A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 128K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

33.9K 1.4K 904
By Maria_CarCat

Spare





I'm busy preparing my luggage bag nang makarinig ako ng pagkatok. Nilingon ko ang bumukas na pinto at nakita kong si Everette 'yon.

"Can I come in?" marahang tanong niya sa akin.

Nagdalawang isip pa ako nung una pero tumango na lang din ako nang maglaon. Ilang beses na din naman siyang nakapasok dito sa kwarto ko sa America since he's always there to comfort me everytime umiiyak ako dahil sa pag-aaway naming ni Mommy.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko nang makita kong naglakad na siya palapit sa akin.

"You need help?"

Marahan akong umiling. "I'm already done. Just...checking it again," sagot ko sa kanya na marahan niyang tinanguan.

Tahimik lang siya habang pinapanuod ang ginagawa ko. Kung ibang pagkakataon lang ito ay maiilang sana ako, pero masyado akong excited na umuwi kaya bahala na.

"Parang hindi ka na babalik sa pag-e-empake mo," puna niya sa mga gamit ko.

Hindi ako nakasagot kaagad. Dahil sa pananahimik ko ay napangisi na lang siya.

"It's ok, I understand. Nasa Pilipinas talaga ang buhay mo, right?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako kay Everette. Actually, hindi siya mahirap na magustuhan. Hindi din naman kasi halata sa itsura niya na may malaking agwat ang edad naming dalawa. Kahit sinong girl my age magkakagusto sa kanya, lalo na't he's caring.

Maganda ang pangangatawan, gwapo...pwedeng pwedeng makipagsabayan sa mga ka-age kong lalaki. Kung hindi lang talaga malalim ang pagmamahal ko kay Hunter ay baka nahulog na ako sa kanya. Palagi siyang nandyan para sa akin nung mga panahong kailangan ko ng makakasama.

Lahat din ng gustuhin ko ay importante sa kanya, like sometimes before he makes decisions ay tatanongin niya muna ako.

"I'll go home immediately after my work here," he said.

Ramdam ko ang care sa boses niya. Wala naman siyang ipinakitang mal isa akin, he's good. Hindi din niya ako pinipilit kagaya ng ginagawa ni Mommy. Hindi niya ako pini-pressure to like him back. He's ok with our set-up, he thinks kasi ata na pag tumagal ay mahuhulog din ako sa kanya or kahit gaano katagal ay kami pa din dahil kay Mommy.

I already fallen in love...kay Hunter Jimenez, And I don't think I can even love again the way I'm in love with him.

Halos hindi ako makatulog sa last night naming doon. I'm both excited and scared sa pagbabalik naming sa Pilipinas. It's been a year and so, wala din akong idea kung anong madadatnan ko doon. But I know for sure na hindi na kagaya ng dati...maraming nagbago.

"Pumayag akong sumama ka sa amin pa-uwi. Pero sa oras na may gawin kang hindi ko gusto...I'll throw your shits again pabalik ng America. Wag mo akong susubukan, Amelie..." banta ni Mommy sa akin.

Lately ay hindi na niya na ako masyadong napapansin since she's busy with the company problem. Mas nakakahinga na din ako ng maluwag pag busy si Mommy dahil wala sa akin ang atensyon niya, mas gusto ko 'yon.

"Ready?" malambing na tanong ni Daddy sa akin.

Naglahad siya nang kamay para lumapit ako sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo, kita ko ding he's excited to go back. Alam ko naman kung gaano niya ka-miss sina Ate Alihilani at Tita Cleo.

Nagseselos ako, gusto kong magtampo...pero wala akong karapatan.

Gumawa din ako ng bagong Instagram account to stalk him. I just want an idea kung anong babalikan ko sa Pilipinas. Kung anong Hunter ang babalikan ko. He's not even updated doon. His last post was a month a ago and it's just a scenery.

"Pumunta ka na lang sa admission. May kinausap na ako to help you," sabi ni Mommy sa akin ilang araw pagbalik naming sa Pilipinas.

"Mom, kaya ko pong asikasuhin mag-isa ang enrollment ko," giit ko sa kanya.

Inirapan niya lang ang hawak na phone kahit alam kong para sa akin ang pag-irap na 'yon.

"Just be thankful na hindi ka na mahihirapan. Ang dami mo talagang arte na bata ka," iritadong sabi niya bago niya ako tinlikuran para sagutin ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako, I just don't like the idea of her using her connection and power para lang maging instant lang ang lahat ng bagay. Mas gusto ko pa ding maranasan ang paghirapan ang mga bagay na gagawin ko.

I'm just wearing a long Hermes skirt, a black fitted shirt, and paired it with a flat Dior slingback.

Lumabas ako ng bahay dala ang chloe woody tote bag ko together with my papers. Naghihintay na sa labas ng front door naming ang kulay puti kong convertible mini cooper. I know how to drive now, pero miss ko pa din si Kuya Wil.

Mommy told me na ipapatawag niya ulit si Kuya Wil to work with us.

Nag-drive ako papunta sa university para ayusin ang papers ko for the next school year. I'm incoming third year Engineering student, kahit naman kasi nasa America kami ay hindi naman ako huminto sa studies ko. Thanks to Mom and her connections.

"I'm sorry for the trouble po. But thanks s amabilis na pag-process ng papers ko," sabi ko sa isa sa mga staff ng admission office na kausap ni Mommy to help me.

"No worries, Ms. Salvador. We really look up to your family. Mr. Joaquin Escuel is a big part of the university foundations," she said kaya naman mas lalo akong nahiya.

Lolo is always present sa mga donation project, pero it's a bit awkward na you wanted to help tapos ay hihingi kami ng favor in return kagaya nito.

"Thanks again," sabi ko sa kanya.

Bago pa man ako makapag-paalam ay may humarang na sa amin na head ng isa pang university club.

"Ms. Ahtisia Salvador..." nakangiting tawag niya sa akin.

She is the head of the theather club. Alam nila ang mga achievements ko sa pagba-ballet noong nasa America kami.

"Ilan sa mga freshmen natin ay fan mo," she said na ikinagulat ko.

Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng mga taong hahanga sa akin.

"I-I'll try..." alanganing sagot ko sa kanya.

Kabado ako, pero ayoko din naman na biguin sila lalo na't sinadya pa niya talaga ako to represent sa ballet club.

They want me to perform on stage sa first day ng class. Yung confident ko sa stage ay lumalabas lang pag alam kong walang kakilalang nanunuod sa akin sa audience. Pero ang mag-perform ngayon sa university kung saan maraming pamilyar sa akin ay parang nanlalamig ako.

"Excited sila nung malaman nilang kakausapin kita," she said.

Mariin akong napapikit bago wala sa sariling tumango sa kanya. I need to be professional too, I want also to be an inspiration sa mga ballerina na gustong maging Odette or maging Prima Ballerina.

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng mai-inom. Dumiretso kagaad ako sa poweder room to do my thing and a retouch.

"Ang bango...ask her," rinig kong bulungan ng mga babaeng kasabay ko.

Hindi ako nag-angat ng tingin, nanatili ang atensyon ko sa paghuhugas ko ng kamay. Hindi ko alam kung anong gusto nila, pero sa huli ay lumabas na lang din silang dalawa.

I saw Hunter and Sov sa same coffee shop na pinuntahan ko. They are with their friends; they seem to have a good time. Gusto kong lumapit kay Hunter pero parang umurong ang dila ko, nawala lahat ng confidence na meron ako. Takot akong harapin siya sa ngayon, bigla akong kinabahan.

"Umuwi ka ngayon dito! Wag mo akong lokohin!" galit na sigaw ni Mommy sa kausap niya sa phone.

I know it's Daddy. Simula kasi ng umuwi kami ay parang bihira ko na lang din siyang makita sa bahay. I know for sure na pinuntahan niya kaagad ang totoong family niya.

Hinayaan ko na lang si Mommy, nagkulong na lang ako sa room ko kesa marinig ang pag-aaway nila.

Nasasaktan ako for Mommy, she keeps on begging sa love ni Daddy. Pero hindi ko din naman masisisi si Daddy. Mommy is a bit...problematic, like she always causes the problem. Kung hindi ko lang siya mahal, gusto ko na ding umalis dito.

"That's good news! Show them what you got..." excited na sabi ni Mommy.

Naging masaya siya nang malaman niya ang tungkol sa performance na gagawin ko sa first day of class. Kahit papaano ay natuwa din ako dahil para bang naging proud siya sa akin sa sandaling 'yon.

"Make the most out of it. Ang sabi ko nga ay ilagay sa university newspaper," she said habang nakatingin sa kung saan. Iniisip nanaman niya kung paano makakalamang sa mga kakilala.

Hindi ako lumabas ng bahay hanggang sa dumating ang first day of school.

"Manunuod po ba kayo, Mommy?" tanong ko sa kanya.

I'm expecting na nandoon siya, she seems excited kasi.

"No, ipa-video mo na lang. May kailangan akong asikasuhin," sagot niya sa akin kaya naman bumagsak ang magkabilang balikat ko.

Maaga akong pumasok sa university para mag-ayos for my performance. Nasa auditorium na kaagad ang mga member ng dance club and mg freshmen students ng ballet club. Sobrang init ng mukha ko dahil nahihiya at the same time ay na-o-overwhelmed ako sa pagtanggap nila sa akin.

"Still a loser..." rinig kong sabi ng ibang seniors.

Hindi ko na lang pinansin dahil hindi naman maiiwasan ang mga ganoong comments.

Pinapunta na ako backstage para mag-ayos ng sarili. Mas lalong lumapit sa akin ang mga freshmen students ng ma-suot ko na ang swan laka ballerina dress ko. I'm all set, ako na din ang nag-make up sa sarili ko since kailangan 'yon pag performer ka lalo na sa America na ikaw ang bahala sa sarili mo since everyone is busy din.

Umingay sa loob ng auditorium dahil unti-unti ng dumami ang mga tao. Isang beses kong sinubukang sumilip, una ko kaagad nakita si Hunter kasama ang mga classmates niya...at ang kanyang katabi na si Sovannah.

"Ahtisia...we'll start in a few," sabi sa akin ng organizer.

Bigla akong kinain ng kaba at takot. I'll gonna perform again hindi lang sa harapan ng madaming tao kundi sa harapan ni Hunter. Will he be surprised dahil nandito na ulit ako? Anong magiging reaction niya?

Namatay ang ilaw kaya naman mas lalong naghiyawan ang mag students. Naglakad ako papunta sa gitna ng stage habang naaaninag kong puna ang lahat ng upuan.

"Ladies and Gentlemen...Our very own Prima Ballerina, Ms. Ahtisia Amelie Salvador!"

Umilaw ang spotlight sa gitna ng stage kung nasaan ako bago tumugtog ang slowed version ng kantang Dandelions.

Nagsimula akong gumalaw, hindi ko muna pinansin ang buong paligid, I need to focus on my performance. Dinama ko ang kanta kaya naman kusang sumunod ang katawan ko sa rhythm.

Nagpatuloy ako sa paggalaw at pagsayaw, hanggang sa nagkaroon ako ng tiempo na tingnan kung nasaan si Hunter. I saw amusement in his eyes at the same time ay gulat na din habang nakatingin siya sa stage...sa akin.

Malakas na palakpak at hiyawan ang narinig ko ng matapos ang performance ko. Yumuko ako para mag-bow bago ako muling tumingin sa gawi ni Hunter, nakita kong nakatingin pa din siya sa akin, pero ngayon wala ng ekspresyon ang mukha niya.

Nagsimula na ang program pagkatapos ng performance ko. Pagbalik ko sa backstage ay inabutan kaagad nila ako ng magandang bouquet ng bulaklak. Wala ako sa saking sarili kahit panay ang thank you ko dahil sa pagbati nila sa akin.

Sobrang laki ng epekto ng tingin niya sa akin, para bang nawala lahat ng lakas ko. I don't know what to feel.

Nagpalit na ako ng damit at nagtanggal na din ng make up, nanatili ang pagkakataas ng buhok ko since hindi ko 'yon pwedeng tanggalin dahil sa spray net.

Dumiretso ako sa cafeteria after ng program at pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Inilagay ko na muna ang mga 'yon sa sasakyan ko bago ako bumalik sa loob. Marami ang tao sa loob, halos lahat pa doon ay nasa akin ang atensyon dahil nga sa naging performance ko kanina.

Bumilis ang lakad ko papunta sa may counter nang may makita ako. Kahit nakatalikod ay alam kong siya 'yon. Halos mag-ugat ang paa ko sa kinatatayuan ko ng tumabi ako sa kanya habang nakapila.

Nilingon ko siya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Wala na akong makitang gulat, galit at kawalan ng pakialam ang naghari sa mukha niya.

"H-hi..." marahang sabi ko na halos naging bulong na lang.

Ano ka ba naman Ahtisia, matapos mong umalis at hindi sumipot sa kanya year ago ay sa tingin mo makukuha mo ulit siya with just a simple Hi?

Inirapan niya ako bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. Mula sa kanya ay bumaba ang tingin ko sa mga pagkain sa harapan.

"Ate, akin na ang meatballs," turo ko sa nag-iisang order ng meatballs.

Nilingon ako ng babae.

"Meron ng may-ari," sagot niya sa akin.

Lumipat ang tingin ko sa ibang ulam na nandoon, halos gulay na ang lahat. Hindi pa din ako kumakain ng gulay, unless vegetable salad.

Sinundan ko ng tingin ang meatballs ng kunin ito ni Ate sa loob ng stante, nakita kong inabot niya 'yon kay Hunter na wala pa ding emosyon hanggang ngayon.

"Anong sa'yo?" tanong ni Ate sa akin.

"Uhm...I'll have a sandwich na lag po," sagot ko sa kanya.

Napanguso ako at hinintay na lang na ibigay sa akin ang order ko. Napabuntong hininga ako.

"C-can we talk?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako. "What for?" masungit na tanong niya sa akin.

"Nabasa mo yung letter ko?" tanong ko sa kanya.

Sandali siyang natigilan. "Yes," diretsahang sagot niya sa akin kaya naman nagkaroon ako ng pag-asa kahit papaano.

"I hope you..." waited for me. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tawagin na siya ng mga kaibigan niya.

"Hunter..." tawag ko.

Nilingon niya ulit ako at pinagtaasan ng kilay. Uminit ang magkabilang gilid ng mata ko because of his coldness.

"I miss you..." marahang sabi ko sa kanya.

Mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko, mabilis niya akong tinalikuran at iniwang mag-isa doon.

Dala ang sandwich at juice ko ay umalis na lang ako sa may cafeteria at mas piniling sa loob na lang ng sasakyan ko kumain. Hindi ko maiwasang hind imaging emosyonal dahil sa tagpong 'yon.

Kahit impossible ay umaasa ako na pwede ko siyang salubungin ng yakap, I miss him so much. Nabasa niya ang letter ko? Pero bakit ganoon ang response niya? Ibig sabihin ba ay hindi siya naghintay para sa akin?

Nagsimula ang unang klase naming para sa araw na 'yon. Hindi naman nagtagal dahil kagaya ng mga first day ng class ay introductions lang ang nangyari.

Hinanap ko kaagad ang klase kung nasaan si Hunter. Gusto ko talagang maka-usap siya. Maraming tao sa hallway kung nasaan ang mga classroom ng seniors. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko dahil sa mga tingin nila sa akin, mostly ay lalaki ang nandoon kaya naman hindi ako kumportable.

"Hi, Miss!" bat isa akin ng ilan sa kanila bago sila nagtawanan.

Hindi ko din alam kung saan ko hahanapin si Hunter pero sinubukan ko pa din. Sa huling kwarto ng hallway ko nakitang pumasok ang isa sa mga kaibigan niya kaya naman dumiretso ako doon. Hindi naman ako nabigo dahil pagkasilip ko ay nakita ko siyang tahimik nan aka-upo. Kagaya kanina ay nakatulala nanaman at malalim ang iniisip.

Wala kaagad nakapansin sa akin sa loob ng room nila hanggang sa may pumunang isa.

"Si Swan lake," tawag ng isang lalaki sa akin.

Dahil sa nangyari ay tumingin silang lahat sa akin na hanggang ngayon ay nakatayo at nakasilip sa pintuan ng room nila.

Walang emosyon nang tumingin si Hunter sa akin kaya naman nabitin sa ere ang pagngiti at kaway ko sana sa kanya.

"Ako ata hinahanap..." rinig ko pang pag-aasaran ng mga classmates niya.

"Gago...Ex ni Hunter 'yan," rinig kong sabi ng kung sino na ikinagulat ko.

Ex?

Muli akong tumingin kay Hunter pero mukhang wala siyang balak na tumayo at lapitan ako. Nanlulumo akong naglakad palayo at naghintay sa may dulo ng hallways kung saan may upuan.

Inilabas ko ang phone ko para sana mag-send ng message sa kanya sa Instagram gamit ang bagong account ko. Nagulat ako nang makita kong naka-private na ang account niya.

Dumating ang professor nila, kagaya ng sa amin ay hindi din nagtagal ang metting dahil first day. Napatayo ako nang makita kong isa-isang lumalabas ang mga kaklase niya sa room nila.

"Hunter!" tawag ko sa kanya.

Tumawa ang mga kaibigan niya at inasar siya dahil sa ginawa ko, nakita ko ang pagka-inis sa mukha niya. Sinenyasan niya ang mga ito na mauna na, tamad siyang lumapit sa aking gawi.

"Anong kailangan mo? Bakit ang kulit mo?" tanong niya sa akin. Sobrang lamig ng boses niya.

"Ex mo ako? Naghiwalay ba tayo?" tanong ko, hindi ko ma-iwasan na alisin ang lungkot at tampo sa boses ko habang sinasabi 'yon.

Napangisi siya. "Anong tawag mo sa pag-iwan mo sa akin? Hindi ba't paghihiwalay na 'yon?"

Napaawang ang bibig ko. "Akala ko ba nabasa mo yung letter?"

Kumunot ang noo niya. "Fuck that letter. Wala akong pakialam," he said kaya naman mas lalo akong nasaktan.

"I-I asked you...kung pwede bang hinatayin mo ako. I just need to go kasi..."

"You just need to go kasi sunod sunuran ka sa Mommy mo," he said kaya naman nawalan ako ng imik.

"Ngayon, nakikipag-usap ka sa akin. Sinabi ba ng Mommy mo na pwede na?" mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman nanlabo ang paningin ko dahil sa luha.

"Hindi mo naiintindihan?" tanong ko. Hindi ba niya naintindihan sa sulat ang sitwasyon?

Ngumisi siya. "Alam mo kung ano yung hindi mo na-iintindihan? Umalis ka, at ngayong babalik ka gusto mo parang walang nagbago?"

"H-hindi ba pwedeng ganon?" tanong ko sa kanya kaya naman tinawanan niya lang ako.

"You know what. Iwasan mo na ako, baka makita ng boyfriend mo na kinakausap mo ako," he said.

"Ikaw ang boyfriend ko," giit ko.

Tiningnan niya lang ako.

"Not anymore," he said kaya naman kusa ng tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Hunter," tawag ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako.

Pagod akong umupo pabalik sa inuupuan ko kanina. Gusto kong tumigil sa paghabol sa kanya, pero I want to win him back. Gusto kong bumalik pa rin kami sa dati.

Nagpalamig muna ako the next day at hindi muna siya nilapitan, baka masyado lang naging mabilis kaya I need to give him time.

"Uhm...Kulang ba kayo sa member?" tanong ko sa mga kaklase kong babae ng magkaroon kami ng group project.

Nagtinginan sila at tumawa bago sila umiling sa akin.

"Hindi naming kailangan ng member na ganda lang ang ambag," sabi nil ana ikinagulat ko.

"Ahtisia, sa amin ka na lang!" tawag sa akin ng mga kaklase ko na puro mga lalaki.

Tiningnan ko lang sila at umiling. Lumapit ako sa table ng professor ko para magpaalam kung pwedeng ako na lang mag-isa. Kaya ko naman siguro 'yon kesa naman mapunta ako sa grupo na ayaw naman sa akin.

"Hindi pwede, go find a group, marami pang may kulang diyan," he said kaya naman mas lalo akong nagkaroon ng problema.

"Kulang pa kami ng isa," nakangising sab isa akin ng grupo ng mga lalaking 'yon.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong room naming. Halos naging abala na ang lahat dahil may mga grupo na sila, kesa naman mawalan ako ng grade ay sumama na ako sa grupo ng mga kaklase kong lalaki.

"See...malandi," bulungan ng grupo na tinanong ko kanina.

Hindi ko na lang pinansin, hindi ko din alam kung bakit tinatawag kaagad nilang malandi ang isang babae sa oras na mapasama siya sa grupo ng mga lalaki kahit kagaya nito ay tungkol naman 'yon sa project namin.

"Pancit canton ang ambag ko," sabi ng isa sa kanila kaya naman nagtawanan sila at ako hindi. Hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila, anong meron sa pancit canton?

"Wag kayong ganyan, baka ma-offend si Ahtisia sa atin," sabi nila kaya naman tipid akong tumango.

Nakipag-participate ako sa kanila sa tuwing may tanong sila kung anong suggestion ko para sa project namin.

"Maglibrary tayo," yaya nila sa akin nang iyon din ang gawin ng ibang grupo.

Sumama ako sa kanila sa library, maraming tao sa loob kaya naman ramdam ko ang tingin sa amin pagkapasok dahil na din sa ingay ng mga kasama ko.

"Quite please!" sabi ng librarian naming na pinanlisikan kaagad kami ng mata, kahit tahimik ay nadamay ako.

Dumiretso kami sa may bakanteng lamesa, late ko na na-realize na ang nasa katabi naming upuan ay ang grupo nina Hunter. Matalim kaagad ang tingin niya sa akin at sa mga kasama ko.

Imbes na magpakita ng emosyon sa kanya ay napa-yuko na lamang ako. Abala ako sa pakikinig sa pag-uusap ng mga ka-grupo ko ng maramdaman ko ang ilang beses na paglingon ni Hunter sa akin.

"Pwede ka ba sa bahay namin sa weekend?" tanong ng leader naming si Joey.

Hindi kaagad ako nakasagot sa kanila, nilingon ko ang table nina Hunter at nakita kong nakatingin siya sa akin na para bang naghihintay din siya ng isasagot ko.

"Uhm...kung para sa project, magpapaalam ako kay Mommy," sagot ko sa kanila.

"Ayos," nakangising sabi ng isa.

Muli kong nilingon si Hunter, this time ay inirapan na niya ako bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.

Naunang natapos ang grupo namin, walang lingon akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng library. I don't know when is the right time para kausapin ko ulit siya pero I'm sure hindi ngayon.

Naglalakad ako papunta sa parking space ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Nagulat ako ng makita kong si Hunter 'yon at matalim kaagad ang tingin niya sa akin.

"Pinapayagan ka na din palang pumunta sa bahay ng lalaki ngayon, Huh?" tanong niya sa akin.

"Uhm...magpapa-alam pa nga," kagaya ng nauna ay hindi nanaman niya ako pinatapos.

Nilagpasan niya lang ako at nauna nang naglakad papunta sa parking space. Doon ko lang nakita na ilang sasakyan lang ang pagitan ng Rover niya sa Mini cooper ko.

Gusto ko sanang dumiretso papunta sa kanya ng mapahinto ako ng marinig ko ang pagtawag ni Sov sa kanya.

"Hunter!" tawag niya dito.

Nagulat siya at nawala ang ngiti sa labi ng makita niya ako. Ipinagsawalang bahala niya 'yon at dumiretso palapit kay Hunter.

Nag-usap silang dalawa bago may dumating na itim na SUV. May lumabas na driver doon at pinagbuksan si Sovannah. May driver na din siya?

Napabuntong hininga na lang ako, maybe not today.

"What?" gulat na sambit ko nang makita kong flat ang unang gulong ng sasakyan ko.

Yumuko ako at tiningnan 'yon hanggang sa halos magpanic na. I know how to drive pero hindi ko alam kung paano magpalit ng gulong.

Sinubukan kong tumawag sa bahay pero walang sumasagot. Nakaupo ako habang nakasandal sa sasakyan ko while busy scrolling my phone kung sinong pwedeng hingan ng tulong.

Nakita ko ang pagdaan ni Hunter, tiningnan niya ako at ang gulong ng sasakyan ko bago siya nag-iwas ng tingin at umalis.

Namanhid ang buong katawan ko dahil sa kung anong nararamdaman. Patulo na sana ang luha ko ng magulat ako dahil sa pagbalik niya.

"Where's your spare tire?" masungit na tanong niya sa akin.

"I-I don't have any..." sagot ko sa kanya.

Mas lalo siyang sumimangot.

Marahan niya akong hinawakan sa braso para patayuin.

"Let's go, humanap tayo," sabi niya sa akin at tinalikuran ako para pumunta sa sasakyan niya.

Muling bumuhos ang luha ko. Muli kong naramdaman si Hunter, muli kong naramdaman na may taong nandyan para sa akin.

Niyakap ko siya kahit nakatalikod siya kaya naman natigilan siya.

"A-ayokong galit ka sa akin. You are all I have," umiiyak na sabi ko sa kanya.

Mas lalo akong nanghina nang kuhanin niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Napayuko na lang ako dahil sa pagtanggal niya sa kamay ko.

"Fuck...Fuck," madiing sambit niya.

Hinarap niya ako, hinawakan ang baba ko para paharapin sa kanya.

"Wag kang umiyak sa harapan ko," madiing sabi niya sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay ganoon na lamang ang gulat ko ng siilin niya ako ng halik.








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 164 3
People say, Sidney Austria Villareal already has everything everyone could ever dream of in life. The wealth that could last until three lifetime. Th...
822 53 14
Montengro Series #7. Everything needs to be perfect. As one of the eldest Montenegro heirs, Makyla Corrine Montenegro needs to be perfect. She should...
9.2K 781 19
[ON-GOING / SUPER SLOW UPDATES] 1st Installment of Hacienda El Cielo Series How will they fill the thirst and hunger within their empty hearts? ...
2.8M 122K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and...