Against the Wind

By greatfairy

803K 35K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 10

15.6K 660 71
By greatfairy

Last Dance

WALA ako sa mood. Paano kasi ilang linggo nang hindi nagpapakita si Puppy Gaston. Ang huling kita ko pa sa kanya ay noong inihatid niya ako sa bahay pagkatapos niyang gamutin ang gasgas sa tuhod ko at pagalingin ang paa ko. Ang sabi ni Timothy ay marami raw inaasikaso ang kuya niya sa Maynila. Kaya hindi niya rin alam kung kailan iyon makababalik dito. Baka nga raw matagalan bago iyon makabalik.

Pero bakit kahit isang text wala man lang siyang ipinadala? Ang dami ko nang text sa kanya. Araw-araw ko nga siyang tini-text, e. Pero kahit tuldok wala man lang reply. Birthday ko pa naman na bukas.

Lalo akong nalungkot nang maalala kong magdidise-otso na ako kinabukasan pero nai-imagine ko nang parang walang buhay ang party ko. May ipinadala kasing budget si Tiyang Sol sa amin. Minsan lang naman daw akong mag-18 kaya dapat daw ay may kaunting salu-salo man lang. Pero paano naman ako magiging masaya kung wala na nga akong Puppy Gaston, wala pang BFF na makaka-attend?

Naospital kasi ang Papa ni Zia Lynn. Pangalawang beses na iyon naospital ngayong taon. Marami yatang komplikasyon sa katawan. Kaya si Zia Lynn na raw muna ang magbabantay ngayong gabi hanggang bukas sa pasyente nila para makapagpahinga ang Mama niya. Kauuwi ko nga lang galing doon. Pagkagaling kasi namin ni BFF sa eskuwelahan ay dumiretso kami roon.

Parang hindi ko nga maatim na magpa-party gayong problemado ang BFF ko. Kaya lang ay naihanda na nila Nanay ang lahat. Diyan lang naman gaganapin sa beach report malapit sa amin. May pavilion kasi roon. Kumpare rin ni Tatay ang may-ari kaya may discount. Tanging mga malalapit lang na kamag-anak namin at classmates kong ka-close ko ang invited. Pero hindi naman lahat ng classmates ko ay makapupunta dahil nag-uwian ang mga iyon sa bahay nila sa kabilang bayan dahil weekend.

Hay. Matulog na lang kaya ako buong araw bukas?

"Kung makabuntonghininga ka parang pasan mo ang daigdig, ah. Ano na naman ang iniisip mo?"

Napaangat ako ng tingin nang bigla na lang magsalita si Nanay. Hindi ko napansing nakarating na pala siya galing sa beach resort. Tiningnan niya yata kung okay na ang lahat doon.

"Nay, kung 'wag na lang kaya natin ituloy ang party ko? Wala naman si Zia Lynn, e. Nakokonsensya akong mag-party nang problemado sila."

"Gaga! Ngayon ka pa nagsabi kung kailan nabayaran na ang venue at nakatay na ang mga panghanda bukas. Kung nagsabi ka kaagad e 'di sana nabawi ko na 'yon, sayang din 'yon!"

"Ay, grabe! Sumang-ayon naman kayo agad, Nay? Akala ko naman iko-comfort mo pa ako. Napipilitan lang yata kayong magpahanda sa birthday ko, e."

Kinaltukan ako ni Nanay sa noo. "Biro lang, ito naman. E 'di dalhan mo na lang ng pagkain ang best friend mo. Wala naman tayong magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari. Sino naman kasi ang mag-aakalang maoospital ang tatay niya?"

"Sabagay, pupuntahan ko na lang ulit sila bukas ng umaga, Nay. Sa gabi pa naman ang party," nasabi ko na lang.

"Oh, siya. Padadalhan na lang kita ng mga niluto bukas. Nga pala, magpasalamat ka kay Señorito Timothy kapag nakita mo siya. Nagbigay pa naman 'yon ng dagdag na budget para sa birthday mo. Ayaw ko ngang tanggapin dahil ang dami na nilang naitulong sa pamilya natin kaya lang mapilit siya."

Speaking of Payatot. Nagulat ako nang makitang paparating siya. Pero simple lang ulit ang suot niya. Tuwing nagagawi siya rito sa amin, hindi na siya nagdadala ng kotse at lagi siyang nagko-commute. Hindi ko na talaga maintindihan ang trip ng lalaking ito.

"Ayan na pala siya, e."

Nakita rin pala ni Nanay na paparating siya. Ano na naman kaya ang sadya niya rito?

"Nagkita ba kayo kanina, Nay?"

"Oo, doon sa resort."

"Manang, magandang hapon po!" bati niya kay Nanay nang makalapit na siya. Agad siyang nagmano. Feeling close na siya kay Nanay. Kulang na nga lang magpa-ampon siya rito sa amin.

"Alas sais na. Magandang gabi dapat," banat ko naman.

"Kahit may liwanag pa naman?" aniya.

"Divina, magtigil ka!" asik ni Nanay kaya nanahimik ako.

"Akala ko didiretso ka nang uwi sa bayan, Señorito?" ani Nanay.

"May pabor na naman 'yan na ipapagawa sa akin," bulong ko kay Nanay.

Alam na kasi ni Nanay na pinopormahan ni Timothy si BFF. Pero sinabi ko na rin kay Nanay na huwag nang magkuwento kay Zia tungkol sa totoong pagkato ni Payatot.

"Oh, siya. Maiwan ko muna kayong dalawa. Maghahanda lang ako ng hapunan. Mayamaya nandito na ang tatay mo," paalam ni Nanay.

Nagpasalamat naman si Payatot. Si Dave naman ay nasa kuwarto niya. Gumagawa ng assignments niya, para daw wala na siyang gawin bukas. Maglalamyerda na lang siya.

"Where's Gaston?" tanong ni Timothy.

Inginuso ko naman ang doghouse ni Gaston. Himalang tahimik siya ngayon at hindi nangungulit. Parang malungkot din siya na wala rito si Puppy Gaston.

"Ano na naman ang kailangan mo?"

Nasundan ko siya nang maglakad siya patungo sa ilalim ng punong mangga na nasa tapat ng bahay. May upuan kasing gawa sa kahoy sa ilalim niyon.

"How's Zia?"

Napapitik ako sa ere. Sinasabi ko na nga ba at iyon ang ipinunta niya rito. Siguro nakarating na sa kanya ang tungkol sa pagkakaospital ni Tito Rosendo, ang Papa ni Zia.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman yata malala ang sakit ng Papa niya. Baka makalalabas din sila after 2 days."

"Teka, paano mo pala nalaman na naospital ang Papa niya? Hindi ko naman nasabi sa 'yo, ah."

"I have my ways," preskong sabi niya.

"But, is she really okay? Nakakakain ba siya sa tamang oras? Nakakatulog ba siya nang maayos?"

Napahinga ako nang malalim. "Grabe, ang alam ko ang Papa niya ang pasyente, ah. Bakit ang kalagayan ni Zia ang itinatanong mo?"

Napakamot siya ng ulo. "I'm worried about her."

Tinapik ko siya sa balikat. "Huwag kang mag-alala sa BFF ko, strong 'yon. Sa sobrang strong nga niya, hanggang ngayon hindi pa rin tumatalab ang charm mo sa kanya," pang-aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. Mayamaya'y may dinukot siya sa bulsa ng suot niyang jacket.

"Ano 'to?" manghang tanong ko nang inilagay niya sa kamay ko ang isang bundle ng lilibohing papel.

"Can't you see? It's money."

"Alam ko, pero para saan 'to? Birthday gift? Salamat, ah?"

"Hep! Hindi 'yan para sa 'yo. It's for Zia Lynn. They might need it for the hospital bill."

Napangisi ako pero nang maalala kong sa akin niya ito ibinigay ay nagpanting na naman ang tainga ko.

"Huwag mong sabihing ako na naman ang mag-aabot nito sa kanya? Ano na naman ang sasabihin kong palusot, aber?"

"Alam kong kaya mong gawan ng paraan 'yan, ikaw pa ba. Just make sure the money will reach the right hands."

"Parang inaakusahan mo na ako niyan na kukutongan kita, ah!" asik ko sa kanya.

"Ikaw ang nagsabi niyan," asar niya.

Nahampas ko tuloy siya. Binilang ko ang pera. Fifty thousand lahat iyon kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Oy, sira ka ba? Akala mo ba madali lang mag-isip ng magandang palusot para makarating ito kay Zia? Sobrang laki na nito. Isa pa, public hospital naman iyon."

"Baka kulang pa nga 'yan. What if I'll give a hundred thousand—"

"Okay na 'to!" putol ko sa kanya. Baka gawin pang isang milyon, e.

"Kaya pala nagbigay ka kaagad ng ambag sa birthday ko, 'yon pala may kapalit na namang utos. Kapag ako nabuko ni Zia at magalit siya sa akin, babalatan talaga kita nang buhay," banta ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sabay tapik sa akin sa balikat ko.

"Salamat, ah?"

"Huwag ka munang magpasalamat. Hindi ko pa nga alam kung paano ko ito maiaabot kay Zia nang hindi siya nagdududa."

Napakamot na naman ako ng ulo. Binigyan na naman ako ng panibagong problema ng payatot na 'to.

"Nga pala, may balita ka na ba kung kailan babalik si—"

"Kuya Gaston is busy. He'll probably stay in Manila a little longer."

Napasimangot ako. Sana hindi na lang ako nagtanong. Nadagdagan lang tuloy ang disappointment ko.

"Huwag ka ngang sumimangot. Hindi bagay sa 'yo," ani Payatot.

Lalo nga akong sumimangot.

"Bakit ba kasi kay Kuya ka pa nagkagusto?"

Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya at napatingin sa pinto ng bahay.

"Hinaan mo ang boses mo! Baka marinig ka ni Nanay!"

"Huwag mo nga akong hawakan," aniya sabay kuha sa kamay kong nakatakip sa bunganga niya.

"Tss. If I were you, tigilan mo na ang kakapantasya mo kay Kuya. He's not the right one for you. Besides, nene ka pa."

"Ibig sabihin hindi ka boto sa akin para sa kuya mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya pero hininaan ko lang ang boses ko.

"It's not that I don't like you for him. There are just things that are too complicated for you to understand. I just don't want either of you to get hurt. Kaya habang maaga pa mag-isip-isip ka na. Don't bring him too much confusion. There's a lot on his plate right now to be disturbed by immature affection."

Natameme ako sa mga sinabi ni Timothy. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang gano'n kaseryoso.

"Ibig mong sabihin ba ay distraction lang ako sa kanya?"

Parang may kumurot sa gitna ng puso ko. Bumuntonghininga lang si Payatot.

"I trust Kuya's decisions. It's just that when you're around..."

"Anong meron sa 'kin?"

Umiling lang siya at tumayo. "Nothing, forget about what I've said. Let's just leave everything to destiny. There's nothing I can do when nature takes its course. Just make sure when you decide on something, you are willing to bear the consequences. Alis na 'ko."

Nasundan ko na lang ng tingin ang likod niya habang paalis siya.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Payatot?

Destiny? Nature takes its course? Consequences?

Iyon lang ang napulot ko sa haba ng sinabi niya.

Napapailing na lang akong pumasok sa bahay, bitbit ang perang ibinigay niya.

Kinabukasan nga ay nagtungo ako sa ospital. Weekend kasi kaya si Zia ang nagbabantay. Nagdala ako ng mga nilutong pagkain ni Nanay.

"Kumusta na si Papa mo, Besh?"

Ngumiti siya nang pilit. "Medyo maayos naman na siya. Kalilipat lang niya dito sa ward. Pero kailangan din kasing i-monitor ang blood pressure niya. Ano 'yang mga dala mo?" aniya sabay tingin sa bitbit kong tote bag.

"Ah, pagkain. Maaga pa kasi nagluto si Nanay. Baka kasi hindi ka pa kumakain."

"Hinihintay ko pang dumating si Mama, e."

"Kumain ka kaya muna habang tulog pa ang Papa mo?"

Tumango naman siya. Buti wala silang ka-share dito sa ward kaya tahimik. Pero may bakanteng kama sa kabila.

Sinamahan ko na muna siyang kumain. Halatang puyat ang babaeng ito. Kawawa naman. May pasok pa naman kami sa Lunes. Sabado ngayon at bukas lang siguro ang pahinga niya.

"Nga pala, Besh. May ibibigay ako sa 'yo."

Kinuha ko sa loob ng bag ang dala kong pera. Inilagay ko pa iyon sa sobre.

"Pandagdag n'yo sa pambayad dito sa ospital," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Zia. "Saan mo nakuha ito?" aniya.

Napangiwi ako. "Binuksan ko 'yong alkansiya ko. Tapos may sobra rin kasi sa budget ng birthday party kasi nagbigay ang amo ni Tiyang. Kaya sa 'yo na lang muna 'yan. Hindi ko naman kailangan ngayon."

"Ha? Ang laki nito, Besh. Nakakahiya! Baka—"

"Shh! Huwag mo nga munang isipin ang hiya. Ang mahalaga gumaling ang Papa mo. Saka mo na ako bayaran kapag graduate na tayo at pareho nang may trabaho."

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako at pinisil ang pisngi niya dahil nakita kong nanubig ang mga mata niya.

"Alangan namang magpa-party ako mamaya tapos ikaw nandito sa ospital. Paano naman ako mapapanatag no'n? Kaya ginawan ko ng paraan na kahit papaano makatulong sa 'yo. Kung puwede nga lang huwag nang ituloy ang party kasi wala ka."

"Oy, tangeks! Mag-enjoy ka mamaya kahit wala ako. Isang beses ka lang magde-debut sa buong buhay mo, 'no."

Tumayo siya at niyakap ako. "Happy Birthday, Besh!"

Naiyak ako, hindi dahil wala siya mamaya. Kundi dahil walang Puppy Gaston sa araw ng 18th birthday ko. Ang lungkot lang!

"Salamat, ah. Pero huwag mo na akong regaluhan dahil alam kong wala kang pambili," sabi ko bago bumitaw sa yakap.

Natawa si Zia saka hinampas ako. "Loka-loka ka talaga, siyempre meron akong gift. Hindi ko naman 'to binili. Pero saka mo na buksan kapag nakauwi ka na."

May kinuha siyang regalo na nakalagay sa paper bag. Tinanggap ko naman iyon.

"Salamat, Besh. Naalala mo talaga ako kahit ang dami mong iniisip."

"Makakalimutan ba naman kita? Officially 18 ka na ngayon, puwede ka nang mag-boyfriend," aniya.

Napangiwi ako. Puwede nga pero wala naman dito ang prospect. Sad.

Pagkatapos ng kuwentuhan ay nagpaalam na ako kay Zia. Saktong dumating din kasi ang Mama niya nang paalis na ako kaya natulog na siya para magbantay na naman mamayang gabi.

Hindi ko magawang maging masaya. Marami akong natanggap na text galing sa classmates ko. Binabati nila ako. May natanggap din akong text galing kay Payatot.

Kinagabihan ay pinagsuot nila ako ng ball gown na pula. Maraming beads iyon kaya kumikinang. Isang bakla ang nag-ayos sa akin. Marami kasing kaibigang bakla si Nanay.

May program kasi sasayaw daw ako kasi bibigyan ako ng 18 roses. Noong tinawag na ng MC ang pangalan ko ay walang kabuhay-buhay akong nagmartsa papasok. Nakaalalay si Tatay sa akin. In fairness, ang guwapo pala ng tatay ko kapag nakabihis.

Mabuti na lang at kaunti lang ang bisita. Ang tatay ko ang unang sumayaw sa akin. Siyempre ang dami niyang pangaral sa akin habang nagsasayaw kami. Feeling ko tuloy hindi ko birthday, para kasi akong nakikinig ng sermon ng pari sa simbahan.

"Happy Birthday, 'nak. 18 ka na pero huwag ka munang magbo-boyfriend."

Napangiwi ako. "Ibig kong sabihin, 'nak, puwede kang mag-boyfriend pero inspirasyon lang. Huwag muna 'yong seryosohan agad. Baka mag-asawa ka nang maaga, e."

"Tay!"

Tumawa si Tatay. "Biro lang, may tiwala naman ako sa 'yo."

Niyakap ko si Tatay. Kahit naman bully sila ng nanay ko lagi mahal na mahal ko sila.

Sumunod ang kapatid kong si Dave. Dahil mas matangkad ako sa kanya ay nagmukha siyang dwarf na kasayaw ni Snow White.

'Yong ibang kasayaw ko ay mga first at second cousin ko na. Pinipilit ko na lang na ngumiti kahit na gustong-gusto ko na talagang matapos ang party. Nakokonsensya rin ako na ganito ang nararamdaman ko pero hindi ko kasi mapigilang malungkot.

Namataan ko si Timothy sa katabi ni Nanay sa upuan. In fairness, kahit simpleng polo lang ang suot niya ay guwapo pa rin siya. May hawak siyang bote ng alak sa kabilang kamay. Itinaas niya iyon nang magtagpo ang mga mata namin.

Nag-approve sign lang ako kay Payatot. Nang tumigil na ang tugtog ay agad na in-announce ng MC na pang-18th rose na ang susunod na sasayaw sa akin.

Nakita kong tumayo si Payatot sa upuan niya. Ang buong akala ko ay siya ang sasayaw sa akin pero nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nagtapo ang mga mata namin ng kung sino.

"Ay, ang guwapo ng 18th dance ng debutant natin!" bulalas ng MC.

Nakita kong nilapitan at binulungan ni Nanay iyon. Pero hindi na ako makapag-focus sa kanila dahil naagaw ng bagong dating ang buong atensyon ko.

Napakaguwapo niya sa suot niyang suit. Amoy na amoy ko ang bango niya. Masuyo siyang nakatitig sa akin na animo'y miss na miss niya ako.

Nag-assume na naman ang lola Divine. Tsk.

Kinuha niya ang isang kamay ko saka isinampay sa balikat niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa baywang. Ang kabilang kamay naman namin ay pinagsalikop niya. Feeling ko tuloy nagpa-party rin ang mga intestines ko sa loob ng tiyan.

"Happy Birthday, Kitten."

Nang marinig ko ang boses niya ay doon na nanubig ang mga mata ko. Grabe! Totoo nga siya, hindi ako nananaginip!

"Akala ko sa Maynila ka pa, Puppy."

Nagsimula kaming sumabay sa tugtog habang nakatitig sa isa't isa. Parang ayaw ko ngang kumurap kasi baka bigla siyang mawala.

"I wouldn't miss this important occasion. Are you enjoying your birthday party?"

"Kanina hindi, pero ngayon masaya na ako," diretsong sagot ko.

Umangat ang sulok ng labi niya.

"You look more like a lady now," sabi niya, "but you're still my kitten."

Gusto ko 'yong hawak niya at ang closeness namin ngayon. Gusto ko pa siyang matitigan nang ganito kalapit. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ko. Parang ayaw ko nang matapos ang gabing ito.

Kaya naman nang tumigil na ang tugtog ay parang ang sarap maglumpagi sa lupa at mag-iiyak. Inalalayan naman ako ni Puppy paupo. Nagkuwentuhan sila ng mga magulang ko. Ako naman ay walang pahinga dahil hinila nila ako para magpa-picture.

Pakiramdam ko tuloy hagardo versosa na ako pagkatapos. Pinagpawisan din kasi ako.

"Salamat sa pagpunta, ah? Akala ko hindi kita makikita sa birthday ko," untag ko.

Nasa tabi na kami ng dagat. Umalis kasi ako sa pavilion pagkatapos kong magbihis. Nagkakantahan na ang tatay ko at mga tiyuhin doon, kasama ng mga pinsan ko. Gabi na rin kasi. Sina nanay naman ay nagligpit na.

"You mean, you waited for me?" tila amused niyang tanong.

"Oo naman. Hindi ka kasi nagre-reply sa mga text ko, e. Masyado ka yatang busy."

Tama ba ang nakita ko? Nakita ko kasing parang may dumaan na sakit sa mga mata niya pero agad din iyong nawala.

"I'm sorry, Kitten."

"Apology accepted," mabilis ko namang tugon.

Na-realize ko kasing baka tama nga si Payatot. Baka nakakaistorbo na ako kay Puppy.

"In the future, if I am not able to see you and you will not be able to hear anything from me, are you still going to wait for me?"

"Huh?"

Nagtaka ako sa itinanong niya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Puppy?"

Pinisil niya ako sa ilong. "Nothing. Now that you're 18, you may gain more freedom and attention, but don't be too rash."

May dinukot siya mula sa kanyang bulsa. Isang box.

Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may isinuot siya sa leeg ko. Isang kuwintas na may paw pendant.

"I hope you will always remember me whenever you wear this," aniya. Kinapa ko ang pendant.

Kinilig na naman ako. Feeling ko tuloy mag-boyfriend na kami. Pero siyempre ayaw ko namang paasahin ang sarili ko. Kontento na akong crush ko siya at parang crush niya rin ako.

Pero hindi ko naman akalain na ang gabing iyon pala ang pinakahuling sayaw ko sa kanya at ang pinakahuling pagkakataong narinig ko ang boses niya.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 120K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
18K 540 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
7.3M 197K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...