chapter 5

12 5 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay sobrang gaan at saya ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko rin may pangarap akong na-achieve nang makitang nasa ibang lugar ako.

Lugar kung saan pwede akong maging malaya at maging masaya nang walang iniintinding oras.

"Woah," napa-'o' ang bibig ko nang mapagtantong sobrang ganda at tahimik ng lugar na tinitirhan ko. Hindi masyadong malaki ang bahay at hindi rin masyadong maliit, sakto lang para sa akin.

Love it.

Napangiti ako lalo nang matapos kong malibot ang buong bahay. May bathub ang banyo, may microwave sa kusina, may oven at higit sa lahat may coffee maker.

"Galing naman," masaya kong sabi nang matapos magtimpla ng kape.

Lumabas ako habang hawak-hawak ko ang mug ko na may lamang kape para tignan kung ano bang meron sa labas. Napaawang ang labi ko nang makitang may munting bakuran pala at may duyan na pwedeng pagtambayan.

"My dream life," I chuckled. Marahan akong nagduduyan habang umiinom ng kape.

Napakunot ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko na may hardin pala sa harap ng bahay ko. Hardin 'yon ng kapitbahay at sobrang ganda nito.

"Sunflower," mahina kong sabi nang makita ang paborito kong bulaklak. May iba pang mga bulaklak na nakatanim doon at super ganda talaga.

Naisip ko tuloy kung pwedeng manghingi. Pinagmasdan ko nalang 'yon habang nagkakape ako, at nang maubos na ang iniinom ay pumasok na ako sa loob para naman magluto ng makakain ko.

"Ang cute naman nito." marahan kong binuhat ang kuting na pumasok sa loob ng bahay ko. Kulay puti ito habang ang mga mata niya ay kulay bughaw. "Anong lahi mo, ha?"

Sabi kasi nila kapag daw bughaw ang kulay ng mga bata ng pusa, may lahi raw.

"At ang tangos pa ng ilong..." sabi ko at hinawakan ang ilong niya. Natawa ako nang mag-meow siya. "Anong gusto mong kainin, hmm?" tanong ko sa kuting na nakaupo ngayon sa isa pang upuan habang kumakain ako ng almusal.

Habang kumakain ako ay kinakausap ko siya kahit alam ko namang hindi niya 'ko maiintindihan. Masaya na ako basta nagme-meow siya.

Nakakita ako ng canvas at paints kaya kinuha ko 'yon at dinala sa labas. Natawa ako nang makitang sumunod sa akin ang kuting.

"Sino ang amo mo?" tanong ko habang nagpe-paint. Pine-paint ko ang hardin na nakikita ko ngayon. Nakaupo ang pusa sa tabi ko na para bang pinapanood ako.

"Meow," sagot niya.

"Meow ang pangalan ng amo mo?" natatawang tanong ko, iniintay pa na sumagot siya kahit hindi naman talaga siya marunong magsalita.

Napangiti ako nang makitang nakatulog na ang kuting habang nagpe-paint ako at dinadaldal siya.

"Sino kayang may-ari sa'yo?" nakatitig lang ako sa natutulog niyang mukha. Hinaplos ko lang saglit ang tyan niya tsaka nagpatuloy na ulit sa painting na ginagawa ko.

"Purple!"

Natigilan ako nang makarinig ng isang boses. Pamilyar ang boses na 'yon na para bang narinig ko na noon. Nang tignan ko ang pusa, gising na rin siya at tumakbo. Nang sundan ko siya ng tingin ay tumakbo siya sa isang lalaking nakasuot ngayon ng black shirt at gray pants.

"Nandito ka lang pala? Akala ko naman nawala ka na. Ikaw ha, pinapakaba mo 'ko." sabi noong lalaki at binuhat na ang pusa.

Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. Mukhang nagulat din siya nang makita ako.

"You're the owner of this cat?" tanong ko, nakakunot ang noo. Tumango naman siya sa akin at inilahad ang kamay.

"Ako nga pala si Kazimier." sabi niya kaya napatango naman ako at kaagad na kinuha ang kamay niya para makipag-kamay. "Sorry kung naistorbo ka nitong kuting ko, ha? Pilya kasi talaga 'to." sabi niya at hinalikan ang pusa.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now