano ang kalagayan mo" mahinahon kong wika pero hindi na ako nito tinapunan ng tingin.

"As you can see I'm awake, so what do you still need from me" seryoso nitong wika kaya nagbuntong hininga muna ako bago ito tinignan.

"Kailangan ko lang alamin kung ano bang gamot ang inilagay sa dextrose niyo baka kase may someting" pagbibirong wika ko at narinig ko ang pagtawa nang kanyang kasama kaya nabaling muli ang tingin nito sa akin.

"Why are you stubborn doctor" naiinis nitong wika at nagkibit balikat lang ako.

"And you mister why are you being stubborn?" balik na tanong ko kaya napaawang ang kanyang bibig.

Nang hindi na ito muling nagsalita ay naisipan ko nalang na ako na ang gagawa, dahil nakikita ko ang panginginig sa kamay ni Lara.

"Give me that" inabot nito ang patient record at ballpen kaya lumapit ako sa pasyente.

Nakatingin lang ito sa bawat kilos ko at tinitignan ko lang kong maayos ba ang kalagayan nito.

"mister I will check your heart beat" pag hihingi ko nang pahintulot baka bugahan ako nito kung hindi ako magpaalam.

Inilagay ko lang ang stethoscope sa tainga ko na nakalagay sa aking leeg bago ko hinawakan ang kanyang damit.

Napakunot pa ang kanyang noo ng itaas ko ang damit nito pero hindi ko na siya tinignan, nakita kong may bandage sa kanyang balikat dahil sa mga tama ng bala.

Itinapat ko lang iyon sa kanyang dibdib naririnig ko ang mabilis nitong pagtibok may sakit ba ito sa puso?

Nang tignan ko ito ay tsaka lang ako napaiwas dahil sa napakalapit na pala ng aking mukha sa mukha nito kaya tumikhim muna ako bago ibinaba ang damit niya.

"Thank you for your cooperation" umiwas ako ng tingin bago nagsulat sa patient record niya. "Mr. Dela Cruz" pagbabasa ko sa surname nito bago ko siya tinignan.

"Are you satisfying with my body doc.?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa binulong nito kaya tumayo na ako at humarap sa lalaking kasama niya.

"Ibibigay ko nalang ang gamot niya iiwan ko sa nurse, aalis na ako" wika ko at ngumiti naman ito.

"Wait, anong pangalan mo para naman ikaw nalang ang guardian na ilalagay ko sa pasyente " kalmadong tanong ko sa kasama nito at napangiti naman siya.

" Dracey Castillo doc. "tipid nitong wika kaya sinulat ko nalang ito at ibinigay kay Lara.

Kinausap ko siya, na siya na ang bahala sa iba dahil kailangan ko pang asikasuhin ang ibang pasyente ni Keshia.

Pero infierness may itsura ang pasyente kaso masungit nga lang.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 47.5K 55
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
2.3M 170K 43
"ကျုပ်နာမည် တော်ဝင်ယောက်ျား၊အများစုကတော့ Royalလို့ခေါ်ကြပေမယ့် ခင်ဗျားကတော့ ယောက်ျားလို့ခေါ်ချင်ခေါ်ပေါ့" "မင်းးး" Zawgyi "က်ဳပ္နာမည္ ေတာ္ဝင္ေယာက္်ား...
169K 2.2K 27
He's Luke Davis Agreda, 24 years old. A successful young man multibillionaire. A lots of girls are crazy for him. He's handsome, cold, hot and rich...
4.8K 187 41
Cold is a famous rich mafia who hold a huge grudge to his rival group. He is the boss of all his friends who stay with him. He is known as ice becaus...