chapter 3

14 5 0
                                    

[Bakit nakasimangot ka diyan?] nagtatakang tanong ni Uriyah nang sagutin ko ang tawag niya. [Sige na, 'wag mo na sabihin, alam ko na kung bakit.]

"Alam mo na?" tanong ko, nakakunot ang noo.

[Sinabi na sa akin ni Annette. Huwag mo na masyadong problemahin 'yang mga babaeng 'yan, magbabati-bati rin naman 'yan, hindi nila matitiis ang isa't isa.]

"Panay na nga lang ang bangayan nilang tatlo." sabi ko naman at napabuntong-hininga. "Na-meet na namin kanina si Zeus."

[Sino naman si Zeus?] nakakunot ang noo niyang tanong. [What did I miss? Sino 'yon?]

"Boyfriend ni Leah."

Napa-'o' ang bibig niya at napatango-tango. [Kumusta naman? Mukha naman bang matino?]

"Siguro? Hindi ako sigurado pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko naman masabi kay Leah dahil baka pati sa akin ay sumama rin ang loob niya." malungkot kong sabi.

Balak ko rin namang sabihin pero mukhang alam naman na niya. Observant na tao si Leah kaya kahit hindi ko sabihin, alam niya na 'yon ang nararamdaman ko, tsaka sinabi na rin naman nina Annette at Heileigh lahat ng gusto kong sabihin.

[I hope nalang talaga na mabait 'yang lalaking 'yan. Pangalan pa lang amoy hindi na matino.] natawa siya kaya natawa rin tuloy ako.

"Bahala na, may tiwala rin naman ako kay Leah. May tiwala naman ako sa kanya na maayos ang napili niya. 'Di naman din siguro jojowain ni Leah 'yon kung hindi naman matino."

[Tama,]

Pagkatapos naming magkuwentuhan ni Uriyah ay naisipan kong matulog muna. Wala pa naman kaming pasok kaya chillax muna ako today dahil alam ko, pagkabalik ko sa opisina sobrang dami na namang paperworks ang sasalubong sa akin.

"Liz..."

Patulog pa lang sana ako ngunit bigla akong nakarinig ng boses sa pintuan ng kwarto. Kaagad akong napatayo nang mabosesan kung sino ang nagsalita.

"Heileigh," gulat kong sabi nang makita ang kaibigan ko na magulo na ang tali at umiiyak.

"Lizzy..." umiiyak niyang sabi kaya nataranta kaagad ako, hindi alam ang gagawin. "Ayoko na..." hawak-hawak niya pa ang bag niya kaya kinuha ko 'yon at nilapag sa kama.

"Pumasok ka nga muna rito," sabi ko sa kanya at inalalayan siya sa pagpasok. Pinaupo ko siya sa kama ko bago ko sinarado ang pinto. "Bakit ka umiiyak? Sinong umaway sa'yo? May nangyare ba?"

"Magaling ba talaga ako sa pagte-taekwando, Liz?" tanong niya. Napabuntong-hininga ako nang marinig na lumakas lalo ang iyak niya.

"Heileigh, magaling ka..." pinaharap ko siya sa akin at pinunasan ang mga luha. "Sino bang may sabing hindi ka magaling sa pagte-taekwando?"

"Bakit... bakit parang wala na akong kwenta?" napakunot ako nang marinig ang tanong niya. "Bakit parang wala na akong lakas? Bakit-"

"Sino bang may sabing hindi ka magaling? Sabihin mo sa akin ang pangalan at hahablutin ko talaga ang buhok." inis kong sabi.

"Liz, nawawalan na ako ng pag-asa na makapasok sa national team." tumulo na naman ang mga luha niya. Nalungkot din ako nang marinig 'yon mula sa kanya.

"Ngayon ka pa ba susuko na malapit ka na sa goal mo?" tanong ko, umiwas siya ng tingin. "Heileigh, kung hindi mo na kaya... tigil na." napatingin siya sa akin nang marinig ang sinabi ko. "Pero... sana pag-isipan mo muna nang maayos."

"Hindi ko na alam..."

"Hindi ba pangarap mo 'yon? Hindi ba pangarap natin 'yon? Pangarap ko rin 'yon para sa'yo, pangarap ko 'yon para sa'yo dahil alam kong doon ka sasaya..." hinawakan ko ang kamay niya. "Sana makapasok ka sa national team, isang linggo nalang at makakamit mo na ang tagumpay."

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now