The Billionaire's Daughter [P...

By asureichan

195K 6.8K 2.1K

"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste some... More

Chapter 2: Pussycat
Chapter 3: Hot or Cold?
Chapter 4: Professor Xavier
Chapter 5: Unlucky Day
Chapter 6: Take Me Home
Chapter 7: Kissed
Chapter 8: Visitors
Chapter 9: Mommy? Daddy?
Chapter 10: Bad Mood?
Chapter 11: Lunch With Crush
Chapter 12: Leave A Mark
Chapter 13: Friday Event
Chapter 14: Friday Event Part 2
Chapter 15: SM
Chapter 16: Run!
Chapter 17: Stop Running?
Chapter 18: Allergy
Chapter 19: Game Bet
Chapter 20: Moving On
Chapter 21: The Art Of Flirting By Alexandra
Chapter 22: The Gate of Heaven
Chapter 23: Saturday's Trouble
Chapter 24: My Landmark
Chapter 25: Crush
Chapter 26: Rejected
Chapter 27: Missing you
Chapter 28: Closer
Chapter 29: Breakfast
Chapter 30: Unpleasant Morning
Chapter 31: Choose Me
Chapter 32: Don't Touch Me
Chapter 33: Bite The Bullet
Chapter 34: Exterminare Eos
Chapter 35: Dies Ultimus
Chapter 36: Party and Blood
Chapter 37: The Night We Met

Chapter 1: Meet Alexandra

25.8K 307 133
By asureichan

(ALEXANDRA'S POV)

"Alexa.."

"Mm.."

"Alexa.."

"Mmm.."

"Alexa!"

"Fives minutes..please.."

Hayss naman kase. Natutulog ang tao eh.

"Alexandra!!!"

Awit naman to kaaga aga e nangbobroadcast na naman. I mean okay lang naman saken e broadcast name ko kaso etong si Nanay pagmagbroadcast e may galit, ansama parang di pamilya.

"Nay naman e.. five minutes lang e!"

"Alexandra wag mo akong mafive minutes five minutes diyan! Aba'y tanghali na, anong plano mo? Araw araw na lang dios mio kang bata ka! Bumangon ka na riyan at maligo!"

Binalot ko na lang ang sarili ko ng kumot at tinakpan ang mukha ng unan. Bahala na antok pa ang tao e aba'y wag naman bastusan Nay, sa ganda kong to dapat palaging sleeping beauty!

Nang wala na akong marinig na pagsesermon ay napangiti na lang ako at tinuloy ang session nang aking pagtulog...

Pero wait wag naman ganon Nay huhuhu

Alam ko na ang kahihinatnan ko sa tono nang mga mabibigat na yapak na yan na papalapit na sa kwarto ko.

Lord, wellppp!

Biglang napabangon ako at pinagpatong ang mga unan at nang marinig ko ang yapak na biglang huminto sa tapat nang pinto ay wala na akong choice kundi ang itago ang kumot na di pa natupi sa ilalim nang mga unan na pinagpatong ko. Dali- dali kong hinablot ang suklay at hinarap ang sarili sa salamin na kunware matiwasay na nagtatali nang buhok. Ang galing ko talaga haysss applause to you self makakasurvive ka today! Kit sabog naman ang utak ko dahil kakagising lang pero never kong makakalimutan magpuri ng sarili ko no!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa neto ang tigre kong Nanay na hawak hawak ang susi nang kwarto ko at napatingin sa akin. Since I feel safe naman na kase nga ang galing galing ko diba edi time na naman ulit para mabihasa pa ang aking acting skills mwehihihihi

Kunwareng nagbusy busyhan ako sa pagsuklay ng aking precious hair. At huminto nang ilang segundo para harapin ang aking inahan na halos maging angry birds na ang kilay with matching imaginary usok sa ilong dahil sa galit.

"Yes, Nay? Good morning..mwa-arrr- arayy!! Nay naman eh!"

Hayss kaloka naman tong tigre na to kinikiss na nga e ako na nga tong nag good morning e aba'y parang di pamilya kong makahampas nang unan.

"Wag mo akong daan daanan sa mga ganyan mo Alexandra! Umayos ka di ka na bata para paluin pa! Tingnan mo pati kumot di marunong magtupi jusko ka anong mararating mo sa buhay pag ganto ka lagi"

"Handa naman po ako maging construction worker Nay"

Oo construction worker na lang nanunuod naman ako lagi sa kay Kuya Bert na naghahalo ng semento sa kanto may bagong bahay na malaki silang ginagawa e satisfying kasi tambay kaya ako dun kasama mga alagad ko WAHAHAHAHA tama tama ang galing ko talaga mindset ba mindset!

"Nayyyy!"

Aba'y ansaket non ah! Hinampas ka ba naman nang pagkalakas edi nahimasmasan yung pretty face ko't nagising na din ang sabog kong utak. San ba ni Nanay nakuha yang walis tambo wala pa yan sa kamay niya kanina ah! Aba amazona na nga magician pa!

"Na-nay! Don't... please!"

Siyempre kahit masakit ung pwet at paa ko sa paghampas netong tigre na to dapat ituloy ko pa din ang actingan ko! Full-time career ko tong acting skills na to e!

"Alexandra! Subukan mo lang makikita mo ang hinahanap mo! At tsaka anong construction worker? Nababaliw ka na ba? Paglaba at pagsaing nga di mo magawa!"

"Mother, first of all, susubukan ko talaga pag di ko makikita hinahanap ko. Second, yes, construction worker kasi why noirrtt? Third, me? Nababaliw? Nay, I believe I-Nayyyyyyyyy WAHHHHHHH!!"

Aba'y nakakailan na tong inahan ko na to ah! Kit inapplyan ko na nang mabilisang action reflexes skills ko naabot pa din ako nang hampas oh no mas nag improve pa yata reflexes ni Nanay saken ah! Di pwede to dapat ako ung umimprove dito!

Nang mapagod na ang inahan kong tigre sa kakahabol saken sa loob nang kwarto na ngayon at parang silid na nang taong grasa, ay agad etong lumabas at ewan ko kung saang lupalop na nang bahay napadpad.

Binilisan ko na lang ang pag- ayos nang kwarto ko't alam kong baka mamaya pupuntahan na naman ako neto sa taas. Kakagising lang e baldado na kagad, bardagulan ba naman ang almusal ko. Pagkatapos kong magligpit at magwalis ng aking munting kaharian ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina upang tingnan kung nandon ang tigre na aking kaduel sa bardagulan kanina. Habang pababa pa lang ng hagdan ay tiningnan ko muna kung anong oras na at nang nakita kong 6:43 pa lang nagpapadyak at padabog akong pumunta na sa kusina. Kainis naman aga aga pa e sarap ibenta naman tong Nanay ko na to oh. O mga people kit discounted na ibigay ko na sa inyo or gusto niyo iparenta ko sa inyo if want niyo lang bardagulan every morning. Di joke lang love ko yan ih!

Tiningnan ko ang kusina pero wala eto dito kaya naghilamos muna ako at pumunta sa salas. Nadatnan ko naman na nagkakape eto at nakain nang pandesal na nanunuod sa harap ng TV.

"Namataan ang panganay na anak na babae ni Edmund Diaz, isang bilyonaryo na kasama ang haka haka na kasintahan daw neto na si Richard Tan na tagapagmana din ng Tan Corporation sa isang restaurant kahapon. Ilang oras pa ang lumipas at nakapost na sa Instagram ng binata ang isang candid na photo ni Sapphira with a caption: Wish I could spend more time with you. Hindi pa man kumpirmadong may relasyon nga ang dalawa pero mababasa mo naman kung gaano ka suportado ng mga fans nang dalawa ang kanilang ugnayan. Sa pahayag ng pamilyang Diaz........"

"Aba'y maligo ka naman Alexandra ilang araw ka na na di naliligo puro ka lang selpon selpon ano ba pinagkakabusyhan mo gabi gabi ha e bukas pa naman pasok mo at tsaka dios mio kang bata ka di ka na highschool college ka na umayos ka! Maligo ka na dun at magbihis bilisan mo at tayo'y aalis"

"Ayaw"

"Anong ayaw?"

"Ayaw kong maligo"

"Alexandra wag mong ubusin pasensya ko"

"Eeeehh Nay naman anlamig kaya tsaka di ba sabe mo magtipid tayu oh ayaw mo niyan nakatipid ka na"

"ALEXANDRA!!"

Bago pa man ako matamaan nang tsinelas ay kumaripas na ako nang takbo sa kwarto ko at kumuha nang tuwalya kit labag naman sa loob ko ay napabuhos na lang ako sa banyo. Tatalon talon pa akong nanginginig sa lamig habang binubuhusan ang sarili. Maya maya pa'y nagshampoo na ako pero di pa nagbuhos at pinanatili munang paglaruan ang buhok ko nang iba't ibang style nang bula sa harap nang salamin.

"Alexandra anong oras na di ka pa matatapos diyan?!"

"Natae pa nga e"

Joke lang yun aba'y ayaw ko na mabugbog ulit no

"Pakibilisan!"

Di ko na sinagot pa eto at nagbuhos na sayang naman ng hairstyle ko na bula hayss may bigote pa naman di na bale nakapagtake naman ako ng picture hehe maipost nga mamaya.

...

"Nay"

Naku gutom na ako bwakanginangshit

"Magkano kilo netong bangus niyo?"

"250 ho"

Kanina pa ako dito nagdadabog at nagpapadyak e bingi bingian lang Nay? Seriously?

"Nay"

"Di ba pwedeng 200 na lang?"

"Ay lugi ho kami pag ganon tsaka biglaan din kase pagmahal ng presyo nang mga isda ngayon e lalo na tong bangus"

"Nanay"

Kainis naman to di pa nga ako nakapag almusal e di namamansin.

Sa sobrang pagkadesperado ko na pagtawag kay Nanay ay hinawakan ko na lang ang laylayan nang daster neto sa gilid malapit sa kilikili para humingi sana pambili nang taho na sa kasamaang palad napunit nang itaas neto ang kamay para iabot ang bayad kay Kuyang nagtitinda ng isda.

LORD WELPPP! MAHAL KO PA PO BUHAY KO!

"Alexan---"

Akmang tatampalin na ako ni Nanay nang biglang magsalita si Kuyang nagtitinda ng isda.

"Anak niyo? Apakaganda mo naman iha"

"Naku dalaga na nga yan may bolbol na di pa marunong maglaba at magsaing"

Luh Nay parang di pamilya ah! Laglagan lang?

Ustu ko na lang magpalamon sa lupa!

"Aba'y pareho pala sila ni Justin ko, binata na din pero ansaket din sa ulo, pasaway. Magfifirst year college na nga yun dito sa Greenbelt kala ko nga di makapasok e sa awa ng Diyos nakapasa din."

"Parehas pala sila netong pasaway na to. Diyan din sa Greenbelt magkacollege, wala naman akong problema sa grades neto sadyang matigas nga lang ang ulo"

Luh may ulo bang di matigas. Marshmallow ba ulo mo Nay? Makadescribe ka saken parang bakal ang ulo ko ah parang di anak

"Napakamahal ng tuition riyan ano? Buti nga sa kay Justin e binayaran ng ate niya na nagtatrabaho sa abroad di naman kase sapat yung sa pagtitinda ko dito"

"Oo mahal nga eh dito naman kay Alex ko e bayad na kase full yan binayaran na nila Ma'am"

"Aba'y mabuti naman kung ganon atleast wala ka nang poproblemahin"

Pagkatapos magmarites netong Nanay ko e umuwi naman kami kagad, wala akong choice mga people ininda ko ang gutom ko hanggang makarating kami ng bahay. Okay na nga yun kesa bardagulin niya ako dun kanina sa palengke nang mapunit ko daster neto. Ako kase lagi chaperone pagmamalengke tagabitbit lang naman.

Nagluto lang naman si Nanay nang sinigang na bangus kala ko nga di niya bibilhin yun e kaso binili niya din e aayaw pa siya binigay na nga lang sa kanya nang meju mura kase ba naman nagagandahan si Kuyang nagtitinda ng isda saken, sa charms ko na to? Char pero di naman siguro kami magkikita ng anak niya sa school no? Mukhang may plano ata tong si Kuyang nagtitinda ng isda e. Sabagay di naman kami nagmeet non so safe naman ako.

After namin ni Nanay kumain ng pananghalian ay agad naman ako netong inutusan na ako na lang daw mamili ng mga gamit ko pangschool sa Lunes, masakit na daw kase tuhod niya sa kakalakad sa palengke kanina. And siyempre as masunuring anak, sumibat na me papuntang labasan dala dala ang aking bike na sinto sinto na Hello Kitty na regalo pa saken nong 10 years old pa ako. Nakailang repair na nga to e sabi ni Nanay bili na lang kami bago nong last year kase daw antangkad ko na ung bisikleta ko e pambata, e ano naman nagana pa naman ah tsaka di pwede palitan ko to no masyadong mahalaga to saken.

Meju malapit lang ang SM dito sa bahay kung kaya't ilang padyak ko lang andito na ako kagad, basic, tss. Joke lang kapagod naman kase nakipagkarera kaya pa ako HAHAHA syempre talo ako. Humanda sila pag ako nagkaracing car banggain ko sila lahat.

Hindi ko na inabala pang tanggalin ang Hello Kitty kong helmet na gusgusin na halos di na magkasya sa ulo ko kase nga pambata pero napakasya ko pa naman kase nga bright ako dba? Ginamit ko lang naman ang sintas ng sapatos ko para matali nang maigi ang precious helmet ko sa ulo ko. Matapos kong matali sa parking lot sa gilid ng SM ang aking cutie bike ay agad akong pumasok sa loob at napangiti na lang sa sarap ng lamig ng aircon. Nakacroptop ako at maong shorts na pinagparesan ko ng boots na binili ko na sobrang laki sa paa ko pero sure ako na di naman malalaglag kase nga nakailang medyas ang suot ko sa loob neto. Ramdam na ramdam ko ang nanunuot na lamig sa katawan ko dahil sa aking kasexyhan wews HAHAHA. Nagsalamin pa nga ako sa gilid ng isang mukhang mamahaling kainan sa loob ng SM na sa gilid lang ng National Bookstore. Apakasexy ko ba naman mukhang pawis nga lang ako pero hays baket ba ang ganda ko dito? Teka baka may tao sa loob tas nakikita ako dito na nagpopose pose? Di na bale di naman nila ako kilala

Masayang pumasok ako sa loob ng National Bookstore nang biglang hinarangan ako ng security guard.

"Miss yung helmet niyo po pakitanggal"

"Ah hehe sige po"

Halos ilang minuto akong nakatayo sa harap ng security guard kase nga ang hirap tanggalin nang sintas ng sapatos ko na hinigpitan kong itali sa bandang ibaba ng chin ko. Ansaket na ng bagang ko sa kakapilit na tanggalin ang aking helmet. No choice ako kundi pinilit ko na lang na ibaba ang helmet ko pero nakakabit pa din sa likuran ng aking ulo, kumbaga sa batok ko lang nakakabit kaso nga lang meju di ako makahinga kase sa leeg ko naman ang sintas ng aking sapatos na malakas pa din ang kapit amp.

Namumulang hinarap ko ang security guard at pinipilit na ilabas ang aking bungisngis na ngiti pero napalitan naman ng inis nang makita kong tawang tawa na eto pero pinipigilan lang.

"Okay na po pumasok?"

Pagpipigil ko sa inis. Baket kase tumatawa? Eh ako nga tong onti lang ang oxygen na pumapasok sa bunganga ko kase nasasakal ako dahil sa helmet.

"Di ka nasasakal? Namumula na leeg mo oh"

Taena? Sige tawa ka pa, suntukin kita diyan e. Pogi ka lang ako maganda.

"Di naman po hehe"

Akmang papasok na ako sa loob nang biglang naramdaman ko na parang may tumitingin saken aside sa security guard. At taena madame pala nakapila sa likod ko na nag aantay makapasok.

LORDDD SUNDUIN MO NA LANG AKO!!

Sa sobrang hiya ko kase ba naman pinagtitinginan pala ako nila lahat ay mabilis pa sa kuneho akong pumasok at inignore na lang ang kahihiyan na ginawa ko na magiging potential reason na pwede akong abandonahin ng aking angkan.

At nang maginhawa kong meju nakalimutan ang nangyari ay agad kong inilabas ang listahan na ginawa ko para sa mga school supplies mula sa aking belt bag na nakasabit lang malapit sa aking pusod.

Pero nasasakal pa din ako ah kase naman ih kainis gupitin ko na lang to mamaya pag nakakita na ako ng scissors.

Nakakuha na ako ng mga notebook ko at ballpen pati na din ang iba ko pang mga kakailanganin. Ang saya lang kase puro nakuha ko ay Spongebob notebook at Hello Kitty naman na ballpen at pencils. Thanks talaga Lord ah kase di mo pinasama si Nanay panigurado di ko mabibili mga ganto at tsaka Lord magdidisi otso na ako so independent na dapat ako, dapat di na kasama si Nanay kaya ko naman po e. Behave naman po talaga ako, pramis.

Patawa tawa akong naglalakad at hinahanap kung saan ako makakuha ng scissors. At nang makita ko ang hilira neto ay napangiti na lang ako kaso biglang napasimangot na lang nang maalala na baka hahabulin na naman ako ni Nanay ng walis tambo kung malalaman niya na sintas nang sapatos ko ay putol na. Pero wala akong choice no di pwedeng hanggang bahay ba naman ako masasakal at tipirin ng oxygen. Bahala na nga itatapon ko na lang ang pares ng sintas ko at pag hinanap ni Nanay sabihin ko na lang na baka nakalimutan na naman niya kung san nilagay nong paglaba niya mwehihihi tama tama! Lord sorry po ah last na po to promise.

Kumuha ako ng isang gunting at ilalagay na sana sa aking cart na malaki pero onti lang naman ang laman nang biglang nagheart heart ang aking mga mata nang makita ko sa katabi neto ang nag iisang Frozen na scissors na may picture ni Olaf. Akmang kukunin ko na eto nang may kamay na pumatong sa aking kamay na nakahawak sa Frozen na scissors. Damn ang bango niya ah anlambot pa nang maiinit niyang kamay pero who you ka saken akin lang to ako ang nakauna aba'y dapat mapasaken lang. Dinampot at hinawakan ko nang mahigpit ito pero napahigpit din ang hawak nang kung sino mang alien na to sa aking kamay. Teka ustu ata netong alien na to ng bardagulan pwes di ko siya aatrasan!

"Bwakanginangshit bardagulan ba ang ha-"

Umm ano tong malambot na to? Ang bango ha kit may sagabal yung paghinga ko mas piliin ko na lang manatili dito yung ilong ko. Anong flavor to parang sarap kainin ambango nakakarelax naman. Pero bakit parang may dumadagundong sa loob ano ka-

"Are you done?"

Ha? Ba't nagsasalita to? Ang ganda ng boses ah di katulad nang boses ko na boses kargador pag bagong gising pero okay lang din hot naman pakinggan.

"Tsss.."

Mayamaya pa'y namalayan ko na lang na wala na yung amoy at malambot na ewan sa aking mukha. Pero ba't andilim?

Lord, hello??

Ayyy!

Ah kaya pala madilim kase nakapikit ako hehe sorry naman Lord naninigurado lang.

Ngunit ganon na lang ang aking pagkagulat nang makita ang isang nakatayo sa aking harapan. Ang ganda! Holy shit.

Tiningnan ko eto mula ulo hanggang paa at di makapaniwalang napabuntong hininga sa aking isipan, akala ko ba Lord favorite mo ko at ako lang? Ba't mas may maganda pa saken? Ikaw Lord ah andaya mo.

Akmang aalis na sana eto nang hablutin ko ang braso neto na ikinanoot naman ng mga kilay neto. She looked at me from head to toe as if she's scanning me and those eyes questioned me with "what-the-fuck-do-you-want"

"Scissors"

Yun na lang ang lumabas sa aking bibig habang di maalis alis ang aking mga mata na nakatitig sa kanyang mga mata na parang nanghihipnotismo nang di oras at di ka na lang makakagalaw sa kinatatayuan mo.

"Wh-what?"

Luh ba't to nagsstutter? Di naman ako mukhang mangangain or nakakatakot ah! Oyyy nakakaoffend yun ah tanggap ko naman na favorite din siya ni Lord pero maganda din naman ako ah! Mabuti na lang magkasingtangkad kami hihi

Joke lang mas matangkad pala siya saken 5'4 lang ako siguro mga 5'8 or 5'9 to.

"My scissors"

At nang magets niya na ang tinutukoy ko ay biglang napatingin eto sa kamay niya na hawak hawak ang baby Olaf ko pero ganon na lang ang aking pagkainis nang ilagay na eto sa cart niya na punong puno ng mga school supplies. Luh yung totoo gagamitin niya lahat yan?

"It's mine now"

Sarap hambalusin it's mine now it's mine now ka diyan mama mo blue! Kala mo papatalo ako ah!

"I touched it first, so it's mine."

Bwakanginangsheett galing ko dun ah

I stared at her with my most coldest stares. Pagsusungit ko siyempre ako pa. Behave ako no pero pag bardagulan di ko aatrasan yan.

"And I have it now, so I'm the last."

Joke lang pala di ko kaya makipagtitigan sa kanya kung ang stares ko ay freezer sa kanya North Pole.

Pero di pa din ako papatalo no kala niya baka Alexandra to!

"Okay."

Yun na lang ang aking sinabe at padabog kunyare na nagpupush ng cart na halos iilan lang na notebook ang laman at iba pang school supplies na ikinanoot naman ng kanyang mga nagsasabungang kilay. At nang malapit na ako sa cart niya ay biglang hinablot ko si baby Olaf ko na scissors at kumaripas na nagtulak ng cart sa counter. Mabilisang pinaglagay ko sa counter lahat ang aking mga school supplies at dahil oonti lang naman ay mabilisan din ang pagbilang neto. Palinga linga pa ako at kinakabahan baka mamaya sugurin ako nang alien na yun, dapat alerto ako di pwede makawala saken si baby Olaf ko.

"1, 010 and 20 cents po lahat Miss"

Napatigil naman ako sa kakalinga nang magsalita ang cashier na ngiting ngiti saken. Dang! Sabe ni Nanay wag lumagpas ng isang libo e kainis kala ko tama yung calculation ko sabagay estimated ko lang naman yun kumulang pa. Napapadyak at napasimangot na lang ako sa inis.

"Ah sige po"

"Cash or card po?"

"Card na lang po"

Hinalughog ko na lang ang aking belt bag at iniabot ang card sa cashier na biglang nagulat nang maiabot ko eto sa kanya at kinuha naman neto't parang alanganin pa.

Matapos kong makaalis sa counter ay sumibad na ako palabas nang parking lot at hinanap ang aking baby. At nang makita ko eto ay agad ko namang kinuha eto sa tali at nilagay ang paper bag ng aking pinamilhan sa basket neto sa harapan.

Safe naman ako nakauwi at siyempre masayang masaya kase panalo na naman tayu sa bardagulan, ako pa ba?

Nang nasa kanto na ako malapit sa bahay namataan ko ang aking mga alagad malayu pa lang kung kaya't bigla kong pinahinaan ang aking pagpadyak at huminto sa harap nila.

"Ateee Alexxxx!!"

"Ateeee!"

"Hi Ateee!"

Agad naman akong napangiti sa mga bungisngis nila. Nakipaghigh five ako sa kanila at binuhat naman si Kiki at hinalikan sa noo si Kikay na nakayakap sa aking binti. Yung mga Kuya naman nila at iba pang kasama na tinuri kong mga alagad na din HAHAHA ay nagsidatingan na din para salubungin ako.

"Oh ano Ate Alex g ka ba ulit? Andun pa din yung waterguns naten tinago namin"

"Oh baka naman weak ka na ngayon Ate?"

"Wag na Ate ayusin na lang naten yung bahay bahayan naten dun sa likod namin"

"Ate penge pera"

"Ate session na lang ulit tayu"

"Ate kwek kwek tayu"

Hayyys aking mga alagad my, my, my.

Oo mga alagad ko mga yan BWAHAHAHAHA! Mga anak ng kapitbahay namin at ang iba e mga bata sa kabilang kanto. Malalaki na din mga yan ako lang pinakamatanda sa kanila at ang pinakabunso ay si Kiki at Kikay na kambal na halos ako na ang ginawang nanay.

Tiningnan ko naman ang aking relo at nakitang alas tres pa lang naman ng hapon. Sige na nga lang..

"Osige hatid ko na lang to sa bahay at magkita kita tayu sa hideout naten. Magsession tayu. Magpaalam muna kayu bago pumunta dun, okay?"

Nagsalute silang lahat nang sabay sabay at umalis na nag aarmy march pa. Lihim na tumawa na lang ako. Ghadd, I'm so proud of myself!

...

Kinaumagahan, halos pasabugin na ng tigre kong Nanay ang aking kwarto kase naman may klase na pala ako.

8:00 AM yung pasok ko at 6:30 AM palang e ginising na ako ni Nanay kit labag sa loob ko ay di na lang ako nagreklamo. Baka maglaro naman daw ako sa banyo at mag orasyon nang ilang oras bago matapos.

Nakaayos na lahat ng gamit ko na inayos na pala ni Nanay kagabi kase alas singko na ako nakauwi at natulog na lang na di kumain sa pagod ba naman makipagbardagulan sa mga bata.

Dali- daling akong nagsubo nang iilang kutsara ng sinangag na kanin at itlog. Inilagay ko na lang sa aking backpack yung balot na lunch box na may picture ni Anna and Olaf na ibinalot ni Nanay. Agad kong isinukbit ang backpack sa aking likuran at isinubo ang hotdog na aking papakin sa daanan habang nagbabike.

Matapos makapagpaalam kay Nanay na nagdidilig ng mga anak niyang halaman sa harap ng bahay ay agad kong pinasibat ang aking precious Hello Kitty bike. Siyempre for the safety sinuot kong muli ang aking gusgusin na helmet. Pinilit ko na lang na ipagdugtong ulit yung sintas na pinutol ko kahapon nang umuwi ako dahilan upang pumula ang aking leeg na para bang nilaslas ko ito buti na lang meju di na halata eto ngayon. Tinanong pa nga ng aking mga alagad if may nakaaway ba daw ako or sadyang ako gumawa non sa leeg ko, tinawanan ko na lang sila at simpleng pinag sparring sila isa sa. Oo, ako yung master nila sa bardagulan kaya tinitraining ko sila, siyempre alam naman ng mga parents nila pero dahil daw mapagkakatiwalaan naman ako e ayun, ayus lang naman daw sa kanila.

Nakarating ako sa Greenbelt University nang matiwasay, wala naman masyadong sagabal sa daan. Tinignan ko ang aking relo nang nasa harapan na ako ng gate. Bukana pa lang neto e mukhang mamahalin na kit ibenta siguro bahay namin at iinclude pa kaluluwa ko e di pa din kaya ng katumbas neto. Kumikinang ba naman na gold at silver yung mga nakaukit sa gate na napapalibutan ng security cameras at tigdadalawang security guard na parang di naman guard sa outfit nila kase parang FBI agent pero may tatak na MHG sa dibdib, sa magkabilang sulok at isang guard sa mismong pinto na nagbubukas-sarado nang gate para sa mga kotseng dumarating at ibang mga studyante.

7:29 AM pa lang naman. Punta na lang muna ako sa admin office para magtanong ng iba pang need ko. Infairness makakapasok na din ako dito. Kahit na malapit eto meju sa bahay e never pa ako nakapasok dito tanging gate lang neto nasisilayan ko tuwing dadaanan namin eto. Bawal daw kase ang mga outsider e unless VIP guest ka. Well, sabagay e pang mayaman naman to di ko naman talaga plano mag enroll dito e si Nanay lang namilit kase nga inaasahan daw yun ng nagpapaaral saken and if tanungin niyo if sinong mga yun wala na akong pake sa mga yun tagal tagal na e di man lang nagpapakita.

"Miss, authorization pass please"

Ayy oo nga! Bumaba muna ako nang aking bike at hinalughog ang aking backpack. Nang makita ko naman ang black and gold na envelope na invitation card from Greenbelt U ay agad ko itong iniabot. Iniscan lang naman nang security guard yun gamit ng parang laser na biglang umilaw ng green. Iniabot niya muli saken ang envelope and may kung ano mang pinindot na bumukas sa pinto sa right side.

"You may come in, Miss"

"Where can I park my bike po?"

"Leave it here, we'll transfer it later inside, I'll give you a ticket so you can take it outside once the class is finished"

Ay wow Englishan pala dito e. Buti na lang bright ako.

"Okay, thanks!"

Nginitian ko na lang ang security guard habang ang mga kasama neto e parang tawang tawa sa ewan ko ba if may nakakatawa.

At dahil nga idinugtong ko lang yung sintas ng sapatos ko para lang masuot yung helmet uli e dun na naman ako nahirapan hubarin eto. Hayyss!

Buti na lang mabait tong security guard, siya na lang nagtanggal sa ulo ko. Kuya Guard na lang ipangalan ko sa kanya para cute.

Ipaayos ko na lang pag uwi ko siguro sa repair shop tong helmet na to nakakailan na e, ilang araw na napahiya ako dahil dito pero siyempre love na love ko to!

At nang makapasok na ako sa loob ay siyang pag ngiti ko naman dahil apakaganda naman talaga mga mare! Pwede bang dito na lang ako tumira? May dalawang dorm building din sa di kalayuan ilang floor kaya yan ang taas e. Gusto ko pa sana bilangin kaso wag na di din naman ako titira diyan baka di pa kaya kit ipagsabay kong ibenta kaluluwa ko pati kay Nanay.

Sa di kalayuan, habang palakad lakad ako ay may nakita akong announcement board. Mabasa nga at baka may map din akong makita at di na ako mahirapan. Ngunit ganon na lang ang aking pag ngiwi nang di ko mabasa ang mga eto kase Chinese ba to or Japanese? Yung sa kabilang banda naman mababasa ko nga di ko naman maintindihan. Seryuso ba sila dito? Kainis sarap magdabog dito.

"Can I help you?"

Tinatamad ako humarap sa kung sino mang timang na to kitang nagbabasa ako dito e. Joke lang di ko pala maintindihan.

"Nope, I'm good"

Bahala ka diyan kung sino ka man, ikaw pumunta sa harap ko if gusto mo. Wala ako sa mood para humarap.

"You sure?"

Di ko na sinagot eto at lumakad na lang ako kung san mapapadpad ako ng mga paa ko, asan ba kase yung admin dito?

"Great, now I'm just talking to a dead air"

"Mama mo blue"

Yun na lang ang lumabas sa aking bibig dahil sa inis.

"What did you say?"

Sa inis ko ay huminto ako sa paglalakad at akmang haharapin

Sino ba kase tong timang na to gusto ata neto ng is----

HOLY MOLLLYY FUCKKINGG SHIITTT!

Mga mareee pasabi kay Nanay handa na akong mag asawa mag koconstruction ako oo anakan ko to mga kinse

Fuck! Pigil na pigil ang paghinga ko. Normal pa ba to? Teka wait ba't nanginginig tuhod ko?

She's so fuckin pretty! Nakabraid yung dark hair niya tapos nakaskirt siya pero tucked in yung white sleeveless top niya na pinatungan naman ng cardigan and kit di siya nakaheels pero antangkad niyaaaa like bruh apakan mo ko pleaseeee

"Hey, are you okay? You're turning red"

Hala mga mareee concern siya oh

"15 or 20?"

Kumunot naman ang noo neto.

"Huh? What do you mean?"

"Just choose"

I commanded without taking my eyes off of her.

"Umm...20?"

"Okay sige anakan kita bente"

Bwakanginangshett kinilig ako dun ah bente daw mga mare gusto niya oh

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Luh mukha ba akong nagjojoke? Pero ang cute niya tumawa. Okay, sige Lord payag na akong di lang ako peyborit mo, oks lang di naman masama loob ko onti lang pero joke pa din yan Lord love kita e

"I'm CJ and that was smooth. What's your name?"

"Alexandra"

"Cute name. Nice meeting you"

"Nice meeting you too hehe"

Siyempre mga mare kit papaano may hiya din ako no

"So, you're new here?"

"Yeah"

"Course?"

May crush ata to saken kung maka interview e

"Astrophysics"

"Oh cool, so you must be a genius. A pretty genius lady eh?"

Napahinto naman ako sa paglalakad at tinitigan siya sa mata ng ilang minuto.

"Wag kang ganyan, straight ako"

"HAHAHAHAHA"

"Oh baket?"

Weird naman netong babae na to kung di lang maganda

"You're cute"

"I know"

Siyempre proud naman ako sa part na yan mga mare, ako pa ba?

"You know, I am straight too but I think someone's bending me now"

Patawa tawa pa etong inayos yung buhok ko na nagburusanggal yata dahil sa helmet kanina na ikinagulat ko naman pero sa huli hinayaan ko na lang.

She seems sweet and I like it, ang gaan lang ng loob ko sa kanya.

"Come on, I'll take you to your classroom. It's right next to mine."

Agad niyang hinablot ang braso ko at dali daling lumakad sa direction ng isang building sa di kalayuan. Ganon na lang ang aking pagkagulat na madame na palang studyante ang nakatingin samin. Kanina lang meju onti lang studyante na nandito ba't biglaan dumami? At kung makatingin sila ah parang may inagaw akong pagmamay ari nila.

"Don't mind them"

Muntik na ako matapilok sa kakahila netong babaetang to.

"Teka, CJ, waitt.."

Huminto naman eto at hinarap ako.

"Di ko pa alam kase schedule ko, punta muna ako sa admin hehe"

"No need, gimme your phone"

Di ko man gets kung baket hinahanapan niya ako ng phone pero kinapa ko na lang ang aking bulsa at binigay eto sa kanya.

"Why it's not working? Your browser is not working"

Napakamot na lang ako sa ulo sa hiya.

"Um..ano kase..wala akong internet load hehe"

Binungisngisan ko na lang siya na ikinangiti naman niya, ang cute naman ng nilalang na to.

Agad namang parang may kinuha eto sa sling bag niya at nilabas ang phone tsaka nagtype type.

"Do you still have the pass card?"

Nang magets ko naman ang tinutukoy niya ay agad kong kinuha sa bag ang card na iniscan kanina pagpasok ko ng gate at binigay sa kanya. Agad namang parang may tiningnan siya dun at tinype sa phone. Maya maya pa'y kinuha niya ang phone ko at pinicturan ang screen ng phone niya. May tinype siya sa phone ko after tsaka bumaling saken.

"Here, your schedule is already saved in your gallery. I also saved my phone number there, I'll call or text you later for lunch, okay?"

Tumango naman ako at sumunod na lang sa kanya dahil hinablot na naman neto ulit yung braso ko at hinila sa harap ng pinto ng isang classroom. Nakita kong may nakasulat naman mismo sa door neto na "Astronomy and Physics"

Biglang kinabahan naman ako at nag overthink na baka andito na lahat at ako pa nahuli.

"Relax, hun. It's your first day so it's normal"

Parang nanay naman tong CJ na to kung makasalita e parang di din studyante dito. Nakangiti naman akong hinarap eto tsaka yumakap na bigla namang ikinagulat niya.

"Thanks, CJ."

Nang maramdaman ko ang paghaplos haplos neto sa likod ko ay agad naman akong nasiyahan to think na first day ko ay may kakilala na ako tapos mabait pa. Nang magkaroon na nang distansya sa gitna namin, akmang papasok na sana ako ng pinto nang bigla etong magsalita.

"You can call me anything but not CJ, I don't like it I feel like you're making me a stranger to you now that we're already friends"

Napangiti naman ako, aba'y demanding pala to.

"Noted, my love"

Biglang napangiti naman eto at nagflying kiss pa nga.

Kunwaring sinalo ko naman yung kiss at binulsa kaya tumawa naman eto.

After naming maghiwalay ni CJ ay agad naman akong pumasok sa loob ng classroom at mabuti naman kase iilan pa lang ang nandudun. Inilabas ko na lang ang phone ko at tiningnan ang schedule. Napangiti naman ako nang makita ang mga subject kase alam kong exciting naman pag aralan ang mga eto lalo na't advance akong nagbasa sa mga topic dito. I actually took advance short courses online from different universities na kilala abroad at nagkacertificate naman at pasado kaso iba pa din talaga yung degree na, balak kong mag PHD talaga at maging certified na Astrophysicist kaya hanggang maaari kelangan ko pag aralan lahat. Di ko lang talaga sineryuso ang mga grades ko sa highschool kase di ganon ka exciting yung topics saken pero kahit ganon palakol yung mga grades ko ay tanggap naman ako ni Nanay, di nga makapaniwala na nakapasa ako sa entrance exam dito sa Greenbelt U e. Mukha akong tamad mag aral pero di naman ako pabaya siyempre. May pangarap din ako no.

Matapos kong titigan ang schedule ko sa iba't ibang subjects agad ko namang kinuha ang headset ko sa bag at akmang makikinig na muna ng music nang biglang may nagmessage at lumitaw ang name na "Gorgeous".

Napakunot naman ako ng noo kase wala akong matandaan na may contact dito kundi si Nanay lang at di naman yun nagtetext kase palagi naman kami magkasama tsaka di naman yun nagpapaload kung di importante.

From: Gorgeous

Hey cutie, follow me back on Insta and accept my friend request on Facebook, please?

Huh? Sino to?

Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang screen ng phone ko at ganong napasapo na lang ako sa noo nang maalala na si CJ yata eto dahil sa sinabe niya kanina bago kami maghiwalay.

Akmang pupunta ako sa Instagram nang maalala kong wala pala akong load for internet. Awit na yan kung mahirap nga naman. Bahala na sa bahay na lang, total dun naman yung wifi na ako lang naman gumagamit e di naman nag iinternet yung tigre sa bahay.

Hinayaan ko na lang ang message ni CJ at saka nagscroll scroll ng music sa playlist ko para makarelax konti, baket antagal naman kase ng professor anong oras na.

Biglang napahinto ako sa pagscroll nang may magpop up ulit na notification sa phone ko.

From: Smart

Tuloy tuloy ang Saya! May UNLI DATA at UNLICALL & TEXT ka na to all networks for 30 days!

Ref: EV9FGBE4FD1. Use GigaLife App for the best promos & deals! smart.ph/GigaLifeApp.

Nang mabasa ko yung text na yun ay nagtaka akong tingnan kung sino ang sender at baka scam lang eto. Ngunit ganon na lang ang pagkagulat ko nang makitang legit nga!

From: Gorgeous

Reply ka na, please? Follow back mo na din ako sa IG :)

Kumunot naman ang noo ko nang mabasa ko ang message ni CJ. Aba nagtatagalog pala to. Infairness, ang cute niya sa part na to, baka di na talaga ako straight.

Agad agad naman akong nagreply.

To: Gorgeous

CJ??

Yun pa lang ang natype ko pero ambilis naman yata ng kamay netong magtype at ilang segundo pa lang e nakareply na kagad.

From: Gorgeous

Aww where's the "my love"? :(

To: Gorgeous

How much did you spend? Bayaran kita

Kung mayaman nga naman kit ano ano lang panggagastusan e

From: Gorgeous

What? No! I just want you to follow me back on IG and accept my friend request on Facebook :(

Please?

Kase naman baket gagastos pa e gagawin ko naman talaga yun.

Hayss napailing na lang ako sa reply neto.

Agad ko namang binuksan ang IG ko at bumungad ang notification galing kay CJ.

Pero teka ambilis naman ng babaeng to magstalk at nahanap kagad accounts ko. Agad ko namang inaccept yung friend request niya pati follow back na din sa IG. Agad akong napastalk sa account neto...WAIT WHAT?!!!

WHAT THE F-

Napatakip naman ako ng bibig ko nang makita ko account neto sa IG tsaka 234k followers?! Celebrity ba to?

Bwakanginangshit kaya pala ganon makatingin mga studyante saken kanina e

Nahiya naman ako sa 200+ followers ko na puro mga classmates and friends ko lang sa school noon.

Nakaramdam ako ng hiya nang maalala ko na puro kabaliwan yung posts ko. Recent post ko yung puro bula yung hairstyle ko tsaka may bigoteng bula tas puro pa kabaliwan yung comments ng mga kaibigan ko sa old school dati. Yung ibang posts ko naman ay mas malala pa, paanu ba ihide to lahat huhuhu nagsisisi na ako sa mga desisyun ko sa buhay.

Sa kakastalk ko kay CJ, dun ko na lang napag alaman na except sa rich kid ay isa pala etong archer master at blackbelt holder, kaya pala peymus ang lola nyu e athlete naman pala tsaka yung abs...yung ABS!!

BWAKANGINANGSHIITTT

Sa sobrang kalandian ko ay aksidenteng nalike ko eto.

Nag inhale- exhale breathing exercise muna ako para kumalma like WTF!

Wag OA Alexandra, straight ka girl crush lang yan.

Maya maya pa'y may notification ulit na nagpop up ang message from IG dun na naman nagsimulang magrambolan dibdib ko.

@cj.jones

You can just tell me baby if you want more pictures of my abs 😉

Ramdam ko ang pag init ng aking mukha nang mabasa ko eto. Napailing at napangiti na lang ako habang nag iisip kung ano ang irereply dito...

Ngunit ganon na lang ang aking pagkagulat nang biglang may nagsarado ng pinto sa loob ng classroom nang pagkalakas lakas at biglang tumahimik ang kaninang parang mga bubuyog na mga kaklase ko. Teka almost 30 minutes na, late ata ang propesor, first subject e tapos wala. At nang mahagilap ng aking mga mata kung sino ang pumasok ay dun ko na lang naramdamang isang babae ang sinusundan ng mga tingin ng mga kaklase ko na parang walang ibang pwedeng titigan kundi siya lang. She's wearing a skirt with a sleeveless top na nakatucked in at nakalugaygay ang buhok netong meju natatakpan ang mukha dahil nga nakatuon pa din ang atensyon neto sa phone na hawak hawak neto.

Apakasexy niya mga mare at sana all long legged!

May bitbit etong pinagpatong na libro at isang folder pero salubong ang kilay na nakatuon pa din sa phone neto at walang pake if may nanunuod sakanya. Patuloy etong naglakad at umupo sa harapan nang di pa din naalis ang mga mata sa phone halata ang inis sa mukha neto na para bang anlaki nang kasalanan ng phone neto sa kanya.

Pero teka....

WHAT THE FUCK?!!

OMG NO!!

LORD WELPP!!!!

Siya yun mga mareee! Siya yun huhuhu siya yung kaagaw ko nang scissors sa National Bookstore kahapon!!

Bigla naman etong umangat nang tingin habang inilapag ang phone sa harap netong lamesa. Nag umpisa naman etong inilibot ang paningin sa buong classroom at bago pa man dumako ang tingin neto saken ay agad akong nagkunware na parang may kinakalikot sa bag ko na nasa likuran ko. Di pwedeng makilala niya ako sana lang di niya ako maalala.

"Everyone, straighten yourselves and sit properly. Eyes on the front."

Kabadong humarap naman ako at sa di inaasahan ay nakatingin pala din eto sa direksyon ko. Wala na akong ibang choice mga mare kundi ang ilabas ang aking acting skills.

I stared at her like I've never met her.

Stay innocent Alexandra kaya mo to.

I feel like I was dying inside when her eyes is still looking in my direction and as if she's scanning me and I don't know if namamalikta lang ako but did she just smirk?

She started writing her name in the whiteboard with her board pen and bruh antahimik ng buong room tanging ang aircon at heels lang neto maririnig namin pati na din yung pagsulat niya. Napakaterror ng dating.

SAPPHIRA GAELLE DIAZ

So that's her name. She's so gorgeous and bagay na bagay yung name niya, amoy expensive pero baket nakipag agawan siya ng gunting kahapon e di naman bagay yun sakanya pangbaby lang yun katulad ko mwehihi

Pero wait kung siya ang professor namin, ibig sabihin baka para sa anak niya? Pero parang mukhang ang bata niya tingnan para magkaanak.

"My name is Sapphira Gaelle Diaz. You can call me Miss Diaz, Professor Diaz, or Ma'am Diaz and I will be your class adviser for the whole year. You have four subjects related to astronomy and physics to me and the rest will be lectured by other professors. I do not tolerate tardiness here and when I'm in front lecturing, I want everyone's eyes on me, understood?"

Mga maree nakakatakot naman pala tong babaeng to akalain mo parang nahypnotize kaming lahat di makalagaw, shit kabado malala ako neto araw araw.

"Yes, ma'am."

Teka nagloloading talaga utak ko mga mare, di naman ako ganto pagnag ooverthink lage ah ba't now halos di ako makahinga?

Napakaintimidating niya!

"Good. Now, I want you to introduce yourselves, starting from the back. State your name, your hobby, something about you and why you took this course."

Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo kit alam kong second row from the last pa naman ako. Alam mo yung feeling na kabado ka na nga di mo din sure if natatae ka or naiihi.

Calm down self, kaya mo to.

Nagsimulang nang magpakilala yung mga nasa likuran ko.

"Hello everyone, I'm Justin Molino and 19 years old. My hobby is playing video games and I also love astrophotography. I took this course because I feel like it's something meant for me. Thank you."

Wow sana all di kabado pero infairness ang cool niya dun, matanong nga if ano nilalaro niya.

"Hi, I'm Almira Monte, 18 years old. I love writing songs and poems. I took this course as this is something that captivates my heart ever since I was a kid. Thank you."

Napatango naman ako at napangiti na nakatingin sa direction ni Almira, she's cute wearing those specs. She suddenly averted her eyes on me and smiled as well. Ang cute!

Nakangiti pa din ako at itinuon na lang ang direction ng tingin sa harap and ganon na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang makita yung professor kong nakatingin na pala saken na salubong pa ang kilay, anong problema neto?

Wait kilala na ba niya ako?

Shiit.

Bigla namang may nagsiko saken na katabi ko.

"Ikaw na."

Huh?

Shit. Ako na pala ang kasunod taena ba't ang bilis?

Agad akong tumayo at huminga nang malalim. I need to impress everyone para mabawi ang moment nang kahihiyan ko.

Before I speak, I looked at everyone around the room and then stared at the woman in front staring back at me with those eyes that I can't comprehend why it seems to be like it's killing me inside.

Nangangatog man ang mga tuhod ko pero pilit kong inilabas ang pinakacharming at sweet na smile ko. Biglang napataas naman ang kilay neto at parang mas nagfocus na inaantay ang susunod ko na gagawin.

"Hi, I'm Alexandra Evasco turning 18 in a few months. I don't really have the kind of hobby like others but I love spending my time mostly playing with kids and also my cat and the reason why I took this course is that this is the dream that I want to be my reality."

Did she just smirk?! May mali ba sa sinabe ko? Tiningnan ko naman yung mga classmates ko e ba't sila parang nagniningning mga mata na tumingin saken? I mean I know I'm hot and pretty and smart and cute pero siya? Pinanganak ata tong masama ang loob sa mundo't pati mga studyante minamalditahan.

Smirk smirk ka diyan. Wag ako sungitan mo uyy mas tigre yung kalaban ko sa bahay. I gave her again my sweetest smile as if di ko nakita pagmaldita niya.

She just raise her eyebrows again, maybe surprise kase I'm giving her the opposite reaction instead of matakot or maintimidate which is nararamdaman ko naman talaga magaling lang talaga ako mag acting, sabe sa inyu career ko to e.

Sungit nginitian na nga e kala mo naman di nang agaw ng gunting, napatawa naman ako sa isip ko nang maalala na ako pa rin yung nakakuha, sorry ka na lang Miss Diaz. Maganda ka lang at ako? Siyempre maganda din

"Stop smiling and sit down."

Ustu kong magdabog mga mare di tumalab pacute ko sa kanya.

Natapos ang pagpapakilala pa ng ibang mga kaklase ko, di ko na narinig yung names ng iba pero di naman problem saken yun matalas kaya memory ko, oh wag kayu walang halong joke yan.

"Okay, since we only have 10 minutes left, let's do an on-the-spot questions, and let's see if you really deserve to be in this course."

She crossed her arms after she took a glance at her wrist to check the time. She coldly stared everyone inside the room as if she already know who's gonna fail and when her eyes averted mine, there she go again with her smirk.

Ang totoo Miss Diaz, may sayad ka? Ba't mas ako yung pinagmamalditahan mo dito. And again, syempre inosente kunware tayu at walang kasalanan sa kanya, I gave her a short sweet smile.

Ghadd I'm so cute! Iniimagine ko nga e kayo ba?

Pero mare ba't walang talab sa kanya?

"You, stand up."

Nanlumo ako bigla. Did she just look at my direction? Ako ba tinutukoy niya?

Akmang tatayo na ako nang..

" You with the blue shirt, stand up."

Bwakanginangshit kala ko ako at kung minamalas ka nga naman taena lang dahil sa biglang pagtayo ko ata kanina nausog yung upuan ko kaya naman nang umupo ulit ako kase di naman pala ako ung tinawag ay biglang sa sahig yung bagsak ko

Taena saket ng pwet ko. Namumula na ako sa hiya pero napalitan ng inis nang marinig ko yung halakhak ng mga kaklase ko kaya bago pa man akong nag angat para tumayo at humarap ay inayus ko muna yung sarili ko at...

"Hey, are you okay?"

Buti pa tong si Almira, mabait. Eto lang yata di tumawa saken e. Inusog neto yung upuan palapit saken and she offered me her hand na tinanggap ko naman.

"Thanks."

Nginitian ko naman eto at umupo.

I looked at the woman in front na prenteng nakacrossed arms pa din etong nakatingin sa direction ko.

"You with the blue shirt, what's your name again?"

"Sabrina po"

Halatang kabado etong si Sabrina, feel ko na na pahihirapan eto.

"What's the largest known star in the universe?"

Tss. Kala ko mahirap. Kaya mo yan Sabrina.

"UY Scuti po"

Ayy buti na lang nasago-

WAIT WHAT?

Oh no mali yan Sabrina.

Ako naman yung biglang kinabahan dito kit na di ko man kilala to knowing na apakaterror ng professor namin.

Ngunit gayun na lang yung pagtataka ko nang umupo eto at parang umagree yung babaeng pinanganak sa sama nang loob sa harapan.

Kumunot ang noo kong tiningnan eto and when she averted her eyes on me I know that she's not gonna just let it go.

"What's with that look Evasco?"

Napatigil naman ang pagkunot nang noo ko nang tinawag neto ako sa apelyido ko.

"It's incorrect, Miss Diaz"

Biglang napatingin naman ako kay Sabrina na ngayon ay parang ginigisa ako.

"So what's the correct answer then?"

Nabalik naman ang atensyon ko sa babae sa harapan na parang nanghahamon. She looked at me as if I did something.

"It was just recently confirmed that UY Scuti is no longer the largest. It's Stephenson 2-18, Miss. You can fit 5 billion Suns inside UY Scuti and for Stephenson 2-18, it's more than that. It's 10 billion Suns. And to make it a correct statement, both of them are located in the constellation Scutum, inside the observable universe known to man, meaning we cannot say that they are the final largest known stars in the universe as we can't comprehend how vast the real universe since it is expanding infinitely."

"Woaah"

"Ohh fuck that was HOT"

"Sheesshh she's smart"

"Damn"

That's right people. Pero ako lang to.

I smirked. Nakita ko naman etong biglang natahimik at nakapako lang ang tingin saken.

Maya maya pa'y nagtaas na naman ulit ang kilay neto at ngising parang may masamang balak na naman.

"Very good. Well then, tell me something about blackhole that everybody does not seem to know."

Did she just compliment me? OMG!

Guys baka crush ko na to pag bumait.

Tumayo naman ako at ngumiti dito na ikinawala naman ng pagngisi neto.

"Well, everybody knows that blackhole sucks."

Biglang nagsitawanan na naman ang mga kaklase ko at tumahimik bigla nang makita ang terror na mukha netong babae sa harapan.

"What I mean is, that's not true at all. You can replace the Sun with a black hole of the same mass and still, the planets orbiting will continue their motion. Earth will not be sucked in. Blackholes don't have the ability to suck you in but you can get close and the gravity is something you can't escape. Also, hypothetically, given that the universe is expanding exponentially, every bit and part inside of it are dying and distancing apart to each other rapidly, meaning that someday, since the matter is what fuels up the blackhole when it runs out of matter to absorb, eventually, it will radiate away until they evaporate with a gigantic explosion."

"Holy moly is she real?"

"Damn gorgeous with a brain"

"So HOT"

"WOW"

Acckk I am so proud of myself. Baka Alexandra to.

I looked at the woman in front and amazement is what's written in her face.

Yeah, that's right baby. I can amaze you more.

Tsskk. I was waiting for her next move nang biglang tumunog ang bell hudyat for second subject. I saw her watched her wrist again.

"Class dismissed. We'll continue tomorrow."

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at ang iba'y ambilis na sumibat sa labas. Niligpit ko na din yung mga gamit ko.

I looked at my schedule sa phone ko at nagulat na lang nang makitang andameng notification messages.

Taena ka CJ wala ka ba class at kung makamessage e parang nawawala ko. Hindi ko na muna binuksan yun bahala ka diyan di pa naman lunch e.

Pero wait baket blanko ang second sub? Ibig sabihin no class?

Damn gusto ko magtalon sa saya pero wag na lang.













Continue Reading

You'll Also Like

709K 20.3K 46
Masyado siyang mataas para maabot, masyadong straight para mabaluktot, at masyadong maganda para mapunta sa isang katulad ko.- Lhyn Masyado siyang ta...
195K 6.8K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
193K 6K 65
[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she...
3.6K 91 59
Mga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli s...