Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 29

43 5 2
By pandauthot

He was there, in the middle of the hallway. Nagkakalat ang basura sa paligid niya at pinalilibutan siya ng kampon ni Gael. Tumakbo kami lalo ni Forsythe para ilayo si Heroic doon pero hinarang kami nila Montero at Ignacio. Agad akong tinago ni Forsythe sa likuran niya para hindi ako maabot ng nasa harapan namin ngayon.

"Hey, kalma lang kayo. Enjoy the show."

Balak sanang banggain ni Forsythe ang dalawa pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Gagawin ko talaga ang lahat para pigilan sila. Mas lalo lang talagang lalala ang nangyayari at maaari pa kaming mabaliktad nito.

Nakita namin si Heroic na may binabasa sa phone habang nagkakalat ang mga pinagkainan namin. I assume na sinalubong siya ng kampon ni Gael. Gusto ko siyang tawagin pero nakatitig sa akin 'yung ibang mga lalaki. Hindi ko na mapigilang mainis at napapairap. Napansin din 'yun ni Forsythe kaya hinigpitan niya ang paghawak ng kamay ko.

"Saan niyo nahanap 'yung mga picture?" natatawang tanong ni Heroic at mahinahong binalik ang phone kay Quezon. Nanlaki ang mga mata ko na tinatawanan niya lang ang hinaharap niya ngayon?

"Ilan na ba ang mga naging suki mo? Ang sipag mo namang mag-aral habang nagtatrabaho. Mayaman ka na siguro dahil nasa dugo niyo na talaga ang pumuna sa mga pangangailangan ng mga may pera."

Sobra na talaga. Sumusobra na talaga siya.

Seryosong nakatingin sa kawalan si Heroic at hindi man lang nagbibigay ng reaksyon sa mga binabato sa kaniya.

Alam niya ang totoo sa sarili niya.

Tinuro niya ang mga nagkakalat na plastic. "Mayaman pala ako sa lagay na 'to." Napakamot pa siya sa batok niya.

Hindi nila nagustuhan ang pagiging unbothered ni Heroic kaya inutusan ni Gael ang nakapalibot sa kanila na kunin ang bag ni Heroic. Kung ako man ang gaganyahin, magagalit na talaga ako dahil personal na gamit na 'yung ginagalaw nila. Hindi pa ba sila nakukuntento na naninira na sila ng buhay ng mga tao?

Wala pa ring reaksyon si Heroic habang kinakalkal ang bag niya. Matapos ang pangangalkal ay nailabas lang ang isang notebook na may nakasabit na ballpen.

"Hindi nga siya nagdadala ng papel," bulong ni Forsythe at mahinang napabuga ng tawa.

Dahil wala silang napala sa bag, tinapon nila ito sa sahig. Napailing naman si Heroic at kinuha niya ito. Kaso sinipa ni Gael ang kamay nito palayo.

Pumiglas si Forsythe sa hawak ko at binangga ang dalawang nakaharang sa amin. Kaso binangga siya pabalik. Alam kong gaganti siya pabalik pero niyakap ko ang bisig niya para mailayo siya nang kaunti.

Napatigil si Heroic sa posisyon niya at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. Parang bumubuo na ang galit sa loob niya pero nanatili siyang mahinahon nang humarap ulit siya. "Ano ba ang kailangan niyo? Kinalat niyo na ang kuwento namin na fabricated na. Pinag-uusapan na kami ng mga tao. Hindi pa ba kayo nakukuntento?"

"Tumigil kayo sa pag-aaral."

Napakunot ng noo si Heroic. "At bakit naman namin gagawin 'yun?"

"Dahil ayaw kong makita kayo."

Tumawa siya nang napakalakas. "Ang babaw mo naman!" sigaw ni Heroic. Napailing pa siya at sinimulang kunin isa-isa ang mga kalat nang kinuwelyuhan na siya.

"Ang tapang-tapang mo naman. 'Yan ba ang napapala kapag kriminal simula pagkabata?" Dahil doon, natahimik si Heroic. "Nagmula ka sa mga kriminal na pamilya. Binebenta ka at nagpapanggap ka kung anong gusto nila sa'yo. Kailanman ay hindi ka naging totoo sa sarili mo. Sigurado ka bang mananatili pa ang mga kaibigan mo kapag malaman nila kung gaano ka karumi simula pagkabata?"

That's it. Hindi ko na kayang magtimpi at dadaan sana sa kabilang daanan pero hinawakan ako ni Montero para pigilan. Agad namang tinabig palayo ni Fosythe ang kamay na nakahawak sa akin. Binalik niya ako sa likuran niya.

Nang bumalik ang tingin namin kay Heroic, nakatingin na siya sa amin habang hawak-hawak pa ang kwelyo niya. Kung kanina ay wala kaming makita sa kaniya, ngayon ay nakikita na namin ang panlulumo niya.

"Damn, simula pagkabata hanggang ngayon, nagpapabayad ka?" puno ng pag-iinsulto at pandidiri ang tono niya. Nakuha na niya ata ang gusto niyang makita mula kay Heroic kaya binitawan na niya ito. Saka inayos ang kwelyo. "Hindi mo sinabi sa kanila 'no? Kasi alam mong pandidirian ka nila. In the first place, ang mga taong katulad mo ay nakakasuka."

Walang nasabi si Heroic kaya napangisi si Gael. "Ayan ha? Huwag ka kasing mangialam kung ayaw mong karmahin."

Mariing napapikit si Heroic at napaiwas ng tingin. Wala na siyang nasabi at pinulot ang mga basura para ilagay sa loob ng bag niya. Hindi na niya kami tiningnan at naglakad na siya palayo. Tumawa naman ang iba.

No, we're not losing.

Please, we need someone..

May dumaan sa amin kaya sumunod ang tingin namin sa kaniya. Para kaming dinaanan ng anghel. Kahit nga 'yung dalawang nakaharang sa amin ay hindi nakaangal at pinanood lang si Boss, na nakaekis ang mga bisig, na puntahan si Gael. Panibagong tensyon na naman ang bumuo nang nagharapan sila.

"You just violated the mission and the core values of the univesity," he said firmly.

Tumawa si Gael. "No one cares about the fucking rules!"

"Really? Dahil ba may pera kang pambayad para pantakip sa mga krimen na ginagawa mo dahil gusto mo lang?" Napabuga ng tawa si Boss. "No one cares about the rules? Okay."

Kalmadong kinuha ni Boss ang babasagin na bote ng softdrink na hawak ni Victor Zacheria na nakikisaya lang sana matapos umalis ni Heroic sa hallway.

"Kanina pa ako nagtitimpi. Pero dahil sa sinabi mo, gusto kong gawin ito."

Nagulat kami kung paano basagin ni Boss ang bote sa shelf na nakadikit sa dingding. Humarap ulit siya kay Gael at napaekis ulit ng mga bisig, pinapakita ang patalim ng nabasag na bote. Napansin nalang namin na nilalayuan siya ng mga tao sa harapan niya.

"At sasaktan mo ako? Hindi mo ba ako kilala? Kaya kitang ipaexpel!" sigaw ni Gael. Hinihila na rin siya paatras ng mga kaibigan niya. Umalis nalang din sa harapan namin ang dalawang humaharang sa amin.

"Uhm, wala akong ginagawa sa'yo," sabi ni Boss.

Tinuro naman ni Gael ang patalim. "Fuck you! You are threatening me!"

Napakunot ang noo ni Boss at napatingin sa hawak niya. "I didn't even point this at you. So basically, I'll be disciplined for destruction of school property. Which is a minor offense. I'll just clean this."

"Are you dumb? Maraming nakakita! Maraming nakasaksi kung paano mo binalak na saktan ako!"

"Crybaby..." bulong ko habang nakakunot ang mukha. Narinig naman iyon ni Forsythe at mahinang natawa.

"Right!" pagsang-ayon ni Boss at pormal na inilahad ang kamay niya sa gilid nila kung saan maraming estudyanteng nanonood mula kanina. "I didn't threaten you. I just broke the bottle in front of you without any gesture or intention of hurting you."

Napaangat ang gilid ng labi niya kasabay ang pagbitaw ng natitirang bote na hawak niya. Nang nabasag ito muli ay dahan-dahan siyang lumapit sa kanila na kasalukuyang nagababalak umalis.

"At ang lahat ng ginawa niyo at sinabi niyo kanina ay nasaksihan din nila. So, sino ang nahihigpitan sa oras na ito?"

Nakikita na namin kung paano kinakalabit ng iba ang balikat ni Gael para umalis na roon. Pero parami nang parami ang nakikinood kaya siguro nap-pressure sila.

"Yes, I know you all, Gael Royo. Pero ibabalik ko ang tanong mo sa'yo." Mas lalong lumapit si Boss at ngumiti. "Kilala mo ba ako?"

The tension.

Hindi sila nakasagot kaya napayuko si Boss para ibuga ang tawa niya. Muli niyang sinalubong sila gamit ang kampante niyang tingin.

"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo at sa mga kaibigan mo."

---

Hindi pa rin umuuwi si Heroic kaya nagsimula na kaming kabahan. Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya. Hinihintay lang namin siya sa sala at nagpapalamon sa katahimikan.

Gusto ko na talagang umiyak. Kanina pa ito naiipon sa loob ko tuwing naalala ko ang mukha niya nang nakita kami.

Minu-minuto kong tinatawagan ang phone niya pero nakapatay pa rin talaga. Halos masiraan na ata kami ng ulo sa pag-aalala. Lalo na si Forsythe na balak pang hanapin si Heroic sa kalagitnaan ng gabi. Sinabi ko sa kanila na uuwi si Heroic dahil may tiwala ako sa kaniya.

Halos tatlong oras ko na siyang tinatawagan, ngayon lang nagring ang phone niya.

"Hello."

Napaayos ako ng tayo kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Asan ka na ba?! Umuwi ka na!" sigaw ko habang pinipigilan ang lahat ng emosyon sa loob ko.

Natahimik muna siya sa kabilang linya kaya napatayo ako. "Umuwi ka na Heroic, please! Gabi na! Baka mapahamak ka pa diyan sa labas!" sigaw ko ulit.

"Naglalakad na ako pauwi."

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Sa sobrang pag-aalala, hindi pa ako nagpapalit ng uniform, ganun din ang iba.

Paglabas ko ng bahay ay tiningnan ko ang pagkabilang daanan. Nang maaninag ko si Heroic mula sa mga streetlight na naglalakad palapit sa amin, tumakbo ako sa kaniya. Nakita niya ako kaya binaba na niya ang phone na nakalapat sa tenga niya.

"Saan ka ba galing?!" sigaw ko at agad siyang niyakap. Napahagulgol na ako sa dibdib niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Gusto kong tanggihan dahil hindi deserve niya deserve kung anong nangyari sa kaniya dati. Ang lakas pa naman ng loob niya na icomfort kami at sa kaniya pala iyon! Hindi niya sinabi sa amin! Mukhang wala pa siyang balak na sabihin sa amin! Bakit?!

"Bloom.." tawag niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya habang pinupunasan ang luha sa mukha ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mong sarilihin ang nararamdaman mo?!" Napalakas ang hagulgol ko. Halos ako pa nga ata ang magbreakdown sa harapan niya.

"Shhh.. kumain na ba kayo? Pasensya na kayo kung late ako umuwi?"

Mas lalo akong umiyak dahil nagpapanggap na naman siya. Sa harapan ko pa mismo kung kailan alam ko na ang mga nangyari.

Grabe talaga ang iyak ko. Halos mailuwa ko na ang lalamunan ko dahil sa lakas ng hagulgol. Para pa akong batang kailangang patahanin. Ni hindi ko alam kung paano pa ako nakabalik sa bahay.

Hindi na talaga tumitigil ang mga luha ko nang makita si Heroic sa liwanag. Maamo pa rin ang mukha niya na parang walang nangyari. Mukhang mahihimatay pa ata ako dahil hindi na ako makahinga sa paghikbi ko.

"Heroic," tawag ni Danger nang sinuot ni Heroic ang apron habang naglalabas ng makakain namin ngayong gabi.

"Okay lang ba sa inyo 'yung ginisang itlog? Pero kumain na ba kayo?"

"Heroic naman eh." Hinawakan ni Danger ang balikat niya kaya nabitawan ang mga itlog na ilalagay niya sana sa lababo.

"Kingina! 'Yun na ang huling itlog na mauulam natin!"

"Heroic!" sigaw ni Orion at siya na ang humawak ng magkabilang braso ni Heroic para alugin. "Huwag ka namang ganito! Parang awa mo na! Huwag kang magpanggap na okay lang ang lahat!"

Parang walang siyang narinig at mas inunang linisan 'yung nahulog na itlog. Mas doon pa siya nas-stress.

Sumuko ang iba at napaupo sa hapagkainan. Si Lawron na tahimik lang kanina pa ay napapahikbi na at tinatago ang mukha niya. Never ko pang nakita si Clark na umiyak pero ngayon ay umaagos ang mga luha sa mga mata niya.

I can't believe it. Kaming lahat ang umiiyak habang si Heroic ay nakatayo lang, nakapikit at kinakamot ang sentido niya.

"Hindi ba kayo kakain? Kasi gusto ko munang magpahinga."

Bago siya umalis ay niyakap siya ni Orion na umiiyak. Niyakap din siya ni Danger. Hanggang sa kaming lahat ay nakayakap sa kaniya, umiiyak.

"Ano ba!" natatawa niyang sigaw sa amin. "Bakit kayo umiiyak?" Nakangiti niyang tinapik ang mga tuktok ng ulo namin. "Huwag kayong umiyak!" Tumawa siya lalo bago kami niyakap pabalik.

Puro hikbi namin ang naririnig sa buong bahay pero tawa lang nang tawa si Heroic.

"Pahinga na kayo. May pasok pa bukas."

Iniwan niya lang kami roon. Gusto ko sana siyang sundan pero pinigilan ako ni Forsythe. "He needs space for now. Hintayin natin siyang siya mismo ang mag-open. Kung nakikita niya tayong nalulungkot, maiisip niya na kailangan niya tayong icomfort."

He was right.

Sinubukan naming maging maayos. Kunwari walang nagpapabigat ng hangin namin. Sinubukan naman naming hindi madala sa emosyon. Sa huli, napagtanto kong mag-isa lang ako sa lamesa at pinipilit na magbasa. Gusto kong maging masaya dahil nalipat bukas ang quiz namin na sana ay para mamaya. Pero hindi talaga ako makafocus. Hindi ako puwedeng bumagsak dito. Kailangan kong bumawi. Kung hindi, mababa talaga ang grado ko nito.

Maraming bukas na libro sa harapan ko ngayon. Kaso wala talagang pumapasok sa isipan ko. Nag-iisip na ako ng excuse if ever hindi ako makasagot. Kaso ganun din, hindi tumatanggap ang profs ng excuses kapag quizzes o exams. Sa huli, himala nalang siguro ang magpapapasa sa akin bukas.

Tuluyan na akong nagshut down. Sumuko na ako. Bahala na kung anong mangyayari sa akin bukas.

Hinigaan ko ang mga libro. Baka sakaling kusa nalang pumasok ang mga impormasyon sa utak ko. Kaso mas lalo lang akong inantok.

Bumangon na ako para ayusin ang mga libro. Puwede naman ako siguro mag-aral mamayang umaga. Siguraduhin ko lang na magigising ako sa alarm.

Napatigil ako sa pag-aayos nang makita si Boss na nasa harapan ko pala at bitbit ang mga libro at laptop niya. "You need to sleep first." Umupo siya sa harapan ko.

Ningusuan ko siya. "Kailangan kong mag-aral."

"Gusto mo ba ng kape?"

Umiling ako. Humiga nalang ako sa mga bisig ko. Bahala na, gigising nalang ako mamaya.

"I'll wake you up. Dito lang ako."

Hindi ako makangiti kahit gusto kong ngumiti.

"Alam mo ba 'yung tungkol kay Heroic?" mahina kong tanong.

Narinig ko siyang napatigil sa maglilipat ng pahina ng libro niya. Naiintindihan ko naman kung hindi niya sinabi. Alam ko namang iniisip niyang hindi siya puwedeng magsabi nun.

"Oo. Pero hindi ko alam na may kapatid siya."

Napatango ako. Akala ko talaga na hindi na ako maiiyak dahil grabe na ang iyak ko. Ngayon naman ay nagsisilabasan na naman ang luha ko. "Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang pakinggan pero nahihirapan ako sa kalagayan niya na hindi man lang niya mailabas ang nararamdaman niya."

Pinakinggan ni Boss ang bawat hikbi ko hanggang sa hindi ko napansin na nakatulog ako.

Talagang malalim na ang tulog ko. Halos nananaginip na nga ako. Pero wala akong maalala kung anong klase iyon. Hindi ko nalang din 'yun pinansin as long as alam ko na nakatulog ako. Malakas pa ang antok ko pero nakita ko sa isip ko na nagbabasa si Boss sa harapan ko na may suot na salamin.

Napasulyap siya sa akin saglit pero nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay tuluyan na niya akong tiningnan. "Gising ka na pala."

Ilang beses ako kumurap. Nako! Nananaginip na pala ako ng gising!

Dahan-dahan akong bumangon. Napansin ko na may hinihigaan na pala akong unan. Mukhang nilagyan niya ako habang nasa kalagitnaan ako ng tulog.

Naconscious ako saglit at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Makatakas lang ako saglit para tanggalin ang mga muta at panis na laway sa mga labi ko.

Bumalik na ulit ako sa lamesa. Nakakapanghina dahil inaantok pa rin ako. Susubukan ko lang magbasa kasi nakakahiya kay Boss na nag-aaral sa harapan ko tapos natutulog ako.

Bago ako makaupo, hinanap ko ang mga gamit ko. Kaso unan lang meron sa puwesto ko. Inaalala ko kung wala ba ako sa isip na iniligpit ang gamit ko kanina?

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang mga libro ko sa gawi ni Boss. Iyon ang binabasa niya habang may sinusulat siya sa bond paper.

"Boss..."

Agad siyang napatingin sa akin. Nataranta rin. "Ah, nakita ko kasi na nahihirapan ka mag-aral dahil sa mga nangyayari kaya sinubukan kong basahin kung ano 'yung naaralan mo. Mabuti na lang, naglilista ka tungkol sa coverage ng magiging exams mo kaya doon ako bumase. Hindi ko pa gaanong naiintindihan noong una kaya kailangan ko pang magsearch. Ngayon, may naiintindihan na ako. Sinubukan kong gumawa ng mga tanong para masagot mo mamaya. Gigisingin sana kita pagkatapos nito kaso mas nauna kang nagising."

Nanlulumo ko siyang tiningnan. Magsasalita pa sana siya pero naunang lumabas na naman ang mga luha ko.

"Hey.." Napatayo siya at lumapit sa akin. "Umiiyak ka na naman."

"Ikaw kasi eh."

Hindi ko na talaga alam pero mukhang mas una akong mahuhulog kay Boss nito. Matapos akong bigyan ng unan kanina habang natutulog ako, pinag-aralan niya ang subject ko para matulungan ako.

"Jinx.." natatawa niyang pagtawag sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Masyado ka nang umiyak ngayong araw. Papagalitan ka ni Heroic niyan."

Sa pagbuntong-hininga ko ay pinahinahon ko ang emosyon ko. Isinandal niya rin ako sa dibdib niya kaya doon na ako kumalma.

"Let's stay like this for a while," bulong niya sa gitna ng paghinga. Binalot niya ako sa mga bisig niya. "How about idiscuss mo sa akin mamaya ang topic niyo para madigest mo ang lesson. Saka tayo magquiz para hindi ka mabigla?"

Napangiti ako. "Thank you."

Bumalik na kami sa lamesa. Tumabi ako sa kaniya para mag-explain sa mga natutunan ko sa mga topic namin. Nakikinig lang siya sa akin. Para tuloy akong nagrereport sa lagay ko. Pagkatapos nun ay nagreview muna ako saglit bago sagutan ang ginawa niyang tanong. Nabibighani talaga ako sa style ni Boss dahil unpredictable at may thrill ang sequence ng items dahil nakashuffle ito. Sa huli, kaunting mali lang ang meron ako. Nakakalito man ang terms pero nakakatuwa dahil sa pagpapaliwanag ko sa lesson, may mga naalala at naintindihan ako.

"Boss, thank you so much." Tinapik ko ang balikat niya. Ang saya ko dahil medyo nawala rin ang kaba ko. "Pero sorry, hindi ka tuloy nakapag-aral ng sa'yo."

Natawa siya at sinuklay ang buhok ko. "Ayos lang. Isang case digest lang ang pinag-aralan ko at nakuha ko naman agad."

Sabay na kaming nagligpit ng mga gamit namin. 3:30 AM na. Mukhang makakahabol pa naman kami ng tulog para mamaya.

"Nga pala, ang cool mo kanina." Binigyan ko siya ng thumbs up. "Mabuti na lang may nahanap na dustpan at walis sila Danger kanina. Sabay ba kayong pumunta sa hallway?"

"Sabay kami ni Danger at Clark na papunta sa mga building namin nang makita na may bagong post 'yung website. Pinuntahan namin agad 'yung College of Education. Naunahan niyo kami."

"'Yung mga post?" tanong ko.

"Binura ko na kanina. Hindi sila makakadagdag ng issue kasi busy na 'yun sila na kilalanin kung sino ako." Mahina siyang tumawa.

"Eh, sino ka ba?" pabiro kong tanong.

Alam kong marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya.

Ngumiti siya at mahinang kinurot ang ilong ko.

"I will always be Boss."

Just like what he said to me, I will always be Bloom Jinx. Napag-isipan ko ang ibig niyang sabihin na kahit anong mangyari, kami pa rin ito. Lahat ng mangyayari at lahat ng nangyari ay ang mga bumubuo sa amin.

Napansin niyang nakatingin pa rin ako sa kaniya kaya dinampi niya ang hintuturo niya sa tuktok ng ilong ko. "Let's get to know each other more."

Wala na. Hulog na hulog na ako.

"May premyo ba ako kung naperfect ko 'yung quiz mamaya?" tanong ko.

Saglit siyang napatingin sa kisame para mag-isip ng isasagot.

"Punta tayo sa Meritown?"

At doon ako pinuno ng determinasyon na makaperfect ako ng quiz. Kahit ngayon lang. Iisipin ko na katapusan ng mundo habang sumasagot ako kaya kailangan kong ibigay ang 100% ko. Hindi ko na nga inisip pa na naglalagablab pa ang issue tungkol sa mga post. As long as walang pangalan ng Gumdrop, hindi ko iyon papansinin muna sa ngayon.

Ilang beses kong nireview ang mga sagot ko paglunch. Talagang inintindi ko ang mga item at tinandaan ang mga key words kaya nakasagot ako agad. Mabuti nalang sa reviewer ko ay tinama ko ang mga maling sagot ko at binasa ko buong lunchbreak. Hindi rin ako kinausap ng iba na kumakain sa rooftop. Sa rooftop pa rin kami kumain ng lunch, hinihintay nalang kung handa na ulit kami bumalik sa cafeteria.

Natapos na ang oras kaya nagpalitan na kami ng papel ng mga katabi ko. Mas maganda 'to kaysa ipapasa ang papel dahil namomonitor ko rin ang mga tamang answer.

Nang matapos, parang nagblangko ang isipan ko. Wala akong maalala sa mga nasagot ko...

"Pass the student's paper with perfect score."

Hindi nagpalitan ng papel kaya hindi ko alam ang score ko. Para akong binaksakan ng langit at lupa dahil hindi tumayo 'yung kaklaseng may hawak ng papel ko. Sabi ko na nga ba. Mali ako sa item number 24 kasi nakalimutan ko 'yung part na 'yun. Sigurado akong nasa kalagitnaan 'yun ng binasa ko kaya mali ata ang sagot dahil nagkahalo-halo na ang terms sa utak ko.

"99."

Nawala lang din bigla ang pagkadismaya ko nang tumayo na ang may hawak ng papel ko. Hindi ko pa ginawang magsaya dahil baka naman hindi sa akin ang papel na 'yun.

"Ms. Marcues, 99."

Ako lang.

Ako lang ang 99.

Napatakip ako ng bibig nang nagpatuloy na sa pagkukuha ng papel ang prof.

Tapos na ang klase namin at nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Napuno rin ng positibo ang diwa ko.

"Congrats, Bloom! Anong brand ng kasipagan mo at nakaya mong aralin 'yun?" bati ng katabi ko na si Vioa sa kaligtaan ng tawa niya.

"Malakas ang guardian angel ko," sagot ko kaya nagtawanan kami.

Pumunta na kami sa susunod naming subject. Hindi pa rin ako makapaniwala na halos maitama ko lahat ng quiz namin kanina. Para akong lumulutang. Talagang effective ang style ni Boss kanina. Kahit hindi ako nakaperfect, I can't wait to tell him!

Matapos ang isa pang 2-hour subject namin ay sa wakas, labasan na. Narinig ko siya kanina na maaga ang labasan nila kaya binubulungan ko ang bawat pulgada ng hangin na sana ay andoon na si Boss para makuwentuhan ko siya.

Nakarating ako sa parking lot. Saktong may pamilyar na uniform akong nakikita na naglalakad papunta sa asul na microbus. Nakilala ko agad siya kaya hindi ako nagdalawang isip na isigaw ang pangalan niya.

"Boss!"

Agad naman siyang lumingon kaya tumakbo ako palapit sa kaniya.

Binuka niya ang mga bisig niya para batiin ako ng yakap.

This is really the best feeling.

Humiwalay ako saglit nang nakangiti. Kaso bumagsak din naman ang mga dulo ng labi ko dahil hindi kami makakapunta sa Meritown. "Hindi ako nakaperfect," nakanguso kong sabi. Pero binawi ko agad ang namumuong bigat ng paligid. "Pero isa lang ang mali ko!"

Nanlaki ang mga mata niya at halos mabilaukan pa ang reaksyon niya. Biglang napalawak ang ngiti niya. "Yo! I'm so proud of you!" Binalot niya ulit ako sa yakap niya na maraming tao sa paligid.

Naconcsious ako bigla dahil panigurado ako na maraming nakatingin sa amin ngayon. Mahina kong tinapik ang dibdib niya para maghiwalay kami.

Sabay kaming pumunta sa microbus at gustong-gusto ko talaga siyang kuwentuhan kaso dumating na si Danger. Ang aga naman ng labasan nila. Nagkaroon tuloy kami ng distansya ni Boss nang nag-usap sila. Hindi nagtagal ay dumating na si Orion na bitbit ang mga blueprint tube niya. Nilapitan ko siya agad para tulungan siya.

"Lechugas na prof namin sa major subject, mabuti nalang na late siya pumasok kaya hindi umabot sa surprise exam niya. Siya kaya gulatin ko?"

"Huy," pagtawag ko dahil seryoso talaga siya sa pagbabanta niya.

Tumawa siya agad. "Joke! Mabuti nalang maaga na kaming pinalabas!"

Dumating na sila Clark, Forsythe at Heroic. Huling nakarating si Lawron na late dinismiss ng prof nila.

Ramdam ko ang emptiness ng hangin namin sa loob ng sasakyan. Dahil siguro hindi talaga namin kayang magpanggap na ayos lang kahit hindi.

Kahit may mga nagsasalita sa amin, napapaisip tuloy ako na baka ako lang ang nakakaramdam. Kaso hindi ko naman puwedeng isipin 'yun dahil alam kong binubuhay lang nila ang paligid namin.

Nakita kong palihim na lumingon sa akin si Boss. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kung bakit pero ningitian niya lang ako. Bumalik din agad ang tingin niya sa daan. Siyempre, magtataka ako pero hindi ko mapigilang kiligin. 'Yun lang. Tiningnan niya ako para ngitian.

Nang makarating kami sa bahay ay biglang may sumuntok sa akin ng idea.

Para sa aming lahat.

Ako ang nagmamadaling bumaba ng sasakyan para agad pumasok sa bahay. Agad din akong nagkulong sa kuwarto at nagsimulang mag-isip nang maayos para iconstruct ang plano ko. Biglaan lang talaga 'to. Pinagdadasal ko talaga na magcooperate sila. Baka sa lagay na ito, gumaan din ang loob namin lalo na kay Heroic.

May kumatok sa pintuan ko. "Bloom, okay ka lang?" Narinig ko si Forsythe sa labas.

Tinapon ko ang pajamas na nahanap ko sa cabinet at tumakbo papunta sa pintuan. Binukas ko agad 'yun para hilain si Forsythe na pumasok sa kuwarto. Sinara ko agad ang pinto.

"Hoy! Ano 'yan!" sigaw ni Danger sa labas.

Kahit nagtataka ang biningwit ko sa labas, nanatili siyang tahimik at hinihintay akong magsalita.

"Makinig ka nang mabuti and I need your help. Magpajama party at sleep over tayo sa kuwarto ni Heroic," diretso kong sabi.

Nagulat siya sa sinabi ko, halos maextend pa ang leeg niya sa pagyuko.

"Puwedeng icheck kung may pagkain pa sa kusina? Sasabihan ko 'yung iba na magsuot ng pajama. Tapos magbihis ka na rin para malaki ang oras natin." Tinapik ko ang balikat niya. "Kahit doon, macomfort natin si Heroic."

Nakuha niya ng ibig kong sabihin. "On it."

"Sige, thanks! Tawagin ko nalang kayo kung nasakop ko na teritoryo ni Heroic!"

Tinapik-tapik ko ang balikat niya habang tinutulak siya palabas, Saktong pagtulak ko sa kaniya ay kadadaan palang ni Boss at nakita na nagmula si Forsythe sa kuwarto ko.

Napaawang ang labi ko kasi ako rin nabigla na galing sa kuwarto ko itong si Forsythe tapos saktong makikita kami ni Boss.

Bigla na namang tumawa si Forysthe at iniwan kaming nagtitinginan ni Boss.

Awkward akong ngumiti at dahan-dahang sinara ang pintuan. Kaso ako naman ang nagulat nang pinigilan ni Boss ang pagsara ng pintuan gamit ang paa niya.

"Anong meron?" seryoso niyang tanong.

Oh my.

"Magsuot ka ng pajama. Magkakaroon tayo ng sleep over."

"Ha?" tanong niya. "Context."

"Magpapajama party tayo sa kuwarto ni Heroic. Change your clothes!" pabulong kong sigaw. Tinapik ko naman ang likuran niya. Sa pagmamadali talaga, parang nagpapalpitate na ako.

Kailangan ko pa palang magmadali para mapagsabihan ang iba.

Matapos kong magbihis ay inisa-isa ko na ang mga kuwarto ng iba.

Noong una, nagtataka sila kung bakit magpapajama agad sila, eh kararating palang sa bahay. Sabi ko nalang na magsisimula ang pajama party kung handa na ang lahat. Hindi nga lang nila alam kung saan ang venue. Dinagdag ko pa na bring your own unan or stuff toy. Itong anak ko, excited dalhin unan niyang may lemon na design.

Si Heroic ay nasa loob na ng kuwarto niya. Kinakabahan man ako dahil hindi ko alam ang ginagawa niya pero pinasilip ko kay Forsythe, natutulog daw at malakas ang electricfan. Kaya ayun, nag-aalala ako kung umiiyak ba siya o malalim ang iniisip.

Lumingon ako sa mga kuwarto ng iba, naabutan ko pa na sumisilip sila Clark at Lawron. Nang mahuli ko ay agad silang nagtago. Sinabihan ko kasi sila na maghintay ng signal pagkatapos ko tanungin si Heroic.

Kumatok ako nang tatlong beses. Binilang ko talaga ang bawat segundo pero limang segundo ay hindi pa niya ito binubuksan. Kumatok ulit ako nang paulit-ulit hanggang sa binuksan na ito ni Heroic na kagigising lang at suot pa ang uniform. Magulo pa ang buhok. Naningkit lalo ang mata niya nang makita akong nakapink na pajama.

"Puwede magstay muna rito? Sira kasi ang electricfan ko," sabi ko.

Nakailang kurap muna siya (bagong gising kasi) bago tumango. Binuksan niya lalo ang pinto at binuksan ang ilaw. Bumalik siya sa kama niya para ayusin ang comforter niya.

"Okay! Pasok na raw tayo!!" sigaw ko.

"Let's go, sleep over!" sigaw pabalik ni Danger at naunang lumabas mula sa kuwarto niya, bitbit ang unan at kumot niya. Saktong lumabas na si Orion kaya bigla niya itong inakbayan. Sumunod sa kaniya si Clark at Lawron.

Napatigil si Heroic sa ginagawa niya dahil dumami bigla ang tao sa loob ng kuwarto niya. Bigla ba naman siyang niyakap ni Danger sabay natumba sa kama niya.

"Bihis ka na rin, Bayani! May pajama party tayo!"

Inutusan ba naman ang bagong gising.

"Sandali nga. Anong sleep over?" namamaos niyang tanong at napatingin sa akin.

Ningitian ko lang siya. Natauhan ulit ako dahil kulang pala kami ng dalawa. "Nasaan na sila Forsythe at Boss?" tanong ko. Pagsilip ko sa labas, papasok na si Forsythe na suot ang itim niyang pajama at may bitbit na cooler. Nagkaroon pa ako ng insepction kung anong meron sa loob, nagulat ako na may mga yogurt drink, banana milk at iba pang inumin.

"Saan kayo nito?" tanong ko.

"Binili ko."

Pumasok na rin si Boss na suot ang blue pajama niya at white t-shirt at may bitbit na pagkain. Napaawang naman ang mga labi ko.

"Boss?" mahinang reklamo ko. Saan naman kaya siya ng pera?

"Extra ko," bulong niya pabalik at pinuwesto ito malapit sa cooler.

Dahil medyo lutang pa si Heroic, tinitingnan niya lang kaming lahat.

"Bihis ka na!" sabi ni Lawron at pinapatayo si Heroic.

"Bihisan kita!" asar ni Danger kaya kumilos na siya. Tahimik siyang naghanap ng damit bago pumasok sa CR niya.

Nagkatinginan naman kaming lahat dahil tinatantya namin kung ano mangyayari ngayon. Atsaka, mukhang nabigla sila sa plano na 'to kaya pinakitaan ko sila ng puso gamit ang dalawa kong kamay. "I love you all," bulong ko.

Inayos namin ang kuwarto ni Heroic. Nag-ayos kami ng pagkakainan namin. Kaso napansin namin kung saan kami matutulog. Kaya kumuha pa kami ng mga foam galing sa mga kuwarto namin.

"Ilagay niyo rito para isahan nalang," utos ni Orion dahil sa kaniya kami babase ng puwesto.

"Bet. Para dito tayo kumain." Tinuro ko 'yung space.

Maayos na ang lugar namin. At doon na lumabas si Heroic na bagong ligo na suot ang indigo niyang pajama. Mukhang gising na ang diwa niya kaya may energy na siyang mangsermon sa amin. "Huwag kakain sa higaan para hindi lalanggamin! Atsaka, bakit lumawak na 'yung higaan? Wala naman tayong alak diyan 'di ba? May pasok pa bukas kaya hindi puwedeng magpakalasing!"

Tumawa si Clark at hinila na si Heroic sa amin. "Mamaya ka na mangsermon! Kain na tayo."

Nagsimula na rin kaming kumain. Itong si Danger ay may baon na naman na kuwento kaya habang kumakain kami sa sahig ay nagtatawanan kami. Sino ba naman ang hindi matutwa na may nagpaayos sa kaniya ng plantsa na matanda dahil suot niya ang mechanics uniform niya. Kaya pala umuwi siya noon na pagod na pagod. Akala ko nga nakipagkarera na naman siya sa Noground. Nalaman din namin na hindi na siya masyadong pumupunta roon dahil muntikan na raw siyang bumagsak sa practical exam niya. Natakot siya at nag-aaral nang mabuti ngayon.

May nilabas din na kuwento si Orion tungkol sa prof niya. Hindi naman gaanong kahaba dahil tinapos niya agad ito sa isang biro. Siya na mismo nag-aya na maglinis dahil natapos na rin kami kumain.

Medyo occupied ako dahil binabasa ko ang reaksyon ni Heroic. So far, parang dati lang na tumatawa at taimtim na nakikinig.

Ako ang nagplano nitong pajama party pero ako ang occupied.

Marami pa ang nakakatuwang kuwento ang sumunod pagkatapos naming maglinis. Balak pang magbukas ng horror story itong si Danger kaya nawrestling siya agad ni Orion.

Bilang din ang oras namin kaya bago matapos ang mini-party namin ay nanood kami ng movie sa laptop ni Forsythe. Nanood kami habang may kaniya-kaniyang puwesto sa higaan. Medyo nagulat pa ako nang may palihim na humawak ng kamay ko.

Si Boss.

Sa mga mata niya ay parang tinatanong niya kung ayos lang ba ako. Tumango naman ako bilang sagot.

Hindi na niya binitawan ang kamay ko pagkatapos.

Sa kalagitnaan ng movie ay medyo boring, nagpasya silang maglaro ng online game sa mga phone nila. Silang pito, naglaro ng online game. Hindi ko rin naman alam ang nilalaro nila kaya tinapos ko mag-isa ang movie. Mas natutuwa pa nga ata ako sa trashtalk-an nila Clark, Orion at Danger. 'Yung trashtalk kasi nila ay child-friendly. Si Lawron kasi ay nagsusuway sa mga nagmumura habang seryosong naglalaro.

Mahigpit ang usapan namin na saktong hating gabi kami matutulog. Si Boss din ang nag-alarm para isahan nalang ang pagsara nito.

Ngayon, napapaisip ako kung tama ba ang desisyon ko na tabi-tabi kaming matulog ngayon. Parang ako na ang nahihiya dahil medyo malikot pa naman ako matulog. Habang inaayos na nila ang mga unan nila, nakaupo ako at tinitingnan ang ibang naghahanda.

Si Boss at Clark ang nasa dulo ng higaan. Magkatabi sila Danger at Orion (dahil namimilit si Danger at walang magawa si Orion). Magkatabi rin sila Lawron at Clark. Samantalang nasa gitna ako ni Forsythe at Heroic.

"Ayos ka lang ba diyan, Jennifer?" tanong ni Danger nang mapansing hindi pa ako nakahiga. "Gusto mo bang sa ibang foam ka at sa baba kami?" tanong pa niya.

Napailing ako. "Nag-aalala lang ako, baka masipa ko sila Forsythe at Heroic dahil malikot pa naman akong matulog.." awkward kong sabi.

Napalakas ang tawa ni Clark at Lawron na masarap na ang higa sa puwesto nila.

"Halika, yakapin pa kita," alok ni Heroic at binuka ang mga bisig niya. Napangisi naman ako at niyakap siya agad. Naglagay nga lang din siya ng maliliit na unan sa mga gilid ko.

Mariing napaungol si Danger. "Ano ba 'yan! Pati ba naman sa pagtulog, by partner na!" reklamo niya. Niyakap at sinabit niya ang paa niya kay Orion na masarap na ang paghiga pero umangal ito. Tinulak pa niya si Danger sa kabilang bahagi kaya si Boss na ang kayakap nito. Wala nalang siyang nagawa.

"Good night, Gumdrop," sabi ni Boss.

Binati rin namin siya pabalik.

"Ano ba 'tong sleep over na ito, natutulog agad. Akala ko pa naman may pa-games. Kung wala lang pasok bukas, bawal matulog," mahinang reklamo ni Danger nang pinatay na ang malaking ilaw at iniwan lang na bukas ang maliit na ilaw sa gilid. Rinig pa naman ang reklamo niya kaya mahina kaming natawa lahat.

Inayos ko na ang higa ko at niyakap ang mga unan sa gilid ko. Sinubukan kong matulog pero medyo nalungkot lang ako dahil ang bilis naman ng oras.

Akala ko, tulog na ang lahat.

"Kaya kayo andito dahil akala niyo apektado ako sa nangyari 'no?" tanong ni Heroic sa gitna ng katahimikan.

Walang sumagot sa amin. Gusto naming ilabas niya muna ang lahat.

Mahina siyang tumawa. "Salamat."

Mariin akong napapikit sa ilalim ng kumot ko, Isang salita palang 'yun pero umiipon na ang luha sa mga mata ko.

"Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Alam ko naman na balang araw, lalabas din ito. Makikilala rin ako ng mga tao bilang batang binebenta ng magulang sa iba. Nagkaroon din ng mga suspetya ang ibang may alam kung ano ang pinaggagawa sa akin ng mga tao dahil hindi ko masabi kung ano ang nararanasan ko."

"Paano ko ba sasabihin na may nakilala akong bagong magulang?"

Dumilat ako pero hindi ako humarapa kay Heroic na nagkukuwento. Napatingin tuloy ako kay Forsythe sa tabi ko na nakatakip ang mga mata gamit ang bisig niya. Nakita kong gumalaw ang labi niya kaya masasabi kong nakikinig siya.

"Noong una akong dinala ng magulang ko sa isang dayuhan, hindi ko alam kung anong mangyayari. Masyado pa akong bata noon kaya hindi ko naintindihan kung bakit pagbigay sa akin ng magulang ko ay may natanggap silang pera. At sa loob ng motel, nagtataka ako kung bakit ako kinukuhaan ng litrato habang nakaupo ako. Sa sobrang takot ko, habang naliligo ang dayuhan, tumakas ako. Saktong may nakasalubong ako na mag-asawa, kinupkop muna nila ako sa isang gabi. At kinuwento ko kung ano ang ginawa ng magulang ko."

"Sinubukan nilang magsumbong ng pulis pero ako ang umayaw. Alam kong iniwan na ako ng nakakatanda kong kapatid. Ayaw kong mawalan ako ng magulang."

Tinakpan ko ang mga mata ko. Pero bukas na bukas ang mga tenga ko para makinig sa kaniya.

"Pamilya..." Tumawa na naman siya. "Akala ko iyon ang pinakamahalaga sa buhay. Kaya pinahalagahan ko 'yun. Hinayaan kong ibenta ako ng mga magulang ko. Simula pagkabata, palagi ko silang naririnig na magreklamo sa pera. At simula noon, naramdaman kong nabibili na nila ang pangangailangan nila, binibilhan ako ng mga bagong damit at iba pa. Sa bagay na 'yun, napaisip ako na tama rin siguro na magkapera kami kahit sa ganoong pamamaraan. Kasi pinapatakas din naman ako ng mga bumibili sa akin. Nalaman ko na binabayaran sila ng mga kumupkop sa akin noong unang gabi. Pinapapunta ako sa kanila para tumira muna at maituring nilang anak."

"Masasabi kong masyado pa akong bata noon pero alam ko na ang nangyayari sa akin. Alam ko kung gaano karumi ang magiging paningin sa akin paglaki ko dahil walang makakaintindi. Sino ba naman ang ginustong ibebenta ng sariling magulang? Ako. Dahil nakita ko kung gaano sila kasaya noong nababayaran nila ang utang nila. Nakikita ko ang ngiti nila tuwing may mga bago silang alahas. Kahit doon lang, alam kong may nagawa rin akong tama sa maling paraan."

"Mas lalo kong napapansin na lumalala ang mga magulang ko dahil sa pera. Hindi na ako pumayag na magpabenta dahil ibang dayuhan na pala ako binebenta. Muntikan nang matuloy ang balak sa akin noon pero nagawa kong makatakas na sugatan at puno ng mga pasa. Pinuntahan ko ang kumukupkop sa akin at nagalit sila sa sitwasyon ko. Hindi ko man lang sila napigilan na ipakulong ang mga magulang ko. At doon na nagsilabasan ang mga malalaswang bersyon ng isyu. Wala na akong magawa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napapaisip ako na masyado pa akong bata para maranasan iyon. Kaya iyak ako nang iyak tuwing gabi. Kahit may mga nag-aalaga sa akin noong panahon na iyon ay pakiramdam ko, ako na talaga ang mali. Ako talaga ang may problema. Mali ang mga ginawa ko at wala man lang ako magawa. Lumaki ako nang ganito. Nasanay akong ganito. Kaya nakakatanggap ako ng mga salitang ganun."

Napabuntong-hininga siya. "'Yung post... iyon ang lumabas noon. Pero hindi iyon ang totoo. Sinasabi ko ngayon ang mga totoong nangyari. Lumipas naman din iyon kaya wala na akong balak buksan ulit. Mas mabuting huwag nalang pag-usapan pa."

"Umalis na ako sa puder ng magulang ko ngayon dahil nabuntis ang tumayong nanay ko, matapos ang ilang taong paghihintay. Bago pa man lumabas ang bata, nauna na akong magpasalamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nila sa akin. Ayaw kong may makikilalang nakakatandang kapatid ang bata na isang katulad ko. Masasabi kong parang nangyari na rin iyon dati sa ate ko. Parang ginawa ko rin ang ginawa niya. Ni hindi ko siya maalala o makilala ang mukha niya. Mas mabuti nalang talaga na huwag nalang. Atleast, maayos ang pamamaalam ko sa mga bago kong magulang at sinusuportahan ako sa buhay na tinatahak ko ngayon. Marami akong natutunan pero napapaisip ako na sana, sinubukan ko na huwag matulad sa kapatid ko at manatili sa puder nila pero ayon, sarili ko talaga ang may problema."

Huminga siya nang malalim. "Noong makita kayong umiiyak dahil nalaman niyo ang nakaraan ko, nalungkot ako para sa sarili ko. Kasi hindi na ako makaiyak. Masyado na akong nalunod sa luha noon at parang wala na sa akin ang lahat ng iyon ngayon. Pero mas ayos na siguro na namanhid na ako. Tanggap ko na ang lahat ng nangyari. Wala rin naman akong magagawa kung hindi pag-igihan ang buhay ko. Siguro kung hindi ako pinasali sa grupo na 'to, tuluyan akong susuko sa buhay."

Pumalakpak siya mag-isa kaya napabuntong-hininga ako.

"Masyado ba kayong nabigla? Pasensya na kayo kasi never ko pang binuksan ito kahit kanino. Kahit tanggap ko na ang mga nangyari at sa buhay ko noon, mayroon din naman akong pagsisisi at panghihinayang. Mahirap din naman kasing mabuhay paminsan. Kaya pinili ko 'tong program na 'to dahil alam kong may pag-asa pa ako. Malaki ang pangarap ko rito kaya nilolook forward ko na mapabuti ang sarili ko. Medyo nangangamba lang ako kung tatanggapin niyo ako matapos ang narinig niyo mula sa akin."

Bumangon ako. "Tanggap kita at hindi magbabago ang tingin ko sa'yo!!" sigaw ko at niyakap siya agad.

"Mahal ka namin, Heroic! Salamat sa pagmamahal mo sa amin!" Sumali rin sa yakap si Lawron.

Isa-isang lumapit sa amin ang iba para sumali sa yakap. Medyo naramdaman pa namin ang pagbigat dahil itong si Danger at dinaganan kami.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Heroic at sinubukang pagkasyahin kami sa mga bisig niya.

"Salamat sa inyo, Gumdrop. Nang makilala kayo, masasabi kong worth it ang lahat ng naranasan ko noon dahil may pitong nakayakap sa akin ngayon. Salamat dahil binigyan niyo pa ako ng pag-asa."

"Labyutoo, Heroic! Kiss mo nga ako!" biro pa ni Danger sa ibabaw namin.

Napuno ng tawanan ang kuwarto dahil sineryoso ni Heroic ang sabi ni Danger at hinalikan nga siya nito. Mas lalong napuno ng ingay ang loob dahil din sa sigaw ni Danger habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang damit ni Lawron. Hindi ko mapigilang matawa.

I have no words to describe how much I love them.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.4K 312 105
A mystery/thriller epistolary. Once upon a vacation, something strange happened to Divina Apostol. Later that night, someone approached her as a sta...