A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.2M 128K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 20

42.8K 1.3K 630
By Maria_CarCat

H.I.M





Hindi na nakarinig pa si Hunter ng kahit anong salita sa akin pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. I'm too tired to even ask for more. Sa ngayon, sapat na muna ang mga nalaman ko. Na tama siya, bumalik ako at hindi na katulad ng dati ang lahat.

I saw the three blinks of his headlight nang bumagal ang takbo ko para pumasok sa may entrance ng subdivision namin. Nag-convoy pa din siya sa akin pa-uwi kahit hindi ko siya kinibo.

I thought makakapag pahinga ako when I got home pero hindi pa din pala. Masaya dapat ang salubong ko kay Daddy dahil sa pag-uwi niya pero hindi 'yon ang nangyari.

"Dad..." tawag ko sa kanya at yayakap sana ng mabilis akong pinigilan ni Mommy.

"Ahtisia, go to your room," ma-awtoridad na sabi niya sa akin kaya naman nabitin sa ere ang kamay kong yayakap sana kay Daddy. Maging siya ay napahinto din dahil kay Mommy.

"Atheena, tumigil ka na," giit ni Daddy sa kanya.

Mukhang kanina pa sila nag-aaway at hindi pa din pagod si Mommy.

"Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ka pumipili, Arnaldo!" sigaw ni Mommy sa kanya.

She was closed to being violent again, na para bang kung papatulan lang siya ni Daddy ay kaya ni Mommy makipag-pisikalan kay Daddy.

Lumapit si Daddy sa akin para yakapin ako.

"Go to your room, Ahtisia..." sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya, nilingon niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Mag-aaway nanaman kayo?" tanong ko kahit wala namang bago don.

Mas nakakapagtaka pa nga ata kung hindi sila mag-aaway sa harapan ko. I'm so tired of this, simula bata ay parang naging normal na sa akin na makitang nag-aaway ang parents ko. Sa harapan ko man o hindi.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya ako hinalikan sa ulo.

"Daddy will fix this. May assignments ka? Focus on your study, Anak..." he said kaya naman mas lalo kong hindi gustong iwanan si Daddy.

Mula kay Daddy ay nilingon ko si Mommy na hanggang ngayon ay galit na galit pa din. Like she's just waiting for her moment na isumbat kay Daddy lahat ng hinaing niya.

"Mommy...tama na po, wag niyo nang awayin si Daddy," paki-usap ko sa kanya.

She wants to keep Daddy pero ganito siya?

"Wag kang maki-alam dito, Amelie! Go to your room!" sigaw niya sa akin.

Marahas niya akong hinila palayo kay Daddy para lang ipagtulakan na umakyat na sa kwarto ko.

"Ahteena, nasasaktan yung bata!" suway ni Daddy sa kanya.

Na-iyak na lang ako. Nang makawala kay Mommy ay tumakbo na ako paakayat sa kwarto ko para magkulong doon.

Nakatakip ang magkabilang kamay ko sa aking tenga para lang wala nang marinig na kahit ano. Nakatulog akong umiiyak ng gabing 'yon while my hands still cover both my ears.

Gumising ako kinaumagahan na tahimik ang buong bahay. I'm sure parehong wala sina Mommy at Daddy dito.

"Ma'am, handa na po ang breakfast," salubong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.

"Sa school na lang po ako kakain," sabi ko sa kanila at dumiretso na sa labas para maka-alis na.

Maaga akong umalis ng bahay kaya naman I'm expecting na maaga din ang dating ko sa school. Marami pang vacant na slot sa parking space, ganuon na lamang ang gulat ko when I saw Hunter.

He's already here?

Iniwasan kong mag-park malapit sa sasakyan niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa ginawa ko. Tumayo siya mula sa pagkakahilig sa hood ng kanyang Rover at marahang naglakad papalapit sa akin.

I'm busy fixing my things inside my car, napansin kong nakatayo na siya sa labas at hinihintay na i-unlock ko ang car door ko.

"Uhm..." sambit ko ng siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ko.

"Morning..." he said bago siya humalig para humalik sa ulo ko.

Halos magtayuan ang balahibo sa braso ko dahil sa boses niya, halatang kakagising lang. Sobrang manly, ang lamig.

"Ang aga mo," sabi niya sa akin.

"Ikaw din," balik ko kaya naman bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.

Malamig ang paligid dahil sobrang aga pa, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya nang humawak siya sa bandang likuran ko.

"May dala akong breakfast...hindi ka pa kumain," sabi niya na para bang sigurado siyang tama siya.

Hindi na lang ako umimik pa at nagpahila sa kanya palapit sa Rover niya. Pinagbuksan niya ako ng passenger seat kaya naman pumasok ako doon. May dala nga siyang mga pagkain for breakfast.

"Nag-usap na kayo ni Sovannah?" tanong ko sa kanya while we're eating.

Marahang umiling si Hunter. "I'll let you know. If you want isasama kita," sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

I'm too tired for another drama.

And issue nila 'yong mag-bestfriend. He should fix it with her alone, Ang concern ko lang ay ang relationship namin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, Naramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"I want us, above anything else..." he said.

I want us too. I love him, ang totoo ay takot ako sa mga nangyayari nab aka maging siya ay mawala sa akin dahil sa sinabi ni Sovannah na she like him. Anong laban ko sa ilang taong magkakilala sila?

Hindi pa din ako umimik kay Hunter. Mula sa backseat ng kanyang sasakyan ay may kinuha siyang itim na jacket. He's just wearing a white tshirt kaya naman kitang kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

"Sa 'yo yan. I have my cardigan..." sabi ko sa kanya.

"I want you wearing my things..." he said kaya naman tumulis ang nguso ko at nag-iwas ng tingin.

Ngumisi siya, "Damn, can I kiss you?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"S-sabi mo manliligaw ka ulit..." paalala ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at mahinang napamura.

Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. We stayed there sa loob ng car niya hanggang sa dumami na ang mga students. Napahinto ako when I saw Sovannah's SUV. Muli akong nakaramdam ng kung ano nang makita ko si Kuya Wil with her.

"Driver ni Tito si Kuya Wil. Nagkabakasyon ang driver ni Sov kaya si Kuya Wil muna," sabi ni Hunter sa akin. Looks like he saw me looking at them.

"I miss Kuya Wil," sabi ko sa kanya.

Ramdam ko ang tingin niya sa akin. "I can be your driver habang wala pa si Kuya Wil," sabi niya sa akin.

"I can drive..." giit ko kaya naman napatameme nanaman siya at natahimik.

Tumikhim siya. "Yeah, you have your baby cooper..." sabi niya tukoy sa mini cooper ko.

Gusto kong matawa sa pang-aasar niya pero pinigilan ko lang.

Nilingon ko ang loob ng sasakyan niya.

"You should treat your Rover as a baby din..." suwestyon ko.

I'm too sentimental talaga sa mga things ko. I treat them like they're something that has feelings too.

"I only have one baby..." he said kaya naman nilingon ko siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng buong katawan ko.

"Ahtisia..." dugtong pa niya kaya naman sa sobrang overwhelmed ko ay napahampas na ako sa braso niya na ikinatawa niya.

"Lalabas na nga ako!" asik ko kaya naman mas lalo siyang natawa.

Panay ang pang-aasar ni Hunter sa akin while we're walking sa hallway papunta sa klase ko. Nasa upper floor lang ang room niya same building kaya naman convenient sa amin.

Saktong papasok ako sa room naming nang dumating ang professor ko na mukhang kilalang kilala si Hunter.

"Jimenez, anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanya.

Dahil doon ay nakuha kaagad namin ang atensyon ng mga kaklase ko. Nakatingin silang lahat sa amin na para bang we're some movie. Halos mag dikit nanaman ang baba at dibdib ko dahil sa pagkakayuko.

I'm not fond of this kind of attention.

"Hinatid ko lang po ang girlfriend ko," sagot ni Hunter.

Halos manlaki ang mga mata ko, rinig na rinig 'yon ng lahat. Para bang he lowkey announced it to everyone na kami nga.

Nakita ko din ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng mga kaklase kong ayaw sa akin.

Lumayo kaagad ako kay Hunter para pumunta sa pinaka dulong row, kung saan ako lang mag-isa ang naka-upo, since no one wants to sit with me.

Iginala ng professor naming ang kanyang tingin sa buong room.

"I thought it's Ms. Aves," he said kaya naman nakaramdam ako ng kung ano.

Narinig ko pa ang pag ngisi ng mga kaklase kong babae.

"Bestfriend ko lang po si Sovannah," sabi ni Hunter sa professor.

Hindi ito umimik at muli iginala ang tingin sa buong classroom namin. Even ang mga professor ay hindi ako gaanong napapansin sa klase since tahimik lang ako sa pinakadulong row all the time.

"Sino sa mga estudyante ko ang pinapasakit mo ang ulo?" tanong nito sa kanya.

Ngumisi si Hunter, narinig ko kung paano napasinghap ang mga kaklase kong babae dahil sa ginawa niya.

"Yung pinaka maganda po syempre..." he said.

Mas lalong namanhid ang buong katawan ko, ramdam kong halos mag-init na ang mukha ko dahil sa pamumula.

Nilingon ako ng grupo ng mga babaeng may ayaw sa akin, masama ang tingin nila sa akin na para bang kasalanan ko na 'yon ang sinabi ni Hunter.

"Ms. Salvador..." he said kaya naman nilingon pa din ako ng mga kaklase ko kahit halos alam naman ata nila na kami, they just can't accept the fact kaya kung ano-anong iniisip nila.

Hindi na ako nakarinig pa ng kung ano mula sa mga kaklas kong babae after that scene. Pero hindi pa din nagbago ang matatalim na tingin nila sa akin everytime they look at me with disgust in their face.

Hunter is true to his words na liligawan niya ulit ako eventhough I think it's not necessary anymore, I let him na lang since ginusto naman niya 'yan.

"She told you?" tanong ko.

He told me na nag-usap na sila ni Sov about what happened.

Tipid na tanong ang isinagot niya sa akin.

"Anong na feel mo when she told you?" tanong ko kaya naman kumunot ang noo niya.

"I feel sorry...kasi hanggang bestfriend lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Ikaw ang gusto ko," sagot niya sa akin.

Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Nag sorry ka ba kasi pinaasa mo siya? I'm guilty about her feelings too...Pakiramdam ko kasalanan ko na nasaktan siya kasi...a-ako yung gusto mo," sabi ko.

Halos hindi nakagalaw si Hunter. Nanatili ang mapupungay niyang tingin sa akin.

"Ikaw ang gusto ko..." he said, paninigurado.

"At kung hindi ako bumalik?"

"Ikaw pa din ang gusto ko."

It's been a year since nawala ako. Kung totoo ngang may possibility na may gusto siya kay Sov, dapat ay sila na ngayon.

He told me also about Isabella's comeback for a vacation. Dahil sa naging pag-uusap nila ni Sovannah ay mas lalong hindi ko na 'to halos makita sa campus.

"You can tell me..." he said pero umiling ako.

He told me na nagsinungaling siya. Hindi niya nabasa ang letter na iniwan ko sa kanya. Kaya naman pala ganuon ang naging salubong niya sa akin.

"Galit na galit ka talaga sa akin?" tanong ko.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Matapos niyang pagmasdan ang mukha ko ay mariin siyang napapikit at marahang tumango.

"Because you didn't read the letter..." sabi ko.

"Yes, and I'm sorry about that," he said.

Gustong malaman ni Hunter ang laman ng letter ko. Kung pwede daw na sabihin ko na lang sa kanya ngayon, pero masyado akong nahihiya. I let my heart out nung mga panahong sinusulat ko 'yon. Pakiramdam ko kung mababasa ko ulit 'yon ay mag c-cringe na ako sa sarili ko.

"Basta ang sabi ko lang...hintayin mo ako sa letter, kasi babalik ako," sabi ko na lang para tumahimik siya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko, marahan niya akong hinapit palapit sa kanya.

"And now you're here..." malambing na sabi niya bago ko naramdaman ang halik niya sa ulo ko.

I love him so much, kaya naman I'm hoping na sana this time...maging maayos na ang relationship namin. I hope maging clear na din sa mga bestfriend niya na we want our relationship to work.

Kung hindi man naming makuha ang support nila, respeto na lang sana.

"Nasa gym lang ako habang nasa ballet class ka," paalam niya sa akin araw ng sabado.

Marahan akong tumango sa kanya. Nakasukbit sa balikat niya ang dalang duffle bag dahil pupunta siya sa gym para sa kanyang martial arts.

"Text me pag tapos ka na," paalam pa niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa bewang at hinapit papalapit sa kanya para humilig at humalik sa akin.

Sandali lang kaming naghiwalay ni Hunter dahil pagkatapos ng kanya kanya naming sched ay dumiretso din kami sa malapit na coffee shop to study dahil malapit na ang exam.

"I want a garlic bread," sabi ko sa kanya.

Umoorder kami ng makakain ng mapatigil ako nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng coffee shop. Walang emosyon ang tingin niya sa amin.

"Si Isabela," sabi ko kay Hunter.

Masyado siyang abala sa pagpili sa menu na hindi man lang niya napansin ang pagdating nito kasama ang mga friends niya from volleyball team.

Tumingin lang si Hunter dito, looks like alam na niya na naka-uwi na si Isabela from states.

"Don't mind them," sabi niya sa akin bago humalik sa ulo ko.

Sinunod ko si Hunter at hindi pinansin ang grupo nina Isabela. Naging abala din naman kami sa pagpapaturo ko sa kanya ng lessons kaya mas lalong hindi ko na sila napansin.

"I have my condo malapit sa school..." he said.

Nag-alok siya na magstay ako sa kanya for the whole exam week para naman maturuan niya ako sa mga lessons na nahihirapan ako.

Hindi kaagad ako nakasagot kaagad, boyfriend ko si Hunter pero may oras pa din na nahihiya ako sa kanya at na-iilang dahil sa mga oras na hindi talaga ako makapaniwala na kami nga.

"S-sige..." sabi ko sa kanya.

Hindi din naman ako makakapag-aral ng mabuti sa bahay lalo na't halos gabi-gabi ding nag-aaway si Mommy at Daddy. 'Yon na lang ata ang alam nilang gawin na dalawa sa tuwing magkikita sila...ang mag-away.

"May out of the country ako that day...ikaw na ang mag-represent sa akin. Sasama ka kay Everette," she said kaya naman kaagad akong nag protesta.

"But...Mommy, exam week po naming 'yon," sabi ko sa kanya.

"Punyeta, isang gabi lang 'yon," giit niya sa akin.

Gusto kong mag-protesta sa kanya, pero alam kong wala akong laban. Hindi ako titigilan ni Mommy hangga't hindi ko susundin ang mga gusto niyang ipagawa sa akin.

"May sleep over po ako sa...uhm friend ko. Magre-review kami for the exam week kaya..."

Nilingon niya ako, bigla akong natakot.

"Achiever ang friend mo?" tanong niya kaagad.

Gusto kong ipakilala si Hunter na boyfriend ko, pero alam kong bawal.

Marahan akong tumango sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.

"Papayagan kita...basta't sasama ka kay Everette sa party," she said bago ako tinalikuran.

Excited ako to be with Hunter for the whole week, pero bago 'yon ay kailangan ko munang sundin ang gusto ni Mommy.

"You look stunning," Everette said nang sunduin niya ako sa bahay namin.

Halos hindi ako makaharap sa kanya ng humilig siya para humalik sa pisngi ko. Ilang linggo na din siyang naka-uwi dito sa Pilipinas, looks like he's busy kaya ngayon ko lang siya nakita.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin, bumaba ang tingin ko doon, ayoko sanang tanggapin.

"Ahtisia," tawag ni Mommy sa akin na may kasamang pagbabanta.

Nilingon ko siya at nakita kong pababa siya mula sa may second floor. Pinanlakihan pa niya ako ng mata kaya naman dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para humawak sa braso ni Everette.

"Enjoy the night..." sabi niya sa amin bago siya bumeso sa kasama ko.

Matapos kay Everette ay ako naman ang hinarap niya. Matamis ang ngiti niya sa akin, marahan niyang inayos ang buhok ko.

"Wag mo akong ipapahiya...malilintikan ka sa akin," she said while smiling to hide her true intention.

Napabuntong hininga na lang ako, I can't wait na makawala kay Mommy. Pagod na akong sundin ang lahat ng mga inuutos niya na labag naman sa loob ko.

Everette is a good man. He's older than me pero ramdam ko ang respeto niya sa akin. It's just that...hindi ko siya gusto. Si Hunter ang gusto ko.

Tahimik lang ako habang nasa party, sasama kay Everette sa kung saan siya pupunta. Ilang businessman din ang nakilala ko because of him. Ilang beses kong nilingon ang buong venue sa takot na may makita akong pamilyar na mukha.

Nag-overthink pa ako na baka nandito si Hunter, but the last message he sent me ay kasama niya ang mga cousins.

"Mr. Medrano..." bat isa kanya ng isang middle age din na lalaki.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya ng mapansin kong may kamukha siya. Despite of being at age ay malakad pa din ang dating nito, halatang gwapo noong kabataan niya.

"Mr. Jimenez," bati pabalik ni Everette kaya naman mas lalo akong nabato sa kinatatayuan ko.

"I'm with my date," pagpapakilala ni Everette sa akin dito kaya naman parang bigla akong naputulan ng dila.

Nilingon ako ni Mr. Jimenez at nginitian. Hindi pa siya nakakapagsalita ay may lumapit nang babae sa amin. Halos mahigit ko ang hininga ko nang makumpirma kong it's Hunter's parents.

"I heard about the expansion ng Herrer estate..." sabi ni Everette sa mga 'to.

"Yeah, first project ng panganay namin since he passed the board exam," kwento ni Mr. Jimenez.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa parents ni Hunter. Hindi ko inakala na makikilala ko sila sa ganitong paraan.

Bigla akong naguilty. Ano na lang ang sasabihin nila sa oras na malaman nilang girlfriend ako ng anak nila at nakilala nila ako kasama ang ibang lalaki.

"Dalawang lalaki, yung bunso graduating...Engineer din," Mr. Jimenez said.

Lumipat ang tingin ko kay Mrs. Jimenez. Nakangiti siya while talking to Everette also, pero ng lumipat ang tingin niya sa akin ay nabawasan ang ngiti na 'yon. Bumaba din ang tingin niya sa pagkakahawak ko sa braso ni Everette, parang binuhusan ako sa klase ng tingin niya sa akin.

Alam ko na kaagad kung ano ang possibleng pwede niyang ma-isip tungkol sa akin. Dahil sa nararamdamang kakaiba ay dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak ko kay Everette.

Pero mas lalo akong nag-sisi ng hindi ito pumayag. He sneaked his arm around my waist habang abala pa din sa pakikipag-usap kay Mr. Jimenez.

I saw a bit of disgust in Mrs. Jimenez face. Nagpaalam na kaaga ito sa amin nang may makitang kakilala.

"Kanina ka pa tahimik," Puna ni Everette sa akin ng makapag-solo na kami.

"A-ayoko na ulit na hinahawakan moa ko ng ganon," mahinahon pero matapang na sabi ko sa kanya.

"What's wrong? Akala ko kasi uncomfortable ka sa paligid kaya..."

"Uncomfortable ako s-sayo...I told you na ayoko sa ganito," sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Everette dahil halos pa-iyak na ako sa harapan niya.

"I'm sorry. I'll take that in mind. Wag ka nang umiyak," sabi niya sa akin. Sinubukan niyang pahiran ang luha sa aking mga mata pero kaagad akong umiwas.

Mula sa crowd ay hinanap ng mga mata ko ang parents ni Hunter. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa na makilala ko sila ng maayos dahil sa nangyari kanina.

"Makikilala mo din ang mga pinsan ko," sabi ni Hunter habang nasa elevator kami papunta sa condo niya.

Maagang umalis si Mommy para sa out of the country trip niya. Wala din si Daddy para sa project niya outside Manila.

I'll stay with him for the whole exam week. Nag sisimula pa lang ulit ang relationship naming since parang bumalik ulit kami sa umpisa dahil sa mga nangyari.

The whole day ay nasa school kaming dalawa. Didiretso sa coffee shop to study pagdating sa hapon at uuwi sa condo niya to study again hanggang sa makatulog na.

"Last sem mo na next sem...magiging Engineer ka na," puna ko habang nagpapahinga kami.

It's our second day here sa condo niya. Naging madali sa aking ang exam ng first day because of his help.

"May boards pa," he said.

Napanguso ako. "It's a sure pass for you," sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa nakanguso kong mga labi.

"Because I have you with me..." marahang sabi niya bago siya humilig para siilin ako ng halik.

Mula sa may living room ay naramdaman ko na lang na lumutang ako sa ere dahil sa pagbuhat niya sa akin papunta sa kanyang kwarto.

Lumalim ang halikan naming dalawa at alam ko na kaagad kung saan papunta 'to.

"I miss you..." he said in the middle of our kiss.

"I miss you too..." balik na sabi ko kaya naman mas lalo siyang nanggigil.

Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. Mas lalong lumalim ang halik ni Hunter hanggang sa unti-unti 'yong bumaba sa aking panga hanggang sa leeg.

Mabilis niyang nahubad ang suot kong dress, hindi na siya nagsayang pa ng panahon dahil kaagad ko na lang naramdaman ang lamig dahil sa hubad kong katawan.

"Ugh..." daing ko nang maramdaman ko how ready he is.

Sandali siyang humiwalay sa akin para hubarin ang suot niya, nang wala na ding matira sa kanyang kahit ano ay dahan dahan siyang dumagan sa akin ng hindi man lang pinuputol ang tinginan namin.

Tipid ko siyang nginitian at tinanggap, niyakap ko siya sa leeg bago niya marahang pinaghiwalay ang mga binti ko para maka-pwesto siya.

"I love you..." malambing na sabi niya sa akin.

I felt the tip of his maleness, pero buong lambing muna niya akong hinalikan.

"Ah. Hunter!" daing ko nang dahan dahan niya akon pinuno ng sa kanya.

Halos makalmot ko ang hubad niyang likod dahil sa sensasyong dala niya. It's been a year since huli naming ginawa 'to. Hunter told me na ako din ang last niya kaya naman sigurado akong buong magdamag kaming gising na dalawa.

Napuno ng mga daing naming ang kwarto niya. Ramdam kong gusto niyang magdahan dahan pero hindi niya mapigilan ang gigil everytime he thrust in and out.

"Aw. Hunter...s-slow down," daing ko. Halos bumaon ang mga kuko ko sa likod niya everytime he fills me to the brim.

Halos mawala kami sa gitna ng kama. Nakalmot ko ang dibdib niya ng itaas niya ang kanang hita ko at isampay 'yon sa balikat niya.

Napamura siya ng mahina nang maramdaman niya ang pagsabog ko sa pangalawang pagkakataon.

"H-hunter..." halos hirap na din akong banggitin ang pangalan niya dahil sa pagkakakagat ko sa aking pang-ibabang labi.

He squeezed my breast habang marahan pero madiing naglalabas masok sa akin.

Halos ma-iyak nanaman ako dahil sa namumuong kung ano sa may bandang puson ko. This time sabay na kami. Hindi 'yon natapos doon, nang ma-isip kong buong gabi nga kaming gising na dalawa ay mukhang tinutoo 'yon ni Hunter. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas.

Nag-exam tuloy akong panay ang hikab the next morning, dahil naman sa pinag-aralan naming ay nakasagot naman ako.

Isa ako sa mga naunang nagpasa ng exam paper kaya naman maaga akong nakalabas, magkikita kami ni Hunter sa cafeteria since may isa pa siyang exam sa hapon habang ako ay wala na. Hindi ko din naman dala ang sasakyan ko since ang rover niya ang gamit naming sa tuwing papasok at uuwi from school.

Kailangan kong dumaan sa may admission office papunta sa cafeteria. Para pa din akong nakalutang sa ere habang naglalakad dahil sa antok, ramdam ko din ang pagod ng buong katawan ko dahil sa ginawa naming dalawa.

Dala ng antok at pagod ay kaagad na kumalat ang mga dala ko sa sahig ng may mabunggo akong lalaki na kalalabas lang mula sa may Admission office.

"I'm sorry..." sabi ko kaagad kahit siya naman ang nakabunggo sa akin.

Lumuhod ako para kuhanin ang mga gamit ko. Tumulong din naman siya hanggang sa umayos na kami ng tayo at inabot niya sa akin ang mga 'yon.

"S-salamat..." sabi ko.

Kumunot ang noo ko ng makita kong nagtagal ang tingin niya sa akin.

"Ah...uhm."

"Sorry again. By the way...I'm Hugo," pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay.

Bumaba ang tingin ko doon. Bago pa man ako makapagsalita ay may babaeng lumabas mula sa admission office.

"Mr. Hosea Inigo Medrano..." tawag niya sa lalaking kaharap ko.

"Just call me Hugo," giit niya dito at napakamot na lang sa kanyang batok na nag-iwas ng tingin sa akin.





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
433K 7.3K 51
Barumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niy...
346K 15K 59
MATURED CONTENT (R-18) Growing up, all Caylee ever wanted is to win the Annual Elite Game, a competition among the young ultra-wealthy elites in the...