TRACKER'S OBSESSION (Mafia Se...

Von GunBlazin21

2M 48.5K 7.7K

Jeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in MAFIA'S ORGANIZATION, he is indeed skilled when it come... Mehr

SYPNOSIS
DISCLAIMER
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO (Warning)
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE (Warning)
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE (Warning)
CHAPTER THIRTY TWO (Warning)
CHAPTER THIRTY THREE (Warning)
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT (Warning)
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
AUTHORS NOTE

CHAPTER TWENTY SIX

33.4K 890 124
Von GunBlazin21

HINDI KO alam kung san na ako dinala nitong tarantadong lalaki. Minsan, huminhinto sya sa isang fast food chain saka umo-order na kung ano anong pagkain, ayoko sanang kumain ng binili niya pero dahil gutom ako, sympre nagpadala ako sa lamon. Infairness naman walang lason.

Hindi ko rin sya masyadong kinikibo kahit na panay ang daldal niya sakin, Minsan tinatanong niya ako kung bakit wala akong ginawa nong umakyat yong babae sa stage at inanunsyong ikakasal na sila ni Tyler. Gago talaga. Bukod sa hinarangan niya ako, anong panlaban ko dun? Eh fiancee na yon.

“Iuwi mo na ako” -walang gana kong sabi habang nakatingin sa daan, inaantok narin “Pwedi ba?”

“Isang ikot nalang, uuwi na tayo, ayaw mo bang mag beach?”

Napalingon ako dahil sa sinabi niya, gustong gusto kong makita ang dagat sa gabi kahit hindi ako marunong lumangoy. Nakakarelax kasi ang ambiance ng sea shore at kalangitan kapag madilim. Pero dahil kasama ko ang isang to na hindi ko kilala, out muna.

“Ayoko.”

“May alam akong magandang resort dito na maganda” -aniya ulit “Sympre bukod sa Montellion Palace may mas maganda ring tourist destination rito. Gusto mong puntahan natin?”

“Kung kasama kita? Wag nalang”

“Ang lupit mo sakin ngayon ah, I'm trying to be nice here”

Tumingin ako sa kanya nang mapansin ang pait sa boses nito. This guy can't blame me here, hindi ko sya pweding pagkatiwalaan.

Tumahimik ulit ako at tumingin nalang sa daan. Pinipigilan ko ang antok ko dahil baka san pa ako dalhin ng isang to.

“Oh fúck. Damn it”

Rinig kong mura niya kaya napatingin ako sa kanya nang may bahid na pag-aalala “B-bakit? Anong meron?”

“How could I forget it? He's a fúcking tracker. Goddamn this”

“Anong pinagsasabi mo?”

Hindi niya ako pinansin at panay lang ang tingin sa side mirror habang nakabukas ang bintana. Nangunot ang noo ko sa inaasta nito. Dapat na ba akong kabahan sa mga mura niya?

Binilisan niya ang pagda-drive na syang ikinalunok ko ng sunod sunod, titig na titig narin sya sa salamin na parang may tinitingnang na kung sinong tao. Tumingin din ako dun para makialam.

And I am so nervous when I saw an expensive car following us. Sa sobrang bilis ng takbo nito para kaming mga suspect na may ginawang krimen. Talaga bang hinahabol kami niyan?

“Sino yan?” -kinakabahang tanong ko “M-Mamamatay tao ba yan?”

“Hold tight. Kailangan natin makalayo sa kanya”

“B-bakit?”

Inayos ko ng mabuti ang seatbelt ko at kumapit doon ng mabuti. Ang lakas ng tibok nitong puso ko, para ng sasabog sa kaba.

“H-hoy! Dahan dahan lang!” -sigaw ko ng muntik na kaming mabangga sa isang sasakyan na nasa gilid, panay kasi ang over take “Pwedi bang wag kang magpadalos dalos?”

Hindi rin mawala sa bibig niya ang mura kaya naiinis na ako sa kanya. Hindi kami mamamatay sa taong humahabol samin kundi sa katarantaduhan niya! Kung sana hindi niya ako dinala dito edi wala akong problema ngayon!

Kainis!

“Fúck. Sana kanina pa kita inuwi”

“Mabuti't alam mo!” -singhal ko.

Napatingin naman sya sakin habang lukot ang mukha “Can you please stop shouting? Seriously woman, I'm nervous as fúck here tapos dadagdag ka pa”

“Wow” -hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya “Sino nga yong may kasalanan kung bakit tayo hinahabol ng mamamatay tayo na yan!?”

“Fine it's me! Damn it.”

Napasigaw ako sa gulat ng biglang may narinig akong malakas na putok ng baril. “A-Ano yon?”

“He's mad. I'm fúcking dead now”

“A-Ano?”

Napatingin ako sa harap ng sasakyan ng may mabilis na humarang sa daraanan namin. Malakas ang prenong binitawan nitong kasama ko kaya muntik na akong masubsob sa dashboard, buti nalang naiharang niya agad ang braso pero sa kasamaang palad na-untog pa rin ako.

“I'm gonna die” -ani nito kaya tinignan ko sya nang masama.

“Hindi ka ba kikilos jan! Paandarin mo na yang pesteng sasakyan mo!”

“I'll talk to him”

“Talk? Him? Sino?”

Walang buhay niyang isinandal ang ulo sa headboard nitong sasakyan. Kagat kagat niya ang kanyang labi hanggang sa may biglang bumasag ng salamin sa mismong pinto nitong kotse.

“Oh my god!!” -sigaw ko dahil sa sobrang gulat.

Mabilis niya akong niyakap at pinadapa dahil baka mapuruhan ako sa talsik ng babasaging krystal—mala krystal kasi ang desinyo nitong pinto niya.

“Putangina!”

Mabilis pa sa alas kwatro kong inangat ang ulo dahil sa boses na nakakasindak. At halos pinunit ang puso ko ng makita ang lalaking kanina ko pa iniisip.

Ang itsura niya, hindi ko na halos maintindihan. Magulo ang kanyang buhok at tila galing lang kakasabunot, yong sleeve ng polo niya magusot habang nakabukas ang butones sa dibdib at wala na sa ayos ang necktie. Ang kanyang mukha ay puno ng galit. And I bet my life kanina niya pa ako hinahanap.

“Papatayin kitang tangina ka”

Madaling natanggal ni Tyler ang seatbelt nito kaya nataranta ako. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya yong kasama ko palabas at agad kinaladkad gamit ang isang kamay.

Binuksan ko ng mabilis ang pinto ng kotse at lumabas. Dumagundong ang puso ko sa kaba ng makita ang itsura nong Matthew na nakahandusay sa sahig habang may dugo sa ilong at bibig.

“Die!” -sigaw ni Tyler at agad hinila ito patayo saka sinuntok ulit sa panga “Fúcking Die!”

Tumakbo ako papunta sa kanya saka pumagitna. Habol habol ko ang hininga na tumingin sa kanya. This is him. Yong Tyler na mabagsik na nakilala ko noon sa mansion nila. Ang Tyler na handang pumatay sa kahit sino, ito talaga sya.

“T-tama na” -mahinang awat ko “Tama na. H-hindi niya kasalanan, ako yong sumama sa kanya”

Nagbago ang itsura ng mukha niya at agad na tiningnan ng masama yong lalaki “You—”

Hindi ko na hinintay na mabasag pa niya ulit ang mukha nito, hinila ko na ang braso niya palayo. Mabilis ko naman syang hinawakan sa mukha.

“I'm fine. Walang nangyaring masama sakin kaya kumalma ka na, okay? Tyler natatakot na ako sa itsura mo” -pag-amin ko “Please? Tama na”

Nakita ko na naman ang pagbuo ng luha sa mga mata nito. Ibang iba sya sa twing ako na yong makakaharap niya samantalang para syang serial killer kanina. Hindi ko akalain na kaya niyang mambasag ng salamin ng dahil sa galit.

Sya rin ba yong narinig kong nagpaputok ng baril?

“I'm so worried” -hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap, isinubsob naman niya ang ulo sa leeg ko. “I wanted to kill him”

“Stop saying that”

“Inaagaw ka niya sakin”

“Ayan ka na naman” -sita ko “Hindi niya ako inaagaw sayo”

“Pero kinuha ka niya. Sumama ka, iiwan mo ba ako?” -humigpit ang yakap niya sakin “Baby love, iiwan mo ako?”

“Tyler.”

“Don't leave me. Please”

“Don't you dare cry” -banta ko

Huli na ng mapagtanto kong sumisinghot na sya at maramdamang namamasa ang balikat ko.

He's really crying!

“Tyler naman...”

“I'm sorry. I... I cant help it. You said you're scared of me”

“H-hindi naman yon yong ibig kong sabihin”

“Sumama ka parin sa kanya”

“G-Gutom kasi ako kaya.. kaya ako sumama” -pagsisinungaling ko “Sorry”

Humiwalay sya sa yakap. Pambihira namang lalaki ito, hindi ko akalain na ganito talaga sya sa twing may hindi kami pagkakaunawaan. “You could've at least tell me”

“Pasensya na” -napayuko ako “Sabi mo kasi, party is over kaya akala ko wala ng kainan.”

Kumunot ang kanyang gwapong nuo.

“Sana lumapit ka sakin”

“Pano naman ako lalapit eh may fiancee ka na”

Umiba ang itsura ng mukha niya nang banggitin ko yon.

“If there's only woman who I want to marry with, it's you baby, it's only you. No one can marry me but you, no one else can marry you too but me. Only me” -he breath “It's a misunderstanding. Kung ano man yong narinig mo, that's not true”

Napatitig ako sa mga mata niya nang kumuwala sya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.

“Bakit mo sya sinuntok?” -tanong ko patungkol dun sa lalaking hinila niya lang na parang sako kanina at binugbog na parang basahan “He don't deserve your punch”

Dumilim na naman ang mukha niya. Tila ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “What I did to him is right. He got to you without my permission, hell... even if he told me, I wouldn't let that fúcktard get close to you, no fúcking way.”

“He didn't do something bad to me” -pagtanggol ko parin “He's nice”

“Baby, why are you siding him now? Do you like him?” -his eyes blaze with fire “I'll kill him then”

Hinila ko sya sa kamay at binantaan ng tingin, para naman syang tuta na sumunod sakin. Kailangan ko syang paamuhin dahil baka mamaya manggulo na naman, nahihirapan ako kapag galit na yong komokontrol sa kanya. Yong tipong kahit ako natatakot na, iba kasi ang itsura niya kapag nanununtok, ibang iba sa twing magkasama kami.

Hinanap ng mata ko yong lalaki para sana makapagpasalamat. At ng makita ito, napatanga ako saglit, mukha syang tanga na hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon kay Tyler. Lukot na lukot ang mukha nito na tumingin saming dalawa.

“Thank you for damaging my oh so fúcking car, you tore it out well” -napahinto sya ng mabilis “And oh? Sinira mo rin pala mukha ko, thank you ha?”

“I should've kill you” -banta nitong katabi ko, kinurot ko naman sya sa tagiliran kaya napahiyaw sya sa sakit.

Tumingin sya sakin suot ang nakakaawa niyang mukha. “Baby, what the hell was that for?”

“Puro ka nalang patayan”

“I hate him”

“Hindi porket hate mo, babantaan mo na”

“Why does it feel like you like him?”

Masama ko syang tinignan. “Isa pang pagbabanta mo, sasapakin kita”

Agad naman syang tumahimik. Tumingin ako sa kung ano mang pangalan nitong tarantadong lalaki na ngayon ay paikaikang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Para syang baliw habang hinahaplos haplos ang sasakyan nito at kinakausap na parang tanga.

Haist, required ba pag gwapo may saltik?

“Hoy!” -sigaw ko

Lumingon naman sya sakin suot ang nakakunot niyang nuo. “I already told you my name, I'm not hoy”

“Pasensya na, nakalimutan ko”

“Seriously?”

Napangiwi ako nang palihim, hindi ko alam na sensitive pala sya kapag may taong hindi nakakaalam ng pangalan niya. “Salamat pala sa pa round trip mo at sa pagkain kahit na muntikan na akong mamatay” -sabi ko “Kahit papano dinagdagan mo ang stress ko sa katawan”

Ngumiti sya sakin. “Marunong ka palang magpasalamat”

“Oo naman. Kahit na muntik ko ng makita si San Pedro magpapasalamat parin ako”

“Tss” -napailing sya “Right.”

Akmang tatalikod na ako para sana makaalis ng mapahinto ulit, natakot na naman ako nang makita ang mukha ni Tyler na sobrang dilim—na naman. Tagpo ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa binugbog niya kanina.

“Tyler?” -tawag ko sa pangalan niya

“He smiled” -nanggigigil niyang sambit “He fúcking smile. I want to rip that fúcking lip out of his face so that he can't talk to you again. He's seriously pissing me off”

“Halika na”

“Five punch are not enough”

“Tyler.”

“He took you away from me. He touched you, and I want him dead. He smiled at you, and I want to shatter those lips. He talked to you without my consent,” -he stopped. “In short— he wanted to díe”

“Tyler, that's enough”

Umiwas sya nang tingin at naiinis na napabuga ng hangin. Hinila na niya ako papunta sa kotse niya, it's a Koegnigsegg jesko. Pinapasok niya ako sa loob ng hindi kinakausap, pumasok sya sa driver seat at mabilis yong pinaandar. Para namang pinisil ang puso ko dahil sa katahimikan. Bakit nga ba umiba na naman mood nito?

MAKALIPAS ANG ilang oras ay nakarating kami sa hotel niya. Yumuko ang ilang guwardya ng makita ang kotse nitong papasok, ipinark niya ang sasakyan saka sya lumabas. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilalayan akong bumaba. Tahimik parin sya at hindi nagsasalita.

Binuksan ng guard ang pinto papasok sa hotel kaya't pumasok kami. Napapatingin sa amin ang lahat nang tao ng makita nila kaming naglalakad. Pumasok kami sa elevator ng tahimik, hindi sya kumikibo kaya ganon rin ang ginagawa ko, alam ko namang nag-aalala sya.

Lumabas kami sa elevator habang hila hila niya ako sa bewang. Hindi rin ako masyadong makalakad ng maayos dahil sa gown. Napahinto ako sa paglalakad ng makita na hindi ko kwarto ang papasukin namin.

“Bakit tayo nandito?” -sabi ko sa kanya “H-hindi dito ang kwarto ko”

“You'll stay in my room”

Hinila niya ako papasok. “T-Tyler?”

“We have 3 restroom here. Take a shower, I know you're tired”

Umalis sya sa harapan ko at dumeritso sa closet, napahilamos naman ako sa mukha dahil sa inis.

Kasalanan ko ba talaga? Bakit ganon yong itsura niya? Napaupo ako sa malaking kama, it's his birthday tapos sinira ko lang. Bakit nga ba hindi ko naisip yon?

Stupid.

FIFTEEN minutes had passed nakabusangot parin ako at hindi ko alam kung bakit ayokong tumayo o magbihis. Laman ng isip ko ang pananahimik ni Tyler, seryoso hindi talaga ako sanay.

“You haven't taken a shower yet. What's wrong?”

Lihim akong napasinghap ng bigla syang sumulpot. Nakabihis na sya't lahat. Nakasuot na kasi sya nang pantulog. “D-dun nalang ako matutulog sa ibang kwarto” -sabi ko “Pwedi ba?”

“What? Why?”

Umiwas ako nang tingin. “I was thinking na baka pweding lumayo muna ako for your peace of mind, I... I uh, I think kailangan muna natin ng space ngayong araw kasi pareho tayong—”

“No” -he protested “Fúcking no”

“Ty—”

“—No” -he cut me off  “You're not going anywhere, you'll stay here beside me. Fúck that space. Why the hell would we need that anyway?”

“Galit ka kasi”

“Huh?” -mahina niya akong hinawakan sa braso “Ako? Galit? Kanino? Sayo?”

“H-Hindi mo ako kinikibo”

“Baby” -he shook his head “Why the hell would you think that way? I'm not mad at you okay? The fúck. I will never be mad at you. I'm just so terrified, you see? I can't control myself when it comes to you”

Tumingin sya sa mga mata ko “Honestly, I am afraid that you'll leave me because you always see me starting a fight with everyone who gets in touch with you.” -he let out a weary sigh “Napakaseloso ko inaamin ko yan, madali lang akong magalit sa twing may mga lalaking umaaligid at nagpapapansin sa'yo. Galit ako dahil hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko. And even if I tried I know that's no use. Ayokong lumalapit sila, naiinis ako. Gusto ko sa'akin ka lang, hindi ka pweding sumama sa kahit sino, ayokong nakikipag-usap ka na hindi ako kasama. Akin ka lang dapat”

Hinalikan niya ako sa nuo.

“No space, hmn?”

Napatanga ako nang wala sa oras, he lifted my chin dahilan para matitigan ko ang mga mata nito. “You're not gonna leave me right?” -he added

Napalunok ako nang sunod sunod. “N-No. I'm... I'm not gonna leave you.”

“That's good to hear”

Malalim ulit syang napabuga ng hangin na syang ikinakaba ko naman ng palihim. Tyler was so good to be true. And because he look so unreal, parang feeling ko nananaginip ako nang sobrang tagal. I don't wanna wake up from this dream, I swear gusto kong palagi syang nasa tabi ko, ayokong masanay, pero alam kong huli na.

KINABUKASAN, late na akong nagising dahil late din akong natulog kagabi, magkaiba kami nang kama ni Tyler. Hindi kami tabi matulog dahil alam kong neririspeto niya ako, at masaya ako dahil ganon sya sakin.

Though, I know makailang ulit na syang nakahalik sa mukha ko. But I won't take it in a negative way; it's more of a sweet gesture for me.

“Morning, beautiful”

Ngumiti ako sa kanya habang nakatagilid sa kama. “Morning”

“If this is a feeling having a wife, then I can't wait to marry you”

Pigil ko ang pamumula ng pisngi dahil sa sinabi niya. Palagi na niyang sinasambit ang kasal kasal na yan. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko naman kasi alam ang status naming dalawa, on the second thought hindi ko pa alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

Naglakad sya papunta sa kama ko habang suot parin ang ngiti sa labi. He has this sweetest smile that can light up the whole room.

“You hungry?”

Tumango ako na parang bata. He then chuckled while caressing my cheek, giving me a peck on the tip of my nose. “Kanina pa naghihintay sila King sa baba, kakain tayo kasama sila”

Kumunot ang nuo ko sa sinabi nito. “Sinong King?”

“I mean, Achelios. Dress yourself up baby”

Bumangon na ako sa kama saka dumeritso sa banyo. Nagmumog ako nang tubig saka naghilamos. Kakaligo ko lang kagabi kaya magbibihis na lang ako. Dumeritso ako sa closets so I can change already, nakita ko pa si Tyler na nagbabasa ng dyaryo habang nakasuot ng spec. Ah shit. Ang hot naman talaga. Paano kaya niya nakakayanang gumising ng ganyan ka gwapo kahit wala naman syang ginagawa?

Bago pa makagawa ng hindi tama ang mga mata ko ay dumeritso na ako sa loob ng maraming kagamitan. Naghanap ako nang pweding pambihis ngunit napabagsak ang balikat ng makita na walang pambabaeng damit. Ano namang susuotin ko?

Naka-bra at panty naman na ako kaya pipili nalang siguro ako nang damit na pweding kumasya sakin.

Kinuha ko ang isang gray na T-shirt na may nakatatak na Cool down na hanggang tuhod ang size. Kumuha din ako nang malaking pants na buti nalang kumasya sa bewang ko. Nag tsinelas lang din ako at saka inayos ang buhok. Bun lang saka nag-iwan ng iilang baby hair sa gilid.

Lumabas ako nang closet at nakita ko si Tyler na may kausap sa telepono. Seryoso ang boses niya na akala mo may kaaway.

“I don't fúcking care kung aabuting ng ilang oras, I want that magazine out of my sight. That's fúcking fake news! I would never marry someone like that bitch! She ruined my party last night and she's pushing me on the edge. Clean that messed and call my attorney—” -he paused “As fast as you can”

Galit nitong hinagis ang telepono sa kama. Lumapit naman ako sa kanya nang dahan dahan.

“Tyler?” -tawag ko sa pangalan nito na ikinalingon niya nang mabilis.

“B-baby?” -he looked so startled “Kanina ka pa jan?”

“May problema ba?”

Nginitian niya ako, pero yong ngiti niya hindi abot hanggang tenga. “It's a little problem” -he took a step forward “Later on okay na. I'm sorry”

Niyakap niya ulit ako gaya ng nakagawian. “That bitch is giving me a head ache”

“Sino?”

“Shire Claire Voya” -walang pag-alinlangang aniya “A fúcking slut that ruined my day last night”

Agad kong naintindihan ang sinasabi niya. Wala naman kasing ibang babae na nanggulo kagabi sa party. That woman, hindi ko alam kung anong problema niya sa sanlibutan at bakit kailangang ipagsigawan niya sa buong mundo na ikakasal na sila ni Tyler.

“Bakit niya sinabi sa lahat na ikakasal na kayo?” -tanong ko “May usapan na ba kayong dalawa tungkol sa marriage na yan?”

Nalukot ang mukha niya sa tanong ko. “Baby, let's not talk about her, I fúcking hate her”

“What if she really wanted to marry you?”

“Love, please... don't talk about her. Baka magalit ka lang sakin dahil sa kanya”

“Hindi ako magagalit”

She's nothing important,” -he puffed some air. “And unimportant people like her don't need a chance to talk about. I don't like to hear her name.”

“Just answer my question, what if she insists on your marriage?”

He stared on me. “Then the hell will be damned. In her dream”

“Hindi ka ba nagagandahan sa kanya?”

Nagtagpo ang kilay nya sa isa't isa, tila ba nandidiri. “No. She's nothing but a smut”

“You don't find her attractive?”

“Fúcking No. She's not you and she will never be like you”

“You don't find her nice?”

He scoffed. “Nice? There's only one person who I always find nice, elegant and gorgeous and perfectly perfect” -ngumiti sya sakin “That is you”

“You don't—”

“—baby” -he cut me off “Let's stop talking about her, please”

Tumango ako kaya kumalas na sya sa pagkakayakap. Nailang ako ng tinignan niya ako nang matiim.

“You're very beautiful”

Namula ako sa sinabi nito. He always compliment me. Palagi niyang sinasabi kung gaano ako kaganda, kabango, ka akit-akit sa paningin niya, kung gaano nya ako kamahal, kung gaano niya ako ipinagmamalaki sa buong mundo.

I am incredibly happy. He loves me unconditionally, he is always there for me like a knight in shining armor. He maybe obsessed with me, and I'm not sure how our story will end. But I want to express how truly blessed I feel to have him in my life.

No lies.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
666K 18K 46
Aztic Damein Brunswick Luneburg is a Sniper in MAFIA'S ORGANIZATION. Some people known him as Lightning Axelium. He is a prince, a male ruler of a fi...
3.4M 73.3K 40
WARNING: SPG Isang maarte, mayabang, spoiled brat, childish, at mahilig sa away na babae. A bad girl named Eliza Gozon, ay bigla na lamang mapupun...
10.2M 144K 25
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...