chapter 2

16 5 0
                                    

Natulog na rin ako pagkatapos kong mahugasan ang pinagkainan ni Leah na ngayon ay humihilik na. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa naririnig kong mga bunganga na nagsisigawan sa labas.

"Aminin mo na kasi na boyfriend mo 'yon!" sigaw ni Annette kay Leah na nakaupo lang ngayon sa isang sofa habang si Heileigh naman ang nasa isang sofa.

"Ano bang gusto mong aminin ko sa'yo, ha? At kung boyfriend ko naman siya, ano naman? May magagawa ba kayo? Wala!"

"Ano?" nagtatakang tanong ni Heileigh at tumingin kay Leah. "So, boyfriend mo nga 'yon? 'Yung tarantadong lalaking 'yon ang boyfriend mo?"

"Tarantado?" sarkastikong natawa si Leah at napapalakpak pa. "Wow naman ha?! Nakakahiya naman sa ex mong niloko ka!"

"Matagal na 'yon, Leah. Bakit ba inuungkat mo pa?" nakakunot ang noong tanong ni Heileigh.

"Totoo naman, ah?! Did I lie?!"

"Bakit sa akin naman napunta ngayon ang usapan? Hindi ba 'yang tarantado mong boyfriend ang pinaguusapan natin dito?!"

"Hindi tarantado ang boyfriend ko." mariing sabi ni Leah.

"Talaga ba, Leah? Talaga bang hindi tarantado 'yang lalaki mo? Kahit na niloko niya 'yung ex niya, hindi pa rin ba siya tarantado?" tanong ni Annette habang matalim ang tingin kay Leah.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Leah nang marinig ang sinabi ni Annette. "Oo, Annette! Hindi tarantado ang boyfriend ko. Nagbago na siya! Alam ko 'yon! At teka nga, bakit naman 'ata kung makaasta ka parang pinakikialaman kita sa mga lalaki mo?"

"Wala akong lalak-"

"Never kitang sinaway about diyan sa mga lalaki mo, never kitang pinakialam. Lahat kayo! Never ko kayong pinakialaman sa mga love life niyo kaya naman sana 'wag niyo ring pakialaman ang akin!" sigaw niya at mukhang papasok sa kwarto, napatigil siya dahil nakita niya ako. Nakita ko ang mga luha niya kaya pinunasan niya agad 'yon. Tumabi ako para makadaan siya.

"Ano'ng meron?" gulat na napatingin sa akin ang dalawa nang magsalita ako. Umayos silang dalawa ng upo nang makita akong papalapit sa kanila. "Bakit kayo nag-iiyakan?" nagtataka kong tanong nang makitang pinupunasan ni Annette ang mga luha niya.

"E, si Leah kasi e... iniisip ko lang naman 'yung kapakanan niya pero parang lumalabas pa na ako 'yung masama, na pinapakialaman ko siya, na hinahadlangan ko 'yung kaligayahan niya." nakaiwas ang tingin niyang sagot. Umupo ako sa tabi niya.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Heileigh nang biglang lumabas si Leah ng kwarto at may dalang bag.

"Leah," tawag ko kaya napatigil siya sa paglalakad. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa condo muna ni Zeus ako pupunta ngayon." sagot niya habang nakaiwas ng tingin.

"Sige! Hayaan niyo siya! Iniisip lang naman natin ang kapakanan niya pero hindi siya nakikinig, hindi ba? E'di hayaan niyo!" sabi ni Heileigh at napailing, tumayo siya at pumasok nalang sa loob kwarto.

"Aalis ka?" tanong ko kay Leah na nasa harapan ko ngayon, nakatayo lang siya dala-dala ang bag niya.

"Bakit ba parang kasalanan pa namin na gusto ka naming protektahan diyan sa lalaking 'yan, Leah?" tanong ni Annette.

"Hayaan niyo na ako. Kaya ko naman na ang sarili ko. Gagawin ko naman 'to dahil masaya ako rito at kung mapahamak ako, ako naman ang masasaktan at mahihirapan, hindi kayo." iyon ang huli niyang sinabi bago lumabas.

Kung saan nalang siya masaya, doon nalang ako pero hindi pa rin talaga nawawala sa akin ang pag-aalala. Ayokong may masaktan ni isa sa kanila.

"Punta na ako ng training, Liz." humalik sa pisngi ko si Heileigh na may dala-dalang bag na pang-training.

Falta De Tiempo | ellajasfOnde as histórias ganham vida. Descobre agora