Faking It (Published)

Af taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? Mere

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 12 - Bye Baby

14.7K 212 1
Af taleswithelle

Madaling araw ng umalis sila sa Hacienda. Hindi na nila pinasama si Minda dahil ang balak nga nila ay I turn over na sa DSWD si Raven. Ipapaliwanag na lang nila ang nangyari.

Alas siete ng madaling araw sila naka rating sa condo ng lalaki. Dating gawi, nauna sila at sa ibang way naman dumaan ang lalaki papunta sa condo nito. Diretso pasok na sya since pwede pa naman sya pumasok, at tamang tama dahil magaling na si Aling Tasing at pinag stay in na muna ito ni Nikko.

Napag usapan nila na mamayang hapon na lang nila idadala sa DSWD si Raven. Halata ang kawalang sigla nilang dalawa pero kailangan na nilang gawin iyon.

Nang marating nya ang office ay hindi nya inaasahan na madaming mga kasamahan nya ang babati sa kanya, dahil nga nalaman rin ng mga ito ang ginawa nya.

Hindi pa raw makakapasok ang boss nila dahil inabisuhan ng doctor nito na kailangan nitong magpahinga.

Kinahapunan, parang gusto nyang pigilan ang oras. Sa oras na pumunta sya sa condo ni Nikko, nakahanda na ang lahat at pupunta na sila sa DSWD, pero laking gulat nya ng mag ayang kumain sa labas ang lalaki.

"Sige na, last time na natin makakasama si Raven. Kain muna tayong tatlo sa labas." Sabi nito.

Wala naman malisya sa kanya yun, at nabigyan pa sila ng time magkasama ni Raven.

"Mama! Mama!" Gibberish na sabi ni Raven, pero malinaw na narinig iyon ni Roxanne. Parang gusto nyang maiyak habang nasa kotse sila.

Tahimik lang na nagda drive si Nikko.

Itinigil nito sa isa'ng fast food chain na wala masyado'ng tao ang kotse nito, wala pa ring salita.

"Bakit rito? O-okay lang ba sayo na kumain dito kasama kami?" Nagwoworry lang sya para rito, mahirap na at baka ma chismis ito. Mabuti sana kung chix sya. Eh hindi.

"Okay lang yan." May inilabas ito'ng bagay mula sa compartment sa harap ng inuupaan nya. Natawa sya ng makita kung ano iyon.

Mustache!

"Oh, diba?" playful na sabi nito ng maidikit ang mustache sa taas ng labi nito.

"Para kang sira." Naiiling at natatawa na sabi nya.

Bumaba na sila. Sa Ikalawang palapag ng fast food chain na iyon sila pumunta, wala pa masyado'ng tao dahil hapon naman at hindi pa rush hour.

Pinili nila yung table na pang dalawahan lang, tapos tumawag sya ng crew para humingi ng baby seat, para hindi na sila mahirapan.

Tumayo na si Nikko. "Oorder na ako."

Tumango lang sya.

Mabilis lang na nakabalik si Nikko. Ang dami nito'ng inorder!

"Ang dami naman nito." Sabi nya.

"Actually, I asked our family lawyer para samahan tayo mag turn over kay Raven sa DSWD." Sabi nito.

Nanlaki ang mga mata nya. "L-lawyer? Bakit? Ibibigay lang naman natin si Raven doon, ikekwento ang nangyari. Siguro naman, kahit tumawag sila dun sa grocery na pinuntahan natin, sasabihin nila na totoo ang nangyari."

"Kahit na. I don't want to take chances. I care for Raven, para maayos rin ang pag turn over sa bata."

Bumuntong hininga sya. "Okay, ikaw ang bahala."

Sinusubuan nya ng french fries si Raven ng dumating ang hinihintay nila. Naka three piece suit ito, at halatang naninibago sa lugar.

"God, Nikko. Bakit kailangang dito pa tayo magkita?" Malagom ang boses ng lalaki.

Matangkad ito, matangkad ng kaunti kay Nikko. Malaking lalaki, actually. May dala ito'ng attaché case na itim. May kabataan pa ang lalaki. Sa tingin ni Roxanne ay early thirties pa lang ito.

"Rex, buti dumating ka." Imbes ay sabi ni Nikko.

Umupo sa gitna nila Nikko at Raven ang lalaki. Humila ito ng isa'ng upuan mula sa kabilang table.

"Ito ba yung bata?" Tukoy nito kay Raven na sinusubuan nya ng french fries.

"Yes. And she's Roxanne. Sya yung kasama ko ng makita naming yung bata sa grocery. Roxanne, this is Attorney Rufus Alparo." Sabi pa ni Nikko.

Mabilis lang syang tiningnan ng lalaki. Antipatiko.

"Okay. So what do you want me to do?" Tanong nito.

"Well, ituturn over na namin sya sa DSWD later as I told you, pero alam mo na, almost one week na kasi mula ng makita namin sya. Baka lang kasi magka conflict."

Tumango tango ang lalaki. "Alright. Mag convoy na lang tayo. Ako mismo ang kakausap sa mga tao dun, I'll explain to them what happened."

"Yeah. Nagka lagnat kasi sya nung gabi na nakita namin sya, then nagpasya kami na wag muna dalhin ang bata matapos naming sya dalhin sa hospital, but then, kapag tumagal kasi baka lalo magka problema." Seryoso na sabi ng lalaki.

This is the first time na nakita ni Roxanne na ganito ang lalaki. Sobrang seryoso nito, walang makikitang bakas ng pagbibiro sa mukha at tono ng pagsasalita nito. He really do care about Raven.

"That's the right decision, Nikko. Anyway, hindi nyo ba talaga alam kung paano napunta sa cart nyo yang bata?"

Umiling sila.

"Entrance lang may cctv dun. Sa dami ng tao, I doubt kung malaman rin namin kung sino ang naglagay ng bata sa cart namin." Sabi ng lalaki.

Nakikinig lang sya sa usapan ng mga ito.

Tumanggi ang attorney na kumain. Maghihintay na lamang daw ito sa kotse nito. Tapusin na raw nila ang pagkain nila.

Hindi nya mapigilan malungkot kapag tinitingnan si Raven. Ang saya saya pa nito, hindi na ito madaas sumpungin. Parang hindi nya na alam ang mangyayari bukas ng wala ang bata sa kanila.

"Dalawin na lang natin sya ng madalas." Nakayuko na sabi ni Nikko.

"Ha?"

"Pwede naman natin syang dalawin ng madalas dun, for sure." Tiningnan sya nito. "S-sasama ka ba?"

Tumango sya. "Syempre. Sige, mas okay yun."

Itinuloy na lang nila ang pagkain. Nang matapos na sila ay kinarga nya na ulit si Raven. Ini-start na rin ng attorney ang sasakyan nito ng makitang naka sakay na sila.

Nag google map sila ni Nikko bago umalis sa condo nito kaya alam na nila kung saan ang daan. In thrity minutes ay narating na nila ang destinasyon

"Nikko, you can stay in the car. Sya na lang ang sasama sa akin." Tukoy ni Rufus sa kanya.

"No, I want to go too." Matigas na sabi nito.

"Nikko." Tila warning na sabi ng lalaki.

"C'mon. Kaming dalawa ang nakakita sa bata." Kinuha nito ang baby bag na nasa back seat ng sasakyan nito. May mga damit at gamit doon si Raven na binili nila para dito.

Wala ng nagawa ang abogado.

Ito ang nauna sa paglalakad sa kanila. Wala na ito'ng dalang attaché case. Ito yung tipo ng abogado na mukhang abogado talaga. Marahil ay kahit naka pang bahay lang ito ay masasabi mo pa rin na abogado ang lalaki. Nasa aura kasi nito.

Wala rin imik si Raven. Palinga linga lang ito sa paligid. Mahaba ang hall way na dinadaanan nila. Maya maya ay may kinausap si Rufus, tapos may itinuro ito'ng daan at sinamahan sila.

Malayo ang distansya nila sa lalaki ni Nikko. Sumusunod lang sila rito. Hanggang sa may pinto ito'ng pinsukan, at doon nila nalaman na ito ang opisina kung saan makakausap ang mga nangangasiwa ng DSWD.

Ipinaliwanag ni Rufus ang nangyari at mataman naman na nakikinig ang kausap nito, patango tango. Sila rin ni Nikko ay tahimik lang. Rufus has a smart mouth, wala syang masasabi. Iba pala ito magsalita. Business like, pero tipong may simpatya.

"My client here, Mr. Montenegro, has been responsible for this kid for almost a week now. They cared for the child until he felt better since he suffered a flu due to the changing weather. And now, they decided to do the right thing and to turn over this kid where we know he will be properly taken cared of." Pantapos nito.

May ilang katanungan pa ang babae na kausap nila at inililista nito iyon. Alam nila na kailangan ma authenticate ang kwento nila. Kakaiba naman kasi. Pero hello, halata naman na mayamna si Nikko. Sino ang mag aakala na mag tuturn over ito ng bata kung kamag anak nito iyon.

At sya, lalo naman na hindi sya mukhang may bahay ng lalaki.

May tinawag ang babae at ipinakuha mula sa pagkaka karga nya si Raven. Masakit sa loob nya na iabot ang bata sa babae na kumuha rito. Kita nya sa mata ni Raven na tila alam nito ang nangyayari. Bigla ito'ng umiyak ng kinuha ng babae.

"Sshhhh." Inaalos nya ito habang karga na ng babae.

Kinuha na rin ang bag na dala ni Nikko.

"And since my client here felt that what you do is really a patriot thing for the country," May inilabas ito'ng check book mula sa pocket na nasa loob ng coat nito at pina pirma si Nikko. "My client would like to donate this small amount as his token for gratitude."

Nanlaki ang mata nya ng makita na isa'ng milyong piso ang isinulat ni Nikko roon. Walang reaction ang mukha nito.

Masaya na inabot ng babae ng check.

"Nako, pagpalain po kayo. Maraming salamat Mr. Montenegro." Nakipag kamay ang babae kay Nikko na wala pa rin emosyon ang mukha.

Nasa isa'ng tabi lang sya.

"But it would be more appreciated if we keep this just to our self. Nais lang ng client ko na makatulong kami." Sabi pa ni Rufus, hinting that huwag na sanang ipaalam ang pangyayari na ito.

Agad naman na nakuha ng babae ang nais nitong sabihin.

Nasa kotse na sila at wala silang kibuan. Pakiramdam ni Roxanne ay nawalan sya ng gana sa lahat ng bagay. Parang nararamdaman nya pa ang bigat ni Raven sa mga kamay nya.

"Idederetso na ba kita sa apartment nyo?" Tanong ng lalaki na naka focus sa pagda drive.

"Oo. Salamat." Yun lang ang tangi nilang napag usapan.

Nagpasalamat na lang sya ulit ng maibaba na sya nito at ng makuha nya na ang mga gamit nya sa back seat ng sasakyan nito.

Lulugo lugo syang umakyat.

Agad syang yinakap ni Yna ng makita sya, ngunit agad nito napansin ang lungkot sa mukha nya.

"Oh, ano'ng nangyare? Bakit naka busangot ka?"

Huminga sya ng malalim. "Eh kasi, tinurn over na namin si Raven sa DSWD kanina lang."

Napawi rin ang ngiti ni Yna. "Hay. Nakakalungkot nga, pero alam mo naman na yun ang tama diba? Kasama mo ba si Papa Nikko?"

Tumango sya. "Halata nga rin na malungkot yung mokong na iyon."

"Eh, pwede nyo naman siguro dalawin si Raven doon, hindi ba?"

"Oo, yun na nga lang nga plano namin ni Nicholas."

"Ang speaking of Nicholas!" Bigla ay bumalik ang sigla nito. "What happened? Tuloy pa rin ba ang deal nyo?"

"Hay nako! Ewan ko sa kanya. Nasupalpal na namin yung babaeng nakita kami sa CR. Amber ba yun? Tapos may isa pa, nasupalpal ko na sa phone. Pero ewan ko, kung kailangan nya pa ako."

"Buti ka pa." Bumuntong hininga si Yna. "Ang exciting ng buhay mo."

"Exciting ka dyan? Hello. Ang gulo nga eh. Mas mabuti yung dati, bitter at broken lang ako."

"Speaking of again!" Yna exclaimed. "Tingin mo ba, bitter at broken ka pa rin?"

Na caught off guard sya sa tanong nito, na tinanong nya ulit sa sarili nya. Kinapa nya ang damdamin. May sakit pa rin roon, pero hindi na kagaya ng dati.

"Hindi ka na naka sagot." Pukaw ni Yna.

"E-ewan ko."

"Napapa dalas yang ewan ko na sagot mo, ha. Make up your mind. Mahirap na, baka kapag nakita mo ulit si Alex, humagulhol ka bigla."

Kinurot nya ang kaibigan. "Grabe ka naman! Hindi ko gagawin yun no!" Nanlaki ang mga mata nya.

Tawa lang ng tawa si Yna.

In one week after nila madala sa DSWD si Raven ay walang tawag o text na natanggap si Roxanne mula kay Nikko. Wala naman sa kanya yun. Feeling nga nya ay naka hinga sya dahil walang nangungulit sa kanya. Na mimiss nya lang si Raven at well, ang presensya na rin ng lalaki.

Pauwi na sya ng hapon na iyon ng maisipan nyang itext ang lalaki na kung kailan nito balak dumalaw kay Raven ay itext o tawagan lang sya para alam nya at maka sabay sya.

Hindi naman sya nag eexpect ng reply mula sa lalaki pero nainis sya ng hindi man lang talaga ito nag reply. Ni oo or ok, wala man lang. Para man lang alam nya kung natanggap o nabasa nito ang message nya.

Nasa taxi na sya noon at nag iisip sya ng pwede nyang dalhin na pagkain since slwedo noon, at usapan nila ni Yna na magdadala sila ng pagkain para may ma food trip sila mamaya na mag mo-movie marathon silang dalawa.

Actually, dahil sa pagda diet nya at paglalagay nya ng product na bigay ni Yna, pakiramdam nya ay umeepekto iyon. Kailangan lang talaga ng disiplina. Naisip nya na wag bumili ng fatty foods.

Ilang metro na lang ang layo nya sa bababaan nya ng magulat sya at mag ring ang cellphone nya. Si Nikko.

Kaagad nya ito'ng sinagot. "Hello? Bakit?" Kunyari ay wala sa mood na sabi nya.

Walang nagsalita.

"Hello? Nicholas?" Tanong nya.

"I-I need you. Please..." Tila nanginginig na sabi nito.

Agad syang kinutuban. "Nicholas? Where are you? Okay ka lang ba?" Kakaiba kasi ang boses nito.

"S-sa condo.." Yun lang at sya na mismo ang pumutol ng linya.

She told the driver na dumiretso na lang kung saan ang condo ni Nikko. Dali dali syang nagbayad at bumaba at tumuloy sa condo unit ng lalaki.

Hindi pa rin ito nagpapalit ng pass code kaya nakapasok sya agad. Wala ang lalaki sa sala at kusina, kaya alam nyang nas akwarto ito. There she saw him, naka talukobong ng kumot at sobrang nanginginig sa lamig.

"Nicholas? Hey, ano'ng nangyari?" Aagad nyang sinalat ang noo nito. He's burning with fever!

Kinuha nito ang kamay nya at inilagay s a pisngi nito.

"B-buti at dumating k-ka.." Tila hirap ito magsalita.

Tila sya masusunog sa init ng katawan nito.

"Uminom ka na ba ng gamot? Kailan ka pa may sakit?" Sunod sunod na tanong nya.

Hindi ito nagsasalita.

Pumunta sya sa c.r ng kwarto nito at kumuha ng gamot. Kumuha sya ng tubig sa kusina at tinulungan ito'ng maka inom ng gamot.

Tila nagdedeliryo na ito. Nataranta sya. Hindi nya alam ang gagawin. Hindi sya sanay sa ganitong eksena. Kinuha nya ang cellphone ng lalaki. Dahil muling hinawakan ni Nikko ang kanan na kamay nya ay ang kaliwang kamay lang ang nagagamit nya.

She searched for Rufus' number, then called him.

Halatang nagulat ito ng sya ang marinig nito.

"Ah, Attorney Alfaro, this is Roxanne. Y-yung kasama ni Nikko makakita kay Raven? Ano kasi, nadito ako sa condo nya and m-may sakit sya. H-hindi ko alam gagawin ko eh. C-can you come over?"

"Roxanne? Oh- Okay. Okay. Stay with him. I'll be there." Agad nitong pinutol ang linya.

Naalala nya na makakatulong sa panlalamig kapag may kayakap na tao ang isa'ng tao. Nagdedeliryo naman na ang lalaki, hindi nya na naisip na maaalala pa nito iyon.

Dahan dahan syang humiga sa harap nito at yinakap ito sa leeg nito. He rested in her arms. Naka pikit ito at nanginginig pa rin. Nagulat sya ng yumakap rin ito sa kanya, mahigpit.

Tila talaga sya napapaso sa init nito, hanggang sa nasanay sya sa init. Pakiramdam nya ay pinapawisan na sya, pero nakita nya na hindi na naginginig ang lalaki ay hinayaan nya na muna.

He was moaning, uttering gibberish words.

"Husssh." Sabi nya habang hinahagod ang buhok nito.

Dyos ko, ano ba ito'ng napasukan nya? Imbes na wala syang inaalala, heto at nagawa nya pang makipag yakapan sa model at super rich na lalaki'ng ito.

Dahan dahan syang lumayo at tumayo ng marinig nyang tumunog ang pinto sa labas na ibig sabihin ay may pumasok. Sigurado naman sya na si Rufus iyon.

Tama sya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
565K 11.9K 45
MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] She's still famous. She's still a model. She's still hot but more hotter. She's still sexy but more sexier. She...
8.3K 172 40
Tranquil Series #2 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will their hearts sync into one? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: Februar...