Palayain ang puso mong nasagutan.
Ang galit at sama ng loob ay talikuran.
Yung mga taong nanakit sa'yo sa nakaraan
hindi ka na patuloy na masasaktan.
Sapagkat ang buhay may higit na katuturan.
Kung ang tingi'y ipupukol
sa mas may kahalagahan.
Yung mga taong itinuring mong kaibigan
nagpapatuloy sa buhay
pagkatapos kang saktan.
Kaya sana, yakapin mo ang kabutihan.
Hindi lamang sa pagbibigay ng kapatawaran.
Bagkus, maging sa sarili
ay maging marahan.