chapter 8

7 3 0
                                    

"Daig niyo pa 'yung alarm clock ko." umirap si Kazimier sa dalawa kaya naman mahina akong natawa. Gulat siyang napatingin sa akin nang mapagtantong nasa harapan niya pala ako. "Lizzeth," sabi niya, gulat pa rin ang mga mata.

"Kazimier," sabi ko rin, nakangiti.

"Magkakilala na kayo? Wow, ambilis naman pala nitong si Kazi at-"

"Mukhang masarap 'yang cupcake na dala mo, ah? Patikim naman! Bawal ang madamot!" putol ni Kazimier kay Asher. Inabutan siya ni Asher ng isa at tinikman niya 'yon.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang nginunguya niya. Nakakahiya naman kung pangit ang lasa, e masarap siyang magluto.

"Kamusta ang lasa?" tanong ni Amara, at tumikim din sa hawak niyang isang cupcake.

"Masarap," sagot ni Kazimier. "Sinong gumawa nito?" tanong niya at kumagat na ulit.

Patago akong ngumiti nang marinig ang sagot niya. Masaya na akong masarap para sa kanya ang binake ko.

"Gusto mo ba, Lizzeth?" alok niya sa akin ng hawak niyang cupcake. Umiling ako sa kanya dahil busog na ako, marami na akong nakain na ganiyan kanina. "Ha? Masarap kaya, tikman mo lang." pamimilit niya.

"Ang dami ko nang nakain na ganiyan, marami pang natira sa binake ko sa bahay." umiwas ako ng tingin.

"Ikaw ang gumawa nito?" gulat niyang tanong, tumango naman ako bilang sagot. Tumingin siya sa dalawa at tumango naman ang mga ito.

"Grabe, Lizzeth! Ang sarap ng cupcakes na gawa mo!" sabi ni Amara at mahina akong inalog-alog.

"Ano nga ulit ang pangalan ko? Bigla kong nakalimutan kung saan ba ako nakatira!" pambobola rin ni Asher.

"Binobola niyo na ako masyado, malapit na akong maniwala." mapaglaro akong umirap kaya naman natawa sila.

"Totoo naman, masarap naman talaga ang gawa mo, Lizzeth." napalingon ako kay Kazimier nang bigla siyang magsalita.

"Thank you," nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Meron ka rin doon sa bahay." sabi ko kaya naman napatango-tango siya.

"Pasok na nga ako dahil nilalanggam na tayo rito." makahulugang sabi ni Amara at naglakad na papasok sa loob ng bahay niya. "Thank you, Lizzeth!" pahabol niya.

"You're welcome!" sigaw ko rin.

"Sabihin ko sanang hati tayo dahil hindi ko naman 'to mauubos pero meron ka naman pala, 'yun nalang 'yung sa'yo." sabi ni Asher kay Kazimier na busy sa pag-ubos ng hawak niya g cupcake. "Salamat ulit, Lizzeth! Thank you rin sa pagpapahiram!"

"Wala 'yon, you're welcome." naglakad na rin papasok si Asher sa loob ng bahay niya at kumaway pa sa aming dalawa ni Kazimier.

"Anong hiniram niya?" curious niyang tanong habang naglalakad kami papunta sa bahay.

"Walis," maikli kong sagot. Tumango lang naman siya sa akin at nagpatuloy na rin sa paglalakad.

Bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako tapos sa pagliligpit kaya binilisan ko ang lakad ko para kaagad na makapasok.

"Hintayin mo 'ko!" rinig kong sabi ni Kazimier pero hindi na ako nakinig sa kanya at dali-dali nang pumasok para ligpitin ang mga kalat ko.

"Makalat pa, sorry..." nahihiya kong sabi nang makapasok siya. Mukhang hindi naman niya narinig dahil busy siya sa pagtingin sa buong bahay.

"Ito na ba 'yung painting mo?" tanong niya sa akin, nakatingin sa canvas na dinisplay ko sa pader ng sala.

"Oo," sagot ko naman habang busy pa rin sa pag-aayos. Kung naalala ko lang, sana hindi ko pala muna siya pinapunta.

Falta De Tiempo | ellajasfHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin