Babysitting My Billionaire Ex...

By unforgettwblue

17.7K 1K 79

Talitha × Hercules More

Babysitting My Billionaire Ex-Husband
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 (Part 2)
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

420 29 2
By unforgettwblue

Tahimik ang buong biyahe naming dalawa ni Hercules. Matapos ang nangyari sa hospital ay walang imik kaming sumakay sa kotse patungo sa mansion.

Mabuti na rin at hindi siya nagtanong sa akin pero alam kong gustong gusto niyang magtanong. Sa mukha palang niya ngayon na nakasalubong ang kilay at bahagyang nakanguso ang labi nito.

Nauna akong bumaba sa kaniya pagdating namin sa harap ng mansion. Tumingin ako sa kaniya ng akma siyang baba kaya mabilis na inalalayan ko siyang makatapak sa sahig.

I swallowed when we both stared at each other. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumingin sa entratada ng pinto nang mapansin ko si Tiya Susan na naglalakad patungo sa amin. Nakakunoot ang noo niya habang nakatingin sa aming dalawa.

"Talitha, ayos ka lang ba?" Tanong niya nang makalapit siya sa amin.

Tumango ako sa kaniya. Ngumiti siya at tumingin kay Hercules na kanina pa pala kami tinitignan.

"Senyorito, alalayan ko na po kayo." Akmang lalapit si Tiya ng pigilan niya siya nito.

"No. Talitha, will take care of me," malamig na sagot niya.

Tumingin sa akin si Tiya Susan kaya tumango nalang ako sa kaniya para tapos na kaagad ang usapan. I quietly led him to his room.

Nang mai-upo ko siya sa sofa sa kuwarto niya ay kaagad akong lumayo sa kaniya. I saw his brows arched because of what I did but I ignored it.

"Kumain kana ba? Maghahanda lang ako ng makakain mo," aniya at tinalikuran na siya pero natigilan ako dahil sa tanong niya.

"Why are you together with that man, Talitha?" Malamig na tanong niya.

"Hindi ko rin alam, Hercules... Hindi sinasadyang pagkikita lang ang nangyari ang kanina." Ayan ang gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawa.

Instead of answering him, I quickly left his room to prepare him something to eat. Kahit masakit ang ulo ko ay bumaba pa rin ako para paghandaan siya.

Hindi ko siya puwedeng pabayaan dahil sa tatlong buwan na narito ako ay responsibilidad ko siya... Aalagaan ko siya hanggang sa matapos ang tatlong buwan.

Naabutan ko si Manang Susan na naghahanda ng pagkain. Kaagad niya akong napansin kapagkuwan ay ngumiti siya sa akin.

"Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Nakita ka nalang ni Hercules sa sahig na walang malay," she said.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong nila.

"Anong niluluto niyo, Manang?" Pag-iiba ko sa usapan at tila napansin naman niya iyon kaya napailing nalang siya sa akin.

"Inihahanda ko ang dinner niyong dalawa ni Senyorito." Tumango ako bago ako naglakad patungo sa kabinet kung nasaan nakalagay ang mga plato.

Napatigil ako sa paglapag ng plato nang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko. Kaagad kong kinuha iyon at nang makita ko ang pangalan ay tumingin ako sa gawi ni Manang Susan.

I decided to answer the call in the living room. I hastily left the kitchen and went to the living room.

Sinagot ko iyon at isang matinis na tawa ng isang bata ang nabungaran ko.

"Nanang!" Bahagyang tumawa ako dahil nabubulol pa ito habang nagsasalita.

"Hello, baby ko. Nasaan ang nanang Caitlin mo?" Tanong ko sa kabilang linya

Hindi ito nagsalita pero narinig ko ang boses ni Caitlin sa kabilang linya, kausap nito si Hero.

"Si Nanang Tali mo ba 'yan?" Rinig kong tanong niya kay Hero.

"Talitha?" Hindi muna kaagad ako nagsalita nang may isang maid na dumaan at baka marinig pa ang pinag-uusapan naming dalawa.

"Hello, Caitlin. Kumusta?" Kaagad na tanong ko nang narito na ako sa swimming pool.

"Mabuti at napatawag ka, Talitha. Ikaw Ang kumusta? Hindi ka ba inaapi riyan ni Ylona? Sabihin mo sa akin, susugurin ko ang babaeng iyon." Napailing nalang ako dahil sa inasal niya.

Wala ata siyang pagbabago, pala away pa rin siya.

"Hindi... Okay lang ako rito at saka may kaunting pag-aaway lang, Caitlin," mahinang sabi ko.

I can't tell him that Ylona and I had a big fight. Ayokong problemahin niya pa ako dahil alam ko kahit siya ay mayroon ring problema.

At saka alam ko rin sa sarili ko na kaya ko... kaya kong ayusin ang problemang sinimulan ko na naman sa buhay ko.

Alam ko naman na maiintindihan niya ako pero para sa kaniya siguro ay kahit maintindihan niya ay aawayin niya pa rin iyon.

"Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman kong sinasaktan ka na naman nila, hindi ako magdadalawang isip na sugurin sila riyan." sa tono pa lang ng boses niya alam kong galit siya habang sinasabi iyon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Dahil kahit ilang taon na siya pa rin ang kasama ko sa buhay ko. Hindi niya ako iniwan. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung hindi niya ako makaahon sa pagkawala ni tatay pero nandiyan siya para sa akin.

"Hindi na nila magagawa iyon, Caitlin. Kaya ko na sila."

Kung dati ay nagagawa nila ang gusto nilang gawin sa akin. Ngayon... hinding hindi na mangyayari iyon dahil hindi na ako katulad ng dati na nagtitiis habang sinasaktan.

"Kaya mo nga ba talaga? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak mo at kelangan gawin iyan? Gosh! Talitha, maayos na ang buhay mo, sisirain mo lang ba ulit?" inis na sabi niya sa akin

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan. Kahit ako ay hindi ko na rin gustong magpakita sa kaniya dahil matagal ng walang nag-uugnay sa aming dalawa.

Simula noong naniwala siya kay Saydee na hindi naman talaga totoong ginawa ko ang bagay na iyon para pinagbagsakan ang mundo ko.

"Hindi ko sinisira ang buhay ko dahil sa lalaking iyon. Alam mong hindi ko na siya mahal!" Sagot ko

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Alam kong hinahabaan niya ang pasensiya niya at iniintindi niya ako.

"Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng ulo mo!" Sabi niya sa naiinis na tono.

"Parang hindi mo alam. Pero... Caitlin, thank you... Alam kong kakayanin ko 'to. Three months... Matatapos na ito," mahinahong sabi ko sa kaniya.

Nang matapos ang usapan namin dalawa ay kaagad na nagpaalam ako sa kaniya. Akma akong babalik sa loob para dalhin ang pagkain ni Hercules.

Nang mapatingin ako sa sliding door. Parang bumara ang sikmura ko dahil sa taong nakatayo roon. Mariin at seryoso ang tingin niya sa akin. Napalunok ako bago ako umiwas sa kaniya ng tingin.

Katulad ni Hercules ay malaki rin ang pagbabago nito. Mas lalo itong tumangkad at kumisig, bahagyang humaba rin ang buhok niya at nagkaroon ng mumunting balbas.

"Dale..." usal ko sa kaniyang pangalan.

"You're here? What are you doing here?" Tanong niya sa malamig na boses.

"I'm taking care of Hercules, Dale..." I answered

Our last communication was four years ago. Matapos ang nangyari noong gabi iyon ay hindi na ako nagpakita sa kanilang lahat. Four years ago when Hercules annul our marriage and after a month I received the annulment paper.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Sobra akong nasaktan pero alam kong nasaktan din siya dahil sa kasinungalingan nangyari.

"And you agreed?" Kinurot ko ang daliri ko dahil sa tono ng boses niya ay sarkastiko.

"Agreed? What?" I asked, confused.

"You agreed to taking care of him," he said. Tumango ako sa kaniya para sang-ayunan ang kaniyang tanong sa akin.

"Ylona wants me to take care of him," panimula ko. Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin sa kaniya habang sinasabi ko sa kaniya iyon.

"Then you agreed, huh? I though you don't want to see him again? Are you playing again, Talitha?" Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Ako naglalaro? Dahil sa kaniya? Kung gagawin ko man iyon ay matagal ko ng ginawa... pero hindi.

"Kung gagawin ko man iyon ay dapat matagal na, Dale..." hindi ko mapigilang mainis sa kaniya.

He smirked at me. "Because you're not strong enough to play him again? Hindi ba?"

Nanginginig na tinaas ko ang daliri ko. Hindi ko alam kung bakit kelangan niya sabihin ito sa akin. Kahit kailan hindi ko pinaglaruan ang nararamdaman ni Hercules dahil mahal ko siya pero iyong mismong naging kaibigan ko rin ay pagdududahan ang pagmamahal ko sa kaibigan niya.

"Alam kong alam mo, Dale... I didn't play his feelings kasi mahal na mahal ko siya. I stay by his side even gusto ko ng sumuko kasi pagod na pagod na akong husgahan ng pamilya niya, Dale..." nanginginig ang boses na usal ko sa kaniya.

Napakagat ako sa labi ko bago ko punasan ang luhang pumapatak sa pisngi ko.

Ayoko sa lahat ay ang makita nilang umiiyak ako. Dahil para sa kanila mahina akong tao...

Matapos kong sabihin sa kaniya iyon ay umiiyak na umalis ako roon. Ang akala ko ay alam na... alam na niya kung ganoon kahirap mapunta sa sitwasyon ko kung paano ka husgahan ng magulang ng dati mong asawa.

Hindi pa ba sapat iyong sakit na nararamdaman ko apat na taon na ang nakakalipas? Kailangan pa bang ipatuloy iyon?

-------------
 

I will update every Friday and I hope you understand me. Happy reading!!

--jaemaexx

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
13.4K 196 29
"Do you want me, baby?" he whispered to her ear, earning a shiver of delight from her. Ruby couldn't think straight, her mind was full of desire for...
415K 21.8K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
231K 1.1K 8
Hi I'm Cziane Danniela "Ziane "Ocampo, 20yrs old, Fresh Graduate and currently working at Morillio Company. Alam nyo ba crush na crush ko ang boss ko...