Falta De Tiempo | ellajasf

Von ellajasf

240 70 0

"Makakaranas pa kaya ako ng totoong pag-ibig?" Mehr

author's note
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
author's note

chapter 9

6 3 0
Von ellajasf

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Pakiramdam ko ang bilis lang din ng tulog ko. Napatingin ako kay Kazimier na nanonood pa rin. Iba na ang posisyon naming dalawa, ako na ang nakasandal sa kanya habang siya seryoso sa panonood. 

"Hindi pa rin tapos?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin nang bigla akong magsalita. Natawa naman ako at sinandal na ang ulo sa sandalan ng sofa. 

"Hindi pa. Hindi ko alam 'yung ibang nangyare dahil nakatulog ako." natawa rin siya. 

Natigilan ako nang makaramdam ng kung ano sa tyan ko habang pinaglalaruan ni Kazimier ang isang kamay ko. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Sorry," alanganin siyang ngumiti. Umayos na siya ng upo at nagpatuloy nalang din sa pinapanood.

"Okay lang naman," I chuckled. Hindi na siya umimik at nanood nalang din. Maya-maya pa ay naiiyak na siya kaya naman bigla akong nag-panic. "Ayos ka lang?!"

"Ah, ayos lang naman..." sabi niya at pinunasan ang mga luha niya. Natawa ako at inabutan siya ng panyo. "Namatay kasi 'yung bida," inis niyang sabi.

"Doon din naman mapupunta lahat." sabi ko naman at tumingin sa TV. Iniwas ko ang tingin ko nang makitang nag-iiyakan ang mga tao sa hospital bed noong bida.

Hindi ko 'ata kayang makita.

Kumakain lang ako habang si Kazimier, umiiyak dahil nga raw namatay 'yung bida. Hindi ko na naiintindihan ang pinapanood namin pero pinapanood ko pa rin para makasabay kahit papaano sa kanya.

"Naniniwala ka bang may Multiverse, Liz?" tanong sa akin ni Kazimier kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ako naniniwala na may Multiverse pero kung totoo man 'yon, sana may universe na may mas mahaba akong oras." nakangiti kong sagot.

"Aww, don't worry... kahit na maikli lang ang oras mo, I will help you to make it memorable." he chuckled.

"You will help me?" tanong ko, nakakunot ang noo. Tumango naman siya at sinenyasan akong yakapin siya kaya naman niyakap ko rin siya.

It was comforting. His warmth is comforting.

"Salamat dahil nagkakilala tayo, Lizzeth." mahina niyang sabi habang nakayakap ako sa kanya. "Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na kaya ko pa rin palang magmahal ng ibang tao bukod sa sarili ko at sa mga alaga ko."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magsalita.

"Hindi ko ipinapangako na kaya kong iparamdam sa'yo ang totoong pagmamahal pero gagawin ko ang makakaya ko para maibigay 'yon sa'yo, Lizzeth." mahina niyang sabi.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. I don't know, but hearing those words from him makes my heart pound. Masaya akong handa siyang tulungan ako.

"You don't have to do that. Ayoko ng pilit na totoong pagmamahal dahil walang ganoon. Hindi pilit ang totoong pagmamahal, Kazimier." sabi ko rin.

Napabitaw siya sa yakap at tinignan ako nang diretso sa mata. Napatingin ako sa mga kamay ko nang bigla niyang hawakan ang mga ito.

"Hindi ko pipilitin. Hahayaan kong puso ko mismo ang magpaparamdam no'n sa'yo." nakangiti niyang sabi kaya naman napangiti rin ako at niyakap siya nang mahigpit. "Pinapayagan mo ba akong tulungan ka?" tanong niya at pinaharap ako sa kanya.

Tumango ako. "Yes, I am allowing you."

Gabi na rin noong makauwi ako dahil nagkuwentuhan pa kami ni Kazimier at nanood ng ilan pang mga movie. Puro mga mind blowing ang mga pinanood namin dahil ako ang nag-suggest.

Noong gabing 'yon ay hindi ako kumain dahil busog pa ako sa dami ng mga kinain namin ni Kazimier.

Habang nagdidilig ako ng mga halaman sa bakuran ko, napapaisip ako sa mga nangyare kahapon.

Bakit niya hinawakan ang kamay ko?

Bakit niya ako niyakap at bakit ko siya niyakap?

Ang malaking tanong ko ngayon sa utak ko ay... Bakit ako pumayag na tulungan niya akong maging memorable ang natitira kong oras?

Tama ba ang ginawa kong desisyon? Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ang utak ko. Naguguluhan ako kung bakit ang bilis kong magtiwala sa kanya samantalang hindi ko naman 'yon kayang magawa sa iba. Ni padampiin ang balat ng ibang lalaki sa balat ko, 'di ko magawa pero pagdating sa kanya sobrang kumportable ko na kahit ilang araw pa lang naman kaming magkakilala.

Bakit pakiramdam ko sanay na ako sa presensya niya? Have we met before at hindi ko lang maalala?

"Malulunod na 'yung halaman!"

Bigla akong napabalik sa realidad nang makarinig ng sigaw.

"Shit," mahina kong mura nang makitang lunod na ang halaman na dinidiligan ko. Kaagad kong tinapat ang hose sa ibang halaman para iyon naman ang diligan.

Nang tignan ko ang nagsalita ay napaawang ang labi ko. Hindi siya nakaharap sa akin pero alam kong si Kazimier 'yon.

Nang matapos ako ay binuksan ko ang gate para makita kung sino ba ang kausap niya. Magsasalita na sana ako ngunit narinig kong babae pala ang kausap niya.

"Your dog is so cute! What is your name?"

Narinig ko ang tawa ni Kazimier nang marinig ang sinabi ng babae.

"Name ko talaga at hindi ang pangalan ng aso ko?" tanong niya, natatawa.

"Oh, I want to know the dog's name too, but your name is more important here." the girl laughed.

Napairap ako.

"Kazimier ang pangalan ko at ang aso ko naman ay si Bonita." sambit ni Kazimier. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti siya ngayon.

"Your name is so pretty din! And also your dog... Hi, Bonita!"

Natawa ako sa isip ko nang marinig na tinahulan siya ni Bonita. Tumahol iyon nang tumahol hanggang sa umalis na ang babae dahil naingayan.

"Bye! Let's hang out soon when we see each other again!" sigaw ng babae. Natawa lang si Kazimier at hindi na umimik.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang pumasok si Bonita. Kaagad akong napaayos ng tayo nang makitang sumunod din si Kazimier na may ngiti ngayon sa mukha.

"Kumusta na 'yung halaman mo?" tanong niya sa akin, nakakunot ang noo.

"Ayos pa naman," sagot ko lang at umupo nang kaunti para makipaglaro kay Bonita. "Kumusta ka, baby?" tanong ko sa kanya. Niyakap ko siya kaya nawala na kaagad ang inis ko.

"May gagawin ka ba mamaya? May alam ak-"

"Huwag na siguro," putol ko sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin, mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Anong huwag na siguro? Kumain ka na ba ng tanghalian? Or ng almusal? Tara kain tayo!" masaya niyang sabi sa akin.

"Bakit ako ang inaaya mo at hindi 'yong babae mo?"

Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto ang sinabi ko. Umiwas ako ng tingin ngunit hinuhuli niya ang mga mata ko.

"Babae ko?" tanong niya, may ngisi sa mukha. Hindi ako sumagot at nilaro-laro lang si Bonita. "Wala akong babae, ah! Tsaka bakit naman siya ang aayain ko, e 'di ko nga kilala 'yon." defensive niyang sabi.

Tumango lang ako.

Natawa siya at pumunta sa harapan ko kaya naman tumingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ko kinakaya ang titig niya sa akin.

"Nagseselos ka ba?"

Gusto kong masamid kahit wala naman akong kinakain o iniinom nang marinig ang tanong niya sa akin. Matalim ko siyang tinignan at umiling sa kanya.

"Weh? Kung nagseselos k-"

"Hindi nga ako nagseselos." putol ko naman sa kanya. Bakit naman ako magseselos? Siguro gulat, meron dahil sabi niya... Well, ano nga bang aasahan ko sa mga lalaki? Pare-parehas lang naman ang mga iyan. Napairap ako.

"Ganiyan ba ang mukha ng hindi nagseselos? Huwag kang magselos du'n, KUNG nagseselos ka."

Umiling lang ako.

"Hi, baby..." masaya kong sabi nang makita ko si Purple na papalapit na ngayon sa akin. Nilagay ko siya sa lap ko at hinaplos-haplos ang likod niya.

"Kain tayo mamaya," aya ni Kazimier pero umiling ako sa kanya. "Aray, nagtatampo." he chuckled.

"Hindi ako nagtatampo, 'wag kang feeling." umirap ako at malakas naman siyang natawa.

"Sus, kilala na kita." sabi niya at umupo na ulit sa tabi ko. Kilala? Kung makaasta naman sya, akala mo ilang taon na kaming magkakilala. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay. "Hindi ko naman talaga kilala 'yung babae." mahina niyang sabi.

"Pero maganda?" tanong ko, walang emosyon ang mukha.

"Maganda naman lahat ng babae sa mundo." sagot niya naman, nakangiti. Tumango lang ako at tumingin na sa harapan. "Pero ikaw ang pinakamaganda sa lahat."

Tumingin ako sa gilid ko nang maramdamang nag-init bigla ang mukha ko.

"Gusto mo ba 'ko?" diretsa kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi pa ba halata?" nagtataka niyang tanong sa akin, nakakunot ang noo. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ang sagot niya.

Umiwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib ko nang maramdamang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Gutom ka ba?" tanong ko sa kanya at pekeng tumawa. Baka naman gutom lang siya kaya ganiyan... Or baka kulang siya sa tulog?

"Kakakain ko lang," he chuckled.

"Hindi ako makapaniwala..." mahina kong sabi habang nakatingin sa harapan at nakahawak pa sa dibdib ko.

"Ako rin," sabi niya naman kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi rin ako makapaniwala na... ayon." natawa siya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya. Natatakot ako na baka pati ako mahulog na rin.

"Anong nagustuhan mo sa akin?" tanong ko, nakakunot ang noo. Tumingin siya sa akin at ngumiti pa bago magsalita.

"Hindi ko masasagot nang eksakto 'yang tanong mo pero ang alam ko lang... gusto kita bilang ikaw." sagot niya.

"Bilang ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Ano bang meron sa akin?

"Oo," sagot niya naman at ngumiti sa akin.

Napatingin ako sa ibang direksyon, hindi alam ang sasabihin. Maniniwala ba ako sa kanya? Maniniwala ba akong totoo ang nararamdaman niya kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala?

Posible bang magustuhan mo ang isang tao kahit ilang araw pa lang kayong magkakilala?

Hindi ko na alam dahil gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayare.

"Hindi ko rin naman hinihiling na magustuhan mo ako pabalik. Ayos na sa akin 'yung gusto kita." sabi niya pagkatapos nang matagal na katahimikan.

"Sigurado ka ba?" alanganin kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Okay..." mahina kong sabi kaya naman natawa siya at tumango sa akin.

Awkward na tuloy ngayon.

"Nandito nga pala ako para ayain kang kumain mamayang gabi sa restaurant ng kaibigan ko. Kakabukas lang din no'n ngayon." sabi niya.

"Saang restaurant?" tanong ko sa kanya. Sinabihan niya akong susunduin niya nalang daw ako kaya tumango nalang din ako.

Nagsuot lang ako ng black formal dress na backless at kita rin ang kaunting bahagi ng legs ko.

"Ayos na ba 'to?" nakakailang palit na nga 'ata ako dahil hindi ko alam kung ayos na ba 'tong suot ko hindi. Nagkibit-balikat nalang ako at kinuha na ang maliit kong bag.

"Wow," napa-'o' ang bibig ni Kazimier nang makita niya ako. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto bago ako makapasok sa sasakyan niya.

I didn't know that he had a car.

Nang tignan ko siya, nakasuot siya ngayon ng black long sleeve at black din na pang-ibaba. Inayos niya ang buhok niya kaya napangiti ako. He looked so formal tonight.

"Date ba 'to?" natatawang tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Natawa naman siya at tumingin sa akin.

"Oo. Para sa'yo ba, ano 'to?" he playfully winked at me. Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin nalang sa bintana ng kotse niya. "Date ba 'to para sa'yo?"

"Yes," mahina kong sagot, sakto lang na maririnig niya. Nang tignan ko siya ay may ngisi siya ngayon sa mukha niya.

"Good evening, Ma'am and Sir." nang makarating kami ay kaagad kaming sinalubong noong babae. Tinuro niya sa amin ang pina-reserve raw ng boss nilang table para sa'min.

"See? Kaibigan ko nga talaga ang may-ari." Kazimier chuckled. Natawa naman ako at tumingin nalang sa menu.

Mukhang mamahalin ang mga pagkain kaya kaunti lang ang sinabi ko kay Kazimier.

"May banana shake sila rito, gusto mo ba?" bumilis ang tibok ng puso ko nang ayusin niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko, inilagay niya 'yon sa likod ng tenga ko at ngumiti. "Gusto mo ba?" tanong niya ulit.

"Oo, sige." sagot ko naman at umiwas ng tingin. Mahe-heart attack na 'ata ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Kinakabahan din ako na ewan!

TO BE CONTINUE...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

75.7K 7.9K 144
Back by popular request! The 2017 rough draft of The Virus Within! (Caution: Contains massive plotholes that were fixed in the polished The Virus Wi...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
2.1K 40 20
Terra Invita!! by Max Pichardo. War... will never change but the concept will be directed at the other side. Humans are strange creatures, we are...
1.7M 112K 68
Mankind is evolving. Some love it, some fear it. Some embrace it, some envy it. For Zoey, the evolution of man has always been in the darkest part of...