The Man In Red Suit [The Rozo...

By CengCrdva

275K 2.3K 102

WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] 𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝙬𝙞𝙡𝙙 𝙜𝙞𝙧𝙡 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙤𝙗𝙤𝙙𝙮 𝙘𝙖𝙣 𝙩𝙖𝙢𝙚... More

The Man In Red Suit
Synopsis
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14

CHAPTER 15

7.2K 152 8
By CengCrdva

Chapter Fifteen

Payback Time


Mas naging bantay sarado ako ni Raglan. Holly and the girl's conversation was all about the party that ended almost three in the morning while my head was elsewhere. Para bang hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila dahil may ibang agenda ang utak ko.

Ang mga naisip ko kagabi tungkol sa paghalik kay Raglan bilang pagganti ay hindi ko nakalimutan. It just became solid in my head and overtime, my determination to do it just doubled.

"Uy! Okay ka lang? Why are you being so silent?"

"Saryna is definitely jealous of us kaya ganyan." Holly joked.

Siguro kung noon ay talagang maiinggit ako dahil umaalis ako sa party na may araw na, pero ngayon? Nah. I don't even care about partying right now. Ni hindi na nga 'yon pumapasok sa utak ko dahil masyado na itong okupado ng ibang bagay.

I rolled my eyes at Holly. "Ate Soms is here. Sakto lang rin na hindi ako nagtagal kagabi."

"Hmm, I see. Pero what happened nga? Bakit parang ang tahimik mo naman? It's so not you."

"Wala. I just don't have the energy to talk today."

"Something definitely happened." Andrea concluded.

Imbes na mawala tuloy sa akin ang atensiyon nila ay sa akin iyon napunta. I honestly don't want to talk about it, but I ended up telling them what really happened after I left the club.

"Holy mother of Christopher! He kissed you?!" Queeny blurted. "Your super hot and gorgeous ex-US army sniper bodyguard kissed you?!"

"Is it that unbelievable? You know men would die for my lips so why does your statement sounded like I am lying?"

Nagtawanan sila. "We just couldn't believe it, Saryna! He's way older than you and the audacity of him kissing you would put him on death row! Anong sabi ni Tito Thelonious?"

"That's the point. I didn't told anyone about it except you guys."

"No shit..."

"So what it's like? Tell us about it you bitch! Masarap ba? Is he a good kisser? First base lang ba or you're keeping secrets from us now?"

Nagniningning ang mga mata nila habang naghihintay ng sagot sa mga tanong na iyon. Of course I didn't told them the truth. Hindi ko sinabing under ako ng lalaking 'yon. Mas lalong hindi ko ipapaalam na kahit kailan ay hindi ko ito natalo at napaikot sa kamay ko gaya ng mga taong nagdaan sa akin. I told them lies to protect myself except the truth that I liked the kiss.

"You better be careful! Baka ipatapon ka na lang talaga ni Tito Thelonious bigla sa ibang bansa kapag nalaman niyang may nauto ka na naman at napapaikot sa mga kamay mo ngayon."

"Ugh! I can't wait to hear more Saryna! I know you don't really patol to your father's employee, but if I was in your shoes magiging marupok rin ako. That man was a living proof that God exist! He's gorgeous as hell at very unpredictable and mysterious pa! Parang kailan lang bantay sarado ka do'n at ano mang oras ay kaya kang isumbong kay Tito at Tita pero ngayon ay hawak mo na siya sa leeg! Iba ka talaga!"

"Of course Queeny! No one could ever resist my charm and you know that. Ngayon pa lang ulol na ulol na sa akin ang lalaking 'yon. Baka hindi pa nakatulog dahil sa halik ko kagabi."

"Oh my god! Thinking about it makes me horny!"

Holly rolled her eyes at Andrea. "Haliparot ka eh nakailang rounds nga kayo ni Danny kagabi!  You whore!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I know where the conversation was heading and as much as I wanted to stop it, wala na akong nagawa.

Danny fucked one of my friend and I know he will taste all of them. Hindi naman nakapagtataka dahil malalandi ang mga ito at liberated din gaya ko pero hindi pa rin talaga ako palagay na pag-usapan ang mga ganitong klaseng bagay. Kung ibang lalaki ay okay lang pero kung tungkol sa isa sa pamilya ko? I'm not interested. It was weird hearing stories about Danny and how he made Andrea came mulitiple times, but I have no choice. Kahit gusto ko nang umalis ay hindi ko nagawa. My friends chose to torture me with my cousin's wild sexcapade and I think I deserved it for lying about Raglan being so attracted to me.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang magsimula na ang aming klase. Kahit na busy at nakikinig naman ako sa lecture ay lumilipad pa rin ng kusa ang utak sa kung saan.

I absentmindedly bit my lip when I remember the scene again. Now that my head was repeating our quick kissing scene unconciously, parang gusto kong ikahiya ang sarili ko dahil hindi man lang ako nakasagot ng maayos sa biglaang paghalik na 'yon. If I was able to reply to that, I know every head he has would be blown away. I'm a damn good kisser. Paninindigan ko 'yon at hindi na ako makapaghintay na mapatunayan iyon sa kanya.

"Hi Hozier!" Malambing na bati ni Andrea rito matapos naming malapitan pagkatapos ng klase.

Splace was closed today kaya maaga at sabay-sabay kaming napunta sa parking lot para umuwi. They said they will not go anywhere tonight dahil napilit kong mag-aral ang mga ito hindi dahil gusto kong pumasa sila kung hindi dahil pagod na akong mainggit kung saan sila pupunta ng wala ako.

"You're looking good, Hozier! Favorite mo talaga ang red 'no? It suits you especially now..." makahulugang dagdag naman ni Queeny matapos punahin ang pulang polo shirt at relo nitong suot sabay baling sa akin.

"Pag-ibig nga naman..." sulsol na bulong ni Andrea.

Kumunot ang noo ni Raglan, nalilito pero hindi na lang pinansin.

Ako naman ay tahimik lang, takot na makagawa ng kung anong dahilan para mabisto ang mga kasinungalingan kong patay na patay sa akin ang lalaki.

"Hi. Thanks for the compliment." He answered casually.

Kilala na niya ang mga kaibigan ko pero kung gaano kasama ang turing niya sa akin ay gano'n naman siya kabait sa mga ito. He always smiles at them and he never did that to me. Sa akin ay lagi iyong sarkastiko at naghahamon.

What if kaya gano'n ay dahil talagang gusto niya nga ako? What if it was love at first sight? I mean it kind of make sense. The more you hate the more you love, right?

Natigil ako sa kabaliwan nang mas mapalapit pa kami sa lalaki.

Holly smirked at him and said, "You better take care of our friend, alright? Don't disappoint her and please take it easy." Malisyoso nitong sabi dahilan para hatakin ko siya nang akma niya pang hahawakan ang braso ng lalaki.

Umalingawngaw ang tawa nilang tatlo sa parking lot nang itulak ko silang lahat palayo sa amin.

"Go home bitches! Mag-aral kayo ng mabuti dahil nakakahiya kapag hindi kayo nakapasa sa midterms! I'll disown you all."

Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin ni Holly ang braso ko.

"Hindi ko alam na selosa ka pala. Para hahawakan lang kung matigas ang braso." Ngising asong bulong sa akin ni Holly na siyang huli kong naitulak dahil panay pa ang balik kaya wala na akong choice kung hindi ang kaladkarin siya palayo.

I almost slapped my forehead when Holly gestured her hands pointing two fingers on Hozier and then back to her eyes. Telling him that she is now watching him closely. Patuloy namang humagikhik ang dalawa ko pang kaibigan at ngising-ngisi habang palayo.

"What the hell was that?"

"I don't know. Bakit hindi sila ang tanungin mo." Masungit kong sagot sa aking pagharap sa kanya.

"You shove them away before I could even ask."

Nilagpasan ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan para makasakay doon.

"Well, it's not my problem anymore." I said before shutting the door.

Shit! I'm going to kill those bitches! Muntik na akong mabuko!

As usual, tahimik ako sa likuran samantalang ang lalaki ay ilang beses kong nahuling sumusulyap sa akin at patuloy pa ring nakikiramdam.

I cleared my throat after I caught him stared at me at a red light.

"Baka matunaw na ako katititig mo."

He didn't rebut. Nanatiling tikom lang ang kanyang bibig. Speaking of, pagkatapos tuloy no'n ay ako naman ang tulirong napatitig sa kanyang mga labi.

It was the second time I stared at those babies and he really has a nice and soft lips. Tanda ko pa kung gaano kalambot ang kanyang mga labi kahit na ilang segundo niya lang akong hinalikan. Kahit na naninigarilyo ay hindi rin iyon maitim. It was almost as red as his shirt right now.

I wonder how it taste now that I'm sober? Wala sa sariling napalunok ako sa aking mga kabalbalan.

"Baka matunaw na ako katititig mo." Balik niya nang ako naman ang mahuling nakatitig sa kanya.

Umikot lang ang mga mata ko't agad na inilihis ang mga mata patungo sa bintana. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil mas kailangan kong mag-focus sa mga ganting gagawin ko.

Pag-uwi ay iyon na kaagad ang aking inatupag. Apparently, guarding me was the only job he has. Kung nasaan ako ay naroon rin siya at kung wala akong ginagawa ay gano'n rin ito. Saka lang kami hindi nagkikita kapag nasa kuwarto na ako pero kapag wala ay lagi siyang nakabuntot sa akin at nagbabantay. It was ridiculous, but it was what my father told him to do.

I was behaved the whole dinner and even after that. Magiliw akong nagkwento sa pamilya ko kung anong nangyari sa buong araw ko. I called Damien and I'm happy to hear that he missed me. Kahit na napilit ko siyang sabihin 'yon ay parehas pa rin ang kahulugan. Kahit na paulit-ulit at alam niyang hindi na ako magbabago ay mahal na mahal niya pa rin ako. And that was the reason why I love him so much, too. Nakakainis kapag mahigpit minsan pero naiintindihan ko naman.

I went downstairs after the call to search for Raglan, but kuya Pancho said he was eating his dinner. Napangisi ako. Tamang-tama iyon sa gagawin kong planong pagganti sa kanya. I told the latter to announce to the man that I'll go for a swim.

Dahil nakaayos na ang mga damit ko ay mabilis akong nakababa ulit at nakapunta sa pool. It was already ten in the evening at alam kong hahanapin niya ako kaya naghintay akong matapos siya. Our pool was only eight ft. deep, but my father wouldn't allow me to swim alone.

Simula pa naman noong bata ako dahil kahit na marunong akong lumangoy ay ako ang madalas mamulikat sa mga kapatid ko. There was an instance that I almost drowned because of it kaya simula no'n at hanggang ngayon ay hindi na ako hinahayaang lumangoy ng mag-isa ng mga magulang ko. But since they were already sleeping, malaya akong nakatalon sa tubig kahit na walang bantay at magagalit. Alam kong alam ni Raglan ang tungkol doon kaya sure akong hahanapin niya ako.

Gaya ng pagdalo sa pamilya ko sa dinner, ngayon ko na lang ulit naliguan ang pool namin. Gano'n siguro yata kapag tumatanda na, nag-iiba na rin ang mga trip sa buhay. Noon kasi ay halos tatlong beses sa isang linggo akong mag-swimming dito pero ngayong taon ay bilang na lang iyon sa daliri. I realized that swimming with someone who watches you was corny. And that made me avoid it, but tonight was an exemption.

Hinayaan ko ang sariling magparoo't parito sa aming 50ft x 30ft pool habang naghihintay sa lalaki. I'm sure he'd gone crazy once he finally realize that I wasn't in my room.

Nagbilang ako ng oras. Dama ko na ang pagod at bahagyang pangangalay ng aking mga paa pero hindi umahon. Nagsisimula na akong mainip pero nang sa wakas ay matanaw ang bulto ng lalaking hinihintay ko ay muli akong lumusong sa ilalim ng tubig. Binilang ko ang tingin ko'y kalahating minuto bago niya ako makita.

Lumangoy ako pabalik sa dulo kung saan ang may pinakamalalim na parte. I then started to pretend that I was drowning malayo pa lang siya para mas maging kapanipaniwala kapag nalapitan na niya ako. Nabagot ako ng kaunti dahil sa hindi niya pagmamadaling sagipin ako pero sa aking bahagyang pag-ahon ay nakita ko na itong tumatakbo palapit.

Napangisi ako nang sunod na marinig ang paglusong nito sa tubig. I continued pretending that I was drowning. Hindi na ako gumalaw para kunwaring kanina pa ako nalulunod kaya nang mahawakan niya ang aking katawan ay kunwaring wala na akong malay.

I forced myself not to feel something when his heat finally touches mine. Hinila niya ako papunta sa mababaw na parte at nang maabot na niya ang sahig ay nagmamadali niya akong inilipat sa kanyang harapan upang buhatin at iahon sa tubig. He moved with urgency. He was silent, but I could feel the tension in his body.

Inilapag niya ako sa gilid ng pool. Sinubukang gisingin pero dahil hindi naman talaga ako nawalan ng malay ay hindi ako magising-gising.

"Saryna, come on." He said, now tapping my cheeks and still trying to wake me up.

Hindi ako huminga. Parang gusto ko ulit sumali sa theater club dahil nahasa ko na naman ang galing ko sa pag-arte. I prepared myself for what he was about to do next. And that is to clear my airways. He tried pumping my chest. Tumawag siya ng tulong pero sa mga oras na ito ay tulog na ang ilan naming mga kasambahay at kung mayroon may ay nasa kabilang banda ang maid's quarter kaya wala ring makakarinig. My father's men were on the other side of the house, too. Hindi niya rin ako pwedeng iwan para humingi ng tulong dahil oras ang kalaban sa mga taong nalunod. They needed first aid, cardiopulmonary resuscitation, and mouth-to-mouth resuscitation. And when he finally did the last one. Nagbunyi na ang utak ko.

I let him clear my airways using his mouth twice. Kahit na masakit na ang dibdib ko sa ginagawa niya ay hindi ko muna pinutol ang pag-arte. Nag-e-enjoy ako sa pagkataranta niya.

"Come on... Breathe, Saryna." Gigil na niyang sambit.

He pinched my nose, opened my mouth for the third time and when I felt his mouth again, agad ko nang ipinulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg.

Ikinagulat niya ang ginawa ko dahilan para hindi siya makagalaw ng walang sabi kong gawin ang mga ginawa niya sa akin kahapon.

I shove my tongue inside his mouth to catch and play with his. He was taken aback. Nanghihinang napatukod ang mga kamay niya sa magkabila kong gilid, but it was already too late to resist.

Malaya ko siyang hinalikan sa paraang alam kong hindi niya matatanggihan. Iginalaw ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig, making him know that I'm a good kisser and this is how a kiss should be.

I suck his tongue and encircled mine into his before attacking his lips with so much passion and desire. Humigpit ang kapit ko sa kanyang leeg para mas pag-igihan 'yon. I tilted my head to get the most of it. Mas lalo siyang hindi nakagalaw.

It was just a fifteen second kiss, but I already felt victorious when his low moan vibrated on my throat after I bit his lip and sucking it again.

Marahas ko siyang itinulak nang makuntento ako't makuha na ang gusto. Napaupo siya sa bermuda grass dahil sa aking ginawa. Tikom pa rin ang kanyang bibig, hinihingal, namumula, at mukhang hindi pa rin mahuli ang katinuan pagkatapos kong halikan. Sa kanyang hitsura ay alam kong sa wakas nanalo na rin ako.

"That is how our first kiss should be. Masyadong walang kwenta 'yong ginawa mo kahapon at hindi ako nakaganti kaya inulit ko lang," umahon ako sa pagkakaupo at ngumisi. "Thanks for saving me. Alam kong quits na tayo dahil mukhang nasarapan ka naman sa bayad ko. Have a good night, Raglan."

~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore. 
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀

Continue Reading

You'll Also Like

323K 3.9K 48
STAS To be on top, I had to maintain my strength. The brutal force I had to show everyone to make them kneel at my feet. The empire that was built be...
33K 589 36
Aeva Analia Zachmann. I was given a name and a home by the people I thought were family. I was trained by the man whom I thought valued me. Love...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
144K 221 1
He's innocent Pure and naive She's wild Untamed and fierce When they collide, Who will trap in INTOXICATED LOVE? Warning: Read at your own risk MATUR...