Tatlong Dekada (Filipino)

By abbyliveinlove

383 53 0

Ang TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talu... More

1. SA PAGITAN NG IKAW AT AKO
2. SA PAGITAN NG BAWAT PERO
3. PAGLAYA SA KARIMLAN
4. PAGSIBOL
5. UMIINDAP-INDAP NA LIWANAG
6. MGA TRAYDOR NA ALAALA
7. LATAY AT HAGUPIT NG BUHAY
8. PAMBANSANG THIRDWHEEL
9. BAKURAN NG PANGARAP
10. PARANG KAYO PERO HINDI
11. PARA SA'YO
12. ANG MGA KAIBIGAN NA HINDI MO NAKIKITA
13. SAMPUNG BAGAY NA NATUTUNAN KO PAGKATAPOS MABIGO
14. MAYROON NGA BANG HINDI PA NAGPAALAM SA PAG-IBIG?
15. HANGGANG KAILAN KA MAGIGING MATAPANG?
16. MULING PAGTATAGPO
17. TELESERYE NG TUNAY NA BUHAY
18. "KARERA"
20. MULING BUKSAN ANG PUSO
21. SAGOT SA PANALANGIN
22. PAGKAWALA SA KAHON
23. PAGYAKAP SA KAPATAWARAN
24. E S P A S Y O

19. ANGKLA SA PAGLALAYAG

4 1 0
By abbyliveinlove


Mas mabuting manatili 

sa barkong papalubog na

kung ang bangkang tatalunan mo 

ay pinili mo lang para makaligtas ka.


Kung nawasak ang barko 

na akala mong maglalayag kasama ka

huwag kang umasa sa sagwan o salbabida. 

Lalo na kung pagdating sa pampang

iiwan mo lang din sila ng basta basta.


Hindi ko sinabing hayaan mo na lang 

na tangayin ka ng alon. 

Hindi ko sinabing magpakalunod ka. 

Ang sinasabi ko, 

matuto kang lumangoy mag-isa. 


Delikado. 

Nakakatakot. 

Masusugatan ka. 

Pero mas mabuti na ito 

kaysa umasa ka sa iba. 

Sapagkat sa panahon na sugatan ka

ang pinaka dapat mong iwasan

magdulot ng sugat sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 170 100
My collection
18.7K 111 59
Mga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD
381K 2K 103
Mga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 20...